530 Ang Lubos na Kinamumuhian ng Diyos ay ang Pagkasuwail at Pagbalik sa Dating Ugali ng Tao

1 Ang likas na pagkatao ng tao ay nananatiling hindi nagbabago. Ang nasa puso nila ay hindi alinsunod sa Aking kalooban—hindi iyon ang kailangan Ko. Ang kinamumuhian Ko sa lahat ay ang katigasan ng ulo at pagbalik sa dating gawi ng tao, ngunit anong puwersa ang nag-uudyok sa sangkatauhan na patuloy na mabigong makilala Ako, na lagi Akong layuan, at hindi kailanman kumikilos ayon sa Aking kalooban sa Aking harapan kundi sa halip ay nilalabanan Ako pagtalikod Ko? Ito ba ang kanilang katapatan? Ito ba ang pagmamahal nila para sa Akin? Bakit hindi sila makapagsisi at maisilang na muli? Bakit handang mamuhay ang mga tao sa latian magpakailanman sa halip na sa isang lugar na hindi maputik? Naging masama kaya ang naging pagtrato Ko sa kanila? Mali kaya ang direksyong naituro Ko sa kanila? Inaakay Ko kaya sila sa impiyerno?

2 Lahat ay handang manirahan sa “impiyerno.” Kapag dumarating ang liwanag, dagling nabubulag ang kanilang mga mata, dahil lahat ng bagay na nasa kanilang kalooban ay nagmumula sa impiyerno. Subalit walang alam ang mga tao tungkol dito, at nagtatamasa lamang ng mga “pagpapala ng impiyerno.” Hinahapit pa nila ang mga ito sa kanilang dibdib bilang mga kayamanan, sa takot na baka agawin Ko ang mga kayamanang ito, kaya naiiwan silang walang “pinagmulan ng kanilang buhay.” Takot ang mga tao sa Akin, kaya nga, kapag pumaparito Ako sa lupa, nananatili silang malayo sa Akin, sapagkat ayaw nilang “maghatid ng problema sa sarili nila,” kundi sa halip ay nais nilang mapanatili ang pagkakasundo sa kanilang pamilya upang magtamasa sila ng “kaligayahan sa lupa.”

3 Mula nang dumating Ako, nawala ang kapayapaan sa kanilang tahanan. Balak Kong durugin ang lahat ng bansa sa maliliit na piraso, pati na ang pamilya ng tao. Sino ang makakatakas sa Aking pagdakma? Maaari kayang makatakas yaong mga tumatanggap ng mga pagpapala dahil sa kanilang pag-ayaw? Maaari kayang matamo ng mga nagdaranas ng pagkastigo ang Aking pagdamay dahil sa kanilang takot? Sa lahat ng Aking salita, nakita na ng mga tao ang Aking kalooban at Aking mga kilos, ngunit sino ang makakahulagpos kailanman sa gusot ng sarili nilang mga kaisipan? Sino ang makakahanap ng paraan kailanman para makalabas mula sa loob o labas ng Aking mga salita?

Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob, Kabanata 27

Sinundan: 529 Huwag Ninyong Palayawin ang Inyong Sarili Dahil ang Diyos ay Mapagparaya

Sumunod: 531 Napakahirap Iligtas ng mga Tao

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito