Tanong 4: Tungkol sa sinabi mo na paggamit ng mga huwad na Cristo sa Biblia at pagpapakita ng mga palatandaan at kababalaghan para linlangin ang mga tao, naiintindihan ko na ito ngayon. Pero meron pa rin akong gustong itanong. Sinasabi ng ilang huwad na Cristo na bumaba sa kanila ang Espiritu ng Diyos. Nagpapanggap na sila ang nagbalik na Panginoong Jesus at nililinlang ang ilang tao. Paano natin makikilala ito?

Sagot: May madaling paraan para makilala ang mga huwad na Cristo. Si Cristo ang Diyos na nagkatawang-tao, ang Espiritu ng Diyos bilang katawang-tao. Hindi bumaba ang Espiritu ng Diyos sa Kanya pagkatapos lamang. Ipinanganak si Cristo na ganoon; Siya ang Cristo mula pa noong ipinanganak Siya. Ipinanganak siyang Cristo at walang-hanggang magiging Cristo. Hindi pwedeng maging Cristo kung hindi ipinanganak na ganoon. Tulad ng Panginoong Jesus na Cristo na mula pa noong ipinanganak, hindi lamang noong bumaba sa Kanya ang Banal na Espiritu. Noong bininyagan ang Panginoong Jesus, bumaba sa Kanya ang Banal na Espiritu na parang kalapati. Sinabi ng isang tinig mula sa taas: “Ito ang sinisinta kong Anak, na siya kong lubos na kinalulugdan(Mateo 3:17). Ito ang pagpapatotoo ng Banal na Espiritu, para ipaalam sa mga tao na ang Panginoong Jesus ang Diyos mismo na nagkatawang-tao. Mula noon, sinimulan nang ipatupad ng Panginoong Jesus ang Kanyang ministerio para sa Kapanahunan ng Biyaya. Sinasabi ng Makapangyarihang Diyos na nagkatawang-tao sa mga huling araw ang mga katotohanan para patotohanan na Siya ang Cristo, ang ating Diyos na nagkatawang-tao. Ang diwa ni Cristo ay ang katotohanan, ang daan, at ang buhay. Samakatuwid, kapag darating si Cristo para gumawa, siguradong ipapahayag Niya ang mga katotohanan, habang ang mga huwad na Cristong nagsasabi na bumaba sa kanila ang Espiritu ng Diyos, wala silang maipapahayag na kahit anong katotohanan. Sapat ito para patunayan na masasamang espiritu sila na nagpapanggap na Cristo para linlangin ang mga tao. Samakatuwid, lahat ng mga huwad na Cristong nagsasabing bumaba sa kanila ang Espiritu ng Diyos, ay nasasaniban ng masasamang espiritu. Ito ang katotohanan. Tulad ng sinasabi ng Panginoong Diyos: “May ilang sinasaniban ng masasamang espiritu at malakas na sumisigaw ng, ‘Ako ang Diyos!’ Ngunit sa katapusan, sila ay nabubunyag dahil sila ay mali sa kanilang kinakatawan. Kinakatawan nila si Satanas, at hindi sila binibigyang-pansin ng Banal na Espiritu. Gaano man kataas ang pagpapahalaga mo sa iyong sarili o gaano ka man kalakas sumigaw, ikaw ay isang nilalang pa rin at isa na nabibilang kay Satanas. … Hindi mo kayang maghatid ng mga bagong landas o kumatawan sa Espiritu. Hindi mo kayang ipahayag ang gawain ng Espiritu o ang mga salita na sinasabi Niya. Hindi mo kayang gawin ang gawain ng Diyos Mismo o yaong sa Espiritu. Ang karunungan, pagiging kamangha-mangha, at pagiging di-maarok ng Diyos, at ang buong disposisyon sa pagkastigo ng Diyos sa tao—lahat ng ito ay higit sa iyong kakayahang magpahayag. Kaya walang saysay na angkinin mo na ikaw ang Diyos; magkakaroon ka lamang ng pangalan ngunit hindi ng diwa. Dumating na ang Diyos Mismo, ngunit walang nakakakilala sa Kanya, gayunman patuloy Siya sa Kanyang gawain at ginagawa ang gayon sa pagkatawan sa Espiritu. … Siya ang nagkatawang-taong laman ng Espiritu ng Diyos; kinakatawan Niya ang Espiritu at sinasang-ayunan ng Espiritu. Kung hindi mo kayang gumawa ng daan para sa isang bagong kapanahunan, o dalhin ang dati sa katapusan, o maghatid ng isang bagong kapanahunan o gumawa ng bagong gawain, hindi ka maaaring tawaging Diyos!(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao 1).

Hindi Cristo ang isang tao dahil lamang sinabi nila. Kung hindi kayang sabihin ng isang tao ang lahat ng katotohanan para iligtas ang sangkatauhan, kung hindi magagawa ng isang tao ang gawaing pagtahol ng Diyos ng mga huling araw, o simulan ang isang bagong panahon at tapusin ang luma, kung gayon kahit paano pa niya iproklama ang sarili niya bilang Cristo, impostor pa rin siya. Si Cristo na nagkatawang-tao ng mga huling araw Ang Makapangyarihang Diyos, nagpapahayag ng lahat ng katotohanan para hatulan at linisin ang tao, isinasagawa ang gawaing paghatol mula sa bahay ng Diyos, tinatapos ang Kapanahunan ng Biyaya at sinisimulan ang Kapanahunan ng Kaharian. Ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay pagpapahayag ng disposisyon ng Diyos at kung ano ang mayroon at kung ano ang Diyos. Katotohanan ito sa buhay na dapat taglay ng lahat ng tao. Malulutas nito ang lahat ng problema ng pagtutol ng masamang tao sa Diyos at pagtataksil sa Kanya. Para maintindihan natin ang gawain ng Diyos at ang Kanyang disposisyon at diwa, Isang napakahalagang bagay nito. Ibinunyag ng Makapangyarihang Diyos ang lahat ng misteryo ng 6,000 taon plano sa pamamahala ng Diyos at ang kuwento at diwa ng tatlong yugtong gawain ng Diyos, at inilantad din kung paano pinasasama ni Satanas ang tao at paano unti-unting inililigtas ng Diyos ang tao, pati na rin ang pangangailangan at mahalagang kahulugan ng gawaing paghatol ng Diyos ng mga huling araw, paano mababago ng tao ang kanilang pagkamakasalanan at makawala kay Satanas at makamit ang kaligtasan, paano sila magiging isang tao na nagpapatupad ng kalooban ng Ama sa langit, anong klase ng mga tao ang inililigtas ng Diyos at ang Kanyang mga tinatanggal, anong klase ng tao ang madadala sa kaharian ng langit, paano ihihiwalay ang mabuti sa masama, paano ipinapasya ng Diyos ang katapusan ng bawat tao, at iba pa. Ang lahat ng katotohanan at misteryo sa pagliligtas at pagpeperpekto sa tao ay binuksan na ng Makapangyarihang Diyos sa sangkatauhan. “Mayroon pa Akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni’t ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma’y kung Siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan Niya kayo sa buong katotohanan: sapagka’t hindi Siya magsasalita ng mula sa Kanyang Sarili; kundi ang anumang bagay na Kanyang marinig, ang mga ito ang Kanyang sasalitain: at Kanyang ipahahayag sa inyo ang mga bagay na magsisidating(Juan 16:12–13). Ang gawain ng Makapangyarihang Diyos ay ang gawain ng Kapanahunan ng Kaharian, at gawain din na tumatapos sa madilim at masamang mundo na ito. Ganap na pinatutunayan ng gawain ng Makapangyarihang Diyos na ang Makapangyarihang Diyos ang Cristo ng mga huling araw, ang pangalawang pagdating ng Panginoong Jesus.

mula sa iskrip ng pelikulang Sino Siya na Nagbalik

Sinundan: Tanong 3: Pinatotohanan mo na ang Makapangyarihang Diyos at ang bumalik na Panginoong Jesus. Pero sa South Korea, may mga taong nagpapanggap bilang ang nagbalik na Panginoong Jesus. May mga sinabi rin silang mga salita at naisulat na mga libro. Nagkaroon din ng mga tagasunod ang iba. Gusto kong pakinggan ang masasabi mo sa kung paano makikilala ang mga salita nitong mga huwad na Cristo.

Sumunod: Tanong 1: Pero naniniwala kaming, darating Siya dahil, Dadalhin Niya ang mga mananampalataya. Di Niya pwedeng gawin ang gawain ng paghatol sa mga huling araw, para gumawa ng mga mananagumpay. Itinaas ng Diyos si Brother Lin at ginamit siya. Ginabayan Niya kami para, maging bago, mabago, sumunod, at maluwalhati para maging mga mananagumpay. Sa pagbalik Nya, ang iglesya namin ang unang madadala Pinatotohanan ninyo na Diyos lamang ang makakagawa ng mga mananagumpay. Gusto kong itanong: Kung magpapatuloy tayo ayon sa paraan ng pamumuno ni Brother Lin, hindi ba tayo magagawang mga mananagumpay?

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Tanong 3: Simula nang pag-aralan natin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, Kapatid na Zhang, Kapatid na Xu, simula nang pag-aralan natin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, mas lalong kinokondena ng mga pastor at elder ng relihiyon ang Makapangyarihang Diyos, ginagawa nila ang lahat para hadlangan tayo sa pag-aaral ng totoong daan. Hindi ito naiba sa pagkalaban at pagkondena noon ng mga Judiong Fariseo sa Panginoong Jesus! Nag-iisip-isip ako nitong, bakit dalawang beses na nagpakita ang Diyos sa katawang-tao para gumawa at makalawang nakaharap ang pagkondena at pang-uusig ng lahat ng relihiyon at ng gobyernong ateista? Sa mga huling araw, nagpapakita at gumagawa ang Makapangyarihang Diyos para lamang ipahayag ang katotohanan, sa pagsasalita at paggawa para linisin at iligtas ang sangkatauhan. Bakit matindi ang galit kay Cristo ng mga relihiyon at ng gobyernong Komunista ng Tsina? na pinakikilos pa nila ang media corp at sandatahang puwersa ng pulisya para ikondena, lapastanganin, hulihin at patayin si Cristo? Dahil dito naaalala ko noong narinig ni Haring Herodes na ang Hari ng mga Judio, o ang Panginoong Jesus ay isinilang, ipinapatay niya ang lahat ng lalaking sanggol sa Bet-lehem na wala pang dalawang taong gulang. Mas gugustuhin niyang ipapatay ang libu-libong inosenteng mga sanggol kaysa hayaang mabuhay si Cristo. Noong dumating ang Diyos sa katawang-tao para sa kaligtasan ng sangkatauhan, bakit hindi tinanggap ng mga relihiyon at gobyerno ang Kanyang pagdating kundi galit na galit na kinondena at nilapastangan ang pagpapakita at gawain ng Diyos? Bakit inubos niya ang kabuhayan ng buong bansa para lang maipako sa krus si Cristo? Bakit napakasama ng sangkatauhan at matindi ang galit laban sa Diyos?

Sagot: Ang tanong na ito ay napakahalaga, at iilan lamang sa buong sangkatauhan ang makauunawa dito nang lubusan! Ang dahilan ng matinding...

Tanong 8: Ang sinabi mo tungkol sa pagpunta sa impiyerno dahil sa pagkalaban sa Diyos, hindi ako naniniwala d’yan. Sino na ang nakakita sa impiyerno? Ano ang hitsura ng impiyerno? Ni hindi ko alam kung mayroon ngang Diyos. Hindi ko kinikilala na mayroong Diyos. Mayroon nga bang Diyos? Sino na ang nakakita sa Diyos? Kung ang Makapangyarihang Diyos ang tunay na Diyos, kapag desperadong tinutuligsa at inaatake ng CCP ang Makapangyarihang Diyos, bakit hindi pa ito pinupuksa ng Diyos? Kung ibubunyag ng Diyos ang Kanyang walang-hanggang kapangyarihan at pupuksain ang Communist Party, Siya nga ang tunay na Diyos. Sa gayong paraan, kailangang kilalanin ng buong sangkatauhan na ang Makapangyarihang Diyos ang tunay na Diyos, kahit ang CCP ay kailangang manikluhod at sumamba sa tunay na Diyos. Sino ang mangangahas na kalabanin ang Diyos? Pero ano ang totoong nangyari? Ang nakita ko ay inaaresto ng mga pulis ng CCP ang mga nananalig sa Diyos sa lahat ng dako. Marami sa mga nananalig sa Diyos ang ibinilanggo, pinahirapan at nilumpo. Marami sa kanila ang pinatay. Gayunman, iniligtas ba sila ng Diyos n’yo? Paano nito mapapaniwala ang isang tao na totoo ang Diyos na pinananaligan n’yo? Hindi ko talaga kayo maunawaan. Tunay ba o huwad ang Diyos na pinananaligan n’yo? Nangangamba ako na ni hindi n’yo ito alam. Kung gayon, hindi ba kahangalan ’yan? Ano ang batayan n’yo sa pagsasabi na ang Diyos na pinananaligan n’yo ang tunay na Diyos? Malinaw ba n’yong maipapaliwanag ’yan?

Sagot: May karanasan na kayo. Tungkol sa pag-iral at pangingibabaw ng Diyos, talaga bang wala kayong alam? Mula nang likhain ang mundo,...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito