286 Maging Matapang sa Daan ng Pagmamahal sa Diyos
1 Ang malubak na daan na ito ay mas lalong ginagawang dalisay ang pag-ibig ko sa Diyos. Ang paghatol at pagpipino ng mga salita ng Diyos ang palagian kong kasama; ang matuwid na paghatol ng Diyos ay pumapaso sa akin tulad ng isang nagngangalit na apoy. Sa pamamagitan ng masakit na pagpipino, nakilala ko sa wakas ang sarili ko, at nakitang ginawa akong tiwali nang husto ni Satanas hanggang sa halos wala na akong bakas ng pagkatao. Ang paghatol at pagkastigo ng Diyos ang nagpadalisay sa aking tiwaling disposisyon; sa pamamagitan ng mga pagsubok at pagpipino, lubha akong nakinabang at natutong magpasakop.
2 Sa pagkakita kung gaano kaibig-ibig ang Diyos, higit pa akong napalapit sa Kanya. Ang taos-puso kong hiling ay ang makapagbigay ng mabuting patotoo para sa Diyos. Nakita kong ang pagkastigo at paghatol ay mga pagpapala mula sa Diyos; ang isang tao ay kailangang dumanas ng maraming pagsubok upang makamit ang katotohanan at magawang perpekto ng Diyos. Ang mga tamad at duwag ay hindi makapagpapatotoo para sa Diyos; kung maaari akong maging angkop para gamitin Niya, handa akong magdusa para doon. Sa pamamagitan ng pag-uusig at paghihirap, mas nagiging matatag ang pag-ibig ko sa Diyos.
3 Si Cristo ng mga huling araw ay nagdadala ng daan tungo sa buhay na walang hanggan, at ang paghatol at pagkastigo ng Diyos ay tunay na pag-ibig. Sa pamamagitan ng pagsailalm sa paghatol, nalaman ko na sa wakas ang pagiging matuwid at kabanalan ng Diyos. Dahil sa paggalang at pagpapasakop sa Diyos, natikman ko ang Kanyang pag-ibig. Ang mas matinding paghatol at pagpipino ay mas kapaki-pakinabang sa akin. Sa pagdanas ng matinding sakit, nakakamit ko ang katotohanan at naisasabuhay ang tunay na wangis ng tao. Inaalay ko ang buo kong pagkatao para suklian ang pag-ibig ng Diyos, at ako’y magiging ganap na matapat. Taimtim kong iniibig ang Diyos, ibinibigay ang lahat-lahat ko para sa Kanya. Tinutupad ko ang aking tungkulin upang mapalugod ang kalooban ng Diyos. Ginagawa ko ang lahat ng aking makakaya upang makamit ang katotohanan at buhay. Puspos ng kumpiyansa, ako’y mabilis na humahakbang patungo sa isang tunay na buhay. Isinasabuhay ko ang wangis ng isang tao upang masuklian ang pag-ibig ng Diyos.