727 Dapat Sundin ng mga Nilikhang Nilalang ang Lumikha
1 May isang pangunahing prinsipyo sa pagtrato ng Panginoon ng paglalang sa mga nilikha, na siya ring pinakamataas na prinsipyo. Kung paano Niya tratuhin ang mga nilikha ay lubos na nababatay sa Kanyang plano ng pamamahala at sa Kanyang mga kahilingan; hindi Niya kailangang sumangguni kaninuman, ni hindi Niya kailangang pasang-ayunin sa Kanya ang sinuman. Anuman ang dapat Niyang gawin at paano man Niya dapat tratuhin ang mga tao, ginagawa Niya, at, anuman ang Kanyang ginagawa o paano man Niya tinatrato ang mga tao, lahat ng mga ito ay naaayon sa mga prinsipyo ng paggawa ng Panginoon ng paglikha. Bilang isang nilikha, ang tanging gagawin ay magpasakop; wala nang iba pang dapat pagpipilian.
2 Ang Panginoon ng paglikha ay laging magiging Panginoon ng paglikha; nasa Kanya ang kapangyarihan at mga katangian upang isaayos at pamahalaan ang sinumang nilikha ayon sa gusto Niya, at hindi kailangang magkaroon ng dahilan para gawin iyon. Ito ang Kanyang awtoridad. Wala ni isa man sa mga nilikha, dahil sila ay mga nilikha, ang may kapangyarihan o karapat-dapat humatol kung paano dapat kumilos ang Lumikha o kung tama o mali ang Kanyang ginagawa, ni hindi karapat-dapat na pumili ang sinumang nilikha kung dapat silang pamahalaan, isaayos, o itapon ng Panginoon ng paglikha. Gayundin, wala ni isang nilikha ang karapat-dapat na pumili kung paano sila pinamamahalaan at itinatapon ng Panginoon ng paglikha. Ito ang pinakamataas na katotohanan.
3 Anuman ang nagawa na ng Panginoon ng paglikha sa Kanyang mga nilikha, at paano man Niya nagawa na iyon, isa lamang ang dapat gawin ng mga taong Kanyang nilikha: Hanapin, magpasakop, alamin, at tanggapin ang katunayang ito na inilagay ng Panginoon ng paglikha. Ang magiging resulta sa huli ay na maisasakatuparan na ng Panginoon ng paglikha ang Kanyang plano ng pamamahala at matatapos na ang Kanyang gawain, na naging sanhi upang sumulong ang Kanyang plano ng pamamahala nang walang anumang mga sagabal; samantala, dahil natanggap na ng mga nilikha at nagpasakop na sa pamamahala at mga plano ng Lumikha, matatamo na nila ang katotohanan, mauunawaan na ang kalooban ng Lumikha, at malalaman na ang Kanyang disposisyon.
Hango sa Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Sa Pag-unawa Lamang sa Katotohanan Malalaman ng Isang Tao ang mga Gawa ng Diyos