728 Makakapagpasakop Ka ba Talaga sa mga Pagsasaayos ng Diyos?
I
Payag ba kayong tamasahin
biyaya ng Diyos sa lupa,
biyayang tulad ng nasa langit?
Uunawain niyo ba Siya,
tatamasahin salita Niya’t
kikilalanin Siyang pinakamahalagang bagay?
Kaya niyo ba talagang magpasakop sa Diyos,
na ‘di iniisip sariling hinaharap?
Hahayaan niyo ba ang sarili’y mapatay,
at maakay Niya tulad ng tupa?
Mayro’n kaya sa inyong makatatamo nito?
Maaari kayang lahat ng tinatanggap Niya
at tumatanggap sa pangako Niya
ang nakakakuha ng biyaya Niya?
Kung kayo’y susubukin,
sarili’y mailalagay ba sa awa Niya,
sa pagsubok, makita’ng intensyo’t
puso Niya’y maingatan?
‘Di Niya nais salita mong nakakaantig,
nakakaantig na istorya’y ‘di na kailangan;
hiling Niya’y ika’y
mainam na magpatotoo sa Kanya,
at ganap na pumasok sa realidad.
Kung Diyos ‘di direktang nagsalita,
matatalikuran ba’ng lahat
upang magamit Niya?
‘Di ba ‘to’ng hinihingi Niya?
Kahulugan ng salita Niya’y
sino’ng nakakatarok?
II
Hiling ng Diyos
‘di kayo mabigatan ng alinlangan,
maging aktibo sa pagpasok,
tarukin diwa ng salita Niya.
To’ng pumipigil sa maling unawa ng salita Niya’t
sa paglabag ng atas administratibo Niya.
‘Wag nang isipin hinaharap,
kumilos ayon sa pasyang
sundin pagsasaayos ng Diyos sa lahat.
Mga nasa sambahayan Niya,
gawin ang makakaya,
ihandog pinakamabuting sarili
sa huling gawain Niya sa lupa.
Handa mo bang isagawa’ng mga ito?
Siya’y umaasang tarukin intensyon Niya
sa inyo sa salita Niya.
Kung kayo’y susubukin,
sarili’y mailalagay ba sa awa Niya,
sa pagsubok, makita’ng
intensyo’t puso Niya’y maingatan?
‘Di Niya nais salita mong nakakaantig,
nakakaantig na istorya’y ‘di na kailangan;
hiling Niya’y ika’y
mainam na magpatotoo sa Kanya,
at ganap na pumasok sa realidad.
Kung Diyos ‘di direktang nagsalita,
matatalikuran ba’ng lahat
upang magamit Niya?
‘Di ba ‘to’ng hinihingi Niya?
Kahulugan ng salita Niya’y
sino’ng nakakatarok?
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob, Kabanata 4