39 Ang Buong Sansinukob ay Dumadagundong sa Papuri sa Diyos

Puno ng awitin, sayawan, ang mundo’y karagatan ng papuri.

Nagsasayaw tayo, lumulukso ang mga bituin,

ang buwan ay ngumingiti; puno ng papuri ang kosmos.

Makapangyarihang Diyos, Cristo ng mga huling araw,

nakarating na sa lupa, nagsasalita ng katotohanan,

inuugoy lahat ng mga bansa at relihiyon.

Naririnig ng mga hinirang ang tinig ng Diyos,

nagbabalik at sumasamba sa Kanya.

Sa Sion, naibaling na ng Diyos

ang Kanyang Sarili tungo sa sansinukob,

ibinubunyag ang Kanyang katuwiran at kabanalan.

Ang bayan ng Diyos, puno ng kagalakan,

pinupuri Siya magpakailanman.

Purihin ang Diyos, purihin ang Diyos! Hallelujah! Hallelujah!

Purihin ang Diyos, purihin ang Diyos! Hallelujah! Hallelujah!


Upang mahalin ang Diyos, tuparin ang ating tungkulin,

intindihin ang Kanyang kalooban.

Ang puso ng ating mga kapatid ay malapit na magkakaugnay.

Lahat ng kalalakihan at kababaihan,

bata’t matanda, nagkakaisang pinupuri ang Diyos.

Ika’y kumanta, ako’y sasayaw;

ika’y magpatotoo sa Diyos, sasama ako.

Pinapahiya natin ang demonyong malaking pulang dragon,

pinaparangalan ang pangalan ng Diyos.

Kita natin ang matuwid na disposisyon ng Diyos

sa pamamagitan ng Kanyang gawain.

Nakikita ng bayan ng Diyos ang Kanyang maluwalhating mukha,

hangad na mahalin, paligayahin Siya,

handang maging tapat sa Kanya magpakailanman.

Purihin ang Diyos, purihin ang Diyos! Hallelujah! Hallelujah!

Purihin ang Diyos, purihin ang Diyos! Hallelujah! Hallelujah!


Ang Diyos ay nagkakamit ng kaluwalhatian sa lupa,

ang lahat ng tao ay masaya.

Ang buhay sa kaharian ay napakaganda.

Mayroong bagong langit, bagong lupa at isang bagong kaharian.

Nagsasayaw tayo at kumakanta para sa Diyos, at napakasaya natin.

Ang pinakamagandang awit na alam natin

ay kinakanta para sa Diyos;

ang pinakamagagandang sayaw,

sinasayaw sa Kanyang karangalan.

Inaalay natin sa Diyos ang ating tunay na puso;

pag-ibig nati’y dalisay, tapat.

Ang bayan ng Diyos, lahat ng nilalang,

pinupuri Siya magpakailanman.

Purihin ang Diyos, purihin ang Diyos! Hallelujah! Hallelujah!

Purihin ang Diyos, purihin ang Diyos! Hallelujah! Hallelujah!


Oh Sion, ganap na kaluwalhatian!

Ang tahanan ng Diyos ay maliwanag na nagniningning.

Ang maluwalhating liwanag nito

ay bumubuhos sa buong sansinukob.

Ang Makapangyarihang Diyos

ngayo’y ngumingiti habang nakaupo sa Kanyang trono

at tinitingnan pagbabago ng sansinukob.

(Alam mo na kailangan mong magpuri.)

Purihin ang Diyos, purihin ang Diyos! Hallelujah! Hallelujah!

Purihin ang Diyos, purihin ang Diyos! Hallelujah! Hallelujah!

Sinundan: 38 Purihin ang Diyos sa Pagkaluwalhati

Sumunod: 40 Magpakailanmang Umaawit ng mga Awit ng Papuri sa Diyos

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito