40 Magpakailanmang Umaawit ng mga Awit ng Papuri sa Diyos

1 Nagpakita sa Tsina ang Diyos na nagkatawang-tao upang ipahayag ang katotohanan at hatulan ang sangkatauhan. Naririnig natin ang Kanyang tinig at itinataas tayo sa harap ng Kanyang trono. Maging sa mga panaginip natin ay hindi natin naisip na makakaharap natin ang Diyos. Natupad na ang mga taon ng paghihintay, at nakikita natin ang pagpapakita ng Manunubos. Ipinapakita ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos ang Kanyang pagiging makapangyarihan, at nalupig na ng mga ito ang puso ng daan-daang milyon. Nagtitipon ang bayan ng Diyos sa harap ng Kanyang trono upang mapatnubayan at madiligan ng Kanyang mga salita. Ang lahat ng salita ng Diyos ay ang katotohanan; ibinibigay ng mga ito sa sangkatauhan ang daan sa buhay na walang hanggan. Nakakamit natin ang paglilinis at pagliligtas ng Diyos, at magpakailanman tayong umaawit ng mga awit ng papuri sa Diyos.

2 Araw-araw, binabasa natin ang mga salita ng Diyos at nagbabahagi sa katotohanan, at tinatanggap natin ang paghatol at pagdadalisay ng Kanyang mga salita. Nililiwanagan at pinaliliwanag tayo ng Diyos, at nakikilala natin ang ating mga sarili at nakikita natin ang ating mga satanikong kalikasan. Mapagmataas tayo, mapagpahalaga sa sarili, makasarili, at kasuklam-suklam, at bumabagsak tayo sa harap ng Diyos sa pagsisisi at panghihinayang. Sa pamamagitan ng pagtalikod sa laman at pagsasagawa ng katotohanan, unti-unting nagbabago ang ating mga disposisyon sa buhay. Sa pamamagitan ng paghatol at pag-unawa sa katotohanan, nakikita nating napakatuwid at banal ng Diyos, at umuusbong sa ating mga puso ang paggalang sa Kanya. Lalo nating nararamdaman kung gaano kagiliw at kaibig-ibig ang Diyos; sa pamamagitan ng Kanyang paghatol, nalilinis tayo at nagiging matatapat na tao na kinalulugdan ng Diyos. Tinatamasa natin ang lahat ng pag-ibig ng Diyos, at magpakailanman tayong umaawit ng mga awit ng papuri sa Diyos.

3 Nagsimula na ang paghatol sa bahay ng Diyos. Sumasailalim sa paghatol at paglilinis ang Kanyang bayan; dumaranas tayo ng mga paghihirap at matapat na ginagampanan ang ating tungkulin, at matunog na nagpapatotoo sa Diyos. Sa mga taon ng pagdurusa at pagsubok, bumuo na ang Diyos ng isang pangkat ng mga mananagumpay, na ginagapi si Satanas at nagkakamit ng kaluwalhatian at inihahayag ang Kanyang pagiging makapangyarihan at Kanyang karunungan. Tinatanggap ng ebanghelyo ng kaharian ang karangyaang hindi pa natanggap noon. Ang dakilang gawain ng Diyos ay ganap nang nagawa at karapat-dapat purihin ang Kanyang pagkamakatuwiran. Malayo at malawak na dinadakila ang banal na pangalan ng Diyos. Nagpapakita sa lupa ang kaharian ng Diyos, at sumasayaw at umaawit ng mga bagong awitin ang Kanyang bayan. Pinupuri ang Diyos ng lahat ng bansa at bayan, at magpakailanman tayong umaawit ng mga awit ng papuri sa Kanya.

Sinundan: 39 Ang Buong Sansinukob ay Dumadagundong sa Papuri sa Diyos

Sumunod: 41 Ang Papuri para sa Makapangyarihang Diyos ay Hindi Kailanman Magtatapos

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito