958 Hindi Nagbabago ang mga Prinsipyo sa Pagkilos ng Diyos

1 Maingat at responsable ang Diyos sa Kanyang paghawak, pagharap, pamamahala, pangangasiwa, at pamumuno sa bawat bagay, tao, at bagay na may buhay sa lahat ng bagay na Kanyang nilikha, at dito, hindi Siya naging pabaya kailanman. Sa mabubuti, Siya ay mapagbigay at mabait; sa masasama, nagpapataw Siya ng malupit na parusa; at para sa iba-ibang nilalang na may buhay, gumagawa Siya ng angkop na mga plano sa napapanahon at regular na paraan ayon sa iba-ibang mga kinakailangan ng mundo ng sangkatauhan sa iba’t ibang panahon, kaya ang iba-ibang nilalang na ito na may buhay ay nagkakaroong muli ng katawan ayon sa papel na kanilang ginagampanan sa maayos na paraan at lumilipat sa pagitan ng materyal na mundo at ng espirituwal na mundo sa maayos na paraan. Sa gayon, kapwa sa espirituwal na mundo at sa materyal na mundo, hindi nagbabago ang mga prinsipyong pinagbabatayan ng pagkilos ng Diyos. Nakikita mo man o hindi ang mga kilos ng Diyos, hindi nagbabago ang mga prinsipyo ng mga ito. Sa kabuuan, pareho ang mga prinsipyo ng Diyos sa Kanyang pakikitungo sa lahat ng bagay at sa Kanyang pamamahala sa lahat ng bagay. Hindi ito nababago.

2 Magiging mabait ang Diyos sa mga hindi mananampalataya na namumuhay sa medyo tamang paraan, at maglalaan ng mga pagkakataon para sa mga nasa bawat relihiyon na maganda ang pag-uugali at hindi gumagawa ng masama, na tinutulutan silang gampanan ang kanilang tungkulin sa lahat ng bagay na pinamamahalaan ng Diyos at gawin yaong dapat nilang gawin. Gayundin, sa mga sumusunod sa Diyos, sa mga taong Kanyang hinirang, hindi nagtatangi ang Diyos laban sa sinumang tao ayon sa mga prinsipyo Niyang ito. Mabait Siya sa lahat ng tapat na sumusunod sa Kanya, at mahal Niya ang lahat ng tapat na sumusunod sa Kanya. Kaya lamang, para sa ilang uri ng mga taong ito—ang mga hindi mananampalataya, ang iba-ibang taong may pananampalataya, at ang mga hinirang ng Diyos—magkakaiba ang ipinagkakaloob Niya sa kanila.

Hango sa Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi X

Sinundan: 957 Umaasa ang Diyos na Tunay na Magsisi ang Tao

Sumunod: 959 Ang mga Bunga ng Paglabag sa Disposisyon ng Diyos

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito