541 Sundin ang mga Salita ng Diyos para Maalis ang mga Impluwensya ng Kadiliman
I
Upang impluwensya ng kadilima’y matakasan,
dapat ka munang maging tapat sa Diyos,
dapat sabik kang hangarin ang katotohanan,
saka ka mamumuhay sa tamang kalagayan.
‘Pag wala ka sa tamang kalagayan,
‘di ka nagiging tapat sa Diyos,
‘di ka sabik hanapin ang katotohanan,
kaya ‘di mo matatakasan
ang impluwensya ng kadiliman.
Mga salita ng Diyos ang pundasyon
upang tao’y makatakas
sa impluwensya ng kadiliman.
Kung tao’y ‘di makapagsagawa
ng mga salita Niya,
‘di sila makakawala sa gapos ng kadiliman.
II
Mamuhay sa tamang kalagaya’y
ang mamuhay sa patnubay
ng mga salita ng Diyos,
ang pagiging tapat sa Diyos,
hinahanap ang katotohanan,
taos-pusong paggugol sa Diyos at mahalin Siya.
Yaong nasa tamang kalagaya’y magbabago
sa malalim na pagpasok nila sa katotohanan,
at nagbabago sa paglalim ng gawain.
Sila’y makakamit ng Diyos
at tunay Siyang mamahalin.
Mga salita ng Diyos ang pundasyon
upang tao’y makatakas
sa impluwensya ng kadiliman.
Kung tao’y ‘di makapagsagawa
ng mga salita Niya,
‘di sila makakawala sa gapos ng kadiliman.
III
Yaong tumatakas sa kadilima’y
mauunawaan ang kalooban ng Diyos.
Sila’y magiging pinagtitiwalaan ng Diyos.
Sila’y mawawalan ng kuru-kuro
o paghihimagsik sa Kanya.
Kasusuklaman ito’t
may tunay na pag-ibig sa Diyos.
Hinihingi ng Diyos ang tanging pag-ibig ng tao,
na mapuno ng mga salita Niya’t pag-ibig sa Kanya.
Tao’y dapat mabuhay
at hangarin ang mga salita ng Diyos,
kumilos, mabuhay at mahalin ang Diyos
sa mga salita Niya.
Mga salita ng Diyos ang pundasyon
upang tao’y makatakas
sa impluwensya ng kadiliman.
Kung tao’y ‘di makapagsagawa
ng mga salita Niya,
‘di sila makakawala sa gapos ng kadiliman.
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tumakas mula sa Impluwensya ng Kadiliman, at Kakamtin Ka ng Diyos