Pagpasok sa Buhay I

Araw-araw na mga Salita ng Diyos  Sipi 374

Ang Makapangyarihang Diyos, ang Pinuno ng lahat ng bagay, ay gumagamit ng Kanyang kapangyarihan bilang hari mula sa Kanyang luklukan. Namumuno Siya sa sansinukob at sa lahat ng bagay, at ginagabayan Niya tayo sa buong daigdig. Dapat tayong manatiling malapit sa Kanya sa bawat sandali, at humarap sa Kanya nang may katahimikan, nang hindi pinalalampas kailanman ni isang sandali, at may mga aral tayong dapat matutuhan sa lahat ng oras. Ang nakapalibot na kapaligiran, pati na ang mga tao, pangyayari, at bagay, ay umiiral sa pahintulot ng Kanyang luklukan. Huwag kailanman hayaang magkaroon ng hinaing sa inyong puso, kung hindi ay hindi ipagkakaloob sa inyo ng Diyos ang Kanyang biyaya. Kapag dumapo ang karamdaman, ito ay pagmamahal ng Diyos, at ang Kanyang mabubuting layunin ay tiyak na nakapaloob dito. Bagama’t maaaring medyo nahihirapan ang iyong laman, huwag mong tanggapin ang mga ideya mula kay Satanas. Purihin ang Diyos sa gitna ng iyong karamdaman at tamasahin ang Diyos sa gitna ng iyong papuri. Huwag mawalan ng pag-asa kapag nagkaroon ka ng karamdaman, patuloy na maghanap nang maghanap at huwag susuko, at tatanglawan at bibigyang-liwanag ka ng Diyos. Kumusta ang naging pananalig ni Job? Ang Makapangyarihang Diyos ay isang napakamakapangyarihang manggagamot! Ang manahan sa karamdaman ay ang magkasakit, subalit ang manahan sa espiritu ay ang gumaling. Hangga’t may natitira kang hininga, hindi ka hahayaan ng Diyos na mamatay.

Nasa ating kalooban ang muling nabuhay na buhay ni Cristo. Tunay na wala tayong pananalig sa presensiya ng Diyos: Nawa’y pagkalooban tayo ng Diyos ng tunay na pananalig sa ating kalooban. Tunay ngang matamis ang salita ng Diyos! Ang salita ng Diyos ay makapangyarihang gamot! Ipinapahiya nito ang mga diyablo at si Satanas! Ang pag-unawa sa salita ng Diyos ay nagbibigay sa atin ng suporta. Mabilis na kumikilos ang Kanyang salita para iligtas ang ating puso! Iwinawaksi nito ang lahat ng bagay at pinapayapa ang lahat. Ang pananalig ay parang isang trosong tulay: Yaong mga nakakapit sa buhay at takot sa kamatayan ay mahihirapang tumawid dito, ngunit yaong mga handang isakripisyo ang buhay nila ay makakatawid, nang hindi nahuhulog at walang pangamba. Kung ang mga tao ay nagkikimkim ng mga mahiyain at matatakuting saloobin, iyon ay dahil naloko sila ni Satanas; natatakot ito na tatawirin natin ang tulay ng pananalig upang makapasok sa Diyos. Sinusubukan ni Satanas ang lahat ng posibleng paraan para ipadala sa atin ang mga ideya nito. Dapat nating ipanalangin sa Diyos sa bawat sandali na tanglawan at bigyang-liwanag tayo, sumandig sa Diyos sa bawat sandali na linisin ang lason ni Satanas mula sa ating kalooban, magsanay sa ating espiritu sa bawat sandali kung paano mapalapit sa Diyos, at hayaang magkaroon ang Diyos ng kapamahalaan sa ating buong katauhan.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula, Kabanata 6

Araw-araw na mga Salita ng Diyos  Sipi 375

Kapag walang kabatiran ang mga tao sa mga bagay na nangyayari sa kanila at hindi nila alam ang angkop na bagay na gagawin, ano ang una nilang dapat gawin? Dapat muna silang magdasal; nauuna ang pagdarasal. Ano ang ipinapakita ng pagdarasal? Na ikaw ay deboto, na mayroon kang medyo may-takot-sa-Diyos na puso, at na alam mo kung paano hanapin ang Diyos, pinapatunayan na inuuna mo ang Diyos. Kapag nasa puso mo ang Diyos at may lugar Siya roon, at kapag nakakapagpasakop ka sa Diyos, isa ka nang debotong Kristiyano. Maraming matatandang mananampalatayang lumuluhod sa pagdarasal sa parehong oras araw-araw. Lumuluhod sila nang isa o dalawang oras sa bawat pagkakataon, pero kahit gaano karaming taon na silang lumuluhod nang ganito, hindi nito nalulutas ang marami sa mga problema nila sa kasalanan. Isantabi muna natin kung kapaki-pakinabang ba ang ganoong relihiyosong pagdarasal o hindi. Kahit papaano ay medyo deboto ang matatandang kapatid na ito. Mas mabuti pa sila kaysa sa mga kabataan sa puntong ito. Kung gusto mong mabuhay sa harapan ng Diyos at maranasan ang gawain ng Diyos, ang una mong dapat gawin kapag may nangyayari sa iyo ay ang magdasal. Ang pagdarasal ay hindi lang isang usapin ng wala sa isip na pagbigkas ng mga kabisadong kataga, at wala nang iba; wala kang mararating nang ganito. Kailangan mong magsanay sa pagdarasal nang gamit ang iyong puso. Maaaring nagdarasal ka nang ganito walo o sampung beses nang walang masyadong nakukuhang resulta, pero huwag kang panghinaan ng loob: Dapat kang magpatuloy sa pagsasanay. Magdasal ka muna kapag may nangyayari sa iyo. Magsabi ka muna sa Diyos at ipaubaya mo ito sa Kanya. Hayaan mong tulungan ka ng Diyos, hayaan mong gabayan ka Niya at ipakita Niya sa iyo ang daan. Patutunayan nito na mayroon kang may-takot-sa-Diyos na puso at na inuuna mo ang Diyos. Kapag may nangyayari sa iyo o nahaharap ka sa ilang paghihirap at nagiging negatibo at nagagalit ka, isa itong pagpapamalas na wala ang Diyos sa iyong puso at wala kang takot sa Diyos. Anumang paghihirap ang hinaharap mo sa tunay na buhay, dapat kang humarap sa Diyos. Ang una mong dapat gawin ay lumuhod sa pagdarasal. Ito ang pinakamahalagang bagay. Ipinapakita ng pagdarasal na may puwang ang Diyos sa puso mo. Kapag may problema ka, ipinapakita ng pagtingala sa Diyos at pagdarasal sa Kanya at paghahanap mula sa Kanya na mayroon kang medyo may-takot-sa-Diyos na puso; hindi mo ito gagawin kung wala sa puso mo ang Diyos. Sinasabi ng ilang tao, “Nagdasal na ako, pero hindi pa rin ako binigyang-liwanag ng Diyos!” Hindi ganoon ang pagtingin dito. Dapat mo munang tingnan kung tama ang layunin sa likod ng panalangin mo. Kung taimtim mong hinahanap ang katotohanan at madalas kang nagdarasal sa Diyos, malamang na magkakaroon ng partikular na bagay kung saan bibigyang-liwanag ka ng Diyos at bibigyang-daan kang makaunawa. Anu’t ano man, ipauunawa ito sa iyo ng Diyos. Kung hindi ka bibigyang-liwanag ng Diyos, hindi mo magagawang maunawaan ito nang ikaw lang. May ilang bagay na hindi maaabot ng kaisipan ng tao, may kapangyarihan ka man ng pang-unawa o wala at anuman ang iyong kakayahan. Kapag naunawaan mo na, galing ba iyon sa pag-iisip mo? Sa mga layunin ng Diyos at sa gawain ng Espiritu, kung hindi ka bibigyang-liwanag ng Banal na Espiritu, hindi ka makakahanap ng sinumang nakakaalam. Malalaman mo lang ito kapag ang Diyos Mismo ang magsasabi sa iyo kung ano ang ibig Niyang sabihin. Kaya, ang unang bagay na dapat mong gawin kapag may nangyayari sa iyo ay ang magdasal. Kapag nagdarasal ka, dapat mong ipahayag sa Diyos ang mga iniisip, pananaw, at saloobin mo, at hanapin mo ang katotohanan mula sa Kanya, nang may mentalidad ng pagpapasakop; ito ang dapat isagawa ng mga tao. Hindi ka magkakamit ng anumang resulta kung wala sa loob ang ginagawa mo, at kung ganoon ay hindi ka dapat magreklamo na hindi ka binigyang-liwanag ng Banal na Espiritu. Nakakita na Ako ng ilang tao na sumusunod lang sa mga relihiyosong seremonya at gumagawa ng mga relihiyosong aktibidad sa pananampalataya nila sa Diyos. Wala talagang puwang sa mga puso nila para sa Kanya; itinatatwa pa nga nila ang gawain ng Banal na Espiritu. Hindi sila nagdarasal o nagbabasa ng mga salita ng Diyos. Patuloy lang silang pumupunta sa pagtitipon at wala nang iba. Pananalig ba ito sa Diyos? Ipinagpapatuloy nila ang pananampalataya nila sa sarili nilang paraan, subalit walang Diyos sa pananampalataya nila. Wala ang Diyos sa mga puso nila, ayaw na nilang magdasal sa Diyos, at ayaw na nilang magbasa ng mga salita ng Diyos. Kung ganoon ay hindi ba’t naging mga walang pananampalataya na sila? May ilang partikular na lider at manggagawa na madalas nag-aasikaso ng mga pangkalahatang usapin. Hindi sila kailanman tumutuon sa buhay pagpasok sa halip ay itinuturing nilang pangunahing trabaho ang gawain ng pangkalahatang usapin. Naging mga tagapangasiwa na lang sila ng gawain at wala silang ni isang ginagawa sa mga pundamental na gawain ng mga lider at manggagawa. Dahil dito, pagkatapos sumampalataya sa Diyos nang dalawampu o tatlumpung taon, wala silang nasasabi tungkol sa karanasan nila sa buhay at wala silang tunay na pagkakilala sa Diyos. Kaya lang nilang magsabi ng ilang salita at doktrina. Sa ganoon ay hindi ba’t naging mga huwad na lider na sila? Ito ay dahil sa pananampalataya nila sa Diyos, hindi nila inaasikaso ang mga tamang tungkulin nila o hinahangad ang katotohanan. Ang pagdepende lang sa pagkaunawa ng isang tao sa ilang salita at doktrina ay walang anumang malulutas. Nagrereklamo sila laban sa Diyos sa sandaling subukin sila, masalanta ng sakuna, o magkasakit. Wala silang anumang tunay na pagkakilala sa kanilang sarili, at wala talaga silang patotoong batay sa karanasan. Ipinapakita nito na hindi nila hinangad ang katotohanan sa mga taon na sumampalataya sila sa Diyos, na nagpapakaabala lang sila sa mga panlabas na bagay, at dahil dito ay ipinahamak nila ang kanilang sarili. Kahit ilang taon pang sumampalataya ang mga tao sa Diyos, kahit papaano ay dapat silang makaunawa ng ilang katotohanan para masiguro nilang hindi sila madarapa, gagawa ng masama, o matitiwalag. Kahit papaano ay dapat silang masangkapan nang ganito. Ang ilang tao ay hindi buo ang atensyon kapag nakikinig sa mga sermon at hindi nila pinag-iisipan ang mga salita ng Diyos. Hindi nila hinahanap ang katotohanan kahit ano pa ang nangyayari sa kanila. Kontento na sila sa pag-unawa lang sa mga salita at doktrina, ipinagpapalagay na nakamit na nila ang katotohanan. Pagkatapos, kapag dumarating ang isang pagsubok, wala talaga silang kaalaman, at puno ang puso nila ng mga hinaing at reklamo na hindi nila pinangangahasang sabihin nang malakas, kahit na gusto nila. Hindi ba’t masyadong kaawa-awa ang ganoong mga tao? Maraming tao na palaging pabasta-basta sa paggampan sa kanilang tungkulin. Hindi nila pinagninilayan o sinusubukang maunawaan ang kanilang sarili kapag pinupungusan sila. Palagi silang nangangatwiran, kung kaya’t lumilitaw ang kapangitan nila sa maraming iba’t ibang paraan, at nabubunyag at natitiwalag sila, walang kakayahang kilalanin ang sarili nila hanggang sa huli. Kung ganoon ay ano ang punto ng pag-unawa sa mga doktrinang iyon? Talagang walang punto. Kahit ilang taon pang sumampalataya ang mga tao sa Diyos, walang saysay ang pag-unawa at kakayahan lang na magsalita ng mga doktrina. Hindi nila nakamit ang katotohanan kundi naligaw sila. Kung ganoon, kapag may nangyayari sa iyo at nagdarasal ka sa Diyos, hinahanap ang Kanyang mga layunin, ang susi ay ang maunawaan mo ang katotohanan para malutas ang problema. Ito ang tamang landas, at dapat ay palagi kang magpursige sa ganoong pagsasagawa.

—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Sa Pananampalataya sa Diyos, Pinakamahalagang Bagay ang Pagkakamit ng Katotohanan

Araw-araw na mga Salita ng Diyos  Sipi 376

Ang pinakadakilang karunungan ay ang bumaling at umasa sa Diyos sa lahat ng bagay. Hindi ito kinikilala ng mga ordinaryong tao. Iniisip ng lahat ng tao na sa pagdalo sa mas maraming pagtitipon, pakikinig sa mas maraming sermon, higit pang pakikipagbahaginan sa kanilang mga kapatid, pagtalikod sa mas maraming bagay, higit pang pagdurusa, at higit na pagbabayad ng halaga, matatamo nila ang pagsang-ayon at pagliligtas ng Diyos. Iniisip nila na ang pagsasagawa sa ganitong paraan ang pinakadakilang karunungan, ngunit kinaliligtaan nila ang pinakamalaking bagay: pagbaling sa Diyos at pag-asa sa Diyos. Itinuturing nilang karunungan ang munting katalinuhan ng tao, at hindi pinapansin ang kahahantungang epekto na dapat makamit ng kanilang mga kilos. Isang pagkakamali ito. Gaano man kalaking katotohanan ang nauunawaan ng isang tao, gaano man karami ang mga tungkuling kanyang nagampanan, gaano man karami ang dinanas ng isang tao habang ginagampanan ang mga tungkuling iyon, gaano man kataas o kababa ang tayog ng isang tao, o ano man ang uri ng kapaligiran ang kanyang kinapapalooban, ang isang hindi dapat mawala sa kanya ay ang bumaling sa Diyos at umasa sa Diyos sa lahat ng kanyang gagawin. Ito ang pinakadakilang uri ng karunungan. Bakit Ko sinasabing ito ang pinakadakilang karunungan? Kahit pa naunawaan ng isang tao ang ilang katotohanan, sapat na ba ito kung hindi siya aasa sa Diyos? May ilang tao na maraming taon nang nananampalataya sa Diyos, at nakaranas na sila ng ilang pagsubok, nagkaroon na ng ilang praktikal na karanasan, naunawaan na ang ilang katotohanan, at nagkaroon na ng ilang praktikal na kaalaman tungkol sa katotohanan, ngunit hindi nila alam kung paano umasa sa Diyos, ni hindi nila nauunawaan kung paano bumaling sa Diyos at umasa sa Kanya. Nagtataglay ba ng karunungan ang ganoong mga tao? Sila ang pinakahangal sa lahat ng tao, at ang uri na ang palagay sa sarili ay napakatalino nila; hindi sila natatakot sa Diyos at umiiwas sa kasamaan. Sinasabi ng ilang tao, “Nauunawaan ko ang maraming katotohanan at nagtataglay ako ng mga katotohanang realidad. Ayos lamang na gawin ang mga bagay sa isang paraang may prinsipyo. Tapat ako sa Diyos, at alam ko kung paano maging malapit sa Diyos. Hindi pa ba sapat na isinasagawa ko ang katotohanan kapag may mga bagay na nangyayari sa akin? Hindi na kailangang magdasal sa Diyos o bumaling sa Diyos.” Tama ang pagsasagawa ng katotohanan, ngunit maraming pagkakataon at sitwasyon kung saan hindi alam ng mga tao kung anong katotohanan at anong mga katotohanang prinsipyo ang nauugnay. Pinahahalagahan ito ng lahat ng may praktikal na karanasan. Halimbawa, kapag may nakakaharap kang ilang isyu, maaaring hindi mo alam kung anong katotohanan ang may kinalaman sa isyu na ito, o kung paano dapat isagawa o gamitin ang katotohanang may kinalaman sa isyu na ito. Ano ang dapat mong gawin sa mga pagkakataong tulad nito? Gaano man karami ang taglay mong praktikal na karanasan, hindi mo makakayang unawain ang mga katotohanang prinsipyo sa lahat ng sitwasyon. Gaano ka man katagal nang nananampalataya sa Diyos, gaano man karaming bagay ang naranasan mo, at gaano man karaming pagpupungos, o pagdidisiplina ang naranasan mo, kahit nauunawaan mo ang katotohanan, nangangahas ka bang magsabi na ikaw ang katotohanan? Nangangahas ka bang magsabi na ikaw ang pinagmumulan ng katotohanan? Sinasabi ng ilang tao: “Alam na alam ko ang mga kilalang pagbigkas at siping iyon sa aklat na Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao; hindi ko na kailangang umasa sa Diyos o bumaling sa Kanya. Pagdating ng panahon, magiging maayos ako sa pamamagitan lamang ng pag-asa sa mga salitang ito ng Diyos.” Hindi nagbabago ang mga salitang isinaulo mo, ngunit ang mga kapaligirang nakakatagpo mo—gayundin ang iyong mga kalagayan—ay pabago-bago. Nagagawa mong magbulalas ng mga salita at mga doktrina, ngunit wala kang magawa gamit ang mga iyon kapag may nangyayari sa iyo, na nagpapatunay na hindi mo nauunawaan ang katotohanan. Gaano ka man kahusay sa pagbigkas ng mga salita at mga doktrina, hindi ito nangangahulugan na nauunawaan mo ang katotohanan, at lalong hindi ito nangangahulugan na naisasagawa mo ang katotohanan. Kaya’t may napakahalagang aral na matututuhan dito. At ano ang aral na ito? Iyon ay ang pangangailangan ng mga tao na bumaling sa Diyos sa lahat ng bagay, at sa pagsasagawa nito, makakamtan nila ang pagsandal sa Diyos. Sa pag-asa lamang sa Diyos sila magkakaroon ng landas na susundan at ng gawain ng Banal na Espiritu. Kung hindi magkagayon, may bagay kang magagawa nang tama at nang hindi nilalabag ang katotohanan, ngunit kung hindi ka aasa sa Diyos, ang mga pagkilos mo ay mabubuting pag-uugali lamang ng tao, at hindi makapagpapalugod sa Diyos. Sapagkat may ganoong kababaw na pagkaarok sa katotohanan ang mga tao, malamang na ilapat nila ang mga patakaran at pilit na mangunyapit sa mga salita at mga doktrina sa pamamagitan ng paggamit ng gayunding katotohanan kapag nahaharap sa iba’t ibang sitwasyon. Posible na makumpleto nila ang maraming bagay bilang pangkalahatang pagsunod sa mga katotohanang prinsipyo, ngunit hindi makikita rito ang gabay ng Diyos, o ang gawain ng Banal na Espiritu. May malubhang problema rito, iyan ay ang mga tao na nagsasagawa ng maraming bagay na umaasa sa kanilang karanasan at sa mga patakarang naunawaan nila, at sa ilang imahinasyon ng tao. Mahirap makamtan ang tunay na panalangin sa Diyos at tunay na bumaling sa Diyos at umasa sa Kanya sa lahat ng ginagawa nila. Kahit nauunawaan ng isang tao ang mga layunin ng Diyos, mahirap makamtan ang epekto ng pagkilos ayon sa paggabay ng Diyos, at ayon sa mga katotohanang prinsipyo. Dahil dito, sinasabi Ko na ang pinakadakilang karunungan ay ang bumaling sa Diyos at umasa sa Kanya sa lahat ng bagay.

Paano makakapagsagawa ang mga tao na bumaling sa Diyos at umasa sa Diyos sa lahat ng bagay? Sinasabi ng ilang tao, “Bata pa ako, mababa ang tayog ko, at maikling panahon pa lang akong nananampalataya sa Diyos. Hindi ko alam kung paano bumaling at umasa sa Diyos kapag may nangyayari.” Problema ba ito? Maraming paghihirap sa pananampalataya sa Diyos, at kailangan mong dumaan sa maraming kapighatian, pagsubok, at pasakit. Lahat ng bagay na ito ay nangangailangan ng pagbaling at pag-asa sa Diyos para malampasan ang mahihirap na sandali. Kung hindi ka makakapagsagawa na bumaling at umasa sa Diyos, hindi mo malalampasan ang mga paghihirap, at hindi mo masusundan ang Diyos. Ang pagbaling at pag-asa sa Diyos ay hindi isang walang kabuluhang doktrina, ni hindi ito isang mantra para sa pananampalataya sa Diyos. Sa halip, ito ay isang mahalagang katotohanan, isang katotohanang dapat mong taglayin para manampalataya at sumunod sa Diyos. Sinasabi ng ilang tao, “Ang pagbaling at pag-asa sa Diyos ay naaangkop lamang kapag may nangyayaring isang malaking kaganapan. Halimbawa, kailangan mo lamang bumaling at umasa sa Diyos kapag nahaharap ka sa mga kapighatian, pagsubok, pagkaaresto, at pag-uusig, o kapag nakakaranas ka ng mga paghihirap sa iyong mga tungkulin, o kapag pinupungusan ka. Hindi na kailangang bumaling at umasa sa Diyos para sa maliliit na bagay ng personal na buhay, dahil walang pakialam ang Diyos sa mga iyon.” Tama ba ang pahayag na ito? Talagang hindi ito tama. May paglihis dito. Kailangang bumaling sa Diyos sa mahahalagang bagay, ngunit makakaya mo ba ang munting mga bagay at maliliit na usapin sa buhay nang walang mga prinsipyo? Sa mga bagay na tulad ng pagbibihis at pagkain, makakakilos ka ba nang walang mga prinsipyo? Siguradong hindi. Paano naman sa mga pakikitungo mo sa mga tao at bagay-bagay? Siguradong hindi. Maging sa pang-araw-araw na buhay at maliliit na bagay, dapat kang magkaroon man lamang ng mga prinsipyo para maisabuhay ang wangis ng tao. Ang mga problemang kinapapalooban ng mga prinsipyo ay mga problemang kinapapalooban ng katotohanan. Maaari bang malutas ng mga tao ang mga ito nang mag-isa? Siyempre, hindi. Kaya, kailangan mong bumaling at umasa sa Diyos. Kapag nakamit mo ang kaliwanagan ng Diyos at naunawaan ang katotohanan, saka lamang malulutas ang maliliit na problemang ito. Kung hindi kayo babaling at aasa sa Diyos, palagay ba ninyo ay malulutas ang mga isyung ito na kinapapalooban ng mga prinsipyo? Siguradong hindi madali. Masasabi na sa lahat ng bagay na hindi malinaw na nakikita ng mga tao at na kinakailangan ng mga tao na hanapin ang katotohanan, dapat silang bumaling at umasa sa Diyos. Gaano man kalaki o kaliit, anumang problemang kailangang lutasin gamit ang katotohanan ay nangangailangan ng pagbaling at pag-asa sa Diyos. Ito ay kinakailangan. Kahit pa nauunawaan ng mga tao ang katotohanan at kayang lutasin ang mga problema nang mag-isa, ang mga pagkaunawa at solusyong ito ay limitado at mababaw. Kung hindi babaling at aasa sa Diyos ang mga tao, hindi maaaring maging napakalalim ng kanilang pagpasok. Halimbawa, kung may sakit ka ngayon, at nakakaapekto ito sa paggampan mo sa iyong tungkulin, kailangan mong ipagdasal ang bagay na ito at sabihing, “O Diyos, hindi maganda ang pakiramdam ko ngayon, hindi ako makakain, at nakakaapekto ito sa paggampan ko sa aking tungkulin. Kailangan kong suriin ang aking sarili. Ano ba ang tunay na dahilan ng pagkakasakit ko? Dinidisiplina ba ako ng Diyos sa hindi ko pagiging deboto sa aking tungkulin? Diyos ko, hinihiling kong bigyang-liwanag at gabayan Mo ako.” Dapat kang magsumamo nang ganito. Ito ay pagbaling sa Diyos. Gayunman, kapag bumaling ka sa Diyos, hindi puwedeng basta ka lamang susunod sa mga pormalidad at patakaran. Kung hindi mo hahanapin ang katotohanan para lutasin ang mga problema, maaantala mo ang mga bagay-bagay. Matapos kang manalangin at bumaling sa Diyos, dapat mo pa ring ipamuhay ang iyong buhay nang nararapat, nang hindi inaantala ang tungkulin na dapat mong gampanan. Kung may sakit ka, dapat kang magpatingin sa doktor, at ito ay nararapat. Kasabay nito, dapat kang manalangin, magnilay sa iyong sarili, at hanapin ang katotohanan para malutas ang problema. Ang pagsasagawang tulad nito lamang ang ganap na angkop. Para sa ilang bagay, kung alam ng mga tao kung paano gawin nang maayos ang mga iyon, dapat nilang gawin ang mga iyon. Ganito dapat makipagtulungan ang mga tao. Gayunman, kung lubos mang makakamtan ang ninanais na epekto at layon sa mga bagay na ito ay depende sa pagbaling at pag-asa sa Diyos. Sa mga problemang hindi nakikita nang malinaw ng mga tao at hindi nila nahaharap nang maayos nang mag-isa, lalo silang dapat bumaling sa Diyos at hanapin ang katotohanan para malutas ang mga iyon. Ang kakayahang gawin ito ang dapat taglayin ng mga taong may normal na pagkatao. Maraming aral na matututunan sa pagbaling sa Diyos. Sa proseso ng pagbaling sa Diyos, maaari kang tumanggap ng kaliwanagan ng Banal na Espiritu, at magkakaroon ka ng isang landas, o kung dumating sa iyo ang salita ng Diyos, malalaman mo kung paano makipagtulungan, o marahil ay magsasaayos ang Diyos ng ilang sitwasyon para matuto ka ng mga aral, na mayroong magagandang layunin ng Diyos. Sa proseso ng pagbaling sa Diyos, makikita mo ang gabay at pamumuno ng Diyos, at makakatulong ang mga ito para matuto ka ng maraming aral at magkamit ng higit na pagkakilala sa Diyos. Ito ang epektong nakakamtan sa pagbaling sa Diyos. Samakatwid, ang pagbaling sa Diyos ay isang aral na dapat matutunan nang madalas ng mga taong sumusunod sa Diyos, at ito ay isang bagay na hinding-hindi nila matatapos na maranasan sa habambuhay. Maraming taong napakababaw ng karanasan at hindi nakikita ang mga kilos ng Diyos, kaya iniisip nila, “Maraming maliliit na bagay na nagagawa kong mag-isa at kung saan hindi ko kailangang bumaling sa Diyos.” Mali ito. Ang ilang maliliit na bagay ay humahantong sa malalaking bagay, at nakatago ang mga layunin ng Diyos sa ilang maliliit na bagay. Maraming tao ang binabalewala ang maliliit na bagay, at dahil dito, nagkakaroon sila ng malalaking dagok dahil sa maliliit na bagay. Ang mga tunay na mayroong may-takot-sa-Diyos na puso, kapwa sa malalaki at maliliit na bagay, ay babaling sa Diyos, mananalangin sa Diyos, ipagkakatiwala ang lahat sa Diyos, at pagkatapos ay titingnan kung paano sila aakayin at gagabayan ng Diyos. Kapag nagkaroon ka na ng gayong karanasan, magagawa mong bumaling sa Diyos sa lahat ng bagay, at habang lalo mong nararanasan ito, lalo mong madarama na ang pagbaling sa Diyos sa lahat ng bagay ay napakapraktikal. Kapag bumaling ka sa Diyos sa isang bagay, posibleng hindi ka bigyan ng Diyos ng isang damdamin, malinaw na kahulugan, o lalo na ng malilinaw na tagubilin, ngunit ipapaunawa Niya sa iyo ang isang ideya, na may eksaktong kaugnayan sa bagay na ito, at ito ang paggabay ng Diyos sa iyo gamit ang ibang pamamaraan at pagbibigay sa iyo ng isang landas. Kung naaarok at nauunawaan mo ito, makikinabang ka. Maaaring hindi mo nauunawaan ang anumang bagay sa sandaling ito, ngunit dapat kang patuloy na manalangin at bumaling sa Diyos. Walang mali rito, at sa malao’t madali ay mabibigyang-liwanag ka. Ang pagsasagawa sa ganitong paraan ay hindi nangangahulugan ng pagsunod sa mga patakaran. Sa halip, ito ay pagtugon sa mga pangangailangan ng espiritu, at ganito dapat magsagawa ang mga tao. Maaaring hindi ka makatanggap ng kaliwanagan at paggabay tuwing mananalangin ka at babaling ka sa Diyos, ngunit dapat magsagawa ang mga tao sa ganitong paraan, at kung nais nilang maunawaan ang katotohanan, kailangan nilang magsagawa sa ganitong paraan. Ito ang normal na kalagayan ng buhay at espiritu, at sa ganitong paraan lamang maaaring mapanatili ng mga tao ang normal na relasyon sa Diyos, upang ang kanilang mga puso ay hindi maging malayo sa Diyos. Samakatwid ay maaaring masabi na ang pagbaling sa Diyos ay normal na pakikipag-ugnayan sa Diyos sa puso ng mga tao. Makatanggap ka man o hindi ng kaliwanagan at paggabay ng Diyos, dapat kang manalangin at bumaling sa Diyos sa lahat ng bagay. Ito rin ang kinakailangang landas sa pamumuhay sa harap ng Diyos. Kapag nananampalataya at sumusunod sa Diyos ang mga tao, dapat silang magkaroon ng lagay ng pag-iisip na laging bumabaling sa Diyos. Ito ang lagay ng pag-iisip na dapat taglayin ng mga taong may normal na pagkatao. Paminsan-minsan, ang pagbaling sa Diyos ay hindi nangangahulugan ng paggamit ng mga partikular na salita para hilingin sa Diyos na gumawa ng isang bagay o magbigay ng pamumuno, o hilingin ang proteksiyon Niya. Sa halip, ito ay yaong kapag nakakatagpo ang mga tao ng ilang usapin, nagagawa nilang tumawag sa Kanya nang taimtim. Kaya, ano ang ginagawa ng Diyos kapag tumatawag ang mga tao sa Kanya? Kapag ang puso ng isang tao ay napupukaw at naiisip niya ito: “O Diyos, hindi ko ito magagawang mag-isa, hindi ko alam kung paano ito gagawin, at ako ay nanghihina at negatibo…,” kapag lumilitaw ang kaisipang ito sa loob nila, hindi ba’t alam ito ng Diyos? Kapag lumilitaw ang kaisipang ito sa loob ng mga tao, hindi ba’t taos ang puso nila? Kapag sila ay taimtim na tumatawag sa Diyos sa ganitong paraan, pumapayag ba ang Diyos na tulungan sila? Sa kabila ng katunayan na maaaring hindi sila nakapagsabi kahit isang salita, nagpapakita sila ng kataimtiman, at kaya sumasang-ayon ang Diyos na tulungan sila. Kapag ang isang tao ay nakakasagupa ng isang napakamasalimuot na paghihirap, kapag wala silang sinumang malalapitan, at kapag nadarama nila ang lalong kawalan ng tulong, nagtitiwala sila sa Diyos bilang kanilang tanging pag-asa. Paano sila nananalangin? Ano ang kalagayan ng kanilang pag-iisip? Sila ba ay taimtim? Mayroon bang anumang adulterasyon sa panahong iyon? Tanging kapag nagtitiwala ka sa Diyos na parang Siya ang huling hibla na makakapitan mo, umaasang tutulungan ka Niya, na taimtim ang iyong puso. Bagama’t maaaring hindi ka gaanong nagsasalita, ang iyong puso ay napupukaw na. Ibig sabihin, ibinibigay mo ang iyong taimtim na puso sa Diyos, at ang Diyos ay nakikinig. Kapag nakikinig ang Diyos, nakikita Niya ang iyong mga paghihirap, at liliwanagan ka Niya, gagabayan ka, at tutulungan ka. Kailan nagiging lubos na taimtim ang puso ng tao? Pinakataimtim ito kapag bumabaling sa Diyos ang tao kapag walang daan na malalabasan. Ang pinakamahalagang bagay na dapat taglayin sa pagbaling sa Diyos ay isang pusong taimtim. Dapat ay nasa kalagayan ka na tunay mong kailangan ang Diyos. Ibig sabihin, dapat maging taimtim man lamang ang puso ng mga tao, hindi pabasta-basta; hindi dapat bibig lamang nila ang pinagagana nila at hindi ang kanilang puso. Kung pabasta-basta mo lang ginagawa ang pakikipag-usap sa Diyos, ngunit hindi naaantig ang puso mo, at ang ibig mong sabihin ay, “Nakagawa na ako ng sarili kong mga plano, O Diyos, at ipinaaalam ko lamang iyon sa Iyo. Gagawin ko ang mga iyon pumayag Ka man o hindi. Iniraraos ko lamang iyon,” kung gayon ay problema ito. Nililinlang at pinaglalaruan mo ang Diyos, at isa rin itong pagpapahayag ng kawalan ng pagpipitagan sa Diyos. Paano ka tatratuhin ng Diyos pagkatapos nito? Babalewalain ka ng Diyos at isasantabi ka, at ganap kang mapapahiya. Kung hindi mo aktibong hahanapin ang Diyos at hindi ka magsusumikap sa katotohanan, ititiwalag ka.

—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang Pananampalataya sa Diyos ay Dapat Magsimula sa Pagkakilatis sa Masasamang Kalakaran ng Mundo

Araw-araw na mga Salita ng Diyos  Sipi 377

Ang katotohanan ay ang buhay ng Diyos Mismo; kumakatawan ito sa Kanyang disposisyon, Kanyang diwa, at mga tinataglay ng Diyos at ang Kanyang pagiging Diyos. Kung sinasabi mo na sa pagkakaroon ng kaunting kaalamang batay sa karanasan ay mayroon ka nang katotohanan, nagtamo ka na ba ng kabanalan? Bakit nagbubunyag ka pa rin ng katiwalian? Bakit hindi ka makakilala sa pagitan ng iba’t ibang uri ng mga tao? Bakit hindi ka makapagpatotoo sa Diyos? Kahit nauunawaan mo ang ilang katotohanan, kaya mo bang katawanin ang Diyos? Maisasabuhay mo ba ang disposisyon ng Diyos? Maaaring mayroon kang kaunting kaalamang batay sa karanasan tungkol sa isang partikular na aspekto ng isang katotohanan, at maaaring makapagbigay ka ng kaunting kaliwanagan sa pananalita mo, ngunit ang maipagkakaloob mo sa mga tao ay lubhang limitado at hindi magtatagal. Ito ay dahil hindi kumakatawan sa diwa ng katotohanan ang pagkaunawa at liwanag na iyong natamo, at hindi ito kumakatawan sa kabuuan ng katotohanan. Kumakatawan lamang ito sa isang bahagi o isang maliit na aspeto ng katotohanan, isang antas lamang ito na maaaring makamtan ng mga tao, at malayo pa ito sa diwa ng katotohanan. Ang kaunting liwanag, kaliwanagan, at kaalamang batay sa karanasan na ito ay hinding-hindi makakapalit sa katotohanan. Kahit pa nagtamo ng ilang resulta ang lahat ng tao sa pagdanas ng isang katotohanan, at pagsama-samahin ang lahat ng kanilang kaalamang batay sa karanasan, hindi iyon aabot sa kabuuan at diwa ng kahit isang linya ng katotohanang ito. Nasabi na ito noong araw, “Ibinubuod Ko ito sa isang kasabihan para sa mundo ng tao: Sa kalipunan ng mga tao, wala ni isa mang umiibig sa Akin.” Ang pangungusap na ito ang katotohanan, ang tunay na diwa ng buhay, isang napakalalim na bagay, at isang pagpapahayag ng Diyos Mismo. Dumaraan ka sa mga karanasan, at pagkatapos ng tatlong taon ng karanasan, maaaring magkaroon ka ng kaunting mababaw na pagkaunawa, at pagkaraan ng pito o walong taon, maaaring magkaroon ka ng kaunti pang pagkaunawa, ngunit ang pagkaunawang ito ay hinding-hindi makahahalili sa linyang ito ng katotohanan. Pagkaraan ng dalawang taon, maaaring may ibang tao na magkaroon ng kaunting pagkaunawa, o kaunti pang pagkaunawa pagkaraan ng sampung taon, o medyo malalim na pagkaunawa pagkatapos ng habambuhay, ngunit hindi makahahalili sa linyang ito ng katotohanan ang pinagsamang pagkaunawa ninyong dalawa. Gaano man kalaki ang pinagsamang kabatiran, liwanag, karanasan, o kaalamang mayroon kayong dalawa, hinding-hindi ito makahahalili sa linyang ito ng katotohanan. Ibig sabihin, ang buhay ng tao ay palaging buhay ng tao, at paano man umaayon ang iyong kaalaman sa katotohanan, sa mga layunin ng Diyos, o mga hinihingi ng Diyos, hinding-hindi ito makahahalili sa katotohanan. Ang sabihin na nasa mga tao ang katotohanan ay nangangahulugan na tunay na nauunawaan ng mga tao ang katotohanan, isinasabuhay ang ilan sa mga realidad ng salita ng Diyos, may kaunting tunay na kaalaman tungkol sa Diyos, at kayang dakilain at patotohanan ang Diyos. Gayunman, hindi masasabi na taglay na ng mga tao ang katotohanan, dahil napakalalim ng katotohanan. Isang linya lamang ng salita ng Diyos ay maaari nang abutin ng habambuhay para maranasan ng mga tao, at kahit pagkaraan ng ilang habambuhay ng karanasan, o libu-libong taon, hindi lubos na mararanasan ang isang linya ng salita ng Diyos. Malinaw na talagang walang katapusan ang proseso ng pag-unawa sa katotohanan at pagkilala sa Diyos, at na may limitasyon kung gaano kalaking katotohanan ang mauunawaan ng mga tao sa isang habambuhay ng karanasan. Sinasabi ng ilang tao na nasa kanila ang katotohanan sa sandaling naunawaan na nila ang tekstuwal na kahulugan ng salita ng Diyos. Hindi ba ito kalokohan? Pagdating sa kapwa liwanag at kaalaman, mayroong usapin ng kalaliman. Ang mga katotohanang realidad na maaaring pasukin ng isang tao sa loob ng isang habambuhay ng pananampalataya ay limitado. Samakatwid, dahil lamang taglay mo ang kaunting kaalaman at liwanag ay hindi nangangahulugan na taglay mo ang mga katotohanang realidad. Ang pangunahing bagay ay tingnan kung naaabot ba ng liwanag at kaalamang ito ang diwa ng katotohanan. Ito ang pinakamahalagang bagay. Nadarama ng ilang tao na taglay nila ang katotohanan kapag nakapagpapaliwanag sila o nakapag-aalok sila ng kaunting mababaw na pagkaunawa. Pinasasaya sila nito, kaya nagiging mayabang sila at palalo. Sa katunayan, malayo pa rin silang makapasok sa katotohanang realidad. Anong katotohanan ang taglay ng mga tao? Maaari bang mabuwal kahit kailan at kahit saan ang mga taong nagtataglay ng katotohanan? Kapag taglay ng mga tao ang katotohanan, paano pa nila malalabanan at mapagkakanulo ang Diyos? Kung sinasabi mo na taglay mo ang katotohanan, pinatutunayan nito na sa loob mo ay ang buhay ni Cristo—kakila-kilabot iyan! Naging Panginoon ka na, naging si Cristo ka na? Isang katawa-tawang pahayag ito, at lubusang hinuha ng mga tao; hinggil ito sa mga kuru-kuro at imahinasyon ng mga tao, at hindi isang mapaninindigang katayuan sa Diyos.

Kapag sinasabing nauunawaan ng mga tao ang katotohanan, at ipinamumuhay ito bilang kanilang buhay, ano ang tinutukoy ng “buhay” na ito? Nangangahulugan ito na naghahari ang katotohanan sa kanilang mga puso, nangangahulugan ito na kaya nilang mamuhay ayon sa mga salita ng Diyos, at nangangahulugan ito na mayroon silang tunay na kaalaman sa mga salita ng Diyos at isang tunay na pagkaunawa sa katotohanan. Kapag taglay ng mga tao sa loob nila ang bagong buhay na ito, lubos itong nakakamtan sa pagsasagawa at pagdanas ng mga salita ng Diyos. Nakabatay ito sa pundasyon ng katotohanan ng mga salita ng Diyos, at nakakamtan ito sa pamamagitan ng pamumuhay nila sa saklaw ng katotohanan; ang tanging nilalaman ng buhay ng mga tao ay ang kanilang kaalaman at karanasan sa katotohanan. Iyon ang pundasyon nito, at hindi ito lumalampas sa saklaw na iyon; ito ang buhay na tinutukoy kapag nagsasalita tungkol sa pagkamit sa katotohanan at buhay. Ang magawang mamuhay ayon sa katotohanan ng mga salita ng Diyos ay hindi nangangahulugan na nasasaloob ng mga tao ang buhay ng katotohanan, ni nangangahulugan ito na kung taglay nila ang katotohanan bilang kanilang buhay, ay nagiging katotohanan sila, at ang kanilang panloob na buhay ay nagiging buhay ng katotohanan; lalong hindi masasabi na sila ang katotohanan at buhay. Sa huli, ang kanilang buhay ay buhay pa rin ng isang tao. Kung nakakapamuhay ka nang ayon sa mga salita ng Diyos at nagtataglay ng kaalaman tungkol sa katotohanan, kung ang kaalamang ito ay nag-uugat sa iyong kalooban, at nagiging buhay mo, at ang katotohanang iyong nakamit sa pamamagitan ng karanasan ang nagiging batayan ng iyong pag-iral, kung mamumuhay ka ayon sa mga salitang ito ng Diyos, walang sinumang makapagbabago nito, at hindi ka maililigaw o magagawang tiwali ni Satanas, pagkatapos ay makakamit mo na ang katotohanan at buhay. Ibig sabihin, ang iyong buhay ay naglalaman lamang ng katotohanan, ibig sabihin ay ang iyong pagkaunawa, karanasan, at kabatiran sa katotohanan; at anuman ang gawin mo, mamumuhay ka ayon sa mga bagay na ito, at hindi ka lalampas sa saklaw ng mga ito. Ito ang kahulugan ng pagtataglay ng katotohanang realidad, at ang gayong mga tao ang nais makamit ng Diyos sa huli sa Kanyang gawain. Ngunit gaano man kahusay na nauunawaan ng mga tao ang katotohanan, ang kanilang diwa ay diwa pa rin ng sangkatauhan, at hindi man lamang maikukumpara sa diwa ng Diyos. Ito ay dahil hindi nila kailanman mararanasan ang lahat ng katotohanan, at imposible para sa kanila na buong-buong isabuhay ang katotohanan; maaari lamang nilang isabuhay ang napakalimitadong bahagi ng katotohanan na maaaring makamtan ng mga tao. Paano, kung gayon, sila maaaring maging Diyos? … Kung mayroon kang kaunting karanasan sa mga salita ng Diyos, at namumuhay ka ayon sa tunay na kaalamang batay sa karanasan sa katotohanan, unti-unti mong magiging buhay ang mga salita ng Diyos. Gayumpaman, hindi mo pa rin masasabi na ang katotohanan ang buhay mo o na ang ipinahahayag mo ay ang katotohanan; kung gayon ang iyong opinyon, mali ka. Kung mayroon ka lamang ilang karanasan sa isang partikular na aspeto ng katotohanan, makakatawan ba nito mismo ang pagtataglay mo ng katotohanan? Maituturing ba itong pagtatamo ng katotohanan? Lubusan mo bang maipapaliwanag ang katotohanan? Matutuklasan mo ba ang disposisyon ng Diyos, at kung ano ang mga tinataglay ng Diyos at ang Kanyang pagiging Diyos, mula sa katotohanan? Kung hindi makakamtan ang mga epektong ito, nagpapatunay ito na ang maranasan lamang ang isang partikular na aspeto ng katotohanan ay hindi maituturing na tunay na pagkaunawa sa katotohanan, o pagkilala sa Diyos, lalong hindi masasabi na nakamit na ang katotohanan. Ang lahat ay mayroon lamang karanasan sa isang aspeto at saklaw ng katotohanan; nararanasan nila ito sa loob ng limitado nilang saklaw, at hindi sumasagi sa lahat ng di-mabilang na aspekto ng katotohanan. Maisasabuhay ba ng mga tao ang orihinal na kahulugan ng katotohanan? Gaano ang halaga ng iyong bahagyang karanasan? Isang butil lamang ng buhangin sa dalampasigan; isang patak ng tubig sa karagatan. Samakatwid, gaano man kahalaga ang kaalamang iyon at iyang mga pakiramdam na natamo mo na mula sa iyong mga karanasan, hindi pa rin maibibilang na katotohanan ang mga iyan. Masasabi lamang na umaayon ang mga ito sa katotohanan. Ang katotohanan ay nagmumula sa Diyos, at ang mga panloob na kahulugan at mga realidad ng katotohanan ay napakalawak ang sakop, at walang sinumang nakakaarok o nakapagpapabulaan niyon. Basta’t mayroon kang tunay na pagkaunawa sa katotohanan at sa Diyos, mauunawaan mo ang ilang katotohanan; walang sinuman ang makakagawang pabulaanan ang mga tunay na pagkaunawang ito, at ang mga patotoong naglalaman ng mga katotohanang realidad ay mapaninindigan magpakailanman. Sinasang-ayunan ng Diyos ang mga nagtataglay ng mga katotohanang realidad. Basta’t hinahangad mo ang katotohanan, at kaya mong umasa sa Diyos para maranasan ang mga salita ng Diyos at kaya mong tanggapin ang katotohanan bilang iyong buhay anuman ang sitwasyon mo, magkakaroon ka ng isang landas, magagawa mong makaligtas, at makakamit mo ang pagsang-ayon ng Diyos. Kahit umaayon sa katotohanan ang kakaunting nakakamit ng mga tao, hindi masasabi na ito ang katotohanan, lalong hindi masasabi na nakamit na nila ang katotohanan. Ang kakaunting liwanag na natamo ng mga tao ay angkop lamang para sa kanilang mga sarili o sa ilang nakapaloob sa isang tiyak na saklaw, ngunit hindi magiging angkop sa loob ng isang naiibang saklaw. Gaano man kalalim ang karanasan ng isang tao, napakalimitado pa rin nito, at ang kanilang karanasan ay hindi kailanman makaaabot sa lalim ng katotohanan. Ang liwanag ng isang tao at ang pagkaunawa ng isang tao ay hindi kailanman maihahambing sa katotohanan.

—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi

Araw-araw na mga Salita ng Diyos  Sipi 378

Kung nais mong isagawa at unawain ang katotohanan, dapat mo munang hanapin ang katotohanan kapag may mga bagay na nangyayari sa iyo sa pang-araw-araw mong buhay. Ibig sabihin, dapat mong tingnan ang mga bagay-bagay batay sa mga salita ng Diyos at sa katotohanan; kapag malinaw sa iyo ang diwa ng problema, malalaman mo kung paano magsagawa alinsunod sa mga katotohanang prinsipyo. At kung lagi mong tinitingnan ang mga bagay-bagay ayon sa mga salita ng Diyos, makikita mo ang kamay ng Diyos—ang mga gawa ng Diyos—sa lahat ng nangyayari sa iyong paligid. Anuman ang nangyayari sa kanilang paligid, iniisip ng ilang tao na walang kinalaman iyon sa kanilang pananalig sa Diyos o sa katotohanan; sumusunod lamang sila sa sarili nilang mga kagustuhan, tumutugon ayon sa mga pilosopiya ni Satanas. Matututo ba sila ng anumang aral nang ganito? Siguradong hindi. Ito ang dahilan kaya maraming taong nananampalataya sa Diyos sa loob ng sampu o dalawampung taon at wala pa ring pagkaunawa sa katotohanan o buhay pagpasok. Hindi nila kayang isama ang Diyos sa kanilang pang-araw-araw na buhay, o harapin ang lahat ng nangyayari sa kanilang paligid batay sa mga salita ng Diyos, kaya nga tuwing may anumang nangyayari sa kanila, hindi nila masabi kung ano talaga iyon, ni hindi nila magawang pangasiwaan iyon batay sa mga katotohanang prinsipyo. Ang gayong mga tao ay walang buhay pagpasok. Ginagamit lamang ng ilang tao ang kanilang isip kapag nagbabasa sila ng mga salita ng Diyos sa pagtitipon; sa gayong mga pagkakataon, nagagawa nilang magsalita nang may kaunting pagkaunawa, subalit hindi nila kayang ipatupad ang mga salita ng Diyos sa anumang nangyayari sa kanila sa tunay na buhay, hindi rin nila alam kung paano isagawa ang katotohanan, kaya iniisip nila na lahat ng nangyayari sa kanilang pang-araw-araw na buhay ay walang kaugnayan sa katotohanan, walang kaugnayan sa mga salita ng Diyos. Sa kanilang pananalig sa Diyos, parang tinatrato nila ang mga salita ng Diyos at ang katotohanan bilang isang aspekto ng kaalaman, bilang ganap na hiwalay sa kanilang pang-araw-araw na buhay at lubos na nakabukod sa kanilang mga pananaw sa mga bagay-bagay, sa kanilang mga layon sa buhay, at sa kanilang mga hangarin sa buhay. Ano naman ang tungkol sa ganitong uri ng pananampalataya sa Diyos? Mauunawaan ba nila ang katotohanan at makakapasok sa realidad? Kapag nananampalataya sila sa Diyos sa ganitong paraan, tagasunod ba sila ng Diyos? Hindi sila mga taong tunay na nananampalataya sa Diyos, lalong hindi sila tagasunod ng Diyos. Lahat ng problema sa kanilang pang-araw-araw na buhay—kabilang na ang lahat ng kinasasangkutan ng pamilya, buhay may-asawa, trabaho, o kanilang mga kinabukasan—ay itinuturing nilang walang kaugnayan sa katotohanan, kaya sinusubukan nilang lutasin gamit ang mga pamamaraan ng tao. Sa pagdanas nito, hinding-hindi nila makakamit ang katotohanan, hinding-hindi nila mauunawaan kung ano talaga ang nais ng Diyos na matupad sa mga tao, at ang epektong nais Niyang makamtan sa kanila. Ipinapahayag ng Diyos ang katotohanan upang iligtas ang mga tao, upang linisin at baguhin ang kanilang mga tiwaling disposisyon, ngunit hindi nila nababatid na kung tatanggapin at hahangarin nila ang katotohanan, saka lamang nila malulutas ang kanilang sariling mga tiwaling disposisyon; hindi nila nababatid na kapag naranasan at isinagawa nila ang mga salita ng Diyos sa kanilang pang-araw-araw na buhay, saka lamang nila makakamit ang katotohanan. Hindi ba’t mahina umunawa at ignorante ang gayong mga tao? Hindi ba’t sila ang pinakahangal, at katawa-tawa na mga tao? Ang ilang tao ay hindi kailanman hinangad ang katotohanan sa kanilang pananalig sa Diyos. Akala nila ang ibig sabihin ng pananalig sa Diyos ay pagpunta sa pagtitipon, pananalangin, pagkanta ng mga himno, pagbabasa ng mga salita ng Diyos; binibigyang-diin nila ang seremonyang panrelihiyon, at hindi nila kailanman isinasagawa o dinaranas ang mga salita ng Diyos. Ganito manampalataya sa Diyos ang mga tao sa relihiyon. At kapag tinatrato ng mga tao ang isang bagay na napakahalaga na tulad ng pananalig sa Diyos bilang paniniwala sa relihiyon, hindi ba’t sila ay mga hindi mananampalataya? Hindi ba’t sila ay mga walang pananampalataya? Ang paghahangad sa katotohanan ay nangangailangan ng pagdanas ng maraming proseso. May simpleng bahagi ito, at mayroon ding komplikadong bahagi. Sa madaling salita, dapat nating hanapin ang katotohanan at isagawa at danasin ang mga salita ng Diyos sa lahat ng nagaganap sa ating paligid. Sa sandaling masimulan mong gawin ito, lalo at lalo mong makikita kung gaanong katotohanan ang kailangan mong makamit at hangarin sa iyong pananampalataya sa Diyos, at ang katotohanan ay talagang praktikal at ang katotohanan ay buhay. Inililigtas ng Diyos ang sangkatauhan para makamit nila ang katotohanan bilang buhay. Lahat ng nilikhang sangkatauhan ay dapat tanggapin ang katotohanan bilang buhay, hindi lamang ang mga gumagampan ng mga tungkulin, na mga lider at manggagawa, o naglilingkod sa Diyos. Ang mga salita ng Diyos ay para sa buong sangkatauhan, at nangungusap ang Diyos sa buong sangkatauhan. Samakatwid, dapat tanggapin ng lahat ng nilikha at ng buong sangkatauhan ang mga salita ng Diyos at ang katotohanan, hanapin ang katotohanan sa lahat ng bagay, at pagkatapos ay magsagawa ayon sa mga katotohanang prinsipyo upang magkaroon sila ng kakayahang magsagawa at magpasakop sa katotohanan. Kung mga lider at manggagawa lamang ang kinakailangang magsagawa ng katotohanan, magiging ganap na salungat ito sa mga layunin ng Diyos, dahil ang katotohanang ipinahayag ng Diyos ay para sa buong sangkatauhan, at ipinapahayag ito para iligtas ang sangkatauhan, hindi lamang para iligtas ang iilang tao. Kung ganito ang sitwasyon, napakaliit ng magiging kabuluhan ng mga salitang ipinahayag ng Diyos. May landas na ba kayo ngayon upang hangarin ang katotohanan? Ano ang unang bagay na dapat isagawa kapag hinahangad ang katotohanan? Bago ang lahat, dapat kayong gumugol ng higit na panahon sa pagkain at pag-inom ng mga salita ng Diyos at pakikinig ng mga sermon at pagbabahaginan. Kapag may nakaharap kayong isang usapin, magdasal at higit na maghanap pa. Kapag nasangkapan na ninyo ang inyong mga sarili ng maraming katotohanan, kapag mabilis kayong lumalago at nagtataglay ng tayog, magagawa ninyong magampanan ang isang tungkulin, gumawa ng isang maliit na gawain, at magagawang lampasan ang ilang mga pagsubok at mga tukso. Sa oras na iyon, mararamdaman ninyong talagang naunawaan na at nakamit na ninyo ang ilang katotohanan, at madarama ninyo na ang mga salitang binigkas ng Diyos ay pawang katotohanan, na ang mga iyon ay mga katotohanang pinakakinakailangan para sa kaligtasan ng tiwaling sangkatauhan, at na ang mga iyon ay ang katotohanan ng buhay na ibinigay ng natatanging Lumikha.

—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang Kahalagahan ng Paghahangad sa Katotohanan at ang Landas ng Paghahangad Nito

Araw-araw na mga Salita ng Diyos  Sipi 379

Kung ninanais ng mga tao na maligtas kapag naniniwala sila sa Diyos, ang pinakamahalaga ay kung mayroon ba silang may-takot-sa-Diyos na puso o wala, kung may puwang ba ang Diyos sa puso nila o wala, kung nagagawa ba nila o hindi na mamuhay sa harapan ng Diyos at mapanatili ang normal na ugnayan sa Diyos. Ang mahalaga ay kung ang mga tao ba ay nakapagsasagawa ng katotohanan at nagiging mapagpasakop sa Diyos o hindi. Ganyan ang landas at mga kondisyon para maligtas. Kung hindi nagagawa ng puso mong mamuhay sa harapan ng Diyos, kung hindi ka madalas na nananalangin sa Diyos at nakikipagbahaginan sa Diyos, at nawawalan ka ng normal na ugnayan sa Diyos, hindi ka maliligtas kailanman, dahil naharangan mo ang landas tungo sa kaligtasan. Kung wala kang anumang ugnayan sa Diyos, nasa bingit na kayo ng kapahamakan. Kung ang Diyos ay wala sa puso mo, walang saysay na sabihin na nananalig ka, na manampalataya sa Diyos sa ngalan lamang. Hindi mahalaga kung gaano karaming salita at doktrina ang nagagawa mong bigkasin, kung gaano na karami ang naging pagdurusa mo para sa pananampalataya mo sa Diyos, o kung gaano man karami ang mga kaloob mo; kung wala sa puso mo ang Diyos, at wala kang takot sa Diyos, walang halaga kung paano ka nananampalataya sa Diyos. Sasabihin ng Diyos, “Layuan mo Ako, ikaw na masamang tao.” Ikaw ay ituturing na taong gumagawa ng masama. Mawawalan ka ng ugnayan sa Diyos; hindi mo na Siya magiging Panginoon o ang iyong Diyos. Kahit na kinikilala mo na ang Diyos ang may kataas-taasang kapangyarihan sa lahat, at kinikilala mo na Siya ang Lumikha, hindi mo Siya sinasamba, at hindi ka nagpapasakop sa Kanyang kataas-taasang kapangyarihan. Sinusunod mo si Satanas at mga diyablo; tanging si Satanas at mga diyablo ang mga panginoon mo. Kung nagtitiwala ka sa iyong sarili sa lahat ng bagay, at sinusunod ang sarili mong kalooban, kung nagtitiwala ka na ang kapalaran mo ay nasa sarili mong mga kamay, ang pinaniniwalaan mo kung gayon ay ang sarili mo. Kahit na sinasabi mong pinaniniwalaan at kinikilala mo ang Diyos, hindi ka kinikilala ng Diyos. Wala kang ugnayan sa Diyos, kaya sa huli ay nakatakda kang itaboy Niya, parusahan Niya, at itiwalag Niya; hindi inililigtas ng Diyos ang mga taong tulad mo. Ang mga taong tunay na nananampalataya sa Diyos ay iyong mga tumatanggap sa Kanya bilang ang Tagapagligtas, na tumatanggap na Siya ang katotohanan, ang daan, at ang buhay. Nagagawa nilang taos-pusong gugulin ang sarili nila para sa Kanya at gampanan ang tungkulin ng isang nilikha; nararanasan nila ang gawain ng Diyos, isinasagawa nila ang Kanyang mga salita at ang katotohanan, at tinatahak nila ang landas ng paghahangad sa katotohanan. Sila ay mga taong nagpapasakop sa kataas-taasang kapangyarihan at mga pagsasaayos ng Diyos, at sumusunod sa Kanyang kalooban. Maliligtas lamang ang mga tao kapag mayroon silang ganoong pananalig sa Diyos; kung wala, sila ay kokondenahin. Katanggap-tanggap ba na umasa sa swerte ang mga tao kapag nananampalataya sila sa Diyos? Sa kanilang pananalig sa Diyos, maaari bang matamo ng mga tao ang katotohanan kapag palagi silang kumakapit sa kanilang sariling mga kuru-kuro at malabo at mahirap maunawaang mga imahinasyon? Hinding-hindi. Kapag ang mga tao ay nananampalataya sa Diyos, dapat nilang tanggapin ang katotohanan, manampalataya sa Kanya gaya ng hinihingi Niya, at magpasakop sa Kanyang mga pamamatnugot at pagsasaayos; noon lamang nila matatamo ang kaligtasan. Wala nang iba pang paraan bukod dito—anuman ang ginagawa mo, hindi ka dapat umasa sa suwerte. Ang pagbabahaginan tungkol sa paksang ito ay napakahalaga para sa mga tao, hindi ba? Isa itong panggising sa inyo.

Ngayong narinig na ninyo ang mga salitang ito, dapat nauunawaan na ninyo ang katotohanan at malinaw na sa inyo kung ano ang napapaloob sa kaligtasan. Anuman ang gusto ng mga tao, anuman ang hinahangad nila, o anuman ang pinakagusto nilang gawin, wala rito ang mahalaga. Ang pinakamahalaga ay ang pagtanggap sa katotohanan. Sa huling pagsusuri, ang matamo ang katotohanan ang pinakamahalaga, at na ang nagpapahintulot sa iyo na magkaroon ng takot sa Diyos at ang pag-iwas sa kasamaan ay ang tamang landas. Kung ilang taon ka nang naniniwala sa Diyos at palagi mong pinagtutuunan ang paghahangad ng mga bagay-bagay na walang kaugnayan sa katotohanan, kung gayon, ang pananalig mo ay walang kinalaman sa katotohanan, at walang kinalaman sa Diyos. Maaaring sinasabi mong sinasampalatayanan at pasalita mong kinikilala ang Diyos, subalit ang Diyos ay hindi ang Panginoon mo, hindi Siya ang Diyos mo; hindi mo tinatanggap ang kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos sa kapalaran mo, hindi ka nagpapasakop sa lahat ng ipinamamatnugot ng Diyos para sa iyo, at hindi mo kinikilala ang katunayan na ang Diyos ang katotohanan. Sa kasong ito, ang pag-asam mo ng kaligtasan ay nawasak na. Kung hindi ka tumatahak sa landas ng paghahangad sa katotohanan, tinatahak mo ang landas ng pagkawasak. Kung ang lahat ng bagay na iyong hinahangad, pinagtutuunan, ipinagdarasal, at isinasamo ay batay sa mga salita ng Diyos, at sa kung ano ang hinihingi ng Diyos, at kung may lumalago kang pakiramdam na ikaw ay nagpapasakop sa Lumikha at sumasamba sa Lumikha, at nadarama na ang Diyos ang iyong Panginoon, ang iyong Diyos, kung lalo ka pang nagagalak na magpasakop sa lahat ng ipinamamatnugot at isinasaayos ng Diyos para sa iyo, at ang ugnayan mo sa Diyos ay patuloy na nagiging mas malapit, at nagiging mas normal higit kailanman, at kung ang pagmamahal mo sa Diyos ay nagiging mas dalisay at totoo higit kailanman, kung gayon, ang iyong mga reklamo at maling pagkaunawa sa Diyos, at ang iyong magagarbong ninanasa sa Diyos, ay patuloy na magiging mas kaunti, at lubos mo nang matatamo ang takot sa Diyos at ang pag-iwas sa masama, na ang ibig sabihin ay nakapasok ka na sa landas ng kaligtasan. Bagama’t ang pagtahak sa landas ng kaligtasan ay may kasamang disiplina, pagpupungos, paghatol, at pagkastigo ng Diyos, at nagsasanhi ang mga ito na magdusa ka ng labis na pasakit, ito ang pag-ibig ng Diyos na dumarating sa iyo. Kung, sa pananampalataya mo sa Diyos, naghahangad ka lamang ng mga pagpapala, at naghahangad ka lamang ng katayuan, kasikatan at pakinabang, at hindi ka kailanman dinisiplina, o pinungusan, o hinatulan at kinastigo, kung gayon bagama’t mayroon kang madaling buhay, ang puso mo ay patuloy na lalayo sa Diyos, mawawala sa iyo ang normal na ugnayan sa Diyos, at hindi ka na rin magiging handang tanggapin ang pagsisiyasat ng Diyos; gugustuhin mo nang maging sarili mong panginoon—lahat ng ito ay patunay na ang landas na tinatahak mo ay hindi ang tamang landas. Kung nararanasan mo na ang gawain ng Diyos nang ilang panahon at may lumalagong pakiramdam ng kung paanong ang sangkatauhan ay napakalalim na nagawang tiwali, at malamang talaga na lumaban sa Diyos, at kung natatakot ka na darating ang araw na gagawa ka ng isang bagay na lumalaban sa Diyos, at sasalungatin mo ang Diyos at aabandonahin ka Niya, kung kaya nadarama mo na wala nang mas nakakatakot pa kaysa ang labanan ang Diyos, kung gayon ay magkakaroon ka ng may-takot-sa-Diyos na puso. Madarama mo na kapag ang mga tao ay nananampalataya sa Diyos, hindi sila dapat malihis palayo sa Diyos; kung malihis sila palayo sa Diyos, kung malihis sila palayo sa pagdisiplina ng Diyos, at sa paghatol at pagkastigo ng Diyos, ito ay katumbas ng pagkawala ng proteksyon at pangangalaga ng Diyos, ng pagkawala ng mga pagpapala ng Diyos, at katapusan na ito ng mga tao; maaari na lamang silang lalong maging ubod ng sama, sila ay magiging tulad ng mga tao sa mundo ng relihiyon, at malamang pa rin na lumaban sa Diyos habang naniniwala sila sa Diyos—at kung ganito, sila ay magiging mga anticristo. Kung mapagtatanto mo ito, mananalangin ka sa Diyos, “O Diyos! Pakiusap, hatulan at kastiguhin Mo po ako. Sa lahat ng bagay na ginagawa ko, nagsusumamo po ako na siyasatin Mo ako. Kung gumagawa ako ng isang bagay na lumalabag sa katotohanan at kumokontra sa Iyong mga layunin, nawa ay hatulan Mo po ako at kastiguhin nang husto—hindi maaaring wala po sa akin ang Iyong paghatol at pagkastigo.” Ito ang tamang landas na dapat tahakin ng mga tao sa kanilang pananalig sa Diyos. Kaya gawing panukatan ito: Naglalakas-loob ba kayong sabihin na nakatuntong na kayo sa landas ng kaligtasan? Hindi kayo naglalakas-loob, dahil hindi pa kayo nabibilang sa mga naghahangad ng katotohanan, sa maraming bagay, hindi ninyo hinahanap ang katotohanan, hindi ninyo nagagawang tumanggap at magpasakop sa pagpupungos—na nagpapatunay na malayong-malayo pa kayo sa pagtahak sa landas ng kaligtasan. Madali lang ba na makatuntong sa landas ng kaligtasan kung ikaw ay hindi isang tao na naghahangad ng katotohanan? Ang totoo, hindi ito madali. Kung hindi pa naranasan ng mga tao ang paghatol at pagkastigo ng Diyos, kung hindi pa nila naranasan ang pagdisiplina, pagtutuwid, at pagpupungos ng Diyos, hindi madali para sa kanila na maging isang tao na naghahangad ng katotohanan, at bunga nito, napakahirap para sa kanila na makatuntong sa landas ng kaligtasan. Kung, pagkatapos marinig ang mga salitang ito, alam mo na ang mga ito ay ang katotohanan, ngunit hindi mo pa tinatahak ang landas ng paghahangad sa katotohanan at pagkakamit ng kaligtasan, at hindi mo ito nakikita bilang isang seryosong bagay, nadarama mong sa malao’t madali ay gagawin mo rin naman ito—hindi kailangang magmadali—kung gayon ay anong uri ng pananaw ito? Kapag ganito ang iyong pananaw, nasa panganib ka, at mahihirapan kang makatapak sa landas ng kaligtasan. Kaya, anong uri ng determinasyon ang dapat na mayroon ka para makatuntong ka sa landas na ito? Dapat ay sabihin mo na, “A! Sa ngayon ay hindi pa ako nakatutuntong sa landas ng kaligtasan—napakamapanganib nito! Sinasabi ng Diyos na ang mga tao ay dapat na mamuhay sa Kanyang harapan sa lahat ng oras, at mas manalangin pa, at na dapat ay maging mapayapa ang kanilang mga puso, at hindi pabigla-bigla—kaya dapat kong simulang isagawa ang lahat ng ito ngayon.” Ang pagsasagawa sa ganitong paraan ay pagpasok sa tamang landas ng pananalig sa Diyos; ganoon iyon kasimple. Anong klase ng mga tao ang nakakarinig ng mga salita ng Diyos at pagkatapos ay humahayo at isinasagawa ang mga ito? Mabubuti ba silang mga tao? Mabubuti sila—sila ang mga taong nagmamahal sa katotohanan. Anong uri ng tao sila kung nananatili silang manhid, walang pakialam, at hindi sumusuko matapos marinig ang mga salita ng Diyos—kung hindi nila sineseryoso ang mga salita ng Diyos, at nagbibingi-bingihan at nagbubulag-bulagan sila sa mga ito? Hindi ba’t magulo ang isip nila? Palaging itinatanong ng mga tao kung may mabibilis na paraan para maligtas kapag nananampalataya sila sa Diyos. Sinasabi Ko sa inyo na wala, at pagkatapos ay sinasabi Ko sa inyo ang tungkol sa simpleng landas na ito, ngunit matapos itong marinig hindi ninyo ito isinasagawa—na isang sitwasyon na hindi ninyo nalalaman ang mabuting bagay kapag narinig ninyo ito. Maaari bang maligtas ang ganitong mga tao? Kahit pa mayroon silang pag-asa, hindi ito malaki; ang kaligtasan ay magiging napakahirap. Maaaring dumating ang araw na magising sila mula sa pagkakatulog, na maisip nila sa kanilang sarili: “Hindi na ako bata, at hindi ko ginagampanan ang mga itinakdang tungkulin ko habang nananampalataya sa Diyos sa lahat ng nagdaang taong ito. Hinihingi ng Diyos na mamuhay ang mga tao sa Kanyang harapan sa lahat ng oras, at hindi ako namuhay sa harapan ng Diyos. Kailangan kong magmadali at manalangin.” Kung matauhan sila sa kanilang mga puso at magsimulang gampanan ang kanilang itinakdang tungkulin, hindi pa huli ang lahat! Subalit huwag ninyo itong ipagpaliban nang napakatagal; kung maghihintay kayo hanggang mga pitumpu o walumpung taong gulang na kayo, at mahina na ang katawan ninyo, at wala na kayong anumang lakas, hindi ba’t magiging huling-huli na para hangarin ang katotohanan? Kung gugugulin ninyo ang pinakamaiinam na taon ng inyong buhay sa walang kabuluhang mga bagay, at mauwi kayo sa pagpapaliban o pagpapalampas ng paghahangad ng katotohanan, na pinakamahalagang bagay sa lahat, hindi ba’t sukdulang kahangalan ito? Mayroon pa bang higit na kahangalan kaysa rito? Alam na alam ng maraming tao ang tunay na daan ngunit hinihintay pa nilang dumating ang hinaharap bago ito tanggapin at hangarin—silang lahat ay mga hangal. Hindi nila alam na inaabot ng ilang dekada ng pagsisikap ang paghahangad ng katotohanan bago nila makakamit ang buhay. Magiging huli na para magsisi kung sasayangin nila ang pinakamainam na panahon para maligtas!

—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Tanging sa Pagkakaroon ng Takot sa Diyos Makatatahak ang Isang Tao sa Landas ng Kaligtasan

Araw-araw na mga Salita ng Diyos  Sipi 380

Bilang isang lider ng iglesia, hindi mo lamang kailangang matutuhan na gamitin ang katotohanan upang lumutas ng mga problema, kailangan mo ring matutunang tumuklas at luminang ng mga taong may talento, na talagang hindi mo dapat kainggitan o pigilan. Ang pagsasagawa sa ganitong paraan ay kapaki-pakinabang sa gawain ng iglesia. Kung makakapaglinang ka ng ilang naghahangad ng katotohanan upang makipagtulungan sa iyo at gawin nang maayos ang lahat ng gawain, at sa huli, lahat kayo ay may patotoong batay sa karanasan, isa kang lider o manggagawa na pasok sa pamantayan. Kung nagagawa mong pangasiwaan ang lahat nang ayon sa mga prinsipyo, kung gayon ay iniaalay mo ang iyong katapatan. Ang ilang tao ay palaging natatakot na ang iba ay mas mahusay o mas mataas kaysa sa kanila, na ang iba ay kikilalanin habang sila ay hindi napapansin, at dahil dito ay binabatikos at ibinubukod nila ang iba. Hindi ba ito isang kaso ng pagkainggit sa mga taong may talento? Hindi ba’t makasarili at kasuklam-suklam ito? Anong klaseng disposisyon ito? Ito ay pagiging mapaminsala. Iyong mga iniisip lamang ang sarili nilang mga interes, binibigyang-kasiyahan lamang ang sarili nilang mga makasariling pagnanais, nang hindi iniisip ang iba o isinasaalang-alang ang mga interes ng sambahayan ng Diyos, ay may masamang disposisyon, at walang pagmamahal ang Diyos sa kanila. Kung talagang kaya mong magpakita ng pagsasaalang-alang para sa mga layunin ng Diyos, magagawa mong tratuhin nang patas ang ibang mga tao. Kung nagrerekomenda ka ng isang mabuting tao at hinahayaan mo siyang magsanay at gumampan ng tungkulin, at sa gayon ay nagdaragdag ka ng isang taong may talento sa sambahayan ng Diyos, hindi ba’t padadaliin niyon ang iyong gawain? Kung gayon, hindi ba’t magpapakita ka ng katapatan sa iyong tungkulin? Isa iyong mabuting gawa sa harap ng Diyos; ito ang pinakamababang antas ng konsensiya at katwiran na dapat taglayin ng mga naglilingkod bilang lider. Yaong mga may kakayahang isagawa ang katotohanan ay kayang tanggapin ang pagsisiyasat ng Diyos sa mga bagay na kanilang ginagawa. Kapag tinatanggap mo ang pagsisiyasat ng Diyos, maitutuwid ang puso mo. Kung gumagawa ka lamang ng mga bagay para makita ng iba, at lagi mong nais na makuha ang papuri at paghanga ng iba, at hindi mo tinatanggap ang pagsisiyasat ng Diyos, nasa puso mo pa ba ang Diyos? Ang gayong mga tao ay walang may-takot-sa-Diyos na puso. Huwag kang laging gumawa ng mga bagay para sa sarili mong kapakanan at huwag mong palagiang isaalang-alang ang iyong mga sariling interes; huwag mong isaalang-alang ang mga interes ng tao, at huwag isipin ang iyong sariling pride, reputasyon, at katayuan. Kailangan mo munang isaalang-alang ang mga interes ng sambahayan ng Diyos, at unahin ang mga iyon. Dapat kang maging mapagsaalang-alang sa mga layunin ng Diyos at magsimula sa pagbubulay-bulay kung mayroon ba o walang karumihan sa paggampan mo sa iyong tungkulin, kung ikaw ba ay naging deboto, kung natupad mo ang iyong mga responsabilidad, at kung naibigay mo ang lahat mo, gayundin kung buong-puso mo bang iniisip o hindi ang iyong tungkulin at ang gawain ng iglesia. Kailangan mong isaalang-alang ang mga bagay na ito. Kung madalas mong isipin ang mga ito at unawain ang mga ito, magiging mas madali para sa iyo na gampanan nang maayos ang iyong tungkulin. Kung mahina ang iyong kakayahan, kung mababaw ang iyong karanasan, o kung hindi ka bihasa sa iyong mga propesyonal na gawain, kung gayon ay maaaring may ilang pagkakamali o kakulangan sa iyong gawain, at maaaring hindi ka makakuha ng magagandang resulta—ngunit nagawa mo ang lahat ng iyong makakaya. Hindi mo binibigyang-kasiyahan ang iyong mga makasariling pagnanais o kagustuhan. Sa halip, palagi mong isinasaalang-alang ang gawain ng iglesia at ang mga interes ng sambahayan ng Diyos. Bagama’t maaaring hindi ka makapagkamit ng magagandang resulta sa iyong tungkulin, naituwid naman ang puso mo; kung, dagdag pa rito, kaya mong hanapin ang katotohanan upang malutas ang mga problema sa iyong tungkulin, magiging pasok ka sa pamantayan sa paggampan mo sa iyong tungkulin, at, kasabay nito, magagawa mong pumasok sa katotohanang realidad. Ito ang ibig sabihin ng pagkakaroon ng patotoo.

Ang ilang tao ay nananampalataya sa Diyos ngunit hindi hinahangad ang katotohanan. Lagi silang namumuhay ayon sa laman, nag-iimbot sa mga kasiyahan ng laman, laging pinagpapakasasa ang kanilang mga makasariling pagnanais. Ilang taon man silang manampalataya sa Diyos, hindi sila kailanman makapapasok sa katotohanang realidad. Ito ang tanda ng pagbibigay-kahihiyan sa Diyos. Sinasabi mo, “Wala naman akong anumang ginagawa para labanan ang Diyos. Paano ako nakapagbigay ng kahihiyan sa Kanya?” Lahat ng ideya at iniisip mo ay buktot. Ang mga intensyon, layon at motibong nasa likod ng iyong mga ginagawa, at ang mga kahihinatnan ng iyong mga pagkilos ay palaging binibigyang-kasiyahan si Satanas, ginagawa kang katatawanan nito, at hinahayaan itong may panghawakan sa iyo. Wala kang naibigay na patotoo na dapat mayroon ang isang Kristiyano. Ikaw ay kay Satanas. Nagbibigay-kahihiyan ka sa pangalan ng Diyos sa lahat ng bagay at hindi ka nagtataglay ng tunay na patotoo. Tatandaan ba ng Diyos ang mga nagawa mo? Sa huli, anong kongklusyon ang mabubuo ng Diyos tungkol sa lahat ng iyong ikinilos, inasal at mga tungkulin na iyong ginampanan? Hindi ba’t kailangang may kalalabasan iyon, isang uri ng pahayag? Sa Bibliya, sinasabi ng Panginoong Jesus, “Marami ang mangagsasabi sa Akin sa araw na yaon, ‘Panginoon, Panginoon, hindi baga nagsipanghula kami sa Iyong pangalan, at sa pangalan Mo ay nangagpalayas kami ng mga demonyo, at sa pangalan Mo ay nagsigawa kami ng maraming gawang kamangha-mangha?’ At kung magkagayon ay ipahahayag Ko sa kanila, ‘Kailanman ay hindi Ko kayo nangakilala: magsilayo kayo sa Akin, kayong manggagawa ng katampalasanan’” (Mateo 7:22–23). Bakit ito sinabi ng Panginoong Jesus? Bakit naging mga taong gumagawa ng masama ang napakarami sa mga nangaral, nagpalayas ng mga demonyo, at nagsagawa ng maraming himala sa pangalan ng Panginoon? Ito ay dahil hindi nila tinanggap ang mga katotohanang ipinahayag ng Panginoong Jesus, hindi nila sinunod ang Kanyang mga utos, at hindi minahal ang katotohanan sa kanilang puso. Ginusto lang nilang ipagpalit ang gawaing ginawa nila, ang mga paghihirap na tiniis nila, at ang mga sakripisyong ginawa nila para sa Panginoon para sa mga pagpapala ng kaharian ng langit. Sa ganito, sinusubukan nilang makipagtawaran sa Diyos, at sinusubukan nilang gamitin at linlangin ang Diyos, kaya kinasawaan, kinamuhian, at kinondena sila ng Panginoong Jesus bilang mga taong gumagawa ng masasama. Ngayon, tinatanggap ng mga tao ang paghatol at pagkastigo ng mga salita ng Diyos, pero naghahangad pa rin ng reputasyon at katayuan ang ilan, at lagi nilang ninanais na mamukod-tangi, laging gustong maging mga lider at manggagawa at magtamo ng reputasyon at katayuan. Bagama’t sinasabi nilang lahat na nananampalataya at sumusunod sila sa Diyos, at tumatalikod sila sa mga bagay at gumugugol sila para sa Diyos, ginagawa nila ang kanilang mga tungkulin para magtamo ng kasikatan, pakinabang, at katayuan, at lagi silang may mga sarili nilang pakana. Hindi sila mapagpasakop o tapat sa Diyos, kaya nilang walang pakundangang gumawa ng masasamang bagay nang hindi pinagninilayan ang kanilang sarili ni kaunti, kaya nga sila ay naging mga taong gumagawa ng masama. Kinasusuklaman ng Diyos ang masasamang taong ito, at hindi sila inililigtas ng Diyos. Ano ang pamantayang ginagamit para husgahan kung mabuti o masama ang mga ikinikilos at inaasal ng isang tao? Ito ay kung taglay ba niya o hindi, sa kanyang mga iniisip, ibinubunyag, at ikinikilos, ang patotoo tungkol sa pagsasagawa ng katotohanan at pagsasabuhay ng katotohanang realidad. Kung wala ka ng realidad na ito o hindi mo ito isinasabuhay, walang duda, isa kang taong gumagawa ng masama. Ano ang tingin ng Diyos sa mga taong gumagawa ng masama? Para sa Diyos, ang mga iniisip at panlabas mong mga kilos ay hindi nagpapatotoo sa Kanya, ni ipinapahiya o tinatalo si Satanas; sa halip, nagbibigay ang mga ito ng kahihiyan sa Kanya, at puno ang mga ito ng mga marka ng kasiraan ng dangal na idinulot mo sa Kanya. Hindi ka nagpapatotoo para sa Diyos, hindi mo ginugugol ang sarili mo para sa Diyos, ni isinasakatuparan ang mga responsabilidad at obligasyon mo sa Diyos; sa halip, kumikilos ka para sa iyong sariling kapakanan. Ano ang kahulugan ng “para sa iyong sariling kapakanan”? Sa tiyak na pananalita, ang ibig sabihin nito ay para sa kapakanan ni Satanas. Samakatwid, sa bandang huli, sasabihin ng Diyos, “Magsilayo kayo sa Akin, kayong manggagawa ng katampalasanan.” Sa mga mata ng Diyos, hindi ituturing na mabubuting gawa ang iyong mga ikinilos, ituturing ang mga ito na masasamang gawa. Hindi lamang mabibigong makamit ng mga ito ang pagsang-ayon ng Diyos—kokondenahin pa ang mga ito. Ano ang inaasahang makamit ng isang tao mula sa ganitong pananampalataya sa Diyos? Hindi ba’t mawawalan ng saysay sa huli ang gayong pananampalataya?

Para sa lahat ng gumagampan ng tungkulin, gaano man kalalim o kababaw ang kanilang pagkaunawa sa katotohanan, ang pinakasimpleng paraan para isagawa ang pagpasok sa katotohanang realidad ay ang isipin ang mga interes ng sambahayan ng Diyos sa lahat ng bagay, at bitiwan ang kanilang mga makasariling pagnanais, mga personal na intensyon, mga motibo, pagmamalaki, at katayuan. Unahin ang mga interes ng sambahayan ng Diyos—ito ang pinakamababang dapat gawin ng isang tao. Kung ni hindi man lang ito magawa ng isang taong gumagampan ng tungkulin, paano masasabi na ginagampanan niya ang kanyang tungkulin? Hindi iyon paggampan ng kanyang tungkulin. Dapat mo munang isipin ang mga interes ng sambahayan ng Diyos, isaalang-alang ang mga layunin ng Diyos, at isaalang-alang ang gawain ng iglesia. Unahin mo muna ang mga bagay na ito; pagkatapos niyan, saka mo lamang maaaring isipin ang katatagan ng iyong katayuan o kung ano ang tingin sa iyo ng iba. Hindi ba ninyo nararamdaman na mas dumadali ito nang kaunti kapag hinahati ninyo ito sa dalawang hakbang at gumagawa kayo ng ilang kompromiso? Kung magsasagawa ka nang ganito nang ilang panahon, madarama mo na hindi naman pala mahirap na bigyang-kasiyahan ang Diyos. Bukod pa riyan, dapat mong magawang tuparin ang iyong mga responsabilidad, gampanan ang iyong mga obligasyon at ang iyong tungkulin, at isantabi ang iyong mga makasariling pagnanais, intensyon, at motibo; dapat kang magpakita ng pagsasaalang-alang sa mga layunin ng Diyos, at unahin ang mga interes ng sambahayan ng Diyos, ang gawain ng iglesia, at ang tungkulin na dapat mong gampanan. Pagkatapos itong maranasan sa loob ng ilang panahon, madarama mo na isa itong mabuting paraan para umasal. Ito ay pamumuhay nang prangka at tapat, at hindi pagiging isang mababang-uri at ubod ng sama na tao; pamumuhay ito nang makatarungan at marangal sa halip na pagiging walang gulugod, kasuklam-suklam, at mababang-uri. Madarama mo na ganito dapat kumilos ang isang tao at ito ang wangis na dapat niyang isabuhay. Unti-unti, mababawasan ang pagnanais mong bigyang-kasiyahan ang sarili mong mga interes. Sa ngayon, gaano katagal man kayong nananampalataya sa Diyos, mababaw ang inyong pagpasok at karanasan sa mga aral na may kinalaman sa paghahangad sa katotohanan, pagsasagawa ng katotohanan, at pagpasok sa katotohanang realidad, at wala kayong tunay na karanasan sa mga ito, kaya hindi kayo makapagbigay ng tunay na patotoo. Sinabi Ko na sa inyo ngayon ang simpleng pamamaraang ito: Magsimula kayo sa pagsasagawa sa ganitong paraan, at kapag nagawa na ninyo iyon sa loob ng ilang panahon, magsisimulang magbago ang kalagayan ng inyong kalooban nang hindi ninyo nalalaman. Mula sa nag-aalangang kalagayan, kung saan hindi kayo masyadong interesado sa pananampalataya sa Diyos, ni lubhang tutol dito, magiging kalagayan iyon kung saan nadarama ninyo na mabubuting bagay ang pananampalataya sa Diyos at pagiging matapat na tao, at kung saan interesado kayo sa pagiging matapat na tao at nadarama ninyo na may kabuluhan at pagtustos ang pamumuhay nang ganito. Madarama ninyo ang katatagan, kapanatagan, at kasiyahan sa inyong puso. Ganoon ang inyong magiging kalagayan. Iyon ang resultang nagmumula sa pagbitiw sa inyong mga pansariling intensyon, interes, at makasariling pagnanais. Iyon ang kinalabasan. Sa isang banda ay resulta ito ng pakikipagtulungan ng tao at sa kabilang banda, ay gawain ito ng Banal na Espiritu. Hindi gagawa ang Banal na Espiritu kung walang pakikipagtulungan ng mga tao.

—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Makakamit Lamang ang Kalayaan at Pagpapalaya sa Pamamagitan ng Pagwawaksi sa Sariling Tiwaling Disposisyon

Araw-araw na mga Salita ng Diyos  Sipi 381

Ano ang nalalaman ninyo tungkol sa mga pagbabago sa disposisyon? Ang mga pagbabago sa disposisyon ay iba, sa diwa, sa mga pagbabago sa pag-uugali, at iba rin ang mga ito sa mga pagbabago sa pagsasagawa—ang lahat ng ito ay magkakaiba sa diwa. Naglalagay ang karamihan ng mga tao ng natatanging diin sa paggawi sa kanilang pananampalataya sa Diyos, na ang nagiging resulta ay ang pagkakaroon ng ilang pagbabago sa kanilang pag-uugali. Pagkatapos nilang magsimulang manampalataya sa Diyos, tumigil sila sa paninigarilyo at pag-inom, at hindi na sila nakikipaglaban sa iba, mas pinipiling maging mapagpasensya kapag dumaranas sila ng kawalan. Sumasailalim sila sa ilang pagbabago sa pag-uugali. Ang ilang tao ay nadarama na sa sandaling manampalataya sila sa Diyos, nauunawaan na nila ang katotohanan sa pamamagitan ng pagbabasa ng salita ng Diyos; na naranasan na nila ang gawain ng Banal na Espiritu, at nagkaroon na sila ng tunay na kasiyahan sa kanilang mga puso, na ginagawa silang partikular na masigasig, at wala silang hindi kayang talikdan o pagdusahan. Gayunman, matapos manampalataya sa loob ng walo, sampu, o kahit dalawampu o tatlumpung taon, dahil walang naging pagbabago sa kanilang mga buhay disposisyon, nauwi sila sa pagbabalik sa dating mga gawi; lalong lumilitaw ang kanilang kayabangan at kapalaluan, nagsisimula silang makipagpaligsahan para sa kapangyarihan at pakinabang, pinag-iimbutan nila ang salapi ng iglesia, kinaiinggitan nila ang mga nagsamantala sa sambahayan ng Diyos. Sila ay nagiging mga parasito at salot sa loob ng sambahayan ng Diyos, at ang ilan ay ibinubunyag pa nga at itinitiwalag bilang mga huwad na lider at mga anticristo. At ano ang pinatutunayan ng mga katotohanang ito? Ang mga pagbabago lang sa pag-uugali ay hindi napapanatili; kung walang pagbabago sa mga buhay disposisyon ng mga tao, sa malaon at madali ay ipapakita nila ang mga tunay nilang kulay. Ito ay dahil ang pinagmumulan ng mga pagbabago sa pag-uugali ay ang kasigasigan, at sinamahan ng ilang gawain ng Banal na Espiritu sa panahong iyon, nagiging napakadali para sa kanila na maging masigasig o magkaroon ng mabubuting intensyon sa loob ng maiksing panahon. Katulad ng sinasabi ng mga walang pananampalataya, “Madali ang paggawa ng isang mabuting bagay; ang mahirap ay ang habambuhay na paggawa ng mabubuting bagay.” Bakit walang kakayahan ang mga tao na gumawa ng mabubuting bagay sa buong buhay nila? Dahil ang mga tao ay likas na buktot, makasarili, at tiwali. Ang pag-uugali ng isang tao ay dinidikta ng kanyang kalikasan; anuman ang kalikasan ng isang tao, gayundin ang pag-uugali na kanyang inihahayag, at iyon lamang likas na naihahayag ang kumakatawan sa kalikasan ng isang tao. Hindi magtatagal ang mga bagay na huwad. Kapag gumagawa ang Diyos upang iligtas ang tao, hindi ito upang palamutian ang tao ng mabuting pag-uugali—ang layunin ng gawain ng Diyos ay ang baguhin ang mga disposisyon ng mga tao, upang sila ay muling isilang na bagong mga tao. Ang paghatol, pagkastigo, mga pagsubok, at pagpipino ng Diyos sa tao ay pawang nagsisilbi upang baguhin ang kanyang disposisyon, upang matamo niya ang ganap na pagpapasakop at katapatan sa Diyos, at magawang normal na sambahin Siya. Ito ang layunin ng gawain ng Diyos. Ang pagpapakabait ay hindi katulad ng pagpapasakop sa Diyos, lalong hindi ito katumbas ng pagiging kaayon kay Cristo. Ang mga pagbabago sa pag-uugali ay batay sa doktrina at bunga ng sigasig; hindi batay ang mga ito sa tunay na kaalaman sa Diyos o sa katotohanan, lalong hindi batay sa paggabay ng Banal na Espiritu. Bagama’t may mga pagkakataon na ang ilan sa ginagawa ng mga tao ay binibigyang-liwanag o pinapatnubayan ng Banal na Espiritu, hindi ito isang pagbubunyag ng buhay nila. Hindi pa sila nakapasok sa mga katotohanang realidad, at ang kanilang buhay disposisyon ay hindi talaga nagbago. Gaano man kabuti ang pag-uugali ng isang tao, hindi ito nagpapatunay na nagpapasakop siya sa Diyos o na isinasagawa niya ang katotohanan. Ang mga pagbabago sa pag-uugali ay hindi kumakatawan sa mga pagbabago sa buhay disposisyon at hindi maaaring ituring ang mga ito bilang mga pagbubunyag ng buhay.

—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi

Araw-araw na mga Salita ng Diyos  Sipi 382

Kung maraming mabubuting pag-uugali ang isang tao, hindi iyon nangangahulugan na taglay niya ang mga katotohanang realidad. Sa pagsasagawa lang ng katotohanan at pagkilos ayon sa mga prinsipyo mo maaaring taglayin ang mga katotohanang realidad. Sa pagkakaroon lang ng takot sa Diyos at pag-iwas sa kasamaan mo maaaring taglayin ang mga katotohanang realidad. Ang ilang tao ay may kasigasigan, kayang magsalita ng doktrina, sumunod sa mga regulasyon, at gumawa ng maraming mabubuting bagay, pero ang masasabi lang tungkol sa kanila ay na may taglay silang kaunting pagkatao. Ang mga kayang magsalita ng doktrina at palaging sumusunod sa mga regulasyon ay hindi tiyak na masasabing kayang magsagawa ng katotohanan. Kahit tama ang sinasabi nila at parang walang mga problema ang mga iyon, wala silang masabi sa mga bagay na may kinalaman sa diwa ng katotohanan. Samakatwid, gaano man karaming doktrina ang kayang sabihin ng isang tao, hindi iyon nangangahulugan na nauunawaan niya ang katotohanan, at gaano man karaming doktrina ang nauunawaan niya, hindi niya malulutas ang anumang mga problema. Maipaliliwanag ng lahat ng teorista tungkol sa relihiyon ang Bibliya, pero sa huli, babagsak silang lahat, dahil hindi nila tinatanggap ang buong katotohanang naipahayag ng Diyos. Ang mga taong nakaranas ng pagbabago sa kanilang disposisyon ay naiiba; naunawaan na nila ang katotohanan, nakikilatis nila ang lahat ng usapin, alam nila kung paano kumilos alinsunod sa mga layunin ng Diyos, kung paano kumilos alinsunod sa katotohanang prinsipyo, at kung paano kumilos upang mapalugod ang Diyos, at nauunawaan nila ang kalikasan ng katiwalian na kanilang ibinubunyag. Kapag ang kanilang sariling mga ideya at mga kuru-kuro ay naibubunyag, nagagawa nilang makakilala at maghimagsik laban sa laman. Ganito naipapamalas ang isang pagbabago sa disposisyon. Ang pangunahing pagpapamalas ng mga taong dumaan sa pagbabago ng disposisyon ay nagagawa nilang maunawaan nang malinaw ang katotohanan, at kapag ipinatutupad ang mga bagay, isinasagawa nila ang katotohanan nang may relatibong katumpakan at hindi sila nagbubunyag ng katiwalian nang madalas. Karaniwan, ang mga nagbago na ang disposisyon ay nagiging makatwiran at nakakakilatis, at dahil sa kanilang pagkaunawa sa katotohanan, hindi sila gaanong nagbubunyag ng pagmamagaling o kayabangan. Nauunawaan nila nang malinaw at nakikilatis ang marami sa katiwaliang nahayag sa kanila, kaya hindi sila nagyayabang. Nagagawa nilang magkaroon ng isang nasusukat na pagkaunawa sa kung ano ang dapat nilang kalugaran at kung ano ang mga bagay na dapat nilang gawin na makatwiran, kung paano gumawa ng tungkulin nang maayos, kung ano ang sasabihin at kung ano ang hindi sasabihin, at kung ano ang sasabihin at kung ano ang gagawin sa alin mang mga tao. Kaya, ang mga taong nagbago ang mga disposisyon ay medyo makatwiran, at ang ganoong mga tao lamang ang tunay na nagsasabuhay ng wangis ng tao. Dahil nauunawaan nila ang katotohanan, nasasabi at nakikita nila ang mga bagay alinsunod sa katotohanan, at may prinsipyo sila sa lahat ng ginagawa nila; hindi sila sumasailalim sa impluwensiya ng sinumang tao, pangyayari o bagay, at lahat sila ay may sariling pananaw at kayang itaguyod ang mga katotohanang prinsipyo. Ang kanilang disposisyon ay medyo matatag, hindi sila sala sa init at sala sa lamig, at anuman ang kanilang sitwasyon, nauunawaan nila kung paano isagawa nang wasto ang kanilang tungkulin at kung paano umasal na ikalulugod ng Diyos. Iyong mga nagbago ang mga disposisyon ay hindi nagtutuon ng pansin sa kung ano ang gagawin sa panlabas upang maging maganda ang tingin sa kanila ng iba; natamo nila ang panloob na kaliwanagan sa kung ano ang gagawin upang mapalugod ang Diyos. Kung gayon, sa panlabas maaaring tila hindi sila ganoon kasigasig o nakagawa ng anumang mahalaga, ngunit ang lahat ng kanilang ginagawa ay makahulugan, mahalaga, at nagbubunga ng praktikal na mga resulta. Iyong mga nagbago ang mga disposisyon ay tiyak na nagtataglay ng napakaraming katotohanang realidad, at ito ay mapapatunayan sa pamamagitan ng kanilang mga pananaw sa mga bagay at sa kanilang mga prinsipyo ng pagkilos. Ang mga hindi pa nagtamo ng katotohanan ay talagang hindi nagkamit ng anumang pagbabago sa buhay disposisyon. Paano ba talaga nakakamit ang pagbabago sa disposisyon? Lubhang nagawang tiwali ni Satanas ang mga tao, lahat sila ay lumalaban sa Diyos, at lahat sila ay may kalikasang lumalaban sa Diyos. Inililigtas ng Diyos ang mga tao sa pamamagitan ng pagbabago sa mga may kalikasang lumalaban sa Diyos at maaaring lumaban sa Diyos na magpasakop at magkaroon ng takot sa Diyos. Ito ang kahulugan ng maging isang tao na nagbago na ang disposisyon. Gaano man katiwali ang isang tao o ilang tiwaling disposisyon ang mayroon siya, basta’t kaya niyang tanggapin ang katotohanan, tanggapin ang paghatol at pagkastigo ng Diyos, at tanggapin ang iba’t ibang pagsubok at pagpipino, magkakaroon siya ng tunay na pagkaunawa sa Diyos, at kasabay nito ay malinaw niyang makikita ang sarili niyang kalikasang diwa. Kapag tunay niyang nakikilala ang kanyang sarili, magagawa niyang kamuhian ang kanyang sarili at si Satanas, at magiging handa siyang maghimagsik laban kay Satanas, at ganap na magpasakop sa Diyos. Kapag may ganitong determinasyon na ang isang tao, kaya na niyang hangarin ang katotohanan. Kung may tunay na kaalaman ang mga tao tungkol sa Diyos, kung nadalisay ang kanilang satanikong disposisyon, at nag-ugat ang mga salita ng Diyos sa kanilang kalooban, at naging buhay na nila at batayan ng kanilang pag-iral, kung namumuhay sila ayon sa mga salita ng Diyos, at lubusan nang nagbago at naging mga bagong tao—maituturing ito bilang pagbabago sa kanilang buhay disposisyon. Ang pagbabago sa disposisyon ay hindi nangangahulugan ng pagkakaroon ng pagkataong nasa hustong isipan na at bihasa, ni hindi ito nangangahulugan na mas maamo ang panlabas na mga disposisyon ng mga tao kaysa dati, na dati silang mayabang ngunit ngayon ay makatwiran nang magsalita, o na dati ay wala silang pinakikinggan ngunit ngayon ay kaya na nilang makinig sa iba nang kaunti; hindi masasabi na ang mga panlabas na pagbabagong ito ay mga pagbabago sa disposisyon. Siyempre pa, ang mga pagbabago sa disposisyon ay kinabibilangan ng mga ganoong pagpapamalas, ngunit ang pinakamahalagang bagay ay na sa loob, nagbago na ang buhay nila. Lahat ng ito ay dahil nag-ugat na ang mga salita ng Diyos at ang katotohanan sa kanilang kalooban, namumuno sa kanilang kalooban, at naging buhay na nila. Nagbago na rin ang kanilang mga pananaw tungkol sa mga bagay-bagay. Kitang-kita nila ang nangyayari sa mundo at sa sangkatauhan, kung paano ginagawang tiwali ni Satanas ang sangkatauhan, kung paano nilalabanan ng malaking pulang dragon ang Diyos, at ang diwa ng malaking pulang dragon. Kaya nilang kamuhian ang malaking pulang dragon, si Satanas sa puso nila, at kaya nilang lubos na bumaling at sumunod sa Diyos. Nangangahulugan ito na nagbago na ang kanilang buhay disposisyon, at nakamit na sila ng Diyos. Ang mga pagbabago sa buhay disposisyon ay mga pangunahing pagbabago, samantalang ang mga pagbabago sa pag-uugali ay paimbabaw. Ang mga nagkamit lang ng mga pagbabago sa buhay disposisyon ang mga nagtamo ng katotohanan, at sila lang ang nakamit ng Diyos.

—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi

Araw-araw na mga Salita ng Diyos  Sipi 383

Ang pagbabago ng disposisyon ng isang tao ay hindi pagbabago ng pag-uugali, o pakunwaring panlabas na pagbabago o pansamantalang pagbabago na bunsod ng sigasig. Gaano man kabuti ang mga pagbabagong ito, hindi mapapalitan ng mga ito ang mga pagbabago sa buhay disposisyon, dahil ang mga panlabas na pagbabagong ito ay maaaring makamtan sa pamamagitan ng mga pagsisikap ng tao, pero hindi makakamtan ang mga pagbabago sa buhay disposisyon sa pamamagitan lang ng pagsisikap ng isang tao. Kailangang maranasan ang paghatol, pagkastigo, mga pagsubok, at pagpipino ng Diyos para makamtan ito, gayundin ang pagpeperpekto ng Banal na Espiritu. Kahit nagpapakita ng ilang mabubuting pag-uugali ang mga taong nananampalataya sa Diyos, wala ni isa man sa kanila ang tunay na nagpapasakop sa Diyos, tunay na nagmamahal sa Diyos, o nakasusunod sa kalooban ng Diyos. Bakit ganito? Ito ay dahil kailangan nito ng pagbabago sa buhay disposisyon, at ang pagbabago lang sa ugali ay hinding-hindi sasapat. Ang pagbabago sa disposisyon ay nangangahulugan na mayroon kang kaalaman at karanasan sa katotohanan, at na naging buhay mo na ang katotohanan, na maaari nitong patnubayan at pangibabawan ang iyong buhay at lahat ng tungkol sa iyo. Ito ay isang pagbabago sa buhay disposisyon mo. Ang mga tao lamang na nagtataglay ng katotohanan bilang buhay ang mga taong nagbago na ang mga disposisyon. Dati, maaaring mayroong ilang katotohanan na hindi mo maisagawa noong naunawaan mo ang mga iyon, pero ngayon naisasagawa mo na ang anumang aspekto ng katotohanang nauunawaan mo nang walang mga sagabal o paghihirap. Kapag isinasagawa mo ang katotohanan, natutuklasan mong napupuno ka ng kapayapaan at kasayahan, pero kung hindi mo maisagawa ang katotohanan, nasasaktan ka at nababagabag ang konsensiya. Nakapagsasagawa ka ng katotohanan sa lahat ng bagay, nakakapamuhay ayon sa mga salita ng Diyos, at mayroon kang pundasyon sa pamumuhay. Nangangahulugan ito na nagbago na ang iyong disposisyon. Madali mo nang napapakawalan ngayon ang iyong mga kuru-kuro at imahinasyon, ang iyong mga kagustuhan at hangarin ng laman, at ang mga bagay na hindi mo mapakawalan dati. Nadarama mo na ang mga salita ng Diyos ay totoong mabuti, at na ang pagsasagawa ng katotohanan ang pinakamainam na gawin. Nangangahulugan ito na nagbago na ang iyong disposisyon. Parang napakasimple ng isang pagbabago sa disposisyon, pero ang totoo ay isang proseso ito na nangangailangan ng maraming karanasan. Sa panahong ito, kailangang dumanas ng maraming hirap ang mga tao, kailangan nilang supilin ang kanilang katawan at maghimagsik laban sa kanilang laman, kailangan din nilang dumanas ng paghatol, pagkastigo, pagpupungos, mga pagsubok, at pagpipino, at kailangan din nilang dumanas ng maraming kabiguan, pagbagsak, pagtatalo ng kalooban, at paghihirap sa kanilang puso. Pagkatapos nilang maranasan ang mga ito, saka lang magkakaroon ng kaunting pagkaunawa ang mga tao sa sarili nilang kalikasan, pero ang kaunting pagkaunawa ay hindi agad-agad na nagbubunga ng lubos na pagbabago; kailangan nilang dumaan sa mahabang panahon ng karanasan bago nila maiwaksi nang paunti-unti ang kanilang mga tiwaling disposisyon. Kaya nga kinakailangan ng habambuhay para mabago ang disposisyon ng isang tao. Halimbawa, kung nagbubunyag ka ng katiwalian sa isang bagay, maisasagawa mo ba kaagad ang katotohanan kapag natanto mo iyon? Hindi. Sa yugtong ito ng pagkaunawa, pinupungusan ka ng iba, at pagkatapos, ang iyong kapaligiran ay pinipilit ka at pinupuwersa ka na kumilos ayon sa mga katotohanang prinsipyo. Kung minsan, labag pa rin sa iyong kalooban na gawin iyon, at sinasabi mo sa sarili mo, “Kailangan ko bang gawin ito nang ganito? Bakit hindi ko ito puwedeng gawin sa paraang gusto ko? Bakit lagi akong sinasabihang isagawa ang katotohanan? Ayaw kong gawin ito, sawa na ako!” Ang pagdanas ng gawain ng Diyos ay nangangailangan ng pagdaan sa sumusunod na proseso: mula sa pag-aatubiling isagawa ang katotohanan, tungo sa kahandaang isagawa ang katotohanan; mula sa pagiging negatibo at mahina, tungo sa kalakasan at kakayahang maghimagsik laban sa laman. Kapag naabot ng mga tao ang isang tiyak na punto ng karanasan at pagkatapos ay dumaan sa ilang pagsubok, pagpipino, at sa huli ay naunawaan ang mga layunin ng Diyos at ilang katotohanan, medyo magiging masaya na sila at handang kumilos ayon sa mga katotohanang prinsipyo. Sa pasimula, ang mga tao ay atubiling magsagawa ng katotohanan. Gawing halimbawa ang debotong paggampan sa mga tungkulin: May kaunti kang pagkaunawa sa paggampan sa iyong mga tungkulin at pagiging deboto sa Diyos, at mayroon ka ring kaunting pagkaunawa sa katotohanan, subalit kailan mo magagawang maging ganap na deboto? Kailan mo magagawang gampanan ang iyong mga tungkulin sa salita at gawa? Mangangailangan ito ng proseso. Sa prosesong ito, maaaring dumanas ka ng maraming hirap. Maaaring pungusan ka ng ilang tao, maaaring punahin ka ng iba. Matutuon ang lahat ng mata sa iyo, sisiyasatin ka ng mga ito, at doon mo lamang masisimulang matanto na ikaw ay nasa mali at na ikaw ang nakagawa nang hindi maayos, na hindi katanggap-tanggap ang kakulangan ng debosyon sa paggampan sa iyong tungkulin, at hindi ka dapat maging pabasta-basta! Liliwanagan ka ng Banal na Espiritu mula sa loob, at sasawayin ka kapag ikaw ay nagkamali. Sa prosesong ito, mauunawaan mo ang ilang mga bagay tungkol sa iyong sarili, at malalaman mo na masyado kang maraming karumihan, nagkikimkim ka ng napakaraming personal na motibo, at may napakaraming labis-labis na pagnanais habang ginagampanan ang iyong mga tungkulin. Sa sandaling naunawaan mo na ang diwa ng mga bagay na ito, kung makakaya mo nang lumapit sa Diyos sa panalangin at magkaroon ng tunay na pagsisisi, malilinis sa iyo ang mga tiwaling bagay na iyon. Kung, sa ganitong paraan, madalas mong hinahanap ang katotohanan upang malutas ang iyong mga sariling praktikal na problema, unti-unting tatapak ka sa tamang landas ng pananalig; magsisimula kang magkaroon ng mga tunay na karanasan sa buhay, at magsisimulang unti-unting madalisay ang iyong tiwaling disposisyon. Kapag mas nadadalisay ang iyong tiwaling disposisyon, mas magbabago ang iyong buhay disposisyon.

Kahit maraming tao ang gumaganap na ngayon sa kanilang tungkulin, sa diwa, ilang tao ang iniraraos lang ang kanilang tungkulin? Ilang tao ang kayang tumanggap sa katotohanan at gumanap sa kanilang mga tungkulin ayon sa mga katotohanang prinsipyo? Ilang tao ang gumagampan sa kanilang mga tungkulin ayon sa mga hinihingi ng Diyos matapos magbago ang kanilang mga disposisyon? Sa pamamagitan ng higit na pagsusuri sa mga bagay na ito, malalaman mo kung talagang pasok ka sa pamantayan sa paggampan sa iyong tungkulin, at makikita mo rin nang malinaw kung nagbago na ang iyong disposisyon. Ang pagkakamit ng pagbabago sa disposisyon ng isang tao ay hindi isang simpleng bagay; hindi ito nangangahulugan ng pagkakaroon lamang ng ilang mga pagbabago sa pag-uugali, pagkakamit ng ilang kaalaman sa katotohanan, kakayahang makapagsabi nang kaunti ukol sa karanasan sa bawat aspekto ng katotohanan, o pagkakaroon ng kaunting pagbabago o bahagyang pagiging mapagpasakop pagkaraang madisiplina. Ang mga bagay na ito ay hindi bumubuo sa pagbabago ng buhay disposisyon ng isang tao. Bakit Ko sinasabi ito? Bagama’t maaaring medyo nagbago ka na, hindi mo pa rin totoong isinasagawa ang katotohanan. Marahil dahil ikaw ay nasa isang pansamantalang angkop na kapaligiran, at pinahihintulutan ito ng sitwasyon, o napilit ka ng mga kasalukuyang pangyayari, umaasal ka sa ganitong paraan. Dagdag pa riyan, kapag maganda ang pakiramdam mo, kapag normal ang kalagayan mo, at kapag may gawain ka ng Banal na Espiritu, maisasagawa mo ang katotohanan. Pero ipagpalagay nang nasa gitna ka ng isang pagsubok, kapag nagdurusa ka na tulad ni Job sa gitna ng iyong mga pagsubok, o nahaharap ka sa pagsubok ng kamatayan. Kapag dumating ito, magagawa mo pa rin bang isagawa ang katotohanan at manindigan sa patotoo? May masasabi ka bang tulad ng sinabi ni Pedro, “Kahit mamatay ako matapos Kang makilala, paanong hindi ko magagawa iyon nang may galak at masaya?” Ano ang pinahalagahan ni Pedro? Ang pinahalagahan ni Pedro ay ang pagpapasakop, at itinuring niyang pinakamahalagang bagay ang pagkilala sa Diyos, kaya nagawa niyang magpasakop hanggang kamatayan. Ang pagbabago sa disposisyon ay hindi nangyayari sa loob ng magdamag; kinakailangan ng habambuhay na karanasan para makamtan ito. Medyo mas madaling maunawaan ang katotohanan, pero mahirap maisagawa ang katotohanan sa iba’t ibang konteksto. Bakit laging nahihirapan ang mga tao na isagawa ang katotohanan? Sa katunayan, ang mga paghihirap na ito ay direktang may kaugnayan sa mga tiwaling disposisyon ng mga tao, at sagabal ang lahat ng iyon na nagmumula sa mga tiwaling disposisyon. Samakatwid, kailangan mong magdusa nang husto at magbayad ng halaga para maisagawa ang katotohanan. Kung wala kang mga tiwaling disposisyon, hindi mo kakailanganing magdusa at magbayad ng halaga para maisagawa ang katotohanan. Hindi ba ito isang malinaw na katunayan? Minsan, mukhang isinasagawa mo ang katotohanan, ngunit ang totoo, ang kalikasan ng ikinikilos mo ay hindi nagpapakita na isinasagawa mo ang katotohanan. Sa pagsunod sa Diyos, maraming tao ang nagagawang isantabi ang kanilang pamilya at propesyon at gampanan ang kanilang mga tungkulin, na dahil dito naniniwala silang isinasagawa nila ang katotohanan. Gayumpaman, hindi nila kailanman nagagawang magbigay ng tunay na patotoong batay sa karanasan. Ano ba talaga ang nangyayari dito? Kung susukatin sila ayon sa mga kuru-kuro ng tao, mukhang isinasagawa nila ang katotohanan, subalit hindi kinikilala ng Diyos ang ginagawa nila bilang pagsasagawa ng katotohanan. Kung ang mga bagay na ginagawa mo ay may personal na mga motibo sa likod ng mga ito at hindi puro, malamang na lumihis ka sa mga prinsipyo, at hindi masasabing nagsasagawa ka ng katotohanan; isa lamang itong uri ng pag-asal. Sa mahigpit na pananalita, malamang na kondenahin ng Diyos ang ganitong klase ng pag-asal mo; hindi Niya ito sasang-ayunan o tatandaan. Kung mas hihimayin pa ang diwa at ugat nito, ikaw ay isang tao na gumagawa ng kasamaan, at ang mga ipinapakita mong pag-uugali ay lumalaban sa Diyos. Kung titingnan mula sa labas, hindi ka nakagagambala o nakagugulo sa anumang bagay at hindi ka nakagawa ng tunay na pinsala. Mukhang lohikal at makatwiran iyon, subalit sa loob nito, naroon ang mga karumihan at intensyon ng tao, at ang diwa nito ay ang paggawa ng kasamaan at paglaban sa Diyos. Samakatwid, dapat matukoy mo kung mayroon nang pagbabago sa iyong disposisyon at kung isinasagawa mo ang katotohanan gamit ang mga salita ng Diyos, at sa pamamagitan ng pagtingin sa mga motibo sa likod ng iyong mga sariling pagkilos. Hindi iyon nakasalalay sa kung ang mga kilos mo ba ay umaayon sa mga imahinasyon at iniisip ng tao, o kung ito ba ay angkop sa iyong panlasa; ang mga bagay na ito ay hindi mahalaga. Bagkus, nakadepende iyon sa sinasabi ng Diyos kung umaayon ka o hindi sa Kanyang mga layunin, kung ang iyong mga kilos ay mayroong katotohanang realidad o wala, at kung tumutugon ang mga ito o hindi sa Kanyang mga hinihinging pamantayan. Ang pagsukat lamang ng iyong sarili ayon sa mga hinihingi ng Diyos ang tama. Ang pagbabago sa disposisyon at pagsasagawa ng katotohanan ay hindi kasingpayak at kasindali ng inaakala ng tao. Nauunawaan na ba ninyo ito ngayon? May karanasan ba kayo rito? Pagdating sa diwa ng isang suliranin, maaaring hindi ninyo ito maunawaan; labis na mababaw ang inyong pagpasok. Paroo’t parito kayo sa maghapon, mula bukang-liwayway hanggang takipsilim, bumabangon nang maaga at natutulog nang gabing-gabi na, subalit hindi pa ninyo nakakamit ang pagbabago sa inyong buhay disposisyon, at hindi ninyo maarok kung ano ang disposisyonal na pagbabago. Ibig sabihin ay napakababaw ng inyong pagpasok, hindi ba? Gaano katagal man kayo nananampalataya sa Diyos, maaaring hindi ninyo madama ang diwa at malalalim na bagay na may kinalaman sa pagbabago sa disposisyon. Masasabi bang nagbago na ang inyong disposisyon? Paano ninyo malalaman kung sinasang-ayunan kayo ng Diyos o hindi? Kahit paano, madarama mo ang natatanging katatagan hinggil sa lahat ng iyong ginagawa, at madarama mo na ginagabayan at nililiwanagan ka ng Banal na Espiritu at gumagawa Siya sa iyo habang ginagampanan mo ang iyong mga tungkulin, ginagawa ang anumang gawain sa sambahayan ng Diyos, o sa pangkalahatan. Ganap na aakma sa mga salita ng Diyos ang iyong mga pagkilos, at kapag nagtamo ka na ng ilang antas ng karanasan, madarama mo na medyo angkop kung paano ka kumilos noong araw. Gayunman, kung makaraang magtamo ng karanasan sa loob ng ilang panahon, nadarama mo na hindi angkop ang ilan sa mga bagay na ginawa mo noong araw, at hindi ka nasisiyahan sa mga iyon, at nadarama mo na hindi naaayon ang mga ito sa katotohanan, pinatutunayan nito, kung gayon, na ang lahat ng iyong nagawa ay ginawa bilang paglaban sa Diyos. Katunayan ito na ang iyong paglilingkod ay puno ng paghihimagsik, paglaban, at mga paraan ng pagkilos ng tao, at na lubos kang nabigong makamtan ang mga pagbabago sa disposisyon.

—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang Dapat Malaman Tungkol sa Pagbabago ng Disposisyon ng Isang Tao

Araw-araw na mga Salita ng Diyos  Sipi 384

Sa pagsukat kung makakapagpasakop ba ang mga tao sa Diyos o hindi, ang susi ay kung mayroon sila o walang anumang labis-labis na pagnanais o lihim na motibo sa Kanya. Kung laging humihiling ang mga tao sa Diyos, pinatutunayan nito na hindi sila mapagpasakop sa Kanya. Anuman ang mangyari sa iyo, kung hindi mo ito tinatanggap mula sa Diyos, at hindi mo hinahanap ang katotohanan, at palagi kang nakikipagtalo para sa iyong sarili at palagi mong nadarama na ikaw lamang ang tama, at kung may kakayahan ka pa ngang pagdudahan na ang Diyos ang katotohanan at ang pagiging matuwid Niya, magkakaproblema ka. Ang mga gayong tao ang pinakamayabang at pinakamapaghimagsik sa Diyos. Ang mga taong palaging humihingi sa Diyos ay hindi tunay na nagpapasakop sa Kanya. Kung humihiling ka sa Diyos, pinatutunayan nito na sinusubukan mong makipagtawaran sa Diyos, na pinipili mo ang sarili mong kalooban, at kumikilos ka ayon dito. Dito, ipinagkakanulo mo ang Diyos, at wala kang pagpapasakop. Walang katwiran ang mismong paghingi sa Diyos; kung totoong naniniwala ka na Siya ang Diyos, hindi ka mangangahas na humiling sa Kanya, ni hindi mo mararamdamang kalipikado kang humingi sa Kanya, makatwiran man ang mga ito o hindi sa iyong palagay. Kung may totoo kang pananampalataya sa Diyos, at naniniwala na Siya ang Diyos, Siya lang ang sasambahin at sa Kanya ka lang magpapasakop, wala nang ibang pagpipilian pa. Hindi lamang gumagawa ng sarili nilang mga pagpili ang mga tao ngayon, hinihingi pa nilang kumilos ang Diyos alinsunod sa sarili nilang kagustuhan. Hindi lamang nila hindi pinipiling magpasakop sa Diyos, hinihingi pa nilang magpasakop sa kanila ang Diyos. Hindi ba’t napakawalang katwiran nito? Samakatwid, kung walang totoong pananalig sa loob-loob ng isang tao, at walang matibay na pananampalataya, hindi nila kailanman matatamo ang pagsang-ayon ng Diyos. Kapag nagagawa na ng mga taong bawasan ang mga hinihingi nila sa Diyos, mayroon na silang mas totoong pananalig at pagpapasakop, at normal na kung ihahambing ang kanilang katwiran. Madalas mangyari na kapag mas mahilig makipagtalo ang mga tao, at kapag mas marami silang pangangatwiran, mas mahirap silang pakitunguhan. Hindi lamang sila maraming hinihingi, kundi kung pagbibigyan mo sila, lalo pa silang hihingi. Kapag nasiyahan sila sa isang aspekto, hihingi pa sila sa isa pa. Kailangan silang masiyahan sa lahat ng aspekto, at kung hindi, magsisimula silang magreklamo, at itinuturing ang mga bagay-bagay na walang pag-asa at kumikilos sila nang padalos-dalos. Pagkatapos, nakadarama sila ng pagkakautang at pagsisisi, at nananangis sila ng mapapait na luha, at ibig nang mamatay. Ano ang silbi niyon? Hindi ba’t sila ay nagiging hindi makatwiran at walang patumanggang nakayayamot? Ang magkakasunod na problemang ito ay kailangang malutas mula sa ugat. Kung ikaw ay mayroong tiwaling disposisyon at hindi mo ito nilulutas, kung naghihintay ka hanggang sa malagay ka sa gusot o magdulot ka ng sakuna bago ito lutasin, paano mo mapupunan ang kawalan na ito? Hindi ba’t magiging para itong pagkandado sa pinto ng kuwadra matapos makatakas na ang kabayo? Samakatwid, upang lubusang malutas ang problema ng iyong tiwaling disposisyon, dapat mong hanapin ang katotohanan para malutas ito sa unang pagkakataong lumitaw ito. Dapat mong lutasin ang tiwaling disposisyon sa pag-usbong pa lamang nito, nang sa gayon ay matiyak na hindi ka makagagawa ng anumang mali at maiiwasan ang mga gusot sa hinaharap. Kung ang tiwaling disposisyon ay nag-uugat at nagiging kaisipan o pananaw ng isang tao, magagawa nitong diktahan ang tao na gumawa ng kasamaan. Samakatwid, ang pagninilay sa sarili at pagkakilala sa sarili ay pangunahing tungkol sa pagtuklas sa mga tiwaling disposisyon ng isang tao, at mabilis na paghahanap sa katotohanan para malutas ang mga ito. Dapat mong malaman kung anong mga bagay ang nasa kalikasan mo, kung ano ang gusto mo, ano ang hinahangad mo, at ano ang gusto mong makamit. Dapat mong himayin ang mga bagay na ito ayon sa mga salita ng Diyos para makita kung ang mga ito ay naaayon sa mga layunin ng Diyos, at sa paanong paraan walang-katotohanan ang mga ito. Kapag naunawaan mo na ang mga bagay na ito, dapat mong lutasin ang problema ng iyong hindi normal na katwiran, ibig sabihin, ang problema ng iyong hindi makatwiran at walang patumanggang panggugulo. Hindi lamang ito problema ng iyong tiwaling disposisyon, nauugnay rin ito sa iyong kawalan ng katwiran. Lalo na sa mga bagay na may kinalaman sa kanilang mga interes, ang mga taong nadadala ng pansariling interes ay hindi nagtataglay ng normal na katwiran. Isa itong sikolohikal na problema, at ito rin ang matinding kahinaan ng mga tao. Pakiramdam ng ilang tao ay mayroon silang partikular na kakayahan at ilang kaloob, at palagi nilang gustong maging mga lider at mamukod-tangi, kaya hinihiling nila sa Diyos na gamitin sila. Kung hindi sila ginagamit ng Diyos, sinasabi nila, “Paanong hindi ako tinitingnan ng Diyos nang may pabor? Diyos ko, kung gagamitin Mo po ako para makagawa ng isang mahalagang bagay, nangangako akong gugugol para sa Iyo!” Tama ba ang ganitong uri ng intensyon? Mabuting bagay ang gumugol para sa Diyos, ngunit mayroong mga motibasyon sa likod ng kagustuhan nilang gumugol para sa Diyos. Ang tunay na gustong-gusto nila ay katayuan, at ito ang pinagtutuunan nila. Kapag ang mga tao ay may kakayahang tunay na magpasakop, na sumusunod sa Diyos nang buong puso, ginagamit man sila o hindi ng Diyos, at gumugugol para sa Diyos mayroon man silang katayuan o wala, saka lang sila maituturing na nagtataglay ng katwiran at na mapagpasakop sa Diyos. Mabuti kapag ang mga tao ay bukal sa loob na gumugugol para sa Diyos, at handa ang Diyos na gamitin ang ganitong mga tao, ngunit kung hindi sila nasasangkapan ng katotohanan, walang paraan ang Diyos para gamitin sila. Kung ang mga tao ay handang magsikap para sa katotohanan at makipagtulungan, dapat na magkaroon ng yugto ng paghahanda. Pormal lamang na magagamit ng Diyos ang mga tao kapag nauunawaan na nila ang katotohanan at kaya na nilang tunay na magpasakop sa Diyos. Mahalaga ang yugtong ito ng pagsasanay. Ang mga lider at manggagawa sa kasalukuyan ay naritong lahat sa yugtong ito ng pagsasanay. Pagkatapos nilang magkaroon ng karanasan sa buhay at kaya na nilang pangasiwaan ang mga usapin nang may mga prinsipyo, magiging angkop na silang gamitin ng Diyos.

—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Masyadong Maraming Hinihingi ang mga Tao Mula sa Diyos

Araw-araw na mga Salita ng Diyos  Sipi 385

Ang tanging saloobing dapat taglayin ng isang nilikha sa Lumikha ay yaong pagpapasakop, walang kondisyong pagpapasakop. Ito ay isang bagay na maaaring hindi matanggap ng ilang tao ngayon. Ito ay dahil napakababa ng tayog ng mga tao at hindi nila taglay ang katotohanang realidad. Kung malamang na magkamali ka ng pagkaunawa sa Diyos kapag may ginagawa ang Diyos na mga bagay na taliwas sa iyong mga kuru-kuro—at malamang na maghimagsik pa nga laban sa Diyos, at ipagkanulo Siya—kung gayon ay malayong magawa mo na magpasakop sa Diyos. Habang ang mga tao ay tinutustusan at dinidiligan ng salita ng Diyos, nagsisikap talaga sila para sa iisang mithiin, na magawang makamtan ang walang kondisyon, lubos na pagpapasakop sa Diyos. Kapag umabot ka sa puntong ito, ikaw, ang nilikhang ito, ay magiging pasok sa pamantayan. May mga panahon na sinasadya ng Diyos na gumawa ng mga bagay na taliwas sa mga kuru-kuro mo, at sinasadya Niyang gumawa ng mga bagay na salungat sa mga ninanais mo, at maaari pa ngang tila taliwas sa katotohanan, walang pagsasaalang-alang sa iyo, at hindi umaayon sa iyong mga sariling kagustuhan. Ang mga bagay na ito ay maaaring mahirap para sa iyo na tanggapin, maaaring hindi mo maunawaan ang mga bagay na ito, at gaano mo man suriin ang mga ito, maaaring mali ang mga ito sa iyo at hindi mo magawang tanggapin ang mga ito, maaaring madama mo na wala sa katwiran ang Diyos para gawin ito—ngunit ang totoo, sinadya ng Diyos na gawin ito. Ano ang pakay ng Diyos sa paggawa ng mga bagay na ito? Ito ay para subukin at ibunyag ka, para makita kung magagawa mo bang hanapin ang katotohanan o hindi, kung may tunay ka bang pagpapasakop sa Diyos o wala. Huwag maghanap ng batayan para sa lahat ng ginagawa at hinihingi ng Diyos, at huwag magtanong kung bakit. Walang silbi ang subukang ipresenta ang kaso mo sa Diyos. Kailangan mo lang kilalanin na ang Diyos ang katotohanan at magkaroon ng kakayahan na lubos na magpasakop. Kailangan mo lang kilalanin na ang Diyos ang iyong Lumikha at ang iyong Diyos. Mas mataas ito kaysa anumang pangangatwiran, mas mataas kaysa anumang makamundong karunungan, mas matayog kaysa anumang moralidad, etika, kaalaman, pilosopiya, o tradisyonal na kultura ng tao—mas mataas maging sa mga damdamin ng tao, sa pagiging matuwid ng tao, at sa tinaguriang pag-ibig ng tao. Mas mataas ito kaysa anupaman. Kung hindi ito malinaw sa iyo, darating ang isang araw sa malao’t madali na may mangyayari sa iyo at babagsak ka. Pinakamababa nang maghihimagsik ka sa Diyos at tatahak sa lihis na landas; kung sa huli ay magagawa mong magsisi, at makilala ang pagiging kaibig-ibig ng Diyos, at makilala ang kahalagahan ng gawain ng Diyos sa iyo, magkakaroon ka pa rin ng pag-asang maligtas—ngunit kung ikaw ay mahulog dahil sa bagay na ito at hindi mo nagawang bumangon, wala ka nang pag-asa. Hinahatulan man, kinakastigo, o isinusumpa ng Diyos ang mga tao, ang lahat ng ito ay para mailigtas sila, at hindi sila dapat matakot. Ano ang dapat mong ikatakot? Dapat mong katakutan ang pagsasabi ng Diyos ng, “Itinataboy kita.” Kapag sinabi ito ng Diyos, nasa panganib ka: Ibig sabihin nito ay hindi ka ililigtas ng Diyos, na wala ka nang pag-asang maligtas. Kaya, sa pagtanggap sa gawain ng Diyos, dapat na maunawaan ng mga tao ang mga layunin ng Diyos. Anuman ang iyong ginagawa, huwag mong hanapan ng mali ang mga salita ng Diyos, at sabihing, “Ayos lang ang paghatol at pagkastigo, pero ang pagkondena, pagsumpa, pagwasak—hindi ba’t ibig sabihin noon ay katapusan na ng lahat sa akin? Ano pa ang silbi ng pagiging isang nilikha? Kaya hindi na ako magiging isang nilikha, at hindi Ka na magiging Diyos ko.” Kung tinatanggihan mo ang Diyos at hindi ka naninindigan sa iyong patotoo, maaaring itakwil ka talaga ng Diyos. Alam ba ninyo ito? Gaano man katagal nang nananalig ang mga tao sa Diyos, gaano man karaming daan ang nalakbay na nila, gaano man karami ang gawain na nagawa na nila, o gaano man karaming tungkulin ang nagampanan na nila, ang lahat ng ginawa nila sa panahong ito ay para mapaghandaan ang isang bagay. Ano iyon? Naghahanda sila para magkaroon sa huli ng lubusang pagpapasakop sa Diyos, ng walang kondisyong pagpapasakop. Ano ang ibig sabihin ng “walang kondisyon”? Ang ibig sabihin nito ay hindi ka mangangatwiran, at wala kang sasabihin tungkol sa mga sarili mong obhektibong dahilan, ibig sabihin nito ay hindi ka nakikipagtalo tungkol sa maliliit na detalye; hindi ka karapat-dapat para dito, dahil isa kang nilikha. Kapag nakikipag-argumento ka sa Diyos tungkol sa maliliit na bagay, mali ang pagkaunawa mo sa dapat mong kalagyan, at kapag sinusubukan mong ipresenta ang iyong kaso sa Diyos—muli, mali ang pagkaunawa mo sa dapat mong kalagyan. Huwag kang makipagtalo sa Diyos, huwag mo palaging subukang isipin ang dahilan, huwag kang magpumilit na makaunawa bago magpasakop, at huwag magpasakop kapag hindi mo nauunawaan. Kapag ginawa mo ito, mali ang pagkaunawa mo sa dapat mong kalagyan, kung gayon ay hindi lubos ang iyong pagpapasakop sa Diyos; ito ay pagpapasakop na depende sa sitwasyon at may kondisyon. Ang mga gumagawa ba ng kondisyon para sa kanilang pagpapasakop sa Diyos ay mga tao na tunay na nagpapasakop sa Diyos? Tinatrato mo ba ang Diyos bilang Diyos? Sinasamba mo ba ang Diyos bilang ang Lumikha? Kung hindi, hindi ka kinikilala ng Diyos. Ano ang dapat mong maranasan para matamo ang walang pasubali at walang kondisyong pagpapasakop sa Diyos? At paano ka dapat dumanas? Una, dapat tanggapin ng mga tao ang paghatol at pagkastigo ng Diyos, at dapat nilang tanggapin ang pagpupungos. Bukod pa rito, dapat nilang tanggapin ang atas ng Diyos, dapat nilang hangarin ang katotohanan habang ginagampanan nila ang kanilang tungkulin, dapat nilang maunawaan ang iba’t ibang aspekto ng katotohanan na may kaugnayan sa buhay pagpasok, at matamo ang pagkaunawa sa mga layunin ng Diyos. Kung minsan, ito ay lampas sa kakayahan ng mga tao, at wala silang mga kapasidad na makabatid para matamo ang pagkaunawa sa katotohanan, at kaya lamang makaunawa nang kaunti kapag nagbabahagi ang iba sa kanila o sa pamamagitan ng pagkatuto ng mga aral mula sa iba’t ibang sitwasyong inihanda ng Diyos. Ngunit kailangan mong malaman na dapat kang magkaroon ng pusong nagpapasakop sa Diyos, hindi mo dapat subukang ipresenta ang iyong kaso sa Diyos o gumawa ng mga kondisyon; ang lahat ng ginagawa ng Diyos ay kung ano ang nararapat na gawin, sapagkat Siya ang Lumikha at ikaw ay isang nilikha. Dapat kang magkaroon ng saloobin ng pagpapasakop, at hindi ka dapat palaging humihingi ng dahilan o nagsasalita tungkol sa mga kondisyon. Kung wala kang kahit na pinakapayak na saloobin ng pagpapasakop, at malamang pa na magduda o mag-ingat sa Diyos, o mag-isip, sa iyong puso, “Kailangan kong makita kung ililigtas talaga ako ng Diyos, at kung talagang matuwid ang Diyos. Sinasabi ng lahat na ang Diyos ay pag-ibig—kung gayon, kailangan kong makita kung may pag-ibig nga talaga sa ginagawa sa akin ng Diyos, kung pag-ibig talaga ito,” kung palagi mong sinusuri kung ang ginagawa ng Diyos ay naaayon sa mga kuru-kuro at panlasa mo, o maging sa pinaniniwalaan mo na katotohanan, kung gayon ay mali ang pagkaunawa mo sa dapat mong kalagyan, at nasa panganib ka: Malamang na masasalungat mo ang disposisyon ng Diyos. Ang mga katotohanang may kinalaman sa pagpapasakop ay mahalaga, at walang katotohanan ang maaaring lubos at malinaw na maipaliliwanag sa pamamagitan lamang ng dalawang pangungusap; ang lahat ng ito ay nauugnay sa iba’t ibang kalagayan at katiwalian ng mga tao. Ang pagpasok sa katotohanang realidad ay hindi matatamo sa isa o dalawang taon—o sa tatlo o lima. Nangangailangan ito ng pagdanas ng maraming bagay, pagdanas ng maraming paghatol at pagkastigo ng mga salita ng Diyos, pagdanas ng maraming pagpupungos. Kapag natamo mo na ang kakayahang magsagawa ng katotohanan, saka lamang magiging epektibo ang paghahangad mo sa katotohanan, at saka ka lamang magtataglay ng katotohanang realidad. Tanging ang mga nagtataglay ng katotohanang realidad ang mga may tunay na karanasan.

—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi

Araw-araw na mga Salita ng Diyos  Sipi 386

Habang nararanasan ang gawain ng Diyos, kahit ilang beses ka pang nabigo, nabuwal, napungusan, o naibunyag, hindi masasamang bagay ang mga ito. Paano ka man napungusan, o mga lider, manggagawa, o kapatid mo man ang gumawa niyon, mabubuting bagay ang lahat ng iyon. Dapat mong tandaan ito: Gaano ka man nagdurusa, ang totoo ay nakikinabang ka. Sinumang may karanasan ay mapatutunayan ito. Ano’t anupaman, ang mapungusan o maibunyag ay laging isang mabuting bagay. Hindi ito pagkokondena. Ito ay pagliligtas ng Diyos at ang pinakamagandang pagkakataon para makilala mo ang iyong sarili. Maaari nitong baguhin ang takbo ng iyong karanasan sa buhay. Kung wala ito, hindi ka magkakaroon ng pagkakataon, ng kondisyon, ni ng konteksto para maunawaan mo ang katotohanan ng iyong katiwalian. Kung talagang nauunawaan mo ang katotohanan, at nagagawa mong ungkatin ang mga tiwaling bagay na nakatago sa kaibuturan ng puso mo, kung malinaw mong matutukoy ang mga ito, mabuti ito, nalutas nito ang isang malaking problema sa buhay pagpasok, at malaking pakinabang sa mga pagbabago sa disposisyon. Ang tunay na makilala ang iyong sarili ang pinakamagandang pagkakataon para mabago mo ang iyong mga pag-uugali at maging isa kang bagong tao; ito ang pinakamagandang oportunidad para magkaroon ka ng bagong buhay. Kapag tunay mong nakilala ang iyong sarili, makikita mo na kapag ang katotohanan ay naging buhay ng isang tao, mahalagang bagay iyon talaga, at mauuhaw ka sa katotohanan, isasagawa mo ang katotohanan, at papasok sa realidad. Napakagandang bagay niyan! Kung maaari mong samantalahin ang pagkakataong ito at taimtim kang magninilay-nilay sa iyong sarili at magtatamo ng tunay na kaalaman tungkol sa iyong sarili tuwing ikaw ay mabibigo o madadapa, sa kabila ng pagiging negatibo at kahinaan, magagawa mong tumayong muli. Kapag nalagpasan mo na ang hangganang ito, makakaya mo nang gumawa ng malaking hakbang at pumasok sa katotohanang realidad.

Kung naniniwala ka sa kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos, kung gayon ay dapat kang maniwala na ang mga pang-araw-araw na pangyayari, mabuti man o masama ang mga ito, ay hindi basta na lamang nagaganap. Hindi ito dahil may isang sinasadyang magpahirap sa iyo o pumuntirya sa iyo; lahat ng ito ay isinaayos at pinamatnugutan ng Diyos. Bakit pinamamatnugutan ng Diyos ang lahat ng mga bagay na ito? Hindi ito para ilantad kung sino ka o upang ibunyag at itiwalag ka; ang pagbubunyag sa iyo ay hindi ang panghuling layon. Ang layon ay gawin kang perpekto at iligtas ka. Paano ka ginagawang perpekto ng Diyos? At paano ka Niya inililigtas? Nagsisimula Siya sa pamamagitan ng pagpapabatid sa iyo ng iyong sariling tiwaling disposisyon, at sa pamamagitan ng pagpapaalam sa iyo ng iyong kalikasang diwa, ng iyong mga pagkukulang, at kung ano ang wala sa iyo. Tanging sa pag-alam sa mga bagay na ito, at pagkakaroon ng pagkaunawa sa mga ito, mo lamang makakayang hangarin ang katotohanan at unti-unting maiwaksi ang iyong tiwaling disposisyon. Ito ang Diyos na nagkakaloob sa iyo ng pagkakataon. Ito ang awa ng Diyos. Dapat alam mong samantalahin ang pagkakataong ito. Hindi ka dapat makaramdam ng paglaban sa Diyos, makipagtalo sa Diyos, o magkamali ng pagkaunawa sa Kanya. Lalo na kapag naharap sa mga tao, pangyayari, at bagay na isinasaayos ng Diyos sa paligid mo, huwag mong palaging isipin na hindi ayon sa nais mo ang mga bagay-bagay, huwag palaging naisin na matakasan ang mga ito o palaging magreklamo tungkol sa Diyos at magkaroon ng maling pagkaunawa sa Diyos. Kung lagi mong ginagawa ang mga bagay na iyon, kung gayon ay hindi mo dinaranas ang gawain ng Diyos, at magiging napakahirap para sa iyo na pumasok sa katotohanang realidad. Anuman ang makaharap mo na hindi mo ganap na maunawaan, o na nagsasanhi sa iyong makaranas ng mga paghihirap, dapat mong matutuhang magpasakop. Dapat kang magsimula sa paglapit sa Diyos at higit na pananalangin. Sa ganyang paraan, bago mo pa mamalayan, magkakaroon ng pagbabago sa iyong panloob na kalagayan, at magagawa mong hanapin ang katotohanan upang malutas ang iyong suliranin. Sa gayon, magagawa mong maranasan ang gawain ng Diyos. Habang nagaganap ito, ang katotohanang realidad ay mahuhubog sa loob mo, at sa ganito ka susulong at sasailalim sa isang pagbabago ng kalagayan ng iyong buhay. Sa sandaling napagdaanan mo na ang pagbabagong ito at nagtataglay ka ng katotohanang realidad na ito, magtataglay ka rin ng tayog, at sa tayog ay may buhay. Kung ang sinuman ay laging nabubuhay batay sa isang tiwaling satanikong disposisyon, kung gayon, gaano man kalaking kasiglahan o kalakasan ang mayroon siya, hindi pa rin siya maituturing na may angking tayog, o buhay. Gumagawa ang Diyos sa bawat isang tao, at anuman ang Kanyang pamamaraan, anong uri ng mga tao, pangyayari at bagay ang ginagamit Niya para magserbisyo sa Kanya, o anumang uri ng tono mayroon ang mga salita Niya, isa lamang ang Kanyang panghuling layon: iligtas ka. At paano ka Niya inililigtas? Binabago ka Niya. Kaya paanong hindi ka magdurusa nang bahagya? Kakailanganing magdusa ka. Ang pagdurusang ito ay maaaring kapalooban ng maraming bagay. Una, kailangang magdusa ang mga tao kapag tinatanggap nila ang paghatol at pagkastigo ng mga salita ng Diyos. Kapag masyadong matindi at tahasan ang mga salita ng Diyos at nagkakamali ng pagkaunawa ang mga tao sa Diyos—at nagkakaroon pa ng mga kuru-kuro—maaaring masakit din iyon. Kung minsan ay nagpapalitaw ng sitwasyon ang Diyos sa paligid ng mga tao para ibunyag ang kanilang katiwalian, para pagnilayan at makilala nila ang kanilang sarili, at magdurusa rin sila nang kaunti pagkatapos. Kung minsan, kapag tuwiran silang pinungusan at inilantad, dapat magdusa ang mga tao. Parang inooperahan sila—kung walang pagdurusa, walang epekto. Kung sa tuwing ikaw ay pinupungusan, at tuwing ibinubunyag ka ng isang sitwasyon ay pinupukaw nito ang iyong puso at pinalalakas ka, sa pamamagitan ng ganitong mga uri ng karanasan ay makakapasok ka sa katotohanang realidad, at magkakaroon ng tayog. Kung, tuwing ikaw ay sumasailalim sa pagpupungos, at sa pagbubunyag ng isang sitwasyon, wala kang nararamdamang anumang sakit o hirap, at wala kang nararamdamang anuman, at hindi ka lumalapit sa Diyos para hanapin ang Kanyang mga layunin, hindi nagdarasal o naghahanap ng katotohanan, napakamanhid mo! Hindi gumagawa ang Diyos sa iyo kapag walang nadarama ang espiritu mo, kapag hindi ito tumutugon. Sasabihin Niya: “Napakamanhid ng taong ito at napakalalim na ng kanyang pagkatiwali. Paano Ko man siya disiplinahin, pungusan, o subukang pigilan, hindi Ko pa rin mapukaw ang kanyang puso o magising ang kanyang espiritu. Malalagay sa gulo ang taong ito; hindi siya madaling iligtas.” Ipagpalagay nang naghahanda ang Diyos ng ilang kapaligiran, tao, pangyayari, at bagay para sa iyo, o na pinupungusan ka Niya, at may natututuhan kang mga aral mula rito; natututuhan mong lumapit sa Diyos, hanapin ang katotohanan, at nang hindi mo namamalayan ay binibigyang-liwanag at tinatanglawan ka at nakakamit mo ang katotohanan; nakararanas ka ng mga pagbabago sa mga kapaligirang ito, may nakakamit ka, at umuunlad ka, at nagsisimula kang magkaroon ng kaunting pagkaunawa sa layunin ng Diyos at hindi ka na nagrereklamo. Nangangahulugan ito na nanindigan ka sa gitna ng mga pagsubok ng mga kapaligirang ito, at natiis mo ang pagsubok. Sa ganoong kaso, nalampasan mo na ang balakid na ito. Paano ituturing ng Diyos yaong mga nakakayanan ang pagsubok? Sasabihin ng Diyos na mayroon silang tapat na puso, at kaya nilang tiisin ang ganitong uri ng pagdurusa, at na sa kaibuturan, minamahal nila at ninanais na makamit ang katotohanan. Kung mayroong ganitong uri ng pagtatasa sa iyo ang Diyos, hindi ka ba isang taong may tayog? Hindi ka ba may buhay kung gayon? At paano nakakamit ang buhay na ito? Ito ba ay ipinagkakaloob ng Diyos? Tinutustusan ka ng Diyos sa iba’t ibang paraan at gumagamit Siya ng iba’t ibang tao, pangyayari, at bagay upang sanayin ka. Ito ay para bang ang Diyos ay personal na nagbibigay sa iyo ng pagkain at inumin, personal na naghahatid ng iba’t ibang pagkain sa harap mo para kainin mo hanggang mabusog at masiyahan ka; saka ka lamang lalago at tatatag. Ganito mo dapat danasin at arukin ang mga bagay na ito; ganito ang magpasakop sa lahat ng bagay na nagmumula sa Diyos. Ito ang uri ng pag-iisip at saloobing dapat mong taglayin, at dapat kang matutong hanapin ang katotohanan. Hindi ka dapat laging naghahanap ng mga panlabas na sanhi o sinisisi ang iba para sa iyong mga suliranin o naghahanap ng mga pagkakamali sa mga tao; dapat kang magkaroon ng isang malinaw na pag-unawa sa mga layunin ng Diyos. Sa panlabas, maaaring tila mayroong mga opinyon tungkol sa iyo o pagkiling laban sa iyo ang ilang tao, ngunit hindi mo dapat tingnan ang mga bagay-bagay sa ganoong paraan. Kung titingnan mo ang mga bagay-bagay mula sa ganitong uri ng pananaw, ang tanging gagawin mo ay makipagtalo, at hindi ka makapagkakamit ng anuman. Dapat mong tingnan ang mga bagay-bagay nang walang pagkiling at tanggapin ang lahat mula sa Diyos. Kapag tiningnan mo ang mga bagay-bagay sa ganitong paraan, magiging madali para sa iyo na magpasakop sa gawain ng Diyos, at magagawa mong hanapin ang katotohanan, at maaarok mo ang mga layunin ng Diyos. Sa sandaling naitama na ang iyong pananaw at kalagayan ng pag-iisip, magagawa mong makamtan ang katotohanan. Kaya’t bakit hindi mo na lamang ito gawin? Bakit ka lumalaban? Kung ikaw ay tumigil sa paglaban, makakamit mo ang katotohanan. Kung lalaban ka, wala kang makakamit na anuman, at masasaktan mo rin ang damdamin ng Diyos at madidismaya mo Siya. Bakit madidismaya ang Diyos? Dahil hindi mo tinatanggap ang katotohanan, wala kang pag-asang maligtas, at hindi ka nakakamit ng Diyos, kaya paanong hindi Siya madidismaya? Kapag hindi mo tinatanggap ang katotohanan, katumbas ito ng pagwawaksi sa pagkaing personal nang inihandog sa iyo ng Diyos. Sinasabi mong hindi ka nagugutom at na hindi mo ito kailangan; paulit-ulit na sinusubukan ng Diyos na hikayatin kang kumain, ngunit ayaw mo pa rin. Mas gugustuhin mo pang magutom. Iniisip mong busog ka, kahit na ang totoo, wala kang kahit ano. Ang mga taong katulad nito ay kulang na kulang sa katwiran, at lubhang nag-aakalang mas matuwid sila kaysa sa iba; tunay ngang hindi nila alam ang isang mabuting bagay kapag nakita nila ito, sila ang pinakamahirap at kaawa-awang mga tao.

—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Para Matamo ang Katotohanan, Dapat Matuto ang Isang Tao Mula sa mga Tao, Pangyayari, at Bagay sa Kanyang Paligid

Araw-araw na mga Salita ng Diyos  Sipi 387

Sa kanilang gawain, kailangang bigyang-pansin ng mga lider at manggagawa ng iglesia ang dalawang prinsipyo: Ang isa ay ang gawin ang kanilang gawain nang eksaktong ayon sa mga prinsipyong nakasaad sa mga pagsasaayos ng gawain, nang hindi kailanman nilalabag ang mga prinsipyong iyon at hindi ibinabatay ang kanilang gawain sa anumang maaari nilang mailarawan sa isip o sa alinman sa mga sarili nilang pag-iisip. Sa lahat ng ginagawa nila, dapat silang magpakita ng malasakit sa gawain ng iglesia, at laging unahin ang kapakanan ng sambahayan ng Diyos. Isang bagay pa—at ito ang pinakamahalaga—iyon ay sa lahat ng bagay, dapat silang magtuon sa pagsunod sa patnubay ng Banal na Espiritu at gawin ang lahat nang mahigpit na sinusunod ang mga salita ng Diyos. Kung nakakaya pa rin nilang salungatin ang patnubay ng Banal na Espiritu, o kung sutil pa rin nilang sinusunod ang sarili nilang mga ideya at ginagawa ang mga bagay-bagay ayon sa sarili nilang imahinasyon, ang mga kilos nila ang bubuo sa pinakamatinding paglaban sa Diyos. Walang patutunguhan ang madalas nilang pagtalikod sa kaliwanagan at patnubay ng Banal na Espiritu. Kung maiwawala nila ang gawain ng Banal na Espiritu, hindi na nila magagawang magtrabaho; at kahit pa magawa nilang makapagtrabaho kahit paano, wala silang magiging resulta. Ito ang dalawang pangunahing prinsipyong dapat sundin ng mga lider at manggagawa habang gumagawa: Ang isa ay ang gampanan ang gawain nila nang eksaktong naaayon sa mga pagsasaayos ng gawain mula sa ang Itaas, gayundin ang kumilos ayon sa mga prinsipyong naitakda ng nasa ang Itaas; at ang isa pa ay ang sumunod sa patnubay ng Banal na Espiritu na nasa loob nila. Sa sandaling maunawaan ang dalawang prinsipyong ito, hindi na sila gaanong manganganib na makagawa ng mga pagkakamali sa kanilang gawain. Limitado pa rin ang karanasan ninyo sa paggawa ng gawain ng iglesia, at kapag gumagawa kayo, labis itong nahahaluan ng sarili ninyong mga ideya. Paminsan-minsan, maaaring hindi ninyo maunawaan ang kaliwanagan o patnubay sa inyong kalooban na nagmumula sa Banal na Espiritu; sa ibang mga pagkakataon, tila nauunawaan ninyo ito, ngunit malamang na balewalain ninyo ito. Lagi kayong naglalarawan sa isip o naghihinuha sa paraan ng tao, kumikilos ayon sa inaakala ninyong naaangkop, nang hindi man lamang isinasaalang-alang ang mga layunin ng Banal na Espiritu. Ginagawa ninyo ang inyong gawain ayon lamang sa sarili ninyong mga ideya, isinasantabi ang anumang kaliwanagan mula sa Banal na Espiritu. Madalas mangyari ang gayong mga sitwasyon. Ang patnubay ng Banal na Espiritu sa inyong kalooban ay hindi higit sa normal; sa katunayan, normal na normal ito. Ibig sabihin, sa kaibuturan ng inyong puso, nararamdaman ninyo na ito ang angkop na paraan ng pagkilos, at ito ang pinakamainam na paraan. Talagang malinaw rin naman ang kaisipang ito; hindi ito nagmula sa pagninilay, at kung minsan ay hindi ninyo lubos na nauunawaan kung bakit dapat kayong kumilos sa ganitong paraan. Kadalasan ito ay walang iba kundi kaliwanagan mula sa Banal na Espiritu. Pinakamadalas itong nangyayari sa mga taong may karanasan. Ginagabayan ka ng Banal na Espiritu na gawin ang pinakaangkop. Hindi ito isang bagay na pinag-iisipan mo, sa halip ito ay isang damdamin sa puso mo na nagpapatanto sa iyo na ito ang pinakamainam na paraan ng paggawa nito, at gusto mong gawin ito sa paraang iyon nang hindi nalalaman kung bakit. Maaaring nagmumula ito sa Banal na Espiritu. Kadalasang nagmumula sa pag-iisip at pagsasaalang-alang ang mga sariling ideya ng isang tao, at nahahaluang lahat ng sariling kagustuhan; iniisip niya palagi kung ano ang pakinabang at bentahe nito sa kanya; bawat kilos na ipinapasyang gawin ng mga tao ay may ganitong mga bagay. Gayunman, ang patnubay ng Banal na Espiritu ay hindi naglalaman sa anumang paraan ng gayong mga paghahalo. Kailangang magbigay ng masusing pansin sa patnubay o kaliwanagan mula sa Banal na Espiritu; lalo na sa mahahalagang usapin, kailangan mong mag-ingat para maarok iyon. Ang mga taong ibig gamitin ang kanilang utak, at ibig kumilos ayon sa sarili nilang mga ideya, ang pinakamalamang na mapalampas ang gayong patnubay o kaliwanagan. Ang mga lider at manggagawa na pasok sa pamantayan ay mga taong nagtataglay ng gawain ng Banal na Espiritu, na alisto sa gawain ng Banal na Espiritu sa bawat sandali, na nagpapasakop sa Banal na Espiritu, mayroong may-takot-sa-Diyos na puso, mapagsaalang-alang sa mga layunin ng Diyos, at walang-kapagurang hinahangad ang katotohanan. Upang mapalugod ang Diyos at maayos na magpatotoo para sa Kanya, dapat madalas mong pinagninilayan ang iyong mga motibo at karumihan sa paggampan sa iyong tungkulin, at pagkatapos ay subukang pagmasdan kung gaanong gawain ang naganyak ng mga ideya ng tao, gaano ang umusbong mula sa kaliwanagan ng Banal na Espiritu, at gaano ang umaalinsunod sa mga salita ng Diyos. Dapat pinagninilayan mo palagi, at sa lahat ng sitwasyon, kung ang iyong mga salita at gawa ba ay naaayon sa katotohanan. Ang makapagsagawa nang madalas sa ganitong paraan ay maglalagay sa iyo sa tamang landas ng paglilingkod sa Diyos. Kailangang magtaglay ng mga katotohanang realidad upang matamo ang paglilingkod sa Diyos sa isang paraang umaayon sa Kanyang mga layunin. Pagkatapos nilang maunawaan ang katotohanan saka lamang magkakaroon ang mga tao ng kakayahang matukoy at makilala kung ano ang lumilitaw mula sa sarili nilang mga ideya at kung ano ang lumilitaw mula sa mga motibo ng tao. Nagagawa nilang makilala ang mga karumihan ng tao, gayundin kung ano ang ibig sabihin ng kumilos ayon sa katotohanan. Pagkatapos nilang makakilatis, saka lamang matitiyak na maisasagawa nila ang katotohanan at lubos silang makakaayon sa mga layunin ng Diyos. Kapag walang pagkaunawa sa katotohanan, imposibleng makapagsagawa ng pagkilatis ang mga tao. Ang isang taong naguguluhan ay maaaring maniwala sa Diyos sa kabuuan ng kanyang buhay nang hindi nalalaman kung ano ang ibig sabihin ng mabunyag ang sarili niyang katiwalian o kung ano ang ibig sabihin ng labanan ang Diyos, dahil hindi niya nauunawaan ang katotohanan; na hindi man lamang umiiral ang ideyang iyon sa kanyang isipan. Ang katotohanan ay hindi kayang abutin ng mga taong napakababa ng kakayahan; gaano mo man sila bahaginan tungkol dito, hindi pa rin nila ito nauunawaan. Magulo ang isip ng gayong mga tao. Sa kanilang pananampalataya, ang mga taong naguguluhan ay hindi makapagpapatotoo sa Diyos; makapagtatrabaho lamang sila nang kaunti. Kung gagampanan nang maayos ng mga lider at manggagawa ang kanilang mga tungkulin, hindi maaaring maging napakahina ng kanilang kakayahan. Kahit papaano, dapat mayroon silang espirituwal na pang-unawa at maarok nang wagas ang mga bagay-bagay, upang madali nilang maunawaan at maisagawa ang katotohanan. Ang karanasan ng ilang tao ay napakababaw, kaya kung minsan ay may mga pagkabaluktot sa kanilang pagkaunawa sa katotohanan, at pagkatapos ay malamang na makagawa sila ng mga pagkakamali. Kapag may mga pagkabaluktot sila sa kanilang pagkaunawa, hindi nila kaya ang gampanin ng pagsasagawa sa katotohanan. Kapag may mga pagkabaluktot sa pagkaunawa ng mga tao, malamang na sumunod sila sa mga regulasyon, at kapag sumusunod sila sa mga regulasyon, madaling makagawa ng mga pagkakamali, at hindi nila kaya ang gampanin ng pagsasagawa sa katotohanan. Kapag may mga pagkabaluktot sa pagkaunawa, madali ring malihis at magamit ng mga anticristo. Samakatwid, ang mga pagkabaluktot sa pagkaunawa ay maaaring humantong sa maraming pagkakamali. Dahil dito, hindi lang sila mabibigo na gampanan nang maayos ang kanilang mga tungkulin, maaari din silang madaling maligaw, na nakakapinsala sa buhay pagpasok ng mga taong hinirang ng Diyos. Ano ang kahalagahan ng paggawa ng isang tao sa kanyang tungkulin nang ganito? Nagiging isang tao lang siya na nakakagambala at nakakagulo sa gawain ng iglesia. Dagdag pa rito, dapat matuto ng mga aral mula sa mga kabiguang ito. Upang matupad ang gawaing ipinagkakatiwala ng Diyos, kailangang maarok ng mga lider at manggagawa ang dalawang prinsipyong ito: Dapat mahigpit na sumunod ang isang tao sa mga pagsasaayos ng gawain mula sa ang Itaas sa pagganap sa tungkulin, at dapat bigyang-pansin at magpasakop sa anumang patnubay mula sa Banal na Espiritu alinsunod sa salita ng Diyos. Kapag naarok ang dalawang prinsipyong ito, saka lamang magiging mabisa ang gawain ng isang tao at matutugunan ang mga layunin ng Diyos.

—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi

Araw-araw na mga Salita ng Diyos  Sipi 388

Hinangad ni Pedro na kilalanin ang kanyang sarili at suriin kung ano ang naibunyag sa kanya sa pamamagitan ng pagpipino ng mga salita ng Diyos at sa loob ng iba’t ibang pagsubok na ibinigay sa kanya ng Diyos. Nang tunay niyang makilala ang sarili niya, natanto ni Pedro kung gaano kalalim ang pagkatiwali ng mga tao, kung gaano sila kawalang halaga at hindi karapat-dapat sa paglilingkod sa Diyos, at na hindi sila nararapat na mabuhay sa harapan ng Diyos. Nang magkagayon ay nagpatirapa si Pedro sa harap ng Diyos. Dahil napakaraming naranasan, nadama ni Pedro sa huli na, “Ang makilala ang Diyos ang pinakamahalagang bagay! Kung mamamatay ako bago ko Siya makilala, magiging napakalaking panghihinayang ito. Ang makilala ang Diyos ang pinakamahalaga, pinakamakahulugang bagay na mayroon. Kung hindi kilala ng tao ang Diyos, wala siyang karapatang mabuhay, kapareho siya ng isang hayop, at wala siyang buhay.” Nang umabot na sa ganitong punto ang karanasan ni Pedro, nalaman na niya ang kanyang sariling kalikasan at nakapagtamo na siya ng mabuti-buting pag-unawa rito. Bagama’t marahil ay hindi niya magagawang ipaliwanag ito nang kasinglinaw na magagawa ng mga tao ngayon, sadyang naabot na ni Pedro ang kalagayang ito. Samakatwid, ang pagtahak sa landas ng paghahangad sa katotohanan at pagtatamo ng pagperpekto na gawa ng Diyos ay nangangailangan ng pagkilala sa sariling kalikasan ng isang tao mula sa loob ng mga pagbigkas ng Diyos, gayundin ng pag-arok sa iba’t ibang aspekto ng kalikasan ng isang tao at wastong paglalarawan nito sa mga salita, nang malinaw at payak na nagsasalita. Ito lamang ang tunay na pagkakilala sa iyong sarili, at tanging sa paraang ito mo matatamo ang resultang hinihingi ng Diyos. Kung ang iyong kaalaman ay hindi pa umabot sa puntong ito, subalit sinasabi mo na nakikilala mo ang iyong sarili at sinasabing nagtamo ka ng buhay, hindi ba’t nagyayabang ka lamang? Hindi mo kilala ang iyong sarili, ni hindi mo alam kung ano ka sa harap ng Diyos, kung totoo mang naabot mo ang mga pamantayan ng pagiging tao, o gaano karami ang mga satanikong elemento na taglay mo pa rin sa iyong loob. Hindi pa rin malinaw sa iyo ang tungkol sa kung kanino ka nabibilang, at wala ka man lamang anumang kamalayan sa sarili—kaya’t paano ka magtataglay ng katwiran sa harap ng Diyos? Nang naghahangad si Pedro ng buhay, nakatutok siya sa pag-unawa sa kanyang sarili at pagbabago ng kanyang disposisyon sa gitna ng mga pagsubok sa kanya, at nagsikap siya na makilala ang Diyos. Sa huli, naisip niya, “Dapat maghangad ang mga tao ng pagkaunawa sa Diyos sa buhay; ang makilala Siya ang pinakakritikal na bagay. Kung hindi ko kilala ang Diyos, kung gayon ay hindi ako makapagpapahinga nang payapa kapag namatay ako. Sa sandaling makilala ko Siya, kung hahayaan ng Diyos na mamatay ako, makadarama ako ng labis na kasiyahan. Hindi ako magrereklamo nang bahagya man, at magiging ganap ang buong buhay ko.” Hindi nagawa ni Pedro na matamo ang antas na ito ng pag-unawa o kagyat na marating ang yugtong ito pagkaraang masimulan niya na maniwala sa Diyos; sa halip ay sumailalim siya sa napakaraming pagsubok. Kinailangan munang umabot ang kanyang karanasan sa isang tiyak na antas, at kinailangan niyang ganap na maunawaan ang sarili, bago niya madama ang halaga na makilala ang Diyos. Samakatwid, ang landas na tinahak ni Pedro ay ang landas ng paghahangad sa katotohanan, at ang landas ng pagtatamo ng buhay at magawang perpekto. Ito ang aspekto na pangunahing pinagtuunan ng kanyang tiyak na pagsasagawa.

Sa inyong pananalig sa Diyos, anong landas ang tinatahak ninyo ngayon? Kung hindi ninyo hinahangad, tulad ni Pedro, ang buhay, pag-unawa sa inyong sarili, at kaalaman sa Diyos, hindi mo tinatahak ang landas ni Pedro. Nasa ganitong uri ng kalagayan ang karamihan ng mga tao ngayon: Upang magkamit ng mga pagpapala, dapat kong gugulin ang aking sarili para sa Diyos at magbayad ng halaga para sa Kanya. Upang magkamit ng mga pagpapala, dapat kong talikuran ang lahat para sa Diyos; dapat kong tapusin ang ipinagkatiwala Niya sa akin, at kailangan kong gampanang mabuti ang aking tungkulin. Ang kalagayang ito ay pinangingibabawan ng intensyong magtamo ng mga pagpapala, na isang halimbawa ng paggugol sa sarili para sa Diyos na pawang para sa pakay ng pagkakamit ng mga gantimpala mula sa Kanya at pagkakamit ng isang korona. Hindi nagtataglay ng katotohanan ang mga puso ng ganoong mga tao, at tiyak na binubuo lamang ng ilang salita at doktrina ang kanilang pagkaunawa na ipinangangalandakan nila saan man sila mapadako. Ang landas nila ay ang landas ni Pablo. Ang pananalig ng ganoong mga tao ay isang kilos ng palagiang pagpapakapagod, at nararamdaman nila sa kaibuturan na kung higit silang gumagawa, higit na mapatutunayan ang kanilang katapatan sa Diyos; na kung higit na marami silang ginagawa, higit na tiyak na malulugod ang Diyos; at kung higit na marami silang ginagawa, higit silang magiging karapat-dapat na pagkalooban ng isang korona sa harap ng Diyos, at mas malalaking pagpapala ang matatamo nila. Iniisip nila na kung makakaya nilang tiisin ang pagdurusa, mangangaral, at mamamatay para kay Cristo, kung makakaya nilang isakripisyo ang mga sarili nilang buhay, at kung makakaya nilang makompleto ang lahat ng mga tungkuling ipinagkatiwala sa kanila ng Diyos, kung gayon ay sila ang magiging mga taong magtatamo ng pinakamalalaking pagpapala, at tiyak na pagkakalooban sila ng mga korona. Ito ang mismong nailarawan ni Pablo sa imahinasyon at ito ang kanyang hinangad. Ito ang mismong landas na tinahak niya, at sa ilalim ng paggabay ng ganoong mga saloobin isinagawa ni Pablo ang paglilingkod sa Diyos. Hindi ba nagmula ang gayong mga saloobin at mga intensyon sa isang satanikong kalikasan? Katulad lamang ito ng mga makamundong tao, na naniniwalang dapat nilang hangarin ang kaalaman habang nasa lupa, at na pagkatapos makamtan ito ay mamumukod-tangi sila sa madla, magiging mga opisyal, at magkakaroon ng katayuan. Iniisip nila na sa sandaling mayroon na silang katayuan, matutupad na rin nila ang kanilang mga ambisyon at maiaangat na nila ang kanilang mga negosyo at mga kaugalian ng pamilya sa isang partikular na antas ng kasaganahan. Hindi ba’t lahat ng walang pananampalataya ay tumatahak sa landas na ito? Iyong mga pinangingibabawan ng ganitong satanikong kalikasan ay maaari lamang maging katulad ni Pablo sa kanilang pananalig. Iniisip nila: “Dapat kong talikuran ang lahat upang gugulin ang sarili ko para sa diyos. Dapat akong maging deboto sa harap ng diyos, at sa huli, tatanggapin ko ang malalaking gantimpala at mga dakilang korona.” Ito rin ang katulad na saloobin ng mga makamundong tao na naghahangad ng mga makamundong bagay. Wala talaga silang anumang ipinagkaiba, at pinaghaharian sila ng iisang kalikasan. Kapag may ganitong uri ng satanikong kalikasan ang mga tao, sa mundo sa labas, maghahangad silang magtamo ng kaalaman, pagkatuto, katayuan, at mamukod-tangi sa madla. Kung nananampalataya sila sa Diyos, hahangarin nilang magkamit ng mga dakilang korona at malalaking pagpapala. Kung hindi hinahangad ng mga tao ang katotohanan kapag nananampalataya sila sa Diyos, siguradong tatahakin nila ang landas na ito. Isa itong di-nababagong katunayan, batas ito ng kalikasan. Ang landas na tinatahak ng mga taong hindi naghahangad ng katotohanan ay tuwirang salungat sa landas ni Pedro. Aling landas ang tinatahak ninyong lahat ngayon? Bagama’t maaaring hindi mo naiplano na tahakin ang landas ni Pablo, ang iyong kalikasan ang nag-aatas na lakarin mo ang daang ito, at ikaw ay tutungo sa gayong direksyon kahit labag ito sa kalooban mo. Bagama’t gusto mong tumahak sa landas ni Pedro, kung hindi malinaw sa iyo kung paano gawin iyan, kung gayon ay tatahakin mo ang landas ni Pablo nang hindi kinukusa: Ito ang realidad ng sitwasyon. Paano ang dapat na eksaktong pagtahak sa landas ni Pedro sa panahong ito? Kung hindi mo magawang makita ang kaibahan sa pagitan ng landas ni Pedro at landas ni Pablo, o hindi ka man lamang pamilyar sa mga ito, kung gayon, gaano mo man ipahayag na tinatahak mo ang landas ni Pedro, walang kabuluhan ang mga salita mong iyon. Una, kailangan mo munang magkaroon ng malinaw na ideya kung ano ang landas ni Pedro at kung ano ang landas ni Pablo. Kapag totoong nauunawaan mo na ang landas ni Pedro ay ang landas ng paghahangad ng buhay, at ang tanging landas sa pagiging perpekto, saka mo lamang magagawang tahakin ang landas ni Pedro, maghangad gaya ng paghahangad niya, at magsagawa ng mga prinsipyong isinagawa niya. Kung hindi mo nauunawaan ang landas ni Pedro, kung gayon, ang landas na tinatahak mo ay tiyak na iyong kay Pablo, sapagkat wala nang iba pang magiging landas para sa iyo; wala kang mapagpipilian sa bagay na ito. Ang mga taong hindi nauunawaan ang katotohanan at hindi nagagawang hangarin ito ay mahihirapang tahakin ang landas ni Pedro, kahit pa may determinasyon sila. Masasabi na biyaya at pagtataas ng Diyos na ibinunyag na Niya sa inyo ngayon ang landas ng kaligtasan at pagiging perpekto. Siya ang gumagabay sa inyo tungo sa landas ni Pedro. Kung wala ang gabay at kaliwanagan ng Diyos, walang sinuman ang magagawang tumahak sa landas ni Pedro, at ang tanging magagawa ay ang tumahak sa landas ni Pablo, sumunod sa mga yapak ni Pablo tungo sa perdisyon. Sa panahong iyon, hindi naramdaman ni Pablo na maling tahakin ang landas na iyon; ganap siyang naniwala na tama iyon. Hindi niya nakamit ang katotohanan, at lalong hindi siya sumailalim sa isang pagbabago sa disposisyon. Labis siyang naniwala sa kanyang sarili, at naramdaman na walang bahagya mang isyu sa pananampalataya sa ganoong paraan. Nagpatuloy siya, puno ng kumpiyansa at ng lubos na tiwala sa sarili. Sa dakong huli, hindi siya kailanman natauhan. Inisip pa rin niya na para sa kanya ang mabuhay ay si cristo. Sa gayon, nagpatuloy si Pablo sa pagtahak sa landas na iyon hanggang sa huli, at nang oras na maparusahan siya sa wakas, tapos na ang lahat para sa kanya. Hindi kabilang sa landas ni Pablo ang mangyaring makilala niya ang sarili, lalo na ang maghangad ng isang pagbabago sa disposisyon. Hindi niya kailanman hinimay ang kanyang sariling kalikasan, ni hindi siya nakapagtamo ng anumang kaalaman sa kung ano siya. Alam lamang niya na siya ang pangunahing pasimuno sa pag-uusig kay Jesus. Ngunit hindi siya nagkaroon ng bahagya mang pagkaunawa sa kanyang sariling kalikasan, at pagkaraang tapusin ang kanyang gawain, naramdaman ni Pablo na namumuhay siya bilang si Cristo at dapat na gantimpalaan. Ang gawaing ginawa ni Pablo ay magserbisyo lamang para sa Diyos. Para sa kanyang sarili, bagama’t nakatanggap siya ng ilang paghahayag mula sa Banal na Espiritu, wala talaga siyang nakamit na katotohanan o buhay. Samakatwid, hindi siya iniligtas ng Diyos. Sa halip, pinarusahan siya ng Diyos. Bakit sinabi na ang landas ni Pedro ay ang landas sa pagiging ginawang perpekto? Ito ay dahil, sa pagsasagawa ni Pedro, nagbigay siya ng natatanging diin sa buhay, sa paghahangad na makilala ang Diyos, at makilala ang sarili. Sa pamamagitan ng kanyang pagdanas sa gawain ng Diyos, nagawa niyang makilala ang sarili, makapagtamo ng pagkaunawa sa mga tiwaling kalagayan ng tao, mabatid ang kanyang sariling mga kakulangan, at matuklasan ang pinakamahalagang bagay na dapat hangarin ng mga tao. Nagawa niyang mahalin nang tapat ang Diyos, natutunan kung paano suklian ang Diyos, nakapagtamo ng ilang katotohanan, at nagtaglay ng realidad na hinihingi ng Diyos. Mula sa lahat ng mga bagay na sinabi ni Pedro sa panahon ng mga pagsubok sa kanya, makikita na tunay ngang siya ang may pinakamalaking pagkaunawa sa Diyos. Sapagkat nagawa niyang maunawaan ang napakaraming katotohanan mula sa mga salita ng Diyos, lumiwanag nang lumiwanag ang kanyang landas, at lalong umaayon sa mga layunin ng Diyos. Kung hindi tinaglay ni Pedro ang katotohanang ito, kung gayon, ang landas na kanyang tinahak ay hindi magiging ganoon kawasto.

—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Paano Tahakin ang Landas ni Pedro

Araw-araw na mga Salita ng Diyos  Sipi 389

Si Pedro ay deboto sa Akin sa loob ng maraming taon, subalit hindi siya nagmaktol ni nagreklamo kailanman; kahit si Job ay hindi niya kapantay at, sa nagdaang mga kapanahunan, lahat ng banal ay malayong-malayo kung ikukumpara kay Pedro. Hindi lamang niya hinangad na makilala Ako, kundi nakilala rin niya Ako sa isang panahon kung kailan isinasakatuparan ni Satanas ang mapanlinlang na mga pakana nito. Humantong ito sa paglilingkod ni Pedro sa Akin sa loob ng maraming taon, na laging nakaayon sa Aking mga layunin, at dahil dito, hindi siya napagsamantalahan ni Satanas kailanman. Natuto si Pedro mula sa pananalig ni Job, subalit malinaw niya ring nahiwatigan ang mga pagkukulang ni Job. Bagama’t naging matindi ang pananalig ni Job, wala siyang kaalaman tungkol sa mga bagay sa espirituwal na mundo, kaya marami siyang sinabing mga salita na hindi tugma sa realidad; nagpapakita ito na ang kaalaman ni Job ay mababaw pa at hindi maaaring maging gawing perpekto. Samakatwid, palaging tumuon si Pedro sa pagtatamo ng pakiramdam ng espiritu, at laging nakatuon sa pagmamasid sa mga kalakaran ng espirituwal na mundo. Dahil dito, hindi lamang niya natiyak ang kaunti sa mga layunin Ko, kundi nagkaroon din ng kaunting kaalaman tungkol sa mapanlinlang na mga pakana ni Satanas. Dahil dito, mas dumami pa ang kanyang kaalaman tungkol sa Akin kaysa kaninuman sa pagdaan ng mga kapanahunan.

Mula sa karanasan ni Pedro, hindi mahirap makita na kung nais Akong makilala ng mga tao, kailangan nilang pagtuunan ang maingat na pagsasaalang-alang sa loob ng kanilang espiritu. Hindi Ko hinihiling na ipakita mo na “naglalaan” ka ng ilang bahagi sa Akin; ito ay pangalawang alalahanin lang. Kung hindi mo Ako kilala, lahat ng pananalig, pagmamahal, at katapatang binabanggit mo ay mga ilusyon lamang; bula ang mga ito, at tiyak na magiging isa kang tao na labis na naghahambog sa Aking harapan ngunit hindi kilala ang kanyang sarili. Sa gayon, minsan ka pang mabibitag ni Satanas at hindi ka makakawala; magiging isa kang anak ng kapahamakan at isang pakay ng pagwasak. Gayunman, kung nanlalamig ka at wala kang pakialam sa Aking mga salita, walang dudang kontra ka sa Akin. Ito ay totoo, at makabubuting tumingin ka sa pasukan ng espirituwal na mundo sa marami at iba-ibang espiritung nakastigo Ko. Sino sa kanila, na naharap, hindi negatibo, walang malasakit, at ayaw tumanggap sa Aking mga salita? Sino sa kanila ang hindi mapangutya sa Aking mga salita? Sino sa kanila ang hindi sumubok na maghanap ng mali sa Aking mga salita? Sino sa kanila ang hindi gumamit ng Aking mga salita bilang “mga sandatang pananggalang” para “protektahan” ang sarili nila? Hindi sila naghangad ng pagkilala sa Akin sa pamamagitan ng Aking mga salita, kundi ginamit lang ang mga ito at pinaglaruan ang mga ito na para bang ang mga ito ay mga laruan. Dahil dito, hindi ba nila Ako direktang nilalabanan? Sino ang Aking mga salita? Sino ang Aking Espiritu? Napakaraming beses Ko nang naitanong sa inyo ang gayong mga bagay, subalit nagkaroon na ba kayo ng mas mataas at malinaw na mga kabatiran tungkol sa mga ito? Talaga bang naranasan na ninyo ang mga ito? Minsan Ko pa kayong pinapaalalahanan: Kung hindi ninyo alam ang Aking mga salita, ni hindi ninyo tinatanggap ang mga ito, ni hindi ninyo isinasagawa ang mga ito, siguradong magiging mga pakay kayo ng Aking pagkastigo! Siguradong magiging mga biktima kayo ni Satanas!

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob, Kabanata 8

Araw-araw na mga Salita ng Diyos  Sipi 390

Bagama’t maraming tao ang nananampalataya sa Diyos, kakaunti ang nakakaunawa kung ano ang kahulugan ng pananampalataya sa Diyos, at kung paano sila mismo dapat kumilos upang maging naaayon sa mga layunin ng Diyos. Ito ay dahil, bagama’t alam ng mga tao ang salitang “Diyos” at mga pariralang tulad ng “ang gawain ng Diyos,” hindi nila kilala ang Diyos, at lalong hindi nila alam ang Kanyang gawain. Hindi nakapagtataka, kung gayon, na lahat ng hindi nakakakilala sa Diyos ay naguguluhan sa kanilang pananampalataya sa Kanya. Hindi sineseryoso ng mga tao ang pananampalataya sa Diyos, at ito ay dahil lamang sa masyado silang hindi pamilyar sa paniniwala sa Diyos, masyado itong nakakapanibago para sa kanila. Sa ganitong paraan, nagkukulang sila sa mga hinihingi ng Diyos. Sa madaling salita, kung hindi kilala ng mga tao ang Diyos at hindi alam ang Kanyang gawain, hindi sila angkop na gamitin ng Diyos, at lalong hindi nila magagawang matugunan ang Kanyang mga layunin. Ang “pananampalataya sa Diyos” ay nangangahulugan ng paniniwala na mayroong Diyos; ito ang pinakasimpleng konsepto patungkol sa paniniwala sa Diyos. Higit pa rito, ang paniniwala na mayroong Diyos ay hindi kapareho ng tunay na pananampalataya sa Diyos; sa halip, ito ay isang uri ng simpleng pananalig na may matitinding kahulugang pangrelihiyon. Ang ibig sabihin ng tunay na pananampalataya sa Diyos ay ang mga sumusunod: Batay sa pananampalataya na ang Diyos ang may kataas-taasang kapangyarihan sa lahat ng bagay, dinaranas ng isang tao ang Kanyang mga salita at Kanyang gawain, at sa gayon ay iwinawaksi ang mga tiwaling disposisyon ng isang tao, tinutugunan ang mga layunin ng Diyos, at nakikilala ang Diyos. Ganitong uri lamang ng paglalakbay ang matatawag na “pananampalataya sa Diyos.” Subalit madalas ituring ng mga tao ang pananampalataya sa Diyos bilang isang labis na simple at walang-kabuluhang bagay. Kapag ang mga tao ay nananampalataya sa Diyos sa ganitong paraan, nawawalan ito ng kahulugan, at bagama’t maaari silang patuloy na maniwala hanggang sa kahuli-hulihan, hindi nila kailanman matatamo ang pagsang-ayon ng Diyos, dahil tumatahak sila sa maling landas. Ang mga naniniwala sa Diyos hanggang ngayon nang ayon sa mga salita at sa hungkag na doktrina ay hindi pa rin alam na wala silang diwa ng pananampalataya sa Diyos, at na hindi nila matatanggap ang pagsang-ayon ng Diyos. Nagdarasal pa rin sila na pagpalain sila ng Diyos ng kapayapaan at sapat na biyaya. Patahimikin natin ang ating puso at mag-isip nang husto: Maaari kaya na ang pananampalataya sa Diyos ang pinakamadaling bagay sa lupa? Maaari kaya na ang paniniwala sa Diyos ay nangangahulugan lamang ng pagtanggap ng maraming biyaya mula sa Diyos? Talaga bang ang mga taong naniniwala sa Diyos nang hindi Siya nakikilala o naniniwala sa Diyos subalit kinakalaban Siya ay natutugunan ang mga layunin ng Diyos?

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Paunang Salita

Araw-araw na mga Salita ng Diyos  Sipi 391

Ano na ang nakamit ng tao mula nang una siyang maniwala sa Diyos? Ano na ang nalalaman mo tungkol sa Diyos? Gaano na kalaki ang ipinagbago mo dahil sa pananampalataya mo sa Diyos? Ngayon, alam na ninyong lahat na ang pananampalataya ng tao sa Diyos ay hindi lamang para sa kaligtasan ng kaluluwa at kapakanan ng laman, ni hindi ito upang pagyamanin ang kanyang buhay sa pamamagitan ng pagmamahal sa Diyos, at iba pa. Sa ngayon, kung mahal mo ang Diyos alang-alang sa kapakanan ng laman o panandaliang kasiyahan, kahit sa bandang huli ay umabot sa sukdulan ang pagmamahal mo sa Diyos at wala ka nang hinihiling pa, hindi pa rin puro ang pagmamahal na ito na hinahangad mo at hindi kalugud-lugod sa Diyos. Ang mga gumagamit ng pagmamahal sa Diyos upang pagyamanin ang nakababagot nilang buhay at punan ang kahungkagan sa kanilang puso ay ang uri ng mga tao na nagnanasa sa madaling buhay, hindi sila tunay na naghahangad na mahalin ang Diyos. Ang ganitong uri ng pagmamahal ay sapilitan, ito ay paghahangad ng kasiyahang pangkaisipan, at hindi ito kailangan ng Diyos. Kung gayon, anong klase ang pagmamahal mo? Para saan ang pagmamahal mo sa Diyos? Gaano kalaki ang tunay na pagmamahal sa Diyos na nasa iyong kalooban ngayon? Ang pagmamahal ng karamihan sa inyo ay katulad ng nabanggit. Mapapanatili lamang ng gayong pagmamahal ang kasalukuyang estado ng mga bagay-bagay; hindi nito makakamit ang kawalan ng pagbabago, ni hindi ito mag-uugat sa tao. Ang ganitong klaseng pagmamahal ay katulad lamang ng isang bulaklak na namumukadkad at nalalanta nang hindi namumunga. Sa madaling salita, matapos mong mahaling minsan ang Diyos sa gayong paraan, kung walang sinumang aakay sa iyo sa landas sa unahan, malulugmok ka. Kung kaya mo lamang mahalin ang Diyos sa oras ng pagmamahal sa Diyos ngunit pagkatapos ay hindi pa rin nagbabago ang iyong disposisyon sa buhay, hindi ka pa rin makakatakas sa pagkabalot ng impluwensya ng kadiliman, hindi ka pa rin makakalaya mula sa mga gapos ni Satanas at sa pandaraya nito. Walang sinumang tulad nito ang ganap na makakamit ng Diyos; sa huli, pag-aari pa rin ni Satanas ang kanilang espiritu, kaluluwa, at katawan. Walang alinlangan iyan. Lahat ng hindi ganap na makakamit ng Diyos ay babalik sa kanilang orihinal na lugar, ibig sabihin, babalik sila kay Satanas, at bababa sa lawa ng apoy at asupre upang tanggapin ang susunod na hakbang ng kaparusahan mula sa Diyos. Yaong mga nakamit ng Diyos ay yaong mga naghihimagsik laban kay Satanas at tumatakas mula sa kapangyarihan nito. Sila ay opisyal na kabilang sa mga tao ng kaharian. Ganito kung paano nagiging mga tao ng kaharian. Handa ka bang maging ganitong klaseng tao? Handa ka bang makamit ng Diyos? Handa ka bang tumakas mula sa kapangyarihan ni Satanas at bumalik sa Diyos? Pag-aari ka na ba ngayon ni Satanas o kabilang ka sa mga tao ng kaharian? Dapat ay maliwanag na ang mga bagay na ito, at hindi na nangangailangan ng karagdagang paliwanag.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Pananaw na Dapat Panghawakan ng mga Mananampalataya

Araw-araw na mga Salita ng Diyos  Sipi 392

Noong araw, maraming naghangad nang may napakatayog na ambisyon at mga kuru-kuro, naghangad sila bunga ng kanilang sariling mga pag-asam. Isantabi natin ang ganitong mga isyu sa sandaling ito; ang pinakamahalaga ngayon ay humanap ng paraan ng pagsasagawa na magbibigay sa bawat isa sa inyo ng kakayahang mapanatili ang isang normal na kalagayan sa harap ng Diyos at unti-unting makawala sa mga gapos ng impluwensya ni Satanas, upang makamit kayo ng Diyos, at maisabuhay ninyo sa lupa ang hinihingi sa inyo ng Diyos. Sa ganitong paraan lamang ninyo matutugunan ang mga layunin ng Diyos. Maraming naniniwala sa Diyos, subalit hindi alam kung ano ang nais ng Diyos ni kung ano ang nais ni Satanas. Naniniwala sila nang may pagkalito, basta sumasabay na lamang sa daloy, kaya nga hindi sila kailanman nagkaroon ng isang normal na buhay-Kristiyano; higit pa rito, hindi sila kailanman nagkaroon ng normal na personal na mga relasyon, lalo na ng normal na relasyon sa Diyos. Mula rito makikita na maraming paghihirap at pagkukulang ang tao, at iba pang mga kadahilanang maaaring makahadlang sa kalooban ng Diyos. Sapat na ito upang patunayan na hindi pa nakatahak ang tao sa tamang landas ng paniniwala sa Diyos, ni hindi pa sila nakapasok sa tunay na karanasan ng buhay ng tao. Kaya ano ang ibig sabihin ng tumahak sa tamang landas ng paniniwala sa Diyos? Ang tumahak sa tamang landas ay nangangahulugan na maaari mong patahimikin ang puso mo sa harap ng Diyos sa lahat ng oras at matamasa ang normal na pakikipagniig sa Diyos, na unti-unting nalalaman kung ano ang kulang sa tao at dahan-dahang nagkakamit ng mas malalim na kaalaman tungkol sa Diyos. Sa pamamagitan nito, nagkakamit ng bagong kabatiran at bagong kaliwanagan ang iyong espiritu araw-araw; lumalago ang iyong pananabik, hinahangad mong makapasok sa katotohanan, at araw-araw ay may bagong liwanag at bagong pagkaunawa. Sa pamamagitan ng landas na ito, unti-unti kang makakalaya sa impluwensya ni Satanas at lalago sa iyong buhay. Ang gayong mga tao ay nakapasok na sa tamang landas. Suriin ang sarili mong aktwal na mga karanasan at siyasatin ang landas na natahak mo sa iyong pananampalataya: Kapag inihambing mo ang mga iyon sa inilarawan sa itaas, nakikita mo bang nasa tamang landas ka? Sa anong mga bagay ka na nakalaya mula sa mga gapos at impluwensya ni Satanas? Kung hindi ka pa nakakatahak sa tamang landas, hindi pa napuputol ang iyong kaugnayan kay Satanas. Dahil dito, aakayin ka ba ng iyong paghahangad na mahalin ang Diyos patungo sa isang pagmamahal na tunay, nakatuon, at wagas? Sabi mo, hindi natitinag at taos-puso ang pagmamahal mo sa Diyos, subalit hindi ka pa nakakalaya sa mga gapos ni Satanas. Hindi mo ba sinusubukang lokohin ang Diyos? Kung nais mong matamo ang isang kalagayan kung saan puro ang pagmamahal mo sa Diyos, at nais mong ganap na makamit ng Diyos at makabilang sa mga tao ng kaharian, kailangan mo munang itakda ang sarili mo sa tamang landas ng paniniwala sa Diyos.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Pananaw na Dapat Panghawakan ng mga Mananampalataya

Araw-araw na mga Salita ng Diyos  Sipi 393

Ang karaniwang problema na umiiral sa lahat ng tao ay yaong nauunawaan nila ang katotohanan ngunit hindi ito naisasagawa. Sa isang banda, dahil ito sa hindi sila handang magbayad ng halaga para rito, at sa kabilang banda, masyadong salat ang kanilang pagkahiwatig; hindi nila kayang makita ang marami sa mga paghihirap sa pang-araw-araw na pamumuhay sa kung ano ang mga ito, gayundin ay hindi nila alam kung paano magsagawa nang wasto. Sa dahilang ang mga karanasan ng mga tao ay masyadong mababaw, ang kanilang kakayahan ay masyadong mahina, at ang antas ng kanilang pag-unawa sa katotohanan ay limitado, wala silang kakayanang lutasin ang mga paghihirap na kanilang nararanasan sa araw-araw na buhay. Nananampalataya sila sa Diyos sa salita lamang, at hindi nila kayang dalhin ang Diyos sa kanilang pang-araw-araw na buhay. Ibig sabihin, ang Diyos ay Diyos, ang buhay ay buhay, at para bang ang mga tao ay walang relasyon sa Diyos sa kanilang buhay. Iyan ang iniisip ng lahat ng tao. Dahil sa gayong paniniwala sa Diyos, ang mga tao, sa realidad, ay hindi Niya makakamit at mapeperpekto. Sa katunayan, hindi sa hindi ganap ang pagpapabatid ng salita ng Diyos, bagkus ay sadyang hindi lang sapat ang kakayahan ng mga tao na makaunawa. Masasabi na halos walang isa mang tao na kumikilos ayon sa mga orihinal na pagnanais ng Diyos; sa halip, ang kanilang pananampalataya sa Diyos ay alinsunod sa kanilang sariling mga pagnanais, sa kanilang mga relihiyosong kuru-kuro noong nakalipas, at sa kanilang sariling pamamaraan ng pagsasagawa ng mga bagay-bagay. Kakaunti ang mga sumasailalim sa pagbabago kasunod ng pagtanggap ng salita ng Diyos at nagsisimulang kumilos alinsunod sa Kanyang mga layunin. Sa halip, nagpapatuloy sila sa kanilang mga maling paniniwala. Kapag ang mga tao ay nagsimulang maniwala sa Diyos, ginagawa nila ito batay sa mga nakaugaliang patakaran ng relihiyon, at namumuhay at nakikihalubilo sila sa iba batay lamang sa kanilang sariling pilosopiya sa mga makamundong pakikitungo. Masasabing iyan ang kalagayan ng siyam sa bawat sampung tao. Napakakaunti ang bumubuo ng isa pang plano at nagbabagong-buhay pagkatapos umpisahang maniwala sa Diyos. Nabigo ang sangkatauhan na tratuhin ang salita ng Diyos bilang katotohanan, o na isagawa ito bilang ganoon.

Tingnan bilang halimbawa ang pananampalataya kay Jesus. Baguhan man sa pananampalataya ang isang tao o matagal na panahon nang may pananampalataya, ang lahat ay ginagamit lamang ang anumang mga talento na mayroon sila at nagpapamalas ng anumang mga kasanayang kanilang angkin. Idinagdag lamang ng mga tao ang tatlong salitang “pananampalataya sa Diyos” sa normal nilang buhay, ngunit walang ginawang pagbabago sa kanilang disposisyon, at ang kanilang pananampalataya sa Diyos ay hindi lumago kahit na katiting. Ang pagpupursigi nila ay hindi mainit at hindi rin malamig. Hindi nila sinabi na bibitiw sila sa kanilang pananampalataya, pero hindi rin nila inihandog ang lahat sa Diyos. Kailanman ay hindi nila tunay na minahal ang Diyos o nagpasakop sa Kanya. Ang kanilang pananampalataya sa Diyos ay pinaghalong tunay at huwad, ang naging pagdulog nila ay sa pamamagitan ng isang matang dilat at isang matang pikit, at hindi sila naging masigasig sa pagsasagawa ng kanilang pananampalataya. Nagpatuloy sila sa kalagayan ng pagiging nalilito, at sa huli ay namatay nang lango sa pagkalito. Ano ang punto ng lahat ng iyon? Ngayon, upang manampalataya sa praktikal na Diyos, kailangan mong tumapak sa tamang landas. Kung nananampalataya ka sa Diyos, hindi ka lamang dapat maghangad ng mga pagpapala; sa halip, dapat mong hangarin na mahalin ang Diyos at makilala ang Diyos. Sa pamamagitan ng Kanyang kaliwanagan, sa pamamagitan ng iyong sariling personal na paghahangad, makakain at maiinom mo ang Kanyang salita, makabubuo ka ng isang tunay na pagkaunawa sa Diyos, at magkakaroon ka ng isang tunay na pagmamahal para sa Diyos na nanggagaling sa kaibuturan ng iyong puso. Sa madaling salita, kapag ang iyong pag-ibig para sa Diyos ay tunay na tunay, at walang sinumang makasisira o makahahadlang sa iyong pag-ibig para sa Kanya, sa oras na ito, ikaw ay nasa tamang landas ng pananampalataya sa Diyos. Pinatutunayan nito na nasa panig ka ng Diyos, sapagkat ang puso mo ay naangkin na ng Diyos at sa gayon ay hindi ka na maaangkin ng iba pa. Sa pamamagitan ng iyong karanasan, ng iyong ibinayad na halaga, at ng gawain ng Diyos, nagagawa mong magkaroon ng kusang pag-ibig para sa Diyos—at kapag nagkagayon, ikaw ay mapapalaya mula sa impluwensiya ni Satanas at mabubuhay sa liwanag ng salita ng Diyos. Tanging kapag ikaw ay nakalaya na mula sa impluwensiya ng kadiliman, saka lang masasabing nakamit mo na ang Diyos. Sa iyong pananampalataya sa Diyos, dapat mong subukang hangarin ang layong ito. Ito ang tungkulin ng bawat isa sa inyo. Wala sa inyong dapat masiyahan sa kasalukuyang kalagayan ng mga bagay-bagay. Hindi kayo maaaring magdalawang-isip sa gawain ng Diyos o ituring ito na basta-basta lang. Dapat ninyong isipin ang Diyos sa lahat ng sitwasyon at sa lahat ng panahon, at gawin ang lahat ng bagay alang-alang sa Kanya. At tuwing nagsasalita kayo o kumikilos, dapat ninyong unahin ang mga interes ng sambahayan ng Diyos. Tanging sa ganitong paraan kayo magiging naaayon sa mga layunin ng Diyos.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Dapat Kang Mamuhay Para sa Katotohanan Yamang Naniniwala Ka sa Diyos

Araw-araw na mga Salita ng Diyos  Sipi 394

Ang pinakamalaking pagkakamali ng mga tao sa kanilang pananampalataya sa Diyos ay yaong sa salita lamang ang kanilang pananampalataya, at ang Diyos ay lubos na wala sa pang-araw-araw nilang buhay. Ang lahat nga ng tao ay naniniwala sa pag-iral ng Diyos, subalit ang Diyos ay hindi bahagi ng kanilang pang-araw-araw na mga buhay. Namumutawi sa bibig ng mga tao ang maraming panalangin sa Diyos, ngunit ang Diyos ay may maliit lamang na lugar sa kanilang puso, at dahil dito ay paulit-ulit silang sinusubok ng Diyos. Sa dahilang ang mga tao ay hindi dalisay kung kaya’t ang Diyos ay walang mapagpipilian kundi subukin sila, upang mapahiya sila at makilala ang kanilang mga sarili sa gitna ng mga pagsubok na ito. Kung hindi, ang sangkatauhan ay magiging mga inapo ng arkanghel, at lalo’t lalong magiging tiwali. Sa proseso ng kanilang pananampalataya sa Diyos, iwinawaksi ng bawat tao ang marami sa kanilang personal na motibo at mga layunin habang sila ay walang-humpay na nililinis ng Diyos. Kung hindi, walang magiging paraan ang Diyos upang magamit ang sinuman, at walang paraan na gawin sa tao ang gawaing dapat Niyang gawin. Nililinis muna ng Diyos ang mga tao, at sa prosesong ito, maaaring makilala ng mga tao ang kanilang sarili, at maaaring mabago sila ng Diyos. Pagkatapos lamang nito saka inilalakip ng Diyos ang Kanyang buhay sa kanila, at sa ganitong paraan lamang lubusang makababaling ang puso nila sa Diyos. At kaya sinasabi Ko, ang pananampalataya sa Diyos ay hindi kasingsimple ng sinasabi ng mga tao. Sa paningin ng Diyos, kung may kaalaman ka lamang ngunit wala ang salita Niya bilang buhay, at kung limitado ka lamang sa iyong sariling kaalaman ngunit hindi kayang maisagawa ang katotohanan o maisabuhay ang salita ng Diyos, kung gayon ito ay patunay pa rin na wala kang mapagmahal-sa-Diyos na puso, at ipinakikita nito na ang iyong puso ay hindi pag-aari ng Diyos. Makikilala ng isang tao ang Diyos sa pamamagitan ng pananalig sa Kanya: Ito ang panghuling mithiin at ang mithiin ng pagsisikap ng tao. Dapat kang magsikap na isabuhay ang mga salita ng Diyos upang ang mga ito ay magbunga sa iyong pagsasagawa. Kung mayroon ka lamang kaalaman tungkol sa doktrina, ang iyong pananampalataya sa Diyos ay mauuwi sa wala. Tanging kung iyo ring isinasagawa at isinasabuhay ang Kanyang salita saka lamang maituturing na ganap ang iyong pananampalataya at ayon sa mga layunin ng Diyos. Sa landas na ito, maraming tao ang makapagsasalita ng maraming kaalaman, ngunit sa oras ng kanilang kamatayan, ang kanilang mga mata ay umaapaw sa mga luha, at kinapopootan nila ang kanilang mga sarili sa pagkakasayang sa isang buong buhay at pagkabuhay hanggang sa katandaan nang para sa wala. Nauunawaan lang nila ang mga doktrina ngunit hindi nila kayang isagawa ang katotohanan o magpatotoo sa Diyos; tumatakbo lang sila paroo’t parito, abalang-abala sila, at kapag naghihingalo na sila, saka lang nila nakikita sa wakas na kulang sila sa tunay na patotoo, na wala silang anumang kaalaman tungkol sa Diyos. Hindi ba’t ito ay masyadong huli na? Bakit hindi mo samantalahin ang araw at hangarin ang katotohanan na iyong minamahal? Bakit maghihintay ka pa hanggang kinabukasan? Kung sa buhay mo ay hindi ka nagdurusa para sa katotohanan o naghahangad na makamit ito, maaari kayang ninanais mong maramdaman ang panghihinayang sa oras na malapit ka nang mamatay? Kung gayon, bakit ka naniniwala sa Diyos? Sa realidad, maraming bagay kung saan maaaring isagawa ng mga tao ang katotohanan at palugurin ang Diyos, kung magsisikap lang sila nang napakakaunti. Ito ay dahil lang sobrang naguguluhan ang isipan ng mga tao na hindi sila makakilos alang-alang sa Diyos, at palaging nagmamadali para sa kapakanan ng kanilang laman, nang walang anumang nakakamit sa huli. Dahil dito, ang mga tao ay palaging pinahihirapan ng mga problema at paghihirap. Hindi ba’t ito ang mga pagpapahirap ni Satanas? Hindi ba’t ito ang katiwalian ng laman? Hindi mo dapat subukang linlangin ang Diyos sa pamamagitan ng walang kabuluhang salita. Sa halip, dapat kang gumawa ng aktwal na pagkilos. Huwag mong linlangin ang iyong sarili—ano ang magiging punto niyon? Ano ang iyong makakamit sa pamumuhay para sa kapakanan ng iyong laman at pakikipaglaban para sa kapakinabangan at kasikatan?

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Dapat Kang Mamuhay Para sa Katotohanan Yamang Naniniwala Ka sa Diyos

Araw-araw na mga Salita ng Diyos  Sipi 395

Sa ngayon, hahangarin ninyo na maging mga tao ng Diyos, at sisimulan ang buong pagpasok sa tamang landas. Ang maging mga tao ng Diyos ay nangangahulugan ng pagpasok sa Kapanahunan ng Kaharian. Sa kasalukuyan, opisyal na ninyong sinisimulan ang pagpasok sa pagsasanay ng kaharian, at ang inyong mga buhay sa hinaharap ay titigil na sa pagiging makupad at pabaya kagaya nang dati; sa gayong pamumuhay, imposibleng maabot ang mga pamantayang hinihingi ng Diyos. Kung hindi ka nakakadama ng anumang pagmamadali, ipinapakita nito na wala kang pagnanais na paunlarin ang iyong sarili, na ang iyong paghahangad ay magulo at nalilito, at ikaw ay walang kakayahan na matugunan ang mga layunin ng Diyos. Ang pagpasok sa pagsasanay ng kaharian ay nangangahulugan ng pagsisimula ng buhay ng bayan ng Diyos—nakahanda ka bang tanggapin ang gayong pagsasanay? Nakahanda ka bang makadama ng pagmamadali? Nakahanda ka bang mabuhay sa ilalim ng pagdidisiplina ng Diyos? Nakahanda ka bang mabuhay sa ilalim ng pagkastigo ng Diyos? Kapag ang mga salita ng Diyos ay dumating sa iyo at ikaw ay sinubok, paano ka kikilos? At ano ang iyong gagawin kapag naharap ka sa lahat ng klase ng katunayan? Noong nakaraan, ang iyong pokus ay hindi sa buhay; sa kasalukuyan, dapat kang magtuon sa pagpasok sa buhay realidad, at hangarin ang mga pagbabago sa iyong disposisyon sa buhay. Ito ang dapat matamo ng mga tao ng kaharian. Lahat ng tao ng Diyos ay dapat magtaglay ng buhay, dapat nilang tanggapin ang pagsasanay ng kaharian, at hangarin ang mga pagbabago sa kanilang disposisyon sa buhay. Ito ang hinihingi ng Diyos sa mga tao ng kaharian.

Ang mga hinihingi ng Diyos sa mga tao ng kaharian ay ang mga sumusunod:

1. Dapat nilang tanggapin ang mga atas ng Diyos. Ibig sabihin nito, dapat nilang tanggapin ang lahat ng salitang binigkas sa gawain ng Diyos sa mga huling araw.

2. Dapat silang pumasok sa pagsasanay ng kaharian.

3. Dapat nilang hangarin na antigin ng Diyos ang kanilang mga puso. Kapag ang iyong puso ay ganap nang bumaling sa Diyos, at mayroon kang isang normal na espirituwal na buhay, mabubuhay ka sa dako ng kalayaan, na nangangahulugang mabubuhay ka sa ilalim ng pangangalaga at pag-iingat ng pag-ibig ng Diyos. Kung ikaw ay nabubuhay sa ilalim ng pangangalaga at proteksyon ng Diyos, saka ka lamang nagiging isang tao na hinirang ng Diyos.

4. Dapat silang makamit ng Diyos.

5. Dapat silang maging isang pagpapamalas ng kaluwalhatian ng Diyos sa lupa.

Ang limang puntong ito ay ang Aking mga atas para sa inyo. Ang Aking mga salita ay binibigkas sa bayan ng Diyos, at kung ikaw ay hindi nakahanda na tanggapin ang mga tagubilin na ito, hindi kita pipilitin—ngunit kung tunay mong tinatanggap ang mga iyon, masusundan mo ang kalooban ng Diyos. Sa kasalukuyan, sinisimulan ninyong tanggapin ang mga atas ng Diyos, at hinahangad na maging mga tao ng kaharian at maabot ang mga pamantayang kinakailangan upang maging mga tao ng kaharian. Ito ang unang hakbang ng pagpasok. Kung nais mong ganap na sumunod sa kalooban ng Diyos, dapat mong tanggapin ang limang atas na ito, at kung magagawa mong matamo ang mga ito, magiging naaayon ka sa mga layunin ng Diyos at tiyak na mahusay na mapapakinabangan ng Diyos. Ang pinakamahalaga ngayon ay ang pagpasok sa pagsasanay ng kaharian. Kasama sa pagpasok sa pagsasanay ng kaharian ang espirituwal na buhay. Dati, walang pag-uusap ukol sa espirituwal na buhay, ngunit sa kasalukuyan, habang sinisimulan mo ang pagpasok sa pagsasanay ng kaharian, opisyal kang pumapasok sa espirituwal na buhay.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Alamin ang Pinakabagong Gawain ng Diyos at Sumunod sa Kanyang mga Yapak

Araw-araw na mga Salita ng Diyos  Sipi 396

Anong uri ng buhay ang espirituwal na buhay? Ang espirituwal na buhay ay yaong kung saan ang iyong puso ay ganap nang bumaling sa Diyos, at nagagawang isaisip ang pag-ibig ng Diyos. Ito yaong kung saan ay nabubuhay ka sa mga salita ng Diyos, at walang iba pa ang sumasakop sa iyong puso, at nagagawa mong maarok ang mga kasalukuyang layunin ng Diyos, at ginagabayan ka ng kasalukuyang liwanag ng Banal na Espiritu upang gawin ang iyong tungkulin. Ang gayong buhay sa pagitan ng tao at ng Diyos ang espirituwal na buhay. Kung hindi mo nagagawang sundan ang kasalukuyang liwanag, isang pagitan ang nabuksan na sa iyong ugnayan sa Diyos—maaari pang naputol na ito—at wala kang isang normal na espirituwal na buhay. Ang isang normal na kaugnayan sa Diyos ay itinatag sa saligan ng pagtanggap sa mga kasalukuyang salita ng Diyos. Mayroon ka bang normal na espirituwal na buhay? Mayroon ka bang isang normal na kaugnayan sa Diyos? Ikaw ba ay isang taong sumusunod sa gawain ng Banal na Espiritu? Kung nagagawa mong sundan ang kasalukuyang liwanag ng Banal na Espiritu, at nakakayang maarok ang mga layunin ng Diyos na nakapaloob sa Kanyang mga salita, at magkaroon ng pagpasok sa mga salitang ito, ikaw ay isang taong sumusunod sa daloy ng Banal na Espiritu. Kung hindi mo sinusundan ang daloy ng Banal na Espiritu, walang pag-aalinlangan na ikaw ay isang taong hindi hinahangad ang katotohanan. Ang Banal na Espiritu ay walang pagkakataon na makagawa sa kalooban ng mga walang pagnanais na paunlarin ang kanilang mga sarili, at bilang resulta, hindi kailanman magagawa ng gayong mga tao na magkaroon ng lakas, at palagi silang negatibo. Sa kasalukuyan, sinusundan mo ba ang daloy ng Banal na Espiritu? Nasa daloy ka ba ng Banal na Espiritu? Lumabas ka na ba mula sa pagkanegatibo? Lahat niyaong naniniwala sa mga salita ng Diyos, na ginagamit ang gawain ng Diyos bilang saligan, at sinusundan ang kasalukuyang liwanag ng Banal na Espiritu—lahat sila ay nasa daloy ng Banal na Espiritu. Kung naniniwala ka na ang mga salita ng Diyos ay di-mapagkakailang tunay at tama, at kung naniniwala ka sa mga salita ng Diyos anuman ang Kanyang sabihin, ikaw ay isang taong naghahangad na makapasok sa gawain ng Diyos, at sa ganitong paraan ay matutugunan mo ang mga layunin ng Diyos.

Upang makapasok sa daloy ng Banal na Espiritu, dapat kang magkaroon ng isang normal na ugnayan sa Diyos, at dapat mo munang iwaksi ang iyong pagiging negatibo. Ang ilang tao ay palaging sumusunod sa karamihan, at ang kanilang mga puso ay nalilihis nang napakalayo mula sa Diyos; ang gayong mga tao ay walang pagnanais na paunlarin ang kanilang mga sarili, at ang mga pamantayan na kanilang hinahangad ay masyadong mababa. Ang pagsisikap lamang na ibigin ang Diyos at kamtin ng Diyos ang layunin ng Diyos. Mayroong mga tao na ginagamit lamang ang kanilang konsensya upang suklian ang pag-ibig ng Diyos, ngunit hindi nito maaaring matugunan ang mga layunin ng Diyos; habang lalong tumataas ang mga pamantayan na iyong hinahangad, lalo itong magiging naaayon sa mga layunin ng Diyos. Bilang isang normal na tao, at bilang isang taong naghahangad na mahalin ang Diyos, ang pagpasok sa kaharian at pagiging isa sa mga tao ng Diyos ang iyong tunay na hinaharap, at isang buhay na siyang pinakamahalaga at pinakamakabuluhan; walang sinuman ang higit na pinagpala kaysa sa iyo. Bakit Ko sinasabi ito? Sapagkat yaong mga hindi nananampalataya sa Diyos ay nabubuhay para sa laman, at sila ay nabubuhay para kay Satanas, ngunit sa kasalukuyan kayo ay nabubuhay para sa Diyos, at nabubuhay upang sumunod sa kalooban ng Diyos. Kaya sinasabi Ko na ang inyong mga buhay ang pinakamakabuluhan. Ang grupong ito lamang ng mga tao, na pinili ng Diyos, ang nakakapagsabuhay ng isang buhay na pinakamakabuluhan: Walang sino pa man sa lupa ang magagawang isabuhay ang isang buhay na may gayong halaga at kahulugan nang gaya sa buhay mo. Sapagkat kayo ay napili na ng Diyos at itinaas ng Diyos, at, higit pa rito, dahil sa pagmamahal ng Diyos, naaarok na ninyo ang tunay na buhay, at nalalaman kung paano mamuhay sa paraan na siyang pinakamahalaga. Hindi ito dahil sa naghahangad kayo nang mabuti, kundi dahil sa biyaya ng Diyos; ang Diyos ang nagmulat sa inyong mga espirituwal na mata, at ang Espiritu ng Diyos ang umantig sa inyong mga puso, binibigyan kayo ng magandang pagkakataon na lumapit sa harap Niya. Kung ang Espiritu ng Diyos ay hindi kayo niliwanagan, hindi kayo magkakaroon ng kakayahang makita kung ano ang kaibig-ibig tungkol sa Diyos, ni magiging posible para sa inyo na mahalin ang Diyos. Ganap na dahil naantig ng Espiritu ng Diyos ang puso ng mga tao kaya ang kanilang puso ay bumaling sa Diyos. May mga pagkakataon, kapag tinatamasa mo ang mga salita ng Diyos, ang iyong espiritu ay inaantig, at nadarama mo na hindi mo mapigilang ibigin ang Diyos, na mayroong matinding lakas sa kalooban mo, at na walang anumang bagay ang hindi mo maisasantabi. Kung ganito ang nadarama mo, ikaw ay naantig na ng Espiritu ng Diyos, at ang iyong puso ay nakabaling na nang ganap sa Diyos, at mananalangin ka sa Diyos at sasabihing: “O Diyos! Kami ay tunay na paunang itinadhana at pinili Mo. Ang Iyong kaluwalhatian ay nagbibigay sa akin ng karangalan, at nakaluluwalhati para sa akin na maging isa sa Iyong mga tao. Gugugulin ko ang anumang bagay at ibibigay ang anumang bagay upang sumunod sa Iyong kalooban, at ilalaan ko ang lahat ng aking mga taon, at ang habambuhay na pagsisikap, sa Iyo.” Kapag ikaw ay nananalangin sa ganitong paraan, magkakaroon ng walang-katapusang pag-ibig at tunay na pagpapasakop sa Diyos sa iyong puso. Nagkaroon ka na ba ng isang karanasang kagaya nito? Kung ang mga tao ay madalas antigin ng Espiritu ng Diyos, sila ay lalong nakahanda na ilaan ang kanilang mga sarili sa Diyos sa kanilang mga panalangin: “O Diyos! Nais kong makita ang Iyong araw ng kaluwalhatian, at nais kong mabuhay para sa Iyo—walang anuman ang higit na karapat-dapat o makahulugan kaysa sa mabuhay para sa Iyo, at wala akong taglay ni katiting na pagnanais na mabuhay para kay Satanas at sa laman. Itinataas Mo ako sa pamamagitan ng pagtutulot sa akin na mabuhay para sa Iyo sa kasalukuyan.” Kapag nanalangin ka na sa ganitong paraan, madarama mo na hindi mo mapigilang ibigay ang iyong puso sa Diyos, na dapat mong makamit ang Diyos, at kasusuklaman mong mamatay nang hindi nakakamit ang Diyos habang ikaw ay nabubuhay. Pagkasabi ng gayong panalangin, magkakaroon ng di-nauubos na lakas sa kalooban mo, at hindi mo malalaman kung saan ito nagmumula; sa iyong puso ay magkakaroon ng walang-hanggang kapangyarihan, at magkakaroon ng pakiramdam na ang Diyos ay labis na kaibig-ibig, at Siya ay nararapat ibigin. Ito ay kapag naantig ka na ng Diyos. Lahat niyaong nagkaroon na ng gayong karanasan ay naantig na ng Diyos. Para sa kanila na madalas antigin ng Diyos, ang mga pagbabago ay nangyayari sa kanilang mga buhay, nagagawa nilang gawin ang kanilang determinasyon at nakahandang ganap na kamtin ang Diyos, ang kanilang mapagmahal-sa-Diyos na puso ay higit na malakas, at ang kanilang mga puso ay ganap nang bumaling sa Diyos. Wala silang pagpapahalaga sa pamilya, sa mundo, sa mga gusot, o sa kanilang kinabukasan, at nakahanda silang maglaan ng habambuhay na pagsisikap sa Diyos. Lahat niyaong naantig na ng Espiritu ng Diyos ay mga taong naghahangad sa katotohanan, at mayroong taglay na pag-asa na gagawing perpekto ng Diyos.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Alamin ang Pinakabagong Gawain ng Diyos at Sumunod sa Kanyang mga Yapak

Araw-araw na mga Salita ng Diyos  Sipi 397

Ang pinakamahalaga sa pagsunod sa Diyos ay na dapat alinsunod ang lahat sa mga pinakabagong salita ng Diyos: Maging ikaw man ay naghahangad ng buhay pagpasok o na tugunan ang mga layunin ng Diyos, ang lahat ay dapat nakasentro sa mga pinakabagong salita ng Diyos. Kung ang iyong ibinabahagi at hinahangad na pasukin ay hindi nakasentro sa mga pinakabagong salita ng Diyos, isa kang estranghero sa mga salita ng Diyos, at ganap na walang gawain ng Banal na Espiritu. Ang gusto ng Diyos ay ang mga taong sumusunod sa Kanyang mga yapak. Gaano man kahanga-hanga at kadalisay ang naunawaan mo noon, hindi ito gusto ng Diyos, at kung hindi mo magagawang isantabi ang gayong mga bagay, ang mga ito ay magiging napakalaking hadlang sa iyong pagpasok sa hinaharap. Lahat niyaong nagagawang sumunod sa kasalukuyang liwanag ng Banal na Espiritu ay mga pinagpala. Sinundan din ng mga tao sa mga kapanahunang lumipas ang mga yapak ng Diyos, ngunit hindi sila nakasunod hanggang sa kasalukuyan; ito ang pagpapala ng mga tao sa mga huling araw. Yaong mga nagagawang sumunod sa kasalukuyang gawain ng Banal na Espiritu, at nagagawang sumunod sa mga yapak ng Diyos, na sumusunod sa Diyos saanman Niya sila akayin—ito ang mga tao na pinagpala ng Diyos. Yaong mga hindi sumusunod sa kasalukuyang gawain ng Banal na Espiritu ay hindi pa nakapasok sa gawain ng mga salita ng Diyos, at gaano man sila gumawa, o gaano man katindi ang kanilang pagdurusa, o gaano man sila magparoo’t parito, walang anuman dito ang may kabuluhan sa Diyos, at hindi Niya sila sasang-ayunan. Sa ngayon, lahat ng sumusunod sa pinakabagong mga salita ng Diyos ay nasa daloy ng Banal na Espiritu; yaong mga estranghero sa mga pinakabagong salita ng Diyos ay nasa labas ng daloy ng Banal na Espiritu, at ang gayong mga tao ay hindi sinasang-ayunan ng Diyos. Ang paglilingkod na hiwalay sa pinakabagong mga pagbigkas ng Banal na Espiritu ay paglilingkod na mula sa laman, at mula sa mga kuru-kuro, at imposible itong maging alinsunod sa mga layunin ng Diyos. Kung ang mga tao ay nabubuhay sa gitna ng mga relihiyosong kuru-kuro, wala silang magagawang anuman na ayon sa mga layunin ng Diyos, at bagama’t naglilingkod sila sa Diyos, naglilingkod sila sa kalagitnaan ng kanilang mga guni-guni at mga kuru-kuro, at ganap na walang kakayahan na maglingkod alinsunod sa mga layunin ng Diyos. Hindi nauunawaan niyaong mga hindi nagagawang sundan ang gawain ng Banal na Espiritu ang mga layunin ng Diyos, at yaong mga hindi nakauunawa sa mga layunin ng Diyos ay hindi maaaring maglingkod sa Diyos. Nais ng Diyos ang paglilingkod na naaayon sa Kanyang mga layunin; ayaw Niya sa paglilingkod na mula sa mga kuru-kuro at sa laman. Kung walang kakayahan ang mga tao na sundan ang mga hakbang ng gawain ng Banal na Espiritu, sila ay nabubuhay sa gitna ng mga kuru-kuro. Ang paglilingkod ng gayong mga tao ay nakakagambala at nakakagulo, at ang gayong paglilingkod ay sumasalungat sa Diyos. Kaya yaong mga hindi nagagawang sundan ang mga yapak ng Diyos ay walang kakayahan na maglingkod sa Diyos; yaong hindi magawang sundan ang mga yapak ng Diyos ay tiyak na tiyak na kinakalaban ang Diyos, at mga walang kakayahan na maging kaayon ng Diyos. Ang “pagsunod sa gawain ng Banal na Espiritu” ay nangangahulugan ng pagkaunawa sa mga kasalukuyang layunin ng Diyos, ang magawang kumilos alinsunod sa kasalukuyang mga hinihingi ng Diyos, ang magawang magpasakop at sundan ang Diyos sa kasalukuyan, at ang pagpasok alinsunod sa pinakabagong mga pagbigkas ng Diyos. Tanging ito ang isang tao na sumusunod sa gawain ng Banal na Espiritu at nasa daloy ng Banal na Espiritu. Ang gayong mga tao ay hindi lamang may kapabilidad na matanggap ang pagsang-ayon ng Diyos at makita ang Diyos, kundi malalaman din nila ang disposisyon ng Diyos mula sa pinakabagong gawain ng Diyos, at malalaman din ang mga kuru-kuro at pagrerebelde ng tao, at kalikasan at diwa ng tao, mula sa Kanyang pinakabagong gawain; bukod dito, nagagawa nilang unti-unting matamo ang mga pagbabago sa kanilang disposisyon sa panahon ng kanilang paglilingkod. Ang mga tao lamang na kagaya nito ang nagagawang kamtin ang Diyos, at tunay na nakasumpong na sa tunay na daan. Ang mga taong itinitiwalag ng gawain ng Banal na Espiritu ay mga tao na walang kakayahan na sundan ang pinakabagong gawain ng Diyos, at mga naghihimagsik laban sa pinakabagong gawain ng Diyos. Ang gayong mga tao ay hayagang kinakalaban ang Diyos sapagkat ang Diyos ay gumawa ng bagong gawain, at sapagkat ang imahe ng Diyos ay hindi kagaya ng nasa sa kanilang mga kuru-kuro—bilang resulta nito, hayagan nilang kinakalaban ang Diyos at hinuhusgahan ang Diyos, na humahantong na sila ay itaboy ng Diyos. Ang pagtataglay ng kaalaman tungkol sa pinakabagong gawain ng Diyos ay hindi madaling bagay, ngunit kung gusto ng mga tao na magpasakop sa gawain ng Diyos at hangarin ang gawain ng Diyos, magkakaroon sila ng pagkakataon na makita ang Diyos, at magkakaroon ng pagkakataon na kamtin ang pinakabagong paggabay ng Banal na Espiritu. Yaong mga sinasadyang kalabanin ang gawain ng Diyos ay hindi makakatanggap ng kaliwanagan ng Banal na Espiritu o ng paggabay ng Diyos. Kaya, kung matatanggap man o hindi ng mga tao ang pinakabagong gawain ng Diyos ay nakasalalay sa biyaya ng Diyos, nakasalalay ito sa kanilang paghahangad, at nakasalalay ito sa kanilang mga layunin.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Alamin ang Pinakabagong Gawain ng Diyos at Sumunod sa Kanyang mga Yapak

Araw-araw na mga Salita ng Diyos  Sipi 398

Lahat ng kayang magpasakop sa mga pinakabagong pagbigkas ng Banal na Espiritu ay mga pinagpala. Hindi mahalaga kung paano man sila dati, o kung paano gumawa ang Banal na Espiritu sa loob nila dati—yaong mga nagkamit na ng pinakabagong gawain ng Diyos ang mga pinakapinagpala, at yaong hindi nakasusunod sa pinakabagong gawain sa kasalukuyan ay itinitiwalag. Nais ng Diyos yaong kayang tanggapin ang bagong liwanag, at nais Niya yaong tumatanggap at nakakaalam sa Kanyang pinakabagong gawain. Bakit sinasabi na dapat kang maging isang malinis na birhen? Nagagawa ng isang malinis na birhen na hangarin ang gawain ng Banal na Espiritu at maunawaan ang mga bagong bagay, at higit pa rito, nagagawang isantabi ang mga dating kuru-kuro, at magpasakop sa gawain ng Diyos sa kasalukuyan. Ang grupong ito ng mga tao, na tumatanggap sa pinakabagong gawain sa kasalukuyan, ay mga paunang itinadhana ng Diyos bago pa ang mga kapanahunan, at ang mga pinakapinagpala sa lahat ng tao. Naririnig ninyo nang tuwiran ang tinig ng Diyos, at nakikita ang pagpapakita ng Diyos, at kaya, sa kabuuan ng langit at lupa, at sa kabuuan ng mga kapanahunan, walang sinuman ang naging mas pinagpala kaysa sa inyo, ang grupong ito ng mga tao. Ang lahat ng ito ay dahil sa gawain ng Diyos, dahil sa paunang pagtatadhana at pagpili ng Diyos, at dahil sa biyaya ng Diyos; kung hindi sinabi at binigkas ng Diyos ang Kanyang mga salita, maaari kayang ang inyong mga kalagayan ay magiging kagaya ng sa kasalukuyan? Kaya, lahat nawa ng kaluwalhatian at papuri ay mapasa-Diyos, sapagka’t ang lahat ng ito ay dahil itinataas kayo ng Diyos. Habang iniisip ang mga bagay na ito, makakapanatili ka pa rin bang negatibo? Hindi pa rin ba makauusbong ang iyong lakas?

Na kaya mong tanggapin ngayon ang paghatol, pagkastigo, paghampas, at pagpipino ng mga salita ng Diyos, at, higit pa rito, na kaya mong tanggapin ang mga atas ng Diyos, ay unang pagtatalaga ng Diyos bago pa ang mga kapanahunan, at kaya hindi ka dapat masyadong mabagabag kapag ikaw ay kinakastigo. Walang sinuman ang makaaagaw sa gawain na nagawa na sa inyo, at sa mga pagpapala na naipagkaloob na sa inyo, at walang sinuman ang makaaagaw sa lahat ng mga naibigay na sa inyo. Ang mga tao ng relihiyon ay hindi maihahambing sa inyo. Wala kayong masyadong kaalaman sa Bibliya, at hindi kayo nasasangkapan ng mga doktrina ng relihiyon, ngunit dahil ang Diyos ay gumawa na sa inyo, nagkamit na kayo ng higit sa kaninuman sa kabuuan ng mga kapanahunan—at kaya ito ang inyong pinakamalaking pagpapala. Dahil dito, lalo kayong dapat na maging dedikado sa Diyos, at lalo pang maging tapat sa Diyos. Alang-alang sa pagtataas ng Diyos, dapat mong pagtibayin ang iyong mga pagsisikap at dapat ihanda ang iyong tayog na tanggapin ang mga atas ng Diyos. Dapat kang manindigan sa saklaw na ibinigay sa iyo ng Diyos, hangarin ang pagiging isa sa mga tao ng Diyos, tanggapin ang pagsasanay ng kaharian, makamit ng Diyos at sa bandang huli ay maging isang maluwalhating patotoo sa Diyos. Taglay mo ba ang mga kapasyahang ito? Kung taglay mo ang gayong mga kapasyahan, sa huli ay tiyak kang makakamit ng Diyos, at magiging isa kang maluwalhating patotoo sa Diyos. Dapat mong maunawaan na ang pangunahing atas ay ang makamit ng Diyos at maging isang maluwalhating patotoo sa Diyos. Ito ang layunin ng Diyos.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Alamin ang Pinakabagong Gawain ng Diyos at Sumunod sa Kanyang mga Yapak

Araw-araw na mga Salita ng Diyos  Sipi 399

Ang mga pinakabagong salita ng Banal na Espiritu ay ang mga dinamika ng gawain ng Banal na Espiritu, at ang patuloy na kaliwanagan ng Banal na Espiritu sa tao sa panahong ito ay ang kalakaran ng gawain ng Banal na Espiritu. At ano ang kalakaran sa gawain ng Banal na Espiritu sa kasalukuyan? Ito ay ang pangunguna ng mga tao ng Diyos tungo sa pinakabagong gawain ng Diyos, at tungo sa isang normal na espirituwal na buhay. Mayroong ilang hakbang sa pagpasok sa isang normal na espirituwal na buhay:

1. Una, dapat mong ibuhos ang iyong puso sa mga salita ng Diyos. Hindi mo dapat hangarin ang mga salita ng Diyos sa nakaraan, at hindi dapat pag-aralan ang mga ito ni ihambing ang mga ito sa mga salita sa kasalukuyan. Sa halip, dapat mong ganap na ibuhos ang iyong puso sa mga pinakabagong salita ng Diyos. Kung mayroong mga tao na nagnanais pa ring basahin ang mga salita ng Diyos, mga espirituwal na aklat, o iba pang mga tala ng pangangaral mula sa nakaraan, at hindi sumusunod sa mga pinakabagong salita ng Banal na Espiritu, sila ang pinakahangal sa lahat ng tao; kinamumuhian ng Diyos ang gayong mga tao. Kung nakahanda kang tanggapin ang kasalukuyang liwanag ng Banal na Espiritu, ganap mong ibuhos ang iyong puso sa mga pinakabagong pagbigkas ng Diyos. Ito ang unang bagay na dapat mong maabot.

2. Dapat kang manalangin sa saligan ng mga pinakabagong salita na sinabi ng Diyos, pumasok sa mga salita ng Diyos at makipagbahaginan sa Diyos, at gawin ang iyong mga pasya sa harap ng Diyos, itinatatag kung anong mga pamantayan ang nais mong hangaring matupad.

3. Dapat mong hangarin ang malalim na pagpasok sa katotohanan sa saligan ng kasalukuyang gawain ng Banal na Espiritu. Huwag kang manangan sa lipas nang mga pagpapahayag at mga teorya mula sa nakaraan.

4. Dapat mong hangarin na maantig ng Banal na Espiritu, at magkaroon ng pagpasok sa mga salita ng Diyos.

5. Dapat mong hangarin ang pagpasok sa landas na kasalukuyang nilalakaran ng Banal na Espiritu.

At paano mo hinahangad na maantig ng Banal na Espiritu? Ang napakahalagang bagay ay ang mabuhay sa mga pinakabagong salita ng Diyos, at manalangin sa saligan ng mga hinihingi ng Diyos. Sa pananalangin sa ganitong paraan, tiyak na aantigin ka ng Banal na Espiritu. Kung hindi ka naghahanap batay sa saligan ng mga pinakabagong salita na sinabi ng Diyos, ito ay walang ibubunga. Dapat kang manalangin, at sabihin: “O Diyos! Ikaw ay aking kinakalaban, at malaki ang aking pagkakautang sa Iyo; masyado akong mapaghimagsik, at hindi kailanman nagagawang mapalugod Ka. O Diyos, hinihiling ko na iligtas Mo ako, nais kong magtrabaho para sa Iyo hanggang sa kahuli-hulihan, nais kong mamatay para sa Iyo. Hinahatulan Mo ako at kinakastigo ako, at wala akong mga reklamo; Ikaw ay aking kinakalaban at karapat-dapat akong mamatay, upang lahat ng tao ay maaaring makita ang Iyong matuwid na disposisyon sa aking kamatayan.” Kapag nananalangin ka mula sa kaibuturan ng iyong puso sa ganitong paraan, diringgin ka ng Diyos, at gagabayan ka; kung hindi ka nagdarasal sa saligan ng mga pinakabagong salita ng Banal na Espiritu, walang posibilidad na aantigin ka ng Banal na Espiritu. Kung ikaw ay mananalangin alinsunod sa mga layunin ng Diyos, at alinsunod sa kung anong gustong gawin ng Diyos sa kasalukuyan, sasabihin mo: “O Diyos! Nais kong tanggapin ang Iyong mga atas at maging deboto sa Iyong mga atas, at nakahanda akong ilaan ang aking buong buhay sa Iyong kaluwalhatian, upang ang lahat ng aking ginagawa ay makaaabot sa mga pamantayan ng mga tao ng Diyos. Nawa’y antigin Mo ang aking puso. Nais ko na liwanagan akong palagi ng Iyong Espiritu, upang ang lahat ng aking ginagawa ay magdulot ng kahihiyan kay Satanas, na sa bandang huli ako ay Iyong makamit.” Kung mananalangin ka sa ganitong paraan, sa paraang nakasentro sa mga layunin ng Diyos, walang-pagsalang gagawa sa iyo ang Banal na Espiritu. Hindi mahalaga kung gaano karami ang mga salita sa iyong mga panalangin—ang susi ay kung nauunawaan mo o hindi ang mga layunin ng Diyos. Maaaring nagkaroon na kayong lahat ng sumusunod na karanasan: Minsan, habang nananalangin sa isang pagpupulong, ang mga dinamika ng gawain ng Banal na Espiritu ay umaabot sa kanilang kasukdulan, na nagiging sanhi para umusbong ang lakas ng bawat isa. Ang ilang tao ay tumatangis at humahagulgol habang nananalangin, napuspos ng paggigiyagis sa harap ng Diyos, at ang ilang tao ay ipinakikita ang kanilang kapasyahan, at gumagawa ng mga panata. Ang gayon ay ang epekto na tatamuhin ng gawain ng Banal na Espiritu. Sa kasalukuyan, napakahalaga na ganap na ibuhos ng lahat ng tao ang kanilang mga puso sa mga salita ng Diyos. Huwag magtuon ng pansin sa mga salita na sinabi noon; kung pinanghahawakan mo pa rin ang kung ano ang dumating noong una, ang Banal na Espiritu ay hindi gagawa sa kalooban mo. Nakikita mo ba kung gaano kahalaga ito?

Nalalaman ba ninyo ang landas na kasalukuyang nilalakaran ng Banal na Espiritu? Ang ilang punto sa itaas ang tutuparin ng Banal na Espiritu sa kasalukuyan at sa hinaharap; ang mga ito ang landas na tinahak ng Banal na Espiritu, at ang pagpasok na kailangang hangarin ng tao. Sa iyong buhay pagpasok, dapat mong ibuhos man lang ang iyong puso sa mga salita ng Diyos, at magawang tanggapin ang paghatol at pagkastigo ng mga salita ng Diyos; ang iyong puso ay dapat manabik sa Diyos, dapat mong hangarin ang malalim na pagpasok sa katotohanan, at ang mga layunin na hinihingi ng Diyos. Kung tinataglay mo ang ganitong lakas, nagpapakita ito na ikaw ay naantig na ng Diyos, at ang iyong puso ay nagsimula nang bumaling sa Diyos.

Ang unang hakbang sa buhay pagpasok ay ang ibuhos mo nang ganap ang iyong puso sa mga salita ng Diyos, at ang ikalawang hakbang ay ang tanggapin na maantig ng Banal na Espiritu. Ano ang epekto na matatamo sa pagtanggap na maantig ng Banal na Espiritu? Ito ay ang magawang manabik, hangarin, at saliksikin ang isang mas malalim na katotohanan, at magawang makipagtulungan sa Diyos sa isang positibong paraan. Sa kasalukuyan, nakikipagtulungan ka sa Diyos, na ang ibig sabihin ay mayroong layunin sa iyong paghahangad, sa iyong mga panalangin, at sa iyong pakikipagbahaginan tungkol sa mga salita ng Diyos, at iyong ginagampanan ang iyong tungkulin alinsunod sa mga hinihingi ng Diyos—ito lamang ang pakikipagtulungan sa Diyos. Kung magsasalita ka lamang ukol sa pagtutulot na kumilos ang Diyos, ngunit hindi ka gumagawa ng anumang pagkilos, hindi nananalangin o naghahangad, maaari ba itong tawaging pakikipagtulungan? Kung wala kang taglay na anumang pakikipagtulungan sa iyo, at nawalan ka ng pagsasanay para sa pagpasok na mayroong layunin, hindi ka nakikipagtulungan. Sinasabi ng ilang tao: “Ang lahat ay nakasalalay sa pag-orden ng Diyos, lahat ng ito ay ginagawa ng Diyos Mismo; kung hindi ito ginawa ng Diyos, paano pa kaya ng tao?” Ang gawain ng Diyos ay normal, at wala ni katiting na higit sa karaniwan, at sa pamamagitan lamang ng iyong aktibong paghahangad kaya gumagawa ang Banal na Espiritu, sapagkat hindi pinipilit ng Diyos ang tao—dapat mong bigyan ang Diyos ng pagkakataon na gumawa, at kung hindi ka maghahangad o papasok, at kung wala ni katiting na kasabikan sa iyong puso, ang Diyos ay walang pagkakataon na gumawa. Sa anong landas ka makakapaghangad na maantig ng Diyos? Sa pamamagitan ng panalangin at paglapit sa Diyos. Ngunit ang pinakamahalaga, tandaan mo, ito ay dapat sa saligan ng mga salita na sinabi ng Diyos. Kapag ikaw ay madalas na antigin ng Diyos, hindi ka napipigilan ng laman: Asawa, mga anak, at salapi—walang kapabilidad ang lahat ng ito na limitahan ka, at nais mo lamang hangarin ang katotohanan at mabuhay sa harap ng Diyos. Sa panahong ito, ikaw ay magiging isang tao na nabubuhay sa dako ng kalayaan.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Alamin ang Pinakabagong Gawain ng Diyos at Sumunod sa Kanyang mga Yapak

Araw-araw na mga Salita ng Diyos  Sipi 400

Matibay na naipasya ng Diyos na gawing ganap ang tao, at anumang pananaw ang pinagbabatayan ng Kanyang sinasabi, lahat ito ay para magawang perpekto ang mga tao. Ang mga salitang sinambit mula sa pananaw ng Espiritu ay mahirap maunawaan ng mga tao; wala silang paraan para makita ang landas para makapagsagawa, sapagkat limitado ang kanilang kakayahang umunawa. Ang gawain ng Diyos ay nagkakamit ng iba’t ibang epekto, at sa pagsunod sa bawat hakbang ng gawain ay mayroon Siyang layunin. Bukod pa riyan, kailangang mangusap Siya mula sa iba’t ibang pananaw, sapagkat sa paggawa lamang nito Niya maaaring gawing perpekto ang tao. Kung nagsasalita lamang Siya mula sa pananaw ng Espiritu, walang paraan para makumpleto ang yugtong ito ng gawain ng Diyos. Mula sa tono ng Kanyang pananalita, makikita mo na determinado Siyang gawing ganap ang grupong ito ng mga tao. Kaya ano dapat ang unang hakbang para sa bawat isa sa mga naghahangad na magawang perpekto? Higit sa lahat, kailangan mong malaman ang gawain ng Diyos. Ngayon, nagsimula na ang isang bagong paraan sa gawain ng Diyos; nagbago na ang kapanahunan, nagbago na rin ang paraan ng paggawa ng Diyos, at iba na ang pamamaraan ng pagsasalita ng Diyos. Ngayon, hindi lamang nagbago ang paraan ng Kanyang gawain, kundi pati na ang kapanahunan. Ngayon ang Kapanahunan ng Kaharian. Ito rin ang kapanahunan ng pagmamahal sa Diyos. Isang patikim ito ng Kapanahunan ng Milenyong Kaharian—na siya ring Kapanahunan ng Salita, at kung saan gumagamit ang Diyos ng maraming kaparaanan ng pagsasalita upang gawing perpekto ang tao, at nagsasalita mula sa iba’t ibang pananaw upang tustusan ang tao. Sa pagpasok sa Kapanahunan ng Milenyong Kaharian, magsisimulang gumamit ang Diyos ng mga salita upang gawing perpekto ang tao, na tinutulutan ang tao na makapasok sa buhay realidad at inaakay siya patungo sa tamang landas. Dahil nakaranas ng napakaraming hakbang ng gawain ng Diyos, nakita na ng tao na ang gawain ng Diyos ay hindi nananatiling hindi nagbabago, kundi yumayabong at lumalalim nang walang tigil. Matapos itong maranasan ng mga tao nang napakatagal, patuloy na umiinog ang gawain, na paulit-ulit na nagbabago. Gayunman, gaano man ito nagbabago, hindi ito lumilihis kailanman mula sa layunin ng Diyos na maghatid ng kaligtasan sa sangkatauhan. Kahit magbago pa nang sampung libong beses, hindi ito lumilihis sa orihinal nitong layunin kailanman. Paano man maaaring magbago ang pamamaraan ng gawain ng Diyos, hindi kailanman lumalayo ang gawaing ito sa katotohanan o sa buhay. Ang kasama lamang sa mga pagbabago sa pamamaraan ng paggawa ng gawain ay isang pagbabago lamang sa ayos ng gawain, at sa pananaw na pinagbabatayan ng pagsasalita ng Diyos; walang pagbabago sa pinakabuod na layunin ng gawain ng Diyos. Ginagawa ang mga pagbabago sa tono ng tinig ng Diyos at sa pamamaraan ng Kanyang gawain upang may makamit na epekto. Ang isang pagbabago sa tono ng tinig ay hindi nangangahulugan ng pagbabago sa layunin o prinsipyo sa likod ng gawain. Ang pangunahing dahilan ng pananalig ng mga tao sa Diyos ay upang hangarin ang buhay; kung nananalig ka sa Diyos subalit hindi ka naghahangad ng buhay o naghahanap ng katotohanan o ng kaalaman tungkol sa Diyos, hindi ito pananalig sa Diyos! At makatotohanan bang hangarin pa ring makapasok sa kaharian upang maging hari? Ang pagkakamit ng tunay na pagmamahal para sa Diyos sa pamamagitan ng paghahangad ng buhay—ito lamang ang realidad; ang hangaring matamo at isagawa ang katotohanan—lahat ng ito ay realidad. Sa pagbasa sa mga salita ng Diyos, at pagdanas ng mga salitang ito, maiintindihan mo ang kaalaman tungkol sa Diyos sa gitna ng tunay na karanasan, at ito ang kahulugan ng tunay na maghangad.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Kapanahunan ng Kaharian ay ang Kapanahunan ng Salita

Araw-araw na mga Salita ng Diyos  Sipi 401

Ngayon ang Kapanahunan ng Kaharian. Nakapasok ka man sa bagong kapanahunang ito ay depende sa kung nakapasok ka sa realidad ng mga salita ng Diyos, kung naging buhay realidad mo ang Kanyang mga salita. Ang mga salita ng Diyos ay ipinapaalam sa bawat tao upang, sa huli, lahat ng tao ay mabuhay sa mundo ng mga salita ng Diyos, at liliwanagan at tatanglawan ng Kanyang mga salita ang kalooban ng bawat tao. Kung, sa panahong ito, hindi ka maingat sa pagbasa sa mga salita ng Diyos, at wala kang interes sa Kanyang mga salita, nagpapakita ito na mali ang iyong kalagayan. Kung hindi ka makapasok sa Kapanahunan ng Salita, hindi gumagawa sa iyo ang Banal na Espiritu; kung nakapasok ka sa kapanahunang ito, gagawin Niya ang Kanyang gawain. Ano ang magagawa mo sa pagsisimula ng Kapanahunan ng Salita upang matamo ang gawain ng Banal na Espiritu? Sa kapanahunang ito, at sa gitna ninyo, isasakatuparan ng Diyos ang sumusunod na katunayan: na bawat tao ay isasabuhay ang mga salita ng Diyos, maisasagawa ang katotohanan, at taimtim na mamahalin ang Diyos; na gagamitin ng lahat ng tao ang mga salita ng Diyos bilang pundasyon at bilang kanilang realidad, at magkakaroon ng may-takot-sa-Diyos na puso; at na, sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga salita ng Diyos, gagamit ang tao ng pangharing kapangyarihan kasama ang Diyos. Ito ang gawaing isasakatuparan ng Diyos. Makakaya mo bang magpatuloy nang hindi binabasa ang mga salita ng Diyos? Ngayon, pakiramdam ng marami ay hindi nila kayang magpatuloy nang kahit isa o dalawang araw lamang nang hindi binabasa ang Kanyang mga salita. Kailangan nilang basahin ang Kanyang mga salita araw-araw, at kung hindi tutulutan ng panahon, sasapat nang makinig sila sa mga ito. Ito ang pakiramdam na ibinibigay ng Banal na Espiritu sa mga tao, at ito ang paraan na sinisimulan Niya silang antigin. Ibig sabihin, pinamamahalaan Niya ang mga tao sa pamamagitan ng mga salita, nang sa gayon ay makapasok sila sa realidad ng mga salita ng Diyos. Kung, pagkaraan ng kahit isang araw lamang na hindi kumakain at umiinom ng mga salita ng Diyos, makadarama ka ng kadiliman at pagkauhaw, at hindi mo ito matatagalan, ipinakikita nito na naantig ka na ng Banal na Espiritu, at na hindi ka pa Niya tinatalikuran. Ikaw, kung gayon, ay isang tao na nasa daloy na ito. Gayunman, kung pagkaraan ng isa o dalawang araw nang hindi kumakain at umiinom ng mga salita ng Diyos, wala kang anumang nadarama, kung hindi ka nauuhaw, at ni hindi ka man lamang naaantig, nagpapakita ito na tinalikuran ka na ng Banal na Espiritu. Nangangahulugan ito, kung gayon, na may hindi tama sa kalagayang nasa iyong kalooban; hindi ka pa nakapasok sa Kapanahunan ng Salita, at isa ka sa mga yaong naiwan. Gumagamit ang Diyos ng mga salita upang pamahalaan ang mga tao; maganda ang iyong pakiramdam kung kumakain at umiinom ka ng mga salita ng Diyos, at kung hindi, wala kang landas na susundan. Ang mga salita ng Diyos ay nagiging pagkain ng mga tao, at ang puwersang nagtutulak sa kanila. Sinasabi sa Bibliya na “Hindi sa tinapay lamang mabubuhay ang tao, kundi sa bawat salitang lumalabas sa bibig ng Diyos” (Mateo 4:4). Ngayon, tatapusin ng Diyos ang gawaing ito, at isasakatuparan Niya ang katotohanang ito sa inyo. Paano nakakatagal ang mga tao nang maraming araw, noong araw, nang hindi nagbabasa ng mga salita ng Diyos subalit nakakakain at nakakagawa pa rin tulad ng dati, ngunit hindi ganito ang nangyayari ngayon? Sa kapanahunang ito, mga salita ang pangunahing ginagamit ng Diyos upang pamahalaan ang lahat. Sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos, hinahatulan at ginagawang perpekto ang tao, pagkatapos ay dinadala sa kaharian sa huli. Tanging ang mga salita ng Diyos ang makapagtutustos sa buhay ng tao, at mga salita lamang ng Diyos ang makakapagbigay sa tao ng liwanag at isang landas para magsagawa, lalo na sa Kapanahunan ng Kaharian. Basta’t hindi ka lumalayo mula sa realidad ng mga salita ng Diyos, at kumakain at umiinom ka ng Kanyang mga salita araw-araw, magagawa kang perpekto ng Diyos.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Kapanahunan ng Kaharian ay ang Kapanahunan ng Salita

Araw-araw na mga Salita ng Diyos  Sipi 402

Ang paghahangad na mabuhay ay hindi isang bagay na maaaring madaliin; ang paglago sa buhay ay hindi nangyayari sa loob lamang ng isa o dalawang araw. Ang gawain ng Diyos ay normal at praktikal, at may isang proseso itong kailangang pagdaanan. Kinailangan ni Jesus na nagkatawang-tao ng tatlumpu’t tatlo’t kalahating taon upang makumpleto ang Kanyang gawaing maipako sa krus—kaya paano naging napakahirap na gawin itong pagdadalisay sa tao at pagbabago ng kanyang buhay? Hindi madaling gumawa ng isang normal na tao na ipinapamalas ang Diyos. Totoo ito lalo na para sa mga taong isinisilang sa bansa ng malaking pulang dragon, na mahina ang kakayahan at nangangailangan ng matagal na panahon ng mga salita at gawain ng Diyos. Kaya huwag kang mainip na makakita ng mga resulta. Kailangan kang maging maagap sa pagkain at pag-inom ng mga salita ng Diyos, at higit na magsikap sa mga salita ng Diyos. Kapag natapos mong basahin ang Kanyang mga salita, kailangan mong tunay na maisagawa ang mga iyon, lumago sa kaalaman, kabatiran, paghiwatig, at karunungan sa mga salita ng Diyos. Sa pamamagitan nito, magbabago ka nang hindi mo namamalayan. Kung nagagawa mong tanggapin bilang prinsipyo mo ang pagkain at pag-inom ng mga salita ng Diyos, pagbasa sa mga ito, pag-alam sa mga ito, maranasan ito, at pagsasagawa ng mga ito, lalago ka nang hindi mo namamalayan. May mga nagsasabi na hindi nila naisasagawa ang mga salita ng Diyos kahit matapos nila itong basahin. Bakit ka nagmamadali? Kapag naabot mo ang isang tiyak na tayog, magagawa mong isagawa ang Kanyang mga salita. Masasabi ba ng isang apat o limang-taong-gulang na bata na hindi nila magawang suportahan o bigyang-dangal ang kanilang mga magulang? Dapat mong malaman kung gaano kataas ang iyong kasalukuyang tayog. Isagawa kung ano ang kaya mong isagawa, at iwasang maging isang tao na gumagambala sa pamamahala ng Diyos. Kainin at inumin lamang ang mga salita ng Diyos, at tanggapin iyon bilang iyong prinsipyo mula ngayon. Huwag kang mag-alala, sa ngayon, kung magagawa kang ganap ng Diyos. Huwag mo munang tuklasin iyon. Kumain at uminom lamang ng mga salita ng Diyos habang dumarating sa iyo ang mga iyon, at titiyakin ng Diyos na magawa kang ganap. Gayunman, may isang prinsipyong kailangan mong sundin sa pagkain at pag-inom ng Kanyang mga salita. Huwag mo itong gawin nang pikit-mata. Sa pagkain at pag-inom ng mga salita ng Diyos, sa isang dako, hanapin ang mga salitang dapat mong malaman—ibig sabihin, yaong may kaugnayan sa mga pangitain—at sa kabilang dako, hangaring malaman yaong dapat mong aktwal na isagawa—ibig sabihin, kung ano ang dapat mong pasukin. Ang isang aspeto ay may kinalaman sa kaalaman, at ang isa pa ay sa pagpasok. Kapag naintindihan mo iyang pareho—kapag naintindihan mo kung ano ang dapat mong malaman at kung ano ang dapat mong isagawa—malalaman mo kung paano kainin at inumin ang mga salita ng Diyos.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Kapanahunan ng Kaharian ay ang Kapanahunan ng Salita

Araw-araw na mga Salita ng Diyos  Sipi 403

Sa hinaharap, ang pag-uusap tungkol sa mga salita ng Diyos ang dapat na prinsipyo mo sa iyong pagsasalita. Karaniwan, kapag nagsasama-sama kayo, dapat kayong magbahaginan tungkol sa mga salita ng Diyos, na ginagamit ang mga salita ng Diyos bilang nilalaman ng inyong mga pagbabahaginan, na pinag-uusapan kung ano ang alam ninyo tungkol sa mga salitang ito, kung paano ninyo isinasagawa ang mga ito, at kung paano gumagawa ang Banal na Espiritu. Basta’t nagbabahagi ka ng mga salita ng Diyos, paliliwanagin ka ng Banal na Espiritu. Ang pagkakamit ng mundo ng mga salita ng Diyos ay nangangailangan ng pakikipagtulungan ng tao. Kung hindi mo ito papasukin, walang paraan ang Diyos upang gumawa; kung ititikom mo ang iyong bibig at hindi ka magbabahagi tungkol sa Kanyang mga salita, wala Siyang paraan upang tanglawan ka. Tuwing hindi ka naman abala, magbahagi ka tungkol sa mga salita ng Diyos, at huwag basta makisali sa walang-kabuluhang pagdadaldalan! Hayaan mong mapuspos ng mga salita ng Diyos ang buhay mo—saka ka lamang magiging isang debotong mananampalataya. Hindi mahalaga kung mababaw ang iyong pagbabahagi. Kung walang kababawan, hindi magkakaroon ng kalaliman. Kailangan ay may isang proseso. Sa pamamagitan ng iyong pagsasanay, maaarok mo ang pagtanglaw ng Banal na Espiritu sa iyo, at kung paano mas epektibong kainin at inumin ang mga salita ng Diyos. Pagkaraan ng ilang panahon ng pagtuklas, papasok ka sa realidad ng mga salita ng Diyos. Tanging kapag matibay kang nagpasyang makipagtulungan, saka mo lamang matatanggap ang gawain ng Banal na Espiritu.

Sa mga prinsipyo ng pagkain at pag-inom ng mga salita ng Diyos, ang isa ay may kaugnayan sa kaalaman, at ang isa pa ay sa pagpasok. Aling mga salita ang dapat mong malaman? Dapat mong malaman ang mga salitang may kaugnayan sa mga pangitain (tulad ng, yaong mga may kaugnayan sa kung aling kapanahunan ang napasok na ngayon ng gawain ng Diyos, ano ang nais makamit ng Diyos ngayon, ano ang pagkakatawang-tao, at iba pa; lahat ng ito ay may kaugnayan sa mga pangitain). Ano ang ibig sabihin ng landas na dapat pasukin ng tao? Tumutukoy ito sa mga salita ng Diyos na dapat isagawa at pasukin ng tao. Nasa itaas ang dalawang aspeto ng pagkain at pag-inom ng mga salita ng Diyos. Mula ngayon, kainin at inumin ang mga salita ng Diyos sa ganitong paraan. Kung mayroon kang malinaw na pagkaunawa sa Kanyang mga salita tungkol sa mga pangitain, hindi na kailangang patuloy na magbasa sa lahat ng oras. Napakahalagang kumain at uminom ng iba pang mga salita tungkol sa pagpasok, tulad ng paano ibaling ang puso mo sa Diyos, paano patahimikin ang puso mo sa harap ng Diyos, at paano maghihimagsik laban sa laman. Ito ang mga bagay na dapat mong isagawa. Kung hindi mo alam kung paano kainin at inumin ang mga salita ng Diyos, imposible ang tunay na pagbabahagi. Kapag alam mo na kung paano kumain at uminom ng Kanyang mga salita, kapag naintindihan mo na kung ano ang mahalaga, magiging malaya ang pagbabahagi, at anumang isyu ang dumating, magagawa mong ibahagi at maintindihan ang realidad. Kung, kapag nagbabahagi ng mga salita ng Diyos, wala kang realidad, hindi mo pa naiintindihan kung ano ang mahalaga, na nagpapakita na hindi mo alam kung paano kumain at uminom ng mga salita ng Diyos. Maaaring nakakapagod para sa ilan ang pagbabasa ng mga salita ng Diyos, na hindi isang normal na kalagayan. Ang normal ay hindi mapagod kailanman sa pagbasa sa mga salita ng Diyos, palaging mauhaw para sa mga ito, at palaging iniisip na mabuti ang mga salita ng Diyos. Ganito kumain at uminom ng mga salita ng Diyos ang isang taong tunay na nakapasok. Kapag nadarama mo na ang mga salita ng Diyos ay masyadong praktikal at siya mismong dapat pasukin ng tao; kapag nadarama mo na napakalaking tulong at kapaki-pakinabang sa tao ang Kanyang mga salita, at na ang mga ito ang panustos sa buhay ng tao—ang Banal na Espiritu ang nagbibigay sa iyo ng damdaming ito, at ang Banal na Espiritu ang umaantig sa iyo. Pinatutunayan nito na ang Banal na Espiritu ay gumagawa sa iyo at na hindi ka pa tinalikuran ng Diyos. Ang ilang tao, na nakikita na ang Diyos ay laging nagsasalita, ay nagsasawa sa Kanyang mga salita, at iniisip na walang kahihinatnan kung basahin man nila ang mga ito o hindi—na hindi isang normal na kalagayan. Wala silang pusong nauuhaw na makapasok sa realidad, at ang gayong mga tao ay hindi nauuhaw ni nagpapahalaga na magawa silang perpekto. Tuwing nasusumpungan mo na hindi ka uhaw sa mga salita ng Diyos, nagpapakita ito na hindi normal ang iyong kalagayan. Noong araw, malalaman kung tumalikod na ang Diyos sa iyo kung payapa ang iyong kalooban at nakaranas ka ng kasiyahan o hindi. Ngayon ang mahalaga ay kung uhaw ka sa mga salita ng Diyos, kung ang Kanyang mga salita ay iyong realidad, kung ikaw ay tapat, at kung nagagawa mo ang lahat ng makakaya mo para sa Diyos. Sa madaling salita, hinahatulan ang tao sa pamamagitan ng realidad ng mga salita ng Diyos. Itinutuon ng Diyos ang Kanyang mga salita sa buong sangkatauhan. Kung handa kang basahin ang mga ito, liliwanagan ka Niya, ngunit kung hindi, hindi Niya gagawin iyon. Nililiwanagan ng Diyos ang mga nagugutom at uhaw sa katuwiran, at nililiwanagan Niya ang mga naghahanap sa Kanya. Sinasabi ng ilan na hindi sila niliwanagan ng Diyos kahit matapos nilang basahin ang Kanyang mga salita. Ngunit sa paanong paraan mo binasa ang mga salitang ito? Kung binasa mo ang Kanyang mga salita sa paraang tinitingnan ng isang taong nakakabayo ang mga bulaklak, at hindi pinahalagahan ang realidad, paano ka maliliwanagan ng Diyos? Paano Niya magagawang perpekto ang isang taong hindi nagpapahalaga sa mga salita ng Diyos? Kung hindi mo pinahahalagahan ang mga salita ng Diyos, hindi mapapasaiyo ang katotohanan ni ang realidad. Kung pinahahalagahan mo ang Kanyang mga salita, maisasagawa mo ang katotohanan, at saka lamang mapapasaiyo ang realidad. Kaya nga kailangan mong kainin at inumin ang mga salita ng Diyos sa lahat ng oras, abala ka man o hindi, masama man ang iyong sitwasyon o hindi, at sinusubukan ka man o hindi. Sa kabuuan, ang mga salita ng Diyos ang pundasyon ng pag-iral ng tao. Walang sinumang maaaring tumalikod sa Kanyang mga salita, kundi kailangang kumain ng Kanyang mga salita tulad ng pagkain nang tatlong beses sa isang araw. Ganoon ba kadaling magawang perpekto at maangkin ng Diyos? Nauunawaan mo man o hindi sa ngayon, at mayroon ka mang kabatiran sa gawain ng Diyos o wala, kailangan mong kumain at uminom ng mga salita ng Diyos hangga’t maaari. Ito ang pagpasok sa isang maagap na paraan. Matapos basahin ang mga salita ng Diyos, magmadaling isagawa kung ano ang kaya mong pasukin, at pansamantalang isantabi kung ano ang hindi mo kayang pasukin. Maaaring marami sa mga salita ng Diyos ang hindi mo maunawaan sa simula, ngunit pagkaraan ng dalawa o tatlong buwan, marahil ay kahit isang taon, mauunawaan mo ito. Paano mangyayari ito? Ito ay dahil hindi magagawang perpekto ng Diyos ang mga tao sa loob ng isa o dalawang araw. Madalas, kapag binasa mo ang Kanyang mga salita, maaaring hindi mo ito maunawaan kaagad. Sa sandaling iyon, maaaring tila mga salita lamang ang mga iyon; kailangan mong maranasan ang mga iyon nang ilang panahon bago mo maunawaan ang mga iyon. Dahil napakarami nang nasabi ng Diyos, dapat mong gawin ang lahat upang kainin at inumin ang Kanyang mga salita, at pagkatapos, hindi mo namamalayan, mauunawaan mo ang mga ito, at hindi mo namamalayan, liliwanagan ka ng Banal na Espiritu. Kapag nililiwanagan ng Banal na Espiritu ang tao, madalas ay lingid ito sa kaalaman ng tao. Nililiwanagan at ginagabayan ka Niya kapag ikaw ay nauuhaw at naghahanap. Ang prinsipyo kung paano gumagawa ang Banal na Espiritu ay nakasentro sa mga salita ng Diyos na iyong kinakain at iniinom. Lahat ng hindi nagpapahalaga sa mga salita ng Diyos at palaging iba ang saloobin tungkol sa Kanyang mga salita—na naniniwala, sa kanilang magulong pag-iisip, na walang halaga kung binabasa nila ang Kanyang mga salita o hindi—ay yaong mga walang realidad. Hindi makikita ang gawain ng Banal na Espiritu ni ang kaliwanagang hatid Niya sa gayong tao. Ang mga taong katulad nito ay nagpapadala lamang sa agos, mga mapagpanggap na walang totoong mga kakayahan, tulad ni Mr. Nanguo sa talinghaga.[a]

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Kapanahunan ng Kaharian ay ang Kapanahunan ng Salita

Talababa:

a. Wala sa orihinal na teksto ang pariralang “sa talinghaga.”


Araw-araw na mga Salita ng Diyos  Sipi 404

Kapag lumalabas ang mga salita ng Diyos, dapat mong tanggapin kaagad ang mga ito, at kainin at inumin ang mga ito. Gaano man karami ang nauunawaan mo, ang isang pananaw na kailangan mong paniwalaan nang husto ay ang pagkain at pag-inom, pag-alam, at pagsasagawa ng Kanyang mga salita. Ito ay isang bagay na dapat mong magawa. Huwag mo nang isipin kung gaano kataas ang iyong magiging tayog; magtuon ka lamang sa pagkain at pag-inom ng Kanyang mga salita. Dito dapat makipagtulungan ang tao. Ang iyong espirituwal na buhay higit sa lahat ay sikaping pumasok sa realidad ng pagkain at pag-inom ng mga salita ng Diyos at pagsasagawa ng mga iyon. Huwag mong pagtuunan ang anupamang ibang bagay. Dapat magabayan ng mga lider ng iglesia ang lahat ng kanilang kapatid para alam nila kung paano kumain at uminom ng mga salita ng Diyos. Ito ang responsibilidad ng bawat isang lider ng iglesia. Bata man sila o matanda, lahat ay dapat ituring ang pagkain at pag-inom ng mga salita ng Diyos na napakahalaga at dapat isapuso ang Kanyang mga salita. Ang pagpasok tungo sa realidad na ito ay nangangahulugan ng pagpasok sa Kapanahunan ng Kaharian. Ngayon, pakiramdam ng karamihan ng mga tao ay hindi sila mabubuhay nang hindi kumakain at umiinom ng mga salita ng Diyos, at pakiramdam nila ay sariwa ang Kanyang mga salita anumang oras. Ang ibig sabihin nito ay na nagsisimula silang tumahak sa tamang landas. Gumagamit ang Diyos ng mga salita upang gawin ang Kanyang gawain at tustusan ang tao. Kapag nasasabik at nauuhaw ang lahat para sa mga salita ng Diyos, papasok ang sangkatauhan sa mundo ng Kanyang mga salita.

Napakarami nang nasabi ng Diyos. Gaano karami ang nalaman mo? Gaano karami ang napasok mo? Kung hindi nagabayan ng isang lider ng iglesia ang kanilang mga kapatid tungo sa realidad ng mga salita ng Diyos, nagpabaya sila sa kanilang tungkulin, at nabigong tuparin ang kanilang mga responsibilidad! Malalim man o mababaw ang iyong pang-unawa, anuman ang antas ng iyong pagka-arok, kailangan mong malaman kung paano kumain at uminom ng Kanyang mga salita, kailangan mong pakinggan nang husto ang Kanyang mga salita, at unawain ang kahalagahan at pangangailangan ng pagkain at pag-inom ng mga iyon. Dahil napakarami nang nasabi ng Diyos, kung hindi mo kinakain at iniinom ang Kanyang mga salita, o sinisikap na matamo, o isagawa ang Kanyang mga salita, hindi ito matatawag na paniniwala sa Diyos. Dahil naniniwala ka sa Diyos, kailangan mong kainin at inumin ang Kanyang mga salita, danasin ang Kanyang mga salita, at isabuhay ang Kanyang mga salita. Ito lamang ang matatawag na paniniwala sa Diyos! Kung naniniwala ka sa Diyos sa salita subalit hindi mo naisasagawa ang anuman sa Kanyang mga salita o nakakagawa ng anumang realidad, hindi ito tinatawag na pananampalataya sa Diyos. Sa halip, ito ay “paghahangad na makinabang hangga’t nais.” Ang pagsasalita lamang ng mga walang-kuwentang patotoo, walang-silbing mga bagay, at mababaw na mga bagay, nang wala ni katiting na realidad: hindi bumubuo ang mga ito ng paniniwala sa Diyos, at talagang hindi mo naarok ang tamang paraan ng paniniwala sa Diyos. Bakit mo kailangang kainin at inumin ang mga salita ng Diyos hangga’t maaari? Kung hindi ka kumakain at umiinom ng Kanyang mga salita kundi naghahangad ka lamang na makaakyat sa langit, paniniwala ba iyon sa Diyos? Ano ang unang hakbang na dapat gawin ng isang naniniwala sa Diyos? Sa anong landas ginagawang perpekto ng Diyos ang tao? Maaari ka bang magawang perpekto nang hindi ka kumakain at umiinom ng mga salita ng Diyos? Maituturing ka bang isang tao ng kaharian kung hindi nagsisilbing iyong realidad ang mga salita ng Diyos? Ano ba talaga ang ibig sabihin ng paniniwala sa Diyos? Ang mga nananampalataya sa Diyos ay dapat man lamang kumilos nang maayos sa labas; ang pinakamahalaga sa lahat ay ang mag-angkin ng mga salita ng Diyos. Anuman ang mangyari, hindi ka maaaring tumalikod kailanman mula sa Kanyang mga salita. Ang pagkilala sa Diyos at pagtugon sa Kanyang mga layunin ay nakakamit na lahat sa pamamagitan ng Kanyang mga salita. Sa hinaharap, bawat bansa, denominasyon, relihiyon, at sektor ay malulupig sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos. Magsasalita nang tuwiran ang Diyos, at lahat ng tao ay hahawakan ang mga salita ng Diyos sa kanilang mga kamay, at sa pamamagitan nito, magagawang perpekto ang sangkatauhan. Sa loob at sa labas, ang mga salita ng Diyos ay lumalaganap saanman: Sasambitin ng bibig ng sangkatauhan ang mga salita ng Diyos, magsasagawa alinsunod sa mga salita ng Diyos, at iingatan sa kalooban ang mga salita ng Diyos, na nananatiling babad sa mga salita ng Diyos kapwa sa loob at sa labas. Sa ganito magagawang perpekto ang sangkatauhan. Yaong mga tumutugon sa mga layunin ng Diyos at nagagawang magpatotoo sa Kanya, ito ang mga taong nagtataglay ng mga salita ng Diyos bilang kanilang realidad.

Ang pagpasok sa Kapanahunan ng Salita—ang Kapanahunan ng Milenyong Kaharian—ang gawaing isinasakatuparan ngayon. Mula ngayon, magsanay ng pagbabahagi tungkol sa mga salita ng Diyos. Tanging sa pagkain at pag-inom gayundin sa pagdanas ng mga salita ng Diyos mo maaaring isabuhay ang mga salita ng Diyos. Kailangan mong magkaroon ng ilang praktikal na karanasan upang makumbinsi ang iba. Kung hindi mo maisasabuhay ang realidad ng mga salita ng Diyos, walang mahihimok! Lahat ng kinakasangkapan ng Diyos ay maaaring isabuhay ang realidad ng mga salita ng Diyos. Kung hindi ka makalilikha ng realidad na ito at makakapagpatotoo sa Diyos, nagpapakita ito na hindi nakagawa sa iyo ang Banal na Espiritu, at na hindi ka pa nagawang perpekto. Ito ang kahalagahan ng mga salita ng Diyos. Mayroon ka bang pusong uhaw sa mga salita ng Diyos? Yaong mga uhaw sa mga salita ng Diyos ay uhaw sa katotohanan, at ang gayong mga tao lamang ang pinagpapala ng Diyos. Sa hinaharap, marami pang salitang sasabihin ang Diyos sa lahat ng relihiyon at lahat ng denominasyon. Nagsasalita muna Siya at bumibigkas ng Kanyang tinig sa inyo upang gawin kayong ganap bago magpatuloy sa pagsasalita at pagbigkas ng Kanyang tinig sa mga Hentil upang lupigin sila. Sa pamamagitan ng Kanyang mga salita, lahat ay taos-puso at lubos na makukumbinsi. Sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos at sa Kanyang mga paghahayag, nababawasan ang tiwaling disposisyon ng tao, nagtatamo siya ng anyo ng isang tao, at nababawasan ang kanyang masuwaying disposisyon. Ang mga salita ay gumagawa sa taong may awtoridad at nilulupig ang tao sa loob ng liwanag ng Diyos. Ang gawaing ginagawa ng Diyos sa kasalukuyang kapanahunan, gayundin ang mga oras ng pagpapasya tungkol sa Kanyang gawain, ay matatagpuang lahat sa loob ng Kanyang mga salita. Kung hindi mo babasahin ang Kanyang mga salita, wala kang mauunawaan. Sa pamamagitan ng iyong sariling pagkain at pag-inom ng Kanyang mga salita, at pakikibahagi sa iyong mga kapatid at sa iyong aktwal na mga karanasan, matatamo mo ang buong kaalaman ng mga salita ng Diyos. Saka mo lamang magagawang tunay na maisabuhay ang realidad ng mga ito.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Kapanahunan ng Kaharian ay ang Kapanahunan ng Salita

Araw-araw na mga Salita ng Diyos  Sipi 405

Dati Ko nang nasabi na “Aabandonahin ang lahat na nakatuon sa pagmamasid ng mga tanda at mga kababalaghan; hindi sila yaong mga magagawang perpekto.” Nakapagwika Ako ng napakaraming salita, ngunit ang tao ay wala ni bahagyang kaalaman sa gawaing ito, at, pagkaraang makarating sa puntong ito, humihingi pa rin ang tao ng mga tanda at mga kababalaghan. Ang paniniwala mo ba sa Diyos ay paghahabol lamang sa mga tanda at mga kababalaghan, o ito ba ay upang makapagtamo ng buhay? Nagwika rin si Jesus ng maraming salita, at hindi pa natutupad ngayon ang ilan sa mga ito. Masasabi mo bang si Jesus ay hindi Diyos? Nagpatotoo ang Diyos na Siya ay si Cristo at ang minamahal na Anak ng Diyos. Maitatatwa mo ba ito? Ngayon, bumibigkas lamang ang Diyos ng mga salita, at kung hindi mo ito lubos na nalalaman, kung gayon ay hindi ka makapaninindigan. Naniniwala ka ba sa Kanya dahil Siya ay Diyos, o naniniwala ka ba sa Kanya batay sa kung natutupad o hindi ang Kanyang mga salita? Naniniwala ka ba sa mga tanda at mga kababalaghan, o naniniwala ka ba sa Diyos? Ngayon, hindi Siya nagpapakita ng mga tanda at mga kababalaghan—tunay ba Siyang Diyos? Kung hindi natutupad ang mga salita na Kanyang winiwika, Siya ba ay tunay na Diyos? Natutukoy ba ang diwa ng Diyos sa kung natutupad o hindi ang winiwika Niyang mga salita? Bakit ba may ilang tao na laging naghihintay sa katuparan ng mga salita ng Diyos bago sila maniwala sa Kanya? Nangangahulugan ba ito na hindi nila Siya kilala? Mga taong nagtatatwa sa Diyos ang lahat ng nag-aangkin ng ganoong mga kuru-kuro. Ginagamit nila ang mga kuru-kuro upang sukatin ang Diyos; kung natutupad ang mga salita ng Diyos, naniniwala sila sa Diyos, at kung hindi, hindi sila naniniwala sa Kanya; at lagi nilang tinutugis ang mga tanda at mga kababalaghan. Hindi ba’t ang mga taong ito ang mga Pariseo ng mga makabagong panahon? Nakatitindig ka man nang matatag o hindi ay batay sa kung nakikilala mo o hindi ang praktikal na Diyos—napakahalaga nito! Mas malaki ang realidad ng salita ng Diyos sa iyo, mas malaki ang iyong kaalaman sa pagiging praktikal ng Diyos, at mas nakakaya mong magpakatibay sa panahon ng mga pagsubok. Mas nakatuon kang makakita ng mga tanda at mga kababalaghan, mas hindi mo nakakayang tumindig nang matatag, at babagsak ka sa gitna ng mga pagsubok. Hindi ang mga tanda at mga kababalaghan ang pundasyon; tanging ang pagiging praktikal ng Diyos ang buhay. May ilang tao na hindi alam ang mga epekto na makakamit ng gawain ng Diyos. Ginugugol nila ang kanilang mga araw sa kalituhan, hindi hinahangad ang kaalaman sa gawain ng Diyos. Ang layunin ng kanilang paghahangad ay lagi lamang ipatupad sa Diyos ang kanilang mga pagnanais, at saka lamang sila magiging seryoso sa kanilang pananampalataya. Sinasabi nila na kanilang hahangarin ang buhay kung natutupad ang mga salita ng Diyos, ngunit kung hindi natutupad ang mga salita Niya, kung gayon ay walang posibilidad na kanilang hahangarin ang buhay. Iniisip ng tao na ang pananampalataya sa Diyos ay ang paghahangad sa pagkakita ng mga tanda at mga kababalaghan at ang paghahangad sa pag-akyat sa langit at sa ikatlong langit. Walang sinuman sa kanila ang nagsasabi na ang kanilang pananampalataya sa Diyos ay ang paghahangad sa pagpasok sa realidad, ang paghahangad sa buhay, at ang paghahangad na makamit ng Diyos. Anong kahalagahan mayroon ang paghahangad na tulad nito? Yaong mga hindi naghahangad ng pagkakilala sa Diyos at sa kaluguran ng Diyos ay yaong mga hindi nananampalataya sa Diyos; sila ang mga lumalapastangan sa Diyos!

Ngayon nauunawaan ba ninyo kung ano ang paniniwala sa Diyos? Nangangahulugan ba ang paniniwala sa Diyos ng pagkakita ng mga tanda at mga kababalaghan? Nangangahulugan ba ito ng pag-akyat sa langit? Hindi madali kahit bahagya ang paniniwala sa Diyos. Dapat maalis ang gayong mga relihiyosong pagsasagawa ng paghahabol sa paglunas sa mga maysakit at pagpapatalsik sa mga demonyo, ang pagtutuon sa mga tanda at kababalaghan, pag-iimbot sa higit pang biyaya, kapayapaan at kagalakan ng Diyos, paghahangad sa kinabukasan at mga kaginhawahan ng laman—pawang relihiyosong gawi ang mga ito, at malabong uri ng paniniwala ang mga ganoong relihiyosong gawi. Ano ang tunay na paniniwala sa Diyos ngayon? Ito ay ang pagtanggap sa salita ng Diyos bilang buhay realidad mo at ang pagkilala sa Diyos mula sa Kanyang salita upang makamit ang tunay na pagmamahal sa Kanya. Upang maging malinaw: Ang paniniwala sa Diyos ay upang magpasakop ka sa Diyos, mahalin ang Diyos, at tuparin ang tungkulin na dapat isakatuparan ng isang nilikha ng Diyos. Ito ang layunin ng paniniwala sa Diyos. Dapat mong kamtin ang isang pagkakilala sa pagiging kaibig-ibig ng Diyos, sa kung gaano karapat-dapat ang Diyos sa paggalang, sa kung paano, sa Kanyang mga nilikha, ginagawa ng Diyos ang gawain ng pagliligtas at ginagawa silang perpekto—ito ang mga pangunahing kinakailangan ng iyong pananampalataya sa Diyos. Ang paniniwala sa Diyos sa pangunahin ay ang paglipat mula sa isang pamumuhay ng laman tungo sa isang buhay ng pagmamahal sa Diyos; mula sa pamumuhay na nakapaloob sa katiwalian tungo sa pamumuhay na nakapaloob sa buhay ng mga salita ng Diyos; ito ay paglabas mula sa ilalim ng kapangyarihan ni Satanas at pamumuhay sa ilalim ng pangangalaga at pag-iingat ng Diyos, ito ay ang nakakayanang makamit ang pagpapasakop sa Diyos at hindi ang pagpapasakop sa laman, ito ay pagpapahintulot sa Diyos na makamit ang iyong buong puso, pagpapahintulot sa Diyos na gawin kang perpekto, at pagpapalaya sa iyong sarili mula sa tiwaling satanikong disposisyon. Pangunahin ang paniniwala sa Diyos upang ang dakilang kapangyarihan at kaluwalhatian ng Diyos ay mangyaring maipamalas sa iyo, nang sa gayon maaari kang makasunod sa kalooban ng Diyos, at tuparin ang plano ng Diyos, at magawang patotohanan ang Diyos sa harap ni Satanas. Ang paniniwala sa Diyos ay hindi dapat umikot sa pagnanais na makita ang mga tanda at mga kababalaghan, o hindi ito dapat alang-alang sa iyong personal na laman. Tungkol ito dapat sa paghahangad sa pagkilala sa Diyos, at kakayahang magpasakop sa Diyos, at, tulad ni Pedro, na nagpasakop sa Kanya hanggang kamatayan. Ito ang mga pangunahing layunin ng paniniwala sa Diyos. Ang pagkain at pag-inom ng salita ng Diyos ay upang makilala ang Diyos at upang ikalugod Niya. Ang pagkain at pag-inom ng salita ng Diyos ay nagbibigay sa iyo ng higit na pagkakilala sa Diyos, at pagkaraan lamang nito makakapagpasakop ka sa Diyos. Tanging kung may pagkakilala ka sa Diyos na magagawa mong ibigin Siya, at ito ang layuning dapat taglayin ng tao sa kanyang paniniwala sa Diyos. Kung, sa iyong paniniwala sa Diyos, palagi mong sinusubukang makita ang mga tanda at mga kababalaghan, mali kung gayon ang pananaw ng ganitong paniniwala sa Diyos. Ang paniniwala sa Diyos ay pangunahing pagtanggap sa mga salita ng Diyos bilang buhay realidad. Makakamit lamang ang layunin ng Diyos sa pagsasagawa ng mga salita ng Diyos mula sa Kanyang bibig at pagsasakatuparan ng mga iyon sa loob mo. Sa pananampalataya sa Diyos, dapat hangarin ng tao na magawang perpekto ng Diyos, ang magawang magpasakop sa Diyos, at makamit ang ganap na pagpapasakop sa Diyos. Kung makakapagpasakop sa Diyos nang hindi dumaraing, isasaalang-alang ang mga layunin ng Diyos, kamtin ang tayog ni Pedro, at taglayin ang estilo ni Pedro na sinabi ng Diyos, kung gayon, iyon ang magiging hudyat na natamo mo ang tagumpay sa pananampalataya sa Diyos, at ito ang magpapahiwatig na nakamit ka na ng Diyos.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Lahat ay Nakakamit sa Pamamagitan ng Salita ng Diyos

Sinundan: Pagpasok sa Buhay

Sumunod: Pagpasok sa Buhay II

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos  Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IX) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito