Ang Pagkakatawang-tao
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 99
Ang “pagkakatawang-tao” ay ang pagpapakita ng Diyos sa katawang-tao; gumagawa ang Diyos sa gitna ng nilikhang sangkatauhan sa larawan ng katawang-tao. Kaya para magkatawang-tao ang Diyos, kailangan muna Siyang magkaroon ng katawang-tao, katawang-taong may normal na pagkatao; ito ang pinakapangunahing kinakailangan. Sa katunayan, ang implikasyon ng pagkakatawang-tao ng Diyos ay na ang Diyos ay buhay at gumagawa sa katawang-tao, na ang Diyos sa Kanyang pinakadiwa ay nagkatawang-tao, naging isang tao. Ang Kanyang buhay at gawain sa katawang-tao ay maaaring hatiin sa dalawang yugto. Una ay ang buhay na Kanyang ipinamumuhay bago gampanan ang Kanyang ministeryo. Naninirahan Siya sa piling ng isang ordinaryong pamilya ng tao, sa lubos na normal na pagkatao, sumusunod sa normal na mga moralidad at batas ng buhay ng tao, na may normal na mga pangangailangan ng normal na tao (pagkain, damit, tulog, tirahan), normal na mga kahinaan ng tao, at normal na mga damdamin ng tao. Sa madaling salita, sa unang yugtong ito ay nabubuhay Siya sa pagkataong walang pagka-Diyos at lubos na normal, nakikisali sa lahat ng normal na aktibidad ng tao. Ang pangalawang yugto ay ang buhay na Kanyang ipinamumuhay matapos Niyang simulang gampanan ang Kanyang ministeryo. Nananahan pa rin Siya sa ordinaryong pagkatao na may isang normal na katawan ng tao, na hindi nagpapakita ng panlabas na tanda ng pagiging higit-sa-karaniwan. Subalit namumuhay Siya nang dalisay para lamang sa kapakanan ng Kanyang ministeryo, at sa panahong ito ay ganap na umiiral ang Kanyang normal na pagkatao upang suportahan ang normal na gawain ng Kanyang pagka-Diyos, sapagkat sa panahong iyon ay gumulang na ang Kanyang normal na pagkatao hanggang sa punto na kaya na Niyang gampanan ang Kanyang ministeryo. Kaya, ang ikalawang yugto ng Kanyang buhay ay upang gampanan ang Kanyang ministeryo sa Kanyang normal na pagkatao, kapag ito ay isang buhay kapwa ng normal na pagkatao at ng ganap na pagka-Diyos. Sa unang yugto ng Kanyang buhay, kaya Siya namumuhay sa ganap na ordinaryong pagkatao ay dahil ang Kanyang pagkatao ay hindi pa kayang panatilihin ang kabuuan ng banal na gawain, hindi pa gumugulang; matapos gumulang ang Kanyang pagkatao, saka lamang Siya nagkaroon ng kakayahang balikatin ang Kanyang ministeryo, nakayanan Niyang magsimulang gampanan ang ministeryong dapat Niyang isagawa. Dahil kailangan Niya, bilang katawang-tao, na lumaki at gumulang, ang unang yugto ng Kanyang buhay ay yaong sa normal na pagkatao—samantalang sa pangalawang yugto, dahil kaya ng Kanyang pagkatao na isagawa ang Kanyang gawain at gampanan ang Kanyang ministeryo, ang buhay ng Diyos na nagkatawang-tao sa panahon ng Kanyang ministeryo ay parehong sa pagkatao at sa ganap na pagka-Diyos. Kung, mula sa sandali ng Kanyang pagsilang, masigasig na sinimulan ng Diyos na nagkatawang-tao ang Kanyang ministeryo, na nagsasagawa ng higit-sa-karaniwang mga tanda at himala, hindi sana Siya nagkaroon ng pisikal na diwa. Samakatuwid, umiiral ang Kanyang pagkatao para sa kapakanan ng Kanyang pisikal na diwa; hindi maaaring magkaroon ng katawang-tao nang walang pagkatao, at ang isang taong walang pagkatao ay hindi isang tao. Sa ganitong paraan, ang pagkatao ng laman ng Diyos ay isang tunay na pagmamay-ari ng nagkatawang-taong laman ng Diyos. Ang sabihing “kapag naging tao ang Diyos lubos Siyang banal, at hindi talaga tao,” ay kalapastanganan, sapagkat wala talagang ganitong pahayag, at lumalabag ito sa prinsipyo ng pagkakatawang-tao. Kahit matapos Niyang simulang gampanan ang Kanyang ministeryo, namumuhay pa rin Siya sa Kanyang pagka-Diyos na may katawan ng tao kapag ginagawa Niya ang Kanyang gawain; kaya lamang, sa panahong iyon, ang Kanyang pagkatao ay para lamang sa layuning tulutan ang Kanyang pagka-Diyos na gampanan ang gawain sa normal na katawang-tao. Kaya ang kumakatawan sa gawain ay ang pagka-Diyos na nananahan sa Kanyang pagkatao. Ang Kanyang pagka-Diyos, hindi ang Kanyang pagkatao, ang gumagawa, subalit ang pagka-Diyos na ito ay nakatago sa loob ng Kanyang pagkatao; sa totoo lang, ang Kanyang gawain ay ginagawa ng Kanyang ganap na pagka-Diyos, hindi ng Kanyang pagkatao. Ngunit ang nagsasagawa ng gawain ay ang Kanyang katawang-tao. Masasabi ng isang tao na Siya ay isang tao at isa ring Diyos, sapagkat ang Diyos ay nagiging isang Diyos na namumuhay sa katawang-tao, may katawan ng tao at diwa ng tao ngunit mayroon ding diwa ng Diyos. Dahil Siya ay isang tao na may diwa ng Diyos, nangingibabaw Siya sa lahat ng taong nilikha, nangingibabaw sa sinumang taong makakagawa ng gawain ng Diyos. Kaya nga, sa lahat ng may katawan ng taong kagaya ng sa Kanya, sa lahat ng nagtataglay ng pagkatao, Siya lamang ang Diyos Mismo na nagkatawang-tao—lahat ng iba pa ay mga taong nilikha. Bagama’t lahat sila ay may pagkatao, walang ibang taglay ang mga tao maliban sa pagkatao, samantalang ang Diyos na nagkatawang-tao ay naiiba: Sa Kanyang katawang-tao hindi lamang Siya may pagkatao kundi, ang mas mahalaga, mayroon Siyang pagka-Diyos. Ang Kanyang pagkatao ay makikita sa panlabas na anyo ng Kanyang katawan at sa Kanyang pang-araw-araw na buhay, ngunit ang Kanyang pagka-Diyos ay mahirap mahiwatigan. Dahil naipapahayag lamang ang Kanyang pagka-Diyos kapag Siya ay may pagkatao, at hindi higit-sa-karaniwan na tulad ng iniisip ng mga tao, napakahirap para sa mga tao na makita ito. Kahit ngayon, hirap na hirap ang mga tao na arukin ang totoong diwa ng Diyos na nagkatawang-tao. Kahit matapos Akong magsalita nang napakahaba tungkol dito, inaasahan Ko na isa pa rin itong hiwaga sa karamihan sa inyo. Sa katunayan, napakasimple ng isyung ito: Dahil naging tao ang Diyos, ang Kanyang diwa ay isang kumbinasyon ng pagkatao at ng pagka-Diyos. Ang kumbinasyong ito ay tinatawag na Diyos Mismo, Diyos Mismo sa lupa.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Diwa ng Katawang-taong Tinatahanan ng Diyos
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 100
Ang buhay na ipinamuhay ni Jesus sa lupa ay isang normal na buhay ng katawang-tao. Namuhay Siya sa normal na pagkatao ng Kanyang katawang-tao. Ang Kanyang awtoridad—na gawin ang Kanyang gawain at sambitin ang Kanyang salita, o pagalingin ang maysakit at palayasin ang mga demonyo, gawin ang gayong di-pangkaraniwang mga bagay—ay hindi nakita, kadalasan, hanggang sa simulan Niya ang Kanyang ministeryo. Ang Kanyang buhay bago mag-edad dalawampu’t siyam, bago Niya isinagawa ang Kanyang ministeryo, ay sapat nang patunay na isa lamang Siyang normal na katawang may laman. Dahil dito, at dahil hindi pa Niya nasimulang isagawa ang Kanyang ministeryo, walang nakita ang mga tao na anumang pagka-Diyos sa Kanya, wala silang nakitang higit pa sa isang normal na tao, isang ordinaryong tao—tulad noon, naniwala ang ilang tao na Siya ang anak ni Jose. Ang akala ng mga tao ay anak Siya ng isang ordinaryong tao, wala silang paraan para masabi na Siya ang Diyos na nagkatawang-tao; habang isinasagawa Niya ang Kanyang ministeryo, kahit noong Siya ay magsagawa ng maraming himala, sinabi pa rin ng karamihan sa mga tao na Siya ang anak ni Jose, sapagkat Siya ang Cristo na may katawan ng normal na pagkatao. Ang Kanyang normal na pagkatao at ang Kanyang gawain ay kapwa umiral upang matupad ang kabuluhan ng unang pagkakatawang-tao, upang patunayan na ang Diyos ay ganap na naging tao, na Siya ay naging lubos na ordinaryong tao. Ang Kanyang normal na pagkatao bago Niya sinimulan ang Kanyang gawain ay patunay na Siya ay isang ordinaryong katawang-tao; at na Siya ay gumawa pagkatapos nito ay nagpatunay rin na Siya ay isang ordinaryong katawang-tao, sapagkat nagsagawa Siya ng mga tanda at himala, nagpagaling ng maysakit at nagpalayas ng mga demonyo sa katawang may normal na pagkatao. Kaya Siya nakakagawa ng mga himala ay dahil ang Kanyang katawang-tao ay may awtoridad ng Diyos, ang katawang-taong ibinihis ng Espiritu ng Diyos. Taglay Niya ang awtoridad na ito dahil sa Espiritu ng Diyos, at hindi ito nangangahulugan na Siya ay hindi isang tao. Ang pagpapagaling sa maysakit at pagpapalayas ng mga demonyo ang gawaing kinailangan Niyang isagawa sa Kanyang ministeryo, isang pagpapahayag ito ng Kanyang pagka-Diyos na nakatago sa Kanyang pagkatao, at ano mang mga tanda ang Kanyang ipinakita o paano man Niya ipinamalas ang Kanyang awtoridad, namuhay pa rin Siya sa normal na pagkatao at isa pa ring normal na tao. Hanggang sa dumating sa punto na Siya ay nabuhay na mag-uli matapos mamatay sa krus, nanahan Siya sa loob ng normal na katawan. Ang pagkakaloob ng biyaya, pagpapagaling ng maysakit, at pagpapalayas ng mga demonyo ay bahaging lahat ng Kanyang ministeryo, lahat ay gawaing Kanyang isinagawa sa Kanyang normal na katawan. Bago Siya ipinako sa krus, hindi Siya kailanman umalis sa Kanyang normal na katawan ng tao, anuman ang Kanyang ginagawa. Siya ang Diyos Mismo, ginagawa ang sariling gawain ng Diyos, subalit dahil Siya ang nagkatawang-taong laman ng Diyos, Siya ay kumain ng pagkain at nagsuot ng damit, nagkaroon ng normal na mga pangangailangan ng tao, nagkaroon ng normal na pangangatwiran ng tao, at normal na pag-iisip ng tao. Lahat ng ito ay patunay na Siya ay isang normal na tao, na nagpatunay na ang nagkatawang-taong laman ng Diyos ay isang laman na may normal na pagkatao, hindi higit-sa-karaniwan. Ang Kanyang tungkulin ay kumpletuhin ang gawain ng unang pagkakatawang-tao ng Diyos, tuparin ang ministeryong dapat isagawa sa unang pagkakatawang-tao. Ang kabuluhan ng pagkakatawang-tao ay na isinasagawa ng isang ordinaryo at normal na tao ang gawain ng Diyos Mismo; ibig sabihin, isinasagawa ng Diyos na iyon ang Kanyang banal na gawain sa pagkatao at sa gayon ay nagagapi si Satanas. Ang pagkakatawang-tao ay nangangahulugan na ang Espiritu ng Diyos ay nagiging isang tao, ibig sabihin, ang Diyos ay nagiging tao; ang gawaing ginagawa ng tao ay ang gawain ng Espiritu, na nagiging totoo sa katawang-tao, ipinapahayag ng tao. Walang sinuman maliban sa laman ng Diyos ang makakatupad sa ministeryo ng nagkatawang-taong laman ng Diyos; ibig sabihin, tanging ang nagkatawang-taong laman ng Diyos, ang normal na pagkataong ito—at wala nang iba—ang maaaring magpahayag ng banal na gawain. Kung, noong una Siyang pumarito, hindi nagtaglay ang Diyos ng normal na pagkatao bago Siya nag-edad dalawampu’t siyam—kung noong Siya ay isilang ay agad Siyang nakagawa ng mga himala, kung noong Siya ay matutong magsalita ay agad Siyang nakapagsalita ng wika ng langit, kung noong una Siyang tumapak sa lupa ay nakaya Niyang hulihin ang lahat ng makamundong bagay, mahiwatigan ang mga iniisip at layunin ng bawat tao—hindi maaaring natawag ang taong iyon na isang normal na tao, at hindi maaaring natawag ang katawang iyon na katawan ng tao. Kung nangyari ito kay Cristo, mawawalan ng kahulugan at diwa ang pagkakatawang-tao ng Diyos. Ang pagtataglay Niya ng normal na pagkatao ay nagpapatunay na Siya ang Diyos na nagkatawang-tao sa laman; ang katotohanan na sumailalim Siya sa normal na proseso ng paglaki ng tao ay lalo pang nagpapamalas na Siya ay isang normal na tao; bukod pa riyan, ang Kanyang gawain ay sapat nang patunay na Siya ang Salita ng Diyos, ang Espiritu ng Diyos, na naging tao. Ang Diyos ay naging tao dahil sa mga pangangailangan ng Kanyang gawain; sa madaling salita, ang yugtong ito ng gawain ay kailangang isagawa sa katawang-tao, kailangan itong isagawa sa normal na pagkatao. Ito ang unang kailangan para sa “ang Salita ay naging tao,” para sa “ang Salita ay nagpapakita sa katawang-tao,” at ito ang tunay na kuwento sa likod ng dalawang pagkakatawang-tao ng Diyos. Maaaring maniwala ang mga tao na buong buhay na nagsagawa si Jesus ng mga himala, na wala Siyang ipinakitang tanda ng pagkatao hanggang sa matapos ang Kanyang gawain sa lupa, na wala Siyang normal na mga pangangailangan ng tao o mga kahinaan o emosyon ng tao, hindi nangailangan ng mga pangunahing pangangailangan sa buhay o nagpasok sa Kanyang isipan ng normal na mga kaisipan ng tao. Iniisip nila na mayroon lamang Siyang higit-sa-karaniwang isipan, isang nangingibabaw na pagkatao. Naniniwala sila na dahil Siya ang Diyos, hindi Siya dapat mag-isip at mamuhay na tulad ng ginagawa ng normal na mga tao, na tanging isang normal na tao, isang tunay na tao, ang makakapag-isip ng normal na mga kaisipan ng tao at makakapamuhay ng isang normal na buhay ng tao. Lahat ng ito ay mga ideya ng tao at mga kuru-kuro ng tao, at ang mga kuru-kuro na ito ay salungat sa orihinal na mga layunin ng gawain ng Diyos. Ang normal na pag-iisip ng tao ay sumusuporta sa normal na pangangatwiran ng tao at normal na pagkatao; ang normal na pagkatao ay sumusuporta sa normal na mga tungkulin ng katawang-tao; at ang normal na mga tungkulin ng katawang-tao ay nagpapagana sa normal na buhay ng katawang-tao sa kabuuan nito. Tanging sa pamamagitan ng paggawa sa gayong katawang-tao maaaring matupad ng Diyos ang layunin ng Kanyang pagkakatawang-tao. Kung ang Diyos na nagkatawang-tao ay nagtaglay lamang ng panlabas na katawan ng laman, ngunit hindi nag-isip ng normal na mga kaisipan ng tao, ang katawang-taong ito ay hindi magtataglay ng pangangatwiran ng tao, lalo pa ng tunay na pagkatao. Paano matutupad ng isang katawang-taong tulad nito, na walang pagkatao, ang ministeryong dapat isagawa ng Diyos na nagkatawang-tao? Ang normal na pag-iisip ay sumusuporta sa lahat ng aspeto ng buhay ng tao; kung walang normal na pag-iisip, hindi magiging tao ang isang tao. Sa madaling salita, ang isang taong hindi nag-iisip ng normal na mga kaisipan ay may sakit sa pag-iisip, at ang isang Cristo na walang pagkatao kundi pagka-Diyos lamang ay hindi masasabing nagkatawang-taong laman ng Diyos. Kaya, paano mawawalan ng normal na pagkatao ang nagkatawang-taong laman ng Diyos? Hindi ba kalapastanganang sabihin na si Cristo ay walang pagkatao? Lahat ng aktibidad na sinasalihan ng normal na mga tao ay umaasa sa takbo ng isang normal na pag-iisip ng tao. Kung wala ito, magiging lihis kung kumilos ang mga tao; ni hindi nila masasabi ang pagkakaiba sa pagitan ng itim at puti, mabuti at masama; at hindi sila magkakaroon ng mabubuting asal ng tao at mga prinsipyong moral. Gayundin, kung hindi nag-isip ang Diyos na nagkatawang-tao na gaya ng isang normal na tao, hindi Siya isang tunay na tao, isang normal na tao. Ang gayong tao na hindi nag-iisip ay hindi makakayang gawin ang banal na gawain. Hindi Niya magagawang normal na makisali sa mga aktibidad ng normal na tao, lalo pa ang mamuhay na kasama ng mga tao sa lupa. Kaya nga, ang kabuluhan ng pagkakatawang-tao ng Diyos, ang pinakadiwa ng pagparito ng Diyos sa katawang-tao, ay mawawala. Umiiral ang pagkatao ng Diyos na nagkatawang-tao para mapanatili ang normal na banal na gawain sa katawang-tao; ang Kanyang normal na pag-iisip ng tao ay sumusuporta sa Kanyang normal na pagkatao at sa lahat ng Kanyang normal na pisikal na aktibidad. Masasabi ng isang tao na ang Kanyang normal na pag-iisip ng tao ay umiiral upang suportahan ang lahat ng gawain ng Diyos sa katawang-tao. Kung ang katawang-taong ito ay hindi nagtaglay ng isang normal na pag-iisip ng tao, hindi maaaring gumawa ang Diyos sa katawang-tao, at hindi maaaring isakatuparan kailanman ang kailangan Niyang gawin sa katawang-tao. Bagama’t ang Diyos na nagkatawang-tao ay nagtataglay ng normal na pag-iisip ng tao, ang Kanyang gawain ay hindi nahahaluan ng kaisipan ng tao; ginagawa Niya ang gawain sa pagkataong may normal na pag-iisip, sa ilalim ng kundisyon na magtaglay ng pagkataong may pag-iisip, hindi sa pamamagitan ng pagsasagawa ng normal na kaisipan ng tao. Gaano man katayog ang mga kaisipan ng Kanyang katawang-tao, ang Kanyang gawain ay hindi nababahiran ng lohika o pag-iisip. Sa madaling salita, ang Kanyang gawain ay hindi binubuo ng pag-iisip ng Kanyang katawang-tao, kundi isang direktang pagpapahayag ng banal na gawain sa Kanyang pagkatao. Ang Kanyang buong gawain ay ang ministeryong kailangan Niyang tuparin, at walang anuman dito ang inisip ng Kanyang utak. Halimbawa, pagpapagaling ng maysakit, pagpapalayas ng mga demonyo, at pagpapako sa krus ay hindi mga produkto ng Kanyang pag-iisip bilang tao, at hindi maaaring makamtan ng sinumang tao na may pag-iisip ng tao. Gayundin, ang gawain ng panlulupig ngayon ay isang ministeryong kailangang isagawa ng Diyos na nagkatawang-tao, ngunit hindi ito ang gawain ng kagustuhan ng tao, ito ang gawaing dapat gawin ng Kanyang pagka-Diyos, gawaing hindi kayang gawin ng sinumang taong may laman. Kaya ang Diyos na nagkatawang-tao ay kailangang magtaglay ng isang normal na pag-iisip ng tao, kailangang magtaglay ng normal na pagkatao, dahil kailangan Niyang isagawa ang Kanyang gawain sa pagkataong may normal na pag-iisip. Ito ang diwa ng gawain ng Diyos na nagkatawang-tao, ang pinakadiwa ng Diyos na nagkatawang-tao.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Diwa ng Katawang-taong Tinatahanan ng Diyos
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 101
Bago isinagawa ni Jesus ang gawain, namuhay lamang Siya sa Kanyang normal na pagkatao. Walang sinumang makapagsabi na Siya ang Diyos, walang sinumang nakaalam na Siya ang Diyos na nagkatawang-tao; kilala lamang Siya ng mga tao bilang isang ganap na ordinaryong tao. Ang Kanyang lubos na ordinaryo at normal na pagkatao ay patunay na ang Diyos ay nagkatawang-tao sa laman, at na ang Kapanahunan ng Biyaya ang kapanahunan ng gawain ng Diyos na nagkatawang-tao, hindi ang kapanahunan ng gawain ng Espiritu. Patunay ito na ang Espiritu ng Diyos ay ganap na nagkatotoo sa katawang-tao, na sa kapanahunan ng pagkakatawang-tao ng Diyos ay isasagawa ng Kanyang katawang-tao ang lahat ng gawain ng Espiritu. Ang Cristong may normal na pagkatao ay isang katawang-tao kung saan naging totoo ang Espiritu, at nagtataglay ng normal na pagkatao, normal na diwa, at pag-iisip ng tao. Ang “maging totoo” ay nangangahulugan na ang Diyos ay nagiging tao, ang Espiritu ay nagiging tao; para mas malinaw, ito ay kapag nanahan ang Diyos Mismo sa isang katawang may normal na pagkatao, at sa pamamagitan nito ay ipinapahayag Niya ang Kanyang banal na gawain—ito ang ibig sabihin ng maging totoo, o magkatawang-tao. Sa una Niyang pagkakatawang-tao, kinailangan ng Diyos na magpagaling ng maysakit at magpalayas ng mga demonyo, dahil ang Kanyang gawain ay tumubos. Upang matubos ang buong lahi ng tao, kinailangan Niyang maging mahabagin at mapagpatawad. Ang gawaing Kanyang ginawa bago Siya ipinako sa krus ay ang magpagaling ng maysakit at magpalayas ng mga demonyo, na nagbadya ng Kanyang pagliligtas sa tao mula sa kasalanan at karumihan. Dahil ito ang Kapanahunan ng Biyaya, kinailangan Niyang pagalingin ang maysakit, sa gayon ay nagpapakita Siya ng mga tanda at himala, na kumatawan sa biyaya noong panahong iyon—sapagkat ang Kapanahunan ng Biyaya ay nakasentro sa pagkakaloob ng biyaya, na isinasagisag ng kapayapaan, kagalakan, at materyal na mga biyaya, lahat ay palatandaan ng pananampalataya ng mga tao kay Jesus. Ibig sabihin, ang pagpapagaling ng maysakit, pagpapalayas ng mga demonyo, at pagkakaloob ng biyaya ay mga likas na abilidad ng katawang-tao ni Jesus sa Kapanahunan ng Biyaya, ang mga ito ay gawain ng Espiritung naging totoo sa katawang-tao. Ngunit habang nagsasagawa Siya ng gayong gawain, namuhay Siya sa katawang-tao, at hindi nangibabaw sa katawang-tao. Anumang mga pagpapagaling ang Kanyang isinagawa, taglay pa rin Niya ang normal na pagkatao, namuhay pa rin ng normal na buhay ng tao. Kaya Ko sinasabi na sa panahon ng pagkakatawang-tao ng Diyos ay isinagawa ng katawang-tao ang lahat ng gawain ng Espiritu, ay dahil anumang gawain ang Kanyang ginawa, ginawa Niya iyon sa katawang-tao. Ngunit dahil sa Kanyang gawain, hindi itinuring ng mga tao na ang Kanyang katawang-tao ay nagtataglay ng ganap na pisikal na diwa, sapagkat ang katawang-taong ito ay kayang gumawa ng mga himala, at sa tiyak na espesyal na mga sandali ay kayang gumawa ng mga bagay na nangibabaw sa laman. Siyempre, lahat ng pangyayaring ito ay naganap pagkatapos Niyang simulan ang Kanyang ministeryo, gaya ng pagsubok sa Kanya sa loob ng apatnapung araw o pagbabagong-anyo sa bundok. Kaya kay Jesus, ang kahulugan ng pagkakatawang-tao ng Diyos ay hindi natapos, kundi bahagi pa lamang ang natupad. Ang buhay na Kanyang ipinamuhay sa katawang-tao bago Siya nagsimula sa Kanyang gawain ay lubos na normal sa lahat ng aspeto. Matapos Niyang simulan ang gawain, pinanatili lamang Niya ang panlabas na katawan ng Kanyang laman. Dahil ang Kanyang gawain ay isang pagpapahayag ng pagka-Diyos, nahigitan nito ang normal na mga tungkulin ng laman. Kunsabagay, ang nagkatawang-taong laman ng Diyos ay iba sa mga taong may laman at dugo. Siyempre, sa Kanyang pang-araw-araw na buhay, kinailangan Niya ng pagkain, damit, tulog, at tirahan, kinailangan Niya ang lahat ng normal na pangangailangan, at nagkaroon Siya ng pakiramdam ng normal na tao, at nag-isip na gaya ng normal na tao. Itinuring Siya ng mga tao na isang normal na tao, kaya lamang ay higit-sa-karaniwan ang gawaing Kanyang ginawa. Ang totoo, anuman ang Kanyang ginawa, nabuhay Siya sa isang ordinaryo at normal na pagkatao, at sa ganang pagsasagawa Niya ng gawain, ang Kanyang diwa ay lalo nang normal, ang Kanyang mga kaisipan lalo na ay malinaw, nang higit kaysa sa sinupamang normal na tao. Kinailangan ng Diyos na nagkatawang-tao na magkaroon ng gayong pag-iisip at pakiramdam, sapagkat ang banal na gawain ay kinailangang ipahayag ng isang katawang-tao na ang pakiramdam ay normal na normal at ang mga kaisipan ay napakaliwanag—sa ganitong paraan lamang maaaring ipahayag ng Kanyang katawang-tao ang banal na gawain. Sa buong tatlumpu’t tatlo’t kalahating taon na nabuhay si Jesus sa lupa, pinanatili Niya ang Kanyang normal na pagkatao, ngunit dahil sa Kanyang gawain noong panahon ng Kanyang tatlo’t kalahating taon ng ministeryo, inakala ng mga tao na Siya ay lubhang nangingibabaw, na Siya ay lalo pang higit-sa-karaniwan kaysa rati. Ang totoo, ang normal na pagkatao ni Jesus ay nanatiling di-nagbabago bago at pagkatapos Niyang simulan ang Kanyang ministeryo; ang Kanyang pagkatao ay pareho hanggang katapusan, ngunit dahil sa pagkakaiba bago at pagkatapos Niyang simulan ang Kanyang ministeryo, dalawang magkaibang pananaw ang lumitaw tungkol sa Kanyang katawang-tao. Anuman ang isipin ng mga tao, pinanatili ng Diyos na nagkatawang-tao ang Kanyang orihinal at normal na pagkatao sa buong panahon, sapagkat mula nang magkatawang-tao ang Diyos, namuhay Siya sa katawang-tao, ang katawang-taong may normal na pagkatao. Isinasagawa man Niya noon ang Kanyang ministeryo o hindi, hindi maaaring mabura ang normal na pagkatao ng Kanyang katawang-tao, sapagkat ang pagkatao ang pangunahing kakanyahan ng laman. Bago isinagawa ni Jesus ang Kanyang ministeryo, nanatiling ganap na normal ang Kanyang katawang-tao, na sumasali sa lahat ng ordinaryong aktibidad ng tao; kahit bahagya ay hindi Siya nagmukhang higit-sa-karaniwan, hindi nagpakita ng anumang mahimalang mga tanda. Noon, isa lamang Siyang napaka-karaniwang tao na sumamba sa Diyos, bagama’t ang Kanyang pagsisikap ay mas matapat, mas taos-puso kaysa kaninuman. Ganito Niya naipakita na lubos na normal ang Kanyang pagkatao. Dahil wala Siyang ginawang anumang gawain bago Niya tinanggap ang Kanyang ministeryo, walang sinumang nakabatid sa Kanyang pagkakakilanlan, walang sinumang makapagsabi na ang Kanyang katawang-tao ay naiiba sa lahat ng iba pa, sapagkat hindi Siya gumawa ng kahit isang himala, hindi Siya nagsagawa ng kahit katiting na sariling gawain ng Diyos. Gayunman, matapos Niyang simulang isagawa ang Kanyang ministeryo, pinanatili Niya ang panlabas na katawan ng normal na pagkatao at namuhay pa rin nang may normal na pangangatwiran ng tao, ngunit dahil sa nasimulan na Niyang gawin ang gawain ng Diyos Mismo, tanggapin ang ministeryo ni Cristo at gawin ang gawaing hindi kaya ng mortal na mga nilalang, mga taong may laman at dugo, inakala ng mga tao na wala Siyang normal na pagkatao at hindi isang ganap na normal na tao, kundi isang di-ganap na tao. Dahil sa gawaing Kanyang isinagawa, sinabi ng mga tao na Siya ay isang Diyos sa katawang-tao na walang normal na pagkatao. Mali ang gayong pagkaunawa, sapagkat hindi maintindihan ng mga tao ang kabuluhan ng pagkakatawang-tao ng Diyos. Ang maling pagkaunawang ito ay umusbong mula sa katotohanan na ang gawaing ipinahayag ng Diyos sa katawang-tao ay ang banal na gawain, na ipinahayag sa isang katawang-tao na nagkaroon ng normal na pagkatao. Ang Diyos ay nakabihis sa katawang-tao, nanahan sa loob ng katawang-tao, at ang Kanyang gawain sa Kanyang pagkatao ay nagpalabo sa normalidad ng Kanyang pagkatao. Dahil dito, naniwala ang mga tao na ang Diyos ay walang pagkatao kundi pagka-Diyos lamang.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Diwa ng Katawang-taong Tinatahanan ng Diyos
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 102
Hindi kinumpleto ng Diyos sa una Niyang pagkakatawang-tao ang gawain ng pagkakatawang-tao; tinapos lamang Niya ang unang hakbang ng gawain na kinailangang gawin ng Diyos sa katawang-tao. Kaya, upang matapos ang gawain ng pagkakatawang-tao, minsan pang nagbalik sa katawang-tao ang Diyos, na isinasabuhay ang lahat ng normalidad at realidad ng katawang-tao, ibig sabihin, ipinapakita ang Salita ng Diyos sa isang lubos na normal at ordinaryong katawang-tao, sa gayon ay tinatapos ang gawaing iniwan Niyang hindi tapos sa katawang-tao. Sa totoo lang, ang pangalawang nagkatawang-taong laman ay katulad ng una, ngunit mas makatotohanan pa ito, mas normal pa kaysa sa una. Dahil dito, ang pagdurusang tinitiis ng pangalawang nagkatawang-taong laman ay higit kaysa roon sa una, ngunit ang pagdurusang ito ay resulta ng Kanyang ministeryo sa katawang-tao, na iba sa pagdurusa ng taong nagawang tiwali. Nagmumula rin ito sa normalidad at realidad ng Kanyang katawang-tao. Dahil isinasagawa Niya ang Kanyang ministeryo sa lubos na normal at totoong katawang-tao, kailangang magtiis ng matinding hirap ang katawang-tao. Kapag mas normal at totoo ang katawang-tao, mas magdurusa Siya sa pagsasagawa ng Kanyang ministeryo. Ang gawain ng Diyos ay ipinapahayag sa napaka-normal na katawang-tao, na hindi man lamang higit-sa-karaniwan. Dahil normal ang Kanyang katawang-tao at kailangan din nitong balikatin ang gawain ng pagliligtas sa tao, nagdurusa Siya nang mas matindi pa kaysa sa pagdurusa ng higit-sa-karaniwang katawang-tao—at lahat ng pagdurusang ito ay nagmumula sa realidad at normalidad ng Kanyang katawang-tao. Mula sa pagdurusang napagdaanan ng dalawang nagkatawang-taong laman habang isinasagawa ang Kanilang mga ministeryo, makikita ng isang tao ang diwa ng nagkatawang-taong laman. Kapag mas normal ang katawang-tao, mas matinding hirap ang kailangan Niyang tiisin habang ginagawa ang gawain; kapag mas totoo ang katawang-taong gumagawa ng gawain, mas mabagsik ang mga kuru-kuro ng tao, at malamang na mas maraming panganib ang sumapit sa Kanya. Subalit, kapag mas tunay ang katawang-tao, at mas taglay ng katawang-tao ang mga pangangailangan at ganap na pakiramdam ng isang normal na tao, mas may kakayahan Siyang tanggapin ang gawain ng Diyos sa katawang-tao. Ang katawang-tao ni Jesus ang ipinako sa krus, ang Kanyang katawang-tao ang Kanyang isinuko bilang handog dahil sa kasalanan; tinalo Niya si Satanas sa pamamagitan ng isang katawang-taong may normal na pagkatao at ganap na iniligtas ang tao mula sa krus. At bilang isang ganap na katawang-tao isinasagawa ng Diyos sa Kanyang pangalawang pagkakatawang-tao ang gawain ng panlulupig at tinatalo si Satanas. Ang isang katawang-tao lamang na ganap na normal at totoo ang makapagsasagawa ng gawain ng panlulupig sa kabuuan nito at makapagbibigay ng malakas na patotoo. Ibig sabihin, ang paglupig sa tao ay nagiging epektibo sa pamamagitan ng realidad at normalidad ng Diyos sa katawang-tao, hindi sa pamamagitan ng higit-sa-karaniwang mga himala at paghahayag. Ang ministeryo ng Diyos na nagkatawang-taong ito ay upang magsalita, at sa gayon ay malupig at magawang perpekto ang tao; sa madaling salita, ang gawain ng Espiritu na naging totoo sa katawang-tao, ang tungkulin ng katawang-tao, ay magsalita at sa gayon ay malupig, mabunyag, magawang perpekto, at maalis nang tuluyan ang tao. Kaya nga, sa gawain ng panlulupig maisasakatuparan nang buung-buo ang gawain ng Diyos sa katawang-tao. Ang paunang gawain ng pagtubos ay simula lamang ng gawain ng pagkakatawang-tao; kukumpletuhin ng katawang-taong nagsasagawa ng gawain ng panlulupig ang buong gawain ng pagkakatawang-tao. Sa kasarian, ang isa ay lalaki at ang isa pa ay babae, kaya nakukumpleto ang kabuluhan ng pagkakatawang-tao ng Diyos, at naiwawaksi ang mga kuru-kuro ng tao tungkol sa Diyos: Ang Diyos ay maaaring maging kapwa lalaki at babae, at sa totoo lang, ang Diyos ay walang kasarian. Nilikha Niya kapwa ang lalaki at babae, at para sa Kanya, walang pagkakahati ng kasarian. Sa yugtong ito ng gawain, hindi nagsasagawa ng mga tanda at himala ang Diyos, kaya makakamit ng gawain ang mga resulta nito sa pamamagitan ng mga salita. Bukod pa riyan, ito ay dahil ang gawain ng Diyos na nagkatawang-tao sa pagkakataong ito ay hindi upang magpagaling ng maysakit at magpalayas ng mga demonyo, kundi upang lupigin ang tao sa pamamagitan ng pagsasalita, na ibig sabihin ay na ang likas na kakayahang taglay nitong nagkatawang-taong laman ng Diyos ay sumambit ng mga salita at lupigin ang tao, hindi para magpagaling ng maysakit at magpalayas ng mga demonyo. Ang Kanyang gawain sa normal na pagkatao ay hindi upang gumawa ng mga himala, hindi upang magpagaling ng maysakit at magpalayas ng mga demonyo, kundi ang magsalita, kaya ang pangalawang nagkatawang-taong laman ay mukhang mas normal sa mga tao kaysa sa una. Nakikita ng mga tao na totoo ang pagkakatawang-tao ng Diyos; ngunit iba itong Diyos na nagkatawang-tao kay Jesus na nagkatawang-tao, at kahit pareho Silang Diyos na nagkatawang-tao, hindi Sila lubos na magkapareho. Si Jesus ay nagtaglay ng normal na pagkatao, ordinaryong pagkatao, ngunit sinamahan Siya ng mga tanda at himala. Sa Diyos na ito na nagkatawang-tao, ang mga mata ng tao ay walang makikitang mga tanda o himala, walang pagpapagaling ng maysakit ni pagpapalayas ng mga demonyo, ni paglakad sa ibabaw ng dagat, ni pag-aayuno sa loob ng apatnapung araw…. Hindi Niya ginagawa ang kaparehong gawaing ginawa ni Jesus, hindi dahil, sa totoo lang, ang Kanyang katawang-tao ay iba kaysa kay Jesus, kundi dahil hindi ang pagpapagaling ng maysakit at pagpapalayas ng mga demonyo ang Kanyang ministeryo. Hindi Niya sinisira ang Kanyang sariling gawain, hindi Niya ginagambala ang Kanyang sariling gawain. Dahil nilulupig Niya ang tao sa pamamagitan ng Kanyang tunay na mga salita, hindi na kailangang supilin siya sa mga himala, kaya nga ang yugtong ito ay upang kumpletuhin ang gawain ng pagkakatawang-tao. Ang Diyos na nagkatawang-tao na nakikita mo ngayon ay ganap na isang katawang-tao, at walang anumang higit-sa-karaniwan tungkol sa Kanya. Siya ay nagkakasakit tulad ng iba, nangangailangan ng pagkain at damit tulad ng iba; Siya ay ganap na isang katawang-tao. Kung, sa pagkakataong ito, nagsagawa ang Diyos na nagkatawang-tao ng mga tanda at himalang higit-sa-karaniwan, kung nagpagaling Siya ng maysakit, nagpalayas ng mga demonyo, o maaaring pumatay sa isang salita, paano matutupad ang gawain ng panlulupig? Paano mapapalaganap ang gawain sa mga bansang Hentil? Ang pagpapagaling ng maysakit at pagpapalayas ng mga demonyo ang gawain ng Kapanahunan ng Biyaya, iyon ang unang hakbang sa gawain ng pagtubos, at ngayong nailigtas na ng Diyos ang tao mula sa krus, hindi na Niya isinasagawa ang gawaing iyon. Kung, sa mga huling araw, nagpakita ang isang “Diyos” na kapareho ni Jesus, na nagpagaling ng maysakit, nagpalayas ng mga demonyo, at ipinako sa krus para sa tao, ang “Diyos” na iyon, bagama’t kamukha ng inilarawang Diyos sa Bibliya at madaling tanggapin ng tao, sa kakanyahan nito, ay hindi magiging katawang-taong ibinihis ng Espiritu ng Diyos, kundi ng isang masamang espiritu. Sapagkat prinsipyo ng gawain ng Diyos na hindi kailanman ulitin ang natapos na Niya. Kaya nga, ang gawain ng pangalawang pagkakatawang-tao ng Diyos ay iba sa gawain noong una. Sa mga huling araw, naunawaan ng Diyos ang gawain ng panlulupig sa isang ordinaryo at normal na katawang-tao; hindi Niya pinagagaling ang maysakit, hindi Siya ipapako sa krus para sa tao, kundi nagsasalita lamang ng mga salita sa katawang-tao, at nilulupig ang tao sa katawang-tao. Ang gayong katawang-tao lamang ang katawang-tao ng Diyos na nagkatawang-tao; ang gayong katawang-tao lamang ang maaaring tumapos sa gawain ng Diyos sa katawang-tao.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Diwa ng Katawang-taong Tinatahanan ng Diyos
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 103
Kung sa yugtong ito ay nagtitiis ng hirap o nagsasagawa ng Kanyang ministeryo ang Diyos na nagkatawang-tao, ginagawa Niya ito upang gawing ganap ang kahulugan ng pagkakatawang-tao, sapagkat ito ang huling pagkakatawang-tao ng Diyos. Dalawang beses lamang maaaring magkatawang-tao ang Diyos. Hindi maaaring magkaroon ng pangatlo. Ang unang pagkakatawang-tao ay lalaki, ang pangalawa ay babae, kaya nga ang larawan ng katawang-tao ng Diyos ay kinukumpleto sa isipan ng tao; bukod doon, natapos na ng dalawang pagkakatawang-tao ang gawain ng Diyos sa katawang-tao. Ang unang pagkakataon, nagtaglay ang Diyos na nagkatawang-tao ng normal na pagkatao upang gawing ganap ang kahulugan ng pagkakatawang-tao. Sa pagkakataong ito ay nagtataglay rin Siya ng normal na pagkatao, ngunit iba ang kahulugan ng pagkakatawang-taong ito: Ito ay mas malalim, at ang Kanyang gawain ay may mas malalim na kabuluhan. Minsan pang naging tao ang Diyos upang gawing ganap ang kahulugan ng pagkakatawang-tao. Kapag lubos na nawakasan ng Diyos ang yugtong ito ng Kanyang gawain, ang buong kahulugan ng pagkakatawang-tao, ibig sabihin, ang gawain ng Diyos sa katawang-tao, ay makukumpleto, at wala nang gawaing gagawin sa katawang-tao. Ibig sabihin, mula ngayon ay hindi na muling magkakatawang-tao ang Diyos kailanman upang gawin ang Kanyang gawain. Ginagawa lamang ng Diyos ang gawain ng pagkakatawang-tao upang iligtas at gawing perpekto ang sangkatauhan. Sa madaling salita, hindi karaniwan para sa Diyos ang pagkakatawang-tao, maliban kung para sa kapakanan ng gawain. Sa pamamagitan ng pagkakatawang-tao upang gumawa, ipinapakita Niya kay Satanas na ang Diyos ay isang tao, isang normal na tao, isang ordinaryong tao—subalit maaaring maghari Siya nang matagumpay sa buong mundo, talunin Niya si Satanas, tubusin ang sangkatauhan, lupigin ang sangkatauhan! Binibitag ni Satanas ang tao sa walang-hanggang kalaliman, samantalang sinasagip siya ng Diyos mula rito. Ginagawa ni Satanas na sambahin ito ng lahat ng tao, samantalang isinasailalim sila ng Diyos sa Kanyang kapamahalaan, sapagkat Siya ang Diyos ng paglikha. Lahat ng gawaing ito ay nagagawa sa pamamagitan ng dalawang pagkakatawang-tao ng Diyos. Sa totoo lang, ang Kanyang katawang-tao ay ang pagsasama ng pagkatao at pagka-Diyos, at nagtataglay ng normal na pagkatao. Kaya kung wala ang nagkatawang-taong laman ng Diyos, hindi maaaring makamit ng Diyos ang mga resulta ng pagliligtas sa sangkatauhan, at kung walang normal na pagkatao ang Kanyang katawang-tao, hindi pa rin maaaring makamit ng Kanyang gawain sa katawang-tao ang mga resulta. Ang diwa ng pagkakatawang-tao ng Diyos ay na kailangan Siyang magtaglay ng normal na pagkatao; sapagkat kung hindi ay sasalungat ito sa orihinal na pakay ng Diyos sa pagkakatawang-tao.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Diwa ng Katawang-taong Tinatahanan ng Diyos
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 104
Bakit Ko sinasabi na hindi nakumpleto ang kahulugan ng pagkakatawang-tao sa gawain ni Jesus? Dahil ang Salita ay hindi lubos na naging tao. Ang ginawa ni Jesus ay isang bahagi lamang ng gawain ng Diyos sa katawang-tao; ginawa lamang Niya ang gawain ng pagtubos, at hindi Niya ginawa ang gawaing lubos na maangkin ang tao. Dahil dito, minsan pang naging tao ang Diyos sa mga huling araw. Ang yugtong ito ng gawain ay ginagawa rin sa isang ordinaryong katawan; isinasagawa ito ng isang lubos na normal na tao, isang tao na ang pagkatao ay hindi nangingibabaw ni katiting. Sa madaling salita, ang Diyos ay naging isang ganap na tao; Siya ay isang taong ang pagkakakilanlan ay sa Diyos, isang ganap na tao, isang ganap na katawang-tao, na nagsasagawa ng gawain. Nakikita ng mga mata ng tao ang isang katawang may laman na hindi man lamang nangingibabaw sa lahat, isang lubhang ordinaryong taong nakapagsasalita ng wika ng langit, na hindi nagpapakita ng mahimalang mga tanda, hindi gumagawa ng mga himala, lalo nang hindi naglalantad ng nakapaloob na katotohanan tungkol sa relihiyon sa malalaking bulwagan ng pagpupulong. Para sa mga tao, ang gawain ng pangalawang nagkatawang-taong laman ay tila lubos na hindi kagaya ng sa una, kaya tila walang anumang pagkakatulad ang dalawa, at walang anumang nasa gawain sa una ang makikita sa pagkakataong ito. Bagama’t ang gawain ng pangalawang nagkatawang-taong laman ay iba kaysa sa una, hindi niyan pinatutunayan na ang pinagmulan Nila ay magkaiba. Pareho man ang Kanilang pinagmulan ay depende sa likas na katangian ng gawaing ginawa ng mga taong ito, at hindi sa Kanilang panlabas na katawan. Sa tatlong yugto ng Kanyang gawain, dalawang beses nagkatawang-tao ang Diyos, at ang gawain ng Diyos na nagkatawang-tao sa dalawang kapanahunang ito ay nagpasimula ng isang bagong kapanahunan, nagpahayag ng isang bagong gawain; pinupunan ng mga pagkakatawang-tao ang isa’t isa. Imposibleng masabi ng mga mata ng tao na ang dalawang katawang-tao ay talagang iisa ang pinagmulan. Malinaw na hindi ito maabot ng kakayahan ng mata ng tao o ng isipan ng tao. Ngunit sa Kanilang diwa, Sila ay iisa, sapagkat ang Kanilang gawain ay mula sa iisang Espiritu. Nagmumula man ang dalawang nagkatawang-taong laman sa iisang pinagmulan ay hindi masasabi ng kapanahunan at ng lugar kung saan Sila isinilang, o ng iba pang gayong mga sitwasyon, kundi sa pamamagitan ng banal na gawaing Kanilang ipinahayag. Ang pangalawang nagkatawang-taong laman ay hindi nagsasagawa ng anuman sa gawaing ginawa ni Jesus, sapagkat ang gawain ng Diyos ay hindi sumusunod sa nakasanayan, kundi nagbubukas ng isang bagong daan sa bawat pagkakataon. Ang pangalawang pagkakatawang-tao ay hindi nilayong palalimin o patatagin ang impresyon sa isipan ng mga tao tungkol sa unang katawang-tao, kundi upang punan at gawin itong perpekto, palalimin ang kaalaman ng tao tungkol sa Diyos, suwayin ang lahat ng panuntunang umiiral sa puso ng mga tao, at palisin ang mga maling larawan ng Diyos sa kanilang puso. Masasabi na walang indibiduwal na yugto ng sariling gawain ng Diyos ang makapagbibigay sa tao ng lubos na kaalaman tungkol sa Kanya; bawat isa ay nagbibigay lamang ng isang bahagi, hindi ng kabuuan. Bagama’t ipinahayag na ng Diyos ang Kanyang buong disposisyon, dahil sa limitadong kakayahan ng tao na umunawa, hindi pa rin kumpleto ang kanyang kaalaman tungkol sa Diyos. Imposible, gamit ang wika ng tao, na ihatid ang kabuuan ng disposisyon ng Diyos; bukod pa riyan, paano lubos na maipapahayag ang Diyos sa iisang yugto ng Kanyang gawain? Siya ay gumagawa sa katawang-tao sa ilalim ng takip ng Kanyang normal na pagkatao, at makikilala lamang Siya ng isang tao sa pamamagitan ng mga pagpapahayag ng Kanyang pagka-Diyos, hindi sa pamamagitan ng Kanyang panlabas na katawan. Nagkakatawang-tao ang Diyos para tulutan ang tao na makilala Siya sa pamamagitan ng Kanyang iba’t ibang gawain, at walang dalawang yugto ng Kanyang gawain ang magkapareho. Sa ganitong paraan lamang maaaring magkaroon ang tao ng lubos na kaalaman tungkol sa gawain ng Diyos sa katawang-tao, nang hindi nakatuon sa iisang aspeto. Bagama’t magkaiba ang gawain ng dalawang nagkatawang-taong laman, ang diwa ng mga katawang-tao, at ang pinagmulan ng Kanilang gawain, ay magkapareho; kaya lamang ay umiiral Sila para isagawa ang dalawang magkaibang yugto ng gawain, at lumitaw sa dalawang magkaibang kapanahunan. Ano’t anuman, iisa ang diwa at pinagmulan ng mga nagkatawang-taong laman ng Diyos—ito ay isang katotohanan na walang sinumang makapagkakaila.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Diwa ng Katawang-taong Tinatahanan ng Diyos
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 105
Tinatawag na Cristo ang Diyos na nagkatawang-tao, at si Cristo ay ang katawang-taong isinuot ng Espiritu ng Diyos. Hindi katulad ng sinumang tao sa laman ang katawang-taong ito. Ang kaibhang ito ay dahil hindi sa laman at dugo si Cristo; Siya ay ang pagkakatawang-tao ng Espiritu. Siya ay kapwa may normal na pagkatao at ganap na pagka-Diyos. Hindi taglay ng sinumang tao ang pagka-Diyos Niya. Ang normal na pagkatao Niya ang nagpapanatili sa lahat ng normal na gawain Niya sa katawang-tao, habang isinasakatuparan ng pagka-Diyos Niya ang gawain ng Diyos Mismo. Pagkatao man o pagka-Diyos man Niya ito, kapwa nagpapasakop ang mga ito sa kalooban ng Ama sa langit. Ang Espiritu ang diwa ni Cristo, ibig sabihin ay ang pagka-Diyos. Samakatuwid, ang diwa Niya ay ang sa Diyos Mismo; hindi gagambalain ng diwang ito ang sarili Niyang gawain, at hindi Siya posibleng makagawa ng anumang bagay na sisira sa sarili Niyang gawain, ni hindi rin Siya bibigkas ng anumang mga salita na sumasalungat sa sarili Niyang kalooban. Samakatuwid, ganap na hindi gagawa kailanman ang Diyos na nagkatawang-tao ng kahit anumang gawaing gumagambala sa sarili Niyang pamamahala. Ito ang dapat maunawaan ng lahat ng mga tao. Ang diwa ng gawain ng Banal na Espiritu ay upang iligtas ang tao, at para sa kapakanan ng sariling pamamahala ng Diyos. Katulad nito, ang gawain ni Cristo ay upang iligtas din ang tao, at alang-alang ito sa kalooban ng Diyos. Yamang nagkatawang-tao ang Diyos, napagtatanto Niya ang diwa Niya sa loob ng Kanyang katawang-tao, na sapat ang katawang-tao Niya upang isagawa ang Kanyang gawain. Samakatuwid, ang lahat ng gawain ng Espiritu ng Diyos ay pinalitan ng gawain ni Cristo habang nasa panahon ng pagkakatawang-tao, at ang nasa kaibuturan ng lahat ng gawain sa buong panahon ng pagkakatawang-tao ay ang gawain ni Cristo. Hindi ito maaaring maihalo sa gawain mula sa anumang ibang kapanahunan. At yamang nagiging katawang-tao ang Diyos, gumagawa Siya sa pagkakakilanlan ng Kanyang katawang-tao; yamang dumarating Siya sa katawang-tao, tinatapos Niya sa gayon sa katawang-tao ang gawaing dapat Niyang gawin. Espiritu ng Diyos man ito o si Cristo man ito, kapwa Sila ang Diyos Mismo, at ginagawa Niya ang gawain na dapat Niyang gawin at ginagampanan ang ministeryong dapat Niyang gampanan.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Diwa ni Cristo ay ang Pagsunod sa Kalooban ng Ama sa Langit
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 106
Humahawak ng awtoridad ang mismong pinakadiwa ng Diyos, ngunit nagagawa Niyang lubusang magpasakop sa awtoridad na nagmumula sa Kanya. Gawain man ito ng Espiritu o gawain ng laman, hindi sumasalungat ang isa sa isa. Ang Espiritu ng Diyos ay ang awtoridad sa buong sangnilikha. Nagtataglay din ng awtoridad ang katawang-taong may diwa ng Diyos, ngunit maaaring gawin ng Diyos sa katawang-tao ang lahat ng gawaing sumusunod sa kalooban ng Ama sa langit. Hindi ito matatamo o maiisip ng sinumang tao. Ang Diyos Mismo ay awtoridad, ngunit maaaring magpasakop ang katawang-tao Niya sa Kanyang awtoridad. Ito ang ipinahihiwatig kapag sinasabing “Sumusunod si Cristo sa kalooban ng Diyos Ama.” Isang Espiritu ang Diyos at makakayang gawin ang gawain ng pagliligtas, tulad ng maaaring maging tao ang Diyos. Sa ano’t anuman, ang Diyos Mismo ang gumagawa ng sarili Niyang gawain; ni hindi Siya nang-aabala o nanghihimasok, lalong hindi Siya nagsasakatuparan ng gawaing sumasalungat sa mismong gawain, dahil magkatulad ang diwa ng gawaing ginagawa ng Espiritu at ng katawang-tao. Espiritu man ito o ang katawang-tao, gumagawa ang dalawa upang tuparin ang isang kalooban at upang pamahalaan ang kapwa gawain. Bagama’t may dalawang magkaibang katangian ang Espiritu at ang katawang-tao, magkatulad ang kanilang mga diwa; kapwa sila may diwa ng Diyos Mismo, at ng pagkakakilanlan ng Diyos Mismo. Hindi nagtataglay ang Diyos Mismo ng mga sangkap ng pagsuway; mabuti ang Kanyang diwa. Siya ang pagpapahayag ng lahat ng kagandahan at kabutihan, gayundin ng lahat ng pagmamahal. Kahit sa katawang-tao, hindi gumagawa ang Diyos ng anumang sumusuway sa Diyos Ama. Maging kabayaran man ang paghahain ng Kanyang buhay, buong puso Siyang handa na gawin ito, at wala na Siyang ibang pipiliin. Hindi nagtataglay ang Diyos ng mga sangkap ng pagmamagaling o pagpapahalaga sa sarili, o yaong sa kapalaluan at pagmamataas; hindi Siya nagtataglay ng mga sangkap ng kabuktutan. Nagmumula kay Satanas ang lahat-lahat ng sumusuway sa Diyos; si Satanas ang pinagmumulan ng lahat ng kapangitan at kabuktutan. Ang dahilan ng pagkakaroon ng tao ng mga katangiang kahalintulad ng kay Satanas ay dahil nagawa nang tiwali at nilinlang na ni Satanas ang tao. Hindi nagawang tiwali ni Satanas si Cristo, kaya’t ang mga katangian ng Diyos ang tangi Niyang inaangkin, at wala sa mga katangian ni Satanas. Gaano man kahirap ang gawain o gaano man kahina ang katawang-tao, ang Diyos, habang nabubuhay Siya sa katawang-tao, ay hindi kailanman gagawa ng anumang bagay na gagambala sa gawain ng Diyos Mismo, lalo na tatalikdan sa pagsuway ang kalooban ng Diyos Ama. Higit pa Niyang pipiliin na magdusa ng mga pasakit ng laman kaysa pagtaksilan ang kalooban ng Diyos Ama; tulad ito ng sinabi ni Jesus sa panalangin, “Ama, kung maaari, hayaan Mong lumampas mula sa Akin ang sarong ito: gayon man hindi ayon sa kalooban Ko, kundi ang ayon sa kalooban Mo.” Gumagawa ng sarili nilang mga pagpipilian ang mga tao, ngunit hindi si Cristo. Bagama’t mayroon Siyang pagkakakilanlan ng Diyos Mismo, hinahangad pa rin Niya ang kalooban ng Diyos Ama, at tinutupad kung ano ang ipinagkakatiwala sa Kanya ng Diyos Ama, mula sa pananaw ng katawang-tao. Isang bagay ito na hindi maaaring matamo ng tao. Ang nanggagaling kay Satanas ay hindi maaaring magkaroon ng diwa ng Diyos; maaari lamang itong magkaroon ng isang sumusuway at lumalaban sa Diyos. Hindi ito ganap na makasusunod sa Diyos, lalo na ang kusang loob na pagsunod sa kalooban ng Diyos. Lahat ng mga tao maliban kay Cristo ay maaaring gawin iyang lumalaban sa Diyos, at wala ni isang tao ang tuwirang makagagawa sa gawaing ipinagkatiwala ng Diyos; wala ni isa ang makakayang ituring ang pamamahala ng Diyos bilang sarili niyang tungkuling gagampanan. Pagpapasakop sa kalooban ng Diyos Ama ang diwa ni Cristo; katangian ni Satanas ang pagsuway sa Diyos. Hindi magkaayon ang dalawang katangiang ito, at hindi matatawag na Cristo ang sinumang may mga katangian ni Satanas. Ang dahilan na hindi magagawa ng tao ang gawain ng Diyos bilang kahalili Niya ay dahil walang anumang diwa ng Diyos ang tao. Gumagawa ang tao para sa Diyos alang-alang sa mga pansariling kapakinabangan at sa mga panghinaharap na pag-asam ng tao, ngunit gumagawa si Cristo upang gawin ang kalooban ng Diyos Ama.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Diwa ni Cristo ay ang Pagsunod sa Kalooban ng Ama sa Langit
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 107
Pinamamahalaan ng Kanyang pagka-Diyos ang pagkatao ni Cristo. Bagama’t nasa katawang-tao Siya, hindi lubusang katulad ng isang tao ng laman ang Kanyang pagkatao. May sarili Siyang namumukod-tanging katangian, at pinamamahalaan din ito ng pagka-Diyos Niya. Walang kahinaan ang pagka-Diyos Niya; tumutukoy sa Kanyang pagkatao ang kahinaan ni Cristo. Sa ilang antas, napipigil ng kahinaang ito ang pagka-Diyos Niya, ngunit nakapaloob sa isang tiyak na saklaw at oras ang gayong mga takda, at hindi walang hangganan. Pagdating ng oras upang isakatuparan ang gawain ng Kanyang pagka-Diyos, ginagawa ito nang hindi alintana ang pagkatao Niya. Ang pagkatao ni Cristo ay ganap na pinangangasiwaan ng Kanyang pagka-Diyos. Bukod sa normal na buhay ng pagkatao Niya, ang lahat ng iba pang mga kilos ng Kanyang pagkatao ay naiimpluwensyahan, naaapektuhan, at napapatnubayan ng pagka-Diyos Niya. Bagama’t may pagkatao si Cristo, hindi ito nakagagambala sa gawain ng pagka-Diyos Niya, at ito ay tiyak na tiyak na dahil pinangangasiwaan ng pagka-Diyos ni Cristo ang Kanyang pagkatao; bagama’t hindi nagkagulang ang pagkatao Niya sa kung paano ito umaasal sa iba, hindi ito nakaaapekto sa normal na gawain ng pagka-Diyos Niya. Kapag sinasabi Kong hindi pa nagawang tiwali ang Kanyang pagkatao, ang ibig Kong sabihin ay maaaring tuwirang atasan ng pagka-Diyos ni Cristo ang Kanyang pagkatao, na Siya ay nagtataglay ng mas higit na katuturan kaysa sa taglay ng karaniwang tao. Nababagay nang higit sa lahat ang pagkatao Niya na mapangasiwaan ng pagka-Diyos sa Kanyang gawain; ang pagkatao Niya ay magagawa nang higit sa lahat na magpahayag ng gawain ng pagka-Diyos, at magagawa nang higit sa lahat na magpasakop sa ganoong gawain. Habang gumagawa ang Diyos sa katawang-tao, hindi Niya nakakaligtaan ang tungkuling dapat tuparin ng tao sa laman; nagagawa Niyang sambahin ang Diyos sa langit nang may tunay na puso. May diwa Siya ng Diyos, at ang pagkakakilanlan Niya ay ang sa Diyos Mismo. Nangyari lamang na dumating Siya sa lupa at naging isang nilikhang katauhan na may panlabas na balat ng isang nilikhang katauhan, at nagtataglay ngayon ng pagkataong hindi Niya dating taglay. Nagagawa Niyang sambahin ang Diyos sa langit; ito ang katauhan ng Diyos Mismo at walang katulad sa tao. Ang pagkakakilanlan Niya ay Diyos Mismo. Sumasamba Siya sa Diyos mula sa pananaw ng katawang-tao; samakatuwid, ang mga salitang “Sumasamba si Cristo sa Diyos sa langit” ay hindi mali. Ang hinihingi Niya sa tao ay ang mismong Sarili Niyang katauhan; natamo na Niya ang lahat ng Kanyang hinihiling sa tao bago ang paghiling ng ganoon sa kanila. Hindi Siya kailanman gagawa ng mga hiling sa iba samantalang Siya Mismo ay malaya mula sa mga ito, dahil ang lahat ng ito ang bumubuo sa Kanyang katauhan. Paano man Niya isinasakatuparan ang Kanyang gawain, hindi Siya kikilos sa paraang sumusuway sa Diyos. Anupaman ang hilingin Niya sa tao, walang hiling na lalagpas sa kayang matamo ng tao. Ang lahat ng ginagawa Niya ay yaong tumutupad sa kalooban ng Diyos at alang-alang sa Kanyang pamamahala. Higit sa lahat ng mga tao ang pagka-Diyos ni Cristo; samakatuwid, Siya ang pinakamataas na awtoridad ng lahat ng mga nilikhang katauhan. Ang pagka-Diyos Niya ang awtoridad na ito, ibig sabihin ay ang disposisyon at katauhan ng Diyos Mismo, na tumutukoy sa Kanyang pagkakakilanlan. Samakatuwid, gaano man kakaraniwan ang pagkatao Niya, hindi maikakaila na nasa Kanya ang pagkakakilanlan ng Diyos Mismo; sa kung anumang pananaw man Siya nagsasalita at paano man Siya sumusunod sa kalooban ng Diyos, hindi maaaring sabihin na hindi Siya ang Diyos Mismo. Malimit na itinuturing ng mga taong hangal at mangmang na isang kapintasan ang karaniwang pagkatao ni Cristo. Paano man Niya ipinahahayag at ibinubunyag ang katauhan ng Kanyang pagka-Diyos, hindi magagawa ng tao na kilalanin na Siya ay si Cristo. At higit na ipinakikita ni Cristo ang pagsunod at pagpapakumbaba Niya, lalong nagiging bahagya ang pagturing ng mga hangal na tao kay Cristo. Mayroon pa nga yaong mga nag-uugali ng saloobin ng pagbubukod at paghamak sa Kanya, subalit inilalagay sa hapag yaong mga “dakilang tao” ng matatayog na larawan upang sambahin. Ang paglaban at pagsuway ng tao sa Diyos ay nagmumula sa katunayan na ang diwa ng Diyos na nagkatawang-tao ay nagpapasakop sa kalooban ng Diyos, gayundin na mula sa pangkaraniwang pagkatao ni Cristo; ito ang pinagmumulan ng paglaban at pagsuway ng tao sa Diyos. Kung si Cristo ay ni walang anyo ng Kanyang pagkatao o hindi hinanap ang kalooban ng Diyos Ama mula sa pananaw ng isang nilikhang katauhan, ngunit sa halip ay nagtaglay ng isang sukdulang pagkatao, higit sa malamang na walang magiging pagsuway sa hanay ng tao. Ang dahilan na laging nahahanda ang tao na maniwala sa isang hindi nakikitang Diyos sa langit ay dahil walang pagkatao ang Diyos sa langit, ni hindi Siya nagtataglay ng kahit isang katangian ng isang nilikha. Samakatuwid, lagi Siyang itinuturing ng tao nang may pinakadakilang pagpapahalaga, ngunit may tinataglay na saloobin ng paghamak kay Cristo.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Diwa ni Cristo ay ang Pagsunod sa Kalooban ng Ama sa Langit
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 108
Bagama’t nagagawa ni Cristo sa lupa na gumawa sa ngalan ng Diyos Mismo, hindi Siya dumarating na may layuning ipakita sa lahat ng mga tao ang larawan Niya sa katawang-tao. Hindi Siya dumarating upang makita Siya ng lahat ng mga tao; dumarating Siya upang pahintulutan ang tao na maakay ng kamay Niya, at sa gayon ay makapasok ang tao sa bagong kapanahunan. Ang katungkulan ng katawang-tao ni Cristo ay para sa gawain ng Diyos Mismo, iyon ay para sa gawain ng Diyos sa katawang-tao, at hindi upang bigyang kakayahan ang tao na lubusang maunawaan ang diwa ng katawang-tao Niya. Paano man Siya gumagawa, wala sa ginagawa Niya ang lumalampas sa matatamo ng katawang-tao. Paano man Siya gumagawa, ginagawa Niya ito sa katawang-tao na may normal na pagkatao, at hindi lubos na ibinubunyag sa tao ang totoong mukha ng Diyos. Dagdag dito, ang gawain Niya sa katawang-tao ay hindi kailanman kahima-himala o hindi matataya tulad ng maiisip ng tao. Bagama’t kinakatawan ni Cristo ang Diyos Mismo sa katawang-tao at isinasakatuparan mismo ang gawain na dapat gawin ng Diyos Mismo, hindi Niya ikinakaila ang pag-iral ng Diyos sa langit, ni mainit Niyang ipinahahayag ang sarili Niyang mga gawa. Sa halip, nananatili Siyang nakakubli, mapagpakumbaba, sa loob ng Kanyang laman. Bukod kay Cristo, yaong mga huwad na umaangking sila si Cristo ay hindi nagtataglay ng Kanyang mga katangian. Kapag magkatabing inihahambing sa mapagmataas at sariling pagdadakila ng disposisyon ng mga huwad na Cristo, nagiging malinaw kung anong uring katawang-tao ang tunay na Cristo. Lalong huwad sila, lalong ipinagpaparangya ng mga ganitong huwad na Cristo ang mga sarili nila, at mas may kakayahan silang gumawa ng mga tanda at mga kababalaghan upang linlangin ang tao. Walang mga katangian ng Diyos ang mga huwad na Cristo; hindi nadudungisan si Cristo ng kahit anong sangkap na pagmamay-ari ng mga huwad na Cristo. Nagkakatawang-tao lamang ang Diyos upang buuin ang mga gawain ng katawang-tao, hindi lamang upang pahintulutang makita Siya ng mga tao. Sa halip, hinahayaan Niyang ang gawain Niya ang magpatunay ng Kanyang pagkakakilanlan, at hinahayaang yaong ibinubunyag Niya na magpatunay sa Kanyang diwa. Hindi walang batayan ang diwa Niya; hindi kinamkam ng Kanyang kamay ang pagkakakilanlan Niya; matutukoy ito sa pamamagitan ng Kanyang gawain at Kanyang diwa. Bagama’t may diwa Siya ng Diyos Mismo at may kakayahang gawin ang gawain ng Diyos Mismo, Siya pa rin, sa dakong huli, ay katawang-tao, hindi katulad ng Espiritu. Hindi Siya Diyos na may mga katangian ng Espiritu; Siya ay Diyos na may balat ng katawang-tao. Samakatuwid, gaano man Siya kanormal at gaano man Siya kahina, at paano man hinahangad Niya ang kalooban ng Diyos Ama, hindi maikakaila ang pagka-Diyos Niya. Umiiral sa loob ng nagkatawang-taong Diyos hindi lamang ang normal na pagkatao at ang mga kahinaan nito; umiiral din ang kahanga-hanga at pagiging di-maarok na pagka-Diyos Niya, pati na rin ang lahat ng mga gawa Niya sa katawang-tao. Samakatuwid, kapwa umiiral ang pagkatao at pagka-Diyos sa loob ni Cristo, kapwa sa aktwal at praktikal. Kahit paano, hindi ito isang bagay na hungkag o kahima-himala. Dumarating Siya sa lupa na may pangunahing layunin ng pagsasakatuparan ng gawain; kinakailangang magtaglay ng isang normal na pagkatao upang maisakatuparan ang gawain sa lupa; kung hindi, gaano pa man kadakila ang kapangyarihan ng pagka-Diyos Niya, hindi mailalagay sa mabuting paggagamitan ang unang tungkulin nito. Bagama’t napakahalaga ng Kanyang pagkatao, hindi ito ang Kanyang diwa. Ang pagka-Diyos ang diwa Niya; samakatuwid, ang sandaling magsisimula na Siyang gampanan ang ministeryo Niya sa lupa ay ang sandaling magsisimula na Siyang ipahayag ang katauhan ng Kanyang pagka-Diyos. Umiiral ang pagkatao Niya upang mapanatili lamang ang normal na buhay ng Kanyang katawang-tao upang maisakatuparan ng Kanyang pagka-Diyos ang gawain bilang normal sa katawang-tao; ang pagka-Diyos ang lubos na nangangasiwa sa gawain Niya. Kapag nagawa na Niyang ganap ang Kanyang gawain, natupad na Niya ang Kanyang ministeryo. Ang dapat malaman ng tao ay ang kabuuan ng Kanyang gawain, at sa pamamagitan ng gawain Niya na nabibigyang daan Niya ang tao na makilala Siya. Sa buong takbo ng Kanyang gawain, lubusan Niyang ipinahahayag ang katauhan ng pagka-Diyos Niya, na hindi isang disposisyong nadudungisan ng pagkatao, o isang katauhang nadudungisan ng kaisipan at asal ng tao. Kapag dumating na ang oras na ang lahat ng ministeryo Niya ay nagwakas na, perpekto at ganap na Niyang naipahayag ang disposisyong dapat Niyang ipahayag. Hindi ginagabayan ang Kanyang gawain ng tagubilin ng sinumang tao; ang pagpapahayag ng disposisyon Niya ay ganap na malaya rin, at hindi masusupil ng isip o malilinang ng kaisipan, ngunit likas na ibinubunyag. Isang bagay ito na walang tao ang makapagtatamo. Kahit malupit ang kapaligiran o hindi kanais-nais ang mga kalagayan, nagagawa Niyang ipahayag ang Kanyang disposisyon sa naaangkop na oras. Ang Isang si Cristo ay ipinahahayag ang katauhan ni Cristo, samantalang yaong mga hindi ay hindi nagtataglay ng disposisyon ni Cristo. Samakatuwid, kahit na nilalabanan Siya ng lahat o may mga kuru-kuro sa Kanya, walang makapagkakaila batay sa mga kuru-kuro ng tao na ang disposisyong ipinahahayag ni Cristo ay ang sa Diyos. Ang lahat ng yaong mga hinahangad si Cristo nang may tunay na puso o sadyang hinahanap ang Diyos ay aamining si Cristo Siya batay sa pagpapahayag ng pagka-Diyos Niya. Hindi nila kailanman ipagkakaila si Cristo sa batayan ng kahit anumang aspeto Niyang hindi umaayon sa mga kuru-kuro ng tao. Bagama’t napakahangal ng tao, tiyak na alam ng lahat kung ano ang kalooban ng tao at kung ano ang nagmumula sa Diyos. Nangyayari lamang na maraming tao ang sinasadyang nilalabanan si Cristo bilang bunga ng sarili nilang mga pakay. Kung hindi dahil dito, wala kahit isang tao ang magkakaroon ng dahilang ikaila ang pag-iral ni Cristo, dahil totoong umiiral ang pagka-Diyos na ipinahayag ni Cristo, at maaaring masaksihan ang gawain Niya ng mata lamang.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Diwa ni Cristo ay ang Pagsunod sa Kalooban ng Ama sa Langit
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 109
Ang gawain at pagpapahayag ni Cristo ang tumutukoy sa Kanyang diwa. Nagagawa Niyang kumpletuhin nang may tunay na puso yaong ipinagkatiwala sa Kanya. Nagagawa Niyang sambahin nang may tunay na puso ang Diyos sa langit, at hinahangad ang kalooban ng Diyos Ama nang may tunay na puso. Natutukoy ang lahat ng ito ng diwa Niya. At gayundin ang likas na pagsisiwalat Niya ay natutukoy ng Kanyang diwa; ang dahilan na tinatawag Ko itong ang “likas na pagsisiwalat” Niya ay dahil hindi panggagaya ang pagpapahayag Niya, o bunga ng pinag-aralan ng tao, o bunga ng maraming taong paglilinang ng tao. Hindi Niya ito natutuhan o ginayakan ang sarili Niya nito; sa halip, likas ito sa loob Niya. Maaaring ikaila ng tao ang Kanyang gawain, ang Kanyang pagpapahayag, ang Kanyang pagkatao, at ang Kanyang buong buhay ng normal na pagkatao, ngunit walang makapagkakailang sinasamba Niya ang Diyos sa langit nang may tunay na puso; walang makapagkakailang dumating Siya upang tuparin ang kalooban ng Ama sa langit, at walang makapagkakaila sa katapatan ng paghahanap Niya sa Diyos Ama. Bagama’t hindi kaaya-aya sa mga pandama ang Kanyang larawan, hindi nagtataglay ng pambihirang pagmamagaling ang pagtatalakay Niya, at hindi kasingnakawawasak ng lupa o nakayayanig ng langit ang gawain Niya na tulad ng inaakala ng tao, Siya talaga si Cristo, na tumutupad nang may tunay na puso sa kalooban ng Ama sa langit, ganap na nagpapasakop sa Ama sa langit, at masunurin hanggang kamatayan. Ito ay sapagkat ang diwa Niya ay ang diwa ni Cristo. Mahirap para sa tao na paniwalaan ang katotohanang ito, ngunit ito ay katunayan. Kapag ganap nang natupad ang ministeryo ni Cristo, magagawang makita ng tao mula sa gawain Niya na ang Kanyang disposisyon at katauhan ay kumakatawan sa disposisyon at katauhan ng Diyos sa langit. Sa oras na iyon, makapagpapatunay ang kalahatan ng gawain Niya na Siya talaga ang Salitang nagiging katawang-tao, at hindi katulad ng laman at dugong tao. Bawat hakbang ng gawain ni Cristo sa lupa ay may kinakatawang kabuluhan, ngunit ang tao na nakararanas sa aktwal na gawain ng bawat hakbang ay hindi magagawang maunawaan ang kabuluhan ng gawain Niya. Lalo na ito sa ilang mga hakbang ng gawaing isinasakatuparan ng Diyos sa ikalawang pagkakatawang-tao Niya. Karamihan sa yaong mga nakaririnig o nakakikita lamang sa mga salita ni Cristo subalit hindi pa Siya kailanman nakikita ay walang mga kuru-kuro sa gawain Niya; yaong mga nakakita na kay Cristo at nakarinig sa mga salita Niya, gayundin ang nakaranas ng gawain Niya, ay nahihirapang tanggapin ang Kanyang gawain. Hindi ba ito dahil hindi ayon sa panlasa ng tao ang kaanyuan at ang normal na pagkatao ni Cristo? Yaong mga tinatanggap ang gawain Niya pagkaraang umalis si Cristo ay hindi magkakaroon ng ganoong mga paghihirap, dahil tinatanggap lamang nila ang gawain Niya at hindi nakikipag-ugnayan sa normal na pagkatao ni Cristo. Hindi magagawang ilaglag ng tao ang mga kuru-kuro niya sa Diyos at sa halip ay marubdob Siyang sinusuri; dahil ito sa katotohanang nakatuon lamang ang tao sa kaanyuan Niya at hindi magagawang makilala ang diwa Niya batay sa Kanyang gawain at mga salita. Kung ipipikit ng tao ang mga mata niya sa kaanyuan ni Cristo o iiwasang talakayin ang pagkatao ni Cristo, at magsasalita lamang sa pagka-Diyos Niya, na ang gawain at mga salita ay hindi matatamo ng kahit sinumang tao, mababawasan ng kalahati ang mga kuru-kuro ng tao, kahit sa saklaw na malulutas ang lahat ng mga paghihirap ng tao.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Diwa ni Cristo ay ang Pagsunod sa Kalooban ng Ama sa Langit
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 110
Siya na Diyos na nagkatawang-tao ay magtataglay ng diwa ng Diyos, at Siya na Diyos na nagkatawang-tao ay magtataglay ng pagpapahayag ng Diyos. Dahil ang Diyos ay naging tao, ilalahad Niya ang gawaing layon Niyang gawin, at dahil ang Diyos ay naging tao, ipapahayag Niya kung ano Siya, at magagawa Niyang ihatid ang katotohanan sa tao, pagkalooban siya ng buhay, at ituro ang daan para sa kanya. Ang katawang-tao na walang diwa ng Diyos ay tiyak na hindi ang Diyos na nagkatawang-tao; walang duda ito. Kung layon ng tao na magsiyasat kung ito ang katawang-tao ng Diyos, kailangan niyang patunayan ito mula sa disposisyon na Kanyang ipinapahayag at sa mga salitang Kanyang sinasambit. Ibig sabihin, patunayan kung ito nga ang katawang-tao ng Diyos o hindi, at kung ito nga ang tunay na daan o hindi, kailangan itong matukoy batay sa Kanyang diwa. Kaya nga, sa pagtukoy kung ito ang katawan ng Diyos na nagkatawang-tao, ang sagot ay nasa Kanyang diwa (Kanyang gawain, Kanyang mga pagbigkas, Kanyang disposisyon, at maraming iba pang aspeto), sa halip na sa panlabas na anyo. Kung ang susuriin lamang ng tao ay ang Kanyang panlabas na anyo, at dahil dito ay hindi napansin ang Kanyang diwa, ipinapakita niyan na ang tao ay mangmang at walang alam. Hindi matutukoy ang diwa sa panlabas na anyo; bukod pa riyan, ang gawain ng Diyos ay hindi kailanman maaaring umayon sa mga kuru-kuro ng tao. Hindi ba ang panlabas na anyo ni Jesus ay salungat sa mga kuru-kuro ng tao? Hindi ba ang Kanyang mukha at pananamit ay hindi nakapagbigay ng anumang mga palatandaan tungkol sa Kanyang tunay na identidad? Hindi ba kinontra ng mga sinaunang Pariseo si Jesus dahil mismo sa tiningnan lamang nila ang Kanyang panlabas na anyo, at hindi nila isinapuso ang mga salitang nagmula sa Kanyang bibig? Inaasahan Ko na hindi na uulitin ng bawat isang kapatid na naghahangad sa pagpapakita ng Diyos ang trahedya ng kasaysayan. Huwag kayong maging mga Pariseo ng makabagong panahon na muling magpapako sa Diyos sa krus. Dapat ninyong isiping mabuti kung paano malugod na sasalubungin ang pagbabalik ng Diyos, at dapat kayong magkaroon ng malinaw na isipan kung paano maging isang taong nagpapasakop sa katotohanan. Ito ang responsibilidad ng bawat isang naghihintay na bumalik si Jesus sakay ng ulap. Dapat nating kusutin ang ating espirituwal na mga mata para luminaw, at hindi tayo dapat malubog sa mga salita ng labis-labis na pantasya. Dapat nating pag-isipan ang praktikal na gawain ng Diyos, at tingnan ang praktikal na aspeto ng Diyos. Huwag magpatangay o magpadala sa inyong mga pangangarap nang gising, na laging nananabik sa araw na ang Panginoong Jesus, na nakasakay sa ulap, ay biglang bumaba sa inyo, at dalhin kayong mga hindi nakakilala o nakakita sa Kanya kailanman, at hindi nakakaalam kung paano gawin ang Kanyang kalooban. Mas mabuti pang pag-isipan ang mas praktikal na mga bagay!
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Paunang Salita
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 111
Ipinapamalas lamang ng Diyos na nagkatawang-tao ang Kanyang sarili sa ilang tao na sumusunod sa Kanya sa panahong ito kung kailan personal Niyang isinasagawa ang Kanyang gawain, at hindi sa lahat ng nilalang. Naging tao lamang Siya upang makumpleto ang isang yugto ng Kanyang gawain, hindi upang ipakita sa tao ang Kanyang larawan. Gayunpaman, dapat na isakatuparan Niya mismo ang Kanyang gawain, kaya kinakailangan Niya itong gawin sa katawang-tao. Kapag nagtatapos na ang gawaing ito, aalis na Siya mula sa daigdig ng mga tao; hindi Siya maaaring manatili nang mahabang panahon sa sangkatauhan dahil sa takot na mahadlangan ang darating na gawain. Ang ipinapamalas Niya sa marami ay ang Kanya lamang matuwid na disposisyon at ang lahat ng Kanyang gawa, at hindi ang larawan nang dalawang beses Siyang nagkatawang-tao, dahil ang larawan ng Diyos ay maaari lamang maipakita sa Kanyang disposisyon, at hindi mapapalitan ng larawan ng Kanyang nagkatawang-taong laman. Ipinapakita lamang sa limitadong bilang ng mga tao ang larawan ng Kanyang katawang-tao, tanging sa mga taong sumusunod sa Kanya habang gumagawa Siya sa katawang-tao. Ito ang dahilan kung bakit ang gawaing isinasakatuparan ngayon ay ginagawa nang lihim. Tulad ni Jesus na ipinakita lamang ang Kanyang sarili sa mga Hudyo noong ginawa Niya ang Kanyang gawain, at hindi kailanman hayagan na ipinakita ang Kanyang sarili sa ibang bansa. Kaya, sa sandaling nakumpleto Niya ang Kanyang gawain, kaagad Niyang nilisan ang mundo ng mga tao at hindi nanatili; pagkatapos, hindi Siya, na larawan ng tao, ang nagpakita ng Kanyang sarili sa tao, kundi ang Banal na Espiritu na direktang nagsakatuparan ng gawain. Kapag ganap nang natapos ang gawain ng Diyos na nagkatawang-tao, aalis na Siya mula sa mortal na mundo, at hindi na Siya kailanman muling gagawa ng anumang gawain na katulad ng Kanyang ginawa noong Siya ay nagkatawang-tao. Pagkatapos nito, ang gawain ay direktang ginagawa lahat ng Banal na Espiritu. Sa panahong ito, halos hindi nakikita ng tao ang Kanyang larawan sa katawang-tao; hindi Niya ipinapakita ang Kanyang sarili sa tao sa anumang paraan, at nananatiling nakatago magpakailanman. May limitadong oras para sa gawain ng Diyos na nagkatawang-tao. Isinasakatuparan ito sa isang tiyak na kapanahunan, oras, bansa at sa mga partikular na tao. Ang gawaing ito ay kumakatawan lamang sa gawain sa panahong ang Diyos ay nagkatawang-tao; ito ay kumakatawan sa isang kapanahunan, at kumakatawan ito sa gawain ng Espiritu ng Diyos sa isang partikular na kapanahunan, at hindi sa kabuuan ng Kanyang gawain. Samakatuwid, hindi nagpapakita sa lahat ng tao ang larawan ng Diyos na nagkatawang-tao. Ang nagpapakita sa marami ay ang kabuuan ng pagiging matuwid ng Diyos at ng Kanyang disposisyon, sa halip na ang Kanyang larawan nang dalawang beses Siyang naging tao. Ang nagpapakita sa tao ay hindi ang isang larawan, ni ang dalawang larawang pinagsama. Samakatuwid, kinakailangang umalis sa daigdig ang laman ng nagkatawang-taong Diyos kapag nakumpleto na ang gawain na kailangan Niyang gawin, sapagkat dumarating lamang Siya upang gawin ang gawain na dapat Niyang gawin, at hindi upang ipakita sa mga tao ang Kanyang larawan. Kahit na ang kahalagahan ng pagkakatawang-tao ay natupad na ng Diyos nang dalawang beses Siyang maging tao, hindi pa rin Niya lantarang ipapamalas ang Kanyang sarili sa anumang bansa na kailanman ay hindi pa Siya nakita. Hindi na kailanman muling ipapakita ni Jesus ang Kanyang sarili sa mga Hudyo bilang ang Araw ng katuwiran, at hindi na rin Siya aakyat sa Bundok ng mga Olibo at magpapakita sa lahat ng tao; ang nakita lamang ng mga Hudyo ay ang larawan ni Jesus sa Kanyang panahon sa Judea. Ito ay dahil ang gawain ni Jesus sa Kanyang pagkakatawang-tao ay natapos na dalawang libong taon na ang nakakaraan; hindi Siya babalik sa Judea sa larawan ng isang Hudyo, lalo nang hindi Niya ipapakita ang Kanyang sarili sa larawan ng isang Hudyo sa alinman sa mga bansang Hentil, sapagkat ang larawan ni Jesus na nagkatawang-tao ay ang larawan lamang ng isang Hudyo, at hindi ang larawan ng Anak ng tao na nakita ni Juan. Bagama’t ipinangako ni Jesus sa Kanyang mga tagasunod na Siya ay muling darating, hindi Niya basta ipapakita ang Kanyang sarili sa larawan ng isang Hudyo sa lahat ng nasa mga bansang Hentil. Dapat ninyong malaman na ang gawain ng Diyos na naging tao ay ang magbukas ng isang bagong kapanahunan. Ang gawaing ito ay limitado sa iilang taon, at hindi Niya matatapos ang lahat ng gawain ng Espiritu ng Diyos, kapareho ng kung paanong ang larawan ni Jesus bilang isang Hudyo ay maaari lamang kumatawan sa larawan ng Diyos noong gumawa Siya sa Judea, at ang maaari lamang Niyang gawin ay ang gawain ng pagpapapako sa krus. Noong panahon na si Jesus ay nagkatawang-tao, hindi Niya maaaring gawin ang gawain ng paghahatid ng kapanahunan sa isang katapusan o pagwasak sa sangkatauhan. Samakatuwid, pagkatapos Niyang maipako sa krus at matapos ang Kanyang gawain, umakyat Siya sa kaitaasan at ikinubli ang Kanyang sarili mula sa tao magpakailanman. Mula noon, ang mga tapat na mananampalataya sa mga bansang Hentil ay hindi nakakita ng pagpapamalas ng Panginoong Jesus, at nakita lamang ang larawan Niya na inilagay nila sa mga pader. Ang larawan na ito ay isa lamang guhit ng tao, at hindi ang larawan na ipinakita ng Diyos Mismo sa tao. Hindi lantarang ipapakita ng Diyos ang Kanyang sarili sa maraming tao sa larawan nang Siya ay dalawang beses na nagkatawang-tao. Ang gawaing ginagawa Niya sa sangkatauhan ay ang tulutan silang maunawaan ang Kanyang disposisyon. Itong lahat ay ipinapakita sa tao sa pamamagitan ng gawain ng iba’t ibang kapanahunan; natutupad ito sa pamamagitan ng disposisyon na ipinaalam Niya at ng gawaing Kanyang isinakatuparan, sa halip na sa pamamagitan ng pagpapakita ni Jesus. Ibig sabihin, ang larawan ng Diyos ay ipinapaalam sa tao hindi sa pamamagitan ng nagkatawang-taong larawan, kundi sa pamamagitan ng gawain na isinagawa ng Diyos na nagkatawang-tao na may kapwa larawan at anyo; at sa pamamagitan ng Kanyang gawain, ang Kanyang larawan ay ipinapakita at ang Kanyang disposisyon ay ipinapaalam. Ito ang kahalagahan ng gawain na nais Niyang gawin sa katawang-tao.
Sa sandaling ang gawain ng dalawang pagkakatawang-tao ng Diyos ay dumarating na sa katapusan, magsisimula na Siyang magpakita ng Kanyang matuwid na disposisyon sa lahat ng bansa ng mga hindi mananampalataya, na magtutulot sa maraming tao na makita ang Kanyang larawan. Ipapamalas Niya ang Kanyang disposisyon at sa pamamagitan nito ay gagawing malinaw ang katapusan ng iba’t ibang uri ng tao, sa gayong paraan ay madadala ang lumang kapanahunan sa ganap na katapusan. Ang dahilan kung bakit ang Kanyang gawain sa katawang-tao ay hindi napakalawak (katulad noong gumawa lamang si Jesus sa Judea, at ngayon ay gumagawa lamang Ako sa inyo) ay dahil ang Kanyang gawain sa katawang-tao ay may mga hangganan at limitasyon. Isinasagawa lamang Niya ang isang maikling panahon ng gawain sa larawan ng isang karaniwan at normal na katawang-tao; hindi Niya ginagamit ang laman na ito na nagkatawang-tao para isakatuparan ang gawain ng walang hanggan o ang gawain ng pagpapakita sa mga tao ng mga bansa ng mga hindi mananampalataya. Ang gawain sa katawang-tao ay limitado lamang ang saklaw (gaya ng paggawa lamang sa Judea o sa inyo), at pagkatapos, ang saklaw nito ay maaaring palawakin sa pamamagitan ng gawain na isinasakatuparan sa loob ng mga hangganan na ito. Siyempre, ang gawain ng pagpapalawak ay direktang isasagawa ng Kanyang Espiritu at hindi na magiging gawain ng Kanyang katawang-tao. Sapagkat ang gawain sa katawang-tao ay may mga hangganan at hindi umaabot sa lahat ng sulok ng sansinukob—ito ay hindi nito magagawa. Sa pamamagitan ng gawain sa katawang-tao, isinasakatuparan ng Kanyang Espiritu ang susunod na gawain. Samakatuwid, ang gawain na ginawa sa katawang-tao ay isa sa simulaing isinasakatuparan sa loob ng mga hangganan; pagkatapos nito, ang Kanyang Espiritu ang nagpapatuloy sa gawaing ito, at ginagawa Niya ito sa mas malawak na saklaw.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao 2
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 112
Dumarating ang Diyos upang gumawa sa lupa para lamang gabayan ang kapanahunan; ang tanging layunin Niya ay ang magbukas ng isang bagong kapanahunan at dalhin ang luma sa katapusan. Hindi Siya naparito upang isabuhay ang buong buhay ng isang tao sa lupa, upang maranasan Niya Mismo ang mga kasiyahan at kalungkutan ng buhay sa mundo ng tao, o upang gawing perpekto ang isang tao sa pamamagitan ng Kanyang kamay o personal na panoorin ang isang partikular na tao habang siya ay lumalaki. Hindi Niya ito gawain; ang Kanyang gawain lamang ay ang simulan ang bagong kapanahunan at tapusin ang luma. Ibig sabihin, personal Siyang magsisimula ng isang kapanahunan, personal na dadalhin ang isa pa sa katapusan, at tatalunin si Satanas sa pamamagitan ng personal na pagsasagawa ng Kanyang gawain. Tuwing isinasakatuparan Niya ang Kanyang gawain nang personal, tila inilalagay Niya ang isa Niyang paa sa lugar ng digmaan. Una, nilulupig Niya ang mundo at nagwawagi laban kay Satanas habang nasa katawang-tao; nagtatamo Siya ng lahat ng kaluwalhatian at sinisimulan ang kabuuan ng gawain ng dalawang libong taon, ito ay upang ang lahat ng tao sa mundo ay magkaroon ng tamang landas na susundan, at isang buhay na payapa at masaya. Gayunman, ang Diyos ay hindi maaaring mamuhay na kasama ng tao sa mundo nang matagal, dahil ang Diyos ay Diyos, at hindi tulad ng tao matapos ang lahat. Hindi Niya maaaring isabuhay ang buong buhay ng isang normal na tao, ibig sabihin, hindi Siya maaaring tumira sa mundo bilang isang taong ordinaryo lamang, dahil mayroon lamang Siyang napakaliit na bahagi ng normal na pagkatao ng isang normal na tao para tustusan ang Kanyang buhay bilang tao. Sa madaling salita, paano makakapagsimula ang Diyos ng pamilya, magkakaroon ng karera, at magpapalaki ng mga anak sa mundo? Hindi ba ito magiging isang kahihiyan sa Kanya? Ang pagkakaroon Niya ng normal na pagkatao ay para lamang sa layunin na isakatuparan ang gawain sa normal na paraan, hindi upang bigyan Siya ng kakayahang magkaroon ng isang pamilya at propesyon na tulad ng isang normal na tao. Ang Kanyang normal na pandama, normal na pag-iisip, at ang normal na pagpapakain at pagdadamit sa Kanyang katawang-tao ay sapat na upang patunayang mayroon Siyang normal na pagkatao; hindi na Niya kailangang magkaroon ng pamilya o karera upang patunayang Siya ay pinagkalooban ng normal na pagkatao. Ito ay ganap na hindi kinakailangan! Ang pagdating ng Diyos sa mundo ay ang pagiging tao ng Salita; pinahihintulutan lamang Niya ang tao na maintindihan ang Kanyang salita at makita ang Kanyang salita, ibig sabihin, pinapahintulutan ang tao na makita ang gawaing isinasagawa ng katawang-tao. Ang Kanyang layunin ay hindi para tratuhin ng mga tao ang Kanyang katawang-tao sa isang partikular na paraan, kundi para lamang ang tao ay maging masunurin hanggang sa katapusan, iyon ay, upang sundin ang lahat ng salita na lumalabas mula sa Kanyang bibig, at para magpasakop sa lahat ng gawain na Kanyang ginagawa. Siya ay gumagawa lamang sa katawang-tao; hindi Siya sadyang humihingi sa tao na purihin ang kadakilaan at kabanalan ng Kanyang katawang-tao, kundi ipinapakita sa tao ang karunungan ng Kanyang gawain at lahat ng awtoridad na Kanyang hawak. Samakatuwid, kahit na Siya ay may katangi-tanging pagkatao, hindi Siya gumagawa ng mga anunsyo, at nakatuon lamang sa gawain na dapat Niyang gawin. Dapat ninyong malaman kung bakit ang Diyos ay naging tao at gayunman ay hindi inilalabas o pinatototohanan ang Kanyang normal na pagkatao, kundi isinasagawa lamang ang gawain na nais Niyang gawin. Kung gayon, ang lahat ng inyong makikita mula sa nagkatawang-taong Diyos ay kung ano ang Kanyang pagka-Diyos; ito ay dahil hindi Niya inihahayag kailanman kung ano ang Kanyang pagkatao upang tularan ng tao. Nagsasalita lamang ang tao kung ano ang pagkatao kapag pinamumunuan niya ang ibang mga tao, upang mas makamit niya ang kanilang paghanga at matibay na paniniwala at nang sa gayon ay mapamunuan ang iba. Kabaligtaran nito, nilulupig ng Diyos ang tao sa pamamagitan lamang ng Kanyang gawain (na ang ibig sabihin ay ang gawaing hindi natatamo ng tao); hindi kailangang hangaan Siya ng tao, o ipagawa Niya sa tao na pakamahalin Siya. Ang ginagawa lamang Niya ay ikintal sa tao ang damdamin ng paggalang sa Kanya o ang pagkaunawa sa Kanyang pagiging di-maarok. Hindi na kailangan ng Diyos na magpahanga sa tao; ang kailangan lang Niya ay ang gumalang ka sa Kanya kapag nasaksihan mo ang Kanyang disposisyon. Ang gawain na ginagawa ng Diyos ay sarili Niya; hindi ito maaaring gawin ng tao bilang kahalili Niya, ni maisasakatuparan ng tao. Tanging ang Diyos Mismo ang makakagawa ng Kanyang sariling gawain at makapaghahatid ng isang bagong kapanahunan upang pangunahan ang tao sa mga bagong pamumuhay. Ang gawain na Kanyang ginagawa ay ang bigyang kakayahan ang tao na magkaroon ng isang bagong buhay at pumasok sa isang bagong kapanahunan. Ang lahat ng iba pang gawain ay ipinapasa sa mga tao na mayroong normal na pagkatao at hinahangaan ng iba. Kung kaya, sa Kapanahunan ng Biyaya, tinapos Niya ang dalawang libong taon na gawain sa loob lamang ng tatlo at kalahating taon ng Kanyang tatlumpu’t tatlong taon na nasa katawang-tao. Kapag dumarating ang Diyos sa lupa upang isakatuparan ang Kanyang gawain, palagi Niyang tinatapos ang dalawang libong taon na gawain o ang isang buong kapanahunan sa loob lamang ng ilang taon. Hindi Siya tumitigil, at hindi Siya nag-aantala; pinaiikli lamang Niya ang gawain ng maraming taon upang ito ay matapos sa loob lamang ng ilang maiikling taon. Ito ay dahil ang gawain na Kanyang personal na ginagawa ay ang magbukas lamang ng isang daan palabas at pamunuan ang isang bagong kapanahunan.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao 2
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 113
Kapag ipinatutupad ng Diyos ang Kanyang gawain, Siya ay dumarating hindi upang makibahagi sa anumang pagtatayo o mga pagkilos, kundi upang tuparin ang Kanyang ministeryo. Sa bawat pagkakataon na Siya ay nagiging tao, ito ay para lamang maisakatuparan ang isang yugto ng gawain at magbukas ng isang bagong kapanahunan. Ngayon ang Kapanahunan ng Kaharian ay dumating na, at gayundin ang pagsasanay ng kaharian. Ang yugtong ito ng gawain ay hindi ang gawain ng tao, hindi ito upang hubugin ang tao sa isang partikular na antas, ito ay para buuin lamang ang isang bahagi ng gawain ng Diyos. Ang Kanyang ginagawa ay hindi gawain ng tao, hindi ito upang makamit ang ilang resulta sa paggawa sa tao bago Niya lisanin ang lupa; ito ay upang tuparin ang Kanyang ministeryo at tapusin ang gawain na kailangan Niyang gawin, na ang gumawa ng angkop na mga pagsasaayos para sa Kanyang gawain sa lupa, at nang sa gayon ay magtamo ng kaluwalhatian. Ang gawain ng nagkatawang-tao na Diyos ay hindi tulad ng sa mga tao na ginamit ng Banal na Espiritu. Kapag dumarating ang Diyos para gawin ang Kanyang gawain sa lupa, ang isinasaalang-alang Niya lamang ay ang katuparan ng Kanyang ministeryo. Patungkol naman sa lahat ng iba pang bagay na walang kinalaman sa Kanyang ministeryo, hindi Siya halos nakikibahagi, maging hanggang sa punto ng pagwawalang-bahala. Isinasagawa lamang Niya ang gawaing dapat Niyang gawin, at pinakahuli sa Kanyang isinasaalang-alang ay ang tungkol sa gawaing dapat gawin ng tao. Ang gawain na ginagawa Niya ay tumutukoy lamang sa kapanahunang kinapapalooban Niya at sa ministeryo na dapat Niyang tuparin, na para bang ang iba pang bagay ay nasa labas ng saklaw Niya. Hindi Niya binibigyan ang Kanyang sarili ng mas maraming payak na kaalaman tungkol sa pamumuhay bilang isa sa sangkatauhan, ni natututo Siya ng higit na kasanayan sa pakikipagkapwa, ni sinasangkapan ang Sarili Niya ng ano pa mang naiintindihan ng tao. Hindi man lang Niya inaalala ang anumang dapat taglayin ng tao at ang tanging ginagawa Niya ay ang gawain na Kanyang tungkulin. At kaya, sa paningin ng tao, ang nagkatawang-tao na Diyos ay kulang sa napakaraming bagay, kung kaya’t hindi man lang Niya pinapansin ang maraming bagay na dapat mayroon ang tao, at wala Siyang pang-unawa sa mga ganitong bagay. Ang mga bagay tulad ng pangkaraniwang kaalaman tungkol sa buhay, pati na ang mga prinsipyo sa personal na pag-uugali at pakikipag-ugnayan sa iba, ay lumilitaw na walang kaugnayan sa Kanya. Ngunit, sadyang hindi mo mararamdaman mula sa nagkatawang-tao na Diyos ang kahit na kaunting pahiwatig ng pagiging di-normal. Ibig sabihin, pinananatili lamang ng Kanyang pagkatao ang Kanyang buhay bilang isang normal na tao at ang normal na pangangatwiran ng Kanyang pag-iisip, na nagbibigay sa Kanya ng kakayahang kumilala sa pagitan ng tama at mali. Gayunman, hindi Siya binigyan ng anupamang ibang bagay, na kung ano ang dapat taglayin lamang ng tao (mga nilikha). Ang Diyos ay nagiging tao lamang upang tuparin ang Kanyang ministeryo. Ang Kanyang gawain ay nakadirekta sa isang buong kapanahunan, hindi sa sinumang tao o anumang lugar, kundi sa buong sansinukob. Ito ang direksyon ng Kanyang gawain at ang prinsipyo kung paano Siya gumagawa. Walang sinuman ang makakapagpabago nito, at walang paraan na magiging kabahagi ang tao rito. Sa bawat pagkakataong ang Diyos ay nagiging tao, dinadala Niya kasama Niya ang gawain ng kapanahunang iyon, at walang balak na mamuhay kasama ng tao sa loob ng dalawampu, tatlumpu, apatnapu, o kahit pitumpu o walumpung taon upang mas mahusay niyang maunawaan at makamit ang kabatiran sa Kanya. Walang pangangailangan para sa ganyan! Gawin man iyan ay hindi mapapalalim ang kaalamang taglay ng tao ukol sa likas na disposisyon ng Diyos; sa halip, makakadagdag lang ito sa kanyang mga kuru-kuro at magsasanhi sa kanyang mga kuru-kuro at mga saloobin na maging makaluma. At kaya tungkulin ninyong lahat na maintindihan kung ano mismo ang gawain ng nagkatawang-taong Diyos. Tiyak na hindi kayo mabibigong maunawaan ang mga salitang Aking sinabi sa inyo: “Hindi upang maranasan ang buhay ng isang normal na tao kaya Ako ay pumarito”? Nalimutan na ba ninyo ang mga salitang: “Ang Diyos ay dumarating sa lupa hindi upang ipamuhay ang buhay ng isang normal na tao”? Hindi ninyo nauunawaan ang layunin ng Diyos sa pagiging tao, ni nalalaman ninyo ang kahulugan ng “Paanong ang Diyos ay paparito sa lupa sa layuning maranasan ang buhay ng isang nilalang?” Dumarating ang Diyos sa lupapara ganapin lamang ang Kanyang gawain, at kaya ang Kanyang gawain sa lupa ay hindi nagtatagal. Dumarating Siya sa lupa na walang layunin na sanhiin ang Espiritu ng Diyos na linangin ang Kanyang katawang-tao na maging isang pambihirang tao na mamumuno sa iglesia. Kapag dumarating ang Diyos sa lupa, ito ay ang Salita na nagiging tao; gayunman, ang tao ay hindi nakakakilala ng Kanyang gawain at sapilitang ipinalalagay ang mga bagay sa Kanya. Ngunit dapat ninyong matantong lahat na ang Diyos ay ang Salita na nagkatawang-tao, hindi isang katawang gawa sa laman na nalinang ng Espiritu ng Diyos upang akuin ang tungkulin ng Diyos sa ngayon. Ang Diyos Mismo ay hindi produkto ng paglilinang, kundi ang Salita na nagkatawang-tao, at ngayon ay opisyal Niyang isinasagawa ang Kanyang gawain sa inyong lahat. Nalalaman at kinikilala ninyong lahat na ang pagkakatawang-tao ng Diyos ay isang katotohanang tunay, ngunit kumikilos kayo na para bang nauunawaan ninyo ito. Mula sa gawain ng nagkatawang-taong Diyos hanggang sa kahalagahan at diwa ng Kanyang pagkakatawang-tao, hindi ninyo kayang matarok ang mga ito kahit kaunti at sumusunod lamang kayo sa iba sa kawili-wiling pagbigkas ng mga salita mula sa memorya. Naniniwala ka bang ang nagkatawang-taong Diyos ay gaya ng iyong inaakala?
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao 3
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 114
Nagiging tao lamang ang Diyos upang pamunuan ang kapanahunan at simulan ang bagong gawain. Kinakailangan ninyong maunawaan ang puntong ito. Ibang-iba ito sa tungkulin ng tao, at talagang magkaiba ang dalawa. Ang tao ay nangangailangan na malinang at magawang perpekto sa loob ng mahabang panahon bago siya maaaring magamit upang isagawa ang gawain, at ang uri ng pagkatao na kinakailangan ay may napakataas na antas. Hindi lamang dapat mapanatili ng tao ang pakiramdam ng normal na pagkatao, kundi dapat mas lalo pa niyang maunawaan ang maraming prinsipyo at patakaran ng pamamahala ng kanyang pag-uugali kaugnay sa iba, at higit pa rito ay dapat mangakong lalo pa siyang mag-aaral tungkol sa karunungan at kaalaman sa etika ng tao. Ito ang nararapat na ipagkaloob sa tao. Gayunman, ito ay hindi para sa Diyos na naging tao, dahil ang Kanyang gawain ay hindi kumakatawan sa tao o sa gawain ng tao; sa halip, ito ay isang tuwirang pagpapahayag ng kung ano Siya at isang tuwirang pagsasagawa ng gawain na dapat Niyang gawin. (Natural, isinasagawa ang Kanyang gawain sa angkop na panahon, at hindi lang basta-basta at sapalaran, at sinisimulan ito kapag oras na para tuparin ang Kanyang ministeryo.) Hindi Siya nakikibahagi sa buhay ng tao o gawain ng tao, iyon ay, ang Kanyang pagkatao ay hindi binigyan ng alinman sa mga ito (bagaman hindi ito nakakaapekto sa Kanyang gawain). Tinutupad Niya lamang ang Kanyang ministeryo kapag oras na para gawin Niya ito; anuman ang Kanyang katayuan, ipinagpapatuloy Niya lamang ang gawain na dapat Niyang gawin. Anuman ang alam ng tao sa Kanya at anuman ang opinyon ng tao sa Kanya, ang Kanyang gawain ay lubos na hindi naaapektuhan. Halimbawa, nang isinagawa ni Jesus ang Kanyang gawain, wala talagang nakakilala kung sino Siya, ngunit ipinagpatuloy Niya lamang ang Kanyang gawain. Wala sa mga ito ang nakahadlang sa Kanya sa pagsasagawa ng gawain na kinakailangan Niyang gawin. Samakatuwid, hindi muna Niya inamin o ipinahayag ang Kanyang sariling pagkakakilanlan, at pinasunod lamang Niya ang tao sa Kanya. Natural na hindi lamang ito pagpapakumbaba ng Diyos, ito rin ang paraan kung saan ang Diyos ay gumawa sa katawang-tao. Sa ganitong paraan lamang Siya maaaring gumawa, dahil ang tao ay walang paraan na makilala Siya sa pamamagitan ng mata lamang. At kung nakilala man Siya ng tao, hindi rin makakatulong ang tao sa Kanyang gawain. At saka, hindi Siya naging tao para makilala ng tao ang Kanyang katawang-tao; ito ay upang isagawa ang gawain at tuparin ang Kanyang ministeryo. Sa kadahilanang ito, hindi Niya binigyang kahalagahan na isapubliko ang Kanyang pagkakakilanlan. Nang natapos na Niya ang lahat ng gawain na dapat Niyang gawin, ang Kanyang buong pagkakakilanlan at katayuan ay natural na naging malinaw sa tao. Ang Diyos na naging tao ay nananatiling tahimik at hindi kailanman gumagawa ng kahit anong proklamasyon. Hindi Niya pinapansin ang tao o kung gaano na nakakasunod ang tao sa Kanya, kundi ipinagpapatuloy lamang Niya ang pagtupad sa Kanyang ministeryo at pagsasagawa ng gawain na dapat Niyang gawin. Walang sinuman ang kayang makahadlang sa gawain Niya. Kapag dumating na ang oras para tapusin Niya ang Kanyang gawain, tiyak itong matatapos at madadala sa katapusan, at walang kayang magdikta na hindi. Tanging pagkatapos Niyang lisanin ang tao sa pagkumpleto ng Kanyang gawain na mauunawaan ang gawain na ginagawa Niya, bagama’t hindi pa rin ganap na malinaw. At aabutin ng mahabang panahon para lubusang maunawaan ng tao ang layunin nang una Niyang isinagawa ang Kanyang gawain. Sa madaling salita, ang gawain sa kapanahunan ng nagkatawang-tao na Diyos ay nahahati sa dalawang bahagi. Ang isang bahagi ay binubuo ng gawain na ginagawa ng katawang-taong laman ng Diyos Mismo at ang mga salitang binibigkas ng katawang-taong laman ng Diyos Mismo. Sa sandaling ang ministeryo ng Kanyang katawang-tao ay ganap na matupad, ang isa pang bahagi ng gawain ay nananatiling isasagawa ng mga ginagamit ng Banal na Espiritu. Ito na ang panahon na dapat tuparin ng tao ang kanyang tungkulin, dahil binuksan na ng Diyos ang daan, at kinakailangan na itong lakaran ng tao mismo. Ibig sabihin, ang Diyos na nagkatawang-tao ay isinasagawa ang isang bahagi ng gawain, at pagkatapos ang Banal na Espiritu pati na rin yaong mga ginamit ng Banal na Espiritu ang papalit sa gawaing ito. Samakatuwid, dapat malaman ng tao kung ano ang gawaing pangunahin na isinasagawa ng Diyos na nagkatawang-tao sa yugtong ito, at dapat niyang maunawaan kung ano mismo ang kahalagahan ng pagkakatawang-tao ng Diyos at kung ano ang gawaing dapat Niyang gawin, at hindi humingi sa Diyos alinsunod sa mga hinihingi sa tao. Nandito ang pagkakamali ng tao, ang kanyang kuru-kuro, at lalo na ang kanyang pagsuway.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao 3
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 115
Ang Diyos ay nagkakatawang-tao hindi para sa layuning tulutan ang tao na makilala ang Kanyang katawang-tao, o tulutan ang tao na makita ang mga kaibahan sa pagitan ng katawan ng Diyos na nagkatawang-tao at yaong sa tao; ni ang Diyos ay nagiging tao upang sanayin ang kakayahan ng tao sa pagkilatis, at lalo nang hindi sa intensyong tulutan ang tao na sambahin ang katawang-taong laman ng Diyos, nang sa gayon ay magkaroon ng dakilang kaluwalhatian. Wala sa mga bagay na ito ang intensyon ng Diyos sa pagiging tao. Hindi rin nagiging tao ang Diyos upang kondenahin ang tao, ni ibunyag ang tao nang sadya, ni gawing mahirap ang mga bagay para sa kanya. Wala sa mga bagay na ito ang intensyon ng Diyos. Tuwing ang Diyos ay nagkakatawang-tao, ito ay isang uri ng gawaing hindi maiiwasan. Para sa kapakinabangan ng Kanyang mas malaking gawain at Kanyang mas malaking pamamahala kaya Siya kumikilos gaya ng ginagawa Niya, at hindi para sa mga dahilang naiisip ng tao. Ang Diyos ay dumarating lamang sa lupa ayon sa hinihingi ng Kanyang gawain, at kung kinakailangan lamang. Hindi Siya pumaparito sa lupa na may intensyong tumingin-tingin lang sa paligid, kundi isagawa ang gawaing dapat Niyang gawin. Bakit pa Niya gagampanan ang ganoon kabigat na pasanin at haharapin ang mga ganoon kalubhang panganib upang isagawa ang gawaing ito? Ang Diyos ay nagkakatawang-tao lamang kapag kailangan Niya, at palaging may natatanging kabuluhan. Kung ito lamang ay para sa kapakanan ng pagpapahintulot sa mga tao na makita Siya at mapalawak ang kanilang mga karanasan, ganap na tiyak na hindi Siya kailanman tutungo sa mga tao nang basta-basta. Siya ay dumarating sa lupa para sa kapakanan ng Kanyang pamamahala at ng Kanyang mas malaking gawain, at upang makamit Niya ang higit pang sangkatauhan. Siya ay dumarating upang kumatawan sa kapanahunan, dumarating Siya upang talunin si Satanas, at upang talunin si Satanas Siya ay nagdadamit ng katawang-tao. Higit pa rito, Siya ay dumarating upang gabayan ang buong lahi ng tao sa kanilang pamumuhay ng kanilang mga buhay. Ang lahat ng ito ay may kinalaman sa Kanyang pamamahala, at ito ay may kinalaman sa gawain sa buong sansinukob. Kung ang Diyos ay naging tao lamang upang pahintulutan ang mga tao na makilala ang Kanyang katawang-tao at buksan ang mga mata ng mga tao, bakit hindi Siya naglalakbay sa bawat bansa? Hindi ba ito isang bagay na napakadali? Ngunit hindi Niya ito ginawa, sa halip ay pumili ng isang angkop na lugar upang manirahan at simulan ang gawain na dapat Niyang gawin. Ang katawang-tao lang na ito ay malaki na ang kahalagahan. Kinakatawan Niya ang buong kapanahunan, at isinasagawa rin ang gawain ng buong kapanahunan; pareho Niyang dinadala ang naunang kapanahunan sa katapusan at inihahatid ang bago. Ang lahat ng ito ay isang mahalagang bagay na may kinalaman sa pamamahala ng Diyos, at lahat ng ito ang kahalagahan ng isang yugto ng gawain na isinagawa ng Diyos na dumating sa lupa.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao 3
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 116
Ang pagliligtas ng Diyos sa tao ay hindi direktang ginagawa gamit ang pamamaraan ng Espiritu at pagkakakilanlan ng Espiritu, sapagkat ang Kanyang Espiritu ay hindi maaaring mahawakan o makita ng tao, at hindi Siya maaaring malapitan ng tao. Kung sinubukan Niyang direktang iligtas ang tao sa paraan ng Espiritu, hindi magagawa ng tao na tanggapin ang Kanyang pagliligtas. Kung hindi isinuot ng Diyos ang panlabas na anyo ng isang nilalang na tao, hindi magkakaroon ang tao ng paraan para tanggapin ang kaligtasang ito. Sapagkat walang paraan ang tao upang makalapit sa Kanya, katulad ng walang nakalapit sa ulap ni Jehova. Personal Niyang magagawa ang salita sa lahat ng sumusunod sa Kanya sa pamamagitan lamang ng pagiging isang nilikhang tao, ibig sabihin, sa pamamagitan ng paglalagay ng Kanyang salita sa Kanyang magiging katawang-tao. Sa ganitong paraan lamang maaaring personal na makita at marinig ng tao ang Kanyang salita, at higit pa rito, taglayin ang Kanyang salita, at nang sa gayon ay lubusang mailigtas. Kung ang Diyos ay hindi naging katawang-tao, walang nagtataglay ng laman at dugo ang makakatanggap ng ganoon kadakilang kaligtasan, at wala rin kahit isang tao ang maliligtas. Kung ang Espiritu ng Diyos ay gumawa nang direkta sa gitna ng sangkatauhan, ang buong sangkatauhan ay babagsak o di kaya ay ganap na mabibihag ni Satanas dahil hindi kaya ng tao na makalapit sa Diyos. Ang unang pagkakatawang-tao ay upang tubusin ang tao mula sa kasalanan sa pamamagitan ng katawang-tao ni Jesus, na ang ibig sabihin ay iniligtas Niya ang tao mula sa krus, ngunit ang tiwaling satanikong disposisyon ng tao ay nanatili pa rin sa loob ng tao. Ang ikalawang pagkakatawang-tao ay hindi na upang magsilbing handog para sa kasalanan kundi upang lubos na iligtas ang mga taong tinubos mula sa kasalanan. Ito ay ginagawa upang ang mga pinatawad na ay mailigtas mula sa kanilang mga kasalanan at gawing lubos na malinis, at sa pagkakamit ng pagbabago sa disposisyon ay makakawala sila sa impluwensya ng kadiliman ni Satanas at makakabalik sa harap ng trono ng Diyos. Tanging sa paraang ito maaaring lubos na mapabanal ang tao. Sinimulan ng Diyos ang gawain ng pagliligtas sa Kapanahunan ng Biyaya nang matapos na ang Kapanahunan ng Kautusan. Nagpatuloy ito hanggang sa mga huling araw, kung kailan ganap na dadalisayin ng Diyos ang sangkatauhan sa pamamagitan ng paghatol at pagkastigo sa tao dahil sa kanilang pagiging suwail. Pagkatapos nito ay saka lamang mawawakasan ng Diyos ang Kanyang gawain ng pagliligtas at makapagpapahinga ang Diyos. Samakatuwid, sa tatlong yugto ng gawain, dalawang beses lamang nagkatawang-tao ang Diyos upang maisagawa Niya Mismo ang Kanyang gawain sa tao. Iyon ay dahil isa lamang sa tatlong yugto ng gawain ang aakay sa mga tao sa kanilang mga buhay, habang ang dalawa pang iba ay binubuo ng gawain ng pagliligtas. Sa pamamagitan lamang ng pagkakatawang-tao maaaring mamuhay ang Diyos na kasama ng tao, maranasan ang paghihirap ng mundo, at mamuhay sa isang normal na katawang may laman. Sa ganitong paraan lamang Niya maaaring matustusan ang mga tao ng praktikal na paraan na kailangan nila bilang mga nilalang. Ang tao ay nakakatanggap ng lubos na kaligtasan mula sa Diyos sa pamamagitan ng pagkakatawang-tao ng Diyos, at hindi direkta mula sa langit bilang kasagutan sa kanyang mga panalangin. Sapagkat ang tao ay may laman at dugo, walang paraan ang tao na makita ang Espiritu ng Diyos, at lalong hindi nito malalapitan ang Kanyang Espiritu. Ang makakaugnayan lamang ng tao ay ang katawan ng Diyos na nagkatawang-tao, at sa pamamagitan lamang nito nauunawaan ng tao ang lahat ng pamamaraan at lahat ng katotohanan at matatanggap ang ganap na kaligtasan. Ang ikalawang pagkakatawang-tao ay sapat na upang alisin ang mga kasalanan ng tao at lubos na dalisayin ang tao. Samakatuwid, sa pangalawang pagkakatawang-tao, mawawakasan ang lahat ng gawain ng Diyos sa katawang-tao at makukumpleto ang kabuluhan ng pagkakatawang-tao ng Diyos. Pagkatapos noon, ang gawain ng Diyos sa katawang-tao ay lubos na magtatapos. Pagkatapos ng ikalawang pagkakatawang-tao, hindi na Siya muling magiging katawang-tao sa ikatlong pagkakataon para sa Kanyang gawain. Sapagkat ang Kanyang buong pamamahala ay natapos na. Sa pamamagitan ng pagkakatawang-tao sa mga huling araw ay ganap nang nakamit ang Kanyang hinirang na mga tao, at napaghiwalay ayon sa kanilang uri ang sangkatauhan sa mga huling araw. Siya ay hindi na gagawa ng gawain ng pagliligtas, ni babalik sa katawang-tao upang magsakatuparan ng anumang gawain.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao 4
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 117
Ang nakamit ng tao ngayon—ang kasalukuyan niyang tayog, kaalaman, pag-ibig, katapatan, pagkamasunurin, at kabatiran—ay ang mga resulta na nakamit sa pamamagitan ng paghatol ng salita. Nakakaya mong magkaroon ng katapatan at manatiling nakatayo hanggang sa araw na ito dahil sa salita. Ngayon ay nakikita ng tao na ang gawain ng Diyos na nagkatawang-tao ay sadyang higit sa karaniwan, at napakarami rito ay hindi magagawang makamit ng tao, at mga hiwaga at mga kababalaghan. Samakatuwid, marami ang nagpasakop na. Ang ilan ay hindi kailanman nagpasakop sa sinumang tao magmula nang ipanganak sila, gayunma’y kapag nakikita nila ang mga salita ng Diyos sa araw na ito, lubos silang nagpapasakop nang hindi napapansing nagagawa na nila ang gayon, at hindi sila nagtatangkang magsiyasat nang mabuti o magsalita ng ano pa mang bagay. Ang sangkatauhan ay nahulog na sa ilalim ng salita at nakadapa na sa ilalim ng paghatol ng salita. Kung ang Espiritu ng Diyos ay direktang nagsalita sa tao, ang buong sangkatauhan ay magpapasakop sa tinig, babagsak na walang mga salita ng pagbubunyag, tulad ng kung paanong si Pablo ay bumagsak sa lupa sa gitna ng liwanag habang siya ay papunta sa Damasco. Kung ang Diyos ay nagpatuloy na gumawa sa ganitong paraan, hindi kailanman magagawa ng tao na makilala ang kanyang sariling katiwalian sa pamamagitan ng paghatol ng salita at nang sa gayon ay makamit ang kaligtasan. Tanging sa pamamagitan ng pagkakatawang-tao maihahatid ng Diyos nang personal ang Kanyang mga salita sa mga tainga ng lahat ng tao upang ang lahat ng may mga tainga ay marinig ang Kanyang mga salita at makatanggap ng Kanyang gawain ng paghatol sa pamamagitan ng salita. Ang resultang ito ay nakamit sa pamamagitan lamang ng Kanyang salita, sa halip na sa pagpapamalas ng Espiritu upang takutin ang tao para magpasakop. Sa pamamagitan lamang ng praktikal at higit sa karaniwang gawaing ito maaaring lubusang maibunyag ang lumang disposisyon ng tao, na malalim na naitago sa loob ng maraming taon, upang makilala ito ng tao at mabago ito. Lahat ng ito ang praktikal na gawain ng Diyos na nagkatawang-tao, kung saan nakakamit Niya ang mga resulta ng paghatol sa tao ng salita sa pamamagitan ng pagsasalita at pagsasagawa ng paghatol sa isang praktikal na paraan. Ito ang awtoridad ng Diyos na nagkatawang-tao at ang kabuluhan ng pagkakatawang-tao ng Diyos. Ito ay ginagawa upang ipakilala ang awtoridad ng Diyos na nagkatawang-tao, ang mga resulta na nakamit sa pamamagitan ng gawain ng salita, at na ang Espiritu ay dumating sa laman at ipinakikita ang Kanyang awtoridad sa pamamagitan ng paghatol sa tao sa pamamagitan ng salita. Kahit na ang Kanyang katawang-tao ay nasa anyo ng isang ordinaryo at normal na pagkatao, ang mga resultang nakakamit ng Kanyang mga salita ang nagpapakita sa tao na Siya ay puno ng awtoridad, na Siya ang Diyos Mismo at na ang Kanyang mga salita ang pagpapahayag ng Diyos Mismo. Sa pamamagitan nito ay ipinakikita sa lahat ng tao na Siya ang Diyos Mismo, ang Diyos Mismo na nagkatawang-tao, na walang sinuman ang maaaring magkasala sa Kanya, at na walang maaaring makalampas sa Kanyang paghatol sa pamamagitan ng salita, at walang puwersa ng kadiliman ang maaaring mangibabaw sa Kanyang awtoridad. Nagpapasakop nang lubos ang tao sa Kanya dahil Siya ang Salita na nagkatawang-tao, dahil sa Kanyang awtoridad, at dahil sa Kanyang paghatol sa pamamagitan ng salita. Ang gawain na dinala ng Kanyang nagkatawang-taong laman ang awtoridad na Kanyang tinataglay. Siya ay nagkakatawang-tao dahil ang katawang-tao ay maaari ring magtaglay ng awtoridad, at Siya ay may kakayahang magsakatuparan ng gawain sa gitna ng sangkatauhan sa isang praktikal na paraan, sa paraang nakikita at nahahawakan ng tao. Ang gayong gawain ay mas makatotohanan kaysa sa gawain na direktang ginagawa ng Espiritu ng Diyos na nagtataglay ng lahat ng awtoridad, at ang mga resulta nito ay maliwanag din. Ito ay dahil ang nagkatawang-taong laman ng Diyos ay nakakapagsalita at nakakagawa sa isang praktikal na paraan. Ang panlabas na anyo ng Kanyang katawang-tao ay walang awtoridad at maaaring lapitan ng tao, samantalang ang Kanyang diwa ay nagtataglay ng awtoridad, ngunit walang nakakakita sa Kanyang awtoridad. Kapag Siya ay nagsasalita at gumagawa, hindi napapansin ng tao ang pag-iral ng Kanyang awtoridad; ito ay nakakatulong sa Kanyang paggawa ng praktikal na gawain. Lahat ng naturang praktikal na gawain ay makakapagkamit ng mga resulta. Kahit na walang tao ang nakakatanto na Siya ay nagtataglay ng awtoridad o nakakakita na hindi dapat magkasala sa Kanya, o nakakakita sa Kanyang poot, nakakamit Niya ang hinahangad na mga resulta ng Kanyang mga salita sa pamamagitan ng Kanyang natatagong awtoridad at poot, at mga salitang hayagan Niyang binibigkas. Sa madaling salita, sa pamamagitan ng tono ng Kanyang boses, mahigpit na pagsasalita, at lahat ng karunungan ng Kanyang mga salita, ang tao ay lubusang nakukumbinsi. Sa ganitong paraan, ang tao ay nagpapasakop sa salita ng Diyos na nagkatawang-tao, na tila ba walang awtoridad, at dahil doon ay natutupad ang layunin ng Diyos na iligtas ang tao. Ito ang isa pang aspeto ng kabuluhan ng Kanyang pagkakatawang-tao: ang magsalita nang mas makatotohanan at hayaan ang realidad ng Kanyang mga salita na magkaroon ng epekto sa tao nang sa gayon ay masaksihan ng tao ang kapangyarihan ng salita ng Diyos. Samakatuwid, kung hindi ginawa ang gawaing ito sa pamamagitan ng pagkakatawang-tao, hindi ito magkakamit ng anumang resulta at hindi nito magagawang lubos na iligtas ang mga makasalanang tao. Kung ang Diyos ay hindi nagkatawang-tao, Siya ay mananatiling ang Espiritu na parehong hindi nakikita at hindi nahahawakan ng tao. Dahil ang tao ay isang nilalang na gawa sa laman, ang tao at ang Diyos ay nabibilang sa dalawang magkaibang mundo at may magkaibang kalikasan. Ang Espiritu ng Diyos ay hindi kaayon ng tao, na gawa sa laman, at sadyang walang paraan para magtatag ng mga relasyon sa pagitan nila; higit pa rito, ang tao ay hindi maaaring maging isang espiritu. Dahil dito, ang Espiritu ng Diyos ay dapat na maging isang nilalang upang magawa ang Kanyang orihinal na gawain. Ang Diyos ay parehong kaya na umakyat sa pinakamataas na lugar at ipagpakumbaba ang Kanyang sarili para maging isang taong nilikha, na gumagawa ng gawain at namumuhay na kasama ng tao, ngunit ang tao ay hindi kayang umakyat sa pinakamataas na lugar at maging isang espiritu at lalong hindi siya makakababa sa pinakamababang lugar. Ito ang dahilan kung bakit ang Diyos ay dapat magkatawang-tao upang maisakatuparan ang Kanyang gawain. Katulad nito, noong unang pagkakatawang-tao, tanging ang katawan ng Diyos na nagkatawang-tao ang maaaring tumubos sa tao sa pamamagitan ng Kanyang pagpapapako sa krus, samantalang hindi posible para sa Espiritu ng Diyos na maipako sa krus bilang handog para sa kasalanan ng tao. Ang Diyos ay maaaring direktang magkatawang-tao upang magsilbing handog para sa kasalanan ng tao, ngunit ang tao ay hindi maaaring direktang umakyat sa langit upang tanggapin ang handog para sa kasalanan na inihanda ng Diyos para sa kanya. Dahil dito, ang posible lamang ay ang hingin sa Diyos na magpabalik-balik nang ilang beses sa pagitan ng langit at lupa, sa halip na paakyatin ang tao sa langit upang kunin ang kaligtasang ito, sapagkat ang tao ay nahulog at, bukod pa roon, sadyang hindi maaaring umakyat sa langit ang tao, lalo na ang tanggapin ang handog para sa kasalanan. Samakatuwid, kinailangan na dumating si Jesus sa gitna ng sangkatauhan at personal na gawin ang gawain na sadyang hindi maaaring maisakatuparan ng tao. Tuwing nagkakatawang-tao ang Diyos, lubos itong kinakailangang gawin. Kung alinman sa mga yugto ay maaaring maisakatuparan nang direkta ng Espiritu ng Diyos, hindi na sana Niya tiniis ang kawalang-dangal ng pagkakatawang-tao.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao 4
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 118
Nagkatawang-tao ang Diyos dahil ang pakay ng Kanyang gawain ay hindi ang espiritu ni Satanas, o anumang bagay na walang katawan, kundi ang tao, na may laman at nagawa nang tiwali ni Satanas. Mismong dahil ang laman ng tao ay naging tiwali kaya ginawa ng Diyos ang tao na may laman bilang pakay ng Kanyang gawain; dagdag pa rito, dahil ang tao ang pakay ng katiwalian, ginawa ng Diyos ang tao na tanging layon ng Kanyang gawain sa lahat ng yugto ng Kanyang gawain ng pagliligtas. Ang tao ay isang mortal na nilalang, binubuo ng laman at dugo, at ang Diyos lamang ang Siyang makapagliligtas sa tao. Sa ganitong paraan, ang Diyos ay dapat maging isang katawang-tao na nagtataglay ng mga katangiang katulad ng sa tao upang magawa ang Kanyang gawain, upang matamo ng Kanyang gawain ang mas mahusay na mga epekto. Kailangang maging katawang-tao ang Diyos upang gawin ang Kanyang gawain mismong dahil ang tao ay sa laman, at walang kakayahang mapangibabawan ang kasalanan o hubaran ng laman ang kanyang sarili. Bagama’t malaki ang pagkakaiba ng diwa at pagkakakilanlan ng Diyos na nagkatawang-tao sa diwa at pagkakakilanlan ng tao, ang Kanyang kaanyuan ay katulad pa rin ng sa tao; may kaanyuan Siya ng isang karaniwang tao, at namumuhay bilang isang karaniwang tao, at yaong mga nakakakita sa Kanya ay walang mapapansing pagkakaiba sa isang karaniwang tao. Sapat na ang karaniwang kaanyuan at karaniwang pagkatao na ito upang magawa Niya ang Kanyang maka-Diyos na gawain sa karaniwang pagkatao. Tinutulutan Siya ng Kanyang katawang-tao na magawa sa karaniwang pagkatao ang Kanyang gawain, at tumutulong ito sa Kanya na gawin ang Kanyang gawain sa piling ng tao, at ang Kanyang karaniwang pagkatao, dagdag pa, ay tumutulong sa Kanya na isagawa ang gawain ng pagliligtas sa piling ng tao. Bagama’t ang Kanyang normal na pagkatao ay naging sanhi ng malaking kaguluhan sa mga tao, ang ganoong kaguluhan ay hindi nakaapekto sa mga karaniwang kalalabasan ng Kanyang gawain. Sa madaling salita, ang gawain ng Kanyang normal na katawang-tao ay may sukdulang pakinabang sa tao. Bagama’t hindi tinatanggap ng karamihan ng mga tao ang Kanyang karaniwang pagkatao, nakapagkakamit pa rin ng mga resulta ang Kanyang gawain, at ang mga epektong ito ay nakakamit dahil sa Kanyang normal na pagkatao. Ito ay hindi mapag-aalinlanganan. Mula sa Kanyang gawain sa katawang-tao, nagkakamit ang tao ng sampung ulit o dose-dosenang ulit pang mga bagay kaysa sa mga kuru-kuro na umiiral sa mga tao tungkol sa Kanyang karaniwang pagkatao, at ang ganoong mga kuru-kuro, sa huli, ay lulunuking lahat ng Kanyang gawain. At ang epekto na nakamit na ng Kanyang gawain, na ang ibig sabihin ay ang kaalaman ng tao tungkol sa Kanya, ay higit na matimbang kaysa sa mga kuru-kuro ng tao tungkol sa Kanya. Walang paraan upang ipalagay o sukatin ang gawain na ginagawa Niya sa katawang-tao, dahil ang Kanyang katawang-tao ay hindi katulad ng sa sinumang taong may laman; bagama’t magkatulad ang panlabas na kaanyuan, ang diwa ay hindi magkatulad. Ang Kanyang katawang-tao ay nagbubunga ng maraming kuru-kuro sa mga tao tungkol sa Diyos, ngunit ang Kanyang katawang-tao ay maaari ding magpahintulot sa tao na makakuha ng maraming kaalaman, at maaari pa ngang lumupig sa sinumang tao na nagtataglay ng isang katulad na panlabas na kaanyuan. Dahil Siya ay hindi lamang isang tao, kundi Diyos na may panlabas na kaanyuan ng isang tao, at walang maaaring ganap na makaarok o makaunawa sa Kanya. Minamahal at tinatanggap ng lahat ang isang hindi nakikita at hindi nahahawakang Diyos. Kung ang Diyos ay isa lamang Espiritu na hindi nakikita ng tao, napakadali para sa tao na maniwala sa Diyos. Mapapakawalan ng mga tao ang kanilang mga imahinasyon, maaari silang pumili ng anumang larawan na ibig nila bilang larawan ng Diyos upang mabigyang-kasiyahan ang kanilang mga sarili at makapagpaligaya sa kanila. Sa ganitong paraan, maaaring gawin ng tao ang anumang pinakaibig at pinakanais ipagawa sa kanila ng sarili nilang Diyos, nang walang anumang pag-aalinlangan. Higit pa rito, naniniwala ang mga tao na walang sinuman ang mas tapat at masugid kaysa sa kanila tungo sa Diyos, at na ang lahat ng iba pa ay mga asong Hentil, at di-matapat sa Diyos. Maaaring sabihin na ito ang hinahangad ng mga yaong ang paniniwala sa Diyos ay malabo at nakabatay sa doktrina; ang kanilang hinahanap ay magkakatulad halos, na may kaunting pagkakaiba. Magkakaiba lamang ang mga larawan ng Diyos sa kanilang imahinasyon, ngunit ang kanilang diwa sa katunayan ay magkatulad.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mas Kinakailangan ng Tiwaling Sangkatauhan ang Pagliligtas ng Diyos na Nagkatawang-tao
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 119
Ang tanging dahilan na ang nagkatawang-taong Diyos ay napatungo sa laman ay dahil sa mga pangangailangan ng tiwaling tao. Dahil ito sa mga pangangailangan ng tao, hindi ng Diyos, at ang lahat ng Kanyang mga pagpapakasakit at paghihirap ay alang-alang sa sangkatauhan, at hindi para sa kapakanan ng Diyos Mismo. Walang mga kalamangan o kahinaan o mga pabuya para sa Diyos; hindi Siya gagapas ng anumang ani sa hinaharap, kundi ng mga una nang pagkakautang sa Kanya. Ang lahat ng Kanyang ginagawa at mga ipinagpapakasakit para sa sangkatauhan ay hindi upang makapagkamit Siya ng malalaking pabuya, kundi lubos na alang-alang sa sangkatauhan. Bagama’t sangkot sa gawain ng Diyos sa katawang-tao ang mga paghihirap na di-mailarawan sa isip, ang mga bunga na nakakamit nito sa huli ay labis na lampas sa mga gawaing tuwirang ginagawa ng Espiritu. Ang gawain ng katawang-tao ay nangangailangan ng matinding paghihirap, at ang katawang-tao ay hindi makapagtataglay ng katulad na dakilang pagkakakilanlan tulad ng Espiritu, hindi Siya maaaring magsagawa ng mga katulad na kahima-himalang mga gawa tulad ng Espiritu, at higit na hindi Siya maaaring magtaglay ng katulad na awtoridad tulad ng Espiritu. Ngunit ang diwa ng gawaing ginagawa ng karaniwang katawang-tao na ito ay lubhang nakahihigit sa gawain na tuwirang ginagawa ng Espiritu, at ang katawang-tao Niyang ito Mismo ang kasagutan sa mga pangangailangan ng buong sangkatauhan. Para sa mga ililigtas, ang halagang gamit ng Espiritu ay lubhang mas mababa kaysa sa katawang-tao: Nagagawa ng gawain ng Espiritu na lumukob sa buong sansinukob, sa lahat ng mga bundok, ilog, lawa, at karagatan, ngunit ang gawain ng katawang-tao ay higit na mabisang nauugnay sa bawat tao na nakakaugnayan Niya. Higit pa rito, ang katawang-tao ng Diyos na may nahahawakang anyo ay maaaring higit na maunawaan at mapagkatiwalaan ng tao, at lalo pang makapagpapalalim sa kaalaman ng tao sa Diyos, at makapag-iiwan sa tao ng mas malalim na impresyon ng mga aktuwal na gawa ng Diyos. Nababalot sa hiwaga ang gawain ng Espiritu; mahirap para sa mga mortal na nilalang na arukin ito, at higit na mahirap para sa kanila na makita, at kaya maaari lamang silang umasa sa mga hungkag na paglalarawan sa isip. Gayunman, ang gawain ng katawang-tao ay karaniwan, at batay sa realidad, at nagtataglay ng mayamang karunungan, at ito ay isang katunayan na maaaring makita ng pisikal na paningin ng tao; maaaring personal na maranasan ng tao ang karunungan ng gawain ng Diyos, at hindi kailangan na gamitin ang kanyang masaganang imahinasyon. Ito ang katumpakan at tunay na halaga ng gawain ng Diyos sa katawang-tao. Maaari lamang gumawa ang Espiritu ng mga bagay na hindi nakikita ng tao at mahirap para sa kanyang ilarawan sa isip, halimbawa ang kaliwanagan ng Espiritu, ang pagpukaw ng Espiritu, at ang patnubay ng Espiritu, ngunit para sa tao na may isip, ang mga ito ay hindi nagbibigay ng anumang malinaw na kahulugan. Nagbibigay lamang ang mga ito ng isang nagbabago, o isang malawakang kahulugan, at hindi maaaring magbigay ng isang tagubilin sa pamamagitan ng mga salita. Gayunman, ang gawain ng Diyos sa katawang-tao ay labis na naiiba: Nasasangkot dito ang tumpak na patnubay ng mga salita, may malinaw itong kalooban, at may malinaw na mga kinakailangang mithiin. At kaya’t ang tao ay hindi kailangang mag-apuhap sa paligid, o gamitin ang kanyang imahinasyon, lalo na ang gumawa ng mga panghuhula. Ito ang kalinawan ng gawain sa katawang-tao, at ang malaking pagkakaiba nito sa gawain ng Espiritu. Angkop lamang ang gawain ng Espiritu para sa isang limitadong saklaw, at hindi maaaring pumalit sa gawain ng katawang-tao. Ang gawain ng katawang-tao ay nagbibigay sa tao ng mas tumpak at kinakailangang mga mithiin at higit na mas makatotohanan at mahalagang kaalaman kaysa sa gawain ng Espiritu. Ang pinakamahalagang gawain sa tiwaling tao ay yaong nagbibigay ng tumpak na mga salita, malinaw na mga mithiin na dapat pagsumikapang matamo, at na maaaring makita at mahawakan. Tanging makatotohanang gawain at napapanahong patnubay ang angkop sa panlasa ng tao, at tanging tunay na gawain ang makapagliligtas sa tao mula sa kanyang tiwali at napakasamang disposisyon. Maaari lamang itong makamit ng Diyos na nagkatawang-tao; tanging ang Diyos na nagkatawang-tao ang makapagliligtas sa tao mula sa kanyang dating tiwali at napakasamang disposisyon. Bagama’t ang Espiritu ang likas na diwa ng Diyos, ang gawaing tulad nito ay maaari lamang gawin ng Kanyang katawang-tao. Kung ang Espiritu ay gumawa nang nag-iisa, hindi posible sa gayon na maging mabisa ang Kanyang gawain—ito ay isang payak na katotohanan. Bagama’t karamihan ng mga tao ay naging mga kaaway na ng Diyos dahil sa katawang-tao na ito, kapag winakasan Niya na ang Kanyang gawain, yaong mga taong laban sa Kanya ay hindi lamang hihinto sa pagiging mga kaaway Niya, bagkus ay magiging mga saksi Niya. Magiging mga saksi sila na Kanya nang nalupig, mga saksi na kaayon Niya at hindi maihihiwalay sa Kanya. Magsasanhi Siya na malaman ng tao ang kahalagahan ng Kanyang gawain sa katawang-tao sa tao, at malalaman ng tao ang kahalagahan ng katawang-tao na ito sa kahulugan ng pag-iral ng tao, malalaman ang Kanyang tunay na halaga sa paglago ng buhay ng tao, at, higit pa rito, malalaman na ang katawang-tao na ito ay magiging isang buhay na bukal ng buhay kung saan hindi makakaya ng tao na mapahiwalay. Bagama’t ang nagkatawang-taong laman ng Diyos ay malayong tumugma sa pagkakakilanlan at katayuan ng Diyos, at para sa tao ay tila hindi kaayon sa Kanyang tunay na katayuan, ang katawang-tao na ito, na hindi nagtataglay ng tunay na larawan ng Diyos, o ng tunay na pagkakakilanlan ng Diyos, ay maaaring gawin ang gawain na hindi nakakayang tuwirang gawin ng Espiritu ng Diyos. Gayon ang tunay na kabuluhan at halaga ng pagkakatawang-tao ng Diyos, at ito ang kabuluhan at halaga na hindi mapahalagahan at makilala ng tao. Bagama’t lahat ng tao ay tumitingala sa Espiritu ng Diyos at hinahamak ang katawang-tao ng Diyos, paano man sila tumitingin o nag-iisip, malayong nahihigitan ng tunay na kabuluhan at halaga ng katawang-tao ang sa Espiritu. Mangyari pa, tungkol lamang ito sa tiwaling sangkatauhan. Para sa lahat na naghahangad ng katotohanan at nasasabik sa pagpapakita ng Diyos, ang gawain ng Espiritu ay makakapagbigay lamang ng pagpukaw o inspirasyon, at isang pagkaramdam ng pagkamangha na hindi ito maipaliliwanag at hindi mailalarawan ng isip, at isang pagkaramdam na ito ay dakila, kagila-gilalas, at kahanga-hanga, ngunit hindi rin maaaring makamit at matamo ng lahat. Ang tao at ang Espiritu ng Diyos ay maaari lamang tumingin sa isa’t isa mula sa malayo, na tila ba may napakalawak na agwat sa kanilang pagitan, at sila kailanman ay hindi maaaring maging magkatulad, na tila ba ang tao at ang Diyos ay pinaghiwalay ng isang di-nakikitang pagitan. Sa katunayan, ito ay isang ilusyon na ibinibigay ng Espiritu sa tao, dahil ang Espiritu at ang tao ay hindi magkatulad ng uri at hindi kailanman magkasamang iiral sa parehong mundo, at dahil ang Espiritu ay hindi nagtataglay ng anuman sa tao. Kaya ang tao ay hindi nagtataglay ng pangangailangan sa Espiritu, sapagkat ang Espiritu ay hindi tuwirang magagawa ang gawain na pinakakinakailangan ng tao. Ang gawain ng katawang-tao ay nag-aalok sa tao ng tunay na mga layunin upang hangaring matamo, malinaw na mga salita, at isang pakiramdam na Siya ay tunay at normal, na Siya ay mapagpakumbaba at karaniwan. Bagama’t maaaring matakot ang tao sa Kanya, para sa karamihan ng mga tao Siya ay madaling makaugnay: Maaaring masdan ng tao ang Kanyang mukha, at marinig ang Kanyang tinig, at hindi niya Siya kailangang tingnan mula sa malayo. Nararamdaman ng tao na madaling lapitan ang katawang-taong ito, hindi malayo; o di-maarok, bagkus ay nakikita at nahahawakan, dahil ang katawang-tao na ito ay nasa kaparehong mundo ng tao.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mas Kinakailangan ng Tiwaling Sangkatauhan ang Pagliligtas ng Diyos na Nagkatawang-tao
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 120
Para sa lahat ng nabubuhay sa laman, ang pagbabago ng kanilang disposisyon ay nangangailangan ng mga mithiing hahangarin, at ang pagkilala sa Diyos ay nangangailangan ng pagsaksi sa tunay na mga gawa at tunay na mukha ng Diyos. Matatamo lamang ang dalawang ito ng katawang-tao ng Diyos, at maisasakatuparan lamang ang dalawang ito ng normal at tunay na katawang-tao. Ito ang dahilan kung bakit kailangan ang pagkakatawang-tao, at kung bakit ito kailangan ng lahat ng tiwaling sangkatauhan. Dahil kinakailangang makilala ng mga tao ang Diyos, kailangang maiwaksi sa kanilang mga puso ang mga larawan ng malabo at higit-sa-karaniwang mga Diyos, at dahil hinihinging alisin nila ang kanilang tiwaling disposisyon, dapat muna nilang malaman ang kanilang tiwaling disposisyon. Kung gagawin lamang ng tao ang gawain para maiwaksi mula sa puso ng mga tao ang mga larawan ng malalabong Diyos, mabibigo siyang makamit ang wastong epekto. Hindi mailalantad, maitatakwil, o ganap na mapapaalis ng mga salita lamang ang mga larawan ng malalabong Diyos sa puso ng mga tao. Sa huli, hindi pa rin posibleng iwaksi sa paggawa nito ang mga bagay na malalim na nakaugat sa mga tao. Makakamit lamang ang angkop na epekto kapag napalitan ng praktikal na Diyos at ng tunay na larawan ng Diyos ang malalabo at di-pangkaraniwang mga bagay na ito, at mahikayat ang mga tao na unti-unting malaman ang mga ito. Kinikilala ng tao na malabo at hindi pangkaraniwan ang Diyos na kanyang hinangad ng mga nakaraang panahon. Ang may kakayahang makapagkamit ng epektong ito ay hindi ang tuwirang pamumuno ng Espiritu, lalong hindi ang mga aral ng isang partikular na indibidwal, kundi ang Diyos na nagkatawang-tao. Nailalantad ang mga kuru-kuro ng tao kapag opisyal na ginagawa ng Diyos na nagkatawang-tao ang Kanyang gawain, sapagkat ang pagiging normal at ang realidad ng Diyos na nagkatawang-tao ay ang kabaligtaran ng malabo at di-pangkaraniwang Diyos sa imahinasyon ng tao. Maihahayag lamang ang orihinal na mga kuru-kuro ng tao kapag naihambing sa Diyos na nagkatawang-tao. Kung wala ang paghahambing sa Diyos na nagkatawang-tao, hindi maihahayag ang mga kuru-kuro ng tao; sa madaling salita, kung walang realidad bilang panghambing, hindi maihahayag ang malalabong bagay. Walang may kakayahang gumamit ng mga salita upang gawin ang gawaing ito, at walang sinuman ang may kakayahang magsalita nang maliwanag sa gawaing ito gamit ang mga salita. Tanging ang Diyos Mismo ang makakagawa ng Kanyang sariling gawain, at wala nang iba pa ang makakagawa ng gawaing ito sa ngalan Niya. Gaano man kayaman ang wika ng tao, hindi niya kayang sabihin nang maliwanag ang realidad at pagiging normal ng Diyos. Maaari lamang makilala ng tao ang Diyos nang higit na praktikal, at maaari lamang Siyang makita nang higit na malinaw, kung personal na gagawa ang Diyos sa tao at ganap na ipakikita ang Kanyang larawan at pagiging Diyos. Hindi makakamtan ang epekto na ito ng sinumang tao na nilikha sa laman. Mangyari pa, wala ring kakayahan ang Espiritu ng Diyos na makamit ang epektong ito. Makakayang iligtas ng Diyos ang tiwaling tao mula sa impluwensya ni Satanas, ngunit hindi makakayang tuwirang gawin ng Espiritu ng Diyos ang gawaing ito; sa halip, makakaya lamang itong gawin ng katawang-tao na suot ng Espiritu ng Diyos, ng nagkatawang-taong laman ng Diyos. Tao at Diyos din ang katawang-tao na ito, isang tao na nagtataglay ng normal na pagkatao at Diyos din na nagtataglay ng buong pagka-Diyos. At sa gayon, bagama’t ang katawang-taong ito ay hindi ang Espiritu ng Diyos, at lubos na naiiba sa Espiritu, ito pa rin ang Diyos Mismo na nagkatawang-tao na nagliligtas sa tao, ang Espiritu at ang katawang-tao rin. Anuman ang tawag sa Kanya, sa huli ay ito pa rin ang Diyos Mismo na nagliligtas sa sangkatauhan. Sapagkat ang Espiritu ng Diyos ay hindi mapaghihiwalay mula sa katawang-tao, at ang gawain ng katawang-tao ay ang gawain din ng Espiritu ng Diyos; nangyari lamang na ang gawaing ito ay hindi ginagawa gamit ang pagkakakilanlan ng Espiritu, bagkus ay ginagawa gamit ang pagkakakilanlan ng katawang-tao. Ang gawain na kailangang tuwirang gawin ng Espiritu ay hindi nangangailangan ng pagkakatawang-tao, at ang gawain na kailangang gawin ng katawang-tao ay hindi maaaring gawin nang tuwiran ng Espiritu, at maaari lamang gawin ng Diyos na nagkatawang-tao. Ito ang kinakailangan para sa gawaing ito, at ito ang kinakailangan ng tiwaling sangkatauhan. Sa tatlong yugto ng gawain ng Diyos, isang yugto lamang ang tuwirang isinagawa ng Espiritu, at isinasagawa ng Diyos na nagkatawang-tao ang natitirang dalawang yugto, at hindi tuwiran ng Espiritu. Hindi kabilang ang pagbabago ng tiwaling disposisyon ng tao sa gawain ng Kapanahunan ng Kautusan na ginawa ng Espiritu, at wala rin itong kaugnayan sa kaalaman ng tao sa Diyos. Gayunman, ang gawain ng katawang-tao ng Diyos sa Kapanahunan ng Biyaya at sa Kapanahunan ng Kaharian ay kinapapalooban ng tiwaling disposisyon ng tao at ng kanyang kaalaman tungkol sa Diyos, at isang mahalaga at maselang bahagi ng gawain ng pagliligtas. Samakatuwid, higit na kinakailangan ng tiwaling sangkatauhan ang pagliligtas ng Diyos na nagkatawang-tao, at higit na nangangailangan ng tuwirang gawain ng Diyos na nagkatawang-tao. Kinakailangan ng sangkatauhan ang Diyos na nagkatawang-tao upang patnubayan siya, alalayan siya, diligin siya, pakainin siya, hatulan at kastiguhin siya, at nangangailangan siya ng higit na biyaya at lalong higit na pagtubos mula sa Diyos na nagkatawang-tao. Tanging ang Diyos sa katawang-tao ang makakayang maging katiwalang-loob ng tao, ang pastol ng tao, ang laging handang pagsaklolo sa tao, at ang lahat ng ito ay ang pangangailangan ng pagkakatawang-tao ngayon at sa mga lumipas na panahon.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mas Kinakailangan ng Tiwaling Sangkatauhan ang Pagliligtas ng Diyos na Nagkatawang-tao
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 121
Nagawa nang tiwali ni Satanas ang tao at siya ang pinakamataas sa lahat ng nilalang ng Diyos, kaya nangangailangan ang tao ng pagliligtas ng Diyos. Tao, hindi si Satanas, ang pakay ng pagliligtas ng Diyos, at ang maliligtas ay ang laman ng tao, at ang kaluluwa ng tao, at hindi ang demonyo. Si Satanas ang layon ng paglipol ng Diyos, ang tao ang layon ng pagliligtas ng Diyos, at nagawa nang tiwali ni Satanas ang laman ng tao, kaya’t ang laman ng tao ang unang dapat na ililigtas. Malalimang nagawang tiwali ang laman ng tao, at naging isang bagay ito na lumalaban sa Diyos, kung kaya’t lantaran pa nga itong sumasalungat at nagtatatwa sa pag-iral ng Diyos. Sadyang napakahirap nang mapaamo ang tiwaling laman na ito, at wala nang higit na mahirap pakitunguhan o baguhin kaysa sa tiwaling disposisyon ng laman. Pumapaloob si Satanas sa laman ng tao upang magpasimula ng mga kaguluhan, at ginagamit nito ang laman ng tao upang gambalain ang gawain ng Diyos, at pinsalain ang plano ng Diyos, at sa gayon ay naging si Satanas ang tao, at naging kaaway ng Diyos. Upang mailigtas ang tao, dapat muna siyang malupig. Ito ang dahilan kung bakit humaharap sa hamon ang Diyos at nagsasakatawang-tao upang gawin ang gawain na nilalayon Niyang gawin, at upang labanan si Satanas. Ang Kanyang layunin ay ang kaligtasan ng tao, na naging tiwali, at ang pagkagapi at pagkalipol ni Satanas, na naghihimagsik laban sa Kanya. Nagagapi Niya si Satanas sa pamamagitan ng Kanyang gawain ng panlulupig sa tao, at kasabay na inililigtas ang tiwaling sangkatauhan. Kaya’t isang gawain ito na sabay nakakamit ang dalawang layunin. Kumikilos Siya sa katawang-tao, at nagsasalita sa katawang-tao, at isinasagawa ang lahat ng gawain sa katawang-tao upang higit na mahusay na makipag-ugnayan sa tao, at higit na mahusay na malupig ang tao. Sa huling pagkakataon na nagkakatawang-tao ang Diyos, ang Kanyang gawain sa mga huling araw ay matatapos sa katawang-tao. Pagbubukud-bukurin Niya ang lahat ng tao ayon sa uri, tatapusin ang Kanyang buong pamamahala, at tatapusin din ang lahat ng Kanyang gawain sa katawang-tao. Pagkaraang matapos ang lahat ng Kanyang gawain sa lupa, ganap na Siyang matagumpay. Sa paggawa sa katawang-tao, ganap na malulupig ng Diyos ang sangkatauhan, at ganap na makakamit ang sangkatauhan. Hindi ba ito nangangahulugan na parating na sa katapusan ang Kanyang buong pamamahala? Kapag winakasan na ng Diyos ang Kanyang gawain sa katawang-tao, dahil lubos na Niyang nagapi si Satanas at naging matagumpay, mawawalan na ng pagkakataon si Satanas na gawing tiwali ang tao. Ang gawain ng unang pagkakatawang-tao ng Diyos ay ang pagtubos at kapatawaran ng mga kasalanan ng tao. Ito ngayon ang gawain ng paglupig at ganap na pagkakamit ng sangkatauhan, upang hindi na magkaroon ng anumang mga paraan si Satanas upang gawin ang gawain nito, at ganap nang magapi, at magiging ganap na matagumpay ang Diyos. Ito ang gawain ng katawang-tao, at ang gawain na ginawa ng Diyos Mismo.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mas Kinakailangan ng Tiwaling Sangkatauhan ang Pagliligtas ng Diyos na Nagkatawang-tao
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 122
Ang paunang gawain ng tatlong yugto ng gawain ng Diyos ay tuwirang ginawa ng Espiritu, at hindi ng katawang-tao. Gayunman, ang huling gawain ng tatlong yugto ng gawain ng Diyos ay ginagawa ng Diyos na nagkatawang-tao, at hindi tuwiran ng Espiritu. Ang gawain ng pagtubos sa namamagitang yugto ay ginawa din ng Diyos sa katawang-tao. Sa buong gawain ng pamamahala, ang pinakamahalagang gawain ay ang mailigtas ang tao mula sa impluwensya ni Satanas. Ang pinakamahalagang gawain ay ang ganap na paglupig sa tiwaling tao, sa gayon ay mapanunumbalik ang naunang paggalang sa Diyos sa puso ng nalupig na tao, at matutulutan siyang makamit ang isang normal na buhay, na ang ibig sabihin ay ang normal na buhay ng isang nilikha ng Diyos. Mahalaga ang gawaing ito, at ito ang sentro ng gawain ng pamamahala. Sa tatlong yugto ng gawain ng pagliligtas, ang unang yugto ng gawain ng Kapanahunan ng Kautusan ay malayo sa sentro ng gawain ng pamamahala; may bahagyang pagpapakita lamang ito ng gawain ng pagliligtas, at hindi ang simula ng gawain ng pagliligtas ng Diyos sa tao mula sa sakop ni Satanas. Tuwirang ginawa ng Espiritu ang unang yugto ng gawain dahil, sa ilalim ng kautusan, pagsunod sa kautusan ang tanging alam ng tao, at hindi nagkaroon ng higit na maraming katotohanan ang tao, at sapagka’t halos hindi nasangkutan ng mga pagbabago ng disposisyon ng tao ang gawain sa Kapanahunan ng Kautusan, lalong hindi ito nagsaalang-alang sa gawain kung paano maliligtas ang tao mula sa sakop ni Satanas. Kung kaya ginawang ganap ng Espiritu ng Diyos itong sukdulang payak na yugto ng gawain na walang kinalaman sa tiwaling disposisyon ng tao. May maliit na kaugnayan lamang ang bahaging ito ng gawain sa sentro ng pamamahala, at walang malaking ugnayan sa opisyal na gawain ng pagliligtas sa tao, at sa gayon ay hindi kinailangan ng Diyos na maging katawang-tao upang personal na gawin ang Kanyang gawain. Mapagpahiwatig at hindi maarok ang gawain na ginagawa ng Espiritu, at ito ay kakila-kilabot at hindi malapitan ng tao; hindi naaangkop ang Espiritu sa tuwirang paggawa ng gawain ng pagliligtas, at hindi angkop sa tuwirang pagbibigay-buhay sa tao. Ang pinakaangkop para sa tao ay ang pagbabagong-anyo ng gawain ng Espiritu sa isang paraang malapit sa tao, na ang ibig sabihin, kung ano ang pinakaangkop para sa tao ay maging isang ordinaryo, karaniwang katauhan ang Diyos upang gawin ang Kanyang gawain. Nangangailangan ito na magkatawang-tao ang Diyos upang halinhan ang Espiritu sa Kanyang gawain, at para sa tao, wala nang higit na angkop na paraan upang gumawa ang Diyos. Sa tatlong yugtong ito ng gawain, dalawang yugto ang isinasagawa sa katawang-tao, at ang dalawang yugtong ito ang mahahalagang bahagi ng gawain ng pamamahala. Tumutulong sa isa’t isa ang dalawang pagkakatawang-tao at ganap na pinupunan ang isa’t isa. Ang unang yugto ng pagkakatawang-tao ng Diyos ang naglatag ng pundasyon para sa ikalawang yugto, at masasabi na ang dalawang anyo ng pagkakatawang-tao ng Diyos ay bumubuo ng isang kabuuan, at hindi nagsasalungatan sa isa’t isa. Isinasagawa ng Diyos sa Kanyang pagkakakilanlan bilang katawang-tao ang dalawang yugto ng gawain ng Diyos dahil napakahalaga ng mga ito sa buong gawain ng pamamahala. Halos masasabi na kung wala ang gawain ng dalawang pagkakatawang-tao ng Diyos, mahihinto ang buong gawain ng pamamahala, at magiging walang anuman kundi walang saysay na salita ang gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan. Nakabatay sa mga pangangailangan ng sangkatauhan kung mahalaga o hindi ang gawain na ito, at sa realidad ng kabuktutan ng sangkatauhan, at sa kalubhaan ng pagsuway ni Satanas at sa panggugulo nito sa gawain. Ang tamang tao para sa gawain ay nakasalalay sa kalikasan ng gawaing ginagampanan ng manggagawa, at ang kahalagahan ng gawain. Pagdating sa kahalagahan ng gawaing ito, sa kung anong paraan ng gawain ang gagamitin—gawaing tuwirang ginawa ng Espiritu ng Diyos, o gawaing ginawa ng Diyos na nagkatawang-tao, o gawaing tinapos sa pamamagitan ng tao—ang unang aalisin ay ang gawain na ginampanan sa pamamagitan ng tao, at, batay sa kalikasan ng gawain, at sa kalikasan ng gawain ng Espiritu laban sa yaong sa katawang-tao, napagpasyahan sa huli na higit na kapaki-pakinabang para sa tao ang gawaing ginawa sa katawang-tao kaysa sa gawain na tuwirang ginawa ng Espiritu, at nag-aalok ito ng higit na mga pakinabang. Ito ang kaisipan ng Diyos sa oras na nagpapasya Siya kung ang gawain ay gagawin ng Espiritu o ng katawang-tao. May isang kabuluhan at isang batayan sa bawat yugto ng gawain. Hindi paglalarawan sa isip nang walang batayan ang mga ito, ni isinasagawa nang walang pakundangan; may tiyak na karunungan sa mga ito. Gayon ang totoong kalagayan sa likod ng lahat ng gawain ng Diyos. Sa partikular, may higit pa sa plano ng Diyos sa gayong kadakilang gawain kung saan personal na gumagawa sa gitna ng tao ang Diyos na nagkatawang-tao. Samakatwid, ang karunungan ng Diyos at ang kabuuan ng Kanyang pagiging Diyos ay nasasalamin sa bawat kilos, pag-iisip, at ideya sa Kanyang gawain; ito ang higit na kongkreto at sistematikong pagiging Diyos ng Diyos. Napakahirap para sa tao na ilarawan sa isip ang mga banayad na saloobin at ideya, at mahirap para sa tao na paniwalaan, at, higit pa rito, mahirap para sa tao na malaman. Ginagawa ang gawaing ginawa ng tao ayon sa pangkalahatang prinsipyo, na, para sa tao, ay lubos na kasiya-siya. Ngunit kung ihahambing sa gawain ng Diyos, may sadyang napakalaking pagkakaiba; bagama’t dakila ang mga gawa ng Diyos at nasa isang kagila-gilalas na antas ang gawain ng Diyos, maraming mumunti at eksaktong mga plano at mga pagsasaayos sa likod ng mga ito na hindi mailarawan ng isip ng tao. Hindi lamang ayon sa prinsipyo ang bawat yugto ng Kanyang gawain, ngunit naglalaman din ng maraming bagay na hindi makakayang masabi nang maliwanag sa pamamagitan ng wika ng tao, at ang mga ito ay ang mga bagay na hindi nakikita ng tao. Gawain man ito ng Espiritu o gawain ng Diyos na nagkatawang-tao, naglalaman ang bawat isa ng mga plano ng Kanyang gawain. Hindi Siya gumagawa nang walang batayan, at hindi Siya gumagawa ng walang-kabuluhang gawain. Kapag tuwirang gumagawa ang Espiritu, dahil ito ay sa Kanyang mga mithiin, at kapag Siya ay nagiging tao (na ang ibig sabihin, kapag nagbabagong-anyo ang Kanyang panlabas na kaanyuan) upang gumawa, ito ay higit pa na naglalaman ng Kanyang layunin. Bakit pa Niya kaagad na babaguhin ang Kanyang pagkakakilanlan? Bakit pa Siya kaagad na magiging isang tao na hinahamak at inuusig?
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mas Kinakailangan ng Tiwaling Sangkatauhan ang Pagliligtas ng Diyos na Nagkatawang-tao
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 123
May sukdulang kabuluhan ang Kanyang gawain sa katawang-tao, na sinasabi tungkol sa gawain, at ang Siya na sa huli ay tumatapos sa gawain ay ang Diyos na nagkatawang-tao, at hindi ang Espiritu. Naniniwala ang ilan na maaaring pumarito sa lupa ang Diyos sa isang hindi pa batid na panahon at magpakita sa tao, kung saan hahatulan Niya mismo ang buong sangkatauhan, susubukan ang bawat isa nang walang sinumang naiiwan. Hindi alam ng mga nag-iisip sa ganitong paraan ang yugtong ito ng gawain ng pagkakatawang-tao. Hindi paisa-isang hinahatulan ng Diyos ang tao, at hindi paisa-isang sinusubukan ang tao; hindi magiging gawain ng paghatol ang paggawa ng gayon. Hindi ba’t magkakatulad ang katiwalian ng lahat ng sangkatauhan? Hindi ba’t magkakatulad ang diwa ng lahat ng sangkatauhan? Ang hinahatulan ay ang tiwaling diwa ng sangkatauhan, ang diwa ng tao na ginawang tiwali ni Satanas, at ang lahat ng kasalanan ng tao. Hindi hinahatulan ng Diyos ang mga walang kapararakan at walang kabuluhang pagkakamali ng tao. Mapagkatawan ang gawain ng paghatol, at hindi ito isinasagawa para sa isang tiyak na tao. Sa halip, gawain ito na kung saan hinahatulan ang isang pangkat ng mga tao upang kumatawan sa paghatol sa lahat ng sangkatauhan. Sa pamamagitan ng personal na pagsasagawa ng Kanyang gawain sa isang pangkat ng mga tao, ginagamit ng Diyos sa katawang-tao ang Kanyang gawain upang kumatawan sa gawain ng buong sangkatauhan, upang unti-unting ipalaganap pagkaraan. Ganito rin ang gawain ng paghatol. Hindi hinahatulan ng Diyos ang isang tiyak na uri ng tao o isang tiyak na pangkat ng mga tao, bagkus ay hinahatulan ang hindi pagkamatuwid ng buong sangkatauhan—ang pagsalungat ng tao sa Diyos, halimbawa, o kawalang-galang ng tao sa Kanya, o paggambala ng tao sa gawain ng Diyos, at kung ano-ano pa. Ang hinahatulan ay ang diwa ng pagsalungat ng sangkatauhan sa Diyos, at ang gawaing ito ay ang gawain ng paglupig sa mga huling araw. Ang gawain at salita ng Diyos na nagkatawang-tao na nasaksihan ng tao ay gawain ng paghatol sa harap ng malaking puting trono sa mga huling araw, na naisip ng tao sa mga nakaraang panahon. Ang gawain na kasalukuyang ginagawa ng Diyos na nagkatawang-tao ay siyang-siyang paghatol sa harap ng malaking puting trono. Ang Diyos na nagkatawang-tao ngayon ay ang Diyos na humahatol sa buong sangkatauhan sa panahon ng mga huling araw. Ang katawang-tao na ito at ang Kanyang gawain, Kanyang salita, at Kanyang buong disposisyon ay ang kabuuan Niya. Bagama’t may hangganan ang saklaw ng Kanyang gawain, at hindi tuwirang nasasangkot ang buong sansinukob, ang diwa ng gawain ng paghatol ay ang tuwirang paghatol sa lahat ng sangkatauhan—hindi lamang alang-alang sa mga hinirang na tao sa Tsina, o alang-alang sa isang maliit na bilang ng mga tao. Sa panahon ng gawain ng Diyos sa katawang-tao, bagama’t hindi kabilang ang buong sansinukob sa saklaw ng gawaing ito, kumakatawan ito sa gawain ng buong sansinukob, at pagkaraan Niyang tapusin ang gawain sa loob ng gawaing saklaw ng Kanyang katawang-tao, agad Niyang palalawakin ang gawaing ito sa buong sansinukob, sa katulad na paraan na lumaganap sa buong sansinukob ang ebanghelyo ni Jesus kasunod ng Kanyang muling pagkabuhay at pag-akyat sa langit. Gawain man ito ng Espiritu o gawain ng katawang-tao, gawain ito na isinasagawa sa loob ng isang limitadong saklaw, ngunit kumakatawan sa gawain ng buong sansinukob. Sa panahon ng mga huling araw, ginagampanan ng Diyos ang Kanyang gawain sa pamamagitan ng pagpapakita sa Kanyang nagkatawang-taong pagkakakilanlan, at ang Diyos sa katawang-tao ay ang Diyos na humahatol sa tao sa harap ng malaking puting trono. Espiritu man Siya o ang katawang-tao, Siya na gumagawa ng gawain ng paghatol ay ang Diyos na humahatol sa sangkatauhan sa mga huling araw. Natutukoy ito ayon sa Kanyang gawain, at hindi natutukoy ayon sa Kanyang panlabas na kaanyuan o iba pang mga kadahilanan. Bagama’t nagkikimkim ang tao ng mga kuru-kuro sa mga salitang ito, walang sinuman ang makapagtatatwa sa katunayan ng paghatol at paglupig ng Diyos na nagkatawang-tao sa lahat ng sangkatauhan. Kung anuman ang iniisip ng tao hinggil dito, ang mga katunayan, sa kabila ng lahat, ay mga katunayan. Walang sinuman ang makakayang magsabi na “Ang gawain ay ginagawa ng Diyos, ngunit ang katawang-tao ay hindi Diyos.” Wala itong katuturan, dahil ang gawaing ito ay maaari lamang gawin ng Diyos sa katawang-tao. Dahil nagawa nang ganap ang gawaing ito, kasunod ng gawaing ito, hindi lilitaw sa pangalawang pagkakataon ang gawain ng paghatol ng Diyos sa tao; natapos na ng Diyos sa Kanyang pangalawang pagkakatawang-tao ang lahat ng gawain ng buong pamamahala, at wala nang magiging ikaapat na yugto ng gawain ng Diyos. Sapagkat ang tao ang siyang hinahatulan, ang tao ng laman at naging tiwali, at hindi ang espiritu ni Satanas ang tuwirang hinahatulan, ang gawain ng paghatol, kung gayon, ay hindi tinutupad sa espirituwal na daigdig, kundi sa gitna ng tao.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mas Kinakailangan ng Tiwaling Sangkatauhan ang Pagliligtas ng Diyos na Nagkatawang-tao
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 124
Walang sinumang higit na angkop, at karapat-dapat, kaysa sa Diyos sa katawang-tao para sa gawain ng paghatol sa katiwalian ng laman ng tao. Kung ang paghatol ay tuwirang isinagawa ng Espiritu ng Diyos, kung gayon, hindi ito sasaklaw sa lahat. Bukod dito, magiging mahirap para sa tao na tanggapin ang gayong gawain, sapagkat hindi magagawa ng Espiritu na lumapit nang harap-harapan sa tao, at dahil dito, hindi magiging agaran ang mga bisa, hindi makikita ng tao nang lalong malinaw ang hindi nalalabag na disposisyon ng Diyos. Lubusang magagapi lamang si Satanas kung hahatulan ng Diyos sa katawang-tao ang katiwalian ng sangkatauhan. Dahil tulad sa tao na nagtataglay ng normal na pagkatao, maaaring tuwirang hatulan ng Diyos sa katawang-tao ang hindi pagiging matuwid ng tao; ito ang tatak ng Kanyang likas na kabanalan, at ng Kanyang pagiging katangi-tangi. Tanging ang Diyos ang karapat-dapat, at nasa katayuan na hatulan ang tao, sapagkat taglay Niya ang katotohanan, at pagiging matuwid, kaya nga nagagawa Niyang hatulan ang tao. Yaong mga walang katotohanan at katuwiran ay hindi nababagay na hatulan ang iba. Kung ginawa ng Espiritu ng Diyos ang gawaing ito, kung gayon ay hindi ito mangangahulugan ng tagumpay laban kay Satanas. Likas na higit na mabunyi ang Espiritu kaysa mga mortal na nilalang, at likas na banal ang Espiritu ng Diyos, at matagumpay laban sa laman. Kung tuwirang ginawa ng Espiritu ang gawaing ito, hindi Niya magagawang hatulan ang lahat ng pagsuway ng tao at hindi makakayang ibunyag ang lahat ng di-pagkamatuwid ng tao. Sapagkat natutupad din ang gawain ng paghatol sa pamamagitan ng mga kuru-kuro ng tao sa Diyos, at ang tao ay hindi kailanman nagkaroon ng anumang mga kuru-kuro sa Espiritu, at sa gayon ay hindi kaya ng Espiritu ang higit na mainam na paghahayag sa di-pagkamatuwid ng tao, lalong hindi kaya ang ganap na paghahayag ng gayong di-pagkamatuwid. Ang Diyos na nagkatawang-tao ay ang kaaway ng lahat ng tao na hindi nakakakilala sa Kanya. Sa pamamagitan ng paghatol sa mga kuru-kuro ng tao at pagsalungat sa Kanya, isinisiwalat Niya ang lahat ng pagsuway ng sangkatauhan. Higit na malinaw ang mga epekto ng Kanyang gawain sa katawang-tao kaysa sa mga gawain ng Espiritu. At kaya, hindi tuwirang isinasagawa ng Espiritu ang paghatol sa lahat ng sangkatauhan, bagkus ay ginagawa ng Diyos na nagkatawang-tao. Makakayang makita at mahawakan ng tao ang Diyos sa katawang-tao, at ang Diyos sa katawang-tao ay makakayang ganap na lupigin ang tao. Sa kanyang kaugnayan sa Diyos sa katawang-tao, umuusad ang tao mula sa pagsalungat patungo sa pagsunod, mula sa pag-uusig patungo sa pagtanggap, mula sa mga kuru-kuro patungo sa kaalaman, at mula sa pagtanggi patungo sa pagmamahal—ito ang mga epekto ng gawain ng Diyos na nagkatawang-tao. Naliligtas lamang ang tao sa pamamagitan ng pagtanggap ng Kanyang paghatol, unti-unti lamang na nakikilala Siya ng tao sa pamamagitan ng mga salita ng Kanyang bibig, nalulupig Niya ang tao sa panahon ng pagsalungat nito sa Kanya, at tumatanggap siya ng panustos ng buhay mula sa Kanya sa panahon ng pagtanggap ng Kanyang pagkastigo. Ang lahat ng gawaing ito ay ang gawain ng Diyos sa katawang-tao, at hindi ang gawain ng Diyos sa Kanyang pagkakakilanlan bilang Espiritu. Ang gawaing ginawa ng Diyos na nagkatawang-tao ay ang pinakadakilang gawain, at ang pinakamasidhing gawain, at ang pinakamahalagang bahagi ng tatlong yugto ng gawain ng Diyos ay ang dalawang yugto ng gawain ng pagkakatawang-tao. Isang malaking balakid ang matinding katiwalian ng tao sa gawain ng Diyos na nagkatawang-tao. Sa partikular, lubhang napakahirap na gawain ang isinagawa sa mga tao sa mga huling araw, at mapanlaban ang kapaligiran, at may kahinaan ang kakayahan ng bawat uri ng tao. Ngunit sa katapusan ng gawain na ito, makakamit pa rin nito ang tamang epekto, nang walang mga anumang kapintasan; ito ay ang epekto ng gawain ng katawang-tao, at higit na mapanghikayat ang epektong ito kaysa sa gawain ng Espiritu. Tatapusin sa katawang-tao ang tatlong yugto ng gawain ng Diyos, at dapat tapusin ang mga ito ng Diyos na nagkatawang-tao. Ginagawa sa katawang-tao ang pinakamahalaga at pinakamaselang gawain, at dapat personal na isagawa ng Diyos sa katawang-tao ang kaligtasan ng tao. Bagama’t nararamdaman ng lahat ng sangkatauhan na tila walang kaugnayan sa tao ang Diyos sa katawang-tao, sa katunayan ay nauugnay sa kapalaran at pag-iral ng buong sangkatauhan ang katawang-tao na ito.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mas Kinakailangan ng Tiwaling Sangkatauhan ang Pagliligtas ng Diyos na Nagkatawang-tao
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 125
Ipinatutupad ang bawat yugto ng gawain ng Diyos para sa kapakanan ng lahat ng sangkatauhan, at nakatuon sa buong sangkatauhan. Bagama’t gawain Niya ito sa katawang-tao, nakatuon pa rin ito sa lahat ng sangkatauhan; Siya ang Diyos ng buong sangkatauhan, at Siya ang Diyos ng lahat ng nilikha at di-nilikhang nilalang. Bagama’t nakapaloob sa isang limitadong saklaw ang Kanyang gawain sa katawang-tao, at may hangganan din ang pakay ng gawaing ito, sa tuwing nagiging katawang-tao Siya upang gawin ang Kanyang gawain, pumipili Siya ng isang layon ng Kanyang gawain na kumakatawan nang higit sa lahat; hindi Siya pumipili ng isang pangkat ng mga payak at karaniwang mga tao na Kanyang gagawaan, bagkus ay pumipili ng isang pangkat ng mga tao bilang layon ng Kanyang gawain na may kakayahang maging mga kinatawan ng Kanyang gawain sa katawang-tao. Pinipili ang pangkat na ito ng mga tao dahil may hangganan ang saklaw ng Kanyang gawain sa katawang-tao, at tanging inihahanda para sa Kanyang nagkatawang-taong laman, at tanging pinipili para sa Kanyang gawain sa katawang-tao. Ang pagpili ng Diyos sa mga layon ng Kanyang gawain ay hindi walang saligan, bagkus ay isinasagawa ayon sa mga prinsipyo: Ang layon ng gawain ay dapat may pakinabang sa gawain ng Diyos sa katawang-tao, at dapat na magawang kumatawan sa buong sangkatauhan. Halimbawa, nagawa ng mga Hudyo na kumatawan sa buong sangkatauhan sa pagtanggap ng personal na pagtubos ni Jesus, at ang mga Tsino ay nagagawang kumatawan sa buong sangkatauhan sa pagtanggap ng personal na paglupig ng Diyos na nagkatawang-tao. May isang batayan sa pagkatawan ng mga Hudyo sa buong sangkatauhan, at may isang batayan din sa pagkatawan ng mga mamamayang Tsino sa buong sangkatauhan sa pagtanggap ng personal na paglupig ng Diyos. Walang higit na naghahayag ng kahalagahan ng pagtubos maliban sa gawain ng pagtubos na ginawa sa gitna ng mga Hudyo, at walang higit na naghahayag sa kalubusan at tagumpay ng gawain ng paglupig maliban sa gawain ng paglupig na ginagawa sa mga mamamayang Tsino. Ang gawain at salita ng Diyos na nagkatawang-tao ay tila nakatutok lamang sa isang maliit na pangkat ng mga tao, ngunit sa katunayan, ang Kanyang gawain sa gitna ng maliit na pangkat na ito ay ang gawain ng buong sansinukob, at ang Kanyang salita ay nakatuon sa buong sangkatauhan. Pagkaraang umabot na sa katapusan ang Kanyang gawain sa katawang-tao, magsisimulang palaganapin ng mga taong sumusunod sa Kanya ang gawain na Kanyang nagawa na sa gitna nila. Ang pinakamainam na bagay tungkol sa Kanyang gawain sa katawang-tao ay maaari Siyang mag-iwan ng tumpak na mga salita at mga pangaral, at ang Kanyang tiyak na kalooban para sa sangkatauhan patungkol sa mga taong sumusunod sa Kanya, sa gayon pagkatapos, ang Kanyang mga tagasunod ay maaaring higit na tumpak at higit na konkretong maipasa ang lahat ng Kanyang mga gawain sa katawang-tao, at ang Kanyang kalooban para sa buong sangkatauhan, sa mga tumatanggap sa ganitong daan. Tanging ang gawain ng Diyos sa katawang-tao sa piling ng tao ang tunay na nagsasakatuparan sa katunayan na ang Diyos ay namumuhay at kasama ng tao. Tanging ang gawaing ito ang nagsasakatuparan sa mithiin ng tao na mamasdan ang mukha ng Diyos, masaksihan ang gawain ng Diyos, at marinig ang personal na salita ng Diyos. Winawakasan ng Diyos na nagkatawang-tao ang kapanahunan na likod lamang ni Jehova ang nagpakita sa sangkatauhan, at tinatapos din Niya ang kapanahunan ng paniniwala ng sangkatauhan sa malabong Diyos. Lalo na, dinadala ng gawain ng huling Diyos na nagkatawang-tao ang buong sangkatauhan sa isang kapanahunan na higit na makatotohanan, higit na praktikal, at higit na maganda. Hindi lamang Niya tinatapos ang kapanahunan ng kautusan at doktrina ngunit ang higit na mahalaga, inihahayag Niya sa sangkatauhan ang isang Diyos na tunay at normal, na matuwid at banal, na nagbubukas sa gawain ng plano ng pamamahala at nagpapamalas ng mga hiwaga at hantungan ng sangkatauhan, na lumikha sa sangkatauhan at winawakasan ang gawain ng pamamahala, at nanatiling nakatago nang libu-libong taon. Winawakasan Niya nang lubusan ang kapanahunan ng kalabuan, tinatapos Niya ang kapanahunan na ang ninais ng buong sangkatauhan ay hanapin ang mukha ng Diyos ngunit hindi nila nagawa, winawakasan Niya ang kapanahunan kung kailan nagsilbi kay Satanas ang buong sangkatauhan, at inaakay Niya ang buong sangkatauhan tungo sa isang ganap na bagong panahon. Lahat ng ito ay bunga ng gawain ng Diyos sa katawang-tao sa halip ng Espiritu ng Diyos. Kapag gumagawa ang Diyos sa Kanyang katawang-tao, ang mga taong sumusunod sa Kanya ay hindi na naghahanap at nag-aapuhap ng mga bagay na tila kapwa umiiral at di-umiiral, at tumitigil sila sa paghula sa kalooban ng malabong Diyos. Kapag pinalalaganap ng Diyos ang Kanyang gawain sa katawang-tao, ipapasa ng mga sumusunod sa Kanya ang gawain na Kanyang ginawa sa katawang-tao sa lahat ng mga relihiyon at denominasyon, at kanilang ipagtatalastasan ang lahat ng Kanyang mga salita sa mga pandinig ng buong sangkatauhan. Ang lahat na naririnig ng mga yaong tumatanggap sa Kanyang ebanghelyo ay magiging mga katunayan ng Kanyang gawain, magiging mga bagay na personal na nakikita at naririnig ng tao, at magiging mga katunayan at hindi sabi-sabi. Ang mga katunayang ito ay ang katibayan na Kanyang pinalalaganap ang gawain, at ito rin ang mga kasangkapan na ginagamit Niya sa pagpapalaganap ng gawain. Kung wala ang pag-iral ng mga katunayan, ang Kanyang ebanghelyo ay hindi lalaganap sa lahat ng bansa at sa lahat ng lugar; kapag walang katunayan bagkus ay sa mga guni-guni lamang ng tao, hindi Niya kailanman magagawa ang gawain ng panlulupig sa buong sansinukob. Ang Espiritu ay hindi nahahawakan ng tao, at di-nakikita ng tao, at ang gawain ng Espiritu ay hindi kayang mag-iwan ng anumang karagdagang katibayan o mga katunayan ng gawain ng Diyos para sa tao. Hindi kailanman makikita ng tao ang tunay na mukha ng Diyos, at palagi siyang maniniwala sa isang malabong Diyos na hindi umiiral. Hindi kailanman makikita ng tao ang tunay na mukha ng Diyos, o hindi rin kailanman maririnig ng tao ang mga salita na personal na sinabi ng Diyos. Sadyang wala namang laman ang mga ginuguni-guni ng tao, at hindi mapapalitan ang tunay na mukha ng Diyos; ang likas na disposisyon ng Diyos, at ang gawain ng Diyos Mismo ay hindi magagaya ng tao. Ang di-nakikitang Diyos sa langit at ang Kanyang gawain ay maaari lamang dalhin sa lupa ng Diyos na nagkatawang-tao na personal na ginagawa ang Kanyang gawain sa mga tao. Ito ang pinakamainam na paraan para makapagpakita ang Diyos sa tao, kung saan nakikita ng tao ang Diyos at nakikilala ang tunay na mukha ng Diyos, at hindi ito matatamo ng isang Diyos na hindi nagkatawang-tao. Dahil naisagawa na ng Diyos ang Kanyang gawain sa yugtong ito, nakamit na ng gawain ng Diyos ang pinakamainam na epekto, at naging isang ganap na tagumpay. Natapos na ng personal na gawain ng Diyos sa katawang-tao ang siyamnapung porsiyento ng mga gawain ng Kanyang buong pamamahala. Nagkaloob na ang katawang-tao na ito ng isang mas mahusay na pasimula sa lahat ng Kanyang gawain, at isang buod para sa lahat ng Kanyang gawain, at napagtibay na ang lahat ng Kanyang gawain, at ginawa ang huling masusing pagpapanauli sa lahat ng gawaing ito. Simula ngayon, hindi na magkakaroon ng isa pang Diyos na nagkatawang-tao upang gawin ang ikaapat na yugto ng gawain ng Diyos, at hindi na rin magkakaroon kailanman ng mga nakamamanghang gawain ng ikatlong pagkakatawang-tao ng Diyos.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mas Kinakailangan ng Tiwaling Sangkatauhan ang Pagliligtas ng Diyos na Nagkatawang-tao
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 126
Ang bawat yugto ng gawain ng Diyos sa katawang-tao ay kumakatawan sa Kanyang gawain ng buong kapanahunan, at hindi ito kumakatawan sa isang tiyak na panahon, tulad ng gawain ng tao. At kaya ang katapusan ng gawain ng Kanyang huling pagkakatawang-tao ay hindi nangangahulugan na ang Kanyang gawain ay umabot na sa ganap na katapusan, dahil ang Kanyang gawain sa katawang-tao ay kumakatawan sa buong kapanahunan, at hindi lamang kumakatawan sa yugto na gumagawa Siya ng Kanyang gawain sa katawang-tao. Nangyari lamang na tinatapos na Niya ang Kanyang gawain sa buong kapanahunan sa panahon na Siya ay nasa katawang-tao, pagkaraan ay lalaganap ito sa lahat ng dako. Pagkaraang matupad ng Diyos na nagkatawang-tao ang Kanyang ministeryo, ipagkakatiwala Niya ang Kanyang gawain sa hinaharap sa mga yaong sumusunod sa Kanya. Sa ganitong paraan, maipagpapatuloy nang walang patid ang Kanyang gawain sa buong kapanahunan. Maituturing lamang na ganap ang gawain ng buong kapanahunan ng pagkakatawang-tao sa sandaling naipalaganap na ito sa buong sansinukob. Sinisimulan ng gawain ng Diyos na nagkatawang-tao ang isang bagong panahon, at ang mga tao na kinakasangkapan Niya ang nagpapatuloy sa Kanyang gawain. Napapaloob sa ministeryo ng Diyos na nagkatawang-tao ang gawain na ginawa ng tao, at wala itong kakayahang lumampas sa ganitong saklaw. Kung hindi dumating ang Diyos na nagkatawang-tao upang gawin ang Kanyang gawain, hindi magagawa ng tao na dalhin ang lumang kapanahunan sa katapusan, at hindi magagawang maghatid ng isang bagong panahon. Ang gawain na ginawa ng tao ay nasa saklaw lamang ng kanyang tungkulin na kaya lamang ng tao, at hindi ito kumakatawan sa gawain ng Diyos. Tanging ang Diyos na nagkatawang-tao ang maaaring dumating at tapusin ang gawain na dapat Niyang gawin, at bukod sa Kanya, walang sinuman ang makakayang gawin ang gawaing ito sa ngalan Niya. Mangyari pa, ang tinutukoy Ko ay ang tungkol sa gawain ng pagkakatawang-tao. Unang nagsasagawa itong Diyos na nagkatawang-tao ng isang hakbang ng gawain na hindi umaayon sa mga kuru-kuro ng tao, pagkatapos noon ay gumagawa pa Siya ng higit na maraming gawain na hindi umaayon sa mga kuru-kuro ng tao. Ang layunin ng gawain ay ang paglupig sa tao. Sa isang pagtingin, hindi sumusunod sa mga kuru-kuro ng tao ang pagkakatawang-tao ng Diyos, bukod diyan ay gumagawa Siya ng higit pang gawain bilang karagdagan na hindi umaayon sa mga kuru-kuro ng tao, at sa gayon bumubuo pa ng mas kritikal na mga pananaw ang tao tungkol sa Kanya. Ginagawa lamang Niya ang gawain ng paglupig sa gitna ng mga tao na may napakaraming kuru-kuro sa Kanya. Kung paano man nila Siya tinatrato, kapag nakamit na Niya ang Kanyang ministeryo, magiging sakop ng Kanyang kapamahalaan ang lahat ng tao. Hindi lamang inilalarawan ang katunayan ng gawaing ito sa mga mamamayang Tsino, ngunit kinakatawan din nito kung paano lulupigin ang buong sangkatauhan. Ang mga epekto na nakakamit sa mga taong ito ay isang tagapagpauna sa mga epekto na makakamit sa kabuuan ng sangkatauhan, at ang mga epekto ng mga gawain na ginagawa Niya sa hinaharap ay lalong lalampasan maging ang mga epekto sa mga taong ito. Ang gawain ng Diyos sa katawang-tao ay hindi kinasasangkutan ng mabusising pagpaparangal, o napuputungan ng kawalang-halaga. Tunay at aktwal ito, at gawain ito na katumbas ng dalawa ang isa at isa. Hindi ito nakatago sa sinuman, o hindi nito nililinlang ang sinuman. Ang nakikita ng mga tao ay tunay at totoong mga bagay, at ang nakakamit ng tao ay ang tunay na katotohanan at kaalaman. Kapag natapos na ang gawain, magkakaroon ang tao ng isang bagong pagkakilala sa Kanya, at hindi na magkakaroon ng anumang mga kuru-kuro sa Kanya yaong mga taong tunay na naghahangad. Hindi lamang ito ang epekto ng Kanyang gawain sa mga mamamayang Tsino, ngunit kinakatawan din nito ang epekto ng Kanyang gawain sa paglupig sa buong sangkatauhan, dahil walang higit na kapaki-pakinabang sa gawain ng panlulupig sa buong sangkatauhan maliban sa katawang-tao na ito, at ang gawain ng katawang-tao na ito, at lahat ng bagay sa katawang-taong ito. Kapaki-pakinabang ang mga ito sa Kanyang gawain ngayon, at kapaki-pakinabang sa Kanyang gawain sa hinaharap. Lulupigin ng katawang-taong ito ang buong sangkatauhan at makakamit ang buong sangkatauhan. Walang higit na mahusay na gawain na kung saan makikita ng buong sangkatauhan ang Diyos, at susundin ang Diyos, at makikilala ang Diyos. Kumakatawan lamang sa isang limitadong saklaw ang gawain na ginawa ng tao, at kapag ginagawa ng Diyos ang Kanyang gawain, hindi Siya nagsasalita sa isang tiyak na tao, ngunit nagsasalita sa buong sangkatauhan, at sa lahat ng taong tumatanggap ng Kanyang mga salita. Ang katapusan na Kanyang ipinapahayag ay ang katapusan ng lahat ng sangkatauhan, hindi lamang ang katapusan ng isang tiyak na tao. Hindi Siya nagbibigay ng anupamang natatanging pakikitungo sa sinuman, o hindi Siya nambibiktima sa sinuman, at gumagawa Siya para sa, at nagsasalita sa, buong sangkatauhan. Napagbukod-bukod na nitong Diyos na nagkatawang-tao ang buong sangkatauhan ayon sa uri, nahatulan na ang buong sangkatauhan, at naisaayos na ang isang angkop na hantungan para sa buong sangkatauhan. Bagama’t ginagawa lamang ng Diyos ang Kanyang gawain sa Tsina, sa katunayan ay nalutas na Niya ang gawain ng buong sansinukob. Hindi Siya makakapaghintay hanggang naipalaganap na sa buong sangkatauhan ang Kanyang gawain bago gawin ang Kanyang mga pagbigkas at mga pagsasaayos nang paisa-isang hakbang. Iyan ba ay hindi pa huli? Ganap na Niyang natapos ang hinaharap na gawain bago pa ang lahat. Dahil Siya na gumagawa ay ang Diyos sa katawang-tao, gumagawa Siya ng walang hanggang gawain sa loob ng isang saklaw na may hangganan, at pagkaraan ay pagagawain Niya ang tao ng tungkulin na dapat gampanan ng tao; ito ang prinsipyo ng Kanyang gawain. Makakaya lamang Niyang mabuhay kasama ang tao sa isang panahon, at hindi makakayang samahan ang tao hanggang matapos ang gawain sa buong panahon. Dahil Siya ay Diyos kaya naihahayag Niya nang patiuna ang Kanyang gawain sa hinaharap. Pagkaraan, pagbubukurin Niya ang buong sangkatauhan ayon sa uri sa pamamagitan ng Kanyang mga salita, at papasok ang sangkatauhan sa Kanyang hakbang-hakbang na gawain alinsunod sa Kanyang mga salita. Walang sinumang makatatakas, at dapat magsagawa ang lahat ayon dito. Kaya sa hinaharap, gagabayan ang kapanahunan ng Kanyang mga salita, at hindi gagabayan ng Espiritu.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mas Kinakailangan ng Tiwaling Sangkatauhan ang Pagliligtas ng Diyos na Nagkatawang-tao
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 127
Nagawa nang tiwali ni Satanas ang laman ng tao, at lubusan na itong binulag, at matinding pininsala. Ang pinakapangunahing dahilan kung bakit gumagawa ang Diyos nang personal sa katawang-tao ay dahil ang tao, na mula sa laman, ang layon ng Kanyang pagliligtas, at dahil ginagamit din ni Satanas ang laman ng tao upang gambalain ang gawain ng Diyos. Ang pakikipaglaban kay Satanas ang talagang gawain ng panlulupig sa tao, at kasabay nito, ang tao rin ang layon ng pagliligtas ng Diyos. Sa ganitong paraan, napakahalaga ng gawain ng Diyos na nagkatawang-tao. Ginawang tiwali ni Satanas ang laman ng tao, at naging sagisag ni Satanas ang tao, at naging layon na gagapiin ng Diyos. Sa ganitong paraan, ang gawain ng pakikipaglaban kay Satanas at pagliligtas sa buong sangkatauhan ay nagaganap sa lupa, at dapat maging tao ang Diyos upang makipaglaban kay Satanas. Ito ang gawain na sukdulang praktikal. Kapag gumagawa ang Diyos sa katawang-tao, tunay Siyang nakikipaglaban kay Satanas sa katawang-tao. Kung gumagawa Siya sa katawang-tao, ginagawa Niya ang Kanyang gawain sa espirituwal na dako, at ginagawa Niyang tunay sa lupa ang kabuuan ng Kanyang gawain sa espirituwal na dako. Tao ang nalulupig, tao na hindi masunurin sa Kanya, at ang nagagapi ay ang pinakalarawan ni Satanas (mangyari pa, ito ay tao rin), na nakikipag-alitan sa Kanya, at tao rin ang naliligtas sa dakong huli. Sa ganitong paraan, higit pang kinakailangan para sa Diyos na maging isang tao na may panlabas na anyo ng isang nilalang, upang magawa Niya ang tunay na pakikipaglaban kay Satanas, upang malupig ang tao, na mapanghimagsik sa Kanya at nag-aangkin ng panlabas na kaanyuan na katulad ng sa Kanya, at upang mailigtas ang tao, na may panlabas na kaanyuan na tulad Niya at napinsala na ni Satanas. Tao ang Kanyang kaaway, tao ang pakay ng Kanyang paglupig, at tao, na nilikha Niya, ang layon ng Kanyang pagliligtas. Kaya’t dapat Siyang maging tao, at sa ganitong paraan, nagiging higit na madali ang Kanyang gawain. Nagagawa Niyang gapiin si Satanas at lupigin ang sangkatauhan, at, higit pa rito, nagagawang iligtas ang sangkatauhan. Bagama’t karaniwan at tunay ang katawang-tao na ito, hindi Siya pangkaraniwang katawang-tao: Hindi Siya katawang-tao na tao lamang, ngunit katawang-tao na kapwa tao at Diyos. Ito ang pagkakaiba Niya sa tao, at ito ang tatak ng pagkakakilanlan ng Diyos. Tanging katawang-tao na tulad nito ang makakayang gumawa ng mga gawaing ninanais Niyang gawin, at matupad ang ministeryo ng Diyos sa katawang-tao, at ganap na makumpleto ang Kanyang gawain sa gitna ng mga tao. Kung hindi ito ganoon, laging magiging hungkag at may kapintasan ang Kanyang gawain sa gitna ng mga tao. Bagama’t makakaya ng Diyos na makipaglaban sa espiritu ni Satanas at lumitaw na matagumpay, hindi malulutas kailanman ang lumang kalikasan ng tiwaling tao, at yaong mga hindi masunurin sa Kanya at sumasalungat sa Kanya ay hindi kailanman totoong magiging sakop ng Kanyang kapamahalaan, na ang ibig sabihin, hindi Niya kailanman makakayang lupigin ang sangkatauhan, at hindi kailanman makakayang kamtin ang buong sangkatauhan. Kung hindi makakayang lutasin ang Kanyang gawain sa lupa, kung ganoon ay hindi kailanman matatapos ang Kanyang pamamahala, at hindi magagawa ng buong sangkatauhan na pumasok sa kapahingahan. Kung hindi makakaya ng Diyos na pumasok sa kapahingahan kasama ang lahat ng Kanyang mga nilikha, kung ganoon ay walang kalalabasan kailanman sa ganoong gawain ng pamamahala, at kasunod na mawawala ang kaluwalhatian ng Diyos. Bagama’t walang awtoridad ang Kanyang katawang-tao, makakamit na ang epekto ng gawain na Kanyang ginagawa. Ito ang di-maiiwasang tunguhin ng Kanyang gawain. Nagtataglay man o hindi ng awtoridad ang Kanyang katawang-tao, hangga’t kaya Niyang gawin ang gawain ng Diyos Mismo, Siya ay ang Diyos Mismo. Gaano man kakaraniwan o kaordinaryo ang katawang-tao na ito, makakaya Niyang gawin ang gawain na dapat Niyang gawin, dahil Diyos at hindi tao lamang ang katawang-tao na ito. Ang dahilan na magagawa ng katawang-taong ito ang gawain na hindi kaya ng tao ay sapagkat ang Kanyang panloob na diwa ay hindi katulad ng sa sinumang tao, at ang dahilan na kaya Niyang iligtas ang tao ay sapagkat ang Kanyang pagkakakilanlan ay naiiba sa sinumang tao. Napakahalaga sa sangkatauhan ng katawang-tao na ito sapagkat Siya ay tao at lalong higit ay Diyos, sapagkat nakakaya Niyang gawin ang mga gawain na hindi kaya ng karaniwang katawan ng tao, at dahil nakakaya Niyang magligtas ng tiwaling tao, na namumuhay kasama Niya sa lupa. Bagama’t Siya ay kawangis ng tao, ang Diyos na nagkatawang-tao ay higit na mahalaga sa sangkatauhan kaysa sa sinumang tao na may halaga, dahil nakakaya Niya ang gawain na hindi makakayang gawin ng Espiritu ng Diyos, higit na may kakayahan kaysa sa Espiritu ng Diyos na magpatotoo sa Diyos Mismo, at higit na may kakayahan kaysa sa Espiritu ng Diyos na lubos na makamtan ang sangkatauhan. Bilang bunga, bagama’t karaniwan at ordinaryo ang katawang-tao na ito, ang ambag Niya sa sangkatauhan at ang kahalagahan Niya sa pag-iral ng sangkatauhan ay lubos na ginagawa Siyang napakahalaga, at hindi masusukat ng sinumang tao ang tunay na halaga at kabuluhan ng katawang-tao na ito. Bagama’t hindi makakayang tuwirang puksain si Satanas ng katawang-tao na ito, makakaya Niyang gamitin ang Kanyang gawain upang lupigin ang sangkatauhan at gapiin si Satanas, at gawin si Satanas na lubos na magpasakop sa Kanyang kapamahalaan. Dahil ang Diyos ay nagkatawang-tao na kaya’t makakaya Niyang talunin si Satanas at magagawang iligtas ang sangkatauhan. Hindi Niya tuwirang pinupuksa si Satanas, bagkus ay nagkakatawang-tao upang gawin ang gawain na lupigin ang sangkatauhan, na nagawang tiwali ni Satanas. Sa ganitong paraan, higit na mahusay Niyang magagawang magpatotoo sa Sarili Niya sa gitna ng Kanyang mga nilalang, at higit na mahusay na magagawang iligtas ang tiwaling tao. Ang paglupig kay Satanas ng Diyos na nagkatawang-tao ay magdudulot ng higit na malaking patotoo, at higit na mapanghikayat, kaysa sa tuwirang pagpuksa ng Espiritu ng Diyos kay Satanas. Ang Diyos na nagkatawang-tao ay higit na magagawang tumulong sa tao para kilalanin ang Lumikha, at higit na magagawang magpatotoo sa Sarili Niya sa gitna ng mga nilalang Niya.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mas Kinakailangan ng Tiwaling Sangkatauhan ang Pagliligtas ng Diyos na Nagkatawang-tao
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 128
Ang Diyos ay pumarito sa lupa upang gawin ang Kanyang gawain sa gitna ng tao, upang personal na ibunyag sa tao ang Sarili Niya, at tulutan ang tao na mapagmasdan Siya; ito ba ay maliit na bagay? Ito ay tunay na hindi payak! Hindi ito gaya ng iniisip ng tao: na ang Diyos ay dumating nang sa gayon ay makita Siya ng tao, nang sa gayon ay maaaring maunawaan ng tao na ang Diyos ay tunay at hindi malabo o hungkag, at na ang Diyos ay mataas ngunit mapagkumbaba rin. Ganoon lang kaya ito kasimple? Tiyak na dahil natiwali na ni Satanas ang laman ng tao, at ang tao ang siyang hinahangad iligtas ng Diyos, kaya kailangang magkatawang-tao ang Diyos upang makipagdigma kay Satanas at upang personal na akayin ang tao. Ito lamang ang kapaki-pakinabang sa Kanyang gawain. Ang dalawang katawang-tao ng Diyos ay umiral upang talunin si Satanas, at upang higit na mabisang iligtas ang tao. Iyon ay dahil ang siyang nakakagawa ng pakikipagdigma kay Satanas ay ang Diyos lamang, maging ito man ay ang Espiritu ng Diyos o ang katawang-tao ng Diyos. Sa madaling salita, hindi mangyayari na ang mga anghel ang magsasagawa ng pakikipagdigma kay Satanas, lalong hindi ito ang tao, na nagawa nang tiwali ni Satanas. Walang kapangyarihan ang mga anghel na lumaban sa labanang ito, at ang tao ay lalo pang mas inutil. Sa gayon, kung ninanais ng Diyos na gawaan ang buhay ng tao, kung ninanais Niyang personal na pumunta sa lupa upang iligtas ang tao, kung gayon ay kailangan Niyang personal na maging katawang-tao—iyon ay, kailangan Niyang personal na maging katawang-tao, at taglay ang Kanyang likas na pagkakakilanlan at ang gawain na kailangan Niyang gawin, pumunta sa gitna ng tao at personal na iligtas ang tao. Kung hindi, kung ang Espiritu ng Diyos o ang tao ang gumawa ng gawaing ito, kung gayon ay walang mangyayari kailanman sa labanang ito, at hindi ito matatapos kailanman. Tanging kapag ang Diyos ay nagiging katawang-tao upang personal na makipagdigma laban kay Satanas sa gitna ng tao na nagkakaroon ng pagkakataon ang tao sa kaligtasan. Bilang karagdagan, sa gayon lamang napapahiya si Satanas at naiiwang walang anumang mga pagkakataon na sasamantalahin o anumang mga plano na isasakatuparan. Ang gawain na ginagawa ng Diyos na nagkatawang-tao ay di-nakakamit ng Espiritu ng Diyos, at lalo pang magiging imposible para sa sinumang makalamang tao na gawin ito sa ngalan ng Diyos, sapagkat ang gawain na Kanyang ginagawa ay para sa kapakanan ng buhay ng tao, at upang baguhin ang tiwaling disposisyon ng tao. Kung ang tao ay makikisali sa digmaang ito, tatakas lamang siya sa kahabag-habag na kaguluhan, at magiging walang kakayahan man lamang na baguhin ang kanyang tiwaling disposisyon. Hindi niya kakayaning iligtas ang tao mula sa krus, o lupigin ang lahat ng mapaghimagsik na sangkatauhan, kundi makakaya lamang niyang gumawa ng kaunting lumang gawain na hindi lumalampas sa mga prinsipyo, o kaya ay anupamang gawain na walang kaugnayan sa pagkatalo ni Satanas. Kaya bakit mag-aabala? Ano ang kabuluhan ng gawain na hindi nakakatamo sa tao, lalong hindi nakakatalo kay Satanas? At kaya, ang digmaan laban kay Satanas ay maisasakatuparan lamang ng Diyos Mismo, at magiging imposible na lamang para sa tao na gawin ito. Ang tungkulin ng tao ay tumalima at sumunod, sapagkat hindi kayang gawin ng tao ang gawaing katulad ng paggawa ng kalangitan at lupa, ni, higit pa rito, naisasakatuparan niya ang gawain ng pakikipagdigma kay Satanas. Mapapasaya lamang ng tao ang Lumikha sa ilalim ng pangunguna ng Diyos Mismo, kung saan sa pamamagitan nito ay natatalo si Satanas; ito lamang ang isang bagay na magagawa ng tao. At kaya, sa tuwing nagsisimula ang isang bagong digmaan, na ang ibig sabihin, sa tuwing nagsisimula ang gawain ng bagong kapanahunan, ang gawaing ito ay personal na ginagawa ng Diyos Mismo, kung saan sa pamamagitan nito ay pinangungunahan Niya ang buong kapanahunan at nagbubukas ng isang bagong landas para sa kabuuan ng sangkatauhan. Ang bukang-liwayway ng bawat isang bagong kapanahunan ay isang bagong simula sa pakikipagdigma kay Satanas, kung saan sa pamamagitan nito pumapasok ang tao sa mas bago, mas magandang kinasasaklawan, at isang bagong kapanahunan na personal na pinangungunahan ng Diyos Mismo. Ang tao ang panginoon ng lahat ng bagay, ngunit yaong mga natatamo ay magiging mga bunga ng lahat ng digmaan laban kay Satanas. Si Satanas ang tagapagtiwali ng lahat ng bagay, ito ang nagapi sa katapusan ng lahat ng digmaan, at siya ring maparurusahan kasunod ng mga digmaang ito. Sa gitna ng Diyos, ng tao at ni Satanas, tanging si Satanas ang isang kamumuhian at tatanggihan. Yaong mga natamo ni Satanas ngunit mga hindi nabawing muli ng Diyos, samantala, ay nagiging silang mga makakatanggap ng kaparusahan sa ngalan ni Satanas. Sa tatlong ito, tanging ang Diyos ang dapat sambahin ng lahat ng bagay. Yaong mga natiwali ni Satanas subalit mga nabawing muli ng Diyos at mga sumusunod sa daan ng Diyos, samantala, ay nagiging sila na makakatanggap ng pangako ng Diyos at hahatol sa masasama para sa Diyos. Ang Diyos ay tiyak na magiging matagumpay at tiyak na matatalo si Satanas, ngunit sa gitna ng tao ay mayroong mga mananalo at mayroong mga matatalo. Yaong mga mananalo ay mapapabilang sa mga mananagumpay, at yaong mga matatalo ay mapapabilang sa mga talunan; ito ang pagbubukud-bukod ng bawat isa ayon sa uri, ito ang huling pagwawakas ng buong gawain ng Diyos. Ito rin ang layunin ng buong gawain ng Diyos, at hindi ito kailanman magbabago. Ang ubod ng pangunahing gawain sa plano ng pamamahala ng Diyos ay nakatuon sa kaligtasan ng tao, at ang Diyos ay naging katawang-tao para sa kapakanan unang-una ng ubod na ito, para sa kapakanan ng gawaing ito, at upang talunin si Satanas. Ang unang pagkakataon na naging katawang-tao ang Diyos ay dahil din upang talunin si Satanas: Personal Siyang naging katawang-tao, at personal Siyang ipinako sa krus, upang kumpletuhin ang gawain ng unang digmaan, na siyang gawain para sa pagtutubos sa sangkatauhan. Gayundin, ang yugtong ito ng gawain ay personal ding ginagawa ng Diyos, na nagiging katawang-tao upang gawin ang Kanyang gawain sa gitna ng tao, upang personal na sabihin ang Kanyang salita at tulutan ang tao na makita Siya. Mangyari pa, hindi maiiwasan na gumagawa rin Siya ng ilang ibang gawain kasabay niyon, ngunit ang pangunahing dahilan kung kaya personal Niyang isinasakatuparan ang Kanyang gawain ay upang talunin si Satanas, upang lupigin ang kabuuan ng sangkatauhan, at upang tamuhin ang mga taong ito. Kaya, ang gawain ng pagkakatawang-tao ng Diyos ay tunay na hindi payak. Kung ang Kanyang layunin ay upang ipakita lamang sa tao na ang Diyos ay mapagpakumbaba at nakatago at na ang Diyos ay tunay, kung ito ay para lamang sa kapakanan ng paggawa ng gawaing ito, kung gayon ay hindi na kakailanganin pa na maging katawang-tao. Kahit pa hindi naging katawang-tao ang Diyos, maibubunyag Niya ang Kanyang pagpapakumbaba at pagkatago, ang Kanyang kadakilaan at kabanalan, sa tao nang tuwiran, ngunit ang gayong mga bagay ay walang kinalaman sa gawain ng pamamahala sa tao. Ang mga iyon ay walang kakayahan na iligtas ang tao o gawin siyang ganap, lalong hindi natatalo ng mga iyon si Satanas. Kung ang pagtalo kay Satanas ay kinapapalooban lamang ng pakikipaglaban ng Espiritu laban sa isang espiritu, kung gayon ang ganoong gawain ay magkakaroon nang higit pang mas mababang halagang praktikal; wala itong kakayahang tamuhin ang tao at wawasakin ang kapalaran at mga pagkakataon ng tao. Dahil dito, ang gawain ng Diyos sa kasalukuyan ay may malalim na kabuluhan. Ito ay hindi lamang upang maaaring makita Siya ng tao, o kaya ay upang maaaring mabuksan ang mga mata ng tao, o upang pagkalooban siya ng kaunting pandamdam ng pakiramdam ng pagkatinag at paghimok; ang gayong gawain ay walang kabuluhan. Kung makakapagsalita ka lamang tungkol sa ganitong uri ng kaalaman, kung gayon ay pinatutunayan nito na hindi mo alam ang tunay na kabuluhan ng pagkakatawang-tao ng Diyos.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Pagpapanumbalik ng Normal na Buhay ng Tao at Pagdadala sa Kanya sa Isang Kamangha-manghang Hantungan
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 129
Bawat yugto ng gawaing ginawa ng Diyos ay may sariling praktikal na kabuluhan. Noon, nang pumarito si Jesus, dumating Siya sa anyong lalaki, at nang dumating ang Diyos sa pagkakataong ito, ang anyo Niya ay babae. Mula rito, makikita mo na ang paglikha ng Diyos sa kapwa lalaki at babae ay magagamit sa Kanyang gawain, at para sa Kanya ay walang pagkakaiba ng kasarian. Kapag dumarating ang Kanyang Espiritu, maaari Siyang magbihis ng anumang katawang-taong gusto Niya, at maaari Siyang katawanin ng katawang-taong iyon; lalaki man o babae, maaari nitong katawanin ang Diyos basta’t ito ang Kanyang nagkatawang-taong laman. Kung nagpakita si Jesus bilang isang babae nang Siya ay dumating, sa madaling salita, kung isang sanggol na babae, at hindi isang lalaki, naipaglihi sa pamamagitan ng Banal na Espiritu, makukumpleto pa rin ang yugtong iyon ng gawain. Kung nagkagayon, kakailanganing kumpletuhin ng isang lalaki ang kasalukuyang yugto ng gawain, ngunit makukumpleto pa rin ang gawain. Ang gawaing ginagawa sa bawat yugto ay mayroong sarili nitong kabuluhan; hindi naulit ang alinmang yugto ng gawain, ni hindi ito magkasalungat. Sa panahong iyon, si Jesus, sa paggawa ng Kanyang gawain, ay tinawag na bugtong na Anak, at ang “Anak” ay nagpapahiwatig ng kasariang lalaki. Bakit hindi binanggit ang bugtong na Anak sa kasalukuyang yugtong ito? Dahil ang mga kinakailangan ng gawain ay nangailangan ng pagbabago ng kasarian na naiiba sa kay Jesus. Para sa Diyos walang pagkakaiba ang kasarian. Ginagawa Niya ang Kanyang gawain ayon sa Kanyang kagustuhan, at sa paggawa ng Kanyang gawain ay hindi Siya sumasailalim sa anumang mga paghihigpit, kundi malayang-malaya. Subalit bawat yugto ng gawain ay may sariling praktikal na kabuluhan. Dalawang beses na naging tao ang Diyos, at maliwanag na ang Kanyang pagkakatawang-tao sa mga huling araw ang huling pagkakataon. Naparito Siya upang ipahayag ang lahat ng Kanyang gawa. Kung hindi Siya naging tao sa yugtong ito upang personal na gumawa para masaksihan ng tao, kumapit sana ang tao magpakailanman sa kuru-kuro na ang Diyos ay lalaki lamang, hindi babae. Bago ito, naniwala ang buong sangkatauhan na maaari lamang maging lalaki ang Diyos at hindi maaaring tawaging Diyos ang isang babae, sapagkat itinuring ng buong sangkatauhan na may awtoridad ang mga lalaki sa mga babae. Naniwala sila na walang babaeng maaaring magkaroon ng awtoridad, mga lalaki lamang. Bukod pa rito, sinabi pa nila na ang lalaki ang pinuno ng babae at na kailangang sundin ng babae ang lalaki at hindi niya maaaring higitan ito. Noong araw, nang sabihin na ang lalaki ang pinuno ng babae, patungkol ito kina Adan at Eba, na nalinlang ng ahas—hindi sa lalaki at babae ayon sa pagkalikha sa kanila ni Jehova sa simula. Siyempre pa, kailangang sundin at mahalin ng isang babae ang kanyang asawa, at kailangang matutuhan ng lalaki na pakainin at suportahan ang kanyang pamilya. Ito ang mga batas at kautusang itinakda ni Jehova na kailangang sundin ng sangkatauhan sa kanilang buhay sa lupa. Sinabi ni Jehova sa babae, “Ang iyong pagnanais ay magiging sa iyong asawa, at siya ang mamamahala sa iyo.” Sinabi lamang Niya iyon upang ang sangkatauhan (ibig sabihin, kapwa ang lalaki at ang babae) ay mabuhay nang normal sa ilalim ng kapamahalaan ni Jehova, at upang ang buhay ng sangkatauhan ay magkaroon ng isang kaayusan, at hindi mawala sa tama nitong pagkakaayos. Samakatuwid, gumawa si Jehova ng angkop na mga panuntunan tungkol sa nararapat na pagkilos ng lalaki at babae, bagama’t patungkol lamang ito sa lahat ng nilalang na nabubuhay sa lupa, at walang kaugnayan sa nagkatawang-taong laman ng Diyos. Paano magiging kapareho ng Diyos ang Kanyang mga nilikha? Ang Kanyang mga salita ay patungkol lamang sa sangkatauhan na Kanyang nilikha; para mabuhay nang normal ang sangkatauhan, itinakda Niya ang mga panuntunan para sa lalaki at babae. Sa simula, nang likhain ni Jehova ang sangkatauhan, gumawa Siya ng dalawang klaseng tao, kapwa lalaki at babae; kaya nga hiwalay ang lalaki at babae sa Kanyang mga nagkatawang-taong laman. Hindi Niya ipinasiya ang Kanyang gawain batay sa mga salitang sinabi Niya kina Adan at Eba. Ang dalawang beses na naging tao Siya ay natukoy nang lubusan ayon sa Kanyang iniisip noong una Niyang likhain ang sangkatauhan; ibig sabihin, nakumpleto Niya ang gawain ng Kanyang dalawang pagkakatawang-tao batay sa lalaki at babae bago sila nagawang tiwali. Kung tinanggap ng sangkatauhan ang mga salitang sinambit ni Jehova kina Adan at Eba, na nalinlang ng ahas, at inangkop ang mga ito sa gawain ng pagkakatawang-tao ng Diyos, hindi ba dapat ding mahalin ni Jesus ang Kanyang asawa tulad ng nararapat Niyang gawin? Sa ganitong paraan, magiging Diyos pa rin ba ang Diyos? At dahil dito, makakaya pa rin kaya Niyang kumpletuhin ang Kanyang gawain? Kung mali na maging babae ang nagkatawang-taong laman ng Diyos, hindi kaya isang napakalaking kamalian din na nalikha ng Diyos ang babae? Kung naniniwala pa rin ang mga tao na maling magkatawang-tao ang Diyos bilang babae, hindi kaya nagkamali rin si Jesus, na hindi nag-asawa at samakatuwid ay hindi nagawang mahalin ang Kanyang asawa, na tulad ng kasalukuyang pagkakatawang-tao? Yamang ginagamit mo ang mga salitang sinambit ni Jehova kay Eba upang sukatin ang katotohanan ng pagkakatawang-tao ng Diyos sa kasalukuyang araw, kailangan mong gamitin ang mga salita ni Jehova kay Adan upang hatulan ang Panginoong Jesus na naging tao sa Kapanahunan ng Biyaya. Hindi ba magkapareho ang mga ito? Yamang sinusukat mo ang Panginoong Jesus ayon sa lalaking hindi nalinlang ng ahas, hindi mo maaaring hatulan ang katotohanan ng pagkakatawang-tao ngayon ayon sa babaeng nalinlang ng ahas. Hindi magiging patas ito! Ang pagsukat sa Diyos sa ganitong paraan ay nagpapatunay na wala ka sa katwiran. Nang maging tao si Jehova nang dalawang beses, ang kasarian ng Kanyang katawang-tao ay may kaugnayan sa lalaki at sa babaeng hindi nalinlang ng ahas; alinsunod ito sa lalaki at babaeng hindi nalinlang ng ahas na dalawang beses Siyang naging tao. Huwag mong isipin na ang pagkalalaki ni Jesus ay kapareho ng kay Adan, na nalinlang ng ahas. Ganap na walang kaugnayan ang dalawa, sila ay mga lalaki na dalawang magkaiba ang likas na pagkatao. Tiyak kayang hindi maaari na ang pagkalalaki ni Jesus ay nagpapatunay na Siya ang pinuno ng lahat ng babae ngunit hindi ng lahat ng lalaki? Hindi ba Siya ang Hari ng lahat ng Hudyo (kasama na kapwa ang mga lalaki at mga babae)? Siya ang Diyos Mismo, hindi lamang ang pinuno ng babae kundi ang pinuno rin ng lalaki. Siya ang Panginoon ng lahat ng nilalang at ang pinuno ng lahat ng nilalang. Paano mo malalaman na ang pagkalalaki ni Jesus ang sagisag ng pinuno ng babae? Hindi ba ito kalapastanganan? Si Jesus ay isang lalaking hindi nagawang tiwali. Siya ang Diyos; Siya ang Cristo; Siya ang Panginoon. Paano Siya magiging isang lalaki na tulad ni Adan na nagawang tiwali? Si Jesus ang katawang-taong ibinihis ng pinakabanal na Espiritu ng Diyos. Paano mo nasabi na Siya ay isang Diyos na nagtataglay ng pagkalalaki ni Adan? Kung magkagayon, hindi kaya mali ang buong gawain ng Diyos? Isasama kaya ni Jehova sa loob ni Jesus ang pagkalalaki ni Adan na nalinlang ng ahas? Hindi ba ang pagkakatawang-tao ng kasalukuyang panahon ay isa pang halimbawa ng gawain ng Diyos na nagkatawang-tao, na iba ang kasarian kay Jesus ngunit katulad Niya ang likas na katangian? Nangangahas ka pa rin bang sabihin na hindi maaaring maging babae ang Diyos na nagkatawang-tao, dahil babae ang unang nalinlang ng ahas? Nangangahas ka pa rin bang sabihin na, dahil ang babae ang pinakamarumi at ang pinagmulan ng katiwalian ng sangkatauhan, hindi posibleng maging tao ang Diyos bilang isang babae? Nangangahas ka bang magpumilit sa pagsasabi na “palaging susundin ng babae ang lalaki at hindi maaaring makita o direktang kumatawan sa Diyos kailanman”? Hindi ka nakaunawa noong araw, ngunit magagawa mo bang patuloy na lapastanganin ngayon ang gawain ng Diyos, lalo na ang nagkatawang-taong laman ng Diyos? Kung hindi ito malinaw sa iyo, mabuti pang ingatan mo ang iyong pananalita, kung hindi ay mahahayag ang iyong kahangalan at kamangmangan at malalantad ang iyong kapangitan. Huwag mong isipin na nauunawaan mo ang lahat. Sinasabi Ko sa iyo na hindi sapat ang lahat ng nakita at naranasan mo para maunawaan mo kahit ang ika-sanlibong bahagi ng Aking plano ng pamamahala. Kung gayon ay bakit napakayabang mong kumilos? Ang katiting na talento at kaunting kaalaman mo ay hindi sapat para gamitin ni Jesus kahit isang segundo lamang ng Kanyang gawain! Gaano ba talaga karami ang karanasan mo? Ang nakita mo at lahat ng narinig mo sa buong buhay mo at ang naisip mo ay maliit kaysa sa gawaing ginagawa Ko sa isang saglit! Ang pinakamabuti ay huwag kang mamintas at maghanap ng mali. Maaari kang magmayabang hangga’t gusto mo, ngunit isa ka lamang nilalang na ni hindi kapantay ng isang langgam! Lahat ng laman ng iyong tiyan ay mas kakaunti kaysa sa laman ng tiyan ng isang langgam! Huwag mong isipin na, komo nagkaroon ka na ng kaunting karanasan at nauna ka sa tungkulin, may karapatan ka nang magkukumpas at magmayabang. Hindi ba ang iyong karanasan at pagkauna sa tungkulin ay bunga ng mga salitang nabigkas Ko? Naniniwala ka ba na kapalit ang mga iyon ng sarili mong pagsisikap at pagpapagod? Ngayon, nakikita mo na Ako ay naging tao, at dahil lamang dito ay napuno ka ng napakaraming konsepto, at ng walang-katapusang mga kuru-kuro mula roon. Kung hindi dahil sa Aking pagkakatawang-tao, kahit may taglay kang mga di-pangkaraniwang talento, hindi ka magkakaroon ng napakaraming konsepto; at hindi ba rito nagmumula ang mga kuru-kuro mo? Kung hindi naging tao si Jesus sa unang pagkakataong iyon, malalaman mo kaya ang tungkol sa pagkakatawang-tao? Hindi ba dahil binigyan ka ng unang pagkakatawang-tao ng kaalaman kaya walang-pakundangan mong sinusubukang husgahan ang ikalawang pagkakatawang-tao? Bakit sa halip na maging isa kang masunuring alagad, pinag-aaralan mo ito? Kapag nakapasok ka na tungo sa daloy na ito at humarap ka sa Diyos na nagkatawang-tao, papayagan ka kaya Niyang magsaliksik tungkol sa Kanya? Maaari kang magsaliksik tungkol sa kasaysayan ng sarili mong pamilya, ngunit kung susubukan mong saliksikin ang “kasaysayan ng pamilya” ng Diyos, papayagan ka kaya ng Diyos ng ngayon na magsagawa ng gayong pag-aaral? Hindi ka ba bulag? Hindi mo ba hinahamak ang iyong sarili?
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ginagawang Ganap ng Dalawang Pagkakatawang-tao ang Kabuluhan ng Pagkakatawang-tao
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 130
Kami ni Jesus ay nagmumula sa iisang Espiritu. Bagama’t wala Kaming kaugnayan sa Aming katawang-tao, iisa ang Aming Espiritu; bagama’t ang nilalaman ng Aming ginagawa at ang gawaing Aming ginagawa ay hindi magkapareho, magkatulad Kami sa diwa; ang Aming katawang-tao ay magkaiba ang anyo, ngunit dahil ito sa pagbabago sa kapanahunan at sa magkakaibang mga kinakailangan ng Aming gawain; hindi magkapareho ang Aming ministeryo, kaya magkaiba rin ang gawaing hatid Namin at ang disposisyong inihahayag Namin sa tao. Kaya nga ang nakikita at nauunawaan ng tao sa araw na ito ay hindi katulad noong araw, na dahil sa pagbabago sa kapanahunan. Sa lahat ng iyan ay magkaiba Sila sa kasarian at sa anyo ng Kanilang katawang-tao, at hindi Sila isinilang sa iisang pamilya, at lalo nang hindi sa iisang panahon, magkagayunman ay iisa ang Kanilang Espiritu. Sa lahat ng iyan ay hindi magkapareho ang dugo ni ang anumang uri ng pisikal na pagiging magkamag-anak, hindi maikakaila na Sila ay mga nagkatawang-taong laman ng Diyos sa dalawang magkaibang panahon. Hindi mapabubulaanan ang katotohanan na Sila ang mga nagkatawang-taong laman ng Diyos. Subalit, hindi Sila magkadugo at magkaiba ang kanilang wika (ang isa ay lalaki na nagsasalita ng wika ng mga Hudyo at ang isa naman ay babae na nagsasalita lamang ng Tsino). Ito ang mga dahilan kaya Sila namuhay sa magkaibang bansa upang gawin ang gawaing kinakailangang gawin ng bawat isa, at sa magkaibang panahon din. Sa kabila ng katunayan na Sila ay iisang Espiritu, may magkaparehong diwa, walang ganap na mga pagkakatulad sa panlabas na balat ng Kanilang katawang-tao. Magkatulad lamang Sila sa pagkatao, ngunit pagdating sa panlabas na hitsura ng Kanilang katawang-tao at ang sitwasyon ng Kanilang kapanganakan, hindi Sila magkatulad. Walang epekto ang mga bagay na ito sa kanya-kanyang gawain Nila o sa kaalaman ng tao tungkol sa Kanila, sapagkat, matapos isaalang-alang ang lahat, iisa Silang Espiritu at walang makapaghihiwalay sa Kanila. Bagama’t hindi Sila magkadugo, ang Kanilang buong katauhan ay nasa pamamahala ng Kanilang Espiritu, na naglalaan sa Kanila ng magkaibang gawain sa magkaibang panahon, at ang Kanilang mga katawang-tao ay sa magkaibang linya ng dugo. Ang Espiritu ni Jehova ay hindi ang ama ng Espiritu ni Jesus, at ang Espiritu ni Jesus ay hindi ang anak ng Espiritu ni Jehova: Iisa Sila at pareho ang Espiritu. Gayundin, ang Diyos na nagkatawang-tao ng ngayon at si Jesus ay hindi magkadugo, ngunit iisa Sila, ito ay dahil iisa ang Kanilang Espiritu. Magagawa ng Diyos ang gawain ng awa at kagandahang-loob, gayundin ang matuwid na paghatol at pagkastigo sa tao, at yaong pagtawag sa mga sumpa sa tao; at sa huli, magagawa Niya ang gawain ng pagwasak sa mundo at pagpaparusa sa masama. Hindi ba ginagawa Niya Mismo ang lahat ng ito? Hindi ba ito ang walang-hanggang kapangyarihan ng Diyos?
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ginagawang Ganap ng Dalawang Pagkakatawang-tao ang Kabuluhan ng Pagkakatawang-tao
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 131
Yamang ang Diyos ang pinakadakila sa buong sansinukob at sa ibabaw nito, lubos ba Niyang maipaliliwanag ang Kanyang Sarili gamit ang larawan ng isang katawang-tao? Ibinihis ng Diyos sa Kanyang Sarili ang katawang-taong ito para gawin ang isang yugto ng Kanyang gawain. Walang partikular na kahulugan sa larawang ito ng katawang-tao, wala itong kaugnayan sa paglipas ng mga kapanahunan, ni wala ring anumang kinalaman sa disposisyon ng Diyos. Bakit hindi hinayaan ni Jesus na manatili ang Kanyang larawan? Bakit hindi Niya hinayaan ang tao na iguhit ang Kanyang larawan para ito ay maipasa sa susunod na mga salinlahi? Bakit hindi Niya pinahintulutan ang mga tao na kilalanin na ang Kanyang larawan ay ang larawan ng Diyos? Bagama’t ang larawan ng tao ay nilikha sa larawan ng Diyos, magiging posible bang katawanin ng anyo ng tao ang marangal na larawan ng Diyos? Kapag ang Diyos ay nagkakatawang-tao, bumababa lamang Siya mula sa langit patungo sa isang partikular na katawang-tao. Ang Kanyang Espiritu ang bumababa sa isang katawang-tao, sa pamamagitan nito Niya ginagawa ang gawain ng Espiritu. Ang Espiritu ang ipinapahayag sa katawang-tao, at ang Espiritu ang gumagawa ng Kanyang gawain sa katawang-tao. Lubos na kinakatawan ng gawaing ginawa sa katawang-tao ang Espiritu, at ang katawang-tao ay para sa kapakanan ng gawain, ngunit hindi iyon nangangahulugan na ang larawan ng katawang-tao ay maaaring ipalit sa tunay na larawan ng Diyos Mismo; hindi ito ang layunin at kahalagahan ng Diyos na nagkatawang-tao. Siya ay nagiging tao para lamang magkaroon ang Espiritu ng isang lugar na matitirhan na angkop sa Kanyang paggawa, upang mas mabuti Niyang matamo ang Kanyang gawain sa katawang-tao, upang makita ng mga tao ang Kanyang mga gawa, maunawaan ang Kanyang disposisyon, mapakinggan ang Kanyang mga salita, at malaman ang hiwaga ng Kanyang gawain. Kinakatawan ng Kanyang pangalan ang Kanyang disposisyon, kinakatawan ng Kanyang gawain ang Kanyang pagkakakilanlan, ngunit hindi Niya kailanman sinabi na kinakatawan ng Kanyang anyo sa katawang-tao ang Kanyang larawan; yaon ay isa lamang kuru-kuro ng tao. At kaya, ang pinakamahahalagang aspeto ng pagkakatawang-tao ng Diyos ay ang Kanyang pangalan, ang Kanyang gawain, ang Kanyang disposisyon, at ang Kanyang kasarian. Ginagamit ang mga ito upang kumatawan sa Kanyang pamamahala sa kapanahunang ito. Ang Kanyang anyo sa katawang-tao ay walang kinalaman sa Kanyang pamamahala, at para lamang sa kapakanan ng Kanyang gawain sa panahong yaon. Ngunit imposible para sa Diyos na nagkatawang-tao na hindi magkaroon ng partikular na anyo, at kaya pinipili Niya ang angkop na pamilya upang pagpasyahan ang Kanyang anyo. Kung ang anyo ng Diyos ay mayroong kinatawang kabuluhan, ang lahat ng nagtataglay ng mga katangian ng mukha na kapareho ng sa Kanya ay kakatawan din sa Diyos. Hindi ba iyon isang napakalaking pagkakamali? Ang larawan ni Jesus ay iginuhit ng tao upang ang tao ay maaaring sumamba sa Kanya. Sa panahong iyon, walang natatanging mga tagubilin na ibinigay ang Banal na Espiritu, at kaya ipinasa ng tao ang naguni-guning larawang iyon hanggang sa kasalukuyan. Sa katunayan, alinsunod sa orihinal na layunin ng Diyos, hindi ito dapat ginawa ng tao. Tanging ang sigasig ng tao ang naging sanhi na manatili ang larawan ni Jesus hanggang sa kasalukuyan. Ang Diyos ay Espiritu, at hindi kailanman magagawa ng tao na malagom kung ano ang Kanyang larawan sa huling pagsusuri. Ang Kanyang larawan ay maaari lamang katawanin ng Kanyang disposisyon. Hindi mo magagawang malagom ang anyo ng Kanyang ilong, ng Kanyang bibig, ng Kanyang mga mata, at ng Kanyang buhok. Nang dumating ang paghahayag kay Juan, nakita niya ang larawan ng Anak ng tao: Mula sa Kanyang bibig ay may isang matalas na espada na mayroong magkabilang talim, ang Kanyang mga mata ay kagaya ng ningas ng apoy, ang Kanyang ulo at buhok ay puting kagaya ng lana, ang Kanyang mga paa ay parang pinakintab na tanso, at mayroong isang ginintuang laso na nakapalibot sa Kanyang dibdib. Bagama’t ang Kanyang mga salita ay napakatingkad, ang larawan ng Diyos na kanyang inilarawan ay hindi ang larawan ng isang nilalang. Ang kanyang nakita ay isang pangitain lamang, at hindi ang larawan ng isang tao mula sa materyal na mundo. Si Juan ay nakakita ng isang pangitain, ngunit hindi niya nasaksihan ang tunay na anyo ng Diyos. Ang larawan ng nagkatawang-taong laman ng Diyos, yamang larawan ng isang nilikha, ay walang kakayahan na kumatawan sa disposisyon ng Diyos sa kabuuan nito. Nang nilikha ni Jehova ang sangkatauhan, Kanyang sinabi na Kanyang ginawa ito sa Kanyang larawan at nilikha ang lalaki at babae. Sa panahong iyon, Kanyang sinabi na Kanyang ginawa ang lalaki at babae sa larawan ng Diyos. Bagama’t ang larawan ng tao ay nakakahawig ng larawan ng Diyos, hindi ito maaaring ipakahulugan na ang anyo ng tao ay ang larawan ng Diyos. Hindi mo rin maaaring gamitin ang wika ng tao upang ganap na ibuod ang larawan ng Diyos, sapagkat ang Diyos ay napakarangal, napakadakila, napakahiwaga at hindi maaarok!
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Pangitain ng Gawain ng Diyos 3
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 132
Sa pagkakataong ito, pumaparito ang Diyos upang gumawa ng gawain hindi sa espirituwal na katawan, kundi sa isang napakakaraniwang katawan. Bukod dito, hindi lamang ito ang katawan ng ikalawang pagkakatawang-tao ng Diyos, ito rin ang katawan kung saan bumabalik ang Diyos sa katawang-tao. Isa itong napakapangkaraniwang katawang-tao. Wala kang makikitang anumang nagpapabukod-tangi sa Kanya sa iba, ngunit maaari kang magkamit mula sa Kanya ng mga katotohanang hindi pa narinig dati. Itong hamak na katawang-taong ito ang kumakatawan sa lahat ng mga salita ng katotohanan mula sa Diyos, nangangasiwa sa gawain ng Diyos sa mga huling araw, at nagpapahayag ng kabuuan ng disposisyon ng Diyos upang maintindihan ng tao. Hindi mo ba lubhang ninanais na makita ang Diyos na nasa langit? Hindi mo ba lubhang ninanais na maunawaan ang Diyos na nasa langit? Hindi mo ba lubhang ninanais na makita ang hantungan ng sangkatauhan? Sasabihin Niya sa iyo ang lahat ng mga lihim na ito—mga lihim na wala pang taong nakapagsabi sa iyo, at sasabihin din Niya sa iyo ang mga katotohanang hindi mo nauunawaan. Siya ang pintuan mo patungo sa kaharian, at gabay mo patungo sa bagong kapanahunan. Nagtataglay ng maraming hiwagang di-maarok ang gayong karaniwang katawang-tao. Maaaring hindi maintindihan para sa iyo ang Kanyang mga gawa, ngunit ang buong layunin ng gawaing ginagawa Niya ay sapat na upang hayaan kang makitang hindi Siya isang simpleng katawang-tao na gaya ng inaakala ng mga tao. Sapagkat kinakatawan Niya ang kalooban ng Diyos at ang pangangalagang ipinakita ng Diyos para sa sangkatauhan sa mga huling araw. Bagaman hindi mo naririnig ang mga salita Niya na tila yumayanig sa kalangitan at lupa, bagaman hindi mo nakikita ang mga mata Niya na tulad ng lumalagablab na apoy, at bagaman hindi mo natatanggap ang disiplina ng Kanyang pamalong bakal, gayunman, maririnig mo mula sa Kanyang mga salita na mapagpoot ang Diyos, at mababatid na nagpapakita ang Diyos ng habag para sa sangkatauhan; makikita mo ang matuwid na disposisyon ng Diyos at ang karunungan Niya, at bukod dito, matatanto ang malasakit ng Diyos sa buong sangkatauhan. Ang gawain ng Diyos sa mga huling araw ay ang pahintulutan ang tao na makita ang Diyos na nasa langit na namumuhay kasama ng mga tao sa lupa, at bigyang-kakayahan ang tao na kilalanin, sundin, igalang, at mahalin ang Diyos. Ito ang dahilan kung bakit bumalik Siya sa katawang-tao sa pangalawang pagkakataon. Kahit na ang nakikita ng tao ngayon ay isang Diyos na katulad ng tao, isang Diyos na mayroong ilong at dalawang mata, at isang hindi kapansin-pansing Diyos, sa huli, ipakikita sa inyo ng Diyos na kung hindi umiral ang taong ito, sasailalim ang langit at lupa sa napakatinding pagbabago; kung hindi umiral ang taong ito, magdidilim ang kalangitan, masasadlak sa kaguluhan ang lupa, at mamumuhay ang buong sangkatauhan sa gitna ng taggutom at mga salot. Ipakikita Niya sa inyo na kung hindi pumarito ang Diyos na nagkatawang-tao upang iligtas kayo sa mga huling araw, matagal na sanang winasak ng Diyos ang buong sangkatauhan sa impiyerno; kung hindi umiral ang katawang-taong ito, magiging mga pangunahing makasalanan kayo magpakailanman, at magiging mga bangkay kayo habang panahon. Dapat ninyong malaman na kung hindi umiral ang katawang-taong ito, haharap ang buong sangkatauhan sa hindi maiiwasang kapahamakan at makikitang imposibleng makatakas sa mas matinding kaparusahang ipapataw ng Diyos sa sangkatauhan sa mga huling araw. Kung hindi isinilang ang karaniwang katawang-taong ito, lahat sana kayo’y nasa kalagayan kung saan nagsusumamo kayo para sa buhay nang walang kakayahang mamuhay at manalangin para sa kamatayan nang hindi namamatay; kung hindi umiral ang katawang-taong ito, hindi ninyo makakamit ang katotohanan at makakapunta sa harap ng trono ng Diyos ngayon, kundi sa halip, parurusahan kayo ng Diyos dahil sa mabibigat ninyong kasalanan. Alam ba ninyong kung hindi dahil sa pagbabalik sa katawang-tao ng Diyos, walang magkakaroon ng pagkakataon sa kaligtasan; at kung hindi dahil sa pagparito ng katawang-taong ito, matagal na sanang tinapos ng Diyos ang lumang kapanahunan? Dahil dito, magagawa pa rin ba ninyong tanggihan ang ikalawang pagkakatawang-tao ng Diyos? Yamang napakaraming pakinabang ang matatamo ninyo sa karaniwang taong ito, bakit hindi ninyo Siya malugod na tatanggapin?
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Alam Mo Ba? Gumawa ang Diyos ng Dakilang Bagay sa Gitna ng mga Tao
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 133
Ang gawain ng Diyos ay isang bagay na hindi mo mauunawaan. Kung hindi mo lubos na maunawaan kung tama ba ang desisyon mo, ni hindi mo mabatid kung magtatagumpay ba ang gawain ng Diyos, bakit hindi mo subukan ang kapalaran mo at tingnan kung maaari bang maging malaking tulong sa iyo ang karaniwang taong ito, at kung tunay ngang gumawa na ang Diyos ng dakilang gawain? Gayunman, dapat Kong sabihin sa iyo na sa panahon ni Noe, nagsisikain at nagsisiinom ang mga tao, nag-aasawa at pinag-aasawa hanggang sa hindi na ito makayang saksihan ng Diyos, kaya nagpadala Siya ng malaking baha upang wasakin ang sangkatauhan, na ang iniwang ligtas ay pamilya lamang ni Noe na walong tao at ang lahat ng uri ng mga ibon at mga hayop. Gayunman, sa mga huling araw, ang mga iniwang ligtas ng Diyos ay iyong lahat ng naging tapat sa Kanya hanggang sa huli. Bagaman ang parehong kapanahunan ay puno ng matinding katiwaliang hindi makayang saksihan ng Diyos, at ang sangkatauhan sa parehong kapanahunan ay naging napakatiwali at itinanggi na ang Diyos ang Panginoon nila, ang mga tao lamang sa panahon ni Noe ang winasak ng Diyos. Nagdulot ng matinding pagkabalisa sa Diyos ang sangkatauhan sa parehong kapanahunan, subalit nanatiling mapagtiis ang Diyos sa mga tao sa mga huling araw hanggang ngayon. Bakit ganito? Hindi ba kayo kailanman nagtaka kung bakit? Kung tunay na hindi ninyo alam, hayaan ninyong sabihin Ko sa inyo. Ang dahilan kaya nagagawang magbigay ng Diyos ng biyaya sa mga tao sa mga huling araw ay hindi dahil sila ay hindi gaanong tiwali kaysa sa mga tao sa panahon ni Noe, o dahil nagpakita sila ng pagsisisi sa Diyos, lalong hindi dahil napakaunlad na ng teknolohiya sa mga huling araw na hindi sila maatim wasakin ng Diyos Mismo. Sa halip, ito ay dahil may gawaing kailangang gawin ang Diyos sa isang pangkat ng mga tao sa mga huling araw, at na ang Diyos ang Mismong gagawa ng gawaing ito sa Kanyang pagkakatawang-tao. Higit pa rito, pipili ang Diyos ng isang bahagi ng pangkat na ito na magiging mga pakay ng Kanyang pagliligtas at bunga ng Kanyang plano ng pamamahala, at dadalhin ang mga taong ito sa susunod na kapanahunan. Samakatuwid, kahit na anupaman, ang halagang ito na binayaran ng Diyos ay ganap na para sa paghahanda para sa gawaing gagawin ng Kanyang pagkakatawang-tao sa mga huling araw. Ang katotohanang nakarating kayo sa kasalukuyan ay dahil sa katawang-taong ito. Dahil nabubuhay ang Diyos sa katawang-tao kaya kayo may pagkakataong mabuhay. Nakamit ang lahat ng magandang kapalarang ito dahil sa karaniwang taong ito. Hindi lamang ito, ngunit sa huli, sasamba ang bawat bansa sa karaniwang taong ito, magbibigay din ng pasasalamat at susunod sa hamak na taong ito, dahil ang katotohanan, buhay, at daan na dala Niya ang nagligtas sa buong sangkatauhan, nagpahupa sa hidwaan sa pagitan ng tao at Diyos, nagpaikli sa agwat sa pagitan nila, at nagbukas ng ugnayan sa pagitan ng mga saloobin ng Diyos at tao. Siya rin ang nakakuha ng higit pang kaluwalhatian para sa Diyos. Hindi ba karapat-dapat sa tiwala at pagsamba mo ang karaniwang taong gaya nito? Hindi ba nararapat na tawaging Cristo ang ganitong karaniwang katawang-tao? Maaari bang ang ganitong karaniwang tao ay hindi maging pagpapahayag ng Diyos sa gitna ng mga tao? Hindi ba karapat-dapat ang ganitong tao, na nagligtas sa sangkatauhan mula sa sakuna, sa pagmamahal at pagnanais ninyong kumapit sa Kanya? Kung tinatanggihan ninyo ang mga katotohanang ipinahayag mula sa Kanyang bibig at kinamumuhian ang Kanyang pag-iral kasama ninyo, ano ang mangyayari sa inyo sa huli?
Ginagawa sa pamamagitan ng karaniwang taong ito ang lahat ng gawain ng Diyos sa mga huling araw. Ipagkakaloob Niya ang lahat ng bagay sa iyo, at higit pa rito, magagawa Niyang pagpasyahan ang lahat ng bagay na may kaugnayan sa iyo. Maaari bang ang ganitong tao ay tulad ng pinaniniwalaan ninyong Siya: isang taong napakapayak na hindi karapat-dapat banggitin? Hindi ba sapat ang katotohanan Niya upang lubos kayong makumbinsi? Hindi ba sapat ang pagsaksi sa Kanyang mga gawa upang lubos kayong makumbinsi? O hindi ba karapat-dapat para sa inyo na tahakin ang landas na Kanyang dinadala? Kapag nasabi at nagawa na ang lahat, ano ang nagdudulot sa inyo na kasuklaman Siya at itaboy Siya at iwasan Siya? Ang taong ito ang nagpapahayag ng katotohanan, ang taong ito ang nagbibigay ng katotohanan, at ang taong ito ang nagbibigay sa inyo ng landas na susundan. Maaari kayang hindi pa rin ninyo nakikita ang mga bakas ng gawain ng Diyos sa loob ng mga katotohanang ito? Kung wala ang gawain ni Jesus, hindi makabababa ang sangkatauhan mula sa krus, ngunit kung wala ang pagkakatawang-tao ng kasalukuyan, hindi kailanman makakamit ng mga bumababa mula sa krus ang pagsang-ayon ng Diyos o makapapasok sa bagong kapanahunan. Kung wala ang pagparito ng karaniwang taong ito, hindi kayo kailanman magkakaroon ng pagkakataong makita ang tunay na mukha ng Diyos, ni magiging kuwalipikado, dahil lahat kayo ay mga bagay na matagal nang dapat winasak. Dahil sa pagparito ng ikalawang pagkakatawang-tao ng Diyos, napatawad kayo ng Diyos at pinakitaan kayo ng awa. Anupaman, ito pa rin ang mga salitang dapat Kong iwan sa inyo sa huli: Ang karaniwang taong ito, na Diyos na nagkatawang-tao, ay napakahalaga sa inyo. Ito ang dakilang bagay na ginawa na ng Diyos sa gitna ng mga tao.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Alam Mo Ba? Gumawa ang Diyos ng Dakilang Bagay sa Gitna ng mga Tao
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 134
Ano ang dapat mong malaman tungkol sa praktikal na Diyos? Ang Espiritu, ang Persona, at ang Salita ang bumubuo sa praktikal na Diyos Mismo, at ito ang tunay na kahulugan ng praktikal na Diyos Mismo. Kung kilala mo lamang ang Persona—kung alam mo ang Kanyang mga gawi at personalidad—ngunit hindi alam ang gawain ng Espiritu, o kung ano ang ginagawa ng Espiritu sa katawang-tao, at kung binibigyang-pansin mo lamang ang Espiritu, at ang Salita, at nananalangin lamang sa Espiritu, ngunit hindi alam ang gawain ng Espiritu ng Diyos sa praktikal na Diyos, nagpapatunay pa rin ito na hindi mo kilala ang praktikal na Diyos. Kabilang sa kaalaman sa praktikal na Diyos ang pagkaalam at pagdanas ng Kanyang mga salita, at pag-unawa sa mga patakaran at mga prinsipyo ng gawain ng Banal na Espiritu at kung paano gumagawa ang Espiritu ng Diyos sa katawang-tao. Kabilang din dito ang pagkaalam na pinamamahalaan ng Espiritu ang bawat pagkilos ng Diyos sa katawang-tao, at na direktang pagpapahayag ng Espiritu ang mga salitang sinasabi Niya. Sa gayon, upang makilala ang praktikal na Diyos, pinakamahalagang malaman kung paanong gumagawa ang Diyos sa pagkatao at sa pagka-Diyos; pumapatungkol naman ito sa mga pagpapahayag ng Espiritu, kung saan nakikipag-ugnayan ang lahat ng tao.
Ano ang mga aspeto ng mga pagpapahayag ng Espiritu? Kung minsan, gumagawa ang Diyos sa pagkatao, at kung minsan sa pagka-Diyos—ngunit sa parehong pagkakataon ang Espiritu ang namumuno. Anuman ang espiritu sa loob ng mga tao, gayon ang panlabas na kahayagan nila. Gumagawa nang normal ang Espiritu, ngunit mayroong dalawang bahagi sa Kanyang pangangasiwa sa pamamagitan ng Espiritu: ang gawain Niya sa pagkatao ang isang bahagi, at ang gawain Niya sa pamamagitan ng pagka-Diyos ang isa. Dapat mong malaman ito nang malinaw. Nag-iiba ang gawain ng Espiritu ayon sa mga pangyayari: Kapag kinakailangan ang Kanyang gawaing pantao, pinangangasiwaan ng Espiritu ang gawaing pantaong ito, at kapag kinakailangan ang Kanyang gawain sa pagka-Diyos, direktang nagpapakita ang pagka-Diyos upang isakatuparan ito. Dahil gumagawa sa katawang-tao at nagpapakita sa katawang-tao ang Diyos, parehong gumagawa Siya sa pagkatao at sa pagka-Diyos. Ang Kanyang gawain sa pagkatao ay pinangangasiwaan ng Espiritu at ginagawa upang matugunan ang mga pangangailangang panlaman ng mga tao, upang mapadali ang pakikipag-ugnayan nila sa Kanya, upang tulutan silang mapagmasdan ang realidad at pagiging karaniwan ng Diyos, at upang tulutan silang makita na dumating sa katawang-tao ang Espiritu ng Diyos at kasama ng tao, nabubuhay kasama ng tao, at nakikipag-ugnayan sa tao. Ginagawa ang gawain Niya sa pagka-Diyos upang makapaglaan para sa buhay ng mga tao at upang gabayan ang mga tao sa lahat ng bagay mula sa positibong panig, na binabago ang mga disposisyon ng mga tao at tinutulutan silang tunay na mapagmasdan ang pagpapakita ng Espiritu sa katawang-tao. Sa pangunahin, direktang nakakamit ang paglago sa buhay ng tao sa pamamagitan ng gawain at mga salita ng Diyos sa pagka-Diyos. Kung tinanggap ng mga tao ang gawain ng Diyos sa pagka-Diyos, saka lamang nila makakamit ang mga pagbabago sa disposisyon nila, at saka lamang sila mabubusog sa espiritu nila; dagdag pa rito, kung mayroong gawain sa pagkatao—ang pagpapastol, pag-alalay, at paglalaan ng Diyos sa pagkatao—saka lamang lubos na matatamo ang mga bunga ng gawain ng Diyos. Gumagawa ang praktikal na Diyos Mismo na yaong pinag-uusapan ngayon sa parehong pagkatao at sa pagka-Diyos. Sa pamamagitan ng pagpapakita ng praktikal na Diyos, natatamo ang Kanyang normal na gawaing pantao at buhay at ang Kanyang gawain sa ganap na pagka-Diyos. Pinagsama bilang isa ang Kanyang pagkatao at pagka-Diyos, at nagagawa ang parehong gawain sa pamamagitan ng mga salita; maging sa pagkatao o pagka-Diyos man, nagpapahayag Siya ng mga salita. Kapag gumagawa sa pagkatao ang Diyos, nagsasalita Siya sa wika ng pagkatao, upang magawang makipag-ugnayan at maunawaan ng mga tao. Malinaw na binibigkas at madaling maunawaan ang Kanyang mga salita, upang maipagkaloob ang mga ito sa lahat ng tao; may taglay mang kaalaman ang mga tao o mabababa ang pinag-aralan, makatatanggap silang lahat ng mga salita ng Diyos. Naisasakatuparan din ang gawain ng Diyos sa pagka-Diyos sa pamamagitan ng mga salita, ngunit puno ito ng pantustos, puno ito ng buhay, wala itong dungis ng mga ideyang pantao, hindi rito kasangkot ang mga kagustuhan ng tao, at wala itong mga limitasyong pantao, nasa labas ito ng hangganan ng anumang normal na pagkatao; isinasakatuparan ito sa katawang-tao, ngunit direkta itong pagpapahayag ng Espiritu. Kung tatanggapin lamang ng mga tao ang gawain ng Diyos sa pagkatao, maikukulong nila ang mga sarili nila sa isang tiyak na saklaw, at sa gayon mangangailangan ng palagiang pakikitungo, pagpupungos, at disiplina upang magkaroon ng kahit bahagyang pagbabago sa kanila. Subalit, kung wala ang gawain o presensiya ng Banal na Espiritu, palagi silang babalik sa mga dati nilang gawi; sa pamamagitan lamang ng gawain ng pagka-Diyos maitatama ang mga karamdaman at mga kakulangang ito, at saka lamang magagawang ganap ang mga tao. Sa halip na patuloy na pakikitungo at pagpupungos, ang kinakailangan ay ang positibong paglalaan, paggamit ng mga salita upang makabawi sa lahat ng pagkukulang, paggamit ng mga salita upang ibunyag ang bawat kalagayan ng mga tao, paggamit ng mga salita upang pangasiwaan ang mga buhay nila, ang bawat pagpapahayag nila, ang bawat pagkilos nila, upang ilantad ang mga layunin at mga pangganyak nila. Ito ang tunay na gawain ng praktikal na Diyos. Sa gayon, sa saloobin mo sa praktikal na Diyos, dapat kang magpasakop agad sa pagkatao Niya, kilalanin at tanggapin Siya, at higit pa rito dapat mong tanggapin at sundin ang Kanyang gawain at mga salita sa pagka-Diyos. Ang pagpapakita ng Diyos sa katawang-tao ay nangangahulugang lahat ng gawain at mga salita ng Espiritu ng Diyos ay ginagawa sa pamamagitan ng Kanyang normal na pagkatao at sa pamamagitan ng Kanyang nagkatawang-taong laman. Sa madaling salita, pinangangasiwaan agad ng Espiritu ng Diyos ang Kanyang gawaing pantao at ipinatutupad ang gawain ng pagka-Diyos sa katawang-tao, at sa Diyos na nagkatawang-tao ay pareho mong makikita ang gawain ng Diyos sa pagkatao at ang Kanyang gawain sa ganap na pagka-Diyos. Ito ang aktwal na kabuluhan ng pagpapakita ng praktikal na Diyos sa katawang-tao. Kung nakikita mo ito nang malinaw, magagawa mong pagdugtungin ang lahat ng iba’t ibang bahagi ng Diyos; titigil ka sa pagbibigay ng hindi karapat-dapat na pagpapahalaga sa Kanyang gawain sa pagka-Diyos, at titigil ka sa pagtingin sa Kanyang gawain sa pagkatao nang may hindi karapat-dapat na pagwawalang-bahala, at hindi ka na tutungo sa mga kalabisan, ni liliko kung saan-saan. Sa kabuuan, ang kahulugan ng praktikal na Diyos ay na ang gawain ng Kanyang pagkatao at ng Kanyang pagka-Diyos, sa pangangasiwa ng Espiritu, ay ipinahahayag sa pamamagitan ng Kanyang katawang-tao, upang makita ng mga tao na Siya ay maliwanag at makatotohanan, at tunay at totoo.
Mayroong mga yugto ng pagbabago ang gawain ng Espiritu ng Diyos sa pagkatao. Sa pagpeperpekto sa pagkatao, binibigyang-kakayahan Niya ang Kanyang pagkatao na makatanggap ng pangangasiwa ng Espiritu, at pagkatapos nito ay nakapaglalaan at nakapagpapastol ang Kanyang pagkatao sa mga iglesia. Isa itong pagpapahayag ng normal na gawain ng Diyos. Sa gayon, kung malinaw mong nakikita ang mga prinsipyo ng gawain ng Diyos sa pagkatao, malamang na hindi ka magkikimkim ng mga kuru-kuro tungkol sa gawain ng Diyos sa pagkatao. Anupaman, hindi maaaring magkamali ang Espiritu ng Diyos. Tama Siya at walang kamalian; hindi Siya gumagawa ng anumang bagay nang hindi tama. Direktang pagpapahayag ng kalooban ng Diyos ang gawain sa pagka-Diyos, na walang panghihimasok ng pagkatao. Hindi ito sumasailalim sa pagpeperpekto, kundi direktang nagmumula sa Espiritu. Gayunpaman, ang katotohanang maaari Siyang gumawa sa pagka-Diyos ay dahil sa Kanyang normal na pagkatao; hindi ito higit sa karaniwan ni paano man, at tila isinasakatuparan ito ng isang normal na tao. Bumaba ang Diyos sa lupa mula sa langit pangunahin upang ipahayag ang mga salita ng Diyos sa pamamagitan ng katawang-tao, upang gawing ganap ang gawain ng Espiritu ng Diyos sa pamamagitan ng katawang-tao.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Dapat Mong Malaman na ang Praktikal na Diyos ay ang Diyos Mismo
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 135
Ngayon, nananatiling lubhang may kinikilingan ang kaalaman ng mga tao sa praktikal na Diyos, at kakatiting pa rin ang pagkaunawa nila sa kabuluhan ng pagkakatawang-tao. Sa katawang-tao ng Diyos, nakikita ng mga tao sa pamamagitan ng Kanyang gawain at mga salita na malaki ang saklaw ng Espiritu ng Diyos, na napakayaman Niya. Subalit anupaman, sa huli nagmumula sa Espiritu ng Diyos ang patotoo ng Diyos: kung ano ang ginagawa ng Diyos sa katawang-tao, sa kung aling mga prinsipyo Siya gumagawa, kung ano ang ginagawa Niya sa pagkatao, at kung ano ang ginagawa Niya sa pagka-Diyos. Kailangang may kaalaman ang mga tao tungkol dito. Ngayon, nagagawa mong sambahin ang personang ito, habang sa pinakadiwa sinasamba mo ang Espiritu, at iyan ang pinakamaliit na dapat matamo ng mga tao sa kanilang kaalaman sa Diyos na nagkatawang-tao: ang malaman ang diwa ng Espiritu sa pamamagitan ng katawang-tao, ang malaman ang gawain sa pagka-Diyos ng Espiritu sa katawang-tao at gawaing pantao sa katawang-tao, ang matanggap ang lahat ng salita at mga pahayag ng Espiritu sa katawang-tao, at ang makita kung paano pinangangasiwaan ng Espiritu ng Diyos ang katawang-tao at ipinakikita ang Kanyang kapangyarihan sa katawang-tao. Ito ay upang sabihin na makikilala ng tao ang Espiritu sa langit sa pamamagitan ng katawang-tao; ang pagpapakita ng praktikal na Diyos Mismo sa gitna ng tao ay nagwaksi sa malabong Diyos sa mga kuru-kuro ng mga tao. Nadagdagan ng pagsamba ng mga tao sa praktikal na Diyos Mismo ang kanilang pagsunod sa Diyos; at, sa pamamagitan ng gawain sa pagka-Diyos ng Espiritu ng Diyos sa katawang-tao at ng Kanyang gawaing pantao sa katawang-tao, tumatanggap ang tao ng pahayag at pinapastol siya, at natatamo ang mga pagbabago sa disposisyon sa buhay ng tao. Ito ang aktwal na kahulugan ng pagdating ng Espiritu sa katawang-tao, na ang pangunahing layunin ay upang makipag-ugnayan ang mga tao sa Diyos, umasa sa Diyos, at magkaroon ng kaalaman sa Diyos.
Sa pangunahin, anong saloobin dapat mayroon ang mga tao hinggil sa praktikal na Diyos? Ano ang alam mo sa pagkakatawang-tao, sa pagpapakita ng Salita sa katawang-tao, sa pagpapakita ng Diyos sa katawang-tao, sa mga gawa ng praktikal na Diyos? Ano ang mga pangunahing paksang pinag-uusapan ngayon? Ang pagkakatawang-tao, ang pagdating ng Salita sa katawang-tao, at ang pagpapakita ng Diyos sa katawang-tao ay lahat mga usaping dapat maunawaan. Dapat ninyong unti-unting maunawaan ang mga usaping ito at magkaroon ng malinaw na kaalaman sa mga ito sa karanasan ninyo sa buhay, batay sa katayuan ninyo at batay sa kapanahunan. Ang pamamaraan kung paano nararanasan ng mga tao ang mga salita ng Diyos ay kapareho ng pamamaraan kung paano nila nababatid ang pagpapakita ng mga salita ng Diyos sa katawang-tao. Habang mas nararanasan ng mga tao ang mga salita ng Diyos, mas lalo nilang nababatid ang Espiritu ng Diyos; sa pamamagitan ng pagdanas sa mga salita ng Diyos, nauunawaan ng mga tao ang mga prinsipyo ng gawain ng Espiritu at nakikilala ang praktikal na Diyos Mismo. Sa katunayan, kapag ginagawang perpekto ng Diyos ang mga tao at nakakamit sila, ipinaaalam Niya sa kanila ang mga gawa ng praktikal na Diyos; ginagamit Niya ang gawain ng praktikal na Diyos upang ipakita sa mga tao ang aktwal na kabuluhan ng pagkakatawang-tao, upang ipakita sa kanila na talagang nagpakita na sa tao ang Espiritu ng Diyos. Kapag ang mga tao ay nakamtan at nagawang perpekto ng Diyos, nalupig na sila ng mga pagpapahayag ng praktikal na Diyos; binago sila ng mga salita ng praktikal na Diyos at inihalo na ang Kanyang sariling buhay sa kanila, pinupunan sila ng kung ano Siya (maging ito man ay kung ano Siya sa Kanyang pagkatao o kung ano Siya sa Kanyang pagka-Diyos), pinupunan sila ng diwa ng Kanyang mga salita, at ipinasasabuhay sa mga tao ang Kanyang mga salita. Kapag kinakamit ng Diyos ang mga tao, pangunahing ginagawa Niya ito sa pamamagitan ng paggamit ng mga salita at mga pagpapahayag ng praktikal na Diyos bilang isang paraan upang harapin ang mga kakulangan ng mga tao, at upang hatulan at ibunyag ang kanilang mapanghimagsik na disposisyon, na nagdudulot na makamit nila ang kanilang kinakailangan at ipinakikita sa kanila na ang Diyos ay dumating na sa gitna ng tao. Pinakamahalaga sa lahat, ang pagliligtas sa bawat tao mula sa impluwensya ni Satanas, pag-aalis sa kanila mula sa lupain ng karumihan, at pagwawaksi sa kanilang tiwaling disposisyon ang gawaing ginagawa ng praktikal na Diyos. Ang pinakamalalim na kabuluhan ng pagiging nakamit ng praktikal na Diyos ay ang kakayahang isabuhay ang normal na pagkatao, kasama ang praktikal na Diyos bilang halimbawa at huwaran, kakayahang magsagawa ayon sa mga salita at mga hinihingi ng praktikal na Diyos nang walang kahit katiting na paglihis o pag-alis, pagsasagawa sa anumang paraang sinasabi Niya, at kakayahang matamo ang anumang hinihingi Niya. Sa ganitong paraan, makakamit ka na ng Diyos. Kapag nakamit ka na ng Diyos, hindi mo lamang taglay ang gawain ng Banal na Espiritu; sa pangunahin, naisasabuhay mo ang mga hinihingi ng praktikal na Diyos. Ang pagkakaroon lamang ng gawain ng Banal na Espiritu ay hindi nangangahulugang mayroon ka nang buhay. Ang pinakamahalaga ay kung kaya mo bang kumilos ayon sa mga hinihingi ng praktikal na Diyos sa iyo, na kaugnay sa kung makakamit ka ba ng Diyos. Ito ang mga pinakadakilang kabuluhan ng gawain ng praktikal na Diyos sa katawang-tao. Ito ay upang sabihin na nakakamit ng Diyos ang isang pangkat ng mga tao sa pamamagitan ng tunay at aktwal na pagpapakita sa katawang-tao at ng pagiging maliwanag at makatotohanan, pagiging nakikita ng mga tao, aktwal na paggawa sa gawain ng Espiritu sa katawang-tao, at sa pagkilos bilang isang halimbawa para sa mga tao sa katawang-tao. Ang pagdating ng Diyos sa katawang-tao ay pangunahin upang bigyang-daan ang mga tao na makita ang tunay na mga gawa ng Diyos, upang magbigay ng hugis ng katawang-tao sa walang hugis na Espiritu, at upang tulutan ang mga tao na makita at mahipo Siya. Sa ganitong paraan, yaong mga ginagawa Niyang ganap ay isasabuhay Siya, makakamit Niya, at magiging kaayon ng Kanyang puso. Kung sa langit lamang nagsalita ang Diyos at hindi aktwal na pumarito sa lupa, hindi pa rin makakaya ng mga tao na makilala ang Diyos; maipangangaral lamang nila ang mga gawa ng Diyos gamit ang hungkag na teorya at hindi tataglayin ang mga salita ng Diyos bilang realidad. Pumarito ang Diyos sa lupa pangunahin upang magsilbing isang halimbawa at huwaran para sa yaong mga kakamtin Niya; sa ganito lamang talagang makikilala ng mga tao ang Diyos, mahihipo ang Diyos, at makikita Siya, at saka lamang sila tunay na makakamit ng Diyos.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Dapat Mong Malaman na ang Praktikal na Diyos ay ang Diyos Mismo
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 136
May dalawang bahagi ang gawain ng Diyos na nagkatawang-tao. Noong una Siyang nagkatawang-tao, hindi Siya pinaniwalaan o kinilala ng mga tao, at ipinako nila si Jesus sa krus. Noong magkatawang-tao Siya sa ikalawang pagkakataon, hindi pa rin naniwala sa Kanya ang mga tao, lalo pa ang kilalanin Siya, at muli nilang ipinako si Cristo sa krus. Hindi ba’t ang tao ang kaaway ng Diyos? Kung hindi Siya kilala ng tao, paano magiging malapit ang tao sa Diyos? At paano siya magiging karapat-dapat magpatotoo sa Diyos? Hindi ba’t pawang mapanlinlang na kasinungalingan ang mga pag-angkin ng tao ng pagmamahal sa Diyos, paglilingkod sa Diyos, at pagluwalhati sa Diyos? Kung itatalaga mo ang iyong buhay sa mga di-makatotohanan at di-praktikal na mga bagay na ito, hindi ba gumagawa ka nang walang kabuluhan? Paano ka magiging malapit sa Diyos kung hindi mo man lamang nakikilala kung sino ang Diyos? Hindi ba ang gayong paghahangad ay malabo at mahirap maunawaan? Hindi ba ito mapanlinlang? Paano ba maaaring maging malapit sa Diyos ang isang tao? Ano ang praktikal na kabuluhan ng pagiging malapit sa Diyos? Maaari ka bang maging malapit sa Espiritu ng Diyos? Makikita mo ba kung gaano kadakila at katayog ang Espiritu? Ang maging malapit sa di-nakikita at di-nahahawakang Diyos—hindi ba iyan malabo at mahirap maunawaan? Ano ang praktikal na kabuluhan ng gayong paghahangad? Hindi ba ang lahat ng ito ay mapanlinlang na kasinungalingan? Ang hinahangad mo ay maging malapit sa Diyos, gayong sa totoo lang ikaw ay masunuring aso ni Satanas, dahil hindi mo kilala ang Diyos, at hinahangad ang di-umiiral na “Diyos ng lahat ng bagay,” na di-nakikita, di-nahahawakan, at bunga ng iyong sariling mga kuru-kuro. Sa walang katiyakang pananalita, ang gayong “Diyos” ay si Satanas, at sa praktikal na pananalita, ito ay ikaw mismo. Hinahangad mo ang maging malapit sa iyong sarili, ngunit sinasabi pa rin na hinahangad mo ang maging malapit sa Diyos—hindi ba iyan isang paglapastangan? Ano ang halaga ng gayong paghahangad? Kung ang Espiritu ng Diyos ay hindi nagkatawang-tao, ang diwa ng Diyos ay isa lamang di-nakikita at di-nahahawakang Espiritu ng buhay, walang anyo at walang hugis, mula sa uring di-materyal, di-nalalapitan at di-nauunawaan ng tao. Paano magiging malapit ang tao sa isang walang-katawan, kamangha-mangha, at di-maarok na Espiritu na gaya nito? Hindi ba ito isang biro? Ang gayong katawa-tawang pangangatuwiran ay walang bisa at hindi praktikal. Ang nilikhang tao ay mula sa isang likas na uri na iba sa Espiritu ng Diyos, kaya paano magiging magkaniig ang dalawa? Kung ang Espiritu ng Diyos ay hindi nabuo sa katawang-tao, kung ang Diyos ay hindi naging tao at ibinaba ang Kanyang sarili sa pamamagitan ng pagiging isang nilalang, kung gayon, ang taong nilalang ay kapwa hindi karapat-dapat at walang kakayahang maging kaniig Niya, at maliban sa mga mananampalatayang maka-diyos na maaaring magkaroon ng pagkakataong maging mga kaniig ng Diyos matapos na nakapasok sa langit ang kanilang mga kaluluwa, hindi makakaya ng karamihan sa mga tao na maging mga kaniig ng Espiritu ng Diyos. At kung nais ng mga tao na maging mga kaniig ng Diyos sa langit sa ilalim ng gabay ng Diyos na nagkatawang-tao, hindi ba sila mga kamangha-manghang hangal na di-tao? Naghahangad lamang ang mga tao ng “katapatan” sa isang di-nakikitang Diyos, at hindi nagtutuon ng bahagya mang pansin sa nakikitang Diyos, sapagkat napakadaling maghangad sa isang di-nakikitang Diyos. Maaari itong gawin ng tao ayon sa kanilang kagustuhan, ngunit ang paghahangad sa nakikitang Diyos ay hindi napakadali. Ang tao na naghahanap sa isang malabong Diyos ay walang pasubaling hindi kayang matamo ang Diyos, sapagkat ang mga bagay na malabo at walang-anyo ay naguguni-guni lamang ng tao, at hindi kayang matamo ng tao. Kung ang Diyos na pumarito sa gitna ninyo ay isang marangal at mataas na Diyos na hindi ninyo maabot, paano ninyo mauunawaan ang Kanyang kalooban? At paano ninyo Siya makikilala at mauunawaan? Kung ginawa lamang Niya ang Kanyang gawain, at hindi nagkaroon ng karaniwang ugnayan sa tao, o walang taglay na normal na pagkatao at hindi malapitan ng mga mortal lamang, kung gayon, kahit na marami Siyang ginawa para sa inyo ngunit wala kayong pakikipag-ugnayan sa Kanya, at hindi nagawang makita Siya, paano ninyo Siya makikilala? Kung hindi dahil sa katawang-taong ito na taglay ang normal na pagkatao, walang magiging paraan ang tao para makilala ang Diyos; dahil lamang sa pagkakatawang-tao ng Diyos kaya ang tao ay karapat-dapat maging kaniig ng Diyos na nagkatawang-tao. Kaya nagiging mga kaniig ng mga tao ang Diyos dahil nakikipag-ugnayan sila sa Kanya, sapagkat nabubuhay silang kasama Siya at sinasamahan Siya, at sa gayo’y unti-unting nakikilala Siya. Kung hindi ganoon, hindi ba ang paghahangad ng tao ay mawawalan ng kabuluhan? Ibig sabihin, hindi lamang dahil sa gawain ng Diyos na nakakaya ng tao na maging malapit sa Diyos, kundi dahil sa pagkatotoo at pagiging karaniwan ng Diyos na nagkatawang-tao. Dahil lamang sa ang Diyos ay nagiging tao kaya ang mga tao ay mayroong pagkakataon upang gampanan ang kanilang tungkulin, at pagkakataon upang sambahin ang tunay na Diyos. Hindi ba ito ang pinakatunay at praktikal na katotohanan? Ngayon, nais mo pa rin bang maging kaniig ng Diyos sa langit? Tanging kapag nagpakababa ang Diyos Mismo hanggang sa isang punto, na ibig sabihin, tanging kapag ang Diyos ay nagkatawang-tao, na ang tao ay maaaring maging kaniig Niya at katiwalang-loob Niya. Ang Diyos ay Espiritu: Paano magiging karapat-dapat ang tao na maging mga kaniig ng Espiritung ito, na napakataas at di-maarok? Tanging kapag bumaba ang Espiritu ng Diyos sa katawang-tao, at nagiging isang nilalang na may parehong panlabas na anyo ng tao, na maaaring maunawaan ng tao ang Kanyang kalooban at talagang matamo Niya. Nagsasalita at gumagawa Siya sa katawang-tao, nakikibahagi sa mga kaligayahan, kalungkutan, at kapighatian ng sangkatauhan, namumuhay sa kaparehong daigdig ng sangkatauhan, pinangangalagaan ang sangkatauhan, ginagabayan sila, at sa pamamagitan nito nililinis Niya ang mga tao, at hinahayaang matamo nila ang Kanyang pagliligtas at Kanyang pagpapala. Matapos matamo ang mga bagay na ito, tunay na nauunawaan ng mga tao ang kalooban ng Diyos, at saka lamang maaari silang maging mga kaniig ng Diyos. Ito lamang ang praktikal. Kung ang Diyos ay di-nakikita at di-nahahawakan ng mga tao, paano sila magiging mga kaniig Niya? Hindi ba ito isang doktrinang walang laman?
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tanging ang mga Nakakikilala sa Diyos at Nakaaalam sa Kanyang Gawain ang Makapagbibigay-lugod sa Diyos
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 137
Kapag dumarating ang Diyos sa lupa, ginagawa lamang Niya ang Kanyang gawain sa loob ng pagka-Diyos, na siyang naipagkatiwala ng makalangit na Espiritu sa Diyos na nagkatawang-tao. Kapag dumarating Siya, nagsasalita lamang Siya sa buong lupain, upang isatinig ang Kanyang mga pagbigkas sa iba’t ibang paraan at mula sa iba’t ibang pananaw. Ang Kanyang mga layunin at prinsipyo sa paggawa una sa lahat ay tustusan ang tao at turuan ang tao, at hindi Niya inaalala ang mga bagay na tulad ng mga pakikipag-ugnayan sa tao o ang mga detalye ng buhay ng mga tao. Ang Kanyang pangunahing ministeryo ay ang magsalita para sa Espiritu. Ibig sabihin, kapag ang Espiritu ng Diyos ay pisikal na nagpapakita sa katawang-tao, tinutustusan lamang Niya ang buhay ng tao at inilalabas ang katotohanan. Hindi Siya nakikialam sa gawain ng tao, na ibig sabihin, hindi Siya nakikilahok sa gawain ng sangkatauhan. Hindi maaaring gumawa ng banal na gawain ang mga tao, at hindi nakikilahok ang Diyos sa gawain ng tao. Sa lahat ng taon mula nang pumarito ang Diyos sa mundong ito upang isagawa ang Kanyang gawain, lagi Niya itong ginawa sa pamamagitan ng mga tao. Gayunman, ang mga taong ito ay hindi maaaring ituring na Diyos na nagkatawang-tao—yaon lamang ay mga kinakasangkapan ng Diyos. Ang Diyos ng ngayon, samantala, ay maaaring magsalita nang tuwiran mula sa pananaw ng pagka-Diyos, na inihahatid ang tinig ng Espiritu at gumagawa sa ngalan ng Espiritu. Gayundin, lahat ng taong kinasangkapan ng Diyos sa paglipas ng mga kapanahunan ay mga pagkakataon na gumagawa ang Espiritu ng Diyos sa loob ng katawang may laman—kaya bakit hindi sila maaaring tawaging Diyos? Ngunit ang Diyos ng ngayon ay Espiritu rin ng Diyos na tuwirang gumagawa sa katawang-tao, at si Jesus ay Espiritu rin ng Diyos na gumagawa sa katawang-tao; kapwa Sila tinatawag na Diyos. Kaya ano ang kaibhan? Ang mga taong kinasangkapan ng Diyos sa paglipas ng mga kapanahunan ay may kakayahang lahat na mag-isip at mangatwiran nang normal. Naunawaan nilang lahat ang mga prinsipyo ng pag-uugali ng tao. Nagkaroon na sila ng normal na mga ideya ng tao, at nagtataglay na sila ng lahat ng bagay na dapat taglayin ng normal na mga tao. Karamihan sa kanila ay may pambihirang talento at likas na katalinuhan. Sa paggawa sa mga taong ito, ginagamit ng Espiritu ng Diyos ang kanilang mga talento, na mga kaloob sa kanila ng Diyos. Ginagamit ng Espiritu ng Diyos ang kanilang mga talento, gamit ang kanilang mga kalakasan sa paglilingkod sa Diyos. Subalit ang diwa ng Diyos ay walang mga ideya o kaisipan, walang halong mga layunin ng tao, at wala pa nga ng tinataglay ng normal na mga tao. Ibig sabihin, ni hindi Siya pamilyar sa mga prinsipyo ng pag-uugali ng tao. Ganito ang sitwasyon kapag dumarating sa lupa ang Diyos ng ngayon. Ang Kanyang gawain at Kanyang mga salita ay walang halong mga layunin ng tao o kaisipan ng tao, kundi ang mga ito ay tuwirang pagpapakita ng mga layunin ng Espiritu, at gumagawa Siya nang tuwiran sa ngalan ng Diyos. Nangangahulugan ito na ang Espiritu ay tuwirang nagsasalita, ibig sabihin, ang pagka-Diyos ang tuwirang gumagawa ng gawain, nang hindi ito hinahaluan ng kahit katiting na mga layunin ng tao. Sa madaling salita, kinakatawan nang tuwiran ng Diyos na nagkatawang-tao ang pagka-Diyos, walang kaisipan o mga ideya ng tao, at walang pagkaunawa tungkol sa mga prinsipyo ng pag-uugali ng tao. Kung gumagawa lamang sana ang pagka-Diyos (ibig sabihin ay kung gumagawa lamang sana ang Diyos Mismo), walang paraan para maisagawa ang gawain ng Diyos sa lupa. Kaya kapag dumarating ang Diyos sa lupa, kailangan ay mayroon Siyang isang maliit na bilang ng mga tao na kinakasangkapan Niya upang gumawa sa loob ng sangkatauhan kasabay ng gawaing ginagawa ng Diyos sa pagka-Diyos. Sa madaling salita, ginagamit Niya ang gawain ng tao upang pagtibayin ang Kanyang banal na gawain. Kung hindi, walang paraan para tuwirang makisali ang tao sa banal na gawain. Ganito noon kay Jesus at sa Kanyang mga disipulo. Noong panahon Niya sa mundo, inalis ni Jesus ang mga lumang kautusan at itinatag ang mga bagong kautusan. Nangusap din Siya ng maraming salita. Lahat ng gawaing ito ay ginawa sa pagka-Diyos. Ang iba pa, tulad nina Pedro, Pablo, at Juan, ay isinalalay lahat ang sumunod nilang gawain sa pundasyon ng mga salita ni Jesus. Ibig sabihin, inilunsad ng Diyos ang Kanyang gawain sa kapanahunang iyon, na nagpasimula ng Kapanahunan ng Biyaya; ibig sabihin, pinasimulan Niya ang isang bagong kapanahunan, na inaalis ang luma, at tinutupad din ang mga salitang “Ang Diyos ang Simula at ang Katapusan.” Sa madaling salita, kailangang isagawa ng tao ang gawain ng tao ayon sa pundasyon ng banal na gawain. Nang masabi ni Jesus ang lahat ng kailangan Niyang sabihin at matapos ang Kanyang gawain sa lupa, iniwan Niya ang tao. Pagkatapos nito, lahat ng tao, sa paggawa, ay gumawa nga ayon sa mga prinsipyong ipinahayag sa Kanyang mga salita, at nagsagawa ayon sa mga katotohanang Kanyang sinabi. Lahat ng taong ito ay gumawa para kay Jesus. Kung si Jesus lamang ang mag-isang gumawa ng gawain, gaano man karaming salita ang Kanyang sinabi, walang anumang paraan ang mga tao para makibahagi sa Kanyang mga salita, dahil gumawa Siya sa pagka-Diyos at maaari lamang mangusap ng mga salita ng pagka-Diyos, at hindi Niya maaaring ipaliwanag ang mga bagay-bagay hanggang sa maaari nang maunawaan ng normal na mga tao ang Kanyang mga salita. Kaya nga kinailangan Niyang magkaroon ng mga apostol at propetang sumunod sa Kanya para tumulong sa Kanyang gawain. Ito ang prinsipyo kung paano ginagawa ng Diyos na nagkatawang-tao ang Kanyang gawain—gamit ang nagkatawang-taong laman upang magsalita at gumawa nang sa gayon ay matapos ang gawain ng pagka-Diyos, at pagkatapos ay kinakasangkapan ang ilan, o marahil ay higit pa, na mga taong kaayon ng sariling puso ng Diyos upang tumulong sa Kanyang gawain. Ibig sabihin, kinakasangkapan ng Diyos ang mga taong kaayon ng Kanyang puso upang gawin ang gawain ng paggabay at pagdidilig sa sangkatauhan upang lahat ng taong hinirang ng Diyos ay makapasok sa realidad ng katotohanan.
Kung, nang Siya ay magkatawang-tao, ginawa lamang ng Diyos ang gawain ng pagka-Diyos, at walang mga taong kaayon ng Kanyang puso upang gumawa na kasabay Niya, mawawalan ng kakayahan ang tao na maunawaan ang kalooban ng Diyos o makipag-ugnayan sa Diyos. Kailangang kasangkapanin ng Diyos ang normal na mga tao na kaayon ng Kanyang puso upang tapusin ang gawaing ito, upang bantayan at gabayan ang mga iglesia, nang sa gayon ay magkaroon ng kakayahan ang antas ng pag-unawa ng tao, ang kanyang utak, na isipin ang maaaring makamit. Sa madaling salita, kinakasangkapan ng Diyos ang maliit na bilang ng mga tao na kaayon ng Kanyang puso upang “isalin” ang gawaing Kanyang ginagawa sa loob ng Kanyang pagka-Diyos, nang sa gayon ay mabuksan ito—magawang wika ng tao ang banal na wika, nang sa gayon ay maintindihan at maunawaan ito ng mga tao. Kung hindi ito ginawa ng Diyos, walang sinumang makauunawa sa banal na wika ng Diyos, dahil ang mga taong kaayon ng puso ng Diyos, kung tutuusin, ay maliit na minorya, at ang kakayahan ng tao na umintindi ay mahina. Iyan ang dahilan kaya pinipili lamang ng Diyos ang paraang ito kapag gumagawa Siya sa nagkatawang-taong laman. Kung mayroon lamang banal na gawain, walang paraan para makilala o makaniig ng tao ang Diyos, dahil hindi nauunawaan ng tao ang wika ng Diyos. Nauunawaan ng tao ang wikang ito sa pamamagitan lamang ng pagkakatawan ng mga taong kaayon ng puso ng Diyos, na nagpapalinaw sa Kanyang mga salita. Gayunman, kung mayroon lamang gayong mga tao na gumagawa sa loob ng pagkatao, maaari lamang mapanatili niyan ang normal na buhay ng tao; hindi nito mababago ang disposisyon ng tao. Ang gawain ng Diyos ay hindi maaaring magkaroon ng panibagong panimula; magkakaroon lamang ng dati nang mga lumang awit, dati nang mga lumang bukambibig. Sa pamamagitan lamang ng pagkakatawan ng Diyos na nagkatawang-tao, na nagsasabi ng lahat ng kailangang sabihin at gumagawa ng lahat ng kailangang gawin sa panahon ng Kanyang pagkakatawang-tao, pagkatapos ay gumagawa at nakararanas ang mga tao ayon sa Kanyang mga salita, sa gayon lamang magbabago ang kanilang disposisyon sa buhay, at sa gayon lamang nila magagawang sumama sa agos ng panahon. Siya na gumagawa sa loob ng pagka-Diyos ay kumakatawan sa Diyos, samantalang yaong mga gumagawa sa loob ng pagkatao ay mga taong kinakasangkapan ng Diyos. Ibig sabihin, ang Diyos na nagkatawang-tao ay may malaking kaibhan sa mga taong kinakasangkapan ng Diyos. Ang Diyos na nagkatawang-tao ay kayang gawin ang gawain ng pagka-Diyos, samantalang ang mga taong kinakasangkapan ng Diyos ay hindi. Sa simula ng bawat isang kapanahunan, personal na nangungusap ang Espiritu ng Diyos at naglulunsad ng bagong kapanahunan upang dalhin ang tao sa isang bagong simula. Kapag tapos na Siyang magsalita, nagpapahiwatig ito na tapos na ang gawain ng Diyos sa loob ng Kanyang pagka-Diyos. Pagkatapos noon, lahat ng tao ay sumusunod sa pangunguna ng mga yaon na kinakasangkapan ng Diyos upang pumasok sa karanasan nila sa buhay. Sa ganito ring paraan, ito rin ang yugto kung saan dinadala ng Diyos ang tao sa bagong kapanahunan at binibigyan ang mga tao ng isang bagong panimula—kung kailan nagtatapos ang gawain ng Diyos sa katawang-tao.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Mahalagang Kaibhan sa Pagitan ng Diyos na Nagkatawang-tao at ng mga Taong Kinakasangkapan ng Diyos
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 138
Hindi dumarating ang Diyos sa lupa para gawing perpekto ang Kanyang normal na pagkatao, ni hindi para isagawa ang gawain ng normal na pagkatao. Pumaparito Siya para lamang gawin ang gawain ng pagka-Diyos sa normal na pagkatao. Ang binabanggit ng Diyos na normal na pagkatao ay hindi katulad ng iniisip ng mga tao. Binibigyang-kahulugan ng tao ang “normal na pagkatao” bilang pagkakaroon ng asawa at mga anak, na mga patunay na ang isang tao ay isang normal na tao; gayunman, hindi ganito ang tingin ng Diyos dito. Ang tingin Niya sa normal na pagkatao ay pagkakaroon ng normal na kaisipan ng mga tao, normal na buhay ng mga tao, at maisilang sa normal na mga tao. Ngunit hindi kabilang sa Kanyang normalidad ang pagkakaroon ng asawa at mga anak sa paraan ng pagsasalita ng tao tungkol sa normalidad. Ibig sabihin, para sa tao, ang normal na pagkataong binabanggit ng Diyos ay kung ano ang ituturing ng tao na kawalan ng pagkatao, na halos walang emosyon at tila walang mga pangangailangan ng laman, katulad ni Jesus, na mayroon lamang panlabas na anyo ng isang normal na tao at kinuha ang anyo ng isang normal na tao, ngunit sa diwa ay hindi ganap na taglay ang lahat ng dapat taglayin ng isang normal na tao. Mula rito ay makikita na ang diwa ng Diyos na nagkatawang-tao ay hindi sumasaklaw sa kabuuan ng normal na pagkatao, kundi sa isang bahagi lamang ng mga bagay na dapat taglayin ng mga tao, upang suportahan ang mga karaniwang gawain sa buhay ng normal na tao at panatilihin ang mga kakayahang mangatwiran ng normal na tao. Ngunit walang kinalaman ang mga bagay na ito sa itinuturing ng tao na normal na pagkatao. Ang mga ito ang dapat taglayin ng Diyos na nagkatawang-tao. Gayunman, may mga naninindigan na ang Diyos na nagkatawang-tao ay masasabing nagtataglay lamang ng normal na pagkatao kung mayroon Siyang asawa, mga anak, isang pamilya; kung wala ang mga bagay na ito, sabi nila, hindi Siya isang normal na tao. Sa gayon ay tatanungin kita, “Mayroon bang asawang babae ang Diyos? Posible bang magkaroon ng asawang lalaki ang Diyos? Maaari bang magkaroon ng mga anak ang Diyos?” Hindi ba mali ang mga paniniwalang ito? Subalit ang Diyos na nagkatawang-tao ay hindi maaaring sumibol mula sa isang bitak sa pagitan ng mga bato o mahulog mula sa langit. Maaari lamang Siyang isilang sa isang normal na pamilya ng tao. Kaya nga mayroon Siyang mga magulang at mga kapatid na babae. Ito ang mga bagay na dapat magkaroon ang normal na pagkatao ng Diyos na nagkatawang-tao. Ganito ang nangyari kay Jesus; si Jesus ay mayroong ama at ina, mga kapatid na babae at lalaki, at lahat ng ito ay normal. Ngunit kung nagkaroon Siya ng asawa at mga anak, ang Kanyang pagkatao ay hindi sana naging ang normal na pagkatao na nilayon ng Diyos na taglayin ng Diyos na nagkatawang-tao. Kung ganito ang nangyari, hindi sana Niya nakayang gumawa sa ngalan ng pagka-Diyos. Ito ay dahil mismo sa hindi Siya nagkaroon ng asawa o mga anak, subalit isinilang Siya sa normal na mga tao sa isang normal na pamilya, kaya Niya nagawa ang gawain ng pagka-Diyos. Para mas mapalinaw pa ito, ang itinuturing ng Diyos na normal na tao ay isang tao na isinilang sa isang normal na pamilya. Gayong tao lamang ang karapat-dapat na gumawa ng banal na gawain. Kung, sa kabilang dako, ang tao ay nagkaroon ng isang asawang babae, mga anak, o isang asawang lalaki, hindi magagawa ng taong iyon ang banal na gawain, dahil magtataglay lamang siya ng normal na pagkatao na kinakailangan ng mga tao ngunit hindi ang normal na pagkataong kinakailangan ng Diyos. Yaong pinaniniwalaan ng Diyos, at ang nauunawaan ng mga tao, ay madalas na may malaking kaibhan, malayung-malayo sa isa’t isa. Sa yugtong ito ng gawain ng Diyos, marami ang salungat at malaki ang kaibhan sa mga kuru-kuro ng mga tao. Masasabi na ang yugtong ito ng gawain ng Diyos ay ganap na binubuo ng pagka-Diyos na aktwal na gumagawa, na ang pagkatao ay gumaganap sa tungkuling sumuporta sa Kanya. Dahil dumarating ang Diyos sa lupa upang isagawa Mismo ang Kanyang gawain, sa halip na tulutan ang tao na gawin ito, nagkatawang-tao Siya Mismo (sa isang di-ganap na normal na tao) upang gawin ang Kanyang gawain. Ginagamit Niya ang pagkakatawang-taong ito upang iharap sa sangkatauhan ang isang bagong kapanahunan, upang sabihin sa sangkatauhan ang susunod na hakbang sa Kanyang gawain, at upang hilingan ang mga tao na magsagawa alinsunod sa landas na inilarawan sa Kanyang mga salita. Sa ganito nagtapos ang gawain ng Diyos sa katawang-tao; malapit na Niyang lisanin ang sangkatauhan, at hindi na mananahan sa katawan ng normal na pagkatao, kundi sa halip ay lalayo mula sa tao upang tumuloy sa isa pang bahagi ng Kanyang gawain. Pagkatapos, habang kinakasangkapan ang mga taong kaayon ng Kanyang sariling puso, ipinagpapatuloy Niya ang Kanyang gawain sa lupa sa gitna ng grupong ito ng mga tao, ngunit sa kanilang pagkatao.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Mahalagang Kaibhan sa Pagitan ng Diyos na Nagkatawang-tao at ng mga Taong Kinakasangkapan ng Diyos
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 139
Ang Diyos na nagkatawang-tao ay hindi maaaring manatili sa piling ng tao magpakailanman dahil marami pang ibang gawaing gagawin ang Diyos. Hindi Siya maaaring nakatali sa katawang-tao; kailangan Niyang hubarin ang katawang-tao upang gawin ang gawaing kailangan Niyang gawin, kahit ginagawa Niya ang gawaing iyon sa larawan ng katawang-tao. Kapag dumarating ang Diyos sa lupa, hindi Niya hinihintay na maabot Niya ang anyong dapat maabot ng isang normal na tao bago mamatay at lisanin ang sangkatauhan. Gaano man katanda ang Kanyang katawan, kapag natapos na ang Kanyang gawain, umaalis Siya at iniiwan ang tao. Walang kuwenta sa Kanya ang edad, hindi Niya binibilang ang Kanyang mga araw ayon sa haba ng buhay ng tao; sa halip, tinatapos Niya ang Kanyang buhay sa katawang-tao alinsunod sa mga hakbang ng Kanyang gawain. Maaaring may mga taong nakadarama na ang Diyos, sa pagpasok sa katawang-tao, ay kailangang magkaedad, kailangang mahusto ang gulang, tumanda, at lumisan lamang kapag bumigay na ang katawan. Ito ay imahinasyon ng tao; hindi ganyan ang Diyos. Siya ay nagkakatawang-tao upang gawin lamang ang gawaing dapat Niyang gawin, at hindi upang mamuhay ng buhay ng isang normal na tao na isilang sa mga magulang, lumaki, bumuo ng pamilya at magkatrabaho, magkaroon at magpalaki ng mga anak, o maranasan ang mga tagumpay at kabiguan sa buhay—lahat ng aktibidad ng isang normal na tao. Kapag dumarating ang Diyos sa lupa, ito ang Espiritu ng Diyos na nagbibihis ng katawang-tao, nagkakaroon ng katawang-tao, ngunit ang Diyos ay hindi namumuhay ng buhay ng isang normal na tao. Pumaparito lamang Siya upang tuparin ang isang bahagi ng Kanyang plano ng pamamahala. Pagkatapos niyan ay lilisanin Niya ang sangkatauhan. Kapag Siya ay nagkakatawang-tao, hindi ginagawang perpekto ng Espiritu ng Diyos ang normal na pagkatao ng katawan. Sa halip, sa panahong naitakda na ng Diyos, ang pagka-Diyos ang tuwirang gumagawa. Pagkatapos, matapos gawin ang lahat ng kailangan Niyang gawin at lubos nang natapos ang Kanyang ministeryo, tapos na ang gawain ng Espiritu ng Diyos sa yugtong ito, kung kailan nagtatapos din ang buhay ng Diyos na nagkatawang-tao, naisabuhay man ng Kanyang katawang-taong may laman ang haba ng buhay nito. Ibig sabihin, anumang yugto ng buhay ang abutin ng katawang may laman, gaano man katagal itong nabuhay sa lupa, lahat ay ipinapasya ng gawain ng Espiritu. Wala itong kinalaman sa itinuturing ng tao na normal na pagkatao. Ipaghalimbawa natin si Jesus. Nabuhay Siya sa katawang-tao sa loob ng tatlumpu’t tatlo’t kalahating taon. Patungkol sa haba ng buhay ng katawan ng tao, hindi Siya dapat na namatay sa edad na iyon, at hindi Siya dapat lumisan. Ngunit hindi ito problema ng Espiritu ng Diyos. Dahil tapos na ang Kanyang gawain, sa puntong iyon ay inalis na ang katawan, na nawala kasama ng Espiritu. Ito ang prinsipyong ginagamit ng Diyos sa paggawa sa katawang-tao. Kaya nga, sa madaling salita, hindi ang pagkatao ng Diyos na nagkatawang-tao ang pinakamahalaga. Inuulit Ko, pumaparito Siya sa lupa hindi upang ipamuhay ang buhay ng isang normal na tao. Hindi muna Siya nagtatatag ng isang normal na buhay ng tao at pagkatapos ay nagsisimulang gumawa. Sa halip, basta’t isinilang Siya sa isang normal na pamilya ng tao, nagagawa Niya ang banal na gawain, gawaing walang bahid-dungis ng mga layon ng tao, na hindi panlaman, na tiyak na hindi ginagaya ang mga paraan ng lipunan o nagkakaroon ng mga kaisipan o kuru-kuro ng tao, at bukod pa riyan, hindi kasali riyan ang mga pilosopiya ng tao para sa pamumuhay. Ito ang gawaing layong gawin ng Diyos na nagkatawang-tao, at ito rin ang praktikal na kabuluhan ng Kanyang pagkakatawang-tao. Ang Diyos ay nagkakatawang-tao una sa lahat upang gawin ang isang yugto ng gawain na kailangang gawin sa katawang-tao, nang hindi nagdaraan sa iba pang mga walang-kuwentang proseso, at, tungkol naman sa mga karanasan ng isang normal na tao, wala Siya ng mga iyon. Hindi kabilang sa gawaing kailangang gawin ng Diyos na nagkatawang-tao ang mga karanasan ng normal na tao. Kaya ang Diyos ay nagkakatawang-tao para isakatuparan ang gawaing kailangan Niyang tuparin sa katawang-tao. Ang nalalabi ay walang kinalaman sa Kanya; hindi Siya dumaraan sa napakaraming walang-kuwentang proseso. Kapag natapos na ang Kanyang gawain, natatapos na rin ang kabuluhan ng Kanyang pagkakatawang-tao. Ang pagtatapos sa yugtong ito ay nangangahulugan na nagtapos na ang gawaing kailangan Niyang gawin sa katawang-tao, at kumpleto na ang ministeryo ng Kanyang katawang-tao. Ngunit hindi Siya maaaring patuloy na gumawa sa katawang-tao nang walang katapusan. Kailangan Niyang sumulong sa isa pang lugar upang gumawa, isang lugar sa labas ng katawang-tao. Sa ganitong paraan lamang lubos na maisasagawa ang Kanyang gawain, at sumulong nang may mas matinding epekto. Gumagawa ang Diyos ayon sa Kanyang orihinal na plano. Kung anong gawain ang kailangan Niyang gawin at anong gawain ang natapos na Niya, alam na alam Niya nang kasinglinaw ng palad ng Kanyang kamay. Inaakay ng Diyos ang bawat indibiduwal na lumakad sa landas na napagpasyahan na Niya noon pa man. Walang sinumang makakatakas dito. Yaon lamang mga sumusunod sa patnubay ng Espiritu ng Diyos ang makakapasok sa kapahingahan. Maaaring, sa gawain sa hinaharap, hindi ang Diyos ang mangungusap sa katawang-tao upang gabayan ang tao, kundi isang Espiritung may anyong mahahawakan na gumagabay sa buhay ng tao. Saka lamang makakaya ng tao na talagang mahawakan ang Diyos, mamasdan ang Diyos, at mas lubos na makapasok sa realidad na kinakailangan ng Diyos, upang magawang perpekto ng praktikal na Diyos. Ito ang gawaing layon ng Diyos na tuparin, at matagal na Niyang ipinlano. Mula rito, dapat ninyong makitang lahat ang landas na dapat ninyong tahakin!
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Mahalagang Kaibhan sa Pagitan ng Diyos na Nagkatawang-tao at ng mga Taong Kinakasangkapan ng Diyos
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 140
Ang Diyos na nagkatawang-tao ay tinatawag na Cristo, at kaya ang Cristo na kayang magbigay ng katotohanan sa tao ay tinatawag na Diyos. Walang pagmamalabis rito, sapagkat taglay Niya ang diwa ng Diyos, at taglay Niya ang disposisyon ng Diyos, at karunungan sa Kanyang gawain, na hindi kayang abutin ng tao. Ang mga tumatawag sa sarili nila na Cristo, subalit hindi naman kayang gawin ang gawain ng Diyos, ay mga manlilinlang. Hindi lamang pagpapakita ng Diyos sa lupa si Cristo, kundi partikular din na katawang-taong tinaglay ng Diyos habang ginagawa at tinatapos Niya ang Kanyang gawain sa tao. Hindi maaaring palitan ang katawang-taong ito ng kahit na sinumang tao, kundi isang katawang-taong sapat na makakayanan ang gawain ng Diyos sa lupa, at maipapahayag ang disposisyon ng Diyos, at kakatawan nang mahusay sa Diyos, at makapagbibigay ng buhay sa tao. Sa malao’t madali, babagsak lahat ng nagpapanggap na Cristo, sapagkat bagama’t inaangkin nilang sila si Cristo, hindi nila taglay ang diwa ni Cristo. Kaya naman sinasabi Ko na hindi kayang tukuyin ng tao ang pagiging-tunay ni Cristo, ngunit sinasagot at pinagpapasyahan ito ng Diyos Mismo. Sa ganitong paraan, kung tunay mong ninanais na hanapin ang daan ng buhay, dapat mo munang kilalaning ginagampanan ng Diyos ang gawain ng pagkakaloob ng daan ng buhay sa tao sa pamamagitan ng pagpunta sa lupa, at dapat mong kilalaning sa mga huling araw Siya pupunta sa lupa upang ipagkaloob ang daan ng buhay sa tao. Hindi ito tumutukoy sa nakalipas; nangyayari ito ngayon.
Ang Cristo ng mga huling araw ay naghahatid ng buhay, at naghahatid ng walang maliw at walang katapusang daan ng katotohanan. Ang katotohanang ito ang landas kung saan makakamit ng tao ang buhay, at ito lamang ang tanging landas kung saan makikilala ng Diyos at masasang-ayunan ng Diyos ang tao. Kung hindi mo hinahanap ang daan ng buhay na ibinigay ni Cristo ng mga huling araw, kung gayon ay hindi mo kailanman makakamit ang pagsang-ayon ni Jesus, at hindi ka kailanman magiging karapat-dapat pumasok sa pintuan ng kaharian ng langit, sapagkat kapwa ka bulag na tagasunod at bilanggo ng kasaysayan. Ang mga kontrolado ng mga tuntunin, ng mga titik, at iginapos ng kasaysayan ay hindi kailanman makakamit ang buhay ni makakamit ang walang-hanggang daan ng buhay. Ito ay sapagkat ang mayroon lamang sila ay malabong tubig na kinapitan ng libu-libong taon sa halip na tubig ng buhay na dumadaloy mula sa trono. Mananatili magpakailanman na mga bangkay, mga laruan ni Satanas, at mga anak ng impiyerno ang mga hindi natustusan ng tubig ng buhay. Kung gayon, paano nila mapagmamasdan ang Diyos? Kung nagsisikap ka lamang na panghawakan ang nakaraan, nagsisikap lamang na panatilihin ang mga bagay sa kung ano sila sa pamamagitan ng hindi paggalaw, at hindi sinusubukang baguhin ang nakasanayan na at itapon ang kasaysayan, kung gayon hindi ka ba magiging palaging laban sa Diyos? Malawak at makapangyarihan ang mga hakbang ng gawain ng Diyos, tulad ng rumaragasang mga alon at dumadagundong na mga kulog—subalit nakaupo kang walang imik na naghihintay ng pagkawasak, nakakapit sa kahangalan mo at walang ginagawa. Sa ganitong paraan, paano ka maituturing na isang taong sumusunod sa mga yapak ng Kordero? Paano mo mabibigyang-katwiran na ang Diyos na kinakapitan mo ay isang Diyos na laging bago at hindi kailanman naluluma? At paano ka maihahatid ng mga salita sa mga nanilaw mong mga libro patawid sa panibagong kapanahunan? Paano ka maaakay ng mga ito para mahanap mo ang mga hakbang ng gawain ng Diyos? At paano ka nila madadala paakyat sa langit? Ang hawak mo sa mga kamay mo ay ang mga titik na magbibigay lamang ng panandaliang ginhawa, hindi ang mga katotohanang kayang magbigay ng buhay. Ang mga banal na kasulatang binabasa mo ay pinagyayaman lamang ang dila mo at hindi mga salita ng pilosopiyang makatutulong sa pag-unawa mo sa buhay ng tao, lalong hindi mga landas na makapaghahatid sa iyo sa pagiging perpekto. Hindi ba nagdudulot sa iyo na magmuni-muni ang pagkakaibang ito? Hindi ba nito naipapaunawa sa iyo ang mga hiwagang napapaloob dito? May kakayahan ka bang dalhin ang sarili mo sa langit upang makipagkita sa Diyos nang ikaw lang? Kung walang pagdating ng Diyos, kaya mo bang dalhin ang sarili mo sa langit upang matamasa ang kasiyahang pampamilya kasama ang Diyos? Nananaginip ka pa rin ba ngayon? Imumungkahi Ko, kung gayon, na ihinto mo ang pananaginip at tingnan kung sino ang gumagawa ngayon—tingnan para makita kung sino ngayon ang nagpapatupad sa gawain ng pagliligtas sa tao sa mga huling araw. Kung hindi mo gagawin, hindi mo kailanman makakamit ang katotohanan, at hindi mo kailanman makakamit ang buhay.
Pinakakatawa-tawang mga tao sa mundo ang mga nagnanais na makamit ang buhay nang hindi umaasa sa katotohanang sinabi ni Cristo, at mga namumuhay sa guni-guni ang mga hindi tumatanggap sa daan ng buhay na dinala ni Cristo. Kaya naman sinasabi Ko na kamumuhian ng Diyos magpakailanman ang mga taong hindi tumatanggap kay Cristo ng mga huling araw. Si Cristo ang pasukan ng tao patungo sa kaharian sa mga huling araw, at walang sinuman ang makalalampas sa Kanya. Kung hindi sa pamamagitan ni Cristo, walang magagawang perpekto ng Diyos. Naniniwala ka sa Diyos, kaya dapat mong tanggapin ang Kanyang mga salita at sundin ang Kanyang daan. Hindi mo maaaring isipin lamang ang magkamit ng mga pagpapala kung wala ka namang kakayahang tumanggap ng katotohanan at wala kang kakayahang tumanggap ng pagtustos ng buhay. Darating si Cristo sa mga huling araw upang mabigyan ng buhay ang lahat ng tunay na naniniwala sa Kanya. Alang-alang sa pagtatapos ng lumang kapanahunan at pagpasok sa bago ang Kanyang gawain, at ang Kanyang gawain ang landas na dapat tahakin ng lahat ng papasok sa bagong kapanahunan. Kung wala kang kakayahang kilalanin Siya, at sa halip ay kinokondena, nilalapastangan, o inuusig pa Siya, kung gayon ay nakatadhana kang masunog nang walang-hanggan at hindi ka kailanman makapapasok sa kaharian ng Diyos. Dahil ang Cristong ito ang Mismong pagpapahayag ng Banal na Espiritu, ang pagpapahayag ng Diyos, ang Siyang pinagkatiwalaan ng Diyos na gawin ang Kanyang gawain sa lupa. Kaya naman sinasabi Ko na kung hindi mo matatanggap ang lahat ng ginagawa ni Cristo ng mga huling araw, kung gayon ay nilalapastangan mo ang Banal na Espiritu. Maliwanag sa lahat ang ganting matatanggap ng mga lumalapastangan sa Banal na Espiritu. Sinasabi Ko rin sa iyo na kung nilalabanan mo si Cristo ng mga huling araw, kung tinatanggihan mo nang may paghamak si Cristo ng mga huling araw, wala nang iba pa ang makapagpapasan sa mga kahihinatnan para sa iyo. Higit pa rito, simula sa araw na ito ay hindi ka na magkakaroon ng isa pang pagkakataong makamit ang pagsang-ayon ng Diyos; kahit na subukan mo pang makabawi, hindi mo na mapagmamasdan muli ang mukha ng Diyos kahit kailan. Sapagkat hindi isang tao ang nilalabanan mo, hindi isang mahinang nilalang ang tinatanggihan mo nang may paghamak, kundi si Cristo. Alam mo ba ang kahihinatnan nito? Hindi isang maliit na pagkakamali ang magagawa mo, kundi isang karumal-dumal na krimen. Kaya naman pinapayuhan Ko ang lahat na huwag ilabas ang mga pangil ninyo sa harap ng katotohanan, o gumawa ng walang-ingat na mga pamumuna, dahil ang katotohanan lamang ang makapagdadala sa iyo ng buhay, at wala nang iba pa kundi katotohanan ang makapagdudulot sa iyo na muli kang isilang at mapagmasdang muli ang mukha ng Diyos.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tanging si Cristo ng mga Huling Araw ang Makapagbibigay sa Tao ng Daan ng Buhay na Walang Hanggan