221 Isang Bagong Simula Bilang Isang Tao

1 Sa pag-iisip sa aking pananampalataya sa Diyos noong araw, nadarama ko sa puso ko ang malaking utang na loob. Dahil hindi ko hinanap ang katotohanan, napakarami kong pinagsisihan. Itinaas ako ng Diyos para gawin ang aking tungkulin, ngunit hindi ko alam maging maalalahanin sa Kanyang kalooban. Gumawa at nangaral ako para lamang makipagpaligsahan sa iba. Nagustuhan ko na tinitingala at iniidolo ako ng iba. Pinaglingkuran ko ang Diyos sa pangalan, pero ang totoo’y itinataguyod ko ang aking sarili. Inalerto at binalaan ako ng mga salita ng Diyos, pero hindi ko pinansin. Hindi patitinag, nagmadali ako para lamang sa mga gantimpala, para sa korona. Ang aking pagsisikap para sa pangalan at katayuan ay kasuklam-suklam sa Diyos.

2 Itinago ng Diyos ang Kanyang mukha at nahulog ako sa kadiliman na walang mapuntahan. Gaya ng isang naglalakad na bangkay, parang mga taon ang mga araw na nagdaan sa buhay ko. Sa gitna ng mga pagsubok, tinanggap ko ang paghatol ng Diyos at nagnilay sa aking sarili, noon ko lamang napagtanto na napakamapagmataas ko at naiwala ko na ang lahat ng katwiran. Wala ako ng katotohanan at ipinagyabang ko ang aking sarili—sobrang nakakahiya! Dapat sumpain ng Diyos ang aking kalikasan, gaya ng sa arkanghel. Nanginginig sa takot, nagpatirapa ako sa harap ng Diyos sa lubhang pagsisisi. Napakarebelde at palaban sa Diyos, paano ako magiging marapat na tawaging tao? Nais kong tanggapin ang paghatol ng Diyos at makamit ang pagbabago sa aking disposisyon.

3 Sa pamamagitan ng paghatol ng Diyos, nalaman ko na ang disposisyon ng Diyos ay matuwid. Sa puso ko, iginagalang at sinusunod ko ang Diyos, at medyo isinasabuhay ko ang wangis ng tao. Ngayon ko lang nalaman na kung walang pagbabago sa disposisyon, hindi ako karapat-dapat na maglingkod sa Diyos. Nagpapasalamat ako sa napapanahong paghatol ng Diyos na naghatid sa akin sa ilalim ng Kanyang pangangalaga. Ngayo’y natikman ko na ang pag-ibig ng Diyos, na tunay na tunay at totoong-totoo. Diyos ko, hindi na ako muling maghihimagsik laban sa Iyo o palulungkutin Ka. Ang tanging nais ko ay pahalagahan ang mga huling oras na ito at maging isang bagong tao, hindi para igalang ako ng iba, kundi para mapalugod lamang ang Iyong kalooban, para mamuhay ayon sa Iyong mga salita at dakilain Ka at patotohanan Ka sa lahat ng bagay.

Sinundan: 220 Ayaw Kong Bumalik sa Dati Kong Mga Gawi at Magdulot ng Pasakit sa Diyos

Sumunod: 222 NakitaKo Na Ang Kariktan ng Diyos

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

74 O Minamahal Ko, Hinahanap Kita

INasa’n Ka, minamahal ko?Alam Mo bang hanap-hanap Kita?‘Pag walang liwanag, kay sakit mabuhay.Sa kadiliman, hinahanap Kita.Di ako nawawalan...

281 Panahon

IIsang malungkot na kaluluwa’ng naglalakbay,sinusuri’ng bukas, hinahanap nakalipas,masipag na nagsisikap,naghahangad ng isang pangarap.‘Di...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito