235 Ang Pag-iisip ng Tao’y Masyadong Konserbatibo

I

Gawain ng Diyos ay laging pasulong.

Kahit ‘di nagbabago’ng layunin,

paggawa Niya’y laging nagbabago,

kaya’t tagasunod Niya’y gano’n din.

‘Pag mas maraming gawain Niya,

Siya’y mas makikilala pa.

Nagbabago rin disposisyon

ng tao sa gawain Niya.


Dahil gawain Niya’y laging nagbabago,

yaong mga ‘di alam ang

gawain ng Banal na Espiritu’t

yaong katotohana’y ‘di alam,

Siya’y nilalabanan.

Gawain Niya’y ‘di ayon sa kuru-kuro,

‘to’y laging bago’t ‘di-naluluma.


Lumang gawain Niya’y ‘di inuulit,

sa halip Siya’y laging sumusulong.

Tao’y sinusukat gawain Niya ngayon

batay sa gawain noon.

Mahirap sa Diyos gawin ang

bawat yugto sa bagong panahon.

Tao’y kay raming problema.

Masyadong konserbatibong mag-isip!

Gawain Niya’y nililimitahan,

kahit walang may alam nito.


II

‘Pag Siya’y tinatalikuran,

buhay, katotohanan at

pagpapala ng Diyos, tao’y nawawalan.

Lahat ng bigay Niya’y tinatanggihan,

akalang Siya’y Diyos lang

sa ilalim ng kautusan

at Diyos na ‘pinako sa krus para sa tao.


Akala rin Diyos ay ‘di dapat

lumampas sa Bibliya,

kaya’t sa panuntunan at kautusang

luma’t patay sila’y nakagapos.

Marami pa ring naniniwalang

anuman ang bagong gawain Niya,

ito’y dapat nasa propesiya.


Sila’y naniniwalang

sa bawat yugto ng gawain,

yaong sumusunod sa Kanya

nang may pusong “tunay”

dapat pakitaan ng pagpapahayag,

o kung ‘di ito’y ‘di magiging gawain Niya.


III

Mahirap sa taong makilala’ng Diyos.

Dagdag pa ang kahambugan

at kakatwang puso,

mas mahirap tanggapin bagong gawain.

Tao’y ‘di ‘to sinisiyasat,

ni tinatanggap nang may mababang-loob;

sa halip, tanaw niya rito’y panghahamak.


Paghahayag at patnubay

ng Diyos hinihintay niya.

‘Di ba ‘to ugali ng mapanghimagsik?

Pa’no niya matatamo’ng pagsang-ayon Niya?


Lumang gawain Niya’y ‘di inuulit,

sa halip Siya’y laging sumusulong.

Tao’y sinusukat gawain Niya ngayon

batay sa gawain noon.

Mahirap sa Diyos gawin ang

bawat yugto sa bagong panahon.

Tao’y kay raming problema.

Masyadong konserbatibong mag-isip!

Gawain Niya’y nililimitahan,

kahit walang may alam nito.


Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Paano Maaaring Tumanggap ng mga Paghahayag ng Diyos ang Taong Nililimitahan ang Diyos sa Kanyang mga Kuru-kuro?

Sinundan: 234 Dapat Hanapin ng mga Mananampalataya ng Diyos ang Kanyang Kasalukuyang Kalooban

Sumunod: 236 Makikita Ba ng mga Hindi Tumatanggap sa Bagong Gawain ng Banal na Espiritu ang Pagpapakita ng Diyos?

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito