Tanong 2: Pero naniniwala kami na sa pamamagitan ng pagsampalataya at pagsunod sa Panginoon, makakamtan natin ang buhay na walang hanggan. Suportado ito ng salita ng Panginoon: Sinabi ng Panginoong Jesus, “Ako ang pagkabuhay na mag-uli, at ang buhay: ang siyang sumasampalataya sa Akin, bagama’t siya’y patay, gayunma’y siya ay mabubuhay; At ang sinumang nabubuhay at sumasampalataya sa Akin ay hindi mamamatay magpakailanman(Juan 11:25–26). “Datapuwa’t ang sinomang umiinom ng tubig na sa kaniya’y aking ibibigay ay hindi mauuhaw magpakailan man; nguni’t ang tubig na sa kaniya’y aking ibibigay ay magiging isang balon ng tubig na bubukal sa kabuhayang walang hanggan(Juan 4:14). Ang mga talatang ito ang pangako ng Panginoong Jesus. Ang Panginoong Jesus ay makapagbibigay sa atin ng buhay na walang hanggan, ang landas ng Panginoong Jesus ay ang daan tungo sa buhay na walang hanggan. Sabi sa Biblia, “Ang sumasampalataya sa Anak ay may buhay na walang hanggan: nguni’t ang hindi nananalig sa Anak ay hindi makakakita ng buhay, kundi ang poot ng Diyos ay sumasa kaniya(Juan 3:36). Hindi nga ba ang Panginoong Jesus Anak ng tao, hindi ba Siya ang Cristo? Sa pananalig sa Panginoong Jesus, dapat ding mapasaatin ang daan tungo sa buhay na walang hanggan. Ngunit nagpapatotoo kayo na ipapakita sa atin ni Cristo sa mga huling araw ang daan tungo sa buhay na walang hanggan. Lahat tayo ay alagad ng Panginoong Jesucristo. Bakit hindi pa ito sapat para makita ang daan tungo sa buhay na walang hanggan? Kaya bakit namin kailangang tanggapin ang mga salita at gawain ni Cristo sa mga huling araw?

Sagot: Ang Panginoong Jesus ay Diyos na naging tao, ang pagpapakita ng Diyos. Sinabi ng Panginoong Jesus, “At ang sinumang nabubuhay at sumasampalataya sa Akin ay hindi mamamatay magpakailanman(Juan 11:26). “… ang tubig na sa kaniya’y aking ibibigay ay magiging isang balon ng tubig na bubukal sa kabuhayang walang hanggan(Juan 4:14). Sabi sa Biblia, “Ang sumasampalataya sa Anak ay may buhay na walang hanggan(Juan 3:36). Ang mga salitang ito ay pawang katotohanan, lahat ng ito ay totoo! Dahil ang Panginoong Jesus ay ang Diyos na naging tao, Siya ay may diwa at pagkakakilanlan ng Diyos. Siya Mismo ang daan tungo sa buhay na walang hanggan. Lahat ng sinasabi at ginagawa Niya ay likas na pagpapakita ng buhay ng Diyos. Lahat ng Kanyang ipinapahayag ay katotohanan at kung ano ang mayroon at kung ano ang Diyos. Kaya ang Panginoong Jesus ang Mismong buhay na walang hanggan, at maaaring magpakita ng daan tungo sa buhay na walang hanggan. Maaari Niyang buhayin ang patay. Sa pananalig sa Panginoong Jesus, naniniwala kami sa iisang tunay na Diyos, at sa gayon ay maaaring makatanggap ng buhay na walang hanggan. Walang duda ito. Ang pagbuhay ng Panginoong Jesus kay Lazaro ay magandang katibayan na maaaring ipakita sa atin ng Panginoong Jesus ang daan tungo sa buhay na walang hanggan, May awtoridad Siyang gawin iyon. Kung gayon, bakit hindi ipinakita ng Panginoong Jesus ang daan tungo sa buhay na walang hanggan noong Kapanahunan ng Biyaya? Kasi, naparito ang Panginoong Jesus upang ipako sa krus para tubusin ang sangkatauhan, hindi para magpadalisay at magligtas na tulad sa mga huling araw. Ang gawain ng pagtubos ng Panginoong Jesus ay para lamang sa pagpapatawad sa mga kasalanan ng tao, pero hindi nito napalis ang likas na kasamaan at masamang disposisyon ng tao. Kaya, sa pananalig sa Panginoon, napatawad tayo sa ating mga kasalanan, pero hindi nito naalis ang ating masamang disposisyon. Nagkakasala pa rin tayo kahit hindi natin sinasadya, kinakalaban at ipinagkakanulo natin ang Diyos. Hindi ba ito ang totoo? Mm. Matapos patunayan ang lahat ng ito, kailangan nating linawin ang isang bagay. Ang gawain ng pagtubos ng Panginoong Jesus noong Kapanahunan ng Biyaya ay nagbigay-daan sa gawain ng paghatol sa mga huling araw, kaya, nang makumpleto ng Panginoong Jesus ang gawain ng pagtubos, nangako rin Siya na paparito Siyang muli. Minsa’y sinabi ng Panginoong Jesus, “Mayroon pa Akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni’t ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma’y kung Siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan Niya kayo sa buong katotohanan: sapagka’t hindi Siya magsasalita ng mula sa Kanyang Sarili; kundi ang anumang bagay na Kanyang marinig, ang mga ito ang Kanyang sasalitain: at Kanyang ipahahayag sa inyo ang mga bagay na magsisidating(Juan 16:12–13). Mula sa mga salita ng Panginoong Jesus makikita natin na kapag pumarito lamang muli ang Panginoon sa mga huling araw Niya ipapahayag ang lahat ng katotohanan na nagpapadalisay at nagliligtas sa tao. Dito, “ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan Niya kayo sa buong katotohanan.” Ang mga katotohanang ito ang mismong mga katotohanang ipinapahayag ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw sa pagpapadalisay at pagliligtas sa sangkatauhan. Ito ang mga salitang sinasabi ng Banal na Espiritu sa mga iglesia, at ang mga ito ang daan tungo sa buhay na walang hanggan na ipinagkaloob nang Diyos sa sangkatauhan sa mga huling araw. Ito ang dahilan kaya hindi nakita ng mga alagad ng Panginoon ang daan tungo sa buhay na walang hanggan sa Kapanahunan ng Biyaya. Sinabi ng Panginoong Jesus, “At ang sinumang nabubuhay at sumasampalataya sa Akin ay hindi mamamatay magpakailanman.” At sinabi rin sa Biblia, “Ang sumasampalataya sa Anak ay may buhay na walang hanggan.” Ngunit ang totoo, sinabi ito ng Panginoon upang magpatotoo sa katotohanan na Siya Mismo ang pagpapakita ng Diyos, at Siya lamang ang maaaring magkaloob sa tao ng buhay na walang hanggan. Ang pangako ng Panginoong Jesus na yaong mga nananalig sa Kanya ay hindi mamamatay kailanman ay isang patotoo sa awtoridad ng Diyos. Ang Diyos Mismo ang daan tungo sa buhay na walang hanggan, ang Diyos ay may kakayahang magkaloob sa tao ng buhay na walang hanggan. Hindi nito ibig sabihin na natanggap na ng tao ang buhay na walang hanggan nang tanggapin niya ang gawain ng Panginoong Jesus. Tiwala ako na nauunawaan ito ng lahat. Pag-isipan natin ito: Kung makakamit natin ang walang hanggang buhay sa pagdanas lamang ng gawain ng Panginoong Jesus sa Kapanahunan ng Biyaya, bakit sinabi ng Panginoong Jesus na Siya’y babalik? Kung maniniwala lamang tayo sa Panginoong Jesus subalit hindi tinatanggap ang Kanyang pagbalik, magiging mga tao ba tayong sumusunod sa mga yapak ng Cordero? Mga tao ba tayong tunay na naniniwala sa Diyos? Kikilalanin ba ng Panginoong Jesus ang gayong mga tao? Hindi ba natin tinatalikuran at pinagtataksilan ang Diyos sa paggawa nito? Samakatuwid, sa ating paniniwala sa Diyos, hindi lamang tayo dapat maniwala sa Panginoong Jesucristo at maranasan ang mga salita at gawain ng Panginoong Jesus sa Kapanahunan ng Biyaya, kundi kailangan din nating tanggapin ang Kanyang pagbalik at maranasan ang mga salita at gawain ng Cristo ng mga huling araw. Tanging sa gayon tayo tunay na maniniwala sa Anak at maitataas sa harap ng trono ng Diyos upang dumalo sa pista ng kasal ng Cordero, at ang mga gayong tao lamang ang makatatanggap ng walang hanggang buhay, at ’yan ang totoo.

Tulad ng alam ng lahat, sa kabila ng katotohanan na nang tanggapin ng tao ang pagtubos ng Panginoong Jesus noong Kapanahunan ng Biyaya, pinatawad ang kanilang mga kasalanan at binigyan sila ng karapatang manalangin sa Diyos at tamasahin ang Kanyang biyaya at mga pagpapala, hindi ito maikakaila sa panahong ito, napipigilan pa rin ang mga tao ng kanilang pagiging likas makasalanan, namumuhay pa rin sila sa kasalanan, lubos silang walang kakayahang sundin ang salita ng Panginoon at hindi nila talaga iginagalang at sinusunod ang Diyos. Sa panahong ito, ang tao ay madalas pa ring magsinungaling at manlinlang sa Diyos, naghahanap sila ng katanyagan at mabuting kapalaran, matakaw sila sa pera at sumusunod sila sa kalakaran ng mundo. Lalo na kapag ang gawain ng Diyos ay hindi nakaayon sa mga paniwala ng tao. Sinisisi, hinuhusgahan at kinakabalan pa ng tao ang Diyos. Ang ganitong mga tao ay hindi man lang tunay na makapagsisi, kaya bang tamuhin ng gayong mga tao ang pagsang-ayon ng Panginoon? Kahit maraming taong nakakasunod, nakakapagpatotoo, nagsasakripisyo pa ng kanilang buhay para sa Panginoon, at tunay na nakapagsisi, ang totoo, nalinis ba ang kanilang mga tiwaling disposisyon upang magtamo sila ng kabanalan? Kaya talaga bang kilala nila ang Panginoon? Naiiwas ba nila talaga nila ang kanilang sarili sa impluwensya ni Satanas at nakamtan na sila ng Diyos? Talagang hindi, ito ay isang katotohanan na tanggap ng lahat. Sapat na ito upang patunayan na ang gawain ng Panginoong Jesus noong Kapanahunan ng Biyaya ay isang gawain lamang ng pagtubos. Talagang hindi ito ang gawain ng pagliligtas at pagpapasakdal sa mga huling araw. Ang mga salitang ipinahayag ng Panginoong Jesus noong Kapanahunan ng Biyaya ay nagbigay lamang sa mga tao ng daan tungo sa pagsisisi, hindi ng daan tungo sa buhay na walang hanggan, kaya ito ang dahilan kung bakit sinabi ng Panginoong Jesus na paparito Siyang muli. Nagbalik ang Panginoong Jesus upang gawin ang gawaing magpahayag ng katotohanan at magbigay sa tao ng daan tungo sa buhay na walang hanggan, upang tuluyan silang makaalpas sa impluwensya ni Satanas at mamuhay sa katotohanan upang maging mga tao na kilala ang Diyos, sumusunod sa Diyos, iginagalang ang Diyos at maging kaayon ng Diyos, upang makapasok sila sa kaharian ng langit at makamtan nila ang buhay na walang hanggan. Sa pundasyon ng gawain ng pagtubos ng Panginoong Jesus, ang Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw ay sinimulan ang gawain ng paghatol simula sa bahay ng Diyos at ipinahayag na ang lahat ng katotohanan upang padalisayin at iligtas ang sangkatauhan. Inihayag na Niya sa sangkatauhan ang matuwid, dakila, at di-magkakamaling disposisyon ng Diyos, hinusgahan at inilantad ang diwa at katotohanan ng katiwaliang ginawa ni Satanas sa tao. Nahalukay Niya ang ugat ng paghihimagsik at pagkalaban ng tao sa Diyos, at sinabi sa tao ang lahat ng layon at hinihingi ng Diyos. Kasabay nito, malinaw Niyang ipinaliwanag sa sangkatauhan ang lahat ng katotohanang kailangan ng tao para maligtas, tulad ng tunay na pangyayari at diwa ng lahat ng tatlong yugto ng gawain ng pagliligtas ng Diyos pati na rin ang relasyon sa pagitan ng tatlong yugto, ang pagkakaiba ng gawain ng Diyos sa gawain ng tao, ang tunay na pangyayari at ang katotohanang nakapaloob sa Biblia, ang misteryo ng paghatol sa mga huling araw, ang misteryo ng matatalinong birhen na dinala at ang pagpapasakdal sa mga tao hanggang maging mananagumapay sila sa harap ng mga sakuna, ang misteryo ng Diyos na naging tao, at ang ibig sabihin ng tunay na manalig, sumunod at magmahal sa Diyos, paano magpitagan sa Diyos at iwaksi ang kasamaan upang maging kaayon ni Cristo, paano mabuhay nang makabuluhan, at iba pa. Ang mga katotohanang ito ang daan tungo sa buhay na walang hanggan na ipinagkaloob ng Diyos sa sangkatauhan sa mga huling araw. Kaya, kung nais nating makamtan ang katotohanan at ang buhay, matamo ang kaligtasan, pagdadalisay at maging perpekto, kailangan nating tanggapin at sundin ang mga salita at gawain ng Makapangyarihang Diyos, si Cristo sa mga huling araw. Ito lang ang paraan upang makamtan nating ang katotohanan at buhay. Tingnan natin ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos.

Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Ang Diyos Mismo ay buhay, at ang katotohanan, at sabay na umiiral ang Kanyang buhay at katotohanan. Yaong mga walang kakayahang makamit ang katotohanan ay hindi kailanman makakamit ang buhay. Kung wala ang patnubay, pag-alalay, at paglaan ng katotohanan, ang tanging makakamit mo lamang ay mga titik, mga doktrina, at, higit sa lahat, kamatayan. Laging naririyan ang buhay ng Diyos, at umiiral nang sabay ang Kanyang katotohanan at buhay. Kung hindi mo matatagpuan ang pinagmulan ng katotohanan, kung gayon hindi mo makakamit ang pagkandili ng buhay; kung hindi mo makakamit ang panustos ng buhay, kung gayon tiyak na hindi ka magkakaroon ng katotohanan, at sa gayon bukod sa mga guni-guni at mga kuru-kuro, magiging walang iba ang kabuuan ng katawan mo kundi ang laman mo—ang umaalingasaw mong laman. Alamin mong hindi itinuturing na buhay ang mga salita ng mga aklat, hindi maaaring sambahin na katotohanan ang mga talaan ng kasaysayan, at hindi maaaring magsilbing isang ulat ng mga salitang sinasabi ng Diyos sa kasalukuyan ang mga tuntunin ng mga nakalipas na panahon. Tanging ang mga inihahayag lamang ng Diyos kapag pumarito Siya sa lupa at namumuhay kasama ng tao ay ang katotohanan, ang buhay, ang kalooban ng Diyos, at ang Kanyang kasalukuyang paraan ng paggawa. Kapag ginamit mo ang mga talaan ng mga salitang sinabi ng Diyos noong mga nagdaang panahon hanggang ngayon, sa gayon isa kang arkeologo, at isang dalubhasa sa mga minanang kasaysayan ang pinakamainam na paraan ng paglalarawan sa iyo. Iyon ay sapagkat palagi kang naniniwala sa mga bakas ng gawaing ginawa ng Diyos noong mga nagdaang panahon, tanging naniniwala lamang sa anino ng Diyos na naiwan mula noong dati Siyang gumawa kasama ng mga tao, at tanging naniniwala lamang sa daang ibinigay ng Diyos sa Kanyang mga tagasunod noong mga dating panahon. Hindi ka naniniwala sa direksiyon ng gawain ng Diyos ngayon, hindi naniniwala sa maluwalhating anyo ng Diyos ngayon, at hindi naniniwala sa daan ng katotohanan na kasalukuyang inihahayag ng Diyos. Sa gayon hindi maipagkakailang isa kang nangangarap nang gising na ganap na walang ugnayan sa realidad. Kung ngayon nananatili ka pa ring nakakapit sa mga salitang walang kakayahang magbigay ng buhay sa mga tao, kung gayon isa kang walang pag-asang piraso ng tuyong kahoy,[a] dahil masyado kang makaluma, masyadong suwail, masyadong hindi naaapektuhan ng katwiran!

…………

Naghahatid ng buhay si Cristo ng mga huling araw, at naghahatid ng walang maliw at magpakailanmang daan ng katotohanan. Ang katotohanang ito ang landas kung saan makakamit ng tao ang buhay, at ito lamang ang tanging landas kung saan makikilala ng tao ang Diyos at masasang-ayunan ng Diyos. Kung hindi mo hahanapin ang daan ng buhay na ibinigay ni Cristo ng mga huling araw, kung gayon hindi mo kailanman makakamit ang pagsang-ayon ni Jesus, at hindi kailanman magiging karapat-dapat pumasok sa pintuan ng kaharian ng langit, sapagkat kapwa ka bulag na tagasunod at bilanggo ng kasaysayan. Yaong mga kontrolado ng mga tuntunin, ng mga titik, at iginapos ng kasaysayan ay hindi kailanman makakamit ang buhay ni makakamit ang walang-hanggang daan ng buhay. Ito ay sapagkat ang mayroon lamang sila ay malabong tubig na kinapitan ng libu-libong taon sa halip na tubig ng buhay na dumadaloy mula sa trono. Mananatili magpakailanman na mga bangkay, mga laruan ni Satanas, at mga anak ng impiyerno yaong mga hindi nabigyan ng tubig ng buhay. Kung gayon, paano nila mapagmamasdan ang Diyos? Kung sinusubukan mo lamang na hawakan ang nakaraan, sinusubukan lamang na panatilihin ang mga bagay sa kung ano sila sa pamamagitan ng hindi paggalaw, at hindi sinusubukang baguhin ang nakasanayan na at itapon ang kasaysayan, kung gayon hindi ka ba magiging palaging laban sa Diyos? Malawak at makapangyarihan ang mga hakbang ng gawain ng Diyos, tulad ng rumaragasang mga alon at dumadagundong na mga kulog—subalit nakaupo kang walang imik na naghihintay ng pagkawasak, nakakapit sa kahangalan mo at walang ginagawa. Sa ganitong paraan, paano ka maituturing na isang taong sumusunod sa mga yapak ng Cordero? Paano mo mabibigyang-katwiran na ang Diyos na kinakapitan mo ay isang Diyos na laging bago at hindi kailanman luma? At paano ka maihahatid ng mga salita sa mga nanilaw mong mga libro patawid sa panibagong kapanahunan? Paano ka nila maaakay para mahanap mo ang mga hakbang ng gawain ng Diyos? At paano ka nila madadala paakyat sa langit? Ang hawak mo sa mga kamay mo ay ang mga titik na magbibigay lamang ng panandaliang ginhawa, hindi ang mga katotohanang kayang magbigay ng buhay. Napagyayaman lamang ng mga banal na kasulatang binabasa mo ang dila mo at hindi ng mga salita ng pilosopiyang makatutulong sa pag-unawa mo sa buhay ng tao, lalong hindi sa mga landas na makapaghahatid sa iyo sa pagkaperpekto. Hindi ba nagdudulot sa iyo ng pagmumuni-muni ang pagkakaibang ito? Hindi ba pinagtatanto ka nito sa mga hiwagang sumasaloob? May kakayahan ka bang dalhin ang sarili mo sa langit upang makipagkita sa Diyos nang ikaw lang? Kung walang pagdating ng Diyos, kaya mo bang dalhin ang sarili mo sa langit upang matamasa ang kasiyahang pampamilya kasama ang Diyos? Nananaginip ka pa rin ba ngayon? Imumungkahi Ko, kung gayon, na ihinto mo ang pananaginip at tingnan kung sino ang gumagawa ngayon—tingnan para makita kung sino ngayon ang nagpapatupad sa gawain ng pagliligtas sa tao sa mga huling araw. Kung hindi mo gagawin, hindi mo kailanman makakamit ang katotohanan, at hindi kailanman makakamit ang buhay.

Pinakakatawa-tawang mga tao sa mundo yaong mga nagnanais na makamit ang buhay nang hindi umaasa sa katotohanang sinabi ni Cristo, at mga ligaw sa guni-guni yaong mga hindi tinatanggap ang daan ng buhay na dinala ni Cristo. Kaya naman sinasabi Ko na magpakailanmang kamumuhian ng Diyos yaong mga taong hindi tinatanggap si Cristo ng mga huling araw. Si Cristo ang pasukan ng tao patungo sa kaharian sa mga huling araw, at walang sinuman ang makalalampas sa Kanya. Walang sinuman ang maaaring gawing perpekto ng Diyos kundi sa pamamagitan ni Cristo lamang. Naniniwala ka sa Diyos, at sa gayon dapat mong tanggapin ang Kanyang mga salita at sundin ang Kanyang daan. Hindi mo maaaring isipin lamang ang magkamit ng mga pagpapala habang wala kang kakayahang tumanggap ng katotohanan at walang kakayahang tumanggap ng pagtustos ng buhay. Darating si Cristo sa mga huling araw upang mabigyan ng buhay lahat yaong mga tunay na naniniwala sa Kanya. Alang-alang sa pagtatapos ng lumang kapanahunan at ang pagpasok sa bago ang Kanyang gawain, at ito ang landas na dapat tahakin ng yaong lahat ng mga papasok sa bagong kapanahunan. Kung wala kang kakayahang kilalanin Siya, at sa halip kinokondena, nilalapastangan, o inuusig pa Siya, kung gayon nakatadhana kang masunog nang walang-hanggan at hindi kailanman makapapasok sa kaharian ng Diyos(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tanging si Cristo ng mga Huling Araw ang Makapagbibigay sa Tao ng Daan ng Buhay na Walang Hanggan).

Naipahayag ng Makapangyarihang Diyos, si Cristo sa mga huling araw, ang lahat ng katotohanang magpapadalisay at magliligtas sa sangkatauhan. Ang mga salitang ito ay sagana, malawak ang saklaw at mayroon ng lahat ng kabuhayang ibinibigay ng Diyos. Iminumulat nito ang ating mga mata at pinagyayaman ang ating kaalaman, na nagpapahintulot sa atin na makita na si Cristo ang katotohanan, ang daan, at ang buhay. Si Cristo ang daan tungo sa buhay na walang hanggan. Ang mga salitang ipinahayag ng Diyos sa Kapanahunan ng Kaharian ay higit pa sa lahat ng sinabi noong Kapanahunan ng Batas at Kapanahunan ng Biyaya. Lalo na, tulad sa “Mga Binigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao, ipinakilala ng Diyos ang Kanyang sarili sa unang pagkakataon sa buong sangkatauhan. Ito rin ang unang pagkakataon na narinig ng sangkatauhan ang mga binigkas ng Lumikha sa lahat ng tao. Naging sanhi ito ng matitinding kaguluhan sa buong sansinukob, at nagmulat sa mga mata ng tao. Ito ang gawain ng paghatol sa harap ng malaking luklukang puti sa mga huling araw. Ang Kapanahunan ng Kaharian ang panahon na kung kailan gumagawa ang Diyos nang gawain ng paghatol, at ito ang kapanahunan kung kailan ipinakita ang matuwid na disposisyon ng Diyos sa buong sangkatauhan. Kaya, sa Kapanahunan ng Kaharian, ipinapahayag ng Diyos ang Kanyang salita, hinahatulan, pinadadalisay at ginagawang sakdal ang tao. Ipinapadala Niya ang lahat ng uri ng kalamidad sa tao, ginagantimpalaan ang mabubuti at pinarurusahan ang masasama. Inihahayag Niya ang katuwiran, kamahalan at galit ng Diyos sa sangkatauhan. Lahat ng katotohanang ipinapahayag ng Makapangyarihang Diyos upang mapadalisay, mailigtas at mapasakdal ang tao ay ang daan tungo sa buhay na walang hanggan na ibinibigay ng Diyos sa tao sa mga huling araw. Ang mga katotohanang ito ang tubig ng ilog ng buhay na dumadaloy mula sa luklukan. Kaya, sa pananalig natin sa Diyos kung nais nating makita ang daan tungo sa buhay na walang hanggan, at matangay at makapasok sa kaharian ng langit, kailangan nating tanggapin ang gawain ng paghatol ng Makapangyarihang Diyos, si Cristo sa mga huling araw, gayundin ang paghatol at pagpaparusa ng Kanyang mga salita. Sa paraang ito lamang natin makakamtan ang gawain ng Banal na Espiritu, mauunawaan at matatamo ang katotohanan, makakamtan ang pagpapadalisay, at maliligtas. Yaon lamang mga sumailalim sa paghatol at pagpaparusa ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw ang may karapatang pumasok sa kaharian ng Diyos. Totoo talaga ito! Kung patuloy tayong kakapit sa ating sariling mga paniwala sa relihiyon, sa huli’y tayo ang mawawalan. Nakatuon lamang ang matatalinong dalaga sa paghahanap sa katotohanan at pakikinig sa mga salita ng Diyos, samantalang ang mga mangmang na dalaga ay sumusunod lamang sa mga nakasulat sa Biblia at sa kanilang mga konsepto at imahinasyon, at hindi naghahanap sa katotohanan o nakikinig sa tinig ng Diyos. Pagkatapos isang araw, bigla na lang silang mapapahamak at mananangis at magngangalit ang kanilang mga ngipin, at magsisi man sila ay wala na ring saysay. Kaya, lahat ng hindi tumatanggap sa Makapangyarihang Diyos ay mapapahamak at parurusahan. Ito ang itinalaga ng Diyos at walang makapagpabago rito. Yaong mga marahas humusga sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw ay partikular nang naihayag ng Diyos na mga anticristo sa mga huling araw—ang mga taong yaon ay daranas ng walang-hanggang kaparusahan at hindi magkakaroon ng pagkakataong makilala ang Diyos. Malinaw na ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw ay upang pagbukud-bukurin ang tao ayon sa uri, tukuyin ang kalalabasan ng mga tao, at tapusin ang kapanahunan.

mula sa iskrip ng pelikulang Sino ang Aking Panginoon

Talababa:

a. Isang piraso ng tuyong kahoy: isang kawikaang Tsino, ibig sabihin “walang pag-asa.”

Sinundan: Tanong 1: Ang Biblia ay isang patotoo sa gawain ng Diyos, napakalaki ng pakinabang nito sa sangkatauhan. Sa pagbabasa ng Biblia, nauunawaan natin na ang Diyos ang Lumikha ng lahat ng bagay, nakikita natin ang kamangha-mangha at makapangyarihang mga gawa, at ang walang-hanggang kapangyarihan ng Diyos. Biblia ay isang talaan ng salita ng Diyos at patotoo ng tao sa Diyos, hindi matatanggap ng isang tao ang buhay na walang hanggan sa pagbabasa ng Biblia. Wala bang daan ng buhay na walang hanggan sa Biblia?

Sumunod: Tanong 6: Paano n’yo ipapaliwanag ang kaso sa Zhaoyuan sa Shandong noong Mayo 28 na nakagulat sa bansa at sa mundo? Dininig naman pala ang kasong ito sa harap ng publiko! Matapos mangyari ang kaso sa Zhaoyuan sa Shandong, pinatindi ng gobyerno ang pagtugis nito sa mga bahay-iglesia, na gumagamit pa ng mga puwersa ng sandatahang pulisya para tugisin ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos sa pamamagitan ng masigasig na paghahanap at pag-aresto sa mga miyembro ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Bagama’t maraming tao ang nagduda tungkol sa kaso sa Zhaoyuan sa Shandong, sa paniniwalang ito ay isang maling kasong inimbento ng CCP para makuha ang mga opinyon ng publiko sa pagsuporta sa pagtugis nito sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, hayagang iniulat ng Chinese media ang kaso tama man o mali ang mga detalye. Nagkaroon ito ng ilang epekto sa iba’t ibang bansa sa mundo. Gaano mo man itanggi ang kaso sa Zhaoyuan sa Shandong, marami pa ring taong nananalig sa Communist Party. Kaya gusto kong marinig kung ano ang palagay mo sa kaso sa Zhaoyuan sa Shandong.

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Tanong 8: Ang sinabi mo tungkol sa pagpunta sa impiyerno dahil sa pagkalaban sa Diyos, hindi ako naniniwala d’yan. Sino na ang nakakita sa impiyerno? Ano ang hitsura ng impiyerno? Ni hindi ko alam kung mayroon ngang Diyos. Hindi ko kinikilala na mayroong Diyos. Mayroon nga bang Diyos? Sino na ang nakakita sa Diyos? Kung ang Makapangyarihang Diyos ang tunay na Diyos, kapag desperadong tinutuligsa at inaatake ng CCP ang Makapangyarihang Diyos, bakit hindi pa ito pinupuksa ng Diyos? Kung ibubunyag ng Diyos ang Kanyang walang-hanggang kapangyarihan at pupuksain ang Communist Party, Siya nga ang tunay na Diyos. Sa gayong paraan, kailangang kilalanin ng buong sangkatauhan na ang Makapangyarihang Diyos ang tunay na Diyos, kahit ang CCP ay kailangang manikluhod at sumamba sa tunay na Diyos. Sino ang mangangahas na kalabanin ang Diyos? Pero ano ang totoong nangyari? Ang nakita ko ay inaaresto ng mga pulis ng CCP ang mga nananalig sa Diyos sa lahat ng dako. Marami sa mga nananalig sa Diyos ang ibinilanggo, pinahirapan at nilumpo. Marami sa kanila ang pinatay. Gayunman, iniligtas ba sila ng Diyos n’yo? Paano nito mapapaniwala ang isang tao na totoo ang Diyos na pinananaligan n’yo? Hindi ko talaga kayo maunawaan. Tunay ba o huwad ang Diyos na pinananaligan n’yo? Nangangamba ako na ni hindi n’yo ito alam. Kung gayon, hindi ba kahangalan ’yan? Ano ang batayan n’yo sa pagsasabi na ang Diyos na pinananaligan n’yo ang tunay na Diyos? Malinaw ba n’yong maipapaliwanag ’yan?

Sagot: May karanasan na kayo. Tungkol sa pag-iral at pangingibabaw ng Diyos, talaga bang wala kayong alam? Mula nang likhain ang mundo,...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito