76. Ang mga Aral na Natutunan Ko Mula sa Pagkakatanggal
Noong 2018, ako ang namamahala sa paggawa ng video. Kung minsan ay sabay-sabay na dumarating ang gagawing mga video, at kailangang italaga ang mga iyon sa mga tamang tao para sa produksyon. Sa bawat beses, agad kong iniisip kung paano hahati-hatiin ang gawain, pero nang sabihin ko sa mga kapartner kong brother at sister ang plano kong paghahati-hati, lagi silang nagdaragdag ng mga addendum at pagpapahusay sa plano ko. Kung minsan, tinutukoy nila kung saan mahirap intindihin ang iniisip ko, at medyo napapahiya ako kapag napakarami nilang mungkahi. Ang paraan nila ng pagtukoy sa mga problema ko ay palaging pinaparamdam sa akin na parang hindi masyadong magaling ang abilidad ko sa gawain. Dahil dito, napaisip ako kung ano ang tingin ng iba sa akin bilang lider ng grupo. Bukod pa riyan, ang isa sa dalawa kong kapartner ay may natatanging kakayahan sa gawain. Ang isa naman ay maraming propesyonal na karanasan at matagal na ring nanalig sa Diyos. Pareho silang lubos na nakakaintindi sa mga problema at hindi ako binibigyan ng pagkakataong sumikat. Inisip ko kung paanong pagdating ng panahon, maaaring maramdaman ng aking mga kapatid na bukod sa paggawa ng ilang video, bilang lider ng grupo, wala akong gaanong silbi sa gawain ng grupo. Nang lalo akong mag-isip nang ganito, lalong lumala ang pakiramdam ko, at nagsimula akong mag-isip, “Kung magagawa ko nang kaunti pa, at nang mas mahusay pa, ang mga bagay na hindi kayang asikasuhin ng mga kapartner ko, hindi ko ba magagawang sumikat? Medyo mahusay ang mga propesyonal na kasanayan ko sa grupo, at sinasabi ng mga kapatid na maganda ang pagpasok ko sa buhay, kaya kung gugugol ako ng mas maraming oras sa paglutas ng mga kalagayan ng aking mga kapatid, at magbabahagi ng mas maraming propesyonal na kaalaman ko, siguradong titingalain nila ako.” Kaya, kailangan man nila iyon o may mga problema sila, lagi kong kinukumusta ang mga kalagayan nila at nakikipagbahaginan ako sa kanila. Gayundin, madalas akong maghanap ng teknikal na impormasyon at magbuod ng propesyonal na mga pamamaraan na maibabahagi sa kanila. Kahit na inantala nito ang gawain ko sa produksyon ng video, iginiit kong gawin ang mga bagay na ito. Pakiramdam ko ay sulit ang pagsasakripisyong ito.
Dahil mali ang mga layunin ko, hindi ko maintindihan ang mahalagang gawain, kapansin-pansin ang pagbaba ng pagiging epektibo ng aking gawain, at palaging nagkakaroon ng mga problema. Minsan, nakagawa ako ng isang simpleng pagkakamali na malamang na hindi gawin kahit ng isang baguhan, na labis ko talagang ikinahiya. Naisip ko, “Katawa-tawa na bilang isang lider ng grupo, nakagawa ako ng gayon kasimpleng pagkakamali. Kung wala akong gagawin para mapanumbalik ang reputasyon ko, paano ako makapagpapatuloy bilang lider ng grupo?” Pagkatapos niyon, para maiwasan na maliitin ako, isinubsob ko ang sarili ko sa aking gawain. Hindi man lang ako nagtatanong tungkol sa pag-usad ng gawain ng grupo, at tuwing makakatanggap ako ng gawain, dali-dali kong ipinapasa iyon sa mga kapatid at hindi ko na iyon inaalala. Humantong ito sa ilang beses na pagkaantala ko sa pagtatalaga ng mga gawain dahil hindi ko kinumusta ang gawain sa oras. Napakamanhid ko noon. Nang mangyari ang mga bagay na ito, hindi ko pinagnilayan ang sarili ko. Kalaunan, alinsunod sa mga kinakailangan sa gawain, nagsanay kami ng mga partner ko ng ilang bagong miyembro ng grupo. Naisip ko na si Lauren, na sinasanay ko noon, ay may mas matibay na pundasyon kaysa sa iba, at kung mabilis ko siyang malilinang, mapapatunayan ko na mahusay ang abilidad ko na maglinang ng mga tao. Gayunpaman, pagkatapos ng isang panahon ng aktuwal na pakikipag-ugnayan sa kanya, nalaman ko na katamtaman ang kanyang kakayahan at na medyo mabagal ang kanyang pag-usad. Pagkatapos niyon, hindi na ako gaanong nag-iingat o nag-iisip kapag tinuturuan ko siya. Kapag may mga tanong siya, pabasta-basta lang ang sagot ko. Minsan, kapag hindi niya naiintindihan ang mga sagot ko, parang masyadong nakakaabala pa na magpaliwanag. Dahil dito, pagkaraan ng ilang panahon, hindi lang siya hindi umusad, kundi naging mas mahirap pa para sa kanya na gampanan ang kanyang tungkulin. Kalaunan, iminungkahi ng partner ko na tuturuan namin ng mga pamamaraan si Lauren, at naisip ko, “Ngayon inaatake mo lang ang reputasyon ko. Ano’t anuman, ako ang lider ng grupo. Palagay mo ba kailangan ko ang tulong mo para turuan si Lauren? Ipamumukha lang noon na lubos akong walang kakayahan, hindi ba?” Ngunit natanto ko na hindi naging epektibo ang pagsasanay ko, kaya hindi ko siya diretsahang matanggihan. Ang nagawa ko na lang ay atubiling sumang-ayon. Para mabawi ang kaunting dignidad, gusto kong maghanap ng iba pang mga oportunidad na mapatunayan ang sarili ko. Minsan, nagkaroon ang isa pang grupo ng ilang propesyonal na suliranin at humingi sa akin ng tulong. Naisip ko, “Bihirang pagkakataon ito. Kung maaasikaso ko nang wasto ang problemang ito, siguradong titingalain ako ng mga kapatid, at baka kumalat pa nga rin sa ibang mga grupo ang magandang reputasyon ko.” Pero noong siniyasat ko na talaga ang sitwasyon, nalaman kong kakailanganin ng maraming oras at pagsisikap para malutas ang problema. Sa panahong iyon, marami na akong problema sa sarili kong gawain na kailangang malutas kaaagad, at ang problema ng kabilang grupo ay hindi talaga gaanong apurahan. Naisip ko, siguro dapat kong isantabi na lang muna ang problema nila sa ngayon. Pero naisip kong isa itong magandang pagkakataon para maibalik ko ang reputasyon ko, kaya hindi ko puwedeng palagpasin ito. Tsaka kaya ng mga partner ko ang gawain sa grupo namin. Kakayanin nila ito nang wala ako sa pagkakataong ito. Habang iniisip ito, nagpatuloy ako nang buong kumpiyansa.
Ginugol ko ang lahat ng oras ko sa pag-iisip kung paano mahihikayat ang iba na tingalain ako, kaya ni hindi ako naging maasikaso sa gawain ng grupo, na naging sanhi ng napakabagal na pag-usad ng paggawa ng video. Isa pa, dahil hindi ko kinumusta kaagad ang gawain, natambak ang mga gagawin, at kapansin-pansin ang pagbaba ng pagiging epektibo ng gawain. Isa ako sa mga pangunahing superbisor, pero hindi ko alam kung paano lutasin ang mga problemang ito, at lumala nang lumala ang kalagayan ko. Bagama’t naging abala ako araw-araw, wala pa rin akong magandang ibinunga. Iwinasto ako ng lider ko matapos malaman ang sitwasyong ito, na sinasabing nakatuon ako sa reputasyon at katayuan sa aking tungkulin at na hindi ko nilulutas ang partikular na mga problema sa gawain namin. Pagkatapos niyon, kahit na gumawa ako ng ilang panlabas na pagbabago, hindi ko talaga tunay na sinubukang kilalanin ang sarili ko, at kapag may nangyaring mga bagay-bagay, sinisikap ko pa ring protektahan muna ang reputasyon at katayuan ko. Kalaunan, nalipat si Laure sa ibang tungkulin dahil hindi siya makagawa ng mga video nang mag-isa. Bago siya umalis, ibinuod niya ang ilan sa kanyang mga problema noong siya ang nasa tungkuling ito. Binanggit niya na nang turuan ko siya ng mga propesyonal na kasanayan, marami siyang paghihirap na hindi niya kayang lutasin, at bumuti lamang ang kanyang mga propesyonal na kasanayan nang sinimulan siyang turuan ng ibang kapatid. Galit na galit ako nang makita ko ang isinulat niya. Naisip ko, “Kung mabasa ng lider ko at mga kapwa manggagawa ang sinabi niya, ano na lang ang iisipin nila? Siguradong iisipin nila na wala akong kayang gawin.” Para maprotektahan ang katayuan at reputasyon ko, pinuntahan ko ang lider ko para iulat ang mga problema ni Lauren, sadyang minaliit ang kakayahan niya, pinalaki kung paano niya iniraos lang ang mga tungkulin niya at madalas makipagtalo, at sinikap kong bigyang-diin ang mga kapintasan sa kanyang pagkatao. Nagulat ako nang sabihin ng lider ko, “Kung totoo iyan, baka hindi angkop na siya ang pagdiligin sa mga baguhan.” Nang marinig ko iyon, nabigla ako. Hindi ko inakala kailanman na ang mga salita ko ay magdudulot ng ganoong kahihinatnan. Kung hindi nagawang diligan ni Lauren ang mga baguhan dahil sa sinabi ko, talagang gumagawa ako ng kasamaan. Gusto kong ipaliwanag ito sa lider ko, pero naisip ko na masama na ang reputasyon ko sa isip ng lahat. Kung magiging tapat ako tungkol dito, bukod sa magmumukha akong walang silbi sa gawain ko, iisipin ng mga tao na masama ang pagkatao ko. Kaya, sinabi ko nang may kalabuan sa lider, “Dapat mong siyasatin ito.” Kalaunan, pagkatapos magsiyasat at mapatunayan ang mga bagay-bagay, natuklasan ng lider na hindi naman kasingseryoso ng sinabi ko ang mga problema ni Lauren at hindi siya inilipat.
Dahil matigas kong hinangad ang reputasyon at katayuan, at dahil ayaw kong magbago, batay sa mga pagsusuri sa akin ng mga kapatid, sinabi ng lider ko na iresponsable ako sa tungkulin ko, hindi ako gumawa ng praktikal na gawain, ginawa ko lang ang mga bagay para magmukha akong magaling, kaya tinanggal ako dahil sa mga bagay na ito. Hindi ko ito maintindihan. Labis akong naging abala sa tungkulin ko araw-araw, at ganito ang naging kinalabasan ng mga bagay-bagay. Kung nalaman ng aking mga kapatid ang dahilan kaya ako tinanggal, tiyak na sasabihin nila na may masama akong pagkatao at na hindi ako isang taong naghahangad na matamo ang katotohanan. Paano ko pakikitunguhan ang lahat sa hinaharap? Habang iniisip ito, nakaramdam ako ng hindi maipaliwanag na kalungkutan, pero alam ko na anuman ang mangyari, bago ang anumang bagay, kailangan kong sumunod. Tinahak ko ang landas na ito, at wala akong ibang dapat sisihin kundi ang sarili ko. Noong panahong iyon, gusto kong pagnilayan ang mga problema ko, kaya nagdasal ako sa Diyos at hiniling ko sa Kanya na gabayan ako sa pagkilala sa aking sarili.
Kalaunan, nabasa ko ang ilang salita ng Diyos at nakita ko ang isang siping ganap na naglalarawan sa kalagayan ko. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Ang mga anticristo ay nabubuhay bawat araw para lamang sa reputasyon at katayuan, nabubuhay lamang sila para magpakasasa sa mga pakinabang ng katayuan, ito lamang ang iniisip nila. Kahit kapag dumaranas nga sila ng kaunting paghihirap paminsan-minsan o nagbabayad ng kaunting halaga, para ito sa pagtatamo ng katayuan at reputasyon. Ang paghahangad ng katayuan, paghawak ng kapangyarihan, at pagkakaroon ng maginhawang buhay ang mga pangunahing bagay na laging binabalak na matamo ng mga anticristo sa sandaling manalig sila sa Diyos, at hindi sila sumusuko hanggang sa makamtan nila ang kanilang mga mithiin. Kung sakaling nalantad ang kanilang masasamang gawa, natataranta sila, na para bang pagsusukluban sila ng langit. Hindi sila makakain o makatulog, at para silang wala sa ulirat, para silang dumaranas ng depresyon. Kapag tinatanong sila ng mga tao kung ano ang problema, nagsisinungaling sila at sinasabing, ‘Abalang-abala ako kahapon kaya hindi ako nakatulog buong magdamag, pagod na pagod ako.’ Ngunit hindi talaga totoo ang lahat ng ito, lahat ito ay panlilinlang. Ganito ang pakiramdam nila dahil palagi nilang iniisip, ‘Nalantad na ang masasamang bagay na ginawa ko, kaya paano ko maipanunumbalik ang reputasyon at katayuan ko? Anong mga pamamaraan ang maaari kong gamitin para tubusin ang sarili ko? Anong tono ang maaari kong gamitin sa lahat para ipaliwanag ito? Ano ang maaari kong sabihin para hindi ako mahalata ng mga tao?’ Sa loob ng matagal na panahon, hindi nila maisip kung ano ang gagawin, kung kaya’t nalulumbay sila. Kung minsan ay nakatitig sila sa iisang lugar nang wala namang nakikita, at walang nakakaalam kung ano ang tinitingnan nila. Dahil sa isyu ay nag-iisip sila nang husto, napapagod sa kakaisip, at ayaw nilang kumain o uminom. Sa kabila nito, nagkukunwari pa rin sila na nagmamalasakit sa gawain ng iglesia, at nagtatanong sa mga tao, ‘Kumusta na ang gawain ng ebanghelyo? Gaano kabisa ang pangangaral nito? Nagkamit na ba ng anumang pagpasok sa buhay ang mga kapatid kamakailan? Mayroon bang nanggagambala at nanggugulo?’ Ang mga tanong nilang ito tungkol sa gawain ng iglesia ay para magpakitang-tao sa iba. Kung malaman man nila ang mga problema, wala silang paraan para lutasin ang mga iyon, kaya ang kanilang mga tanong ay pormalidad lamang na malamang na ituring ng iba na pagmamalasakit sa gawain ng iglesia. Kung sakaling may mag-ulat ng mga problema ng iglesia para lutasin nila, iiling lang sila. Walang pakana na makakatulong sa kanila, at kahit na gustuhin nilang magpanggap, hindi nila magagawa, at mamimiligro silang malantad at mabunyag. Ito ang pinakamalaking problemang kinakaharap ng mga anticristo sa buong buhay nila. … Saan man may hawak na kapangyarihan ang mga anticristo, gaano man kalawak ang kanilang impluwensiya, kahit na isang grupo lamang ito, maiimpluwensiyahan nila ang gawain ng sambahayan ng Diyos at ang pagpasok sa buhay ng ilan sa mga hinirang ng Diyos. Kung may hawak silang kapangyarihan sa isang iglesia, nahahadlangan doon ang gawain ng iglesia at ang kalooban ng Diyos. Bakit ba hindi maipatupad sa ilang iglesia ang mga pagsasaayos ng gawain ng sambahayan ng Diyos? Ito ay dahil hawak ng mga anticristo ang kapangyarihan sa mga iglesiang ito. Ang sinumang anticristo ay hindi taos-pusong gugugol para sa Diyos, ang pagganap ng kanilang mga tungkulin ay magiging pormalidad lamang at paggawa nang wala sa loob. Hindi sila gagawa ng tunay na gawain kahit sila ay lider o manggagawa, at magsasalita at kikilos lamang sila alang-alang sa reputasyon, mga pakinabang, at katayuan, nang hindi man lang pinoprotektahan ang gawain ng iglesia. Kaya, ano ang ginagawa ng mga anticristo sa buong maghapon? Abala sila sa pagkukunwari at pagpapasikat. Ginagawa lamang nila ang mga bagay na may kinalaman sa sarili nilang katanyagan at katayuan. Abala sila sa panlilinlang sa iba, sa pangungumbinsi sa mga tao, at kapag nakaipon na sila ng lakas, magpapatuloy silang kontrolin ang mas maraming iglesia. Ang nais lamang nila ay maghari at gawing nagsasariling kaharian nila ang iglesia. Nais lamang nilang maging dakilang lider, magkaroon ng ganap at solong awtoridad, upang makontrol ang mas maraming iglesia. Wala silang pakialam kahit kaunti sa anumang iba pang bagay. Wala silang pakialam sa gawain ng iglesia, o sa pagpasok sa buhay ng mga taong hinirang ng Diyos, lalo nang wala silang pakialam kung naisasagawa ba ang kalooban ng Diyos. Ang tanging inaalala nila ay kung kailan nila mag-isang mahahawakan ang kapangyarihan, makokontrol ang mga taong hinirang ng Diyos, at makakapantay ang Diyos. Napakalaki talaga ng mga hangarin at ambisyon ng mga anticristo! Gaano man kasipag tingnan ang mga anticristo, abala lamang sila sa sarili nilang mga hangarin, sa paggawa ng gusto nilang gawin, at sa mga bagay na nauugnay sa sarili nilang katanyagan at katayuan. Ni hindi nila iniisip ang kanilang mga responsabilidad o ang tungkulin na dapat nilang ginagampanan, at wala talaga silang ginagawang tama. Ganito ang mga anticristo—sila ang diyablong si Satanas, na nanggagambala at nanggugulo sa gawain ng Diyos” (Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikasiyam na Aytem (Ikalawang Bahagi)). Inihayag ng salita ng Diyos na ang mga anticristo ay nabubuhay lamang para sa reputasyon at katayuan at hindi kailanman gumagawa ng kahit anong praktikal na gawain. Para mapigilan ang iba na makilala at mahalata sila, nag-iisip sila nang husto para makahanap ng mga paraan na mapanatili ang kanilang posisyon, at masaya silang antalahin ang gawain ng iglesia para magawa ito. Pinagnilayan ko ang lahat ng kilos ko at pag-uugali mula nang maging lider ako ng grupo, at nakita ko na kapareho ng isang anticristo ang kilos ko. Nang makita kong mas komprehensibong nakikita ng mga partner ko ang mga isyu, at nang palagi nilang tinutukoy ang mga kapintasan sa gawain ko, natakot akong isipin ng mga kapatid na may mahina akong kakayahan at hindi mahusay sa gawain ko, kaya sinikap kong samantalahin ang bawat pagkakataon para mabawi ang dignidad ko. Gumugol ako ng oras sa pag-oorganisa ng impormasyon tungkol sa mga propesyonal na kasanayan para makita ng lahat na nagdala ako ng pasanin at naunawaan ko ang mga bagay na ito. Isinantabi ko pa nga at binalewala ang mga apurahang problema sa grupo ko na kailangang lutasin at sa halip ay ginugol ang oras ko sa paglutas ng problema para sa isa pang grupo para magpakitang-gilas. Matapos akong magkamali sa video ko, natakot akong sabihin ng mga kapatid ko na mahina ang mga kasanayan ko, kaya isinantabi ko ang gawain ng grupo at isinubsob ang sarili ko sa sarili kong mga gampanin sa produksyon, umaasang magagawa ko nang maayos ang mga gawain para mapatunayang may abilidad ako. Ginamit ko rin ang paglilinang sa iba bilang pagkakataon na mapatunayan ang sarili ko, pero nang malaman ko na hindi sapat ang bilis ng paglago ni Lauren para maipakita ang sarili kong mga abilidad, nagsimula akong manlamig at mawalan ng interes sa kanya, kaya naging imposible para sa kanya na makabisado ang mga kasanayan. Ang inalala ko lang ay ang paghahangad ng reputasyon at katayuan at paggawa ng mga bagay na may pakinabang sa akin, hindi ang paggawa ng aktuwal na gawain. Nagsanhi ako ng mga pagkaantala at pinsala sa gawain ng iglesia. Hindi ba kaparehong-kapareho ng sa isang anticristo ang ugali kong ito? Kahit matapos malipat ng tungkulin si Lauren, hindi ako nakonsensya, at dahil tinukoy niya ang mga kakulangan at kapintasan ko, sinikap kong pangatwiranan at ipagtanggol ang sarili ko para protektahan ang aking reputasyon at katayuan, na minamaliit at hinuhusgahan siya, at muntik na siyang malipat ulit ng tungkulin. Talagang naging napakasama ko, makasarili, at kasuklam-suklam! Habang iniisip ko ang lahat ng pinsalang nagawa ko sa gawain ng iglesia at kay Lauren, lalo akong nagiging miserable. Nadungisan ng mga kilos na ito ang landas ng pananalig ko sa Diyos! Kalaunan, nanalangin ako sa Diyos para magtapat at magsisi.
Isang araw, nabasa ko ang isang sipi ng salita ng Diyos: “Kapag hinihingi ng Diyos na isantabi ng mga tao ang katayuan at katanyagan, hindi naman sa pinagkakaitan Niya ang mga tao ng karapatang mamili; bagkus, ito ay dahil habang hinahangad ang katanyagan at katayuan, nagagambala at nagugulo ng mga tao ang gawain ng iglesia at ang pagpasok sa buhay ng mga taong hinirang ng Diyos, at maaari pa ngang makaimpluwensiya sa pagkain at pag-inom ng iba ng mga salita ng Diyos, sa pag-unawa nila sa katotohanan, at sa pagkamit nila ng kaligtasan ng Diyos. Ito ay isang katunayang hindi mapag-aalinlanganan. Kapag hinahangad ng mga tao ang sarili nilang katanyagan at katayuan, siguradong hindi nila hahangarin ang katotohanan at hindi nila matapat na gagampanan ang kanilang tungkulin. Magsasalita at kikilos lamang sila alang-alang sa katanyagan at katayuan, at lahat ng gawaing ginagawa nila, nang wala ni katiting na eksepsyon, ay alang-alang sa mga bagay na iyon. Ang umasal at kumilos sa gayong paraan ay walang pagdududang pagtahak sa landas ng mga anticristo; ito ay isang paggambala at panggugulo sa gawain ng Diyos, at lahat ng iba’t ibang kahihinatnan nito ay nakakahadlang sa pagpapalaganap ng ebanghelyo ng kaharian at sa malayang pagdaloy ng kalooban ng Diyos sa loob ng iglesia. Kaya, maaaring sabihin ng isang tao nang may katiyakan na ang landas na tinatahak ng mga naghahangad ng katanyagan at katayuan ay ang landas ng paglaban sa Diyos. Ito ay sadyang paglaban sa Kanya, pagkontra sa Kanya—ito ay ang makipagtulungan kay Satanas sa paglaban sa Diyos at pagsalungat sa Kanya. Ito ang likas na katangian ng paghahangad ng mga tao sa katayuan at katanyagan. Ang problema sa mga taong naghahangad ng pansarili nilang mga interes ay ang hinahangad nila ang mga mithiin ni Satanas—ang mga ito ay mga mithiin na masasama at hindi makatarungan. Kapag hinahangad ng mga tao ang mga personal na interes gaya ng katanyagan at katayuan, hindi nila namamalayang nagiging kasangkapan na pala sila ni Satanas, nagiging daluyan na sila ni Satanas, at, higit pa rito, nagiging kinatawan sila ni Satanas. Isang negatibong papel ang ginagampanan nila sa iglesia; sa gawain ng iglesia, at sa normal na buhay-iglesia at normal na paghahangad ng mga taong hinirang ng Diyos, ang epekto nila ay mang-abala at maminsala; mayroon silang masama at negatibong epekto” (Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikasiyam na Aytem (Unang Bahagi)). Matapos kong basahin ang salita ng Diyos, sa wakas ay natanto ko na nang maghangad ako ng katayuan, at protektahan ang mga personal kong interes, sa diwa, kumikilos ako bilang lingkod ni Satanas at ginagambala ang gawain ng iglesia. Alam kong hindi kasing husay ng sa mga partner ko ang kakayahan at mga propesyonal na kasanayan ko sa gawain. Kung nagawa kong mapagpakumbabang matuto mula sa kanila at makipagtulungan nang maayos sa kanila, hindi lang sana ako nagkaroon ng kaunting pag-unlad sa aking mga kasanayan, nagawa ko rin sanang maunawaan ang ilang katotohanang prinsipyo. Magiging isang magandang bagay sana ito para sa akin. Pero hindi ko nalaman kung ano ang mabuti para sa akin. Ang titulong “lider ng grupo” ay tuluyang sumira sa isipan ko. Hindi ko ginugol ang oras ko sa paggawa ng aktuwal na tungkulin o gumugol ng pagsisikap sa aking pangunahing gawain. Sa halip, gumawa ako ng mga paraan para magkunwari at magpakitang-gilas para hangaan ako ng iba. Naupo ako sa posisyon ng lider ng grupo nang hindi talaga gumagawa ng praktikal na gawain, at hinadlangan at inantala ko ang pag-usad ng aming gawain. Kinamumuhian at kinasusuklaman ng Diyos ang mga bagay na ginawa ko. Ang pagtatanggal sa akin ay nagpakita ng matuwid na disposisyon at proteksyon ng Diyos para sa akin. Nang maisip ko ang pinsalang naidulot ko sa gawain ng iglesia, lalo akong nakonsensya. Nanalangin ako sa Diyos, “Diyos ko, napakatindi ng pagnanais ko sa katayuan! Kung wala ang paghahayag na ito, hindi ko alam kung gaano katagal ako mananatiling manhid. Gusto kong gamitin ang kabiguang ito para pagnilayan nang wasto ang sarili ko at lutasin ang problema ko.”
Kalaunan, nang maghanap ako ng landas ng pagsasagawa, nabasa ko ang dalawang sipi ng mga salita ng Diyos: “Huwag kang laging gumawa ng mga bagay para sa sarili mong kapakanan at huwag mong palagiang isaalang-alang ang iyong mga sariling interes; huwag mong isaalang-alang ang mga interes ng tao, at huwag isipin ang iyong sariling pagpapahalaga sa sarili, reputasyon, at katayuan. Kailangan mo munang isaalang-alang ang mga interes ng sambahayan ng Diyos, at unahin ang mga iyon. Dapat mong isaalang-alang ang kalooban ng Diyos at magsimula sa pagkonsidera kung mayroon ba o walang karumihan sa pagganap mo sa iyong tungkulin, kung ikaw ba ay nagkaroon ng debosyon, kung natupad ang iyong mga pananagutan, at kung naibigay mo ang lahat mo, gayundin kung buong-puso mo bang iniisip o hindi ang iyong tungkulin at ang gawain ng iglesia. Kailangan mong isaalang-alang ang mga bagay na ito. Kung madalas mong isipin ang mga ito at intindihin ang mga ito, magiging mas madali para sa iyo na gampanan nang maayos ang iyong tungkulin” (Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Makakamit Lamang ang Kalayaan at Pagpapalaya sa Pamamagitan ng Pagwawaksi sa Sariling Tiwaling Disposisyon). “Kung katanyagan, pakinabang at katayuan lamang ang hahangarin ng mga tao—kung sariling mga interes lamang ang pagsisikapan nila—hindi nila kailanman matatamo ang katotohanan at ang buhay, at sila ang mawawalan sa huli. Inililigtas ng Diyos ang mga naghahangad sa katotohanan. Kung hindi mo tatanggapin ang katotohanan, at kung wala kang kakayahang pagnilay-nilayan at alamin ang sarili mong tiwaling disposisyon, hindi ka tunay na magsisisi, at hindi ka magkakaroon ng buhay pagpasok. Ang pagtanggap sa katotohanan at pagkilala sa iyong sarili ang landas tungo sa pag-unlad sa buhay at pagtatamo ng kaligtasan, ito ang pagkakataon para sa iyo na lumapit sa harapan ng Diyos at matanggap ang Kanyang masusing pagsisiyasat, paghatol, at pagkastigo, at matamo ang katotohanan at ang buhay. Kung susukuan mo ang paghahangad sa katotohanan alang-alang sa paghahangad ng reputasyon at katayuan at sarili mong mga interes, katumbas lang ito ng pagsuko sa oportunidad na matanggap ang paghatol at pagkastigo ng Diyos at na matamo ang kaligtasan. Pinipili mo ang katanyagan, pakinabang, at katayuan at ang sarili mong mga interes, pero ang isinusuko mo naman ay ang katotohanan, at ang nawawala sa iyo ay ang buhay, at ang pagkakataong maligtas. Ano ang mas mahalaga? Kung pipiliin mo ang sarili mong mga interes at isusuko mo ang katotohanan, hindi ba ito kahangalan? Sa payak na pananalita, isa itong malaking kawalan para sa isang maliit na pakinabang. Ang katanyagan, pakinabang, katayuan, pera, at mga interes ay pawang pansamantala lamang, panandalian ang lahat ng ito, samantalang ang katotohanan at ang buhay ay walang hanggan at hindi nagbabago. Kung lulutasin ng mga tao ang kanilang mga tiwaling disposisyon na nagsasanhi na hangarin nila ang katanyagan, pakinabang, at katayuan, may pag-asa silang magtamo ng kaligtasan. Bukod dito, ang mga katotohanang nakakamit ng mga tao ay walang hanggan; hindi makukuha ni Satanas mula sa mga tao ang mga katotohanang ito, o ng kahit sino pang iba. Tinatalikuran mo ang iyong mga interes ngunit ang nakakamit mo ay ang katotohanan at kaligtasan; ang mga resultang ito ay pagmamay-ari mo, at nakakamit mo ang mga ito para sa iyong sarili. Kung pipiliin ng mga tao na isagawa ang katotohanan, kahit na nawala na ang kanilang mga interes, natatamo nila ang pagliligtas ng Diyos at ang buhay na walang hanggan. Ang mga taong iyon ang pinakamatatalino. Kung isusuko ng mga tao ang katotohanan alang-alang sa kanilang mga interes, mawawala sa kanila ang buhay at ang pagliligtas ng Diyos; ang mga taong iyon ang pinakahangal” (Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang Pag-unawa sa Disposisyon ng Isang Tao ang Pundasyon ng Pagbabago Nito). Ipinaunawa sa akin ng salita ng Diyos na sa tungkulin natin, dapat nating talikdan ang ating mga maling layunin at hangarin. Sa halip na reputasyon at katayuan natin, dapat nating unahin palagi ang mga interes ng iglesia sa lahat ng bagay. Ang pagsasagawa lamang nang ganito ang naaayon sa kalooban ng Diyos, at ito ang pinakasimpleng dapat gawin ng isang taong may konsensya at katwiran. Nang matanto ko ang mga bagay na ito, sadya kong tinalikdan ang aking laman, hindi ko na binigyang-pansin ang reputasyon at katayuan, at nagtuon ako sa wastong pagganap sa aking tungkulin. Bukod sa pagtapos sa sarili kong mga gawain sa produksyon, isinulat ko rin ang mga madalas na problema at paglihis sa gawain ko at ng iba, at iniharap ang mga iyon sa mga lider ng grupo at sa aking mga kapatid para talakayin at hanapan ng mga solusyon. Ang pagsasagawa nang ganito ay naging kapaki-pakinabang sa lahat, at nagawa naming umusad sa aming mga propesyonal na kasanayan. Nang makita ko ang resultang ito, lubos akong nagpapasalamat sa Diyos. Ito ang resulta ng pagganap ng bawat isa sa kanilang mga tungkulin nang may nagkakaisang puso at isipan. Noon, palagi kong sinusubukang protektahan ang reputasyon at katayuan ko. Palagi akong gumagawa ng mga bagay-bagay para mapaganda ang reputasyon ko at makapagpakitang-gilas sa tungkulin ko, hindi ko nilutas ang anumang mga praktikal na problema, at ang tanging naiwan ko ay mga paglabag. Pero noong sandaling tumigil ako sa pag-iisip tungkol sa reputasyon ko at katayuan, at sa halip ay kusa kong inihayag ang mga kakulangan at pagkakamali sa gawain, hindi lang ako hindi hinamak ng aking mga kapatid, nakipag-usap at nakipag-ugnayan pa sila sa akin, at nakahanap kami ng mas magandang paraan para gawin ang aming tungkulin. Noon ko lang nakita kung gaano ako kahangal para magkunwari at magpakitang-gilas. Kung nagsagawa ako nang ganito nang mas maaga, hindi ko sana naantala ang gawain.
Pagkaraan ng ilang panahon, isinaayos ng lider ko ang isang part-time na trabaho para sa akin na diligan ang mga baguhan. Sinabi ng lider ko na dahil wala pa ring pundasyon ang ilang baguhan sa tunay na daan, nagiging pasibo sila, mahina, at hindi dumadalo sa mga pagtitipon kapag naharap sila sa mga paghihirap o kapag ginugulo sila ng mga pastor, kaya’t nangangailangan sila ng agarang suporta sa pamamagitan ng pagdidilig. Bagama’t alam kong napakahalaga ng tungkuling ito, medyo nag-aatubili pa rin ako. Ito ay karaniwang dahil isang part-time na trabaho ito, kaya kahit gaano ako kahusay gumawa, walang makakaalam sa grupo namin. Kaya naisip ko na mas mabuti pang gumugol ako ng mas maraming oras sa pangunahin kong trabaho. Puwede kong gugulin ang bakanteng oras ko sa pagpapabuti ng aking mga propesyonal na pamamaraan. Kung magiging mas epektibo ako sa aking pangunahing gawain, titingalain ako ng mga kapatid. Kaya dahil diyan, ayaw kong magsikap masyado sa pagdidilig ng mga baguhan. Pero sa mga sumunod na araw, naramdaman kong medyo masama ang kalagayan ko, kaya nagtapat ako at nakipagbahaginan sa mga kapatid, at noon ko napagtanto na hinahangad ko pa rin ang reputasyon at katayuan. Nabasa ko sa salita ng Diyos: “Bagamat karamihan sa mga tao ay sinasabing masaya silang naghahangad ng katotohanan, pagdating sa pagsasagawa nito o pagbabayad ng halaga para dito, sumusuko na lang ang ilang tao. Sa diwa, ito ay pagtataksil. Kapag mas kritikal ang sandali, mas kailangan mong isuko ang mga interes ng laman at isantabi ang banidad at pagpapahalaga sa sarili; kung hindi mo ito magawa, hindi mo makakamit ang katotohanan, at maipapakita nito na hindi ka masunurin sa Diyos. Kung mas kritikal ang sandali, mas nakapagpapasakop ang mga tao at tinatalikuran nila ang sarili nilang mga interes, banidad, at pagpapahalaga sa sarili, at ginagampanan ang kanilang mga tungkulin nang wasto, saka lamang sila gugunitain ng Diyos. Mabubuting gawa ang lahat ng iyan! Anuman ang tungkulin na ginagampanan ng mga tao, o anuman ang ginagawa nila, alin ang mas mahalaga—ang kanilang banidad at pagpapahalaga sa sarili, o ang kaluwalhatian ng Diyos? Alin ang dapat piliin ng mga tao? (Kaluwalhatian ng Diyos.) Alin ang mas mahalaga—ang iyong mga responsabilidad, o ang sarili mong mga interes? Ang pagtupad sa iyong mga responsabilidad ang pinakamahalaga, at nakatali ka sa mga tungkuling iyon” (Pagbabahagi ng Diyos). Matapos basahin ang salita ng Diyos, malinaw kong nakita na tingalain man nila ako o hindi, tungkulin ko ito, na nangangahulugang ito ay responsibilidad ko at isang atas mula sa Diyos. Dapat kong tanggapin at tratuhin ito nang taos-puso. Hindi na ako maaaring manantiya palagi para sa kapakanan ng aking reputasyon at katayuan. Kinakailangan ng mga tauhan para gumawa ng gawain ng pagdidilig, at kung ayaw kong gawin ang tungkuling ito dahil lang sa walang pagkakataong magpakitang-gilas dito, hindi ba ako walang konsensya at walang katwiran. Nang gabing iyon, narinig ko ang isang himno ng salita ng Diyos na pinamagatang “Handa Ka bang Ibigay sa Diyos ang Pagmamahal na Nasa Puso Mo?” Ganito ang mga liriko: “Itinatangi ng Diyos ang pag-ibig ng bawat tao. Sa lahat ng umiibig sa Kanya, muling dinoble ang Kanyang mga pagpapala, sapagka’t ang pag-ibig ng tao ay napakahirap makuha, at napakakaunti lang nito” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Landas … 3). Naantig akong masyado. Habang lalong kailangang protektahan ang gawain ng iglesia, lalo kong dapat tuparin ang aking tungkulin at responsibilidad. Hindi ko puwedeng biguing muli ang Diyos. Bagama’t marami akong kakulangan noong dinidiligan ko ang mga baguhan at naharap ako sa maraming paghihirap, nang ituwid ko ang aking mga motibo at umasa ako sa Diyos, nakita ko ang patnubay ng Diyos, at hindi nagtagal, nagawa nang dumalo nang normal sa mga pagtitipon ang ilan sa mga baguhang dinidiligan ko.
Hindi nagtagal, ipinamahala sa akin ng iglesia ang isa pang gawain. Sa pagkakataong ito, gaano man ako kaabala sa aking gawain, sinubaybayan ko ang pag-usad ng grupo at itinalaga ko sa oras ang mga gawain. Sandali ko ring sinuri ang aming gawain na kasama ang mga kapatid para malutas ang kanilang mga suliranin, at sa mga bagay na hindi ko nauunawaan, nakahanap ako ng mga taong may mahusay na kasanayan para tulungan kaming lutasin ang mga ito. Unti-unti, bumuti nang husto ang mga resulta ng gawain. Alam kong lahat ito ay dahil sa patnubay at pagpapala ng Diyos. Noon, reputasyon at katayuan lang ang inaalala ko. Ngayon ay kaya ko na kahit paano na bitawan ang paghahangad ko sa katayuan, sadyang protektahan ang gawain ng iglesia, at gampanan ang tungkulin ko sa praktikal na paraan. Ito ang mga resultang nakamit ng mga salita ng Diyos. Salamat sa Diyos!