839 Nagnanais ang Diyos na ang Lahat ay Magawang Perpekto
I
Lahat ng payag magawang perpekto,
tapat at masunurin sa Diyos,
tapat na tumutupad sa tungkulin—
sila’y magagawang perpekto.
Ayaw ng Diyos na pabayaan
o palayasin ang sinuman sa inyo.
Ngunit kung ‘di mabuting nagsusumikap,
sisirain mo lang ‘yong sarili.
Ikaw, ‘di Diyos ang nag-aalis sa’yo.
Nais ng Diyos ang bawat tao
ay Kanyang matamo sa huli,
Kanyang lubos na malinis.
Nais Niyang gawing perpekto’ng lahat
at maging mga taong mahal Niya,
at maging mga taong mahal Niya.
II
Totoo ‘to ‘pag sabi Niya kayo’y mangmang
o ‘pag sabi Niya mahina’ng kakayahan niyo.
‘Di ibig sabihing kayo’y pababayaan Niya,
pag-asa’y mawala, ayaw kayong iligtas.
Naparito Siya ngayon upang
pagliligtas sa inyo’y ipagpatuloy.
Lahat may pagkakataong gawing perpekto.
Maging handa at magpatuloy,
magagawa ‘to sa huli; walang pababayaan.
Nais ng Diyos ang bawat tao
ay Kanyang matamo sa huli,
Kanyang lubos na malinis.
Nais Niyang gawing perpekto’ng lahat
at maging mga taong mahal Niya,
at maging mga taong mahal Niya.
III
Nais Niyang lahat ay makahabol,
may gawai’t liwanag ng Banal na Espiritu,
na sumunod hanggang sa pinakahuli,
pagka’t ito’y tungkuling dapat gawin.
‘Pag tungkuli’y nagawa,
kayo’y magiging perpekto,
magkakaro’n ng dakilang patotoo.
Pagtalo kay Satanas
at pagtamo sa pangako ng Diyos,
kayo’y mananatiling mamuhay
sa kaygandang hantungan.
Nais ng Diyos ang bawat tao
ay Kanyang matamo sa huli,
Kanyang lubos na malinis.
Nais Niyang gawing perpekto’ng lahat
at maging mga taong mahal Niya,
at maging mga taong mahal Niya.
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Pagpapanumbalik ng Normal na Buhay ng Tao at Pagdadala sa Kanya sa Isang Kamangha-manghang Hantungan