877 Ang Diyos ay Nagtitiis ng Matinding Kahihiyan para Iligtas ang Sangkatauhan

1 Pangunahing di-magkatulad ang tao at Diyos at nabubuhay sa dalawang magkaibang kinasasaklawan. Hindi kayang maunawaan ng tao ang wika ng Diyos at lalong hindi kayang malaman ang mga kaisipan ng Diyos. Ang Diyos lamang ang nakauunawa sa tao at imposible para sa tao na maunawaan ang Diyos. Kailangang maging tao ang Diyos at maging kapareho ng uri ng tao, nagtitiis ng matinding kahihiyan at sakit para iligtas ang mga tao, nang sa gayon ay maunawaan at malaman nila ang Kanyang gawain. Bakit ba palaging inililigtas ng Diyos ang tao at hindi kailanman sumusuko? Hindi ba dahil ito sa Kanyang pag-ibig sa tao? Nakikita Niya ang sangkatauhan na ginawang tiwali ni Satanas at hindi Niya makayang bumitaw o sumuko. Kaya nga mayroon Siyang isang plano ng pamamahala.

2 Kung wawasakin Niya ang sangkatauhan kapag nagalit Siya gaya ng ginuguni-guni ng mga tao, kung gayon hindi na kailangang magdusa nang ganito para iligtas ang tao. Mismong dahil sa sakit na tiniis ng Kanyang pagkakatawang-tao na ipinapakita ang Kanyang pagmamahal, at paunti-unti, ang Kanyang pag-ibig at nakikilala ng lahat ng tao. Kung hindi ginampanan ng Diyos ang ganitong uri ng gawain ngayon, malalaman lamang ng mga tao na mayroong Diyos sa langit at na mayroon Siyang pag-ibig sa sangkatauhan. Kung magkagayon magiging doktrina lamang iyan, at hindi kailanman mamamasdan at mararanasan ng mga tao ang totoong pag-ibig ng Diyos.

3 Tanging sa paggawa ng Diyos ng Kanyang gawain sa katawang-tao nagkakaroon ang mga tao ng totoong pagkaunawa sa Kanya. Ang pagkaunawang ito ay hindi malabo o walang laman, at ni hindi ito matamis-pakinggang pananalita, kundi isang pag-unawa na talagang totoo, dahil isang mapanghahawakang kapakinabangan ang pag-ibig na ibinibigay ng Diyos sa tao. Gaano kalaki ang pag-ibig na ibinigay ng Panginoong Jesus sa mga tao? Ipinako Siya sa krus para sa tiwaling sangkatauhan, at nagsilbing handog para sa kasalanan; naparito Siya para tapusin ang gawain ng pagtubos sa sangkatauhan, hanggang ipinako Siya sa krus. Walang hangganan ang pag-ibig na ito at napakamakabuluhan ng gawaing ginawa ng Diyos.

Hango sa Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Alam Mo Ba ang Pag-ibig ng Diyos sa Sangkatauhan?

Sinundan: 876 Lubhang Makahulugan ang Pagdanas ng Diyos sa Pasakit ng Tao

Sumunod: 878 Bawat Hakbang ng Gawain ng Diyos ay para sa Buhay ng Tao

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

610 Tularan ang Panginoong Jesus

ⅠTinapos ni Jesus ang misyon ng Diyos,ang pagtubos sa lahat ng taosa paglalagak sa Diyos ng alalahanin N’ya,nang walang pansariling layunin...

147 Awit ng Taos-pusong Pagkapit

ⅠNarito ang Isa, S’ya ay D’yos sa katawang-tao.Wika’t gawa N’ya, lahat katotohanan.Dunong N’ya at pagkamat’wid ay aking mahal.Nakita’t...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito