817 Ang Tanging Nais ng Diyos

I

Ang kaluwalhatian ni Jehova,

ang pagtubos ni Jesus,

at lahat ng mga gawa ng Diyos ngayon,

ay ang nakikita n’yo ngayon.

Mga salita ng Espiritu ng Diyos ay inyong narinig,

Kanyang karunungan at Kanyang kamanghaan,

Kanyang disposisyon ay inyong nalaman,

Kanyang plano ng pamamahala kayo’y nasabihan.

Kahit na kayo’y isinilang sa mga huling araw,

naunawaan ninyo kung ano ang nakaraan,

naranasan kung ano ang sa araw na ito,

na isinasakatuparan ng kamay ng Diyos.

Ang hinihingi ng Diyos ay makatwiran

dahil napakarami ng Kanyang ibinigay,

napakarami ninyong nakita mula sa Kanya.

Sumaksi para sa Diyos,

sa mga santo ng lahat ng kapanahunan,

iyan lang ang nais ng Kanyang puso,

iyan lang ang nais ng Kanyang puso.


II

Ang nakita ninyo ay hindi lamang

isang mapagmahal na Diyos,

kundi Isang matuwid.

Nakita ninyo kung gaano kahanga-hanga

ang gawain ng Diyos,

nalaman ang Kanyang poot, Kanyang kamahalan.

Nalaman n’yo rin na minsan ang Diyos

dinala ang nag-aalab Niyang poot

sa sambahayan ng Israel,

sa araw na ito, nakarating ito sa inyo.

Kahit na kayo’y isinilang sa mga huling araw,

naunawaan ninyo kung ano ang nakaraan,

naranasan kung ano ang sa araw na ito,

na isinasakatuparan ng kamay ng Diyos.

Ang hinihingi ng Diyos ay makatwiran

dahil napakarami ng Kanyang ibinigay,

napakarami ninyong nakita mula sa Kanya.

Sumaksi para sa Diyos,

sa mga santo ng lahat ng kapanahunan,

iyan lang ang nais ng Kanyang puso,

iyan lang ang nais ng Kanyang puso.


III

Natanto ninyo ang mga hiwaga ng Diyos

nang higit kaysa kina Isaias at Juan.

Nalaman n’yo kariktan Niya

higit sa lahat ng naunang mga banal.

Hindi n’yo lang natatanggap

ang katotohanan ng Diyos,

Kanyang daan, at Kanyang buhay,

kundi pangitain at pahayag

higit sa natanggap ni Juan.

Kahit na kayo’y isinilang sa mga huling araw,

naunawaan ninyo kung ano ang nakaraan,

naranasan kung ano ang sa araw na ito,

na isinasakatuparan ng kamay ng Diyos.

Ang hinihingi ng Diyos ay makatwiran

dahil napakarami ng Kanyang ibinigay,

napakarami ninyong nakita mula sa Kanya.

Sumaksi para sa Diyos,

sa mga santo ng lahat ng kapanahunan,

iyan lang ang nais ng Kanyang puso,

iyan lang ang nais ng Kanyang puso.


IV

Naunawaan n’yo ang higit pang mga hiwaga,

nakita ang tunay na anyo ng Diyos.

Natanggap ninyo

ang mas maraming paghatol ng Diyos,

nalaman higit pang katuwiran N’ya.

Kahit na kayo’y isinilang sa mga huling araw,

naunawaan ninyo kung ano ang nakaraan,

naranasan kung ano ang sa araw na ito,

na isinasakatuparan ng kamay ng Diyos.

Ang hinihingi ng Diyos ay makatwiran

dahil napakarami ng Kanyang ibinigay,

napakarami ninyong nakita mula sa Kanya.

Sumaksi para sa Diyos,

sa mga santo ng lahat ng kapanahunan,

iyan lang ang nais ng Kanyang puso,

iyan lang ang nais ng Kanyang puso.


Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ano ang Alam Mo sa Pananampalataya?

Sinundan: 816 Tungkulin ng Tao ang Sumaksi para sa Diyos

Sumunod: 818 Nakahanda Ka Bang Maging Isang Tao na Nagpapatotoo para sa Diyos?

Madalas nang mangyari ngayon ang mga sakuna. Paano natin masasalubong ang Panginoon at paano tayo maililigtas ng Diyos bago ang malalaking sakuna? Magkasama tayong magsiyasat upang mahanap ang landas.

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito

Kontakin Kami Gamit ang Messnger