294 Natulutan ng Awa ng Diyos na Mabuhay pa ang Tao Hanggang Ngayon
1 Hindi kailanman nakita ng mga tao ni isa sa Aking mga kilos, ni hindi nila narinig kailanman ni isa sa Aking mga pagbigkas. Kahit nakita nila ang Aking mga kilos, ano ang matutuklasan nila? At kung narinig man nila Akong magsalita, ano ang kanilang mauunawaan? Sa buong mundo, lahat ay umiiral ayon sa Aking awa at kagandahang-loob, ngunit pati na buong sangkatauhan ay napapailalim sa Aking paghatol, at sumasailalim din sa Aking mga pagsubok. Naging maawain at mapagmahal Ako sa sangkatauhan, kahit noong nagawa silang tiwaling lahat sa ilang antas; nakastigo Ko na sila, kahit noong nagpasakop silang lahat sa harap ng Aking luklukan. Gayunman, mayroon bang sinumang tao na wala sa gitna ng pagdurusa at pagpipino na Aking naipadala?
2 Napakaraming taong nangangapa sa dilim para sa liwanag, at napakaraming nahihirapan nang buong kapaitan sa kanilang mga pagsubok. Si Job ay may pananampalataya, ngunit hindi ba siya naghahanap noon ng paraan para makalabas para sa kanyang sarili? Bagama’t makakapanindigan ang Aking mga tao sa harap ng mga pagsubok, mayroon bang sinumang may pananampalataya, nang hindi ito binibigkas nang malakas, sa kanyang kaibuturan? Sa halip, hindi kaya nagsasatinig ang mga tao ng kanilang paniniwala habang nagkikimkim pa rin ng mga pag-aalinlangan sa kanilang mga puso? Walang sinumang mga taong nakapanindigan sa pagsubok o tunay na nagpasakop sa oras ng pagsubok. Kung hindi Ko tinakpan ang Aking mukha para maiwasang tumingin sa mundong ito, babagsak ang buong sangkatauhan sa ilalim ng Aking nakakapasong titig, sapagkat wala Akong anumang hinihiling sa sangkatauhan; at kaya nakakaligtas sila sa harap Ko hanggang sa araw na ito.
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob, Kabanata 10