C. Tungkol sa Kabanalan ng Diyos

569. Naging tao ang Diyos sa pinakapaurong at pinakamaruming lugar sa lahat, at sa ganitong paraan lamang nagagawa ng Diyos na malinaw na ipakita ang kabuuan ng Kanyang banal at matuwid na disposisyon. At paano ipinapakita ang Kanyang matuwid na disposisyon? Ipinapakita ito kapag hinahatulan Niya ang mga kasalanan ng tao, kapag hinahatulan Niya si Satanas, kapag kinapopootan Niya ang kasalanan, at kapag kinasusuklaman Niya ang mga kaaway na kumakalaban at naghihimagsik laban sa Kanya. Ang mga salitang sinasambit Ko ngayon ay upang hatulan ang mga kasalanan ng tao, upang hatulan ang hindi pagiging matuwid ng tao, upang isumpa ang paghihimagsik ng tao. Ang pagiging baliko at panlilinlang ng tao, ang mga salita at gawa ng tao—lahat ng hindi naaayon sa mga layunin ng Diyos ay kailangang isailalim sa paghatol, at tukuyin ang lahat ng paghihimagsik ng tao bilang kasalanan. Umiikot ang Kanyang mga salita sa mga prinsipyo ng paghatol; ginagamit Niya ang paghatol sa hindi pagiging matuwid ng tao, ang sumpa sa pagkasuwail ng tao, ang paglalantad sa mga pangit na mukha ng tao upang ipakita ang Kanyang sariling matuwid na disposisyon. Ang kabanalan ay isang representasyon ng Kanyang matuwid na disposisyon, at sa katunayan ang kabanalan ng Diyos ay talagang ang Kanyang matuwid na disposisyon. Ang mga tiwali ninyong disposisyon ang konteksto ng mga salita ngayon—ginagamit Ko ang mga ito upang mangusap at humatol, at upang isagawa ang gawain ng paglupig. Ito lamang ang praktikal na gawain, at ito lamang ang lubos na nagpapaningning sa kabanalan ng Diyos. Kung walang bahid ng tiwaling disposisyon sa iyo, hindi ka hahatulan ng Diyos, at hindi rin Niya ipapakita sa iyo ang Kanyang matuwid na disposisyon. Dahil mayroon kang tiwaling disposisyon, hindi ka basta paliligtasin ng Diyos, at sa pamamagitan nito ipinapakita ang Kanyang kabanalan. Kung makikita ng Diyos na masyadong malubha ang karumihan at paghihimagsik ng tao ngunit hindi Siya nagsalita o humatol sa iyo, ni hindi ka kinastigo dahil sa iyong hindi pagiging matuwid, patutunayan nito na hindi Siya Diyos, dahil hindi Siya galit sa kasalanan; magiging kasingdumi lamang Siya ng tao. Ngayon, dahil sa karumihan mo kaya kita hinahatulan, at dahil sa katiwalian at paghihimagsik mo kaya kita kinakastigo. Hindi Ko ipinangangalandakan ang Aking kapangyarihan sa inyo o sadya kayong inaapi; ginagawa Ko ang mga bagay na ito dahil kayo, na naisilang sa lupaing ito ng karumihan, ay labis-labis nang narumihan. Sadyang naiwala ninyo ang inyong integridad at pagkatao, na parang mga baboy na naninirahan sa maruruming lugar. Dahil sa inyong karumihan at katiwalian kaya kayo hinahatulan at kaya Ko pinapakawalan sa inyo ang Aking poot. Dahil mismo sa paghatol ng mga salitang ito kaya ninyo nagawang makita na ang Diyos ay ang matuwid na Diyos, at na ang Diyos ay ang banal na Diyos; dahil mismo sa Kanyang kabanalan at Kanyang katuwiran kaya Niya kayo hinahatulan at pinapakawalan Niya ang Kanyang poot sa inyo; dahil mismo nakikita Niya ang paghihimagsik ng sangkatauhan na ibinubunyag Niya ang Kanyang matuwid na disposisyon. Naipapamalas ang Kanyang kabanalan dahil sa karumihan at katiwalian ng sangkatauhan. Sapat na ito upang ipakita na Siya ang Diyos Mismo, na banal at busilak, ngunit nabubuhay sa lupain ng karumihan. Kung nagtatampisaw ang isang tao sa putikan na kasama ng iba, at walang anumang banal tungkol sa kanya, at wala siyang matuwid na disposisyon, wala siyang karapatang hatulan ang kasamaan ng tao, ni hindi siya akmang magsagawa ng paghatol sa tao. Paano magiging karapat-dapat ang mga taong pare-parehong marumi na hatulan yaong mga kagaya nila? Tanging ang banal na Diyos Mismo ang nagagawang hatulan ang buong sangkatauhang marumi. Paanong hahatulan ng tao ang mga kasalanan ng tao? Paanong makikita ng tao ang mga kasalanan ng tao, at paanong magiging karapat-dapat ang tao na kondenahin ang mga kasalanang ito? Kung hindi karapat-dapat ang Diyos na hatulan ang mga kasalanan ng tao, paano Siya magiging matuwid na Diyos Mismo? Dahil nagpapakita ng mga tiwaling disposisyon ang mga tao kaya nangungusap ang Diyos upang hatulan sila, at saka lamang nila makikita na Siya ay isang banal na Diyos. Habang hinahatulan at kinakastigo Niya ang tao para sa mga kasalanan nito, na inilalantad pala ang mga kasalanan ng tao, walang tao o bagay na makakatakas sa paghatol na ito; Siya ang humahatol sa lahat ng marumi, at sa gayon lamang mabubunyag na matuwid ang Kanyang disposisyon. Kung hindi, paano masasabi na panghambing kayo kapwa sa taguri at sa katunayan?

… Sa pamamagitan ng mga taong nanggaling sa lupain ng karumihan ipinapakita ang kabanalan ng Diyos; ngayon, ginagamit Niya ang karumihang nakikita sa mga taong ito ng lupain ng karumihan, at Siya ay humahatol, at sa gayon ay naibubunyag kung ano Siya sa gitna ng paghatol. Bakit Siya humahatol? Kaya Niyang sambitin ang mga salita ng paghatol dahil kinamumuhian Niya ang kasalanan; paano Siya magagalit nang matindi kung hindi Niya kinapopootan ang paghihimagsik ng sangkatauhan? Kung walang pagkasuklam sa Kanyang kalooban, walang pagkapoot, kung hindi Niya pinansin ang paghihimagsik ng mga tao, magpapatunay iyon na kasingdumi Siya ng tao. Kaya Niya nakakayang hatulan at kastiguhin ang tao ay dahil kinapopootan Niya ang karumihan, at ang kinapopootan Niya ay wala sa Kanya. Kung mayroon ding pagkontra at paghihimagsik sa Kanya, hindi Niya kamumuhian yaong mga mapanlaban at mapaghimagsik. Kung ang gawain ng mga huling araw ay isinasagawa sa Israel, hindi ito magkakaroon ng kabuluhan. Bakit ginagawa ang gawain ng mga huling araw sa Tsina, ang pinakamadilim at pinakaatrasadong lugar sa lahat? Iyon ay upang ipakita ang Kanyang kabanalan at katuwiran. Sa madaling salita, mas madilim ang isang lugar, mas malinaw na maipapakita ang kabanalan ng Diyos. Sa katunayan, lahat ng ito ay alang-alang sa gawain ng Diyos.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Paano Nakakamtan ang mga Epekto ng Ikalawang Hakbang ng Gawain ng Paglupig

570. Matagal Ko nang nakitang malinaw ang sari-saring mga gawa ng masasamang espiritu. At ang mga taong ginamit ng mga masasamang espiritu (ang mga may maling intensyon, ang mga nag-iimbot sa laman o kayamanan, ang mga nagtataas sa kanilang mga sarili, ang mga nanggagambala sa iglesia, atbp.) ay nakita Ko na ring isa-isa. Huwag mong ipalagay na ang lahat ay tapos na sa sandaling napalayas na ang masasamang espiritu. Hayaan mong sabihin Ko sa iyo! Mula ngayon, isa-isa Kong aalisin ang mga taong ito at hindi na sila kailanman gagamitin! Ibig sabihin niyan, sinumang taong nagawang tiwali ng masasamang espiritu ay hindi Ko gagamitin, at palalayasin! Huwag isiping wala Akong pakiramdam! Alamin ito! Ako ang banal na Diyos, at hindi Ako mananahan sa isang maruming templo! Ginagamit Ko lamang ang matatapat at marurunong na tao, na ganap na tapat sa Akin at maaaring maging maalalahanin sa Aking pasanin. Ito ay dahil Aking nauna nang itinalaga ang gayong mga tao, at lubos na walang masasamang espiritu ang gumagawa sa kanila. Hayaan mong linawin Ko ang isang bagay: Mula ngayon, lahat ng walang gawain ng Banal na Espiritu ay may gawain ng masasamang espiritu. Hayaan mong ulit-ulitin Ko: Hindi Ko gusto ang kahit isang tao na may mga masasamang espiritu na gumagawa sa kanya. Silang lahat ay ihuhulog sa Hades kasama ng kanilang laman!

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula, Kabanata 76

571. Ang katawang-taong ibinihis ng Espiritu ng Diyos ay ang sariling katawang-tao ng Diyos. Ang Espiritu ng Diyos ang pinakamataas; Siya ay makapangyarihan sa lahat, banal, at matuwid. Gayon din, ang Kanyang katawang-tao ay pinakamataas, makapangyarihan sa lahat, banal, at matuwid. Ang magagawa lamang ng katawang-taong ito ay yaong matuwid at makakabuti sa sangkatauhan, yaong banal, maluwalhati, at makapangyarihan; wala Siyang kakayahang gumawa ng anumang bagay na labag sa katotohanan, na labag sa moralidad at katarungan, at lalong wala Siyang kakayahang gumawa ng anuman na magkakanulo sa Espiritu ng Diyos. Ang Espiritu ng Diyos ay banal, at sa gayon ay hindi magagawang tiwali ni Satanas ang Kanyang katawang-tao; ang Kanyang katawang-tao ay naiiba ang diwa kaysa sa laman ng tao. Sapagkat ang tao, hindi ang Diyos, ang siyang ginawang tiwali ni Satanas at hindi posibleng magawang tiwali ni Satanas ang katawang-tao ng Diyos Mismo. Kaya, sa kabila ng katunayan na iisa ang espasyong tinitirhan ng tao at ni Cristo, ang tao lamang ang maaaring sapian, gamitin ni Satanas, at mapinsala ng mga panlalansi ni Satanas. Sa kabaligtaran, si Cristo ay hindi tinatablan ng katiwalian ni Satanas magpakailanman, dahil hindi magkakaroon ng kakayahan si Satanas kailanman na umakyat sa kataas-taasang lugar, at hindi magagawang lumapit sa Diyos kailanman. Ngayon, dapat ninyong maunawaang lahat na ang sangkatauhan lamang, na nagawa nang tiwali ni Satanas, ang siyang nagkakanulo sa Akin. Ang pagkakanulo ay hindi kailanman magiging isang isyu na kasasangkutan ni Cristo kahit kaunti.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Isang Napakaseryosong Problema: Pagkakanulo (2)

572. Hindi nagtataglay ang Diyos Mismo ng mga sangkap ng paghihimagsik; mabuti ang Kanyang diwa. Siya ang pagpapahayag ng lahat ng kagandahan at kabutihan, gayundin ng lahat ng pagmamahal. Kahit sa katawang-tao, hindi gumagawa ang Diyos ng anumang naghihimagsik laban sa Diyos Ama. Maging kabayaran man ang paghahain ng Kanyang buhay, buong puso Siyang handa na gawin ito, at wala na Siyang ibang pipiliin. Hindi nagtataglay ang Diyos ng mga sangkap ng pagmamagaling o pagpapahalaga sa sarili, o yaong sa kapalaluan at pagmamataas; hindi Siya nagtataglay ng mga sangkap ng pagiging baliko. Nagmumula kay Satanas ang lahat-lahat ng naghihimagsik laban sa Diyos; si Satanas ang pinagmumulan ng lahat ng kapangitan at kasamaan. Ang dahilan ng pagkakaroon ng tao ng mga katangiang kahalintulad ng kay Satanas ay dahil nagawa nang tiwali at nilinlang na ni Satanas ang tao. Hindi nagawang tiwali ni Satanas si Cristo, kaya’t ang mga katangian ng Diyos ang tangi Niyang inaangkin, at wala sa mga katangian ni Satanas.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Diwa ni Cristo ay Pagpapasakop sa Kalooban ng Ama sa Langit

573. “Ang kabanalan ng Diyos” ay nangangahulugan na ang diwa ng Diyos ay walang kapintasan, na ang pagmamahal ng Diyos ay mapagparaya, na lahat ng ibinibigay ng Diyos sa tao ay mapagparaya; at Diyos ay walang dungis at di-mapupulaan. Ang mga aspetong ito ng diwa ng Diyos ay hindi lamang ang mga salita na ginagamit Niya upang ipagmalaki ang Kanyang pagkakakilanlan, sa halip ginagamit ng Diyos ang Kanyang diwa upang pakitunguhan nang lihim at tapat ang bawat isang tao. Sa madaling salita, ang diwa ng Diyos ay hindi hungkag, ni hindi rin ito panteorya o pangdoktrina at tiyak na hindi isang uri ng kaalaman. Hindi ito isang uri ng edukasyon para sa tao; sa halip ay siyang tunay na pahayag ng sariling mga kilos ng Diyos at ang ibinunyag na diwa kung anong mayroon at kung ano ang Diyos.

—Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi VI

574. Ano ang tinutukoy ng kabanalan ng Diyos na sinasabi Ko? Pag-isipan ninyo ng isang saglit. Ang pagiging tapat ba ng Diyos ang Kanyang kabanalan? Ang katapatan ba ng Diyos ang Kanyang kabanalan? Ang pagiging hindi makasarili ba ng Diyos ang Kanyang kabanalan? Ito ba’y ang pagpapakumbaba Niya? Ang Kanyang pagmamahal para sa tao? Malayang ipinagkakaloob ng Diyos sa tao ang katotohanan at buhay—ito ba ang Kanyang kabanalan? Oo, ang lahat ng iyon. Lahat ng ito na ibinubunyag ng Diyos ay natatangi at hindi umiiral sa loob ng tiwaling sangkatauhan, ni makikita sa sangkatauhan. Walang makikita ni katiting na bakas nito sa proseso ng pagtitiwali ni Satanas sa tao, ni sa tiwaling disposisyon ni Satanas ni sa diwa o likas ni Satanas. Lahat ng kung anong mayroon at kung ano ang Diyos ay natatangi; tanging ang Diyos Mismo ang may ganitong uri ng diwa. … Ang diwa ng kabanalan ay tunay na pag-ibig, ngunit higit pa rito, ito ay diwa ng katotohanan, katuwiran at liwanag. Ang salitang “banal” ay angkop lamang kapag ginagamit sa Diyos; walang anuman sa nilikha ang karapat-dapat na tawaging “banal.” Dapat itong maunawaan ng tao.

—Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi VI

575. Nang pumarito ang Diyos sa lupa, hindi Siya kabilang sa mundo, at hindi Siya nagkatawang-tao para tamasahin ang mundo. Ipapanganak Siya kung saan man ibubunyag ng gawain Niya ang Kanyang disposisyon at magiging pinakamakahulugan, ito man ay banal o maruming lupain. Saan man Siya gumagawa, Siya ay banal. Lahat ng bagay sa mundo ay nilikha Niya, bagama’t ang mga ito ay nagawa nang tiwali ni Satanas. Gayumpaman, lahat ng bagay ay pag-aari pa rin Niya; nasa mga kamay Niya ang lahat ng iyon. Pumupunta Siya sa isang maruming lupain at gumagawa roon upang ibunyag ang Kanyang kabanalan; ginagawa lamang Niya ito alang-alang sa Kanyang gawain, na ibig sabihin ay tinitiis lang Niya ang malaking kahihiyan upang gawin ang gayong gawain upang iligtas ang mga tao ng maruming lupaing ito. Ginagawa ito alang-alang sa pagpapatotoo, para sa kapakanan ng buong sangkatauhan. Ang ipinapakita sa mga tao ng gayong gawain ay ang katuwiran ng Diyos, at mas naipapakita nito na ang Diyos ang pinakamataas. Ang Kanyang kadakilaan at karangalan ay mismong naipapamalas sa pagliligtas ng isang grupo ng hamak na mga tao na nililibak ng iba. Ang maisilang sa isang maruming lupain ay hindi nagpapatunay na Siya ay hamak; tinutulutan lamang nitong makita ng lahat ng mga nilikha ang Kanyang kadakilaan at Kanyang tunay na pagmamahal para sa sangkatauhan. Habang mas ginagawa Niya ito, mas ibinubunyag nito ang Kanyang dalisay na pagmamahal, ang Kanyang perpektong pagmamahal sa tao. Ang Diyos ay banal at matuwid, kahit isinilang Siya sa isang maruming lupain, at kahit nabubuhay Siyang kasama ng mga taong puno ng karumihan, gaya noong namuhay si Jesus sa piling ng mga makasalanan sa Kapanahunan ng Biyaya. Hindi ba’t ginawa ang Kanyang buong gawain para sa kapakanan ng pananatiling buhay ng buong sangkatauhan? Hindi ba lahat ng iyon ay upang magtamo ng dakilang kaligtasan ang sangkatauhan? Dalawang libong taon na ang nakararaan, namuhay Siya sa piling ng mga makasalanan sa loob ng ilang taon. Iyon ay alang-alang sa pagtubos. Ngayon, namumuhay Siya sa piling ng isang grupo ng marurumi at hamak na mga tao. Ito ay alang-alang sa kaligtasan. Hindi ba para sa kapakanan ninyong mga tao ang lahat ng Kanyang gawain? Kung hindi para iligtas ang sangkatauhan, bakit Siya nabuhay at nagdusa kasama ng mga makasalanan sa loob ng napakaraming taon pagkatapos maisilang sa isang sabsaban? At kung hindi para iligtas ang sangkatauhan, bakit Siya magbabalik sa katawang-tao sa ikalawang pagkakataon, isisilang sa lupaing ito kung saan nagtitipon ang mga demonyo, at mamumuhay sa piling ng mga taong ito na lubhang nagawang tiwali ni Satanas? Hindi ba tapat ang Diyos? Anong bahagi ng Kanyang gawain ang hindi naging para sa sangkatauhan? Anong bahagi ang hindi naging para sa inyong tadhana? Ang Diyos ay banal—hindi iyan mababago! Hindi Siya narungisan ng dumi, bagama’t pumunta Siya sa isang maruming lupain; lahat ng ito ay maaari lamang mangahulugan na ang pagmamahal ng Diyos sa sangkatauhan ay lubhang hindi makasarili at ang pagdurusa at kahihiyang Kanyang tinitiis ay napakatindi!

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Kabuluhan ng Pagliligtas sa mga Inapo ni Moab

576. Ang iyong mga ideya, iyong mga iniisip, iyong pag-uugali, iyong mga salita at gawa—hindi ba’t ang lahat ng mga pagpapahayag na ito ay katumbas ng mapaghahambingan ng katuwiran at kabanalan ng Diyos? Hindi ba ang iyong mga pagpapahayag ngayon ay mga pagpapakita ng tiwaling disposisyon ng tao na ibinunyag ng mga salita ng Diyos? Ang iyong mga ideya, iyong mga pagganyak, at ang katiwaliang nabunyag sa iyo ay nagpapakita ng matuwid na disposisyon ng Diyos, maging ng Kanyang kabanalan. Ang Diyos ay isinilang din sa lupain ng karumihan, subalit nananatili Siyang walang bahid ng karumihan. Naninirahan Siya sa maruming mundong tinitirhan mo, ngunit may taglay Siyang katwiran at pandama, at kinamumuhian Niya ang karumihan. Maaaring ni hindi mo magawang mapansin ang anumang marumi sa iyong mga salita at gawa, ngunit kaya Niyang gawin iyon, at itinuturo Niya ang mga ito sa iyo. Ang mga dating ugali mong iyon—ang iyong kawalan ng kalinangan, kabatiran, at pakiramdam, at ang iyong paurong na mga paraan ng pamumuhay—ay nailantad na ng mga paghahayag ngayon; kapag pumaparito ang Diyos sa lupa upang gumawa nang gayon, saka lamang namamasdan ng mga tao ang Kanyang kabanalan at matuwid na disposisyon. Hinahatulan at kinakastigo ka Niya, kaya ka nagtatamo ng pag-unawa; kung minsan, nakikita ang iyong likas na kademonyohan, at itinuturo Niya ito sa iyo. Alam Niya ang diwa ng tao na tulad ng likod ng Kanyang kamay. Nabubuhay Siya sa piling ninyo, kumakain Siya ng pagkaing kinakain mo, at naninirahan Siya sa kapaligirang tinitirhan ninyo—ngunit magkagayunman, mas marami Siyang alam; maaaring ilantad ka Niya at makita ang tiwaling diwa ng sangkatauhan. Wala Siyang higit na kinasusuklaman kaysa sa mga pilosopiya para sa mga makamundong pakikitungo at pagiging baliko at mapanlinlang ng tao. Kinamumuhian Niya lalo na ang makamundong pag-uugnayan ng mga tao. Maaaring hindi Siya pamilyar sa mga pilosopiya ng tao para sa mga makamundong pakikitungo, ngunit malinaw Niyang nakikita at nailalantad ang mga tiwaling disposisyon na ipinapakita ng mga tao. Gumagawa Siya upang mangusap at turuan ang tao sa pamamagitan ng mga bagay na ito, ginagamit Niya ang mga bagay na ito upang hatulan ang mga tao, at upang ipakita ang Kanyang sariling matuwid at banal na disposisyon. Sa gayon ay nagiging mga panghambing ang mga tao sa Kanyang gawain. Ang Diyos na nagkatawang-tao lamang ang maaaring magpakita nang malinaw ng mga tiwaling disposisyon ng tao at lahat ng pangit na mukha ni Satanas. Bagama’t hindi ka Niya pinarurusahan, at ginagamit ka lamang bilang panghambing sa Kanyang katuwiran at kabanalan, nahihiya ka at wala kang makitang lugar na mapagtataguan, sapagkat napakarumi mo. Nangungusap Siya gamit ang mga bagay na iyon na nakalantad sa tao, at kapag nalantad ang mga bagay na ito, saka lamang namamalayan ng mga tao kung gaano kabanal ang Diyos. Hindi Niya pinalalagpas maging ang pinakamaliit na karumihan sa mga tao, ni ang maruruming kaisipan sa kanilang puso; kung hindi kaayon ng Kanyang mga layunin ang mga salita at gawa ng mga tao, hindi Niya sila pinatatawad. Sa Kanyang mga salita, walang puwang para sa karumihan ng mga tao o ng kahit ano pa—kailangang malantad ang lahat.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Paano Nakakamtan ang mga Epekto ng Ikalawang Hakbang ng Gawain ng Paglupig

577. Hindi ninyo kailanman makikita ang Diyos na magkaroon ng mga pananaw sa mga bagay-bagay na gaya ng sa mga tao, at higit pa rito, hindi ninyo Siya makikitang gumagamit ng mga pananaw, kaalaman, siyensya, pilosopiya o imahinasyon ng sangkatauhan para mapangasiwaan ang mga bagay-bagay. Sa halip, ang lahat ng ginagawa ng Diyos at ang lahat ng Kanyang ibinubunyag ay may kaugnayan sa katotohanan. Ibig sabihin, bawat salitang sinabi Niya at bawat kilos na Kanyang ginawa ay may kaugnayan sa katotohanan. Ang katotohanang ito ay hindi nagmula sa ilang pantasyang walang basehan; ang katotohanang ito at mga salitang ito ay naipapahayag ng Diyos sa pamamagitan ng Kanyang diwa at Kanyang buhay. Dahil ang mga salitang ito at ang diwa ng lahat ng ginawa ng Diyos ay katotohanan, maaari nating sabihin na ang diwa ng Diyos ay banal. Sa madaling sabi, ang lahat ng sinasabi at ginagawa ng Diyos ay nagbibigay ng sigla at liwanag sa mga tao, nagbibigay-kakayahan sa mga tao na makita ang mga positibong bagay at ang realidad ng mga positibong bagay na iyon, at itinuturo ang daan sa sangkatauhan para makalakad sila sa tamang landas. Ang mga bagay na ito ay pinagpapasyahan lahat ng diwa ng Diyos at ng diwa ng Kanyang kabanalan.

—Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi V

578. Kapag naunawaan mo ang kabanalan ng Diyos, magagawa mo na talagang maniwala sa Diyos; kapag naunawaan mo ang kabanalan ng Diyos, makikilala mo talaga ang totoong kahulugan ng mga salitang “Ang Diyos Mismo, ang Natatangi.” Hindi ka na mag-iisip na may ibang mga daan maliban dito na maaari mong piliing lakaran, at hindi ka na handang pagtaksilan ang lahat ng bagay na isinaayos ng Diyos para sa iyo. Sapagkat ang diwa ng Diyos ay banal, nangangahulugan iyon na tanging sa pamamagitan ng Diyos ka makakatahak sa tama, maningning na landas ng buhay ng tao; tanging sa pamamagitan ng Diyos mo malalaman ang kahulugan ng buhay, tanging sa pamamagitan ng Diyos na maisasabuhay mo ang totoong pagkatao at taglayin at makilala ang katotohanan. Tanging sa pamamagitan lamang ng Diyos maaari mong matanggap ang buhay mula sa katotohanan. Tanging ang Diyos Mismo ang makakatulong sa iyo na layuan ang kasamaan at iadya ka mula sa kapinsalaan at kontrol ni Satanas. Maliban sa Diyos, walang sinuman at walang anuman ang makakapagligtas sa iyo mula sa dagat ng paghihirap upang hindi ka na magdusa. Ito ay pinagpapasiyahan ng diwa ng Diyos. Tanging ang Diyos Mismo ang magliligtas sa iyo nang walang pag-iimbot, tanging ang Diyos ang responsable sa bandang huli para sa iyong kinabukasan, para sa iyong tadhana at para sa iyong buhay, at isinasaayos Niya ang lahat ng bagay para sa iyo. Ito ay isang bagay na hindi matatamo ng nilalang o di-nilalang. Sapagkat walang nilalang o di-nilalang ang nagtataglay ng diwa ng Diyos, walang tao o bagay ang may kakayahan na iligtas ka o akayin ka. Ito ang kahalagahan ng diwa ng Diyos sa tao.

—Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi VI

579. Itinakda Ko ang mahigpit na pamantayan sa tao sa buong panahon. Kung may kaakibat na mga intensyon at kondisyon ang katapatan mo, mas nanaisin Ko pang wala ang tinatawag mong katapatan, sapagkat nasusuklam Ako sa mga nanlilinlang sa Akin sa pamamagitan ng kanilang mga intensyon at nangingikil sa Akin sa pamamagitan ng mga kondisyon. Hiling Ko lamang na maging lubos na tapat sa Akin ang tao, at gawin ang lahat ng bagay para sa kapakanan ng—at para patunayan ang—isang salita: pananalig. Kinasusuklaman Ko ang paggamit ninyo ng mga pambobola upang subukang pasayahin Ako, sapagkat palagi Ko kayong pinakitunguhan nang may sinseridad, at kaya ninanais Ko ring pakitunguhan ninyo Ako nang may totoong pananalig.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Isa Ka bang Tunay na Mananampalataya sa Diyos?

580. Dapat mong malaman kung anong uri ng mga tao ang Aking nais; iyong mga hindi dalisay ay hindi pinapayagang makapasok sa kaharian, iyong mga hindi dalisay ay hindi pinahihintulutang dungisan ang banal na lupain. Bagama’t maaaring marami kang nagawang gawain, at gumawa ka sa loob ng maraming taon, sa huli kung kalunos-lunos pa rin ang iyong karumihan, hindi katanggap-tanggap sa batas ng Langit na nais mong pumasok sa Aking kaharian! Mula sa pundasyon ng mundo hanggang ngayon, hindi Ako kailanman nakapag-alok ng madaling daan patungo sa Aking kaharian para sa mga sumisipsip sa Akin. Ito ay isang panuntunan sa langit, at walang sinumang makasusuway rito! Kailangan mong hangarin ang buhay. Ngayon, iyong mga gagawing perpekto ay kauri ni Pedro: Sila iyong mga naghahangad ng mga pagbabago sa kanilang sariling disposisyon, at handang magpatotoo sa Diyos at tuparin ang kanilang tungkulin bilang isang nilikha. Ang ganitong mga tao lamang ang gagawing perpekto. Kung umaasa ka lang sa mga gantimpala, at hindi ka naghahangad ng pagbabago sa iyong sariling buhay disposisyon, lahat ng iyong pagsisikap ay mawawalan ng saysay—at ito ay isang katotohanang hindi mababago!

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Tagumpay o Kabiguan ay Depende sa Landas na Tinatahak ng Tao

581. Ang Diyos Mismo ay may sarili Niyang mga pag-aari at Kanyang pagiging Diyos. Ang lahat ng ipinapahayag at ibinubunyag Niya ay kumakatawan sa sarili Niyang diwa at sa sarili Niyang pagkakakilanlan. Ang mga pag-aaring ito at ang Kanyang pagiging Diyos, pati na ang diwa at pagkakakilanlang ito, ay mga bagay na hindi maaaring palitan ng sinumang tao. Ang Kanyang disposisyon ay sumasaklaw sa Kanyang pagmamahal para sa sangkatauhan, kapanatagan sa sangkatauhan, pagkamuhi sa sangkatauhan, at higit pa rito, ang lubos na pagkaunawa sa sangkatauhan. Gayumpaman, ang personalidad ng tao ay maaaring kapalooban ng pagiging masiyahin, masigla, o manhid. Ang disposisyon ng Diyos ay ang taglay ng May Kataas-taasang Kapangyarihan sa lahat ng bagay at sa mga nilikhang may buhay; ito ang taglay ng Panginoon ng paglikha. Kumakatawan ang disposisyon Niya sa pagiging kagalang-galang, sa kapangyarihan, pagkamaharlika, kadakilaan, at higit sa lahat, sa kataas-taasang kapangyarihan. Ang disposisyon Niya ay ang simbolo ng awtoridad, ang simbolo ng lahat ng makatarungan, ang simbolo ng lahat ng maganda at mabuti. Higit pa roon, ang disposisyon Niya ay isang simbolo na hindi kayang malugmok o masalakay ng kadiliman o ng anumang puwersa ng kaaway, at simbolo rin ng pagiging hindi mapipinsala ng anumang pagkakasala (at di-pagkunsinti sa pagkakasala) ng sinumang nilikha. Ang disposisyon Niya ang simbolo ng pinakamataas na kapangyarihan. Walang tao o mga tao na kaya o maaaring makagulo sa gawain Niya o sa disposisyon Niya. Ngunit ang personalidad ng tao ay isa lamang tanda ng bahagyang kalamangan ng tao sa hayop. Ang tao, sa kanyang sarili, ay walang awtoridad, walang kasarinlan, at walang kakayahang lampasan ang sarili, ngunit sa diwa niya ay isang nilalang na napapayukyok para sa awa ng lahat ng uri ng mga tao, pangyayari, at bagay. Ang kagalakan ng Diyos ay dahil sa pag-iral at paglitaw ng katarungan at liwanag, dahil sa pagkawasak ng kadiliman at kasamaan. Nalulugod Siya sa pagdadala ng liwanag at ng isang mabuting buhay sa sangkatauhan; ang kagalakan Niya ay isang makatarungang kagalakan, isang sagisag ng pag-iral ng lahat ng bagay na positibo at, higit pa rito, isang sagisag ng pagkamapalad. Ang galit ng Diyos ay dahil sa pinsalang dulot ng pag-iral at panggugulo ng kawalan ng katarungan sa sangkatauhan Niya, dahil sa pag-iral ng kasamaan at kadiliman, dahil sa pag-iral ng mga bagay na nagtataboy sa katotohanan, at higit pa, dahil sa pag-iral ng mga bagay na sumasalungat sa kung anong mabuti at maganda. Ang galit Niya ay sagisag na hindi na umiiral ang lahat ng bagay na negatibo at, higit pa riyan, isa itong sagisag ng kabanalan Niya. Ang kalungkutan Niya ay dahil sa sangkatauhan, na mayroon sana Siyang inaasahan ngunit nahulog na sila sa kadiliman, at ito ay dahil hindi natutugunan ng gawaing ginagawa Niya sa tao ang mga layunin Niya, sapagkat lahat ng sangkatauhang minamahal Niya ay hindi kayang makapamuhay sa liwanag. Nakakaramdam Siya ng kalungkutan para sa inosenteng sangkatauhan, para sa matapat ngunit mangmang na tao, at para sa taong mabuti ngunit sa kanyang sariling mga pananaw ay nagkukulang. Ang kalungkutan Niya ay sagisag ng kabutihan Niya at ng awa Niya, isang sagisag ng kagandahan at ng kabaitan. Ang kaligayahan Niya, mangyari pa, ay nagmumula sa pagkatalo ng mga kaaway Niya at pagkakamit ng mabuting pananampalataya ng tao. Higit pa riyan, umuusbong ito mula sa pagpapatalsik at pagkawasak ng lahat ng puwersa ng kaaway, at sapagkat tumatanggap ang sangkatauhan ng mabuti at mapayapang buhay. Hindi katulad ng kagalakan ng tao ang kaligayahan ng Diyos; sa halip, ito ay ang pakiramdam ng paglikom ng magagandang bunga, isang pakiramdam na higit pa sa kagalakan. Ang kasiyahan Niya ay sagisag ng paglaya ng sangkatauhan sa pagdurusa mula sa oras na ito, at isang tanda ng pagpasok ng sangkatauhan sa isang daigdig ng liwanag. Ang mga damdamin ng sangkatauhan, sa kabilang banda, ay umuusbong na lahat para sa kapakanan ng sarili niyang mga interes at hindi para sa katarungan, liwanag, o kung ano ang maganda, at higit sa lahat, hindi para sa biyayang ipinagkaloob ng Langit. Ang mga damdamin ng sangkatauhan ay makasarili at nabibilang sa daigdig ng kadiliman. Hindi sila kumikilos para sa kapakanan ng kalooban, lalong hindi para sa plano ng Diyos, at kaya ang tao at Diyos ay hindi kailanman maaaring pag-usapan nang magkasabay. Ang Diyos ay kataas-taasan magpakailanman at kagalang-galang magpakailanman, samantalang ang tao ay napakababa magpakailanman at walang halaga magpakailanman. Ito ay sapagkat ang Diyos ay inilalaan at iginugugol ang sarili Niya Mismo para sa sangkatauhan magpakailanman, samantalang ang tao ay nanghihingi at nagsisikap para lamang sa sarili niya magpakailanman. Ang Diyos ay nagpapakahirap magpakailanman para manatiling buhay ang sangkatauhan, gayumpaman, ang tao ay hindi kailanman nag-aambag ng anumang bagay alang-alang sa katarungan o liwanag, at kahit na pansamantalang magsikap ang tao, hindi nito makakayanan ang isang dagok, dahil ang pagsisikap ng tao ay palaging para sa sarili niyang kapakanan at hindi para sa iba. Makasarili ang tao magpakailanman, samantalang ang Diyos ay walang pag-iimbot magpakailanman. Ang Diyos ang pinagmulan ng lahat ng makatarungan, mabuti, at maganda, habang ang tao ang siyang pumapalit at nagpapahayag ng lahat ng kapangitan at kasamaan. Hindi kailanman babaguhin ng Diyos ang Kanyang diwa ng katarungan at kagandahan, gayumpaman, ang tao ay maaaring ipagkanulo ang katarungan at lumayo sa Diyos sa anumang oras at sa anumang sitwasyon.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Napakahalagang Maintindihan ang Disposisyon ng Diyos

582. Ang pagiging hindi nalalabag ng Diyos ang Kanyang natatanging diwa; ang poot ng Diyos ang Kanyang natatanging disposisyon; ang pagiging maharlika ng Diyos ang Kanyang natatanging diwa. Ang prinsipyo sa likod ng galit ng Diyos ay ang pagrerepresenta sa Kanyang pagkakakilanlan at katayuan na Siya lamang ang nagtataglay. Hindi na kailangang sabihin pa na ang prinsipyong ito ay sagisag din ng diwa ng natatanging Diyos Mismo. Ang disposisyon ng Diyos ay ang Kanyang sariling likas na diwa, na hindi nababago kahit kaunti ng paglipas ng panahon, o ng mga pagbabago man sa heograpikal na lokasyon. Ang Kanyang likas na disposisyon ay ang Kanyang tunay na diwa. Kanino man Niya isinasakatuparan ang Kanyang gawain, hindi nagbabago ang Kanyang diwa at maging ang Kanyang matuwid na disposisyon. Kapag ginagalit ng isang tao ang Diyos, yaong ipinapahayag ng Diyos ay ang Kanyang likas na disposisyon; sa pagkakataong ito, ang prinsipyo sa likod ng Kanyang galit ay hindi nagbabago, gayundin ang Kanyang natatanging pagkakakilanlan at katayuan. Hindi Siya nagagalit dahil sa isang pagbabago sa Kanyang diwa o dahil ang Kanyang disposisyon ay nagbunga ng iba’t ibang mga elemento, kundi dahil ang paglaban ng tao sa Kanya ay sumasalungat sa Kanyang disposisyon. Ang lantarang pagpapagalit ng tao sa Diyos ay isang matinding hamon sa sariling pagkakakilanlan at katayuan ng Diyos. Sa pananaw ng Diyos, kapag hinahamon Siya ng tao, kinakalaban Siya ng tao at tinutukso ang Kanyang galit. Kapag sinasalungat ng tao ang Diyos, kapag kinakalaban ng tao ang Diyos, kapag patuloy na sinusubok ng tao ang galit ng Diyos, iyon mismo ang sandali kung kailan laganap ang kasalanan—sa gayong mga pagkakataon, ang poot ng Diyos ay likas na mabubunyag at magpapakita. Samakatwid, ang pagpapahayag ng Diyos ng Kanyang poot ay isang simbolo na ang lahat ng puwersa ng kabuktutan ay titigil sa pag-iral; isa itong simbolo na ang lahat ng mapanlabang puwersa ay wawasakin. Ito ang pagiging natatangi ng matuwid na disposisyon ng Diyos at ng Kanyang poot. Kapag hinahamon ang dangal at kabanalan ng Diyos, kapag ang mga makatarungang puwersa ay hinahadlangan at hindi nakikita ng tao, ipadadala ng Diyos ang Kanyang poot. Dahil sa diwa ng Diyos, lahat ng puwersang iyon sa mundo na kumakalaban sa Diyos, sumasalungat at nakikipagtunggali sa Kanya ay buktot, tiwali at hindi makatarungan; ang mga ito ay nagmumula at nabibilang kay Satanas. Dahil makatarungan ang Diyos, at Siya ay liwanag at banal na walang-dungis, lahat ng bagay na buktot, tiwali at kay Satanas ay maglalaho kapag pinakawalan na ang poot ng Diyos.

—Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi II

Sinundan: B. Tungkol sa Matuwid na Disposisyon ng Diyos

Sumunod: D. Tungkol sa Diyos bilang Pinagmumulan ng Buhay ng Lahat ng Bagay

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos  Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IX) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito