D. Tungkol sa Diyos bilang Pinagmumulan ng Buhay ng Lahat ng Bagay

583. Ang daan ng buhay ay hindi isang bagay na maaaring taglayin ng sinumang tao, hindi rin ito isang bagay na madaling matamo ng bawat tao. Ito ay sapagkat ang buhay ay maaari lamang magmula sa Diyos, ibig sabihin, tanging ang Diyos Mismo ang nagtataglay ng diwa ng buhay, at tanging ang Diyos Mismo ang may daan ng buhay. Kaya tanging ang Diyos ang pinagmumulan ng buhay, at ang bukal na may patuloy na umaagos na buhay na tubig ng buhay. Magmula noong nilikha Niya ang mundo, marami nang nagawang gawain ang Diyos na nagtataglay ng kasiglahan ng buhay, marami na Siyang nagawang gawain na nagbibigay-buhay sa tao, at nagbayad Siya ng napakaraming halaga na nagbibigay-kakayahan sa tao na magkamit ng buhay. Ito ay sapagkat ang Diyos Mismo ang buhay na walang hanggan, at ang Diyos Mismo ang daan kung saan muling mabubuhay ang tao. Hindi kailanman nawawala ang Diyos sa puso ng tao, at Siya ay namumuhay sa gitna ng mga tao sa lahat ng oras. Siya ang puwersang nag-uudyok sa pamumuhay ng tao, ang ugat ng pananatiling buhay ng tao, at isang mayamang mapagkukunan para sa pananatiling buhay ng tao pagkatapos ng kapanganakan. Binibigyang-kakayahan Niya ang tao na muling isilang, at binibigyang-kakayahan Niya ang tao na mamuhay nang matatag sa bawat papel nito. Dahil sa pagsandig sa Kanyang kapangyarihan at sa Kanyang di-mapapawing puwersa ng buhay, nabuhay ang tao sa sunud-sunod na mga salinlahi, habang ang kapangyarihan ng buhay ng Diyos ay palaging nagbibigay ng suporta sa gitna ng mga tao, at nagbayad ang Diyos ng halagang hindi pa kailanman nabayaran ng isang ordinaryong tao. Kayang manaig ang puwersa ng buhay ng Diyos sa anumang kapangyarihan; higit pa rito, lagpas ito sa alinmang kapangyarihan. Walang hanggan ang Kanyang buhay, pambihira ang Kanyang kapangyarihan, at hindi magagapi ng anumang nilalang o puwersa ng kaaway ang kapangyarihan ng Kanyang buhay. Umiiral at nagniningning ang kapangyarihan ng buhay ng Diyos nang may makinang na liwanag anuman ang oras o lugar. Maaaring sumailalim sa malalaking pagbabago ang langit at lupa, ngunit ang buhay ng Diyos ay ganoon pa rin magpakailanman. Maaaring lumipas ang lahat ng bagay, ngunit iiral pa rin ang buhay ng Diyos, sapagkat ang Diyos ang pinagmulan ng pananatiling buhay ng lahat ng bagay at ang ugat ng kanilang pananatiling buhay. Ang buhay ng tao ay nagmumula sa Diyos, umiiral ang langit dahil sa Diyos, at dahil sa kapangyarihan ng buhay ng Diyos kaya nananatili ang mundo. Walang anumang may kasiglahan ang makalalampas sa kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos, at walang anumang may lakas ang makatatakas sa saklaw ng awtoridad ng Diyos. Sa ganitong paraan, maging sino man sila, dapat sumuko ang lahat ng tao sa ilalim ng kapamahalaan ng Diyos, dapat mamuhay ang lahat sa ilalim ng kontrol ng Diyos, at wala sa kanila ang makatatakas mula sa Kanyang mga kamay.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tanging si Cristo ng mga Huling Araw ang Makapagbibigay sa Tao ng Daan ng Buhay na Walang Hanggan

584. Simula noong likhain ng Diyos ang lahat ng bagay, ang mga ito ay kumikilos, at nagpapatuloy na sumulong nang maayos, alinsunod sa mga batas na itinakda ng Diyos. Sa ilalim ng pagmamatyag at kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos, umuunlad ang lahat ng bagay nang kasabay sa pag-iral ng tao sa isang maayos na pamamaraan. Walang anumang bagay ang makababago o makasisira ng mga batas na ito. Ang kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos ang dahilan kung bakit maaaring magparami ang lahat ng nilalang, at dahil sa Kanyang kataas-taasang kapangyarihan at pamamahala, ang lahat ng nilalang ay maaaring mabuhay. Kaya, sa ilalim ng kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos, ang lahat ng nilalang ay nagsisiiral, umuunlad, naglalaho, at muling isinisilang sa maayos na paraan. Kapag dumarating ang tagsibol, dinadala ng pag-ambon ng ulan ang pakiramdam ng sariwang panahon at binabasa ang lupa. Ang lupa ay nagsisimulang lumambot, at ang damo ay unti-unting tumutubo sa lupa at nagsisimulang umusbong, habang ang mga puno ay unti-unting nagiging luntian. Ang lahat ng nabubuhay na bagay na ito ay nagdadala ng sariwang sigla sa lupa. Ito ang nakikita kapag lahat ng nilalang ay nagsisiiral at nagsisiunlad. Ang lahat ng uri ng hayop ay lumalabas mula sa kanilang mga lungga upang damhin ang init ng tagsibol at simulan ang isang bagong taon. Ang lahat ng nilalang ay nagbibilad sa init sa panahon ng tag-araw at ikinagagalak ang init na dulot ng panahon. Mabilis silang lumalaki. Ang mga puno, damo, at lahat ng uri ng halaman ay napakabilis na lumalago, hanggang sa ang mga ito ay mamukadkad at mamunga. Ang lahat ng nilalang ay abala sa panahon ng tag-araw, pati na ang mga tao. Sa taglagas, dinadala ng mga ulan ang lamig ng taglagas, at lahat ng uri ng nabubuhay na nilalang ay unti-unting nakakaramdam sa pagdating ng panahon ng anihan. Ang lahat ng nilalang ay namumunga, at nagsisimulang umani ang mga tao ng iba’t ibang uri ng mga prutas upang magkaroon ng pagkain bilang paghahanda sa taglamig. Sa taglamig, ang lahat ng nilalang ay unti-unting nagsisimulang tumahimik dahil sa katiwasayan at kapahingahan habang paparating ang malamig na panahon, at ang mga tao ay nagpapahinga rin sa panahong ito. Sa mga pagbabago ng panahon, mula sa tagsibol papuntang tag-araw hanggang sa taglagas at hanggang sa taglamig—ang mga pagbabagong ito ay nagaganap lahat alinsunod sa mga batas na itinatag ng Diyos. Pinangungunahan Niya ang lahat ng bagay at ang sangkatauhan gamit ang mga batas na ito at nakapagtakda Siya para sa sangkatauhan ng isang masagana at makulay na paraan ng pamumuhay, naghahanda ng isang kapaligiran para sa patuloy na pamumuhay na mayroong iba’t ibang temperatura at iba’t ibang panahon. Kaya, sa ilalim ng maayos na mga kapaligirang ito para sa patuloy na pamumuhay, ang mga tao ay maaaring mamuhay at makapagparami sa maayos na paraan. Walang taong makapagbabago ng mga batas na ito, hindi rin masisira ng sinumang tao o nilalang ang mga ito. Bagama’t napakaraming pagbabagong nangyari—naging dagat ang mga parang, habang ang mga parang ay naging mga dagat—ang mga batas na ito ay patuloy sa pag-iral. Umiiral ang mga ito dahil ang Diyos ay umiiral, at dahil sa Kanyang kataas-taasang kapangyarihan at pamamahala. Sa ganitong uri ng maayos, mas malawak na kapaligiran, ang buhay ng mga tao ay makapagpapatuloy sa loob ng mga batas at mga patakarang ito. Ang magkakasunod na mga salinlahi ng mga tao ay nalinang sa ilalim ng mga batas na ito, at ang magkakasunod na salinlahi ng mga tao ay nabuhay sa loob din ng mga batas na ito. Tinatamasa ng mga tao ang maayos na kapaligiran para sa patuloy na pamumuhay na ito pati na ang lahat ng bagay na nilikha ng Diyos sa magkakasunod na salinlahi. Kahit na nararamdaman ng mga tao na ang ganitong uri ng mga batas ay likas at hinahamak nila ang mga ito, at kahit na hindi nila nararamdaman na ang Diyos ang nagsasaayos sa mga batas na ito, na may kataas-taasang kapangyarihan ang Diyos sa mga batas na ito, kahit ano pa man, ang Diyos ay palaging sangkot sa hindi nagbabagong gawain na ito. Ang Kanyang layunin sa hindi nagbabagong gawain na ito ay ang panatilihing buhay ang sangkatauhan, upang makapagpatuloy ang sangkatauhan sa pamumuhay.

—Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi IX

585. Ang Diyos ang nag-uutos sa mga patakarang namamahala sa operasyon ng lahat ng bagay; Siya ang nag-uutos sa mga patakarang namamahala sa ikabubuhay ng lahat ng bagay; Siya ang nagkokontrol sa lahat ng bagay, at nagtatalaga sa mga ito na kapwa magpatibay at umasa sa isa’t isa, para hindi mapahamak o maglaho ang mga ito. Sa gayon lamang maaaring patuloy na mabuhay ang sangkatauhan; sa gayon lamang sila maaaring mabuhay sa ilalim ng patnubay ng Diyos sa gayong kapaligiran. Ang Diyos ang May Kataas-taasang Kapangyarihan sa mga patakarang ito ng operasyon, at walang sinuman ang maaaring makialam sa mga ito, ni hindi nila mababago ang mga ito. Tanging ang Diyos Mismo ang nakakaalam sa mga patakarang ito at Siya Mismo lamang ang nakapamamahala sa mga ito. Kung kailan uusbong ang mga puno, kung kailan uulan, gaano karaming tubig at gaano karaming sustansiya ang ibibigay ng lupa sa mga halaman; sa anong panahon malalaglag ang mga dahon; sa anong panahon mamumunga ang mga puno; gaano karaming sustansiya ang ibibigay ng sikat ng araw sa mga puno; ano ang ihihingang palabas ng mga puno matapos mapakain ng sikat ng araw—ang lahat ng bagay na ito ay patiunang itinalaga ng Diyos nang likhain Niya ang lahat ng bagay, bilang mga patakaran na walang makasisira. Ang mga bagay na nilikha ng Diyos, maging sila ay buhay o lumilitaw na walang buhay sa mga mata ng tao, ay nasa kamay Niya, kung saan Siya may kontrol at may kataas-taasang kapangyarihan sa kanila. Walang sinuman ang makapagbabago o makasisira sa mga patakarang ito. Ibig sabihin, nang nilikha ng Diyos ang lahat ng bagay, patiunang itinakda Niya na kung wala ang lupa, ang puno ay hindi maaaring magkaugat, umusbong, at lumago; na kung ang lupa ay walang mga puno, ito ay matutuyo; na ang puno ang magiging tahanan ng mga ibon at ang lugar kung saan sila maaaring magkanlong mula sa malakas na hangin. Mabubuhay ba ang puno kung wala ang lupa? Hinding-hindi. Mabubuhay ba ito kung walang araw o ulan? Hindi rin. Ang lahat ng bagay na ito ay para sa sangkatauhan, para sa ikabubuhay ng sangkatauhan. Mula sa puno, nakatatanggap ang tao ng sariwang hangin, at nabubuhay sa ibabaw ng lupa, na pinangangalagaan ng puno. Hindi mabubuhay ang tao nang walang sikat ng araw o iba’t ibang mga bagay na nabubuhay. Bagaman kumplikado ang mga ugnayang ito, kailangan mong tandaan: Ang tuntunin sa lahat ng bagay na nilikha ng Diyos ay na pinapalakas ng mga ito ang isa’t isa, umasa ang mga ito sa isa’t isa, at sama-samang umiral. Sa madaling salita, bawa’t isang bagay na Kanyang nilikha ay may halaga at kabuluhan sa pag-iral nito. Kung ang Diyos ay lumikha ng isang bagay na walang kabuluhan, paglalahuin ito ng Diyos. Ito ay isa sa mga pamamaraan na ginagamit ng Diyos upang maglaan para sa lahat ng bagay.

—Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi VII

586. Nang nilikha ng Diyos ang lahat ng bagay, ginamit Niya ang lahat ng uri ng sistema at pamamaraan para mabalanse ang mga ito, upang mabalanse ang mga kalagayan sa pamumuhay ng mga kabundukan at mga lawa, ng mga halaman at ng lahat ng uri ng mga hayop, ibon, at insekto. Ang Kanyang layunin ay upang tulutan ang lahat ng uri ng mga nilalang na mabuhay at magparami sa ilalim ng mga batas na Kanyang itinatag. Walang isa mang bagay na nilikha ang makakalabag sa mga batas na ito, at hindi maaaring labagin ang mga batas. Sa loob lamang ng ganitong uri ng pangunahing kapaligiran na maaaring ligtas na makapanatiling buhay at makapagparami ang mga tao, sa maraming salinlahi. Kung ang isang nabubuhay na nilikha ay lumampas sa dami o saklaw na itinatag ng Diyos, o kapag nilampasan nito ang bilis ng paglago, dalas ng pagpaparami, o bilang na Kanyang idinikta, ang kapaligiran para sa patuloy na pamumuhay ng sangkatauhan ay magdaranas ng magkakaibang mga antas ng pagkawasak. At sa kaparehong panahon, ang kakayahang mabuhay ng sangkatauhan ay manganganib. Kapag ang isang uri ng nabubuhay na nilalang ay masyadong marami sa bilang, nanakawin nito sa tao ang kanilang pagkain, sisirain ang mga pinagkukunan ng tubig ng mga tao, at sisirain ang kanilang mga bayan. Sa gayong paraan, ang pagpaparami ng sangkatauhan o ang kalagayan ng kanilang kakayahan para mabuhay ay dali-daling maaapektuhan. … Kung mayroon lamang isang uri o iba’t ibang uri ng nilalang na may buhay ang lumampas sa angkop na bilang nito, kung gayon ang hangin, temperatura, kahalumigmigan, at maging ang nilalaman ng hangin sa loob ng espasyo ng sangkatauhan para sa patuloy na pamumuhay ay malalason at masisira sa magkakaibang antas. Sa ilalim ng ganitong mga kalagayan, ang patuloy na pamumuhay at kapalaran ng mga tao ay mapapasailalim din sa mga bantang dulot ng gayong uri ng mga salik sa ekolohiya. Kaya, kapag nawala ang mga balanseng iyon, ang hangin na hinihinga ng mga tao ay masisira, ang tubig na kanilang iniinom ay magiging kontaminado, at ang mga temperatura na kanilang kinakailangan ay magbabago rin at maaapektuhan sa iba’t ibang mga antas. Kung mangyayari iyon, ang mga kapaligiran para sa patuloy na pamumuhay na likas na pag-aari ng sangkatauhan ay mapapasailalim sa mga katakut-takot na mga dagok at mga hamon. Sa ganitong uri ng kalagayan kung saan ang pangunahing mga kapaligiran para sa patuloy na pamumuhay ng sangkatauhan ay nasira, ano ang magiging kapalaran at mga inaasahan ng sangkatauhan? Ito ay isang napakaseryosong suliranin! Sapagkat nalalaman ng Diyos kung bakit umiiral ang bawat isa sa mga bagay na nilikha alang-alang sa sangkatauhan, ano ang papel ng bawat uri ng bagay na Kanyang nilikha, anong uri ng epekto ang mayroon ito sa sangkatauhan, at gaano kalaki ang pakinabang ng sangkatauhan dito, dahil sa puso ng Diyos ay may plano para sa lahat ng ito at pinamamahalaan Niya ang bawat isang aspeto sa lahat ng bagay na Kanyang nilikha, kaya ang bawat isang bagay na Kanyang ginagawa ay napakahalaga at kinakailangan ng sangkatauhan. Kaya mula ngayon, sa tuwing makamamasid ka ng ilang kakaibang pangyayaring ekolohikal sa mga bagay na nilikha ng Diyos, o ilang likas na mga batas na ipinatutupad sa mga bagay na nilikha ng Diyos, hindi ka na magdududa pa sa pangangailangan ng bawat isang bagay na nilikha ng Diyos. Hindi ka na uli gagamit pa ng mga ignoranteng pananalita upang gumawa ng mga hindi makatwirang paghatol sa pagsasaayos ng Diyos sa lahat ng bagay at sa Kanyang iba’t ibang pamamaraan ng pagkakaloob sa sangkatauhan. Ni hindi ka rin gagawa ng mga hindi makatwirang konklusyon tungkol sa mga batas ng Diyos para sa lahat ng bagay na Kanyang nilikha.

—Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi IX

587. Kung lahat ng bagay na nilikha ay nawalan ng sarili nitong mga batas, hindi na iiral pa ang mga ito; kung nawalan ng mga batas ang lahat ng bagay, ang mga nabubuhay na nilalang sa lahat ng bagay ay hindi magagawang magpatuloy. Mawawala rin sa sangkatauhan ang kanilang mga kapaligiran kung saan sila umaasa para patuloy na mabuhay. Kung mawala sa mga tao ang lahat ng iyon, hindi na sila makapagpapatuloy na mabuhay at magparami sa bawat henerasyon gaya ng ginagawa nila. Kaya nabubuhay ang mga tao hanggang ngayon ay dahil natutustusan sila ng Diyos ng lahat ng bagay na nilikha upang pangalagaan sila, upang pangalagaan ang sangkatauhan sa iba’t ibang kaparaanan. Dahil lamang sa pangangalaga ng Diyos sa sangkatauhan sa iba’t ibang paraan kaya sila ay patuloy na nabubuhay hanggang sa ngayon sa kasalukuyang panahon. Sa pamamagitan ng nakapirming kapaligiran para sa patuloy na pamumuhay na kanais-nais at may kaayusan, lahat ng iba’t ibang uri ng tao sa lupa, lahat ng iba’t ibang uri ng lahi, ay patuloy na mabubuhay sa loob ng kanilang sariling iminungkahing mga saklaw. Walang sinuman ang maaaring lumampas sa mga saklaw o mga hangganang ito sapagkat ang Diyos ang nagtakda ng mga ito.

—Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi IX

588. Ang espirituwal na mundo ay isang mahalagang lugar, na naiiba sa materyal na mundo. Bakit Ko sinasabing mahalaga ito? Pag-uusapan natin ito nang detalyado. Ang pag-iral ng espirituwal na mundo ay hindi maihihiwalay ang kaugnayan sa materyal na mundo ng sangkatauhan. May malaking papel itong ginagampanan sa pag-inog ng buhay at kamatayan ng tao sa kapamahalaan ng Diyos sa lahat ng bagay; ito ang papel nito, at isa ito sa mga dahilan kaya mahalaga ang pag-iral nito. Dahil ito ay isang lugar na hindi mawari ng limang pandama, walang sinumang makakahatol nang tumpak kung umiiral nga ang espirituwal na mundo o hindi. Ang iba-ibang galaw nito ay lubhang konektado sa pag-iral ng tao, kaya naman ang kaayusan ng buhay ng sangkatauhan ay lubha ring naiimpluwensyahan ng espirituwal na mundo. Kasama ba rito ang dakilang kapangyarihan ng Diyos o hindi? Kasama. Kapag sinasabi Ko ito, nauunawaan ninyo kung bakit Ko tinatalakay ang paksang ito: Ito ay dahil may kinalaman ito sa dakilang kapangyarihan ng Diyos, gayon din sa Kanyang pangangasiwa. Sa isang mundong tulad nito—na hindi nakikita ng mga tao—bawat makalangit na utos, atas, at sistema ng pangangasiwa nito ay lubhang nangingibabaw sa mga batas at sistema ng alinmang bansa sa materyal na mundo, at walang nabubuhay na nilalang sa mundong ito ang mangangahas na salungatin o labagin ang mga ito. Nauugnay ba ito sa dakilang kapangyarihan at pangangasiwa ng Diyos? Sa espirituwal na mundo, may malilinaw na atas administratibo, malilinaw na makalangit na utos, at malilinaw na batas. Sa iba’t ibang antas at sa iba-ibang lugar, ang mga tagapaglingkod ay mahigpit na tumutupad sa kanilang mga tungkulin at sumusunod sa mga panuntunan at regulasyon, sapagkat alam nila kung ano ang ibubunga ng paglabag sa isang makalangit na utos; alam na alam nila kung paano pinarurusahan ng Diyos ang masama at ginagantimpalaan ang mabuti, at kung paano Niya pinangangasiwaan at pinamumunuan ang lahat ng bagay. Bukod pa riyan, malinaw nilang nakikita kung paano Niya isinasagawa ang Kanyang makalangit na mga utos at batas. Naiiba ba ang mga ito mula sa materyal na mundong tinitirhan ng sangkatauhan? Tunay ngang malaki ang kanilang pagkakaiba. Ang espirituwal na mundo ay isang mundo na ganap na naiiba sa materyal na mundo. Yamang may mga makalangit na utos at batas, may kinalaman ito sa dakilang kapangyarihan at pangangasiwa ng Diyos at, bukod pa riyan, sa Kanyang disposisyon, gayon din sa kung anong mayroon Siya at kung ano Siya.

—Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi X

589. Nagtatag na ang Diyos ng iba-ibang makalangit na mga utos, atas, at sistema sa espirituwal na dako, at kapag naipahayag na ang mga ito, ipinatutupad ang mga ito nang napakahigpit, ayon sa itinakda ng Diyos, ng mga nilalang sa iba-ibang opisyal na katungkulan sa espirituwal na mundo, at walang sinumang mangangahas na labagin ang mga ito. Samakatuwid, sa siklo ng buhay at kamatayan ng sangkatauhan sa mundo ng tao, nagkaroon mang muli ng katawan ang isang tao bilang hayop o bilang tao, may mga batas para sa dalawang ito. Dahil ang mga batas na ito ay nagmumula sa Diyos, walang sinumang nangangahas na suwayin ang mga ito, ni walang sinumang nakakasuway sa mga ito. Dahil lamang sa dakilang kapangyarihang ito ng Diyos, at dahil umiiral ang gayong mga batas, kaya regular at maayos ang materyal na mundong nakikita ng mga tao; dahil lamang sa dakilang kapangyarihang ito ng Diyos kaya nagagawa ng sangkatauhan na sumabay sa pag-iral nang payapa sa ibang mundong lubos nilang hindi nakikita, at nagagawang mabuhay na kasundo nito—na lahat ay hindi maihihiwalay sa dakilang kapangyarihan ng Diyos. Pagkamatay ng buhay sa laman ng isang tao, may buhay pa rin ang kaluluwa, kaya nga ano ang mangyayari kung wala ito sa ilalim ng pangangasiwa ng Diyos? Gagala ang kaluluwa sa buong lugar, manghihimasok kahit saan, at pipinsalain pa ang mga bagay na may buhay sa mundo ng tao. Ang gayong pinsala ay hindi lamang gagawin sa sangkatauhan kundi maaari ding gawin sa mga halaman at hayop—gayunman, ang unang mapipinsala ay ang mga tao. Kung mangyayari ito—kung ang kaluluwang ito ay hindi napangasiwaan, tunay na puminsala sa mga tao, at talagang gumawa ng masasamang bagay—maayos ding pakikitunguhan ang kaluluwang ito sa espirituwal na mundo: Kung malubha ang mga bagay-bagay, hindi magtatagal at titigil sa pag-iral ang kaluluwa, at wawasakin. Kung maaari, ilalagay ito sa isang lugar at pagkatapos ay magkakaroong muli ng katawan. Ibig sabihin, itinakda na ang pangangasiwa ng espirituwal na mundo sa iba-ibang kaluluwa, at ipinatutupad alinsunod sa mga hakbang at panuntunan. Dahil lamang sa gayong pangangasiwa kaya hindi pa nagkakagulo sa materyal na mundo ng tao, kaya ang mga tao sa materyal na mundo ay nagtataglay ng normal na mentalidad, normal na pagkamakatwiran, at isang isinaayos na buhay sa laman. Pagkatapos magkaroon ng gayong normal na buhay ang sangkatauhan, saka lamang magagawa ng mga nabubuhay sa laman na patuloy na mabuhay at magparami sa lahat ng henerasyon.

—Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi X

590. Ang pagkamatay ng isang nilalang na may buhay—ang pagwawakas ng isang pisikal na buhay—ay nagpapahiwatig na ang nilalang na may buhay ay pumanaw na sa materyal na mundo at nagtungo sa espirituwal na mundo, samantalang ang pagsilang ng isang bagong pisikal na buhay ay nagpapahiwatig na ang isang nilalang na may buhay ay naparito na mula sa espirituwal na mundo patungo sa materyal na mundo at nagsimula nang gawin at gampanan ang papel nito. Paglisan man o pagdating ng isang nilalang, parehong hindi maihihiwalay ang mga ito mula sa gawain ng espirituwal na mundo. Pagdating ng panahon na dumating ang isang tao sa materyal na mundo, nakabuo na ang Diyos ng angkop na mga plano at pakahulugan sa espirituwal na mundo kung saang pamilya mapupunta ang taong iyon, ang panahon kung kailan sila darating, ang oras ng kanilang pagdating, at ang papel na kanilang gagampanan. Sa gayon, ang buong buhay ng taong ito—ang mga bagay na kanilang ginagawa, at ang mga landas na kanilang tinatahak—ay magpapatuloy ayon sa mga planong ginawa sa espirituwal na mundo, nang wala ni katiting na paglihis. Bukod pa riyan, ang panahon kung kailan magwawakas ang isang pisikal na buhay at ang paraan at lugar kung saan ito magwawakas ay malinaw at nahihiwatigan sa espirituwal na mundo. Pinamumunuan ng Diyos ang materyal na mundo, at pinamumunuan din Niya ang espirituwal na mundo, at hindi Niya aantalahin ang normal na siklo ng buhay at kamatayan ng isang kaluluwa, ni hindi Siya maaaring gumawa ng anumang mga pagkakamali sa mga plano ng siklong iyon. Bawat isa sa mga tagapamahala sa mga opisyal na puwesto sa espirituwal na mundo ay isinasagawa ang kanilang indibiduwal na mga gawain, at ginagawa yaong kinakailangan nilang gawin, alinsunod sa mga tagubilin at mga panuntunan ng Diyos. Sa gayon, sa mundo ng sangkatauhan, bawat materyal na kakaibang pangyayari na namasdan ng tao ay nasa ayos, at hindi magulo. Lahat ng ito ay dahil sa maayos na pamumuno ng Diyos sa lahat ng bagay, gayundin sa katotohanan na ang Kanyang awtoridad ang namumuno sa lahat ng bagay. Kabilang sa Kanyang kapamahalaan ang materyal na mundong tinitirhan ng tao at, bukod pa riyan, ang di-nakikitang espirituwal na mundo sa likod ng sangkatauhan. Samakatuwid, kung nais ng mga tao na magkaroon ng mabuting buhay, at inaasam na manirahan sa magandang kapaligiran, bukod pa sa mabigyan ng buong materyal na mundong nakikita, kailangan din silang mabigyan ng espirituwal na mundo, na hindi nakikita ninuman, na namamahala sa bawat nilalang na may buhay para sa kapakanan ng sangkatauhan, at maayos.

—Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi X

591. Mula sa sandaling isilang kang umiiyak sa mundong ito, sinisimulan mo nang gampanan ang iyong mga responsabilidad. Alang-alang sa plano ng Diyos at sa Kanyang ordinasyon, ginagampanan mo ang iyong papel at sinisimulan ang iyong paglalakbay sa buhay. Anuman ang iyong maaaring pinagmulan, at anumang paglalakbay ang maaaring nasa iyong harapan, walang makakatakas sa mga pamamatnugot at pagsasaayos ng Langit, at walang sinumang makakakontrol sa sarili nilang kapalaran, dahil Siya lamang na may kataas-taasang kapangyarihan sa lahat ng bagay ang may kakayahan sa gayong gawain. Mula nang umiral ang tao sa simula, palagi nang ginagampanan ng Diyos ang Kanyang gawain sa ganitong paraan, pinamamahalaan ang sansinukob, at pinangangasiwaan ang mga batas ng pagbabago para sa lahat ng bagay at ang takbo ng kanilang paggalaw. Tulad ng lahat ng bagay, tahimik at hindi alam ng tao na pinalulusog siya ng tamis at ulan at hamog mula sa Diyos; tulad ng lahat ng bagay, hindi alam ng tao na namumuhay siya sa ilalim ng pamamatnugot ng kamay ng Diyos. Ang puso at espiritu ng tao ay hawak ng Diyos, at lahat ng tungkol sa buhay niya ay namamasdan ng mga mata ng Diyos. Naniniwala ka man sa lahat ng ito o hindi, ang anuman at ang lahat ng bagay, buhay man o patay, ay lilipat, magbabago, mapapanibago, at maglalaho alinsunod sa mga iniisip ng Diyos. Ganito humahawak ng kataas-taasang kapangyarihan ang Diyos sa lahat ng bagay.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Diyos ang Pinagmulan ng Buhay ng Tao

592. Nilikha ng Diyos ang mundong ito at dinala rito ang tao, isang buhay na nilalang na pinagkalooban Niya ng buhay. Pagkatapos, nagkaroon ng mga magulang at kamag-anak ang tao, at hindi na nag-iisa. Mula nang unang makita ng tao ang materyal na mundong ito, itinadhana siyang mamuhay sa loob ng pag-orden ng Diyos. Ang hininga ng buhay mula sa Diyos ang sumusuporta sa bawat nabubuhay na nilalang sa kanilang paglaki hanggang sa kanilang pagtanda. Sa panahon ng prosesong ito, walang nakadarama na umiiral at lumalaki ang tao sa ilalim ng pangangalaga ng Diyos; sa halip, naniniwala siya na ang tao ay lumalaki sa ilalim ng biyaya ng pagpapalaki ng mga magulang, at na ang sarili niyang instinto sa buhay ang gumagabay sa kanyang paglaki. Ito ay dahil hindi alam ng tao kung sino ang nagkaloob ng buhay niya, o kung saan ito nanggaling, lalo nang hindi niya alam kung paano lumilikha ng mga himala ang instinto ng buhay. Ang alam lang niya ay na pagkain ang saligan ng pagpapatuloy ng kanyang buhay, na pagtitiyaga ang pinagmumulan ng pag-iral ng buhay niya, at na ang mga paniniwala sa kanyang isipan ang puhunan kung saan nakadepende ang kanyang pananatiling buhay. Tungkol sa biyaya at panustos ng Diyos, ganap na walang kamalayan ang tao, at sa ganitong paraan niya inaaksaya ang buhay na ipinagkaloob sa kanya ng Diyos…. Wala kahit isang tao, na pinangangalagaan ng Diyos sa araw at gabi, ang nagkukusang sumamba sa Kanya. Patuloy lang na gumagawa ang Diyos sa taong wala Siyang anumang inaasahan, ayon sa naplano na Niya. Ginagawa Niya iyon sa pag-asang balang araw, magigising ang tao mula sa panaginip nito at biglang matatanto ang halaga at kabuluhan ng buhay, ang halagang ibinayad ng Diyos para sa lahat ng Kanyang ibinigay rito, at ang pananabik ng Diyos na masidhing nag-aasam na manumbalik ang tao sa Kanya. …

Lahat ng dumarating sa mundong ito ay kailangang magdaan sa buhay at kamatayan, at karamihan sa kanila ay nagdaan na sa siklo ng kamatayan at muling pagsilang. Yaong mga nabubuhay ay malapit nang mamatay, at ang patay ay malapit nang magbalik. Lahat ng ito ay ang landas ng buhay na isinaayos ng Diyos para sa bawat buhay na nilalang. Ngunit ang landas at siklong ito ay ang mismong katunayan na nais ng Diyos na makita ng tao: na ang buhay na ipinagkaloob ng Diyos sa tao ay walang katapusan, hindi nalilimitahan ng katawan, panahon, o kalawakan. Ito ang misteryo ng buhay na ipinagkaloob ng Diyos sa tao, at patunay na ang buhay ay nagmula sa Kanya. Bagama’t maaaring maraming hindi naniniwala na ang buhay ng tao ay nagmula sa Diyos, hindi naiiwasan na tinatamasa ng tao ang lahat ng nagmumula sa Diyos, pinaniniwalaan man niya o itinatatwa ang pag-iral ng Diyos. Kung sakaling dumating ang araw na biglang magbago ang puso ng Diyos at naisin Niyang bawiin ang lahat ng umiiral sa mundo at ang buhay na naibigay Niya, mawawala na ang lahat. Ginagamit ng Diyos ang Kanyang buhay para tustusan ang lahat ng bagay, kapwa buhay at walang buhay, na dinadala ang lahat sa magandang kaayusan sa bisa ng Kanyang kapangyarihan at awtoridad. Ito ay isang katunayan na walang makakaisip o makakaarok, at ang mga katunayang ito na hindi maarok ang siya mismong pagpapamalas, at katibayan, ng puwersa ng buhay ng Diyos. Ngayo’y may lihim Akong sasabihin sa iyo: Ang kadakilaan at kapangyarihan ng buhay ng Diyos ay di-maarok ng sinumang nilikha. Gayon ito ngayon, tulad noon, at magkakagayon pagdating ng panahon. Ang pangalawang lihim na sasabihin Ko ay ito: Ang pinagmumulan ng buhay ng lahat ng nilikha ay ang Diyos; gaano man ang kanilang pagkakaiba sa anyo o kayarian, at ano mang uri ka ng buhay na nilalang, walang nilalang ang maaaring sumalungat sa landas ng buhay na itinakda ng Diyos. Gayunman, ang nais Ko lang ay maunawaan ito ng tao: Kung walang pangangalaga, proteksyon, at panustos ng Diyos, hindi matatanggap ng tao ang lahat ng dapat niyang matanggap, gaano man katindi ang kanyang pagsisikap o pagpupunyagi. Kung wala ang panustos ng buhay mula sa Diyos, nawawalan ng pagpapahalaga ang tao sa buhay at ng kahulugan ng buhay. Paano matutulutan ng Diyos na sayangin ng tao ang halaga ng Kanyang buhay, na walang inaalala? At tulad ng nasabi Ko dati: Huwag kalimutan na ang Diyos ang pinagmumulan ng iyong buhay.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Diyos ang Pinagmulan ng Buhay ng Tao

593. Ang Diyos ang Siyang may kataas-taasang kapangyaihan sa lahat ng bagay at nangangasiwa sa lahat ng bagay. Nilikha Niya ang lahat ng narito, at pinangangasiwaan Niya ang lahat ng narito; kasabay nito, may kataas-taasang kapangyarihan siya sa lahat ng narito, at tinutustusan Niya ang lahat ng narito. Ito ang katayuan ng Diyos, at ang Kanyang pagkakakilanlan. Para sa lahat ng bagay at sa lahat ng narito, ang tunay na pagkakakilanlan ng Diyos ay ang Lumikha at ang May Kataas-taasang Kapangyarihan sa lahat ng bagay. Iyan ang pagkakakilanlan na taglay ng Diyos, na natatangi sa lahat ng bagay. Wala ni isa sa mga nilikha—sa sangkatauhan man o sa espirituwal na mundo—ang maaaring gumamit ng anumang kaparaanan o katwiran para magkunwaring Diyos o pumalit sa pagkakakilanlan at katayuan ng Diyos, sapagkat Siya lamang, sa lahat ng bagay, ang nagtataglay ng pagkakakilanlan, kapangyarihan, awtoridad, at kakayahang ito na magkaroon ng kataas-taang kapangyarihan sa lahat ng bagay: ang ating natatanging Diyos Mismo. Siya ay nabubuhay at naglalakad sa lahat ng bagay; maaari din Siyang umangat sa pinakamataas na lugar, sa ibabaw ng lahat ng bagay. Maaaring magpakumbaba Siya Mismo at maging tao, maging isa sa mga may laman at dugo, makaharap sa mga tao at makibahagi sa kanilang kaligayahan at kalungkutan, samantalang kasabay nito, inuutusan Niya ang lahat ng narito, at pinagpapasyahan ang kapalaran ng lahat ng narito at kung saang direksyon patungo ang lahat ng ito. Bukod pa riyan, ginagabayan Niya ang kapalaran ng buong sangkatauhan, at pinapatnubayan ang direksyon ng pag-usad ng sangkatauhan. Ang isang Diyos na tulad nito ay dapat sambahin, dapat magpasakop ang lahat sa Kanya, at kilalanin ng lahat ng taong may buhay. Sa gayon, saanmang grupo o uri ng sangkatauhan ka nabibilang, ang paniniwala sa Diyos, pagsunod sa Diyos, pagkatakot sa Diyos, pagtanggap sa Kanyang kataas-taasang kapangyarihan, at pagtanggap sa Kanyang mga pagsasaayos para sa iyong kapalaran ang tanging pagpipilian—ang kinakailangang pagpili—para sa sinumang tao, para sa sinumang may buhay. Sa pagiging natatangi ng Diyos, nakikita ng mga tao na ang Kanyang awtoridad, Kanyang matuwid na disposisyon, Kanyang diwa, at mga kaparaanan kung paano Niya tinutustusan ang lahat ng bagay ay ganap na natatanging lahat; ang pagiging natatanging ito ang tumutukoy sa tunay na pagkakakilanlan ng Diyos Mismo, at ito ang tumutukoy sa Kanyang katayuan. Samakatuwid, sa lahat ng nilikha, kung nais pumalit ng anumang nilalang na may buhay sa espirituwal na mundo o sa sangkatauhan ang magnais sa lugar ng Diyos, imposibleng magtagumpay ito, tulad ng anumang pagtatangkang magkunwaring Diyos. Totoo ito.

—Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi X

594. Ang huling gawain Ko ay hindi lamang alang-alang sa pagpaparusa sa tao, kundi alang-alang din sa pag-aayos ng destinasyon ng tao. Higit pa rito, ito ay alang-alang sa pagdulot sa lahat ng tao na kilalanin ang mga gawa at mga kilos Ko. Ipapakita Ko sa bawat tao na ang lahat ng nagawa Ko ay tama at isang pagpapahayag ng disposisyon Ko, na hindi ito kagagawan ng tao, at lalong hindi ito kalikasan na nagluwal sa sangkatauhan, at na sa halip ay Ako ang nagbibigay-sustansya sa lahat ng nabubuhay na nilalang sa gitna ng lahat ng bagay. Kung wala ang pag-iral Ko, mamamatay lamang ang sangkatauhan at pagdurusahan ang hagupit ng kapahamakan. Walang tao ang kailanman ay makikitang muli ang napakarikit na araw at buwan, o ang luntiang mundo; tanging madilim at malamig na gabi lamang ang sasapitin ng sangkatauhan at ang di-matatakasang lambak ng anino ng kamatayan. Ako lamang ang katubusan ng sangkatauhan. Ako lamang ang pag-asa ng sangkatauhan at, higit pa rito, Ako ang Siya kung saan nakasalalay ang pag-iral ng lahat ng sangkatauhan. Kung wala Ako, agad na hihinto ang sangkatauhan, kung wala Ako, magdurusa lang ng masaklap na kalamidad at yuyurakan ng lahat ng uri ng mga multo ang sangkatauhan, bagaman walang nagbibigay ng pansin sa Akin. Nakagawa na Ako ng gawaing walang ibang sinumang makagagawa, at umaasa lamang na mababayaran Ako ng tao ng ilang mabubuting gawa. Bagaman iilan lamang ang nagagawang makabayad sa Akin, tatapusin Ko pa rin ang paglalakbay Ko sa mundo ng tao at sisimulan ang susunod na hakbang ng gawain na malapit nang maganap, sapagkat ang lahat ng nagmamadaling paroo’t parito Ko sa gitna ng tao nitong maraming taon ay naging mabunga, at napakanasisiyahan Ako. Ang pinahahalagahan Ko ay hindi ang bilang ng mga tao, kundi ang mabubuti nilang gawa. Gayunman, umaasa Akong naghahanda kayo ng sapat na mabubuting gawa para sa patutunguhan ninyo. Kung gayon ay malulugod Ako; kung hindi, wala sa inyong makatatakas sa daluyong ng sakuna. Magmumula sa Akin ang sakuna at mangyari pa ay pinapamatnugutan Ko. Kung hindi kayo lilitaw bilang mabuti sa paningin Ko, hindi ninyo matatakasang pagdusahan ang sakuna.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Maghanda ng Sapat na Mabubuting Gawa para sa Iyong Hantungan

Sinundan: C. Tungkol sa Kabanalan ng Diyos

Sumunod: XII. Mga Salita tungkol sa Konstitusyon, mga Atas-Administratibo at mga Kautusan ng Kapanahunan ng Kaharian

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos  Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IX) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito