186 Nakikita Ko kung Gaano Katotoo ang Pag-ibig ng Diyos

1 Itinaas tayo sa harap ng Diyos, ang ating mga puso ay pinatamis ng Kanyang mga salita. Nagagalak talaga ako sa pagdalo sa kapistahan ng Diyos; tunay na ito ang Kanyang pinakadakilang pagpapala. Ang mga salita ng paghatol ng Diyos ay tulad ng isang matalim na espada, inilalantad ang aking masamang kaluluwa. Gumugol ako para sa Diyos para lamang makamit ang Kanyang mga pagpapala; tunay na wala akong budhi o katinuan. Nakita ko ang lalim ng aking katiwalian, at na wala akong pagkakatulad sa tao. Napuno ng panghihinayang, nagsisisi ako sa harap ng Diyos at nagmamakaawa sa Kanya na patawarin ako at maawa sa akin. Hindi ako tinatrato ng Diyos batay sa aking mga paglabag; tahimik na hinihintay Niya akong bumalik sa Kanya. Sa pagkakita ko kung gaano katotoo ang Kanyang pag-ibig, sinusundan ko Siya ngayon nang may higit na pagtitiwala.

2 Tahimik na hinahangad ang katotohanan sa harap ng Diyos, nauunawaan ko ang Kanyang mga marubdob na layunin; sa likod ng mga salita ng paghatol ay natatago ang Kanyang pag-ibig at mga pagpapala. Tanging pagkatapos tanggapin ang paghatol ng mga salita ng Diyos ko tunay na nakilala ang aking sarili. Sa mga pagsubok at lahat ng uri ng pagdurusa, nalinis ang aking katiwalian. Sa pagkakita ko kung gaano kaibig-ibig ang disposisyon ng Diyos, napuno ako ng pasasalamat at pagpupuri. Masaya akong nagpapasakop sa harap Niya, at ang aking puso ay nakilala ang kapayapaan at kaligayahan. Napakasayang maging isang matapat na tao, isinasagawa ang katotohanan at nabubuhay sa harap ng Diyos. Nakatatakas kay Satanas at naililigtas ng Diyos, ang isang tao’y maisasabuhay ang pagkakatulad sa tao at maluluwalhati ang Diyos.

Sinundan: 185 Nakita Ko na ang Diyos

Sumunod: 187 Susuklian Ko ang Pagmamahal ng Diyos

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito