185 Nakita Ko na ang Diyos
1 Narinig ko ang tinig ng Diyos at bumalik ako sa Kanyang harapan. Sinambit ko ang pangalan Niya sa panalangin, na parang bumabalik sa aking sariling ina. Alam ng Diyos ang sakit sa puso ko, alam ng Diyos kung ano talaga ang pinananabikan ko. Diniligan ng mga salita ng Diyos ang puso kong uhaw, at natikman ko ang katamisan ng mga ito at naranasan ang init ng Kanyang pamilya. Ang paghatol ng mga salita ng Diyos ay ibinunyag ang katotohanan ng katiwalian ng tao, at sa wakas ay nakita kong puno ako ng satanikong disposisyon at nabuhay lamang para sa laman. Nanampalataya ako sa Panginoon para lamang pagpalain, hinahangad ang katanyagan at kayamanan. Matagal ko nang nawala ang aking konsiyensiya bilang isang tao. Ginising ako ng mga salita ng paghatol ng Diyos, at noon ko lamang nahanap ang direksiyon sa buhay. Si Cristo ang iniibig ng puso ko, at buong puso kong nais na masinsinan Siyang sundin.
2 Napakarami ko nang natamo sa pagdanas ng paghatol ng Diyos, at bawat isa sa Kanyang mga salita ay tumatagos sa aking puso gaya ng isang espada. Ako, na napakamapagmataas, ay nagbaba ng aking ulo at kinamuhian ang aking sarili sa pagiging napakamakasarili at kawalan ng pagkatao. Tanging salamat sa paghatol ng Diyos na ako ay nagbago. Nagpapasalamat ako sa paghatol ng Diyos, para sa paglilinis at pagliligtas sa akin. Bagaman malupit ang Kanyang mga salita, sinabi ang lahat ng mga ito para sa kaligtasan ng tao. Ang Kanyang puso ay napakabait at napakabuti. Ang bawat salita Niya ay nagbubunyag ng Kanyang matuwid na disposisyon at gumigising sa paggalang sa aking puso. Nalinis ang aking tiwaling disposisyon at nakaharap ako sa Diyos. Nilalasap ko ang Kanyang mga salita araw-araw; namumuhay ako sa Kanyang harapan, at ang aking puso ay puno ng kagalakan at kapayapaan. Talagang tunay ang pag-ibig ng Diyos, talagang totoo, karapat-dapat Siya sa mga papuri ng tao. Nais kong mahalin at patotohanan ang Diyos, at palaging nasa tabi Niya.