771 Pinoprotektahan ng Diyos ang mga Taong Nagmamahal sa Kanya
1 Sa hinaharap, maaaring dumating sa iyo ang malalaking pagsubok—pero ngayon, kung mahal mo ang Diyos nang may tapat na puso, at gaano man kalaki ang mga pagsubok na darating, anuman ang mangyari sa iyo, nagagawa mong panindigan ang iyong pagpapatotoo, at nagagawa mong bigyang-kasiyahan ang Diyos, pagiginhawahin ang iyong puso, at hindi ka matatakot gaano man kalaki ang mga pagsubok na iyong makakatagpo sa hinaharap. Hindi ninyo makikita kung ano ang mangyayari sa hinaharap; maaari lamang ninyong bigyang-kasiyahan ang Diyos sa mga kalagayan sa ngayon. Wala kayong kakayahang gumawa ng anumang dakilang gawain at dapat kayong tumuon sa pagbibigay-kasiyahan sa Diyos sa pamamagitan ng pagdanas ng Kanyang mga salita sa tunay na buhay, at magpahayag ng matibay at maugong na pagpapatotoo na nagdadala ng kahihiyan kay Satanas.
2 Bagama’t mananatili ang iyong laman na hindi ganap na nasisiyahan at nagdusa, naghatid ka ng kasiyahan sa Diyos at nagdala ng kahihiyan kay Satanas. Kung lagi kang nagsasagawa sa ganitong paraan, magbubukas ang Diyos ng isang landas sa harap mo. Kapag, isang araw, dumating ang isang malaking pagsubok, babagsak ang iba, ngunit makatatayo ka nang matatag: Dahil sa halaga na iyong binayaran, iingatan ka ng Diyos upang matatag kang makatayo at hindi bumagsak. Kung sa karaniwan ay naisasagawa mo ang katotohanan at nabibigyang-kasiyahan ang Diyos nang may pusong tunay na nagmamahal sa Kanya, tiyak na iingatan ka ng Diyos sa mga pagsubok sa hinaharap. Bagama’t hangal ka at mababa ang katayuan at mahina ang kakayahan, hindi kikiling ang Diyos laban sa iyo. Batay ito sa kung ang iyong mga layunin ay tama.
3 Ngayon, nabibigyang-kasiyahan mo ang Diyos, kung saan maasikaso ka sa pinakamaliliit na detalye, pinalulugod mo ang Diyos sa lahat ng bagay, mayroon kang pusong tunay na nagmamahal sa Diyos, ibinibigay mo ang tunay mong puso sa Diyos, at bagama’t may ilang bagay na hindi mo maunawaan, kaya mong humarap sa Diyos upang maitama ang iyong mga intensyon, at hanapin ang kalooban ng Diyos, at ginagawa mo ang lahat na kailangan upang bigyang-kasiyahan ang Diyos. Marahil ay iiwan ka ng lahat ng iyong kapatid, ngunit palulugurin ng puso mo ang Diyos, at hindi mo pagnanasaan ang mga kasiyahan ng laman. Kung lagi kang nagsasagawa sa ganitong paraan, iingatan ka pagdating sa iyo ng malalaking pagsubok.
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Pagmamahal Lamang sa Diyos ang Tunay na Pananampalataya sa Diyos