39 Dinala ng Diyos ang Tao sa Bagong Panahon
Gawain ng Diyos ay namumuno
sa buong sansinukob,
bukod pa roon, kidlat ay kumikislap
mula Silangan Pakanluran.
I
Ipinalalaganap ng Diyos
ang gawain Niya sa mga Hentil.
Kaluwalhatian Niya’y kumikislap sa sansinukob.
Kalooban Niya’y taglay ng mga naglipanang tao,
lahat ginagabayan Niya sa nakatalagang gawain.
Ngayo’y nakapasok na Siya
sa bagong kapanahunan,
dinadala ang lahat ng tao sa ibang mundo.
Ito’y bagong panahon nga naman,
at nagdala ang Diyos ng bagong gawain
upang dalhin ang mas maraming
bagong tao sa bagong panaho’t
mapalayas yaong Kanyang ititiwalag.
Ito’y bagong panahon nga naman.
II
Nang bumalik ang Diyos
sa Kanyang “tinubuang-lupa,”
sinimulan Niya’ng isa pang parte
ng Kanyang plano,
upang mas makilala Siya ng tao.
Ganap na namamasdan ng Diyos
ang sansinukob.
Nakikita Niya ang tamang panahon
para magawa ang gawain Niya.
Pumaparito’t pumaparoon Siya,
ginagawa’ng bago Niyang gawain sa tao.
Ito’y bagong panahon nga naman,
at nagdala ang Diyos ng bagong gawain
upang dalhin ang mas maraming
bagong tao sa bagong panaho’t
mapalayas yaong Kanyang ititiwalag.
Ito’y bagong panahon nga naman.
III
Sa bansa ng malaking pulang dragon,
nagawa ng Diyos ang gawaing ‘di kayang arukin,
dahilan upang tao’y gumiray-giray sa hangin.
Sa pag-ihip nito,
maraming tahimik na natatangay.
Ito ang “giikan” na lilinisin ng Diyos.
Ito’ng plano Niya, ang kinasasabikan Niya.
Ito’y bagong panahon nga naman,
at nagdala ang Diyos ng bagong gawain
upang dalhin ang mas maraming
bagong tao sa bagong panaho’t
mapalayas yaong Kanyang ititiwalag.
Ito’y bagong panahon nga naman.
Ito’ng bagong panahon,
ito’ng bagong panahon,
ito’ng bagong panahon nga naman.
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Dumadagundong ang Pitong Kulog—Nagpopropesiya na ang Ebanghelyo ng Kaharian ay Lalaganap sa Buong Sansinukob