152 Ang Diwa ni Cristo ay Sumusunod sa Kalooban ng Ama sa Langit

Ang diwa ni Cristo’y ang Espiritu,

ang diwa na ito ay pagka-Diyos.


I

Ang diwa ni Cristo’y ang sa Diyos Mismo,

na ‘di gagambala sa sarili Niyang gawain.

Wala Siyang gagawing anumang

sisira sa alinman sa sarili Niyang gawain.


‘Di Siya magsasalita kahit kailan

ng labag sa Kanyang kalooban.

Kaya nagkatawang-taong Diyos ay ‘di gagawa

ng ikahihinto ng Kanyang pamamahala.


‘Di naghihimagsik ang Diyos;

mabuti lamang ang diwa ng Diyos.

Inihahayag Niya ang kagandahan,

kabutihan, pag-ibig.

Maging sa katawang-tao,

Siya’y sumusunod sa Ama.

Kahit maging kapalit ay buhay Niya,

Siya ay palaging buong pusong nakahanda.


II

‘Di nagmamatuwid sa sarili ang Diyos;

wala Siyang panlilinlang o kayabangan.

Gaano man kahirap ang gawain,

kahina ang laman,

‘di Niya gagambalain ang gawain ng Diyos.


‘Di Niya tatalikdan ang kalooban ng Ama

sa pamamagitan ng pagsuway.

Mas gusto Niyang magdusa ng sakit ng laman

kaysa sumuway sa kalooban ng Diyos Ama.


Tao ay maaaring pumili,

ngunit ‘di kailanman ‘yon gagawin ni Cristo.

Kahit na Siya’y may pagkakakilanlan ng Diyos,

hinahanap pa rin Niya ang kalooban ng Ama,

ginagawa ang ipinagkatiwala ng Diyos

sa Kanya sa laman.

Ito’y isang bagay na ‘di maabot ng tao.


III

Lahat ng tao bukod kay Cristo

ay maaaring gumawa

ng bagay na salungat sa Diyos.

Walang direktang makapapasan

ng gawaing ipinagkatiwala ng Diyos;

walang maaaring umako sa pamamahala ng Diyos

bilang sariling tungkulin na gagampanan.


Pagpapasakop sa kalooban ng Diyos Ama,

ito ang diwa ni Cristo.

Subalit, ang pagiging masuwayin sa Diyos

ay isang katangian ni Satanas.

Kaya, ang dalawang bagay

na ito’y magkasalungat.

Sinumang may katangian ni Satanas

ay ‘di matatawag na Cristo.


‘Di kailanman magagawa ng tao

ang gawain ng Diyos,

dahil ang tao ay walang diwa ng Diyos.

Tao’y gumagawa para sa

sariling interes at kinabukasan

habang si Cristo’y ginagawa

ang kalooban ng Kanyang Ama.


Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Diwa ni Cristo ay ang Pagsunod sa Kalooban ng Ama sa Langit

Sinundan: 151 Ang Gawain ng Katawang-tao at ng Espiritu ay may parehong Diwa

Sumunod: 153 Ang Pagkakakilanlan ni Cristo ay Diyos Mismo

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito