Tanong 7: Ang dalawang beses na pagkakatawang-tao ng Diyos ay nagpapatotoo na si Cristo ang katotohanan, ang daan, at ang buhay. Paano natin dapat unawain si Cristo bilang ang katotohanan, ang daan, at ang buhay?
Sagot:
Kung talagang nakikilala ng mga mananampalataya na si Cristo ang katotohanan, ang daan, at ang buhay, talagang napakahalaga nito, at ipinapakita na ang gayong mga mananampalataya ay may tunay na alam sa diwa ni Cristo. Ang gayong tao lamang ang masasabing tunay na nakakakilala sa Diyos. Si Cristo ang praktikal na Diyos na nagkatawang-tao. Tanging ang mga kumikilala kay Cristo at makasusunod sa Kanya ang nakakakilala sa Diyos dahil ang katotohanan, ang daan, at ang buhay ay nagmumula lahat sa Diyos, lahat ay mula sa mga pahayag ng Cristong nagkatawang-tao. Maliban kay Cristo, wala nang katotohanan, daan, at buhay, kaunti lamang ang mga taong nakauunawa nito. Ginagamit ng Diyos ang kakayahan ng taong makilala ang pagkakatawang-tao ng Diyos bilang pamantayan sa pagsubok Niya sa tao. Ang mga nakatutugon lamang sa pamantayang ito sa kanilang paniniwala ang magkakamit ng papuri ng Diyos. Lahat ng tumatanggap at sumusunod sa pagkakatawang-tao ng Diyos ay mga mananagumpay na dinadala sa harapan ng Diyos para gawin munang perpekto. Ang mga hindi tumatanggap at sumusunod kay Cristo ay ipadadala upang danasin ang dusang dulot ng mga kalamidad dahil hindi nila kinikilala ang pagkakatawang-tao ng Diyos at maituturing na mga mangmang na dalaga. Tulad noong dumating ang Panginoong Jesus, dinala Niya ang lahat ng nagmamahal sa katotohanan at ang mga tumanggap sa Kanyang salita at tunay na sumunod sa Kanya sa tuktok ng bundok, personal na ginagabayan at tinuturuan sila, habang hindi pinapansin ang mga nasa relihiyosong daigdig at ang mga naniniwala lamang sa Diyos para sa sarili nilang kapakinabangan dahil naniwala lamang sila sa malabong Diyos ng mataas na kalangitan at hindi tinanggap ang pagkakatawang-tao ng Diyos. Bulag sila sa hindi nila pagkilala sa Diyos. Kaya yaon lamang mga tumatanggap at sumusunod sa nagkatawang-taong Cristo ang tatanggap ng papuri ng Diyos at gagawin Niyang perpekto. Bakit si Cristo lang ang katotohanan, ang daan, at ang buhay? Basahin natin ang isang talata ng salita ng Makapangyarihang Diyos. Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Ang daan ng buhay ay hindi isang bagay na maaaring magkaroon ang kahit na sinuman, ni hindi rin ito isang bagay na madaling matamo ng sinuman. Ito ay sapagkat maaari lamang magmula sa Diyos ang buhay, ibig sabihin, tanging ang Diyos Mismo lamang ang may taglay sa diwa ng buhay, at tanging ang Diyos Mismo lamang ang may daan ng buhay. Kaya tanging ang Diyos lamang ang pinagmumulan ng buhay, at ang bukal na may patuloy na umaagos na buhay na tubig ng buhay. Magmula noong nilikha Niya ang mundo, marami nang nagawang gawain ang Diyos na may kinalaman sa sigla ng buhay, marami na Siyang nagawang gawain na nagbibigay-buhay sa tao, at nagbayad Siya ng napakalaking halaga upang magkamit ng buhay ang tao. Ito ay sapagkat ang Diyos Mismo ang buhay na walang hanggan, at ang Diyos Mismo ang daan kung saan muling binubuhay ang tao” (“Tanging si Cristo ng mga Huling Araw ang Makapagbibigay sa Tao ng Daan ng Buhay na Walang Hanggan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). “Ang Diyos lamang ang nagtataglay ng daan ng buhay. Dahil ang Diyos ay ang buhay na hindi nagbabago, Siya kung gayon ang buhay na walang hanggan; dahil tanging ang Diyos lamang ang daan ng buhay, ang Diyos Mismo kung gayon ang daan ng buhay na walang hanggan” (“Tanging si Cristo ng mga Huling Araw ang Makapagbibigay sa Tao ng Daan ng Buhay na Walang Hanggan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Mula sa salita ng Makapangyarihang Diyos nakikita natin na ang katotohanan, ang daan, at ang buhay ay mula lahat sa Diyos. Tanging Diyos Mismo ang nagtataglay ng landas ng buhay. Sinasabi ng Biblia, “Nang pasimula siya ang Verbo, at ang Verbo ay sumasa Dios, at ang Verbo ay Dios” (Juan 1:1). Ang Verbo ay Diyos. Ang Verbo ay salita ng Diyos. Ang Verbo ang katotohanan, ang daan, at ang buhay. Ang Verbo na naging tao ay tumutukoy sa Espiritu ng Diyos na nagkatotoo sa katawang-tao, ibig sabihin ang katotohanan, ang daan, at ang buhay ay dumating lahat sa katawang-tao. Gaya ng sinasabi ng Makapangyarihang Diyos, “Ang Salita ay nagkatawang-tao at ang Espiritu ng katotohanan ay nagkatotoo sa katawang-tao—na lahat ng katotohanan, ng daan, at ng buhay, ay naparito na sa katawang-tao, at ang Espiritu ng Diyos ay talagang dumating na sa lupa at ang Espiritu ay naparito na sa katawang-tao” (“Pagsasagawa 4” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Ang dalawang pagkakatawang-tao ng Diyos ay kapwa patotoo sa katunayan na Siya ang katotohanan, ang daan, at ang buhay. Nagbigay ito sa tao ng malaking pagbubunyag, ipinakita nito sa kanila na tanging si Cristo ang katotohanan, ang daan, at ang buhay ang mga salita at gawa ni Cristo, lahat ng mayroon at kung ano Siya ay ang katotohanan, ang daan, at ang buhay. Ito ang diwa ni Cristo. Kapag ipinapahayag ni Cristo ang salita ng Diyos, ginagawa Niya ito bilang Diyos Mismo na gumagawa sa gawain ng Diyos, winawakasan ang naunang kapanahunan at nagpapasimula ng bagong kapanahunan, ginagawa ang gawain sa buong kapanahunan ng sangkatauhan. Ang salita ng Diyos na ipinapahayag ni Cristo ang kabuuan ng Kanyang salita sa isang yugto ng gawain. Tunay na ito ang pagpapahayag ng disposisyon ng Diyos, ng lahat ng mayroon at kung ano ang Diyos, ang hiwaga ng plano ng pamamahala ng Diyos, at ang mga hinihingi at balakin ng Diyos para sa sangkatauhan. Lahat ng Kanyang salita ay ang katotohanan. Hindi lamang nito binubuo ang buhay ng tao, maaari din itong magbigay ng buhay sa tao. Tulad nang dumating ang Panginoong Jesus, ipinahayag Niya ang lahat ng katotohanan na kinailangan ng tao sa Kapanahunan ng Biyaya, tinutulutan ang tao na ipagtapat ang kanyang mga kasalanan, magsisi at bumalik sa harap ng Diyos, na nagpagindapat sa kanya na manalangin sa Diyos at lumapit sa Diyos upang matamasa ang Kanyang biyaya, at makita ang Kanyang awa at pagmamahal. Ito ang epektong nakamit ng gawain ng pagtubos. Tinulutan ng gawain ng Panginoong Jesus na mapatawad ang mga kasalanan ng tao, tinutubos ang mga tao mula sa kasalanan. Isinagawa ng Panginoong Jesus ang isang yugto ng gawain ng pagtubos sa sangkatauhan, na pinasisimulan ang Kapanahunan ng Biyaya at winawakasan ang Kapanahunan ng Kautusan. Ang Makapangyarihang Diyos na nagkatawang-tao sa mga huling araw ay dumating na, ipinahayag ang lahat ng katotohanan na nagdadalisay at nagliligtas sa sangkatauhan, at isinagawa ang gawain ng paghatol na nagsisimula sa bahay ng Diyos, tinutulutan ang tao na makita ang matuwid na disposisyon at pagkamakapangyarihan at karunungan ng Diyos, dinadalisay at binabago ang disposisyon ng buhay ng tao, upang ang tao ay matakot sa Diyos at talikuran ang masama, at makipagbuno nang lubusan sa impluwensya ni Satanas, upang bumalik sa harap ng Diyos at makuha ng Diyos. Ang gawain ng Makapangyarihang Diyos ang nagpapasimula sa Kapanahunan ng Kaharian at nagwawakas sa Kapanahunan ng Biyaya. Ipinapakita nito sa atin na lahat ng sinasabi, ginagawa, ipinapahayag at ipinapatunay ni Cristo ay katotohanang lahat. Tanging si Cristo ang makapagtuturo sa tao tungo sa tamang daan, at makapagbibigay sa tao ng buhay at kaligtasan, walang taong nagtataglay o maaaring magpahayag ng gayong mga bagay. Si Cristo ang bukal ng buhay ng tao, Siya ang pagpapakita ng Diyos. Siya ang katotohanan, ang daan, at ang buhay, Tama. ang tanging pagtubos at kaligtasan ng tao. Bukod kay Cristo, walang taong nagtataglay ng katotohanan, ng daan, at ng buhay, madaling makita ang katotohanang ito!
mula sa Mga Klasikong Tanong at Sagot Tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian