Gawain at Pagpasok (3)

Malaki ang ipinagkatiwala ng Diyos sa mga tao at nagsalita na rin Siya tungkol sa kanilang pagpasok sa di-mabilang na paraan. Ngunit dahil ang kakayahan ng mga tao ay lubhang mahina, marami sa mga salita ng Diyos ang nabigong mag-ugat. Iba-iba ang dahilan ng mahinang kakayahang ito, tulad ng katiwalian ng kaisipan at moralidad ng tao, at kawalan ng tamang pagpapalaki; pyudal na mga pamahiin na lubhang nakakapit sa puso ng tao; ubod ng sama at bulok na mga paraan ng pamumuhay na nagbunga ng maraming kasamaan sa pinakamalalalim na sulok ng puso ng tao; mababaw na pagkaarok ng kaalaman sa kultura, kung saan halos siyamnapu’t walong porsiyento ng mga tao ang kulang sa edukasyon tungkol sa kaalaman sa kultura at, higit pa rito, napakakaunti lamang ang nakatatanggap ng mas matataas na antas ng edukasyong pangkultura. Samakatwid, halos walang ideya ang mga tao kung ano ang kahulugan ng Diyos o ng Espiritu, at sa halip ay mayroon lamang silang isang malabo at hindi maliwanag na wangis ng diyos na nakuha mula sa pyudal na mga pamahiin. Ang mga mapanirang impluwensiya at pyudal na pag-iisip na naitanim nang malalim sa puso ng tao sa pamamagitan ng libu-libong taon ng “pambansang diwa” ay ginapos at kinadena ang mga tao, iniwan silang wala ni gatuldok na kalayaan, walang ambisyon o pagtitiyaga, at walang pagnanais na umusad, sa halip ay pinananatili silang negatibo at paurong, nakabaon sa mentalidad ng isang alipin, at iba pa. Ang mga obhetibong salik na ito ay nag-iwan ng di-mabuburang bakas ng karumihan at kapangitan sa ideolohikal na pananaw, mga adhikain, moralidad, at disposisyon ng sangkatauhan. Tila namumuhay ang mga tao sa isang madilim na mundo ng terorismo, at hindi iniisip ng sinuman sa kanila na lagpasan ito, o iniisip na lumipat sa isang ideyal na mundo; sa halip, ginugugol nila ang mga araw nila nang may pagkaramdam ng pagkakontento sa kalagayan nila sa buhay: nanganganak at nagpapalaki ng mga anak, nagsusumikap, nagpapapawis, nag-aasikaso ng mga trabaho, at nangangarap na magkaroon ng isang maginhawa at masayang pamilya, ng mapagmahal na buhay may-asawa, ng paggalang ng mga anak, ng kagalakan sa kanilang katandaan, at ng payapang pamumuhay…. Sa loob ng mga dekada, ng libo-libo, sampu-sampung libong taon hanggang sa ngayon, inaaksaya na ng mga tao ang kanilang oras sa ganitong paraan, na walang sinuman ang lumilikha ng pinakamagandang buhay sa lahat ng buhay ng tao, nakatuon lamang sa pagpapatayan, nakikipagkarera para sa kasikatan at pakinabang, at pagpapakana laban sa isa’t isa sa madilim na mundong ito. Sino ang naghanap kailanman sa mga layunin ng Diyos? Mayroon na bang nagbigay-pansin sa gawain ng Diyos? Ang lahat ng bahagi ng mga tao na sinakop ng impluwensiya ng kadiliman ay matagal nang naging kalikasan ng tao, kaya napakahirap na isakatuparan ang gawain ng Diyos, at lalo nang walang pagnanais ang mga tao na bigyang-pansin ang ipinagkatiwala ng Diyos sa kanila ngayon. Ano’t anuman, sa tingin Ko ay ayos lamang sa mga tao ang pagbigkas Ko ng mga salitang ito dahil ang sinasabi Ko ay tungkol sa kasaysayan ng libu-libong taon. Ang pagsasalita tungkol sa kasaysayan ay pagsasalita tungkol sa mga katunayan at, higit pa rito, mga iskandalo na alam na alam na ng lahat, kaya ano ang punto sa pagsasalita ng salungat sa katunayan? Pero naniniwala rin Ako na sa sandaling makita ng mga taong may katwiran ang mga salitang ito ay magigising at magsisikap sila para umunlad. Umaasa rin ang Diyos na ang mga tao ay makakapamuhay at makagagawa nang payapa at kontento. Gayumpaman, layunin ng Diyos na magawa ng mga tao na mahalin ang Diyos at na ang buong sangkatauhan ay mabigyang-kakayahan na makapasok sa kapahingahan. Bukod pa rito, dakilang pagnanais ng Diyos na mapuspos ng kaluwalhatian ng Diyos ang buong lupain. Nakakalungkot lamang na ang mga tao ay nananatiling nakalubog sa pagkalimot at di-napupukaw, labis na nagawang tiwali ni Satanas na ngayon ay wala na silang wangis ng mga tao. Kaya ang kaisipan, moralidad, at edukasyon ng tao ay bumubuo ng isang mahalagang ugnayan, kasama ng pagsasanay sa kaalaman sa kultura na bumubuo ng ikalawang ugnayan, para mas mahusay na maitaas ang kakayahan sa kultura ng mga tao at mabago ang kanilang pananaw ng pag-iisip.

Ang totoo, hindi naman ganoon kataas ang hinihingi ng Diyos sa sangkatauhan, pero dahil napakalaki ng agwat sa pagitan ng kakayahan ng mga tao at ng pamantayang itinakda ng Diyos, karamihan sa mga tao ay iniaangat lamang ang kanilang ulo at tumitingin sa direksiyon ng mga hinihingi ng Diyos pero walang kakayahang tuparin ang mga iyon. Ang mga likas na kaloob ng mga tao, kasama ang mga ibinigay sa kanila matapos silang ipanganak, ay napakalayong maging sapat para matugunan ang mga hinihingi ng Diyos. Pero ang kilalanin lamang ang puntong ito ay hindi isang siguradong solusyon. Ang malayong tubig ay hindi makakapawi ng agarang uhaw. Kahit pa alam ng mga tao na sila ay mas mababa sa alabok, kung wala silang kapasyahan na bigyang-kasiyahan ang puso ng Diyos, lalo na kung wala silang mas mahusay na daan para matugunan ang mga hinihingi ng Diyos, ano ang halaga ng gayong uri ng kaalaman? Hindi ba’t tulad iyan ng pagsalok ng tubig gamit ang isang kawayang basket—ganap na walang saysay? Ang pinakabuod ng Aking sinasabi ay may kinalaman sa pagpasok; iyan ang pangunahing paksa.

Sa panahon ng pagpasok ng tao, ang buhay ay palaging nakakabagot, puno ng mga walang-pagbabagong elemento ng espirituwal na buhay, katulad ng pananalangin, pagkain at pag-inom ng mga salita ng Diyos, o pagdalo sa mga pagtitipon, kaya’t palaging nadarama ng mga tao na ang pananampalataya sa Diyos ay hindi nagdudulot ng malaking kasiyahan. Ang gayong mga espirituwal na aktibidad ay laging isinasagawa batay sa orihinal na satanikong tiwaling disposisyon ng sangkatauhan. Bagaman paminsan-minsan ay nakakatanggap ang mga tao ng kaliwanagan ng Banal na Espiritu, ang kanilang orihinal na pag-iisip, disposisyon, paraan ng pamumuhay, at mga kaugalian ay nag-uugat pa rin sa kaloob-looban, kaya’t ang kanilang angking kalikasan ay nananatiling hindi nagbabago. Ang kinasusuklaman ng Diyos nang higit sa lahat ay ang mga mapamahiing aktibidad na ginagawa ng mga tao, ngunit marami pa ring tao ang hindi kayang bumitiw sa mga iyon, iniisip na ang mga mapamahiing aktibidad na ito ay inorden ng Diyos, at kahit ngayon ay hindi pa lubusang nabibitawan ang mga iyon. Ang mga bagay na kagaya ng mga isinasaayos ng mga kabataan para sa mga handaan sa kasal at panggayak sa mga babaeng ikakasal; mga regalong pera, mga salu-salo, at katulad na mga pamamaraan ng pagdiriwang ng masasayang okasyon; mga sinaunang pormula na ipinamana; ang lahat ng walang-kabuluhang mapamahiing aktibidad na isinasagawa para sa mga patay at ang mga seremonya ng paglilibing sa kanila: lalo nang kasuklam-suklam sa Diyos ang mga ito. Kahit ang araw ng pagsamba (pati na ang Sabbath, na ipinapangilin ng mundo ng relihiyon) ay kasuklam-suklam sa Kanya; at lalo pang higit na itinataboy ng Diyos ang mga kaugnayang panlipunan at makamundong pag-uugnayan ng mga tao. Maging ang Pista ng Tagsibol at Araw ng Pasko, na alam ng lahat ng tao, ay hindi inorden ng Diyos, lalo na ang mga laruan at dekorasyon para sa masasayang kapistahang ito tulad ng mga pulang pabiting may tula, mga paputok, mga parol, Banal na Komunyon, mga regalo sa Pasko, at mga pagdiriwang sa Pasko—hindi ba’t mga diyos-diyosan sa isipan ng mga tao ang mga ito? Ang pagbabahagi ng tinapay at alak sa Sabbath, at ang pinong lino ay mas mariin na mga diyos-diyosan. Ang lahat ng iba’t ibang tradisyonal na araw ng kapistahan na kilala sa China, tulad ng Araw ng Pagtataas ng mga Ulo ng Dragon, Pista ng mga Bangkang Dragon, Pista sa Kalagitnaan ng Taglagas, Pista ng Laba, at Araw ng Bagong Taon, at ang mga pista sa mundo ng relihiyon tulad ng Pasko ng Pagkabuhay, Araw ng Pagbibinyag, at Araw ng Pasko, ang lahat ng di-makatwirang pistang ito ay inimbento at ipinamana ng maraming tao mula noong unang panahon hanggang sa kasalukuyan. Ang mayamang imahinasyon at malikhaing ideya ng sangkatauhan ang nagtulot na maipasa ang mga ito hanggang sa ngayon. Ang mga iyon ay tila walang kapintasan, ngunit sa katunayan ay mga panlilinlang ni Satanas sa sangkatauhan. Habang mas pinagtitipunan ng mga Satanas ang isang lokasyon, at habang mas lipas at paurong ang lugar na iyon, mas malalim na nakabaon ang mga pyudal na kaugalian nito. Ang mga bagay na ito ay nagbibigkis sa mga tao nang mahigpit, na hindi na sila makakilos. Tila nagpapakita ng lubhang pagiging orihinal ang marami sa mga pista sa mundo ng relihiyon at tila lumilikha ang mga ito ng isang tulay sa gawain ng Diyos, ngunit ang mga iyon sa katunayan ay di-nakikitang mga tali na ginagamit ni Satanas para igapos ang mga tao upang hindi nila makilala ang Diyos—ang lahat ng ito ay mga pagpapakana ni Satanas. Sa katunayan, kapag ang isang yugto ng gawain ng Diyos ay natapos na, nawasak na Niya ang mga kasangkapan at ang estilo ng panahong iyon, nang walang iniiwang anumang bakas. Gayunman, ang “mga debotong mananampalataya” ay patuloy na sinasamba ang mga nahihipong materyal na bagay na iyon; samantala, isinasantabi nila sa kanilang isipan kung anong mayroon ang Diyos, hindi ito pinag-aaralan, tila ba puno ng pag-ibig sa Diyos ngunit ang totoo ay matagal na nila Siyang itinulak palabas ng sambahayan at inilagay si Satanas sa hapag upang sambahin. Ang mga larawan ni Jesus, ng Krus, ni Maria, ng Bautismo ni Jesus, at ng Huling Hapunan—sinasamba ng mga tao ang mga ito bilang ang “Panginoon ng Langit,” habang paulit-ulit na sumisigaw ng “Panginoon, Ama sa langit.” Hindi ba’t biro ang lahat ng ito? Hanggang ngayon, kasuklam-suklam sa Diyos ang maraming katulad na mga kasabihan at kaugalian na ipinamana ng sangkatauhan; seryosong hinahadlangan ng mga iyon ang daan pasulong ng Diyos at, higit pa rito ay nagsasanhi ng malalaking kawalan sa pagpasok ng sangkatauhan. Bukod pa sa lawak ng ginawang pagkatiwali ni Satanas sa sangkatauhan, ang mga tao ay punong-puno ng mga bagay gaya ng batas ni Witness Lee, ng mga karanasan ni Lawrence, ng mga sarbey ni Watchman Nee, at ng gawain ni Pablo. Sadyang walang paraan upang gumawa ang Diyos sa mga tao, dahil sa kalooban nila ay may sobrang indibidwalismo, mga batas, mga panuntunan, mga patakaran, mga sistema, at iba pang tulad nito; ang mga bagay na ito, bukod pa sa bahid ng mga pyudal na pamahiin ng mga tao, ay bumihag at lumamon na sa sangkatauhan. Na para bang ang iniisip ng mga tao ay isang kapana-panabik na pelikula na nagsasalaysay ng isang makulay na “fairy tale,” na may pambihirang mga nilalang na nakasakay sa mga ulap, napakamalikhain kaya napamamangha ng mga ito ang mga tao, iniiwan silang tulala at hindi makapagsalita. Sa totoo lang, ang gawain na pumarito ang Diyos para gawin ngayon ay pangunahing para harapin at iwaksi ang bahid ng mga pamahiin ng tao at ganap na baguhin ang kanilang pananaw ng pag-iisip. Ang gawain ng Diyos ay hindi nagtagal hanggang sa ngayon dahil sa pamanang ipinasa ng sangkatauhan sa mga henerasyon; ito ay gawain na personal Niyang pinasisimulan at tinatapos, nang hindi kinakailangan na may humalili para sa pamana ng isang partikular na dakilang espirituwal na tao, o manahin ang anumang gawain ng isang kumakatawang kalikasang ginawa ng Diyos sa ibang kapanahunan. Hindi kailangang pagkaabalahan ng mga tao ang alinman sa mga bagay na ito. Ang Diyos ngayon ay may naiibang estilo ng pananalita at ng paggawa, kaya bakit kailangang magkaroon ng anumang pangangailangan na mag-alala ang mga tao tungkol sa mga bagay na ito? Kung lalakad ang mga tao sa landas ngayon na nakapaloob sa kasalukuyang agos habang ipinagpapatuloy ang pamana ng kanilang “mga ninuno,” hindi sila makakarating sa kanilang hantungan. Nakakaramdam ang Diyos ng matinding pagkasuklam para sa partikular na klaseng ito ng pag-uugali ng tao, gaya ng pagkapoot Niya sa mga taon, mga buwan, at mga araw ng mundo ng tao.

Ang pinakamahusay na paraan upang baguhin ang disposisyon ng tao ay ang pagalingin ang mga bahagi sa kaibuturan ng mga puso ng mga tao na pinakamatinding nalason, na nagpapahintulot sa mga tao na magsimula sa pamamagitan ng pagbago sa kanilang pag-iisip at moralidad. Una sa lahat, kailangang malinaw na makita ng mga tao na ang lahat ng seremonyang ito ng relihiyon, mga relihiyosong aktibidad, mga taon at mga buwan, at mga pista ay kinamumuhian ng Diyos. Dapat silang lumaya mula sa mga gapos na ito ng pyudal na pag-iisip at dapat nilang wasakin ang bawat bakas ng kanilang malalim na pagkahilig sa pamahiin. Ang lahat ng ito ay kasama sa pagpasok ng sangkatauhan. Dapat ninyong maunawaan kung bakit pinangungunahan ng Diyos ang sangkatauhan palabas ng mga kaugalian, at muli kung bakit Niya inaakay ang sangkatauhan palayo sa mga regulasyon. Ito ang pintuan kung saan kayo papasok, at kahit walang kinalaman ang mga bagay na ito sa inyong espirituwal na karanasan, ang mga ito ang pinakamatitinding sagabal na humaharang sa inyong pagpasok, na humahadlang sa inyong pagkakilala sa Diyos. Bumubuo ang mga iyon ng isang lambat na humuhuli sa mga tao. Maraming tao ang sobrang magbasa ng Bibliya at kaya pang bumigkas ng maraming sipi sa Bibliya mula sa memorya. Sa kanilang pagpasok ngayon, walang malay ang mga tao na ginagamit nila ang Bibliya upang sukatin ang gawain ng Diyos, na para bang ang batayan ng yugtong ito ng gawain ng Diyos ay ang Bibliya at ang pinagmulan nito ay ang Bibliya. Kapag ang gawain ng Diyos ay alinsunod sa Bibliya, matinding sinusuportahan ng mga tao ang gawain ng Diyos at tinitingnan Siya nang may panibagong paggalang; kapag ang gawain ng Diyos ay hindi tumutugma sa Bibliya, masyadong nababahala ang mga tao na sila ay pinagpapawisan, naghahanap dito ng batayan ng gawain ng Diyos; kung ang gawain ng Diyos ay hindi nabanggit sa Bibliya, hindi papansinin ng mga tao ang Diyos. Maaaring sabihin na, pagdating sa gawain ng Diyos ngayon, ang karamihan sa mga tao ay tinatanggap ito nang napakaingat at nang may pag-iingat, pinipili lang nila kung saan sila magpapasakop, at hindi sila interesado na malaman ito; pagdating naman sa mga bagay sa nakaraan, pinanghahawakan nila ang kalahati at inaabandona ang kalahati. Maaari ba itong tawaging pagpasok? Hinahawakan nila ang mga libro ng iba at tinatrato ang mga iyon sa lahat ng oras bilang mga kayamanan, itinuturing nila ang mga iyon na ginintuang susi sa pintuan ng kaharian, at sadyang hindi sila nagpapakita ng interes sa kung ano ang hinihingi ng Diyos ngayon sa kanila. Higit pa rito, maraming “matatalinong eksperto” ang humahawak sa mga salita ng Diyos sa kanilang kaliwang kamay at sa kanang kamay ay hawak nila ang “mga obra maestra” ng iba, na para bang nais nilang mahanap sa mga obra maestrang ito ang batayan ng mga salita ng Diyos ngayon upang lubos na mapatunayan na ang mga salita ng Diyos ay tama, at ipinaliliwanag pa nga nila sa iba ang mga salita ng Diyos sa pamamagitan ng pagsasama ng mga iyon sa mga obra maestra, na para bang sila ay nagtatrabaho. Sa totoo lang, maraming “siyentipikong mananaliksik” sa sangkatauhan ang walang paggalang sa mga pinakabagong siyentipikong tagumpay sa kasalukuyan, mga siyentipikong tagumpay na hindi pa nagawa noon (na ibig sabihin, ang gawain ng Diyos, ang mga salita ng Diyos at ang landas para sa buhay pagpasok), kaya ang lahat ng tao ay “umaasa sa sarili,” “nangangaral” sa maraming lugar nang umaasa sa kanilang galing sa pagsasalita, at ipinangangalandakan “ang mabuting pangalan ng Diyos.” Samantala, nasa panganib ang kanilang sariling pagpasok at ang distansya nila mula sa mga hinihingi ng Diyos ay tila kasinglayo ng paglikha mula sa sandaling ito. Madali bang gawin ang gawain ng Diyos? Tila nakapagpasya na ang mga tao na iwanan ang kalahati ng kanilang sarili sa kahapon at dalhin ang kalahati sa kasalukuyan, ihatid ang kalahati kay Satanas at ihandog ang kalahati sa Diyos, na para bang ito ang paraan upang mapatahimik ang kanilang konsensiya at makaramdam ng kaunting kaginhawahan. Lihim na mapanira ang panloob na mundo ng mga tao, takot silang mawala hindi lamang ang bukas kundi pati na rin ang kahapon, kapwa takot na takot na masalungat si Satanas at magkasala sa Diyos ng ngayon, na tila Siya datapwa’t hindi rin Siya. Dahil labis na nabigo ang mga tao pagdating sa paglinang ng kanilang ideolohiya at moralidad, sila ay kulang na kulang sa pagkilatis, at sadyang hindi nila matukoy kung ang gawain ng kasalukuyan ay sa Diyos ba o hindi. Ito marahil ay dahil ang pyudal na mapamahiing pag-iisip ng mga tao ay masyadong malalim kaya matagal na nilang inilagay ang pamahiin at katotohanan, ang Diyos at mga diyos-diyosan, sa parehong kategorya, nang walang malasakit na alamin ang pagkakaiba sa pagitan ng mga bagay na ito, at tila hindi nila makita nang malinaw ang pagkakaiba kahit matapos nilang pigain ang kanilang mga utak. Ito ang dahilan kaya tumigil na ang mga tao sa kanilang mga landas at hindi na sumusulong. Ang lahat ng problemang ito ay galing sa kakulangan ng mga tao sa tamang uri ng ideolohikal na edukasyon, na nagdudulot ng matitinding paghihirap sa kanilang pagpasok. Bilang resulta, hindi kailanman nakadarama ng anumang interes ang mga tao sa gawain ng tunay na Diyos, kundi patuloy silang kumakapit sa[1] gawain ng tao (tulad ng mga itinuturing nilang dakila) na para bang sila ay natatakan na nito. Hindi ba’t ang mga ito ang pinakabagong mga paksa na dapat pasukin ng sangkatauhan?

Talababa:

1. Ang “patuloy na kumakapit sa” ay ginagamit nang may panunuya. Ang pariralang ito ay nagpapahiwatig na suwail at mahirap pakitunguhan ang mga tao, pinanghahawakan nila ang mga makalumang bagay at ayaw bitawan ang mga ito.

Sinundan: Gawain at Pagpasok (2)

Sumunod: Gawain at Pagpasok (4)

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos  Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IX) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito