Tanong 10: Matagal na akong nagtatrabaho para sa United Front, at napag-aralan ko na ang iba’t ibang relihiyon. Ang Kristiyanismo, Katolisismo at Eastern Orthodoxy ay pawang mga relihiyong orthodox na nananalig kay Jesus. Pero ibang-iba ang pananalig n’yo sa Makapangyarihang Diyos. Ayon sa mga dokumento ng CCP, ang Makapangyarihang Diyos ay ni hindi kabilang ng Kristiyanismo. Nangangaral kayo ng ebanghelyo sa iba’t ibang sekta sa ilalim ng Kristiyanismo na hindi kayo kinikilalang Kristiyano. Kaya hinding-hindi ko kayo papayagang manalig sa Makapangyarihang Diyos. Maaari lang kayong manalig sa Kristiyanismo kung gusto nyo. Mas magaan ang pagpapahirap ng gobyerno sa ganitong paraan. Kung maaresto at mabilanggo kayo dahil sa pananalig sa Makapangyarihang Diyos, manganganib ang buhay n’yo. Nakita na ng CCP na lahat ng nananalig sa Makapangyarihang Diyos ay walang salang mga alagad ni Cristo sa mga huling araw na mga disipulo at apostol ni Cristo. Ang lubhang pinangangambahan ng CCP ay ang mga pahayag at patotoo sa aklat na Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao na ipinahayag ni Cristo sa mga huling araw, pati na ang matatag na grupong sumusunod kay Cristo sa mga huling araw. Napag-aralan na namin ang kasaysayan ng Kristiyanismo. Ang lubhang pinangambahan ng imperyong Romano ay ang mga disipulo at apostol ni Jesus. Kaya nang hulihin ang mga taong ito, pinagpapatay sila sa iba’t ibang pamamaraan. Ngayon, kung hindi ginawa ang mga hakbang na ito para supilin at lubos na ipagbawal ang grupong ito ng mga tao na sumusunod sa Cristo ng mga huling araw, ilang taon pa lang, mapapailalim sa kanila ang lahat ng iba’t ibang relihiyon. Sa ngayon, ang ilang pangunahing grupong Kristiyano sa China ay napailalim na ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Kung hindi inimbento ng CCP ang ilang opinyon ng publiko at nagpakana ng Kaso sa Zhaoyuan, darating siguro ang araw na mapapailalim ang iba’t ibang relihiyon sa mundo sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Kapag napailalim sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ang lahat ng iba’t ibang relihiyon, lubhang makakasama ’yan sa pamamahala ng CCP. Sa gayon, matatag ang determinasyon ng Central Committee na gamitin ang lahat ng puwersa para lubos na ipagbawal ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos sa loob ng maikling panahon. Dapat n’yong malaman, ang paglitaw ng Kidlat ng Silanganan ay hindi lamang nabalita sa China, malaking balita rin ito sa mundo. Dahil gumawa kayo ng napakalaking hakbang, paanong hindi galit na maglulunsad ng malakihang pagsupil at pag-aresto ang CCP laban sa inyo? Kung kailangan n’yong maniwala sa Diyos, maaari lang kayong manalig sa Kristiyanismo. Talagang bawal kayong manalig sa Makapangyarihang Diyos. Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay hindi kabilang ng Kristiyanismo, hindi n’yo ba alam ’yan?

Sagot: Kasasabi n’yo lang ng mismong dahilan kaya sinusupil ng CCP ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Pero hindi ba n’yo alam kung bakit napailalim ang mga denominasyong Kristiyano sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos? Dahil narinig ng mga tao sa lahat ng sekta at denominasyon ang tinig ng Diyos. Nang makita nila ang pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos, natukoy nila na nagbalik na ang Panginoong Jesus. Kaya bumaling silang lahat sa Makapangyarihang Diyos. Ito ang magandang balitang matagal nang inasam ng mga nananalig sa lahat ng relihiyon. Nagpakita na ang Cristo ng mga huling araw para gumawa. Natural lang na bumaling ang lahat ng sekta at demonimasyong Kristiyano sa Makapangyarihang Diyos. Yan din ang kalakaran sa panahong ito. Sapat na ’yan para makita na ang Kristiyanismo at ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay parehong nilikha sa pamamagitan ng gawain ng Diyos. Ang Kristiyanismo ay kabilang sa Iglesiang Kristiyano sa Kapanahunan ng Biyaya samantalang ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay kabilang sa Iglesiang Kristiyano sa Kapanahunan ng Kaharian. Pareho pa rin silang kabilang sa Kristiyanismo. Bakit itinatanggi ng CCP na ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay bahagi ng Kristiyanismo? Ang CCP ay isang partidong pulitikal na ateista, isang makademonyong rehimen na lubhang nasusuklam sa katotohanan at kumakalaban sa Diyos. Ano ang alam nito tungkol sa Kristiyanismo? Ano ang mga katangian nito para sabihin kung aling iglesia ang Kristiyanismo at alin ang hindi? Walang anumang alam ang CCP tungkol sa Kristiyanismo. Hindi na sila nahiyang tuligsain ang iglesia ng Diyos. Hindi ba kawalanghiyaan na kumikilos ang CCP na para bang may nauunawaan ito kahit wala naman? Ang Kristiyanismo ay nilikha ng pagpapakita at gawain ng Panginoong Jesus na nagkatawang-tao. Dahil ang Panginoong Jesus si Cristo, lahat ng iglesiang nananalig sa Kanya ay kabilang sa Kristiyanismo. Nangako ang Panginoong Jesus na babalik Siya. Nagbalik na ang Panginoong Jesus, ibig sabihin, ang Makapangyarihang Diyos na nagkatawang-tao. Ang Makapangyarihang Diyos ang Cristo sa mga huling araw. Kaya ang mga nananalig sa Makapangyarihang Diyos ay nananalig din kay Cristo. Lahat ng nananalig kay Cristo ay kabilang sa Kristiyanismo. Ang Panginoong Jesus at ang Makapangyarihang Diyos ang Diyos na nagkatawang-tao sa dalawang pagkakataon. Sila ay iisang Diyos. Kaya ang pananampalataya sa Panginoong Jesus at pananampalataya sa Makapangyarihang Diyos ay kapwa kabilang sa Kristiyanismo. Natural lang na ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ang Kristiyanismo sa panahong ito. Ibig sabihin, sa mga huling araw, tanging ang pananampalataya sa Makapangyarihang Diyos ang kabilang sa tunay na Kristiyanismo, dahil ang pagpapakita ng Makapangyrihang Diyos—ng Cristo ng mga huling araw—ay winakasan ang Kapanahunan ng Biyaya at pinasimulan ang Kapanahunan ng Kaharian. Yaon lamang mga sumusunod sa Makapangyarihang Diyos, sa Cristo ng mga huling araw, ang sumusunod sa Cordero. Samakatwid, ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ng Cristo sa mga huling araw ang mas praktikal na Kristiyanismo.

mula sa iskrip ng pelikulang Red Re-education sa Bahay

Sinundan: Tanong 9: Pero nakita ko na sinasabi sa mga dokumento ng gobyerno, gaya ng ilang taong nananalig kay Jesus, iniiwan ng mga nananalig sa Makapangyarihang Diyos ang kanilang pamilya para ipangaral ang ebanghelyo. Hindi pa nga nag-aasawa ang ilan habambuhay. Sinasabi rin sa mga dokumento na gusto ng gobyerno na ikulong ang isang grupo ng mga taong nananalig sa Makapangyarihang Diyos at patayin ang isa pang grupo. Balewala sa kanila ang patayin sila. May isa pa gaya ng “Hindi paaatrasin ang mga kawal hangga’t walang pagbabawal.” Maraming nananalig sa Makapangyarihang Diyos ang inaresto, ibinilanggo, sinugatan at nilumpo ng CCP. Nawalan pa ng trabaho ang ilan at nawasak ang kanilang pamilya. Nag-ani ito ng maraming puna na ang mga taong nananalig sa Diyos ay ayaw sa kanilang pamilya. Totoo ba ito? Hindi maaaring iwanan n’yo ang inyong pamilya o hindi kayo mag-asawa. Kung ganito talaga ang pananalig n’yo sa Diyos, ang payo ko ay huwag kayong maniwala sa Makapangyarihang Diyos, okey?

Sumunod: Tanong 11: Pinatototohanan mo na si Jesus at ang Makapangyarihang Diyos ang parehong si Cristo, ang una at ang huling Cristo. Hindi ’yan tinatanggap ng ating CCP. Sa The Internationale, malinaw na sinabi “Walang sinumang naging tagapagligtas ng mundo kailanman.” Pilit n’yong pinatototohanan na dumating na si Cristong Tagapagligtas. Paanong hindi kayo tutuligsain ng CCP? Sa palagay namin, ang Jesus na pinananaligan ng mga Kristiyano ay isang karaniwang tao. Ipinako pa nga siya sa krus. Kahit ang Judaismo ay hindi kinilala na Siya si Cristo. Ang Makapangyarihang Diyos na nagkatawang-tao sa mga huling araw na pinatototohanan n’yo ay isa lamang palang karaniwang tao. Malinaw na inilalarawan sa mga dokumento ng CCP na may apelyido at pangalan Siya. Totoo rin ’yan. Bakit n’yo pinatototohanan na ang gayong karaniwang tao ay si Cristo, ang pagpapakita ng Diyos? Mahirap paniwalaan ’yan! Gaano man n’yo patotohanan ang katotohanang naipahayag at kung paano nagawa ng Makapangyarihang Diyos ang gawain ng paghatol sa mga huling araw, hindi kikilalanin ng ating CCP na ang taong ito ay ang Diyos. Palagay ko katulad lang kayo ng mga tao ng Kristiyanismo, Katolisismo, at Eastern Orthodoxy na nananalig kay Jesus, na nananalig na Diyos ang isang tao. Hindi ba kamangmangan ’yan? Ano ba talaga ang Diyos at ang pagpapakita at gawain ng Diyos? Ibig sabihin ba nito ay ang pagpapahayag lang ng katotohanan at paggawa ng gawain ng Diyos ay pagpapakita ng tunay na Diyos? Yan ang hinding-hindi namin tatanggapin. Kung makakagawa ang Diyos ng mga himala at hiwaga, mapupuksa ang CCP at lahat ng kumakalaban sa Kanya, kikilalanin namin na Siya ang tunay na Diyos. Kung magpapakita ang Diyos sa kalangitan, gagawa ng madagundong na kulog na tatakot sa buong sanglibutan, yan ang pagpapakita ng Diyos. Sa gayo’y kikilalanin Siya ng ating CCP. Kung hindi, hinding-hindi tatanggapin ng CCP na may Diyos.

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Tanong 17: Pinatotohanan n’yo na ang Makapangyarihang Diyos ang Diyos ng mga huling araw na nagpapakita at gumagawa, at sinabi n’yo ring naghahanap ng katotohanan ang paniniwala n’yo sa Kanya, at tinatahak n’yo ang tamang daan ng buhay. Pero sa pagkakaalam ko, marami sa mga naniniwala sa Kanya sa Makapangyarihang Diyos ay katulad ng mga misyonaryo ni Jesus, na sa layunin ng pagpapakalat ng ebanghelyo at pagpapatotoo sa Diyos, ay hindi nag-alinlangang iwan ang pamilya at propesyon, at ibinigay ang katawan at kaluluwa sa Diyos. Sa kanilang lahat marami sa mga kabataan ang hindi nagpapakasal, ginagawa nila ang tungkulin nila sa pagsunod kay Cristo ng mga huling araw. Hindi n’yo yata alam na, dahil iniiwan n’yo ang pamilya n’yo at kumikilos para ikalat ang ebanghelyo at magpatotoo sa Diyos, lalong dumarami ang mga taong naniniwala sa Diyos. Kapag ang lahat ng tao ay napalapit na sa Diyos, sino pang maniniwala sa Partido Komunista, at susunod sa kanila? Malinaw na dahil dito, pinipigilan kayo at inaaresto ng gobyerno. May nakikita ba kayong mali rito? Dahil naniniwala kayo sa Diyos sa ganitong paraan kaya maraming tao ang inaresto at sinintesyahang makulong, at marami ang umalis ng bahay at lumikas. Maraming mag-asawa ang nagdiborsyo, at maraming bata ang walang mga magulang na, magmamahal sa kanila. Maraming matatanda ang walang karamay para mag-alaga sa kanila. Sa paniniwala sa Diyos sa ganitong paraan, dinanas ng mga pamilya ninyo ang matinding paghihirap. Ano ba talagang gusto ninyong makamit? Hindi kaya ito ang tamang daan para sa buhay ng tao na sinasabi n’yo? Ang tradisyunal na kultura ng Tsina ay nagbibigay ng higit na pagpapahalaga sa kabanalan ng pamilya. Ayon sa kasabihan: “Sa lahat ng kabutihan, ang paggalang ng anak sa magulang ang pinakamahalaga.” Sabi ni Confucius: “Habang buhay pa ang mga magulang n’yo, huwag kayong maglalakbay nang malayo.” Ang pagrespeto sa mga magulang ang pundasyon ng pag-uugali ng tao. Sa paniniwala at pagsunod sa Diyos sa paraang ginagawa n’yo, hindi nyo magawang alagaan kahit na ang mga magulang n’yong nagbigay-buhay at nag-aruga sa inyo, pa’no ito naituring na tamang daan para sa buhay ng tao? Madalas kong marinig sa mga tao na, mabubuti ang lahat ng sumasampalataya. Hindi mali yon. Pero naniniwala kayong lahat sa Diyos, sumasamba at nagtatanghal sa Kanya bilang dakila. Ito ang dahilan para magpuyos sa galit ang Partido Komunista, at mapuno ng pagkamuhi. Ginagawa n’yo ang tungkulin n’yo para maikalat ang ebanghelyo, pero ni hindi n’yo maalagaan ang mga sarili n’yong pamilya. Paano ito maituturing na kagandahang asal? Anong masasabi n’yo? Posible kaya na kahit hindi nakikita ay nagkamali kayo ng tinahak na daan sa paniniwala sa Diyos? Sa pagpapakalat ng ebanghelyo at pagpapatotoo sa Diyos sa ganitong paraan, hindi ba’t sinisira n’yo ang pagkakaisa at katatagan ng lipunan? Nakikiusap ako sa inyo na itigil n’yo na ang paggawa ng mali. Bumalik na kayo sa lipunan sa lalong madaling panahon, samahan n’yo na ang pamilya n’yo, magkaro’n ng normal na buhay, at alagaang mabuti ang inyong pamilya. Dapat n’yong gawin ang tungkulin n’yo bilang mga anak at magulang. Ito lang ang pundasyon sa pag-uugali ng tao, at ito lang ang pinakapraktikal.

Sagot: Paulit-ulit mong sinasabi na maling daan ang tinahak namin sa paglisan sa mga pamilya at propisyon namin para maniwala sa Diyos at...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito