Ang Kahulugan ng Paghahangad sa Katotohanan 9

Matagal na rin nating pinagbabahaginan ang paksa ng wastong asal. Noong huli ay pinagbahaginan natin ang isang kasabihan—“Kung hahampasin mo ang iba, huwag mo silang hampasin sa mukha; kung pupunahin mo ang iba, huwag mong punahin ang mga pagkukulang nila.” Ngayon ay pagbabahaginan natin ang kasabihang “Wala nang silbi ang pagpupugot ng mga ulo; maging mabait hangga’t maaari,” na isa pa sa mga hinihingi ng tradisyonal na kultura para sa wastong asal ng tao. Anu-anong aspekto ng wastong asal ng mga tao ang tinutukoy ng kasabihang ito? Hinihingi ba nito sa mga tao na maging mabuting-loob at mapagpaubaya? (Oo.) Isa itong kinakailangan na may kaugnayan sa pagkabukas-palad ng pagkatao. Ano ang pamantayan para sa kinakailangang ito? Ano ang pinakamahalagang punto? (Maging mabait hangga’t maaari.) Tama iyon, ang pinakamahalagang punto ay dapat kayong maging mabait hangga’t maaari, at huwag maging masyadong agresibo na hindi na ninyo iniiwanan ang mga tao ng daan palabas. Hinihingi sa mga tao ng kasabihang ito tungkol sa wastong asal na maging mabuting-loob at huwag magkaroon ng maliliit na hinaing. Kapag nakikisalamuha sa mga tao o humaharap sa gawain ninyo, kung magkakaroon ng isang pagtatalo o alitan o samaan ng loob, huwag masyadong maraming hinihingi, labis-labis o malupit sa pagharap sa partidong nakaagrabyado. Maging mabait kapag kinakailangan, maging bukas-palad kapag kinakailangan, at maging maingat sa mundo at maingat sa sangkatauhan. Labis-labis ba ang pagkabukas-palad ng mga tao? (Hindi.) Hindi labis-labis ang pagkabukas-palad ng mga tao. Hindi tiyak ang mga tao kung gaano katindi ang kakayahan ng likas na gawi ng tao na tiisin ang ganitong uri ng bagay, at kung hanggang saan ito normal. Ano ang pangunahing saloobin ng mga normal na tao sa isang taong nakasakit sa iyo, nakitungo sa iyo nang may animosidad, o nanghimasok sa iyong mga interes? Ito ay pagkapoot. Kapag nagkakaroon ng pagkapoot sa puso ng mga tao, may kakayahan ba silang “maging mabait hangga’t maaari”? Hindi ito madaling magawa, at hindi ito kayang gawin ng karamihan ng mga tao. Pagdating sa karamihan ng mga tao, maaasahan ba nila ang konsensiya at katinuang taglay ng kanilang pagkatao upang maging mabait sa kabilang partido at kalimutan ang lahat? (Hindi.) Ngunit hindi naman tumpak na tumpak na sabihing hindi ito magagawa. Bakit hindi ito tumpak na tumpak? Ang lahat ay nakasalalay sa kung ano ang problema, at kung gaano ito kababaw o kahalaga. Isa pa, ang mga problema ay mayroong iba’t ibang antas ng kalubhaan, kaya nakasalalay ito sa kung gaano ito kalubha. Kung paminsan-minsan ka lang sinasaktan ng isang tao gamit ang kanyang pananalita, kung isa kang taong mayroong konsensiya at katinuan ay iisipin mong, “Hindi naman sa mapaminsala siya. Hindi siya seryoso sa sinasabi niya, padalos-dalos lang siyang magsalita. Alang-alang sa lahat ng taong nagkasundo kami, alang-alang sa ganito at ganiyan, o alang-alang sa kung anupaman, hindi ako magagalit sa kanya. Gaya ng sabi ng kasabihan, ‘Wala nang silbi ang pagpupugot ng mga ulo; maging mabait hangga’t maaari.’ Isang komento lamang ito, hindi naman talaga nito nasaktan ang pagpapahalaga ko sa sarili o napinsala ang mga interes ko, lalong hindi nito naapektuhan ang aking katayuan o mga inaasahan sa hinaharap, kaya palalagpasin ko na ito.” Kapag hinaharap ang maliliit na bagay na ito, nakasusunod ang mga tao sa kasabihang “Wala nang silbi ang pagpupugot ng mga ulo; maging mabait hangga’t maaari.” Ngunit kung talagang mapipinsala ng isang tao ang iyong mahahalagang interes, o ang iyong pamilya, o kung ang pinsalang gagawin niya sa iyo ay makaaapekto sa iyong buong buhay, makasusunod ka pa rin ba sa kasabihang “Wala nang silbi ang pagpupugot ng mga ulo; maging mabait hangga’t maaari”? Halimbawa, kung pinatay ng isang tao ang iyong mga magulang at gusto niyang patayin ang iyong buong pamilya, magagamit mo ba sa isang taong tulad niyon ang kasabihang “Wala nang silbi ang pagpupugot ng mga ulo; maging mabait hangga’t maaari”? (Hindi, hindi ko magagamit.) Hindi ito magagawa ng sinumang normal na taong may dugo at laman. Hindi talaga mapipigilan ng kasabihang ito ang matinding pagkapoot ng mga tao, at siyempre, lalong hindi nito maiimpluwensiyahan ang mga saloobin at opinyon ng mga tao tungkol sa bagay na ito. Kung pipinsalain ng isang tao ang iyong mga interes o maaapektuhan niya ang iyong mga inaasahan sa hinaharap, sinasadya man o hindi, o pisikal kang pipinsalain, sinasadya man o hindi, iniiwanan kang baldado o may pilat, o magdudulot ng pagiging negatibo sa iyong isipan at sa kaibuturan ng iyong puso, makasusunod ka ba sa kasabihang “Wala nang silbi ang pagpupugot ng mga ulo; maging mabait hangga’t maaari”? (Hindi.) Hindi mo ito magagawa. Kaya, hinihingi ng tradisyonal na kultura sa mga tao na maging mapagpaubaya at mabuting-loob sa kanilang wastong asal, ngunit magagawa ba ito ng mga tao? Hindi ito madaling gawin. Nakasalalay ito sa kung gaano katinding napinsala at naapektuhan ng usapin ang taong sangkot, at kung makakayanan ba ito o hindi ng kanyang konsensiya at katinuan. Kung walang malaking pinsalang nagawa, at makakayanan ito ng tao, at hindi ito lalagpas sa kung ano makakayanan ng kanyang pagkatao, ibig sabihin ay bilang isang normal na taong nasa hustong gulang ay kaya niyang tiisin ang mga bagay na ito, at mapapawi ang hinanakit at poot, at medyo madali itong kalimutan, maaari siyang maging mapagpaubaya at mabait sa kabilang partido. Magagawa mo ito nang walang anumang kasabihan tungkol sa wastong asal mula sa tradisyonal na kultura na pipigil, magtuturo, o gagabay sa iyo tungkol sa kung ano ang dapat gawin, dahil isa itong bagay na taglay ng normal na pagkatao at maisasakatuparan ito. Kung ang bagay na ito ay hindi masyadong matinding nakasakit sa iyo o hindi nagkaroon ng malaking pisikal, mental, at espirituwal na epekto sa iyo, madali mo itong magagawa. Gayunpaman, kung nagkaroon ito ng malaking pisikal, mental, at espirituwal na epekto sa iyo, hanggang sa puntong buong buhay ka na nitong babagabagin, at madalas kang malulumbay at magagalit dahil dito, at madalas kang malulungkot at panghihinaan ng loob dahil dito, at magkakaroon ng animosidad ang tingin mo sa sangkatauhan at sa mundong ito dahil dito, at mawawalan ka na ng kapayapaan o kaligayahan sa iyong puso, at halos buong buhay mo ay mabubuhay ka sa pagkapoot, na ibig sabihin, kung lumagpas na ang bagay na ito sa makakayanan ng normal na pagkatao, kung ganoon ay bilang isang taong may konsensiya at katinuan ay napakahirap maging mabait hangga’t maaari. Kung kaya itong gawin ng ilang tao, mga pambihirang pagkakataon iyon, ngunit saan ba ito dapat nakabatay? Anong uri ng mga kondisyon ang dapat na matupad? Sinasabi ng ilang tao: “Kung ganoon ay dapat nilang tanggapin ang Budismo at bitiwan ang pagkapoot upang magtamo ng pagka-Buddha.” Maaaring isa itong landas patungo sa pagpapalaya sa mga pangkaraniwang tao, ngunit pagpapalaya lamang ito. Ano nga ba ang kahulugan ng salitang “pagpapalaya” na ito? Nangangahulugan itong pag-iwas sa mga makamundong pagtatalo, pagkapoot, at pagpatay, at katumbas ito ng kasabihang “kapag hindi nakikita, nawawala sa isipan.” Kung iiwas ka sa gayong mga bagay at hindi mo makikita ang mga iyon, hindi masyadong makaaapekto ang mga iyon sa mga pinakatatago mong damdamin, at unti-unting maglalaho sa iyong alaala sa paglipas ng panahon. Ngunit hindi iyon pagsunod sa kasabihang “Wala nang silbi ang pagpupugot ng mga ulo; maging mabait hangga’t maaari.” Hindi magawa ng mga taong maging mabait, o mapagpatawad at mapagpaubaya tungkol sa bagay na ito, at ganap na makalimutan ito. Naglaho lamang ang mga bagay na ito sa pinakakaibuturan ng puso ng mga tao, at wala na silang pakialam sa mga iyon. O dahil lamang sa ilang turong Budista kaya may pag-aatubiling itinitigil ng mga tao ang pamumuhay sa pagkapoot at pagkahumaling sa mga makamundong sentimyento ng pagmamahal at pagkapoot. Ito ay pasibong pagpipilit lamang ng isang tao sa kanyang sarili na lumayo sa mga lugar ng alitan at iringan na ito na puno ng pagmamahal at pagkapoot, ngunit hindi ito nangangahalugang kaya niyang gamitin ang kasabihang “Wala nang silbi ang pagpupugot ng mga ulo; maging mabait hangga’t maaari.” Bakit ganoon? Tungkol naman sa normal na pagkatao, kung may mangyayari sa isang taong magdudulot ng malubhang pinsala sa kanyang katawan, isipan, at kaluluwa, tulad ng matinding kagipitan o pinsala, kahit ano pa ang kakayahan niya, hindi niya ito matatagalan. Ano ba ang ibig Kong sabihin sa “hindi ito matatagalan”? Ang ibig Kong sabihin ay hindi kayang labanan o pawiin ng normal na pagkatao, mga ideya at pananaw ng mga tao ang mga bagay na ito. Sa wika ng sangkatauhan, masasabing hindi nila ito matatagalan, na lagpas na ito sa hangganan ng pagtitiis ng tao. Sa wika ng mga mananampalataya, masasabing hindi lang nila kayang unawain ang bagay na ito, mahalata ito, o tanggapin ito. Kaya, yamang walang posibleng paraan upang malabanan o mapawi ang mga damdamin ng pagkapoot na ito, posible bang makasunod sa kasabihang “Wala nang silbi ang pagpupugot ng mga ulo; maging mabait hangga’t maaari”? (Hindi.) Ano ang implikasyon ng kawalan ng kakayahang tuparin ito? Ibig sabihin, na hindi taglay ng normal na pagkatao ang ganitong uri ng pagkabukas-palad. Halimbawa, sabihin nating pinatay ng isang tao ang iyong mga magulang at kinitil ang iyong buong pamilya, mapalalampas mo ba ang ganoong bagay? Posible bang mapawi ang pagkapoot na iyon? Matitingnan mo ba ang iyong kaaway tulad ng pagtingin mo sa mga pangkaraniwang tao, o iisipin ang kaaway mo tulad ng pag-iisip mo sa mga pangkaraniwang tao, nang walang pakiramdam sa iyong katawan, isipan o espiritu? (Hindi.) Walang sinumang makagagawa niyon, maliban kung sumasampalataya siya sa Budismo at nasasaksihan niya ang karma sa sarili niyang mga mata, sa gayon ay mabibitiwan niya ang ideya ng pagpatay bilang paghihiganti. Sinasabi ng ilang tao: “Mabuting tao ako, kaya kung papatayin ng isang tao ang mga magulang ko, kaya kong maging mabait sa kanya at hindi ako maghihiganti sa kanya, dahil malaki ang paniniwala ko sa karma. Tumpak itong ibinubuod ng kasabihang ‘Wala nang silbi ang pagpupugot ng mga ulo; maging mabait hangga’t maaari’: Kung ang paghihiganti ay nagdudulot ng paghihiganti, magkakaroon ba iyon ng katapusan? Isa pa, inamin na niya ang kanyang pagkakamali at lumuhod pa nga at nagmakaawa para sa kapatawaran ko. Napagbayaran na ang kasalanan, magiging mabait na ako sa kanya!” Kaya ba ng mga taong maging ganito kabuting-loob? (Hindi.) Hindi nila ito magagawa. Isantabi na kung ano ang maaari mong gawin sa sandaling mahuli mo siya, kahit bago mo pa siya mahuli, ang palagi mo lang maiisip araw-araw ay ang makaganti. Dahil labis kang nasaktan at matinding naapektuhan ng bagay na ito, bilang isang normal na tao, talagang hindi mo ito malilimutan hangga’t nabubuhay ka. Maging sa iyong mga panaginip ay makikita mo ang mga imahe ng iyong pamilya na pinapatay at ng iyong sarili na naghihiganti. Maaari kang maapektuhan ng bagay na ito sa buong buhay mo, hanggang sa huli mong hininga. Ang gayong pagkapoot ay hindi basta makalilimutan. Siyempre, mayroong mga kasong bahagyang hindi kasinglubha ng isang ito. Halimbawa, ipagpalagay nating may isang taong nanampal sa iyo sa harap ng maraming tao, ipinahihiya at hinahamak ka sa harap ng lahat, at iniinsulto ka nang walang dahilan. Mula noon, marami nang taong tumitingin sa iyo nang may diskriminasyon at tinutuya ka pa, kaya nahihiya ka nang makihalubilo sa mga tao. Hindi ito labis na kasinglubha ng pagpatay sa iyong mga magulang at kapamilya. Gayunpaman, mahirap sumunod sa kasabihang “Wala nang silbi ang pagpupugot ng mga ulo; maging mabait hangga’t maaari,” dahil ang mga bagay na ito na nangyari sa iyo ay lagpas na sa hangganan ng pagtitiis ng normal na pagkatao. Nagdulot ang mga ito sa iyo ng matinding pisikal at mental na pinsala, at lubha nitong napinsala ang iyong dignidad at karakter. Imposible mong malimutan o mabitiwan ang mga iyon, kaya napakahirap para sa iyo na sumunod sa kasabihang “Wala nang silbi ang pagpupugot ng mga ulo; maging mabait hangga’t maaari”—na normal naman.

Sa pagtingin sa mga aspektong ito na katatapos lang nating pagbahaginan ngayon, ang kasabihan tungkol sa wastong asal na “Wala nang silbi ang pagpupugot ng mga ulo; maging mabait hangga’t maaari,” na tinutukoy sa tradisyonal na kulturang Tsino, ay isang doktrina na pumipigil at nagbibigay-liwanag sa mga tao. Makalulutas lamang ito ng maliliit na pagtatalo at mabababaw na alitan, ngunit wala itong anumang epekto pagdating sa mga taong nagkikimkim ng malalim na pagkapoot. Talaga bang nauunawaan ng mga taong nagpapanukala sa kinakailangang ito ang pagkatao ng tao? Maaaring sabihin ng isang tao na ang mga taong nagpapanukala sa kinakailangang ito ay mayroon namang alam tungkol sa kung gaano kahaba ang hangganan ng pagtitiis ng konsensiya at katinuan ng tao. Kaya lamang ay nagmumukha silang sopistikado at marangal, at nakukuha nila ang pagsang-ayon at papuri ng mga tao dahil sa pagpapanukala sa teoryang ito. Sa katunayan, alam na alam nilang kapag sinaktan ng isang tao ang dignidad o karakter ng isang tao, pininsala ang kanyang mga interes, o naapektuhan pa nga ang kanyang mga inaasahan sa hinaharap at ang kanyang buong buhay, mula sa perspektiba ng pagkatao, dapat ay gumanti ang naagrabyadong partido. Kahit gaano pa katibay ang kanyang konsensiya at katinuan, hindi niya ito tatanggapin nang ganoon-ganoon lang. Sa pinakamatindi, magkakaiba lamang sa antas at pamamaraan ng kanyang paghihiganti. Sa tunay na lipunang ito, dito sa napakadilim at napakasamang kapaligirang panlipunan at kontekstong panlipunan kung saan namumuhay ang mga tao, kung saan hindi umiiral ang karapatang pantao, hindi pa kailanman tumigil ang mga tao sa pag-aaway at pagpatay sa isa’t isa, dahil lamang maaari silang maghiganti sa tuwing sila ay nasasaktan. Kapag mas malubha silang nasaktan, mas matindi ang kagustuhan nilang maghiganti at mas malupit ang mga pamamaraan ng paghihiganti nila. Kaya ano na ang mananaig na kaugalian sa lipunang ito? Ano na ang mangyayari sa mga ugnayan sa pagitan ng mga tao? Hindi ba’t magiging talamak ang pagpatay at pagganti sa lipunang ito? Samakatuwid, sinasabi sa mga tao ng taong nagpanukala sa kinakailangang ito sa isang lubhang pailalim na paraan na huwag gumanti, na ginagamit ang kasabihang ito tungkol sa wastong asal—“Wala nang silbi ang pagpupugot ng mga ulo; maging mabait hangga’t maaari”—upang pigilan ang kanilang pag-uugali. Sa tuwing dumaranas ang mga tao ng hindi patas na pagtrato, o naiinsulto ang kanilang karakter o nasasaktan ang kanilang dignidad, iniimpluwensyahan ng kasabihang ito tungkol sa wastong asal ang mga taong iyon sa pamamagitan ng pagdudulot sa kanilang magdalawang-isip bago kumilos, at pinipigilan silang maging padalos-dalos at magkaroon ng labis na reaksyon. Kung nanaisin ng mga tao sa lipunang ito na maghiganti sa tuwing makararanas sila ng hindi patas na pagtrato, kahit pa ang nagpataw ng pagtrato ay ang estado, ang lipunan, o ang mga taong nakakasalamuha nila, hindi ba’t magiging mahirap pamahalaan ang sangkatauhan at lipunang ito? Saanman maraming tao, hindi na maiiwasan ang mga pag-aaway, at magiging pangkaraniwan na ang mga paghihigantihan. Kaya hindi ba’t magkakagulo na ang sangkatauhan at ang lipunang ito? (Oo.) Madali bang pamahalaan ng mga namumuno ang isang magulong lipunan, o hindi? (Hindi, hindi ito madaling pamahalaan.) Dahil dito, ipinanukala ng mga tinatawag na tagapagturo at intelektuwal na ito ang kasabihan tungkol sa wastong asal na “Wala nang silbi ang pagpupugot ng mga ulo; maging mabait hangga’t maaari” upang hikayatin at bigyang-liwanag ang mga tao, upang sa tuwing sasailalim sila sa anumang hindi patas na pagtrato o diskriminasyon, mga insulto, o maaabuso o mayuyurakan pa nga, at kahit gaano pa katindi ang kanilang espirituwal o pisikal na pagdurusa, ang una nilang maiisip ay hindi ang pagganti, sa halip ay ang klasikong kasabihang ito na tungkol sa moralidad, “Wala nang silbi ang pagpupugot ng mga ulo; maging mabait hangga’t maaari,” na dahilan kaya hindi nila namamalayang tinatanggap na nila ang mga pagpipigil ng mga kasabihang ito tungkol sa wastong asal sa tradisyonal na kultura, sa gayon ay epektibong napipigilan ang kanilang mga saloobin at pag-uugali, at napapawi ang pagkapoot na kinikimkim nila sa iba, sa estado, at sa lipunan. Kapag napawi na itong animosidad at galit na likas na taglay ng pagkatao at itong mga likas na saloobin ng pagtatanggol sa dignidad ng isang tao, labis bang mababawasan ang mga labanan at paghihigantihan sa pagitan ng mga tao sa lipunang ito? (Oo.) Halimbawa, sinasabi ng ilang tao: “Patas na tayo, mas madaling malulutas ang hidwaan sa pamamagitan ng pagkokompromiso. Sabi nga ay ‘Wala nang silbi ang pagpupugot ng mga ulo; maging mabait hangga’t maaari.’ Mayroon siyang mga dahilan sa pagpatay sa aking pamilya. Dalawang tao ang may kagagawan sa isang pag-aaway, at pinanghahawakan ng parehong panig ang sari-sarili nilang katwiran. Isa pa, ilang taon nang patay ang aking pamilya, ano pa ang punto ng pag-uungkat sa bagay na iyon? Maging mabait hangga’t maaari—dapat matutuhan ng mga taong maging mabuting-loob bago nila mabitiwan ang kanilag pagkapoot, at kapag nabitiwan na nila ang kanilang pagkapoot ay saka lamang sila magiging maligaya sa buhay.” Mayroong ibang taong nagsasabing: “Ang nakaraan ay nakaraan na. Kung hindi na siya nagkikimkim ng maliliit na hinaing laban sa akin o hindi na niya ako tinitingnan nang may animosidad gaya ng dati, hindi na rin ako makikipag-away sa kanya, at magsisimula na lang kaming muli. Gaya ng sabi sa kasabihan, ‘Wala nang silbi ang pagpupugot ng mga ulo; maging mabait hangga’t maaari.’” Kung biglang pipigilan ng gayong mga tao, kung sinuman sila, ang kanilang sarili sa mismong sandali bago sila maghiganti, hindi ba’t pangunahing nagmumula ang kanilang mga salita, kilos, at teoretikal na batayan sa impluwensiya ng mga ideya at pananaw na gaya ng “Wala nang silbi ang pagpupugot ng mga ulo; maging mabait hangga’t maaari”? (Oo.) Mayroon pa ring iba na nagsasabing: “Bakit lagi kang nakikipagtalo? Ang ganda mo namang halimbawa ng isang tao, ni hindi mo makalimutan ang ganoon kaliit na bagay! May ilang dakilang lalaki na sa laki ng puso ay makapaglalayag doon ang isang bangka. Kahit papaano, maglaan ka naman ng puwang para sa kaunting pagkabukas-palad! Hindi ba dapat ay maging medyo mabuting-loob sa buhay ang mga tao? Maghinay-hinay ka at lawakan mo ang iyong pagtingin, sa halip na nagkikimkim ka ng maliliit na hinaing. Katawa-tawang panoorin ang lahat ng pakikipagtalong ito.” Ibinubuod ng mga kasabihan at ideyang ito ang isang uri ng saloobin ng tao sa mga makamundong bagay, isang saloobing nagmumula lamang sa “Wala nang silbi ang pagpupugot ng mga ulo; maging mabait hangga’t maaari” at iba pang gayong kasabihang mula sa mga klasikong kasabihan tungkol sa moralidad. Natataniman at naiimpluwensyahan ang mga tao ng mga kasabihang ito, at nararamdaman nilang gumaganap sila ng kung anong papel sa panghihikayat at pagbibigay-liwanag sa mga tao, kaya mga tama at wastong bagay ang tingin nila sa mga salitang ito.

Bakit kayang bitiwan ng mga tao ang poot? Ano ang mga pangunahing kadahilanan? Sa isang banda, naiimpluwensiyahan sila ng kasabihang ito tungkol sa wastong asal—“Wala nang silbi ang pagpupugot ng mga ulo; maging mabait hangga’t maaari.” Sa kabilang banda, nag-aalala sila sa kaisipang kung magkakaroon sila ng mabababaw na hinaing, palaging mapopoot sa mga tao, at hindi sila mapagpaubaya sa iba, hindi sila magkakaroon ng posisyon sa lipunan at makokondena sila ng opinyon ng madla at mapagtatawanan ng mga tao, kaya kailangan nilang pigilan ang kanilang galit kahit na napipilitan at labag sa kanilang loob. Sa isang banda, sa pagtingin sa likas na damdamin ng tao, hindi makakayanan ng mga taong nabubuhay sa mundong ito ang lahat ng paniniil, walang kabuluhang pagdurusa at hindi patas na pagtratong ito. Ibig sabihin, wala sa pagkatao ng mga tao ang makayanan ang mga bagay na ito. Samakatuwid, hindi patas at hindi makataong ipanukala ang kahilingang “Wala nang silbi ang pagpupugot ng mga ulo; maging mabait hangga’t maaari” sa kahit na kanino. Sa kabilang banda, malinaw na naaapektuhan o nababaluktot din ng ganoong mga ideya at pananaw ang mga pananaw at perspektiba ng mga tao ukol sa mga bagay na ito, kaya hindi nila magawang tratuhin nang angkop ang ganoong mga bagay at sa halip ay tama at positibong mga bagay ang tingin nila sa mga kasabihang tulad ng “Wala nang silbi ang pagpupugot ng mga ulo; maging mabait hangga’t maaari.” Kapag nagdaranas ang mga tao ng hindi patas na pagtrato, upang makaiwas sa pagkondena ng opinyon ng madla, wala silang magagawa kundi kimkimin ang mga insulto at hindi patas na pagtratong kanilang dinanas, at maghintay ng pagkakataong makaganti. Kahit pa nagsasabi sila ng mga bagay na masasarap pakinggan tulad ng “‘Wala nang silbi ang pagpupugot ng mga ulo; maging mabait hangga’t maaari.’ Hindi bale, wala nang puntong gumanti, tapos na iyon,” pinipigilan sila ng likas na damdamin ng tao na kalimutan kailanman ang pinsalang nagawa sa kanila ng insidenteng ito, na ang ibig sabihin, ang pinsalang nagawa nito sa kanilang katawan at isipan ay hindi na kailanman mabubura o maglalaho. Kapag sinasabi ng mga taong “Kalimutan na natin ang poot, nangyari na ang bagay na ito, tapos na ito,” isa lamang iyong palabas na nabuo dahil lamang sa pagpipigil at impluwensiya ng mga ideya at pananaw gaya ng “Wala nang silbi ang pagpupugot ng mga ulo; maging mabait hangga’t maaari.” Siyempre, nalilimitahan din ng ganoong mga ideya at pananaw ang mga tao, hangga’t iniisip nila na kung hindi nila maisasagawa ang mga iyon, kung wala silang puso o pagkabukas-palad upang maging mabait hangga’t maaari, mahahamak at makokondena sila ng lahat, at lalo pa silang madidiskrimina sa lipunan o sa loob ng kanilang pamayanan. Ano ang kahihinatnan kapag nadiskrimina ka? Iyon ay, kapag nakasalamuha mo ang mga tao at hinarap mo ang iyong gawain, sasabihin ng mga tao, “Makitid ang isip at mapaghiganti ang taong ito. Mag-ingat kayo sa pakikitungo sa kanya!” Epektibo itong nagiging karagdagang hadlang kapag humaharap ka sa iyong gawain sa loob ng pamayanan. Bakit mayroong ganitong karagdagang hadlang? Dahil ang kabuuan ng lipunan ay naiimpluwensiyahan ng mga ideya at pananaw gaya ng “Wala nang silbi ang pagpupugot ng mga ulo; maging mabait hangga’t maaari.” Ang ganoong pag-iisip ay iginagalang ng pangkalahatang kaugalian ng lipunan, at ang buong lipunan ay nalilimitahan, naiimpluwensiyahan at nakokontrol nito, kaya kung hindi mo ito maisasagawa, magiging mahirap magkaroon ng posisyon sa lipunan, at umiral sa loob ng iyong pamayanan. Samakatuwid, walang ibang magagawa ang ilang tao kundi sumunod sa ganoong mga kaugaliang panlipunan at sumunod sa mga kasabihan at pananaw na gaya ng “Wala nang silbi ang pagpupugot ng mga ulo; maging mabait hangga’t maaari,” at nagiging kaawa-awa ang mga buhay. Batay sa mga pangyayaring ito, hindi ba’t may mga partikular na mithiin at layunin ang diumano’y mga moralista sa pagpapanukala ng mga kasabihang ito tungkol sa mga moral na ideya at pananaw? Ginawa ba nila ito upang makapamuhay nang mas malaya ang mga tao, at maging mas maginhawa ang kanilang katawan, isipan at espiritu? O ito ba ay upang magkaroon ang mga tao ng mas maliligayang buhay? Malinaw na malinaw na hindi. Hindi talaga natutugunan ng mga kasabihang ito tungkol sa wastong asal ang mga pangangailangan ng normal na pagkatao ng mga tao, at lalong hindi ipinanukala ang mga iyon upang mahikayat ang mga taong magsabuhay ng normal na pagkatao. Sa halip, ganap na pinaglilingkuran ng mga iyon ang ambisyon ng naghaharing uri na kontrolin ang mga tao at patatagin ang sarili nitong kapangyarihan. May silbi lamang ang mga iyon sa naghaharing uri, at ipinanukala ang mga iyon upang makontrol ng naghaharing uri ang kaayusan at kaugaliang panlipunan, kung saan ginagamit ang mga bagay na ito upang limitahan ang bawat tao, bawat pamilya, bawat indibidwal, bawat pamayanan, bawat grupo, at ang lipunang binubuo ng lahat ng iba’t ibang grupo. Sa ganoong mga lipunan, sa ilalim ng indoktrinasyon, impluwensiya, at pagtatanim ng ganoong mga moral na ideya at pananaw, lumilitaw at nabubuo ang nangingibabaw na mga moral na ideya at pananaw sa lipunan. Ang pagkabuong ito ng panlipunang moralidad at kaugaliang panlipunan ay hindi higit na nakatutulong sa pag-iral ng sangkatauhan, ni hindi rin ito mas nakatutulong sa pag-unlad at pagdadalisay ng kaisipan ng tao, ni mas nakatutulong sa pagpapabuti ng pagkatao. Sa kabaligtaran, dahil sa paglitaw ng mga moral na ideya at pananaw na ito, nalilimitahan ang pag-iisip ng tao sa isang nakokontrol na antas. Kaya, sino ang nakikinabang sa huli? Ang sangkatauhan ba? O ang naghaharing uri? (Ang naghaharing uri.) Tama iyon, ang naghaharing uri ang nakikinabang sa huli. Kapag ang mga moral na kasulatang ito ang batayan ng kanilang pag-iisip at wastong asal, ang mga tao ay mas madaling pamunuan, mas malamang na maging mga masunuring mamamayan, mas madaling manipulahin, mas madaling mapapangibabawan ng iba’t ibang kasabihan ng mga moral na kasulatan sa lahat ng kanilang ginagawa, at mas madaling pamahalaan ng mga sistemang panlipunan, panlipunang moralidad, kaugaliang panlipunan, at opinyon ng madla. Sa ganitong paraan, sa isang partikular na antas, ang mga taong nasa ilalim ng parehong mga sistemang panlipunan, moral na kapaligiran, at kaugaliang panlipunan ay pangunahing mayroong mga nagkakaisang ideya at pananaw, at nagkakaisang pamantayan sa kung paano sila dapat umasal, dahil sumailalim ang kanilang mga ideya at pananaw sa pagpoproseso at istandardisasyon ng mga diumano’y moralista, intelektuwal, at tagapagturong ito. Ano ba ang ibig sabihin ng salitang ito na “nagkakaisa”? Nangangahulugan itong ang lahat ng pinamumunuan—pati na ang kanilang mga kaisipan at normal na pagkatao—ay nahubog at nalimitahan na ng mga kasabihang ito mula sa mga moral na kasulatan. Nalilimitahan ang mga kaisipan ng mga tao, at kasabay niyon ay nalilimitahan din ang kanilang mga bibig at utak. Napipilitan ang lahat na tanggapin ang mga moral na ideya at pananaw na ito ng tradisyonal na kultura, kung saan ginagamit ang mga ito upang husgahan at pigilan ang sarili nilang pag-uugali sa isang banda, at husgahan ang iba at ang lipunang ito sa kabilang banda. Siyempre, kasabay niyon, nakokontrol din sila ng opinyon ng madla, na nakasentro sa mga kasabihang ito mula sa mga moral na kasulatan. Kung sa palagay mo ay taliwas sa kasabihang “Wala nang silbi ang pagpupugot ng mga ulo; maging mabait hangga’t maaari” ang paraan ng paggawa mo ng mga bagay-bagay, labis kang mababagabag at mababalisa, at hindi magtatagal ay maiisip mong “kung hindi ko magagawang maging mabait hangga’t maaari, kung masyado akong mababaw at makitid ang isip ko na gaya ng kung sinong makitid at mababaw na tao, at hindi ko mabitiwan ang kahit katiting na poot, bagkus ay dala-dala iyon sa lahat ng oras, mapagtatawanan ba ako? Madidiskrimina ba ako ng mga kasamahan at kaibigan ko?” Kaya, kailangan mong magkunwaring may napakabuting-loob. Kung taglay ng mga tao ang mga pag-uugaling ito, nangangahulugan ba itong kinokontrol sila ng opinyon ng madla? (Oo.) Sa makatarungang pagsasalita, sa kaibuturan ng iyong puso ay may mga hindi nakikitang tanikala, na ang ibig sabihin ay ang opinyon ng madla at ang pagkondena ng buong lipunan ay parang mga hindi nakikitang tanikala para sa iyo. Halimbawa, alam ng ilang tao na mabuti ang sumampalataya sa Diyos, at na sa pamamagitan ng pagsampalataya sa Diyos ay makapagtatamo sila ng kaligtasan, at na ang pagsampalataya sa Diyos ay nangangahulugang pagtahak sa tamang landas at hindi paggawa ng masasamang bagay, ngunit sa una nilang pagsampalataya sa Diyos, hindi sila naglalakas-loob na maging bukas tungkol dito, o na aminin ang kanilang pananampalataya, hanggang sa punto ng hindi paglalakas-loob na ipalaganap ang ebanghelyo. Bakit hindi sila naglalakas-loob na maging bukas tungkol dito at ipaalam ito sa mga tao? Ito ba ay dahil naaapektuhan sila ng kabuuang kapaligiran? (Oo.) Kaya ano-ano ang mga epekto at limitasyon sa iyo ng kabuuang kapaligirang ito? Bakit hindi ka naglalakas-loob na amining sumasampalataya ka sa Diyos? Bakit ni hindi ka naglalakas-loob na ipalaganap ang ebanghelyo? Bukod sa mga pambihirang sitwasyong tulad ng mga awtoritaryan na bansa, kung saan inuusig ang mga taong may pananampalataya, ang isa pang dahilan ay labis-labis ang iba’t ibang kasabihang mula sa opinyon ng madla upang makayanan mo. Halimbawa, sinasabi ng ilang tao na sa sandaling magsimula kang sumampalataya sa relihiyon, wala ka nang pakialam sa iyong pamilya; pinalalabas kang masama ng ilang tao, at sinasabing gusto ng mga mananampalataya ng relihiyon na maging imortal, at na ibinubukod nila ang kanilang sarili sa lipunan; sinasabi ng iba na kaya ng mga mananampalatayang hindi kumain, at hindi matulog nang ilang araw nang tuloy-tuloy at nang hindi napapagod; at gayunman ay nagsasabi ang iba ng mas masasahol pang bagay. Sa simula ba ay hindi ka naglakas-loob na amining sumasampalataya ka sa Diyos dahil naapektuhan ka ng mga opinyong ito? May epekto ba sa iyo ang mga opinyong ito sa kabuuang kapaligirang panlipunan? (Oo.) Sa isang partikular na antas, naaapektuhan ng mga iyon ang iyong damdamin at nasasaktan ang iyong pagpapahalaga sa sarili, kaya hindi ka naglalakas-loob na lantarang amining sumasampalataya ka sa Diyos. Dahil ang lipunang ito ay hindi mabait at may animosidad sa mga taong may pananampalataya at sa mga sumasampalataya sa Diyos, at nagsasabi pa nga ang ilang tao ng mga karima-rimarim na insulto at mapanirang-puring komento na labis-labis para iyong makayanan, hindi ka naglalakas-loob na lantarang amining sumasampalataya ka sa Diyos, at kailangan mo pang tumakas upang palihim na pumunta sa mga pagtitipon, na para bang isang magnanakaw. Natatakot kang masabihan ng iba ng mga mapanirang-puring bagay kung matutuklasan nila, kaya ang tanging magagawa mo ay pigilan ang iyong pagkasuklam. Sa ganitong paraan, tahimik mong natiis ang matinding pighati, ngunit ang pagdanas sa lahat ng pighating ito ay labis na nakapagpapatatag at nakapagtamo ka ng malinaw na kabatiran sa maraming bagay, at nakaunawa ng ilang katotohanan.

Katatapos lang nating masusing pagbahaginan ang kasabihang ito tungkol sa wastong asal na “Wala nang silbi ang pagpupugot ng mga ulo; maging mabait hangga’t maaari.” Mula sa perspektiba ng sangkatauhan, tinutukoy ng kasabihang ito ang pinakakaunting wastong asal na dapat taglayin ng isang tao pagdating sa pagkabukas-palad at kalawakan ng pag-iisip. Ang totoo, batay sa pinsala at epekto sa mga karapatang pantao, dignidad, integridad, at pagkatao ng mga tao, ang paggamit lamang sa kasabihang ito na “Wala nang silbi ang pagpupugot ng mga ulo; maging mabait hangga’t maaari,” na parang pananalita ng mga magnanakaw at tulisan, upang pagaanin ang loob at pigilan ang mga tao ay isang malaking insulto sa mga taong may konsensiya at katinuan, at hindi ito makatao at imoral ito. Likas na nagtataglay ang normal na pagkatao ng kagalakan, galit, kalungkutan, at kaligayahan. Wala na Akong sasabihin pa tungkol sa kagalakan, kalungkutan, at kaligayahan. Ang galit ay isa ring emosyong taglay ng normal na pagkatao. Sa ilalim ng anong mga sitwasyon nagkakaroon ng galit, at karaniwang nagpapamalas nito? Kapag nagpapamalas ang ngitngit ng normal na pagkatao—ibig sabihin, kapag nasaktan, nayurakan, at nainsulto ang integridad, dignidad, mga interes, at ang espiritu at isipan ng mga tao, natural at likas silang magagalit, na nagdudulot ng pagkasuklam o pagkapoot pa nga—ito ang dahilan kung bakit nagkakaroon ng galit, at ito ang partikular na pagpapamalas nito. May ilang taong nagagalit nang walang dahilan. Ang isang maliit na bagay ay maaaring makapag-udyok sa kanilang poot, o kapag may taong di-sinasadyang nakapagsalita ng nakasasakit sa kanila at makapagdudulot ito ng pagdidilim ng paningin dahil sa galit. Masyadong mainitin ang kanilang ulo, hindi ba? Wala sa mga bagay na ito ang may kaugnayan sa kanilang espiritu, integridad, dignidad, mga karapatang pantao o espirituwal na mundo, subalit maaaring bigla na lang silang magwala, na maaaring dahil sa masyadong mainitin ang kanilang ulo. Hindi normal na magpakita ng mga damdamin ng poot sa kahit na ano at sa lahat ng bagay. Ang pinag-uusapan natin dito ay ang pagkasuklam, galit, ngitngit, at pagkapoot na ipinamamalas ng normal na pagkatao. Ang mga ito ay ilan sa mga likas na reaksyon ng mga tao. Kapag ang integridad, dignidad, mga karapatang pantao, at espiritu ng isang tao ay nayurakan, nainsulto, o napinsala, nasusuklam ang taong iyon. Ang pagkasuklam na ito ay hindi isang panandaliang bugso ng pagkainis, ni isang panandaliang damdamin, bagkus, isa itong normal na reaksyon ng tao sa tuwing nasasaktan ang integridad, dignidad at espiritu ng isang tao. Dahil isa itong normal na reaksyon ng tao, masasabing katanggap-tanggap at makatwiran ang reaksyong ito, kaya hindi ito isang krimen, at hindi kinakailangang pigilan. Tungkol naman sa mga problemang nakasasakit sa mga tao nang ganito katindi, dapat na malutas at maiwasto nang patas ang mga iyon. Kung hindi malulutas nang makatwiran o maiwawasto nang makatarungan ang bagay na iyon, at hindi makatwirang inaasahan ang mga tao na isagawa ang kasabihang “Wala nang silbi ang pagpupugot ng mga ulo; maging mabait hangga’t maaari,” imoral ito at hindi makatao para sa biktima, at isa itong bagay na dapat alam ng mga tao.

Anong mga punto ang natalakay natin kaugnay ng kasabihan tungkol sa wastong asal na “Wala nang silbi ang pagpupugot ng mga ulo; maging mabait hangga’t maaari”? Ibuod natin. Ang diwa ng kasabihang ito ay tulad ng sa ibang mga kasabihan tungkol sa wastong asal. Ang lahat ng iyon ay naglilingkod sa naghaharing uri at sa mga kaugaliang panlipunan—hindi ipinanukala ang mga iyon mula sa perspektiba ng pagkatao. Ang pagsasabing pinaglilingkuran ng mga moral na kasulatang ito ang naghaharing uri at ang mga kaugaliang panlipunan ay maaaring lagpas-lagpas na sa saklaw ng dapat mong maunawaan at matamo sa pamamagitan ng inyong pananampalataya sa Diyos, bagama’t medyo maaari itong makamit ng mga may nalalaman sa politika, agham panlipunan, at kaisipang pantao. Mula sa perspektiba ng pagkatao, na ang ibig sabihin, mula sa sarili mong perspektiba, paano mo dapat harapin ang ganoong mga bagay? Halimbawa, ipagpalagay nating naaresto, nakulong, at pinahirapan ka dati dahil sa iyong pananampalataya. Sa loob ng ilang araw at gabi ay hindi ka pinatulog at labis kang pinahirapan ng malaking pulang dragon. Lalaki ka man o babae, nagdanas ang iyong katawan at isipan ng lahat ng uri ng pang-aabuso at pagpapahirap, at nainsulto, naalipusta, at naatake ka rin ng mga diyablong iyon gamit ang lahat ng uri ng masama at lapastangang wika. Matapos danasin ang pagpapahirap na ito, ano ang nararamdaman mo sa bansa at pamahalaang ito? (Pagkapoot.) Nagdudulot ito ng pagkapoot, pagkapoot sa sistemang panlipunang ito, pagkapoot sa naghaharing partidong ito, at pagkapoot sa bansang ito. Dati ay nakakaramdam ka ng matinding paggalang sa tuwing makakakita ka ng mga pulis ng estado, ngunit matapos sumailalim sa kanilang pang-uusig, pagpapahirap, at paglalapastangan, naglaho na ang dating pakiramdam ng paggalang na iyon, at napuno na ang iyong puso ng isang salita—poot. Poot sa kawalan nila ng pagkatao, poot sa lubos na kawalan nila ng prinsipyo, at poot na sila ay mga hayop mga diyablo at Satanas. Kahit na nagdusa ka nang matindi sa pamamagitan ng pagpapahirap, paglalapastangan, at pang-iinsulto sa iyo ng mga pulis ng estado, nakita mo naman ang tunay nilang kulay, at nakita mo nang silang lahat ay mga halimaw na nasa katawan ng tao, at mga diyablong napopoot sa katotohanan at napopoot sa Diyos, kaya puno ka ng pagkapoot sa kanila. Hindi ito personal na pagkapoot o isang personal na hinaing, resulta ito ng malinaw na pagkakita sa kanilang masamang diwa. Hindi ito isang bagay na iyong naguniguni, nahinuha, o natukoy, ito ang lahat ng alaala mo sa kanilang pang-iinsulto, paglalapastangan, at pang-uusig sa iyo—pati na ang kanilang bawat gawi, kilos at salita—na pumupuno sa iyong puso ng pagkapoot. Normal ba ito? (Oo.) Sa sandaling mapuno ka ng pagkapoot, kapag may taong nagsabi sa iyo ng “Wala nang silbi ang pagpupugot ng mga ulo; maging mabait hangga’t maaari. Huwag kang mabuhay sa pagkapoot. Ang pagpawi sa pagkapoot ay ang pinakamabuting paraan ng pagharap dito,” ano ang mararamdaman mo pagkarinig nito? (Masusuklam.) Ano pa bang ibang mararamdaman mo kundi ang masuklam? Kaya sabihin mo sa Akin, posible bang mapawi ang pagkapoot na ito? (Hindi.) Hindi ito mapapawi. Paano mapapawi ang hindi malulutas na pagkapoot? Kung gagamitin ng sinuman ang kasabihang “Wala nang silbi ang pagpupugot ng mga ulo; maging mabait hangga’t maaari” upang hikayatin kang bitiwan ang iyong pagkapoot, mabibitiwan mo ba ito? Ano ang magiging reaksyon mo? Ang unang magiging reaksyon mo ay “Huwad na mga maladiyablong salita ang lahat ng ‘wala nang silbi ang pagpupugot ng mga ulo; maging mabait hangga’t maaari’ na ito, mga iresponsableng komento ito ng mga walang ginagawang tagamasid! Araw-araw ay nang-uusig ng mga Kristiyano at mabubuting tao ang mga taong nagpapalaganap ng mga ideya at pananaw ng tradisyonal na kultura—napipigilan at naaapektuhan ba sila ng mga salitang ito? Hindi sila titigil hangga’t hindi nila naitataboy o nalilipol ang bawat isa sa mga ito! Sila ay mga nagbabalatkayong diyablo at Satanas. Pinagmamalupitan nila ang mga tao habang nabubuhay pa ang mga ito, tapos kapag patay na ang mga ito ay nagsasabi sila ng ilang salita ng pakikiramay upang ilihis ang iba. Hindi ba’t napakasama niyon?” Hindi ba’t ganito ang magiging reaksyon at pakiramdam mo? (Oo.) Talagang ganito ang mararamdaman mo, kapopootan ang sinumang susubok na humikayat sa iyo, hanggang sa puntong nanaisin mo pa siyang isumpa. Ngunit hindi nakauunawa ang ilang tao. Sinasabi nila, “Bakit mo ba ito ginagawa? Hindi ba’t kamuhi-muhi ito? Hindi ba’t mapaminsala ito?” Mga iresponsableng komento ito mula sa mga walang ginagawang tagamasid. Tutugon ka: “Tao ako, mayroon akong dignidad at integridad, ngunit hindi nila ako tinratong parang tao. Sa halip ay tinrato nila akong parang hayop o halimaw, na lubhang nakakasakit sa integridad at dignidad ko. Hindi ba’t sila ang kamuhi-muhi? Tahimik mong tinatanggap ang pagiging kamuhi-muhi nila, subalit kapag nilalabanan at kinapopootan namin sila, kinokondena mo kami dahil dito. Ano ka kung ganoon? Hindi ba’t ikaw ang masama? Hindi nila kami tinatratong parang tao, pinahihirapan nila kami, ngunit sinasabi mo pa rin sa aming itaguyod ang wastong asal ng tao at suklian ang kasamaan ng kabutihan. Hindi ba’t kalokohan ang sinasabi mo? Normal ba ang pagkatao mo? Mapagpanggap at mapagpaimbabaw ka. Maliban sa masyado kang kamuhi-muhi, masama at wala ka ring kahihiyan!” Kaya, kapag mayroong nagpapalubag sa loob mo sa pamamagitan ng pagsasabing “Kalimutan mo na ito, tapos at nagdaan na iyon, huwag ka nang magkimkim ng mga hinaing. Kung ganito ka kababaw parati, ikaw ang masasaktan sa huli. Kailangang matutuhan ng mga taong bitiwan ang pagkapoot, at isagawa ang pagiging mabait hangga’t maaari,” ano ang maiisip mo roon? Hindi ba’t maiisip mo, “Ang buong tradisyonal na kulturang Tsinong ito ay isa lamang kasangkapang ginagamit ng naghaharing uri upang ilihis at kontrolin ang mga tao. Sila mismo ay hindi kailanman napigilan ng mga ideya at pananaw na ito, bagkus ay nanlilihis at malupit silang nananakit ng mga tao araw-araw. Isa akong taong may dignidad at integridad na walang pakundangang pinaglaruan at inabuso na parang isang hayop o halimaw. Nagdanas ako ng napakaraming insulto at panghahamak sa piling nila, at napahirapan at napagkaitan ng aking dignidad at integridad, hanggang sa magmistulang hindi na ako tao. Subalit nagsasalita ka pa tungkol sa moralidad? Sino ka upang magsabi ng mga bagay na matayog-pakinggan? Hindi pa ba sapat na minsan na akong napahiya, gusto mo pang pahiyain nila akong muli? Imposibleng bitiwan ko ang pagkapoot na ito!” Isa ba itong pagpapamalas ng normal na pagkatao? (Oo.) Isa itong pagpapamalas ng normal na pagkatao. Sinasabi ng ilang tao: “Hindi ito isang pagpapamalas ng normal na pagkatao, pag-uudyok ito ng pagkapoot.” Kung ganoon, sino ang nagdulot sa pag-uugali ng taong ito at sa pagkapoot na ito? Alam mo ba? Kung hindi siya brutal na inusig ng malaking pulang dragon, aasal ba siya nang ganito? Inusig siya at sinasabi lamang niya ang laman ng isip niya—paano iyon naging pag-uudyok ng pagkapoot? Ganito na nga inuusig ng mga satanikong rehimen ang mga tao, gayunman ay hindi pa nila pinahihintulutan ang mga taong sabihin ang nasa isip nila? Inuusig na nga ni Satanas ang mga tao, gayunman ay nais pa nitong itikom nila ang kanilang mga bibig. Hindi sila nito pinahihintulutang mapoot o lumaban. Anong uri ng pangangatwiran iyon? Hindi ba’t dapat lumaban sa paniniil at pananamantala ang mga taong may normal na pagkatao? Dapat ba ay maamo lamang silang magpasakop? Sa loob ng libu-libong taon ay ginawang tiwali at pininsala ni Satanas ang sangkatauhan. Sa sandaling maunawaan ng mga mananampalataya ang katotohanan, dapat na silang gumising, lumaban kay Satanas, ilantad ito, kapootan ito, at maghimagsik laban dito. Ito ang normal na pagkatao, at natural lamang ito at may katwiran. Ito ang mabuti at matuwid na gawang dapat na magawa ng normal na pagkatao, at pinupuri ito ng Diyos.

Saang anggulo mo man tingnan, ang kasabihan tungkol sa wastong asal na, “Wala nang silbi ang pagpupugot ng mga ulo; maging mabait hangga’t maaari,” ay lubhang hindi makatao at kasuklam-suklam. Sinasabi nito sa mga tao ng pinaghahariang uri na huwag lumaban sa anumang hindi patas na pagtrato—kahit ano pang mga pag-atake, panghahamak, o mga pinsalang dinaranas ng kanilang integridad, dignidad, at karapatang pantao—kundi sa halip ay maging sunud-sunuran dito. Hindi sila dapat maghiganti, o mag-isip ng mga kamuhi-muhing bagay, lalong hindi ng tungkol sa pagganti, bagkus ay kailangan nilang siguraduhing maging mabait hangga’t maaari. Hindi ba’t hindi ito makatao? Malinaw namang hindi ito makatao. Bilang hinihingi nito sa pinaghahariang uri—sa mga pangkaraniwang tao—na gawin ang lahat ng ito at umasal nang may ganitong uri ng wastong asal, hindi ba’t dapat mahigitan ng wastong asal ng naghaharing uri ang kinakailangang ito? Isa ba itong bagay na dapat ay mas maobliga pa silang gawin? Nagawa na ba nila ito? Kaya ba nila itong gawin? Ginamit ba nila ang kasabihang ito upang pigilan at sukatin ang kanilang sarili? Ginamit ba nila ang kasabihang ito sa pagtrato nila sa kanilang mga nasasakupan, sa mga taong pinamumunuan nila? (Hindi.) Kailanman ay hindi pa nila ito nagagawa. Sinasabihan lang nila ang kanilang mga nasasakupan na huwag tingnan nang may animosidad ang lipunang ito, ang bansang ito, o ang naghaharing uri, at na anumang hindi patas na pagtrato ang danasin ng mga ito sa lipunan o sa pamayanan ng mga ito, at kahit gaano pa magdusa ang mga ito sa pisikal, mental at espirituwal na aspekto, kailangang matutuhan ng mga itong maging mabait hangga’t maaari. Sa kabaligtaran, kung ang mga ordinaryong tao—mga pangkaraniwang mamamayan sa kanilang paningin—ay hihindi sa kanila, o magkakaroon ng anumang taliwas na opinyon at ipahahayag ang tungkol sa katayuan, pamumuno, at awtoridad ng naghaharing uri, mahigpit na pangangasiwaan ang mga ito, at parurusahan pa nga nang matindi. Ito ba ang wastong asal na dapat taglayin ng naghaharing uri, na nagpapanukala sa mga tao na “Wala nang silbi ang pagpupugot ng mga ulo; maging mabait hangga’t maaari?” Kung sa mga pangkaraniwang mamamayan ng pinaghahariang uri ay magkakaroon ng pinakamaliit na problema o pinakamaliit na pagbabago, o kung magkakaroon ng pinakabahagyang paglaban sa kanila sa isipan ng mga tao, susugpuin ito hangga’t maaga. Kinokontrol nila ang puso at isip ng mga tao, at pinupuwersa ang mga taong magpasakop sa kanila nang walang kompromiso. Katulad lamang ito ng mga kasabihang “Kapag iniuutos ng emperador sa mga opisyal niya na sila ay mamatay, wala silang magagawa kundi ang mamatay,” at “Ang lahat ng lupain sa ilalim ng kalangitan ay pagmamay-ari ng hari, ang lahat ng tao sa mundo ay nasasakupan ng hari.” Ang katumbas nito ay na ang anumang ginagawa ng namumuno ay tama, at dapat niyang malihis, makontrol, mainsulto, mapaglaruan, mayurakan, at sa wakas ay madaig ang mga tao; at na kahit ano pang gawin ng naghaharing uri, tama sila, at hangga’t nabubuhay ang mga tao, kailangan ng mga itong maging masunuring mga mamamayan, at hindi dapat maging taksil sa hari. Kahit gaano pa kasama ang hari, kahit gaano pa kasama ang kanyang pamumuno, hindi dapat humindi sa kanya ang mga pangkaraniwang tao, at hindi dapat mag-isip na lumaban, at ganap dapat na sumunod. Dahil “ang lahat ng tao sa mundo ay nasasakupan ng hari,” ibig sabihin, ang mga pangkaraniwang taong pinamumunuan ng hari ay kanyang mga nasasakupan, kaya’t hindi ba dapat ay maging halimbawa ang hari ng kasabihang “Wala nang silbi ang pagpupugot ng mga ulo; maging mabait hangga’t maaari” para sa mga pangkaraniwang tao? Dahil ang mga pangkaraniwang tao ay hangal, ignorante, walang alam, at hindi nakauunawa ng batas, madalas silang gumagawa ng ilang bagay na labag sa batas at masama. Kaya, hindi ba’t ang hari ang dapat na mauna sa lahat na gumamit sa kasabihang “Wala nang silbi ang pagpupugot ng mga ulo; maging mabait hangga’t maaari”? Ang pagiging mabait sa mga pangkaraniwang tao tulad ng ginagawa niya sa sarili niyang mga anak—hindi ba’t iyon ang dapat gawin ng isang hari? Hindi ba’t dapat ay magkaroon din ng ganoong kabutihang-loob ang isang hari? (Oo.) Kaya hinihingi ba niya ito sa kanyang sarili? (Hindi.) Nang ipag-utos ng mga hari ang pagsupil sa mga paniniwalang panrelihiyon, hiningi ba nila sa kanilang mga sarili na sumunod sa kasabihang “Wala nang silbi ang pagpupugot ng mga ulo; maging mabait hangga’t maaari”? Nang brutal na usigin at pahirapan ng kanilang kasundaluhan at kapulisan ang mga Kristiyano, hiniling ba nila sa kanilang pamahalaang sumunod sa kasabihang “Wala nang silbi ang pagpupugot ng mga ulo; maging mabait hangga’t maaari”? Kailanman ay hindi nila hiniling sa kanilang pamahalaan o sa kanilang kapulisan na gawin iyon. Sa halip, inudyukan at pinilit nila ang pamahalaan at ang kapulisan na mahigpit na supilin ang mga paniniwalang panrelihiyon, at nagpalabas pa nga sila ng mga kautusang may pagkakatulad sa “bugbugin ninyo sila hanggang sa sila ay mamatay nang hindi kayo naparurusahan” at “wasakin ninyo sila nang walang kaingay-ingay,” na nagpapakitang ang mga hari ng masamang mundong ito ay mga diyablo, sila ay mga haring diyablo, sila ay mga Satanas. Ang mga opisyal lamang ang pinahihintulutan nilang magsindi ng mga apoy, ngunit hindi nila pinahihintulutan ang mga taong magsindi kahit ng mga ilawan. Ginagamit nila ang mga tradisyonal na kasabihang ito tungkol sa wastong asal upang limitahan at pigilan ang mga tao, sa takot na titindig ang mga tao laban sa kanila. Kaya naman, ginagamit ng naghaharing uri ang lahat ng klase ng kasabihan tungkol sa wastong asal upang ilihis ang mga tao. Iisa lamang ang kanilang layunin, ang limitahan at igapos ang mga kamay at paa ng mga tao, nang sa gayon ay magpasakop ang mga tao sa kanilang pamumuno, at hindi nila pinalalampas ang anumang paglaban. Ginagamit nila ang mga teoryang ito tungkol sa wastong asal upang matuliro at malinlang ang mga tao, dinadaya ang mga ito upang yumukod ang mga ito at maging masunuring mga mamamayan. Kahit gaano pa makaiwas sa kaparusahan at mangyurak ng mga tao ang naghaharing uri, kahit gaano pa sila maniil at manamantala ng mga tao, magiging sunud-sunuran lamang dito ang mga tao, at hindi talaga makalalaban ang mga ito. Maging kapag nahaharap sa kamatayan, nagagawa lang piliin ng mga tao ang tumakas. Hindi sila makalaban, ni mangahas man lamang na magkaroon ng mga saloobin ng paglaban. Ni hindi sila makatingin sa mga asarol at karit o mapanatili ang mga iyon sa kanilang tabi, ni hindi rin sila makapagdala ng mga lanseta at panggupit ng kuko, sa layong ipakita na masunurin silang mga mamamayan, at na palagi silang magpapasakop sa pamumuno ng hari at magiging tapat sa hari magpakailanman. Hanggang saan dapat umabot ang kanilang katapatan? Walang sinumang nangangahas magsabing, “Bilang mga mamamayan, dapat nating gamitin ang mga ideya at pananaw ng tradisyonal na kultura upang pangasiwaan at paghigpitan ang ating hari,” at walang sinumang nangangahas na magpanukala ng kahit bahagyang naiibang opinyon kapag natutuklasan nilang gumagawa ng kasamaan ang hari, kung hindi ay mapapatay sila dahil dito. Napakalinaw na, ang tingin ng namumuno sa kanyang sarili ay hindi lamang hari ng mga tao, kundi kataas-taasang tagapamahala at tagakontrol din ng mga tao. Sa kasaysayang Tsino, tinatawag ng mga emperador na ito ang kanilang sarili bilang “Tianzi.” Ano ang kahulugan ng “Tianzi”? Ang kahulugan nito ay anak ng selestiyal na langit, o “ang Anak ng Langit” sa madaling salita. Bakit hindi nila tinawag na “Anak ng Lupa” ang kanilang sarili? Kung ipinanganak sila sa lupa ay dapat silang maging mga anak ng lupa, at dahil malinaw na ipinanganak sila sa lupa, bakit nila tinatawag ang kanilang sariling “Anak ng Langit?” Ano ang layunin ng pagtawag sa kanilang sarili na Anak ng Langit? Ito ba ay dahil gusto nilang hamakin ang lahat ng mga buhay na nilikha at ang mga pangkaraniwang mamamayang ito? Ang kanilang paraan ng pamumuno ay ang pagkontrol sa mga tao gamit ang kapangyarihan at katayuan higit sa anupaman. Ibig sabihin nito, nang maupo sila sa kapangyarihan at maging emperador, balewala sa kanila ang pagkilos nang hindi isinasaalang-alang ang mga tao, at nanganib na mabitay ang mga tao dahil sa pagpapakita ng kaunting-kaunting pag-aatubili. Ganoon nabuo ang titulong “Anak ng Langit.” Kung sasabihin ng emperador na siya ay Anak ng Lupa, magmumukhang mababa ang kanyang katayuan, at hindi niya makukuha ang kadakilaang sinasabi niyang dapat taglayin ng isang hari, ni hindi rin niya masisindak ang pinaghahariang uri. Kaya, itinaas niya ito, at sinasabing siya ang Anak ng Langit, at ninanais niyang kumatawan sa Langit. Maaari ba siyang kumatawan sa Langit? Taglay ba niya ang diwang iyon? Kung ipipilit ng isang taong kumatawan sa Langit nang hindi nagtataglay ng diwa upang gawin iyon, pagpapanggap iyon. Sa isang banda, tinitingnan ng mga namumunong ito ang Langit at ang Diyos nang may animosidad, ngunit sa kabilang banda, nagkukunwari silang sila ang Anak ng Langit, at na may mandato sila mula sa Langit, upang mapadali ang kanilang pamamahala. Hindi ba’t kawalang-kahihiyan ito? Sa pagtingin sa mga katunayang ito, ang layunin ng iba’t ibang kasabihang ito tungkol sa wastong asal na ipinalalaganap sa sangkatauhan ay ang limitahan ang normal na pag-iisip ng mga tao, igapos ang kanilang mga kamay at paa, limitahan ang kanilang pag-uugali, at limitahan pa nga ang iba’t iba nilang kaisipan, pananaw at pagpapamalas sa saklaw ng normal na pagkatao. Sa pagtingin sa ugat nito, ang layon ng mga ito ay makabuo ng mabubuting kaugaliang panlipunan at panlipunang moralidad. Siyempre, sa pagkakamit ng epektong ito ay napaglilingkuran din ng mga ito ang ambisyon ng naghaharing uri na mamuno sa loob ng mahabang panahon. Ngunit kahit paano pa sila mamuno, sa huli ay ang sangkatauhan ang biktima. Nalilimitahan at naiimpluwensiyahan ang sangkatauhan ng iba’t ibang ideya at pananaw na ito ng tradisyonal na kultura. Maliban sa nawalan na ang mga tao ng pagkakataong marinig ang ebanghelyo at matanggap ang pagliligtas ng Diyos, nawalan din sila ng pagkakataong hanapin ang katotohanan at tahakin ang tamang landas sa buhay. Bukod pa roon, sa ilalim ng kontrol ng mga namumuno, walang magagawa ang mga tao kundi tanggapin ang maraming uri ng lason, maling paniniwala at pag-iisip, at iba pang negatibong bagay na mula kay Satanas. Sa huling ilang libong taon ng mahabang kasaysayan ng sangkatauhan, naturuan, nataniman, at nalihis ni Satanas ang sangkatauhan sa pamamagitan ng pagpapalaganap ng kaalaman at paghahasik ng iba’t ibang ideolohikal na teorya, na ang resulta ay lubos na naimpluwensiyahan at nalimitahan ang mga henerasyon ng tao ng mga ideya at pananaw na ito. Siyempre, sa ilalim ng mga ideya at pananaw na ito mula kay Satanas, tumitindi at lumalala ang mga tiwaling disposisyon ng mga tao. Ibig sabihin, sa batayang ito ay nalinang at “napino” na ang mga tiwaling disposisyon ng mga tao, at malalim nang nag-ugat ang mga ito sa puso ng mga tao, na nagdudulot sa kanilang tanggihan ang Diyos, labanan ang Diyos, at malugmok sa kasalanan kung saan hindi sila makaalis. Tungkol naman sa pagkabuo ng kasabihang ito tungkol sa wastong asal—“Wala nang silbi ang pagpupugot ng mga ulo; maging mabait hangga’t maaari”—pati na ang mga layon sa pagpapanukala sa kinakailangang ito, ang pinsalang nagawa sa mga tao mula nang mabuo ang kasabihang ito tungkol sa wastong asal, at lahat ng iba’t iba pang aspekto, hindi natin pagbabahaginan ang mga bagay na ito ngayon, at maaari kayong gumugol ng oras sa ibang pagkakataon upang higit na pag-isipan ang mga ito sa inyong mga sarili.

Hindi na bago sa mga Tsino ang mga kasabihan tungkol sa wastong asal sa tradisyonal na kultura, ngunit ang mga ito ay hindi biglaang nakaiimpluwensiya sa mga tao. Nabubuhay ka sa ganitong uri ng kapaligirang panlipunan, nakatanggap ka ng ganitong uri ng ideolohikal na pagtuturo tungkol sa mga aspekto ng tradisyonal na kultura at moralidad, at pamilyar ka na sa mga bagay na ito, ngunit kailanman ay hindi mo naisip na maaaring magkaroon ng lubhang negatibong epekto ang mga bagay na ito. Gaano ka ba katinding mahahadlangan ng mga bagay na ito sa pagsampalataya sa Diyos, sa paghahangad sa katotohanan, at sa pagpasok sa mga katotohanang realidad, o gaano ba kalaki ang magiging impluwensiya o hadlang ng mga ito sa landas na tatahakin mo sa hinaharap? Alam ba ninyo ang mga problemang ito? Dapat ay higit pa ninyong pag-isipan at kilatisin ang paksang pinagbahaginan natin ngayong araw, upang magtamo kayo ng lubos na pagkaunawa sa papel na ginagampanan ng tradisyonal na kultura sa pagtuturo sa sangkatauhan, kung ano ito mismo, at kung paano ito dapat tratuhin nang tama ng mga tao. Makatutulong at kapaki-pakinabang ang mga salitang ito na ating pinagbahaginan sa itaas upang maunawaan ninyo ang mga bagay sa tradisyonal na kultura. Siyempre, ang pagkaunawang ito ay hindi lamang pagkaunawa sa tradisyonal na kultura, kundi isa ring pagkaunawa sa paggawang tiwali ni Satanas sa sangkatauhan, at sa iba’t ibang paraan at diskarte kung paano ginagawang tiwali ni Satanas ang sangkatauhan, at partikular pa ngang sa iba’t ibang pananaw na itinitimo nito sa mga tao, pati na sa iba’t ibang paraan at diskarte, pananaw, perspektiba, paningin, at iba pa, kung paano nito tinatrato ang mundo at ang sangkatauhan. Matapos magtamo ng lubos na pagkaunawa sa mga bagay sa tradisyonal na kultura, ang dapat ninyong gawin ay hindi lamang ang iwasan at tanggihan ang iba’t ibang kasabihan at pananaw ng tradisyonal na kultura. Sa halip, mas partikular na dapat mong maunawaan at masuri kung ano ang pinsala, mga gapos at tanikalang naipataw sa iyo ng mga kasabihan tungkol sa wastong asal na iyong sinusunod at itinataguyod, at kung anong mga papel ang nagampanan ng mga iyon sa pag-apekto, pag-abala, at paghadlang sa iyong mga kaisipan at pananaw tungkol sa pag-asal mo, pati na sa iyong pagtanggap sa mga salita ng Diyos at sa iyong paghahangad sa katotohanan, at sa gayon ay inaantala ka sa pagtanggap sa katotohanan, pag-unawa rito, pagsasagawa nito, at pagpapasakop sa Diyos nang lubos at ganap. Ang mga bagay na ito ang mismong dapat pagnilayan at mamalayan ng mga tao. Hindi maaaring basta mo na lamang iwasan o tanggihan ang mga iyon, dapat ay magawa mong makilatis at lubos na maunawaan ang mga iyon, upang ganap mong mapalaya ang iyong isipan mula sa mga mapanlihis at nakaliligaw na bagay na ito sa tradisyonal na kultura. Kahit na hindi malalim na nag-ugat sa iyo ang ilang kasabihan tungkol sa wastong asal, ngunit paminsan-minsan ay namamalas mo ito sa iyong pag-iisip at mga kuru-kuro, maaabala ka pa rin ng mga iyon nang panandalian o sa isang pangyayari. Kung hindi mo makilatis nang malinaw ang mga iyon, maaari pa ring medyo positibo o malapit sa katotohanan ang tingin mo sa ilang kasabihan at pananaw, at isa itong bagay na lubhang nakababahala. May mga partikular na kasabihan tungkol sa wastong asal na sa loob mo ay medyo gusto mo. Maliban sa sinasang-ayunan mo ang mga iyon sa puso mo, pakiramdam mo rin ay maipahahayag ang mga iyon sa publiko, na magiging interesado ang mga taong marinig ang mga iyon, at na tatanggapin nila ang mga iyon bilang mga positibong bagay. Walang dudang ang mga kasabihang ito ang pinakamahirap para sa iyong bitiwan. Kahit na hindi mo tinanggap ang mga iyon bilang katotohanan, sa loob mo ay kinikilala mong mga positibong bagay ang mga iyon sa iyong puso, at hindi mo namamalayang nag-uugat na ang mga iyon sa iyong puso at nagiging buhay mo. Sa sandaling sumampalataya ka sa Diyos at tanggapin mo ang katotohanang ipinahayag ng Diyos, likas na lilitaw ang mga bagay na ito upang guluhin at hadlangan ka sa pagtanggap sa katotohanan. Ang lahat ng ito ay mga bagay na humahadlang sa mga tao sa paghahangad sa katotohanan. Kung hindi mo makilatis nang malinaw ang mga iyon, madaling mapagkakamalang katotohanan ang mga bagay na ito at mabibigyan ng parehong katayuan, na maaaring magkaroon ng ilang negatibong epekto sa mga tao. Maaaring hindi mo itinuturing na katotohanan ang mga kasabihang ito—tulad ng “Huwag mong ibulsa ang pera na iyong napulot,” “Maging masaya sa pagtulong sa iba,” at “Maging mahigpit sa iyong sarili at mapagparaya sa iba,” at na hindi mo itinuturing ang mga iyon bilang pamantayan sa pagsukat sa sarili mong wastong asal, at na hindi mo hinahangad ang mga iyon bilang mga mithiin sa pag-asal, ngunit hindi ito nangangahulugang hindi ka naimpluwensiyahan at nagawang tiwali ng tradisyonal na kultura. Maaari ring isa kang taong walang pakialam sa maliliit na detalye, sa puntong wala kang pakialam kung ibubulsa mo ang perang iyong napulot o hindi, o kung magiging masaya ka sa pagtulong sa iba o hindi. Ngunit kailangan mong maunawaan at maging malinaw sa iyo ang isang bagay: Nabubuhay ka sa ganitong uri ng kapaligirang panlipunan at sa ilalim ng impluwensiya ng isang tradisyonal na kultural at ideolohikal na pagtuturo, kaya hindi mo maiiwasang sundin ang mga kasabihang ito na ipinapanukala ng sangkatauhan, at gagamit ka ng kahit papaano ay ilan sa mga iyon bilang pamantayan mo sa pagsukat sa wastong asal. Ito ang dapat mong taimtim na pagnilayan. Maaari ding hindi mo ginagamit ang mga kasabihang tulad ng “Huwag mong ibulsa ang pera na iyong napulot” o “Maging masaya sa pagtulong sa iba” bilang pamantayan mo sa pagsukat sa wastong asal, ngunit sa kaibuturan ng iyong puso ay iniisip mong talagang marangal ang ibang kasabihang tulad ng “Haharapin ko ang panganib para sa isang kaibigan,” at ang mga iyon ay naging mga saligang nakaiimpluwensiya sa iyong buhay, o naging pinakamataas na pamantayan kung saan tinitingnan mo ang mga tao at bagay, at kung paano ka umaasal at kumikilos. Ano ang ipinakikita nito? Bagama’t sa kaibuturan ng iyong puso ay hindi mo sinasadyang igalang o sundin ang tradisyonal na kultura, ang mga saligan mo ng pag-asal, ang mga paraan kung paano ka umaasal, at ang mga mithiin mo sa buhay, pati na ang mga prinsipyo, pamantayan, at saligan mo sa mga mithiin sa buhay na iyong hinahangad ay talagang hindi malaya sa tradisyonal na kultura. Hindi natakasan ng mga iyon ang mga prinsipyo ng kabutihang-loob, pagiging matuwid, kagandahang-asal, karunungan, at pagiging mapagkakatiwalaan na itinataguyod ng sangkatauhan, o kung anong saligan ng wastong asal na ipinapanukala ng sangkatauhan—hindi mo talaga natakasan ang mga limitasyong ito. Sa madaling salita, hangga’t isa kang tiwaling tao, isang buhay na tao, at kinakain mo ang pagkain sa mundo ng tao, ang mga prinsipyo ng pag-asal at buhay na iyong sinusunod ay walang iba kundi ang mga prinsipyo at saligang ito para sa wastong asal mula sa tradisyonal na kultura. Dapat ninyong maunawaan ang mga salitang ito na sinasabi Ko at ang mga problemang ito na inilalantad Ko. Gayunpaman, marahil ay iniisip mo na wala kang ganitong mga problema, kaya wala kang pakialam sa sinasabi Ko. Ang totoo, taglay ng lahat ng tao ang mga problemang ito sa iba’t ibang antas, namamalayan mo man ito o hindi, at isa itong bagay na dapat na taimtim na pagnilayan at maunawaan ng mga sumasampalataya sa Diyos at naghahangad sa katotohanan.

Kasasabi lamang natin na ang kasabihang “Wala nang silbi ang pagpupugot ng mga ulo; maging mabait hangga’t maaari” ay isang kinakailangang ipinapataw sa wastong asal ng sangkatauhan. Nasuri din natin ang ilan sa mga problema sa kasabihang ito at ang ilan sa mga naging epekto nito sa sangkatauhan. Nakapagdala ito ng ilang nakapipinsalang ideya at pananaw sa sangkatauhan, at nagkaroon ng ilang negatibong epekto sa mga paghahangad at sa pag-iral ng mga tao, na dapat malaman ng mga tao. Kaya, paano dapat maunawaan ng mga mananampalataya ang mga problemang may kinalaman sa kabutihang-loob at kalawakan ng pag-iisip sa sangkatauhan? Paano mauunawaan ng isang tao ang mga iyon mula sa Diyos sa isang tama at positibong paraan? Hindi ba’t dapat din itong maunawaan? (Oo.) Ang totoo ay hindi naman mahirap maunawaan ang mga bagay na ito. Hindi mo kailangang manghula, ni magsaliksik ng anumang impormasyon. Sa pamamagitan lamang ng pagkatuto mula sa mga bagay na sinabi ng Diyos at sa gawaing Kanyang ginawa sa gitna ng mga tao, at mula sa disposisyon ng Diyos na makikita sa iba’t ibang paraan ng Kanyang pagtrato sa lahat ng uri ng tao, malalaman natin kung ano mismo ang opinyon ng Diyos sa mga kasabihan at pananaw na ito ng tradisyonal na kultura, at kung ano mismo ang Kanyang mga layunin. Sa pamamagitan ng pagtingin sa mga layunin at pananaw ng Diyos, magkakaroon na ang mga tao ng landas kung paano hahangarin ang katotohanan. Ang kasabihang “Wala nang silbi ang pagpupugot ng mga ulo; maging mabait hangga’t maaari” na sinusunod ng mga tao ay nangangahulugang kapag napugot at bumagsak na sa lupa ang ulo ng isang tao, iyon na ang katapusan ng bagay na iyon at hindi na ito dapat pang higit na aksyunan. Hindi ba’t isa itong mababang uri ng perspektiba? Hindi ba’t isa itong perspektibang karaniwang pinaniniwalaan ng mga tao? Nangangahulugan itong sa sandaling humantong ang isang tao sa dulo ng kanyang pisikal na buhay, tapos na talaga ang buhay na iyon. Ang lahat ng masasamang bagay na nagawa ng taong iyon sa kanyang buhay, at ang lahat ng pagmamahal, pagkapoot, masidhing damdamin at alitang kanyang naranasan, ay ihahayag nang tapos noon din, at ituturing na tapos na ang buhay na iyon. Pinaniniwalaan ito ng mga tao, ngunit sa pagtingin sa mga salita ng Diyos at sa lahat ng iba’t ibang tanda ng mga kilos ng Diyos, ito ba ang prinsipyo sa mga kilos ng Diyos? (Hindi.) Kaya, ano ang prinsipyo sa mga kilos ng Diyos? Ano ang batayan sa paggawa ng Diyos ng ganoong mga bagay? Sinasabi ng ilang tao na ginagawa ng Diyos ang ganoong mga bagay batay sa Kanyang mga atas administratibo, na tama, ngunit hindi ito ang buong pangyayari. Sa isang banda, alinsunod ito sa Kanyang mga atas administratibo, ngunit sa kabilang banda, tinatrato Niya ang lahat ng uri ng tao batay sa Kanyang disposisyon at diwa—ito ang buong pangyayari. Sa mga mata ng Diyos, kung mapapatay ang isang tao at babagsak sa lupa ang ulo nito, matatapos na ba ang buhay ng taong ito? (Hindi.) Kaya, sa anong paraan winawakasan ng Diyos ang buhay ng isang tao? Ganito ba ang paraan ng pakikitungo ng Diyos sa isang tao? (Hindi.) Ang paraan ng pakikitungo ng Diyos sa sinumang tao ay hindi lamang sa pagpatay rito sa pamamagitan ng pagpupugot sa ulo nito at matatapos na roon. May simula at may katapusan, may pagkakaugnay at may hindi mababaling katangian sa paraan ng pakikitungo ng Diyos sa sangkatauhan. Mula sa oras na muling magkatawang-laman ang isang kaluluwa bilang isang tao, hanggang sa magbalik ang kaluluwa sa espirituwal na mundo pagkatapos ng pisikal na buhay ng taong iyon, anumang landas ang sundan nito, sa espirituwal na mundo man o sa materyal na mundo, kailangan itong sumailalim sa pangangasiwa ng Diyos. Sa huli, nakasalalay sa mga atas administratibo ng Diyos kung magagantimpalaan ito o mapaparusahan, at may mga panuntunan ang langit. Nangangahulugan itong ang paraan ng pagtrato ng Diyos sa isang tao ay nakabatay sa tadhana ng buong buhay na Kanyang inordena para sa bawat tao. Matapos magwakas ang tadhana ng isang tao, sasailalim siya sa pangangasiwa batay sa inordenang kautusan ng Diyos at sa mga panuntunan ng langit sa pagpaparusa sa kasamaan at paggantimpala sa kabutihan. Kung nakagawa ang taong ito ng matitinding kasamaan sa mundo, kailangan siyang sumailalim sa matinding kaparusahan; kung hindi masyadong maraming kasamaan ang nagawa ng taong ito at nakagawa pa nga ng ilang mabuting gawa, dapat siyang magantimpalaan. Kung makapagpapatuloy man siya sa muling pagkakatawang-laman at kung maipanganganak man siyang muli bilang isang tao o isang hayop ay nakasalalay sa kanyang pagganap sa buhay na ito. Bakit Ko ibinabahagi ang tungkol sa mga bagay na ito? Dahil kalakip ng kasabihang “Wala nang silbi ang pagpupugot ng mga ulo,” may isa pang kataga, ang “maging mabait hangga’t maaari.” Walang ganoong mga paraan ng pananalita o paggawa ang Diyos sa mga bagay-bagay na walang prinsipyong nagtatangkang ayusin ang lahat. Nahahayag ang mga kilos ng Diyos sa paraan ng Kanyang pakikitungo sa anumang nilikha mula sa simula hanggang sa katapusan, ang lahat ay nagbibigay-daan sa mga taong malinaw na makita na ang Diyos ang may kataas-taasang kapangyarihan sa tadhana ng mga tao, pinapangasiwaan at isinasaayos ito, at pagkatapos ay pinaparusahan ang kasamaan at ginagantimpalaan ang kabutihan ayon sa pag-uugali ng isang tao, nagpapataw ng kaparusahan kung saan nararapat. Alinsunod sa itinakda ng Diyos, dapat maparusahan ang isang tao sa loob ng gaano man karaming taon at gaano man karaming reinkarnasyon, batay sa kung gaano karaming kasamaan ang kanyang nagawa, at ipinatutupad ito ng espirituwal na mundo ayon sa mga itinatag na panuntunan, nang walang ni katiting na paglihis. Walang makapagbabago nito, at ang sinumang gagawa niyon ay lalabag sa mga panuntunan ng langit na inordena ng Diyos, at maparurusahan nang walang pinalalampas. Sa mga mata ng Diyos, hindi maaaring malabag ang mga panuntunang ito ng langit. Ano ang ibig sabihin nito? Ibig sabihin nito ay ang sinumang tao, kahit ano pang kasamaan ang nagawa niya o kahit alin pang panuntunan at patakaran ng langit ang nalabag niya, sa huli ay haharapin siya nang walang kompromiso. Hindi tulad ng mga batas ng mundo—kung saan may mga suspendidong sentensya, o isang taong makapamamagitan, o maaaring sundin ng hukom ang sarili niyang mga kagustuhan at magpakita ng kabutihan sa pamamagitan ng pagiging mabait hangga’t maaari, upang hindi mahatulan ang taong iyon sa krimen at hindi maparusahan nang naaangkop—hindi ganito ang proseso ng mga bagay-bagay sa espirituwal na mundo. Mahigpit na tatratuhin ng Diyos ang nakaraan at kasalukuyang buhay ng bawat nilikha alinsunod sa mga kautusang Kanyang itinatag, na ang ibig sabihin, sa mga panuntunan ng langit. Hindi mahalaga kung gaano kalubha o kaliit ang mga paglabag ng isang tao, o kung gaano kadakila o kaliit ang kanyang mabubuting gawa, ni hindi rin mahalaga kung gaano katagal nang nangyayari ang mga paglabag o mabubuting gawa ng taong iyon, o kung gaano katagal nang naganap ang mga iyon. Wala sa mga ito ang makapagbabago sa paraan ng pagtrato ng Panginoon ng paglikha sa mga taong Kanyang nilikha. Ibig sabihin, hindi kailanman magbabago ang mga panuntunan ng langit na ginawa ng Diyos. Ito ang prinsipyo sa likod ng mga kilos ng Diyos at ang paraan ng paggawa Niya ng mga bagay-bagay. Mula nang magkaroon ng mga tao at magsimula ang Diyos sa pagkilos sa kanila, ang mga atas administratibong Kanyang ginawa, ibig sabihin, ang mga panuntunan ng langit, ay hindi nagbago. Samakatuwid, sa huli ay magkakaroon ang Diyos ng mga paraan ng pagharap sa mga paglabag, mabubuting gawa, at lahat ng uri ng masasamang gawa ng sangkatauhan. Kailangang pagbayaran ng sinuman at ng lahat ng nilikha ang nararapat na halaga para sa kanilang mga kilos at pag-uugali. Gayunpaman, ang bawat nilikha ay pinarurusahan ng Diyos dahil sa kanilang pagrerebelde sa Diyos, sa masasamang gawang kanilang nagawa, at sa mga paglabag na kanilang iniwan, sa halip na dahil sa naging mapootin na ang Diyos sa mga tao. Ang Diyos ay hindi kabilang sa sangkatauhan. Ang Diyos ay Diyos, ang Panginoon ng paglikha. Ang alinman at ang lahat ng nilikha ay pinarurusahan hindi dahil sa kinapopootan ng Panginoon ng paglikha ang mga tao, kundi dahil nalabag nila ang mga panuntunan, patakaran, batas, at kautusan ng langit na itinatag ng Diyos, at ang katunayang ito ay hindi mababago ng sinuman. Mula sa perspektibang ito, sa mga mata ng Diyos kailanman ay hindi nagkaroon ng ideyang “pagiging mabait hangga’t maaari.” Maaaring hindi ninyo lubos na maunawaan ang sinasabi Ko, ngunit anu’t ano man, ang sukdulang layunin ay ipaalam sa inyo na walang pagkamuhi ang Diyos, bagkus ay tanging ang mga panuntunan ng langit, atas administratibo, kautusan, Kanyang disposisyon, at Kanyang poot at pagiging maharlika na hindi nagpapalagpas ng anumang paglabag. Samakatuwid, sa mga mata ng Diyos ay walang “pagiging mabait hangga’t maaari.” Hindi mo dapat sukatin ang Diyos gamit ang hinihinging maging mabait hangga’t maaari, ni iharap ang Diyos para siyasatin laban sa hinihinging ito. Ano ba ang ibig sabihin ng “iharap ang Diyos para sa pagsisiyasat”? Ibig sabihin nito ay minsan kapag nagpapakita ang Diyos ng awa at pagpaparaya sa mga tao, sasabihin ng ilan, “Tingnan ninyo, mabuti ang Diyos, minamahal ng Diyos ang mga tao, mabait Siya hangga’t maaari, Siya ay tunay na mapagparaya sa mga tao, ang Diyos ang siyang may pinakamalawak na pag-iisip, higit na malawak ito sa pag-iisip ng mga tao, at higit na malaki sa pag-iisip ng mga punong ministro!” Tama bang sabihin iyon? (Hindi.) Kung pupurihin mo ang Diyos nang ganito, naaangkop bang sabihin ito? (Hindi, hindi ito naaangkop.) Mali ang paraan ng pagsasalitang ito at hindi magagamit sa Diyos. Sinisikap ng mga taong maging mabait hangga’t maaari upang maipakita ang kanilang pagkabukas-palad at pagpaparaya, at upang ipangalandakang sila ay taong mapagparaya at may mabuting-loob, at isang taong may marangal na katangian. Para naman sa Diyos, may awa at pagpaparaya sa diwa ng Diyos. Ang awa at pagpaparaya ay ang diwa ng Diyos. Ngunit ang diwa ng Diyos ay hindi kapareho ng kabutihang-loob at pagpaparayang ipinakikita ng mga tao sa pamamagitan ng pagiging mabait hangga’t maaari. Dalawang magkaibang bagay ang mga ito. Sa pagiging mabait hangga’t maaari, ang mithiin ng mga tao ay ang mahikayat ang mga taong magsabi ng magagandang bagay tungkol sa kanila, na mayroon silang pagkabukas-palad at kagandahang-loob, at na mabuting tao sila. Bukod pa roon, dala rin ito ng panggigipit ng lipunan, para mabuhay. Ang mga tao ay nagpapakita lamang sa iba ng kaunting pagkabukas-palad at kaunting kalawakan ng pag-iisip upang makamit ang isang mithiin, hindi upang tumupad o sumunod sa pamantayan ng konsensiya, kundi upang mahikayat ang mga taong tingalain at sambahin sila, o dahil bahagi ito ng kung anong lihim na motibo o pandaraya. Walang kadalisayan sa kanilang mga kilos. Kaya, ginagawa ba ng Diyos ang mga bagay na gaya ng pagiging mabait hangga’t maaari? Hindi ginagawa ng Diyos ang ganoong mga bagay. Sinasabi ng ilang tao, “Hindi ba’t nagpapakita rin ang Diyos ng kabaitan sa mga tao? Kaya kapag ginagawa Niya iyon, hindi ba’t nagiging mabait Siya hangga’t maaari?” Hindi, may pagkakaiba rito na dapat maunawaan ng mga tao. Ano ang dapat maunawaan ng mga tao? Ito ay kapag ginagamit ng mga tao ang kasabihang “maging mabait hangga’t maaari,” ginagawa nila ito nang walang mga prinsipyo. Ginagawa nila ito dahil nagpapadaig sila sa mga panggigipit ng lipunan at sa opinyon ng madla, at upang magkunwaring mabubuti silang tao. Sa maruruming mithiing ito at habang nagpapakapaimbabaw upang ipangalandakang mabubuti silang tao, nag-aatubili itong ginagawa ng mga tao. O marahil ay napipilitan sila sa sitwasyon, at nais nilang maghiganti ngunit hindi nila magawa, at sa sitwasyong ito kung saan walang ibang magagawa, nag-aatubili silang sumusunod sa saligang ito. Hindi ito nanggagaling sa pagpapakita ng kanilang panloob na diwa. Ang mga taong nakagagawa nito ay hindi tunay na mabubuting tao, o mga taong tunay na nagmamahal sa mga positibong bagay. Kaya ano ang pagkakaiba ng pagiging mapagparaya at maawain ng Diyos sa mga tao, at ng pagsasagawa ng mga tao sa kasabihang “maging mabait hangga’t maaari”? Sabihin ninyo sa Akin kung ano ang mga pagkakaiba. (May mga prinsipyo sa ginagawa ng Diyos. Halimbawa, natanggap ng mga mamamayan ng Ninive ang pagpaparaya ng Diyos pagkatapos nilang tunay na magsisi. Mula rito, makikita nating may mga prinsipyo sa mga kilos ng Diyos, at makikita rin nating sa diwa ng Diyos ay mayroong awa at pagpaparaya para sa mga tao.) Magaling. May dalawang pangunahing pagkakaiba rito. Napakahalaga ng puntong kasasabi lamang ninyo, iyon ay na may mga prinsipyo sa ginagawa ng Diyos. May malinaw na hangganan at saklaw ang lahat ng ginagawa ng Diyos, at ang hangganan at saklaw na ito ay mga bagay na mauunawaan ng mga tao. Ang totoo ay may mga partikular na prinsipyo sa lahat ng ginagawa ng Diyos. Halimbawa, nagpakita ang Diyos ng kabaitan sa mga mamamayan ng Ninive para sa kanilang mga paglabag. Nang iwaksi ng mga mamamayan ng Ninive ang kanilang kasamaan at tunay na magsisi, pinatawad sila ng Diyos at nangako Siyang hindi na higit pang wawasakin ang lungsod. Ito ang prinsipyo sa likod ng mga kilos ng Diyos. Paano mauunawaan dito ang prinsipyong ito? Ito ang pamantayan. Ayon sa pagkaunawa at pananalita ng mga tao, masasabing ito ang pamantayan ng Diyos. Basta’t isusuko ng mga mamamayan ng Ninive ang kasamaan sa kanilang mga gawa at ititigil ang pamumuhay sa kasalanan at pagtatakwil sa Diyos gaya ng minsan nilang ginawa, at magawa nilang tunay na magsisi sa Diyos, ang tunay na pagsisising ito ang pamantayang ibinigay sa kanila ng Diyos. Kung makapagkakamit sila ng tunay na pagsisisi, magiging mabait sa kanila ang Diyos. Kung, sa kabaligtaran, mabibigo silang magkamit ng tunay na pagsisisi, muli ba iyong pag-iisipan ng Diyos? Magbabago ba ang naunang desisyon at plano ng Diyos na wasakin ang lungsod na ito? (Hindi.) Binigyan sila ng Diyos ng dalawang pagpipilian: Ang una ay ang ipagpatuloy ang kanilang masasamang gawi at humarap sa pagkawasak, na kung saan ay malilipol ang buong lungsod; ang pangalawa ay iwaksi ang kanilang kasamaan, tunay na magsisi sa Kanya suot ang sakong magaspang na may abo, at aminin sa Kanya ang kanilang mga kasalanan mula sa kaibuturan ng kanilang puso, sa gayon ay magiging mabait Siya sa kanila, at kahit ano pang kasamaan ang kanilang nagawa noon, o gaano pa man katindi ang sukdulan ng kanilang kasamaan, magpapasya Siyang hindi na wasakin ang lungsod dahil sa kanilang pagsisisi. Binigyan sila ng Diyos ng dalawang pagpipilian, at sa halip na piliin ang una, pinili nila ang pangalawa—na tunay na magsisi sa Diyos suot ang sakong magaspang na may abo. Ano ang panghuling resulta? Nahikayat nila ang Diyos na baguhin ang Kanyang isip, ibig sabihin, muli itong pag-isipan, baguhin ang Kanyang mga plano, pakitaan sila ng kabaitan, at hindi na wasakin ang lungsod. Hindi ba’t ito ang prinsipyo kung paano kumikilos ang Diyos? (Oo.) Ito ang prinsipyo kung paano kumikilos ang Diyos. Bukod pa roon, may isa pang mahalagang punto, ito ay na may pagmamahal at awa sa diwa ng Diyos, ngunit siyempre, may kawalang-pagpaparaya rin sa mga paglabag ng tao, at poot. Sa kaso ng pagwasak sa Ninive, nahayag ang parehong aspektong ito ng diwa ng Diyos. Nang makita ng Diyos ang masasamang gawa ng mga taong ito, nagpamalas at nahayag ang diwa ng poot ng Diyos. May prinsipyo ba sa galit ng Diyos? (Oo.) Sa simpleng salita, ang prinsipyong ito ay na may batayan sa galit ng Diyos. Hindi ito pagkagalit o pagngingitngit nang basta-basta, lalong hindi ito isang uri ng damdamin. Sa halip, isa itong disposisyong lumilitaw at likas na nahahayag sa isang partikular na konteksto. Ang poot at pagiging maharlika ng Diyos ay hindi nagpapalagpas ng anumang paglabag. Sa wika ng tao, ibig sabihin nito ay nagalit at nagngitngit ang Diyos nang makita Niya ang masasamang gawa ng mga taga-Ninive. Sa eksaktong salita, galit ang Diyos dahil may aspekto Siyang hindi nagpapalagpas ng mga paglabag ng mga tao, kaya pagkakita sa masasamang gawa ng mga tao at sa pangyayari at paglitaw ng mga negatibong bagay, likas na ihahayag ng Diyos ang Kanyang poot. Kaya, kung mahahayag ang poot ng Diyos, agad ba Niyang wawasakin ang lungsod? (Hindi.) Sa ganitong paraan ninyo makikita na may mga prinsipyo sa ginagawa ng Diyos. Hindi totoo na sa sandaling magalit ang Diyos, sasabihin na Niyang, “May awtoridad Ako, wawasakin kita! Anuman ang iyong suliranin, hindi kita bibigyan ng pagkakataon!” Hindi ganoon iyon. Anu-ano ang mga ginawa ng Diyos? Gumawa ang Diyos ng sunud-sunod na mga bagay. Paano dapat bigyang-kahulugan ng mga tao ang mga iyon? Ang sunud-sunod na mga bagay na ginawa ng Diyos ay batay lahat sa disposisyon ng Diyos. Hindi lumitaw ang mga iyon batay lamang sa Kanyang poot. Ibig sabihin, ang poot ng Diyos ay hindi pagiging padalos-dalos. Hindi ito katulad ng pagiging padalos-dalos ng mga tao, na pabigla-biglang nagsasabing, “May kapangyarihan ako, papatayin kita, lagot ka sa akin,” o gaya ng sinasabi ng malaking pulang dragon, “Kung mahuhuli kita, lulumpuhin kita, at bubugbugin hanggang sa mamatay nang hindi ako napaparusahan.” Ganito ginagawa ni Satanas at ng mga diyablo ang mga bagay-bagay. Galing kay Satanas at sa mga diyablo ang pagiging padalos-dalos. Walang pagiging padalos-dalos sa poot ng Diyos. Sa anong paraan nagpamamalas ang kawalan Niya ng pagiging padalos-dalos? Nang makita ng Diyos kung gaano katiwali ang mga taga-Ninive, nagalit at nagngitngit Siya. Ngunit matapos magalit, hindi Niya winasak ang mga ito nang walang sabi-sabi dahil sa pag-iral ng diwa ng Kanyang poot. Sa halip, ipinadala Niya si Jonas upang ipagbigay-alam sa mga mamamayan ng Ninive kung ano ang susunod Niyang gagawin at kung bakit, upang malinawan at mabigyan sila ng kaunting pag-asa. Sinasabi ng katunayang ito sa sangkatauhan na nahahayag ang poot ng Diyos dahil sa paglitaw ng mga negatibo at masamang bagay, ngunit naiiba ang poot ng Diyos sa pagiging padalos-dalos ng sangkatauhan, at naiiba ito sa mga damdamin ng tao. Sinasabi ng ilang tao, “Naiiba ang poot ng Diyos sa pagiging padalos-dalos at sa mga damdamin ng tao. Makokontrol ba ang poot ng Diyos?” Hindi, hindi makokontrol ang tamang salitang dapat gamitin dito, hindi naaangkop na sabihin ito. Sa eksaktong pananalita, may mga prinsipyo sa poot ng Diyos. Sa Kanyang poot, gumawa ang Diyos ng sunud-sunod na mga bagay na higit na nagpapatunay na may mga katotohanan at prinsipyo sa Kanyang mga kilos, at kasabay niyon ay ipinaaalam din sa sangkatauhan na bukod sa Kanyang poot, ang Diyos ay mayroon ding awa at pagmamahal. Kapag nakalaan ang awa at pagmamahal ng Diyos sa sangkatauhan, ano ang mga pakinabang na matatanggap ng sangkatauhan? Ibig sabihin, kung aaminin ng mga tao ang kanilang mga kasalanan at magsisisi sa paraang itinuro ng Diyos, magkakaroon sila ng pagkakataon sa buhay na mula sa Diyos, at ng pag-asa at posibilidad na maligtas. Nangangahulugan itong makapagpapatuloy ang mga tao sa pamumuhay nang may pahintulot ng Diyos, sa kondisyong tunay na silang umamin at tunay nang nakapagsisi, pagkatapos ay matatanggap na nila ang pangakong ibinibigay sa kanila ng Diyos. Hindi ba’t may mga prinsipyo sa lahat ng sunud-sunod na pahayag na ito? Nakikita mo, sa likod ng lahat at ng bawat uri ng gawaing ginagawa ng Diyos ay mayroong, gamit ang wika ng tao, isang pangangatwiran at isang katumpakan, o, gamit ang mga salita ng Diyos, may mga katotohanan at prinsipyo. Naiiba ito sa paraan ng sangkatauhan sa paggawa sa mga bagay-bagay, at lalong hindi ito kontaminado ng pagiging padalos-dalos ng sangkatauhan. Sinasabi ng ilang tao, “Ang disposisyon ng Diyos ay mahinahon at hindi padalos-dalos!” Tama ba ito? Hindi, hindi masasabing mahinahon, payapa, at hindi padalos-dalos ang disposisyon ng Diyos—paraan ito ng sangkatauhan sa pagsukat at paglalarawan dito. May mga katotohanan at prinsipyo sa ginagawa ng Diyos. Anuman ang Kanyang ginagawa, may batayan ito, at ang batayang ito ay ang katotohanan at ang disposisyon ng Diyos.

Sa pakikitungo sa mga mamamayan ng Ninive, gumawa ang Diyos ng sunud-sunod na mga bagay. Una, ipinadala Niya si Jonas upang sabihin sa mga mamamayan ng Ninive na, “Apatnapung araw pa at ang Ninive ay mawawasak” (Jonas 3:4). Mahabang panahon ba ang apatnapung araw? Eksakto itong isang buwan at sampung araw, na medyo mahabang panahon, sapat na upang makapag-isip at makapagnilay nang medyo matagal ang mga tao at magkaroon ng tunay na pagsisisi. Kung naging apat na oras, o apat na araw iyon, hindi iyon magiging sapat na oras para magsisi. Ngunit apatnapung araw ang ibinigay ng Diyos, na napakahabang panahon at higit pa sa sapat. Gaano ba kalaki ang isang lungsod? Umikot si Jonas sa buong lungsod, mula sa isang dulo hanggang sa kabilang dulo, at nagbigay-alam sa lahat sa loob lamang ng ilang araw, nang sa gayon ay matanggap ng bawat mamamayan at sambahayan ang mensahe. Higit pa sa sapat ang apatnapung araw na iyon upang maghanda ng sakong magaspang o mga abo, at gawin ang anupamang paghahandang kinakailangan. Ano ang nakikita mo mula sa mga bagay na ito? Binigyan ng Diyos ang mga mamamayan ng Ninive ng sapat na oras upang ipaalam sa kanila na wawasakin Niya ang kanilang lungsod, at upang hayaan silang maghanda, magnilay, at magsuri sa kanilang sarili. Sa wika ng tao, ginawa ng Diyos ang lahat ng makakaya at nararapat Niyang gawin. Sapat na ang apatnapung araw na panahong iyon, sa puntong binigyan nito ang lahat—mula sa hari hanggang sa mga pangkaraniwang tao—ng sapat na panahon upang magnilay at maghanda. Sa isang banda, mula rito ay makikita na ang ginagawa ng Diyos para sa mga tao ay ang magpakita ng pagpaparaya, at sa kabilang banda, makikita na nagmamalasakit ang Diyos sa mga tao sa Kanyang puso at may tunay Siyang pagmamahal para sa kanila. Tunay ngang umiiral ang awa at pagmamahal ng Diyos, nang walang anumang pagkukunwari, at matapat ang Kanyang puso, nang walang anumang pagkukunwari. Upang mabigyan ang mga tao ng pagkakataong magsisi, binigyan Niya sila ng apatnapung araw. Ibinubuod ng apatnapung araw na iyon ang pagpaparaya at pagmamahal ng Diyos. Sapat na ang haba ng apatnapung araw na iyon upang magpatunay at lubos na magbigay-daan sa mga taong makita na may tunay na malasakit at pagmamahal ang Diyos para sa mga tao, at na tunay ngang umiiral ang awa at pagmamahal ng Diyos, nang walang anumang pagkukunwari. Sasabihin ng ilan, “Hindi ba’t sinabi Mo kaninang hindi minamahal ng Diyos ang mga tao, na napopoot Siya sa mga tao? Hindi ba’t kontradiksyon iyon sa sinabi Mo ngayon?” Kontradiksyon ba ito? (Hindi, hindi ito kontradiksyon.) Nagmamalasakit ang Diyos sa mga tao na nasa Kanyang puso, taglay Niya ang diwa ng pagmamahal. Naiiba ba ito sa pagsasabing minamahal ng Diyos ang mga tao? (Oo.) Paano ito naiiba? Talaga bang minamahal o kinapopootan ng Diyos ang mga tao? (Minamahal Niya ang mga tao.) Kung gayon ay bakit isinusumpa at kinakastigo at hinahatulan pa rin ng Diyos ang mga tao? Kung hindi pa rin malinaw sa inyo ang isang napakahalagang bagay, malamang ay mali ang pagkaunawa ninyo rito. Isa ba itong kontradiksyon sa pagitan mo at ng Diyos? Kung isa itong bagay na hindi malinaw sa iyo, hindi ba’t malamang na magkaroon ng agwat sa pagitan mo at ng Diyos? Sabihin mo sa Akin, kung minamahal ng Diyos ang mga tao, kinapopootan din ba ng Diyos ang mga tao? May kaugnayan ba ang pagmamahal ng Diyos sa mga tao sa pagkapoot Niya sa mga ito? May kaugnayan ba ang pagkapoot ng Diyos sa mga tao sa pagmamahal Niya sa mga ito? (Wala, wala itong kaugnayan.) Kung ganoon ay bakit minamahal ng Diyos ang mga tao? Naging tao ang Diyos upang iligtas ang mga tao—hindi ba’t ito ang pinakadakila Niyang pagmamahal? Labis namang kaawa-awa kung hindi ninyo alam iyon! Kung ni hindi ninyo alam kung bakit minamahal ng Diyos ang mga tao, katawa-tawa iyon. Sabihin ninyo sa Akin, saan nagmumula ang pagmamahal ng isang ina sa kanyang anak? (Sa likas na damdamin.) Tama iyon. Ang pagmamahal ng isang ina ay nagmumula sa likas na damdamin. Kaya nakabatay ba ang pagmamahal na ito sa kung mabuti o masama ang anak? (Hindi, hindi ito nakabatay roon.) Halimbawa, kahit na napakasutil ng anak at kung minsan ay labis na ginagalit ang kanyang ina, pagkatapos ng lahat ay mahal pa rin siya ng kanyang ina. Bakit ganoon? Ang paraang ito ng pagtrato niya sa kanyang anak ay nagmumula sa likas na damdamin ng kanyang papel bilang isang ina. Dahil sa taglay niya ang likas na pagmamahal ng isang ina, ang pagmamahal niya sa kanyang anak ay hindi nakabatay sa kung mabuti o masama ang bata. Sinasabi ng ilang tao, “Dahil likas na minamahal ng isang ina ang kanyang anak, bakit pinapalo pa rin niya ito? Bakit kinapopootan pa rin niya ito? Bakit kung minsan ay nagagalit siya rito at pinagagalitan pa rin niya ito? At bakit kung minsan sa labis na galit niya ay ayaw na niyang magkaroon ng kaugnayan dito? Hindi ba’t sinabi Mong ang isang ina ay mayroong pagmamahal, at na minamahal niya ang kanyang anak? Kaya paano niya nagagawang maging masyadong walang-puso?” Isa ba itong kontradiksyon? Hindi, hindi ito isang kontradiksyon. Ang paraan ng pagtrato ng isang ina sa kanyang anak ay nakabatay sa saloobin ng anak sa kanyang ina at sa pag-uugali ng anak. Ngunit kahit paano pa niya tratuhin ang kanyang anak, kahit pa paluin at kapootan niya ito, wala itong kaugnayan sa pag-iral ng pagmamahal ng isang ina. Gayundin, saan nagmumula ang pagmamahal ng Diyos sa mga tao? (Taglay ng Diyos ang diwa ng pagmamahal.) Tama iyon. Sa wakas ay naging malinaw na sa inyo. Ang pinakapunto nito ay na taglay ng Diyos ang diwa ng pagmamahal. Ang dahilan kung bakit minamahal at pinagmamalasakitan ng Diyos ang mga tao ay dahil sa isang banda, taglay ng Diyos ang diwa ng pagmamahal. Sa pagmamahal na ito ay mayroong awa, mapagmahal na kabaitan, pagpaparaya, at pasensiya. Siyempre, mayroon ding mga pagpapamalas ng malasakit, at kung minsan ay pag-aalala at kalungkutan, at iba pa. Ang lahat ng ito ay tinutukoy ng diwa ng Diyos. Ito ay pagtingin dito mula sa isang pansariling perspektiba. Mula sa walang-pagkiling na perspektiba, ang mga tao ay nilikha ng Diyos, tulad lamang ng isang anak na isinilang ng kanyang ina, at likas na may malasakit ang ina sa kanyang anak at may mga hindi mapapatid na ugnayan sa dugo sa pagitan nila. Bagama’t hindi taglay ng mga tao at ng Diyos ang mga ugnayang ito sa dugo, gaya nga ng sinasabi ng mga tao, gayunpaman ay ang Diyos ang lumikha sa mga tao, at may malasakit Siya sa kanila at nakararamdam ng pagmamahal sa kanila. Nais ng Diyos na maging mabuti ang mga tao at tumahak sa tamang landas, ngunit kapag nakikita Niya silang nagagawang tiwali ni Satanas, tumatahak sa landas ng kasamaan, at nagdurusa ay nalulungkot at nagdadalamhati ang Diyos. Normal naman ito, hindi ba? Nagkakaroon ang Diyos ng mga reaksyon, damdamin, at pagpapamalas, ang lahat ng iyon ay lumalabas dahil sa diwa ng Diyos, at hindi ito maihihiwalay sa ugnayang nabuo sa paglikha ng Diyos sa tao. Ang lahat ng ito ay mga walang kinikilingang katunayan. Sinasabi ng ilang tao: “Dahil taglay ng diwa ng Diyos ang pagmamahal, bakit napopoot pa rin ang Diyos sa mga tao? Wala bang pakialam ang Diyos sa mga tao? Bakit kinapopootan pa rin Niya ang mga ito?” Mayroon ding isang walang kinikilingang katunayan dito, iyon ay na ang disposisyon, diwa, at ibang aspekto ng mga tao ay hindi akma sa Diyos at sa katotohanan, sa gayon, ang mga pinamamalas at inihahayag ng mga tao sa harap ng Diyos ay nakasusuklam sa Kanya at kamuhi-muhi sa Kanya. Sa paglipas ng panahon, palala nang palala ang mga tiwaling disposisyon ng mga tao, higit pang lumulubha ang kanilang mga kasalanan, at labis din silang nagmamatigas, labis na hindi nagsisisi, at hindi tumatanggap ng kahit kaunting katotohanan. Ganap silang salungat sa Diyos, kaya naman napupukaw ang Kanyang pagkapoot. Kaya, saan nagmumula ang pagkapoot ng Diyos? Bakit ito lumalabas? Lumalabas ito dahil ang disposisyon ng Diyos ay matuwid at banal, at napupukaw ng diwa ng Diyos ang Kanyang pagkamuhi. Namumuhi ang Diyos sa kasamaan, nasusuklam sa mga negatibong bagay, at namumuhi sa masasamang pwersa at masasamang bagay. Samakatuwid, kinamumuhian ng Diyos ang tiwaling sangkatauhang ito. Kaya, ang pagmamahal at pagkapoot na inihahayag ng Diyos para sa mga nilikha ay normal at tinutukoy ng Kanyang diwa. Walang anumang kontradiksyon. Tinatanong ng ilang tao, “Kung ganoon minamahal ba o kinapopootan ng Diyos ang mga tao?” Paano mo sasagutin iyon? (Depende iyon sa saloobin ng mga tao sa Diyos, o kung tunay nang nagsisi ang mga tao.) Pangunahing totoo ito, ngunit hindi masyadong tumpak. Bakit hindi ito tumpak? Sa palagay ba ninyo ay kinakailangang mahalin ng Diyos ang mga tao? (Hindi.) Ang mga salita ng Diyos sa sangkatauhan at ang lahat ng gawaing Kanyang ginagawa sa mga tao ay ang mga likas na pagpapamalas ng disposisyon at diwa ng Diyos. May mga prinsipyo ang Diyos, hindi Niya kinakailangang mahalin ang mga tao, ngunit hindi rin Niya kinakailangang kapootan ang mga tao. Ang hinihingi ng Diyos sa mga tao ay ang hangarin nila ang katotohanan, sundan ang Kanyang daan, at umasal at kumilos alinsunod sa Kanyang mga salita. Hindi kinakailangang mahalin ng Diyos ang mga tao, ngunit hindi rin Niya kinakailangang kamuhian ang mga tao. Isa itong katunayan, at kailangan itong maunawaan ng mga tao. Kasasabi lamang ninyo ngayon na minamahal at kinapopootan ng Diyos ang mga tao batay sa kanilang pag-uugali. Bakit hindi tumpak na sabihin ito? Hindi ka kinakailangang mahalin ng Diyos, hindi ka rin Niya kinakailangang kapootan talaga. Maaari ka pa ngang balewalain ng Diyos. Hinahangad mo man ang katotohanan at umaasal at kumikilos ka man alinsunod sa mga salita ng Diyos, o hindi mo man tinatanggap ang katotohanan at sinusuway at nilalabanan mo pa nga ang Diyos, sa huli ay gagantihan Niya ang bawat tao ayon sa kanilang nagawa. Ang mga gumagawa ng kabutihan ay magagantimpalaan, samantalang ang mga gumagawa ng kasamaan ay maparurusahan. Ang tawag dito ay pagharap sa mga bagay-bagay nang patas at makatarungan. Ibig sabihin, bilang isang nilikha, wala kang batayan para humiling kung paano ka dapat tratuhin ng Diyos. Kapag tinatrato mo ang Diyos at ang katotohanan nang may pananabik, at hinahangad mo ang katotohanan, iniisip mong tiyak na mahal ka Niya, ngunit kung babalewalain at hindi ka mamahalin ng Diyos, pakiramdam mo naman ay hindi Siya Diyos. O kapag sinusuway mo ang Diyos, iniisip mong tiyak na kinapopootan at parurusahan ka Niya, ngunit kung babalewalain ka Niya, pakiramdam mo naman ay hindi Siya Diyos. Tama bang mag-isip nang ganito? (Hindi, hindi tama.) Maaaring suriin nang ganito ang mga ugnayan sa pagitan ng mga tao, tulad ng ugnayan sa pagitan ng mga magulang at kanilang mga anak—ibig sabihin, ang pagmamahal o pagkapoot ng mga magulang sa kanilang mga anak ay nakabatay minsan sa pag-uugali ng mga anak—ngunit ang ugnayan sa pagitan ng mga tao at ng Diyos ay hindi masusuri nang ganito. Ang ugnayan sa pagitan ng mga tao at ng Diyos ay ugnayan sa pagitan ng nilikha at ng Lumikha, at walang anumang ugnayan sa dugo. Isa lamang itong ugnayan sa pagitan ng nilikha at ng Lumikha. Samakatuwid, hindi maaaring hilingin ng mga tao na mahalin sila ng Diyos, o sabihin kung saan Siya nakatayo sa kanila. Hindi makatuwiran ang mga kahilingang ito. Mali ang ganitong uri ng pananaw; hindi maaaring humiling nang ganoon ang mga tao. Kaya sa pagtingin dito ngayon, talaga bang tumpak ang pagkaunawa ng mga tao sa pagmamahal ng Diyos? Hindi tumpak ang nauna nilang pagkaunawa, hindi ba? (Oo.) May mga prinsipyo sa kung mamahalin o kapopootan ng Diyos ang mga tao. Kung ang pag-uugali o paghahangad ng mga tao ay alinsunod sa katotohanan at sang-ayon sa kagustuhan ng Diyos, sasang-ayunan Niya ito. Gayunpaman, ang mga tao ay may mga tiwaling diwa at makapaghahayag sila ng mga tiwaling disposisyon at makapaghahangad ng mga mithiin at kagustuhang sa palagay nila ay tama o ninanais nila. Isa iyong bagay na kinapopootan at hindi sinasang-ayunan ng Diyos. Ngunit taliwas sa iniisip ng mga tao—na magbubuhos ang Diyos ng mga gantimpala sa mga tao sa tuwing sasang-ayunan Niya sila, o didisiplinahin at parurusahan ang mga tao sa tuwing hindi Siya sang-ayon—hindi ito totoo. Mayroong mga prinsipyo sa mga kilos ng Diyos. Inihahayag nito ang diwa ng Diyos, at kailangan itong maunawaan ng mga tao sa ganitong paraan.

Kanina lamang ay nagtanong at nagbahagi Ako tungkol sa mga prinsipyo sa mga kilos ng Diyos at tungkol sa diwa ng Diyos. Ano ang tinanong Ko kanina lamang? (Katatanong lamang ng Diyos tungkol sa pagkakaiba ng Kanyang pagpaparaya at awa para sa mga tao at sa kaugalian ng tao na pagiging mabait hangga’t maaari. Pagkatapos, ibinahagi Mo na hindi kumikilos ang Diyos alinsunod sa pilosopiyang ito para sa mga makamundong pakikitungo. Pangunahing iwinawasto ng Diyos ang mga paglabag ng mga tao batay sa dalawang aspekto: Sa isang banda, may mga prinsipyo sa ginagawa ng Diyos, at sa kabilang banda, sa diwa ng Diyos ay parehong may awa at poot.) Iyon nga ang tamang paraan ng pag-unawa rito. Ang mga prinsipyo ng Diyos sa paggawa sa mga bagay sa ganitong paraan ay batay sa Kanyang diwa at sa Kanyang disposisyon, at walang anumang kinalaman sa pagiging mabait hangga’t maaari, na isang pilosopiya para sa mga makamundong pakikitungo na sinusunod ng sangkatauhan. Ang mga kilos ng tao ay batay sa mga satanikong pilosopiya, at kontrolado ng mga satanikong disposisyon. Ang mga kilos ng Diyos ay ang pagpapamalas ng Kanyang disposisyon at diwa. Sa diwa ng Diyos, may pag-ibig, awa, at siyempre pagkapoot. Kaya ngayon ba ay nauunawaan na ninyo kung ano ang saloobin ng Diyos ukol sa masasamang gawa ng tao at sa iba’t ibang klase ng pagrerebelde at pagtataksil nila? Ano ang batayan ng saloobin ng Diyos? Bunga ba ito ng Kanyang diwa? (Oo.) Sa diwa ng Diyos ay may awa, pag-ibig, at poot. Ang diwa ng Diyos ay pagiging matuwid, at sa diwang ito nanggagaling ang mga prinsipyo sa mga kilos ng Diyos. Kaya ano ba mismo ang mga prinsipyo sa mga kilos ng Diyos? Saganang magkaloob ng awa at matinding maglabas ng poot. Talagang wala itong kinalaman sa pagiging mabait hangga’t maaari, na isinasagawa ng mga tao at mukhang isang napakadakilang saligan, ngunit sa mga mata ng Diyos ay wala itong halaga. Bilang isang mananampalataya, sa isang banda, hindi ninyo mahuhusgahan ang diwa, mga gawa ng Diyos, at ang mga prinsipyo sa Kanyang mga kilos batay sa saligang ito. Bukod pa rito, mula sa sarili nilang perspektiba, hindi dapat sundin ng mga tao ang pilosopiyang ito para sa mga makamundong pakikitungo; dapat silang magkaroon ng prinsipyo kung paano magpasya kapag may mga bagay na nangyayari sa kanila at kung paano harapin ang mga bagay na ito. Ano ang prinsipyong ito? Hindi tinataglay ng mga tao ang diwa ng Diyos, at siyempre, hindi nila magagawa ang lahat nang may malinaw na mga prinsipyo na tulad ng Diyos, o tumindig sa kaitaasan at mamahagi ng mga pagkakataon at maging mabait sa lahat ng tao. Hindi ito magagawa ng mga tao. Kung gayon ay ano ang dapat mong gawin kapag naharap ka sa mga bagay na nakababagabag sa iyo, nakasasakit sa iyo, o nakaiinsulto sa iyong dignidad, karakter, o nakasasakit pa nga sa iyong puso at kaluluwa? Kung susundin mo ang kasabihan tungkol sa wastong asal na, “maging mabait hangga’t maaari,” susubukan mong ayusin ang lahat nang hindi isinasaalang-alang ang mga prinsipyo, at magiging mahilig kang magpalugod ng mga tao, at madarama mong hindi madaling makaraos sa mundong ito, at na hindi ka maaaring magkaroon ng mga kaaway at kailangan mong subukang hindi masyado o hindi talaga makasama ng loob ng mga tao, at maging mabait hangga’t maaari, manatiling walang pinapanigan sa bawat pagkakataon, tumayo sa gitna ng dalawang panig, hindi ilagay ang iyong sarili sa mapapanganib na sitwasyon, at matutong protektahan ang iyong sarili. Hindi ba’t isa itong pilosopiya para sa mga makamundong pakikitungo? (Oo.) Isa itong pilosopiya para sa mga makamundong pakikitungo, sa halip na isang prinsipyong itinuturo ng Diyos sa sangkatauhan. Kaya, ano ang prinsipyong itinuturo ng Diyos sa mga tao? Paano binibigyang-kahulugan ang paghahangad sa katotohanan? Ang tingnan ang mga tao at bagay, at umasal at kumilos, nang ganap na ayon sa mga salita ng Diyos, na ang pamantayan ay ang katotohanan. Kung may nangyaring nakapukaw sa iyong pagkapoot, paano mo ito titingnan? Sa anong batayan mo iyon titingnan? (Batay sa mga salita ng Diyos.) Tama iyon. Kung hindi mo alam kung paano titingnan ang mga bagay na ito ayon sa mga salita ng Diyos, magagawa mo lamang na maging mabait hangga’t maaari, pigilan ang iyong pagkasuklam, magpaubaya at matiyagang maghintay habang naghahanap ng mga pagkakataong gumanti—ito ang landas na iyong tatahakin. Kung nais mong hangarin ang katotohanan, kailangan mong tingnan ang mga tao at bagay ayon sa mga salita ng Diyos, itanong sa iyong sarili: “Bakit tinatrato ako nang ganito ng taong ito? Bakit nangyayari ito sa akin? Bakit kaya nagkakaroon ng ganitong resulta?” Ang ganoong mga bagay ay dapat tingnan ayon sa mga salita ng Diyos. Ang unang dapat gawin ay ang tanggapin ang bagay na ito mula sa Diyos, at aktibong tanggaping nagmumula ito sa Diyos, at na isa itong bagay na makatutulong at kapaki-pakinabang sa iyo. Para matanggap ang bagay na ito na mula sa Diyos, kailangan mo muna itong tingnan bilang pamamatnugot at pamamahala ng Diyos. Ang lahat ng bagay na nangyayari sa lupa, lahat ng iyong nadarama, lahat ng iyong nakikita, lahat ng iyong naririnig—ang lahat ay nangyayari nang may pahintulot ng Diyos. Pagkatapos mong matanggap ang bagay na ito na mula sa Diyos, sukatin mo ito batay sa mga salita ng Diyos, at alamin mo kung anong uri ng tao ang sinumang gumawa ng bagay na ito at kung ano ang diwa ng bagay na ito, nasaktan ka man sa anumang sinabi o ginawa niya, nasaktan man ang iyong damdamin o nayurakan man ang iyong karakter o hindi. Tingnan mo muna kung ang taong iyon ay isang masamang tao o isang pangkaraniwang tiwaling tao, kinikilatis muna kung ano siya ayon sa mga salita ng Diyos, at pagkatapos ay kinikilatis at tinatrato ang bagay na ito ayon sa mga salita ng Diyos. Hindi ba’t ang mga ito ay ang mga tamang hakbang na dapat gawin? (Oo.) Una ay tanggapin ang bagay na ito mula sa Diyos, at tingnan ang mga taong sangkot sa bagay na ito ayon sa Kanyang mga salita, upang matukoy kung sila ay pangkaraniwang mga kapatid, masasamang tao, mga anticristo, hindi mananampalataya, masasamang espiritu, kasuklam-suklam na mga demonyo, o espiya mula sa malaking pulang dragon, at kung ang ginawa nila ay isang pangkalahatang pagpapakita ng katiwalian, o isang masamang gawa na sadyang naglalayong manggulo at manggambala. Ang lahat ng ito ay dapat na matukoy sa pamamagitan ng paghahambing nito sa mga salita ng Diyos. Ang pagsukat sa mga bagay-bagay sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos ay ang pinakatama at obhetibong paraan. Dapat ay matukoy ang pagkakaiba-iba ng mga tao at harapin ang mga bagay-bagay alinsunod sa mga salita ng Diyos. Dapat mong pag-isipan: “Labis na nasaktan ng pangyayaring ito ang aking damdamin at nagdulot ito sa akin na maging negatibo. Ngunit ano ang nagawa ng pangyayaring ito upang mapalakas ako para sa aking buhay pagpasok? Ano ang layunin ng Diyos?” Dinadala ka nito sa pinakapunto ng usapin, na dapat mong malaman at maunawaan—ito ang pagsunod sa tamang landas. Dapat mong hanapin ang layuninng Diyos, sa pamamagitan ng pag-iisip na: “Napinsala ng pangyayaring ito ang aking puso at kaluluwa. Nagdadalamhati at nasasaktan ako, pero hindi ako pwedeng maging negatibo at mapanghamak. Ang pinakamahalagang bagay ay ang makilatis, matukoy ang pagkakaiba, at mapagpasyahan kung talagang kapaki-pakinabang sa akin ang pangyayaring ito o hindi, ayon sa mga salita ng Diyos. Kung nagmumula ito sa pagdidisiplina ng Diyos, at kapaki-pakinabang sa aking buhay pagpasok at sa pagkaunawa ko sa aking sarili, dapat ko itong tanggapin at magpasakop dito; kung tukso ito mula kay Satanas, dapat akong magdasal sa Diyos at tratuhin ito nang may katalinuhan.” Positibong pagpasok ba ang paghahanap at pag-iisip nang ganito? Ito ba ay pagtingin sa mga tao at bagay ayon sa mga salita ng Diyos? (Oo.) Kasunod niyon, anumang bagay ang iyong hinaharap, o anumang dumating na problema sa iyong pakikisalamuha sa mga tao, dapat mong hanapin ang mga nauugnay na salita ng Diyos upang malutas ang mga iyon. Ano ang layunin ng lahat ng sunud-sunod na kilos na ito? Ang layunin nito ay ang tingnan ang mga tao at bagay ayon sa mga salita ng Diyos, upang tuluyang mag-iba ang iyong perspektiba at pananaw tungkol sa mga tao at bagay. Ang layunin ay hindi para magkaroon ng magandang reputasyon at maiwasan ang kahihiyan upang maging mataas ang tingin sa iyo, o makapagdulot ng pagkakasundo sa bansa at lipunan at sa gayon ay mabigyang-lugod ang naghaharing uri, kundi mabuhay ayon sa mga salita ng Diyos at sa katotohanan, upang mabigyang-lugod ang Diyos at maluwalhati ang Lumikha. Magiging ganap ka lamang na nakaayon sa mga layunin ng Diyos sa pamamagitan ng pagsasagawa sa ganitong paraan. Samakatuwid, hindi mo kailangang sundin ang mga kasabihan tungkol sa wastong asal sa tradisyonal na kultura. Hindi mo kailangang pag-isipan, “Kapag nangyari sa akin ang ganoong bagay, hindi ba dapat ay isagawa ko ang kasabihang, ‘Wala nang silbi ang pagpupugot ng mga ulo; maging mabait hangga’t maaari’? Kung hindi ko magagawa iyon, ano ang magiging tingin sa akin ng opinyon ng madla?” Hindi mo kailangang gamitin ang mga moral na saligang ito upang pigilan at kontrolin ang sarili mo. Sa halip, dapat mong gamitin ang perspektiba ng isang taong naghahangad ng katotohanan, at tratuhin ang mga tao at bagay alinsunod sa paraang sinasabi sa iyo ng Diyos para sa paghahangad sa katotohanan. Hindi ba’t isa itong bagong-bagong paraan ng pag-iral? Hindi ba’t isa itong bagong-bagong pananaw at hangarin sa buhay? (Oo.) Kapag ginamit mo ang paraang ito ng pagtingin sa mga tao at bagay, hindi mo na kailangang sadyang sabihin sa iyong sariling, “Kailangan kong gawin ang ganito-ganyan kung nais kong maging mabuting-loob at magtamo ng pantay na katayuan sa mga tao,” hindi mo kailangang maging masyadong malupit sa iyong sarili, hindi mo kailangang mabuhay nang taliwas sa sarili mong layunin, at hindi kailangang maging masyadong baluktot ang iyong pagkatao. Sa halip, likas at maluwag-sa-loob mong tatanggapin ang mga kapaligiran, tao, usapin at bagay na ito na nagmumula sa Diyos. Hindi lamang iyon, kundi makapag-aani ka rin ng mga hindi inaasahang pakinabang mula sa mga iyon. Sa pagharap sa ganoong mga bagay na nakapupukaw sa iyong poot, matututuhan mo nang kumilatis kung ano talaga ang mga tao ayon sa mga salita ng Diyos, at kumilatis at humarap sa ganoong mga bagay ayon sa mga salita ng Diyos. Matapos sumailalim sa panahon ng karanasan, mga kinaharap, at paghihirap, matatagpuan mo na ang mga katotohanang prinsipyo para sa pagharap sa ganoong mga bagay, at matututuhan kung anong uri ng mga katotohanang prinsipyo ang dapat gamitin kapag humaharap sa ganoong mga tao, usapin at bagay. Hindi ba’t pagsunod ito sa tamang landas? Sa ganitong paraan, bubuti na ang iyong pagkatao dahil sinusunod mo ang landas ng paghahangad sa katotohanan, ibig sabihin, hindi ka na lamang nabubuhay ayon sa iyong konsensiya at katwiran bilang tao, at kapag may mga nangyayari, hindi mo lamang tinitingnan ang mga iyon gamit ang pag-iisip at mga pananaw na batay sa konsensiya at katwiran, kundi sa halip, dahil marami ka nang nabasa sa mga salita ng Diyos at talagang nakaranas ng gawain ng Diyos, nauunawaan mo na ang ilang katotohanan, at nakapagtamo ng kaunting tunay na pagkaunawa sa Diyos—ang Lumikha. Tiyak na isa itong masaganang ani, kung saan makapagtatamo ka na ng kapwa katotohanan at buhay. Batay sa iyong konsensiya at katwiran, matututuhan mo nang gamitin ang mga salita ng Diyos at ang katotohanan upang harapin at lutasin ang lahat ng problemang iyong kahaharapin, at unti-unting makapamumuhay ayon sa mga salita ng Diyos. Ano ba ang mga katangian ng ganoong mga tao? Nakaayon ba sila sa mga layunin ng Diyos? Ang ganoong mga tao ay palapit nang palapit sa pagiging mga naaangkop na nilikhang iniaatas ng Diyos, at sa paggawa niyon ay unti-unti nilang natatamo ang mga inaasahang resulta ng gawain ng pagliligtas ng Diyos. Kapag kayang tanggapin ng mga tao ang katotohanan at mabuhay ayon sa mga salita ng Diyos, napakadaling mabuhay nang ganito, nang walang ni katiting na pagdadalamhati o anupaman. Ngunit para naman sa mga taong nakatanggap ng tradisyonal na kultural na pagtuturo, ang lahat ng ginagawa nila ay masyadong taliwas sa kanilang kalooban, masyadong mapagpaimbabaw, at ang mga bagay na inihahayag ng kanilang pagkatao ay masyadong baluktot at hindi normal. Bakit ganito? Dahil hindi nila sinasabi kung ano ang nasa isip nila. Binibigkas ng kanilang mga labi, “Maging mabait hangga’t maaari,” ngunit ang sinasabi ng kanilang mga puso, “Hindi pa ako tapos sa iyo. Hindi pa huli ang lahat para maghiganti ang isang maginoo”—hindi ba’t taliwas ito sa sarili nilang kalooban? (Oo.) Ano ba ang ibig sabihin ng “baluktot”? Ibig sabihin nito, sa panlabas ay wala silang sinasabi kundi kabutihang-loob at moralidad, ngunit kapag nakatalikod ang mga tao ay ginagawa nila ang lahat ng uri ng masasamang bagay, tulad ng pakikiapid at pagnanakaw. Ang lahat ng panlabas na pagsasalitang ito patungkol sa kabutihang-loob at moralidad ay isa lamang balatkayo at puno ang kanilang puso ng lahat ng uri ng kasamaan, lahat ng uri ng kamuhi-muhing ideya at perspektiba; wala itong kasinsama, lubhang kasuklam-suklam, magaspang, at kahiya-hiya ito. Ito ang ibig sabihin ng baluktot. Sa makabagong wika, ang kabaluktutan ay tinatawag na kahalayan. Silang lahat ay masyadong mahalay, ngunit nagkukunwari pa ring lubos na disente, sopistikado, maginoo, at marangal sa harap ng iba. Talagang wala silang kahihiyan, napakasama nila! Ang landas na ipinaalam ng Diyos sa mga tao ay hindi upang hikayatin kang mabuhay nang ganito, kundi upang bigyang-daan kang sumunod sa tamang mga prinsipyo at landas ng pagsasagawa na ipinaalam ng Diyos sa mga tao sa anumang iyong ginagawa, sa harapan man ng Diyos o ng ibang tao. Kahit pa maharap ka sa mga bagay na nakapipinsala sa iyong mga interes o na hindi sang-ayon sa iyong kagustuhan, o na mayroon pa ngang panghabambuhay na epekto sa iyo, kailangan mong magkaroon ng mga prinsipyo sa pagharap sa mga bagay na ito. Halimbawa, dapat mong tratuhin ang tunay na mga kapatid nang may pagmamahal, at matutuhang maging mapagparaya, matulungin, at madamayin sa kanila. Kaya, ano ang dapat mong gawin sa mga kaaway ng Diyos, anticristo, masamang tao at hindi mananampalataya, o mga ahente at espiyang palihim na pumapasok sa iglesia? Dapat mo silang tanggihan ngayon pa lamang. Isa itong proseso ng pagtukoy at paglalantad, pagkapoot, at sa wakas ay pagtanggi. Ang sambahayan ng Diyos ay may mga atas administratibo at patakaran. Pagdating sa mga anticristo, masamang tao, hindi mananampalataya at mga kauri ng mga diyablo, ni Satanas, at ng masasamang espiritu, hindi sila handang magtrabaho, kaya ibukod ninyo sila sa sambahayan ng Diyos magpakailanman. Kung gayon ay paano ba sila dapat tratuhin ng mga hinirang ng Diyos? (Tanggihan sila.) Tama iyon, dapat ninyo silang tanggihan, tanggihan sila magpakailanman. Sinasabi ng ilang tao: “Ang pagtanggi ay salita lamang. Ipagpalagay nating teoretikal mo silang tinanggihan, kung gayon ay paano mo iyon aktuwal na isinasagawa sa tunay na buhay?” Ayos lang bang maging lubhang laban sa kanila? Hindi mo kailangang walang-saysay na pagurin nang ganoon ang iyong sarili. Hindi mo kailangang maging lubhang laban sa kanila, hindi mo kailangang makipaglaban sa kanila hanggang kamatayan, at hindi mo sila kailangang sumpain kapag nakatalikod sila. Hindi mo kailangang gawin ang alinman sa mga bagay na ito. Humiwalay ka lang sa kanila sa kaibuturan ng iyong puso, at huwag kang makipag-ugnayan sa kanila sa mga normal na sitwasyon. Sa mga espesyal na sitwasyon at kapag wala kang ibang magagawa, maaari kang makipag-usap sa kanila nang normal, ngunit gayunman ay iwasan mo sila sa sandaling magkaroon ka ng pagkakataon, at huwag kang makibahagi sa alinman sa kanilang mga gawain. Ibig sabihin nito ay pagtanggi sa kanila mula sa kaibuturan ng iyong puso, hindi pagtrato sa kanila bilang mga kapatid o mga miyembro ng pamilya ng Diyos, at hindi pagtrato sa kanila bilang mga mananampalataya. Para doon sa mga napopoot sa Diyos at sa katotohanan, na sadyang nanggugulo at nanggagambala sa gawain ng Diyos, o sumusubok na sirain ang gawain ng Diyos, dapat ay bukod sa pagdarasal sa Diyos na isumpa sila, igapos at pigilan mo rin sila magpakailanman, at tanggihan sila nang tuluyan. Alinsunod ba sa mga layunin ng Diyos ang paggawa nito? Ganap itong alinsunod sa mga layunin ng Diyos. Sa pagwawasto sa mga taong ito, kinakailangang manindigan at magkaroon ng mga prinsipyo. Ano ba ang ibig sabihin ng paninindigan at pagkakaroon ng mga prinsipyo? Ang ibig sabihin nito ay makita nang malinaw ang kanilang diwa, kailanman ay hindi sila ituring na mga mananampalataya, at talagang hindi sila ituring bilang mga kapatid. Sila ay mga diyablo, sila ay mga Satanas. Hindi ito usapin ng pagpapatawad o hindi pagpapatawad sa kanila, kundi ng paghihiwalay sa iyong sarili at pagtanggi sa kanila nang tuluyan. Ito ay lubos na katanggap-tanggap at alinsunod sa katotohanan. Sinasabi ng ilang tao, “Hindi ba’t napakalupit naman para sa mga taong sumasampalataya sa Diyos na gawin ang ganitong mga bagay?” (Hindi.) Ito ang ibig sabihin ng paninindigan at pagkakaroon ng mga prinsipyo. Ginagawa natin ang anumang ipinagagawa sa atin ng Diyos. Mabait tayo kaninuman sinasabi ng Diyos na tayo ay maging mabait, at kinasusuklaman natin ang anumang sinasabi sa atin ng Diyos na kasuklaman. Noong Kapanahunan ng Kautusan, ang mga lumalabag sa batas at kautusan ay binabato ng mga hinirang na tao ng Diyos hanggang sa mamatay, ngunit ngayon, sa Kapanahunan ng Kaharian, ang Diyos ay may mga atas administratibo, at pinaaalis at itinitiwalag lamang Niya ang mga taong kauri ng mga diyablo at ni Satanas. Dapat isagawa at sundin ng mga hinirang na tao ng Diyos ang mga salita ng Diyos at ang mga atas administratibong Kanyang inilalabas, nang hindi nilalabag ang mga iyon, nang hindi napipigilan o naiimpluwensiyahan ng mga kuru-kuro ng tao, at nang hindi natatakot na mahusgahan at makondena ng mga relihiyosong tao. Ang pagkilos alinsunod sa mga salita ng Diyos ay isang bagay na ganap na natural at may katwiran. Sa lahat ng pagkakataon, ang paniwalaan mo lamang ay na ang mga salita ng Diyos ang siyang katotohanan, at na ang mga salita ng tao ay hindi ang katotohanan, gaano man kasarap pakinggan ang mga iyon. Dapat taglayin ng mga tao ang pananampalatayang ito. Dapat taglayin ng mga tao ang pananampalatayang ito sa Diyos, at dapat din nilang taglayin ang saloobing ito ng pagpapasakop. Isa itong usapin ng saloobin.

Humigit-kumulang na sapat na ang nasabi natin ukol sa kasabihan tungkol sa wastong asal na “Wala nang silbi ang pagpupugot ng mga ulo; maging mabait hangga’t maaari” at tungkol sa mga prinsipyo sa mga kilos ng Diyos. Pagdating sa mga bagay na tulad ng mga nakapipinsala sa mga tao, nauunawaan na ba ninyo ngayon ang prinsipyo sa pagharap sa mga iyon, na itinuturo ng Diyos sa mga tao? (Oo.) Iyon ay na hindi pinahihintulutan ng Diyos ang mga tao na maging padalos-dalos sa pagharap sa mga nangyayari sa kanila, lalong hindi na gumamit ng mga moral na tuntunin ng tao upang harapin ang anumang bagay. Ano ang prinsipyong sinasabi ng Diyos sa mga tao? Ano ang prinsipyong dapat sundin ng mga tao? (Ang tingnan ang mga tao at bagay at umasal at kumilos ayon sa mga salita ng Diyos.) Tama iyon, ang tingnan ang mga tao at bagay at umasal at kumilos ayon sa mga salita ng Diyos at sa katotohanan. Anuman ang mangyari, dapat itong harapin alinsunod sa mga salita ng Diyos, dahil sa lahat ng usapin at sa lahat ng bagay ay may pinakaugat na sanhi sa likod ng lahat ng nangyayari at sa sinumang tao o anumang bagay na darating, na pawang isinasaayos ng Diyos at may kataas-taasan Siyang kapangyarihan dito. Ang lahat ng bagay na nangyayari ay maaaring magkaroon ng positibo o negatibong panghuling resulta, at ang pagkakaiba ng mga iyon ay nakasalalay sa mga paghahangad ng mga tao at sa landas na kanilang tinatahak. Kung pipiliin mong tratuhin ang mga bagay ayon sa mga salita ng Diyos, magiging positibo ang panghuling resulta; kung pipilin mong tratuhin ang mga iyon ayon sa mga paraan ng laman at pagiging padalos-dalos, at lahat ng iba’t ibang kasabihan, ideya at pananaw na nagmumula sa mga tao, ang panghuling resulta ay tiyak na magiging resulta ng pagiging padalos-dalos at negatibo. Ang mga bagay na iyon na mula sa pagiging padalos-dalos at negatibo, kung kaakibat ng mga iyon ang pamiminsala sa dignidad, katawan, kaluluwa, mga interes ng mga tao, at iba pa, ay mag-iiwan ito sa huli ng pawang pagkapoot at pagiging negatibo sa mga tao na kailanman ay hindi nila maaalis. Tanging sa pagsunod sa mga salita ng Diyos magiging posibleng makita ang mga sanhi ng iba’t ibang tao, usapin at bagay na kinakaharap ng isang tao, at tanging sa pamamagitan ng pagsunod sa mga salita ng Diyos nagiging posibleng makita nang malinaw ang diwa ng ganoong mga tao, usapin at bagay. Siyempre, tanging sa pagsunod sa mga salita ng Diyos mahaharap nang tama at malulutas ng mga tao ang mga problemang may kinalaman sa lahat ng iba’t ibang tao, usapin at bagay na kanilang nakahaharap sa realidad. Sa huli, mabibigyang-daan nito ang mga taong makinabang sa lahat ng kapaligirang nililikha ng Diyos, unti-unting uunlad ang kanilang mga buhay, mababago ang kanilang mga tiwaling disposisyon, at kasabay niyon, matatagpuan nila roon ang tamang direksyon sa buhay, ang tamang pananaw sa buhay, ang tamang paraan ng pag-iral, at ang tamang layunin at landas na dapat hangarin. Halos natapos na natin ang ating pagbabahaginan ukol sa kasabihan tungkol sa wastong asal na, “Wala nang silbi ang pagpupugot ng mga ulo; maging mabait hangga’t maaari.” Ang kasabihang ito ay medyo mababaw, ngunit kapag sinuri alinsunod sa katotohanan, hindi na ganoon kasimple ang diwa nito. Tungkol naman sa kung ano ang dapat gawin ng mga tao ukol dito at kung paano dapat harapin ang ganoong mga sitwasyon, lalong hindi ito simple. Nauugnay ito sa kung kaya ng mga taong hanapin at hangarin ang katotohanan, at siyempre, lalo rin itong nauugnay sa pagbabago ng disposisyon ng mga tao at sa kaligtasan ng mga tao. Samakatuwid, simple man o komplikado ang mga problemang ito, mababaw man o malalim, dapat tratuhin ang mga ito nang tama at seryoso. Walang anumang bagay na may kaugnayan sa mga pagbabago sa disposisyon ng mga tao o na may kinalaman sa kaligtasan ng mga tao ang maliit na bagay, ang lahat ay makabuluhan at mahalaga. Sana mula ngayon, sa inyong pang-araw-araw na buhay, ungkatin na ninyo ang lahat ng iba’t ibang kasabihan at pananaw tungkol sa moralidad sa tradisyonal na kultura mula sa sarili ninyong kaisipan at kamalayan, at suriin at kilatisin ninyo kung ano talaga ang mga iyon alinsunod sa mga salita ng Diyos, upang unti-unti ninyong maunawaan at malutas ang mga iyon, magkaroon kayo ng bagong-bagong direksyon at mithiin sa buhay, at ganap na mabago ang iyong paraan ng pag-iral. Sige, tapusin na natin dito ang pagbabahaginan ngayong araw. Paalam!

Abril 23, 2022

Sinundan: Ang Kahulugan ng Paghahangad sa Katotohanan 8

Sumunod: Ang Kahulugan ng Paghahangad sa Katotohanan 10

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito