658 Ano ang Tunay na Pananalig?

Ano ang pananalig?

Ito’y paniniwalang dalisay

at dapat may pusong tunay

‘pag ‘di makahawak o makakita,

‘pag gawain ng Diyos ‘di ayon sa pagkaunawa ng tao,

kapag ‘di ‘to maabot. Ito’ng pananalig ayon sa Diyos.


Ito’y kailangan ng tao sa kahirapa’t pagpipino.

Pananalig at pagpipino, ay magkalakip, ‘di hiwalay.

Anuman ang kapaligiran mo,

o pa’no gumagawa ang Diyos sa’yo,

katotohana’t buhay hangarin,

sa’yo’y hayaang gumawa ang Diyos,

gawa ng Diyos unawain, kumilos ayon sa katotohanan.

Ito’ng tunay mong pananalig,

at ‘di nawalang pag-asa sa Diyos.

Hangarin lagi ang buhay at palugurin ang kalooban ng Diyos.

Ito’y tunay na pananalig, pag-ibig na kay ganda’t totoo.


‘Pag ika’y pinipino wag magduda sa Diyos.

Hangarin mo pa rin ang katotohanan at ang mahalin Siya.

Anuman ang ginagawa ng Diyos,

katotohana’y isagawa mo, kalooban Niya’y hanapin.

Tunay mong pananalig ‘to sa Kanya.

Hangarin lagi ang buhay at palugurin ang kalooban ng Diyos.

Ito’y tunay na pananalig, pag-ibig na kay ganda’t totoo.


Nang sinabi ng Diyos ika’y maghahari,Siya’y minahal mo.

Noong nagpakita Siya sa’yo, Siya’y hinanap mo.

Ngayong Diyos ay nakatago,

‘di mo Siya makita, at sa kaguluhan,

wala ka nang pag-asa sa Kanya?

Hangarin lagi ang buhay at palugurin ang kalooban ng Diyos.

Ito’y tunay na pananalig, pag-ibig na kay ganda’t totoo.


Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Yaong mga Gagawing Perpekto ay Kailangang Sumailalim sa Pagpipino

Sinundan: 657 Kailangan ang Pananampalataya sa mga Pagsubok

Sumunod: 659 Yaong Tumatayong mga Saksi sa Pagdurusa ay mga Mananagumpay

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

610 Tularan ang Panginoong Jesus

ⅠTinapos ni Jesus ang misyon ng Diyos,ang pagtubos sa lahat ng taosa paglalagak sa Diyos ng alalahanin N’ya,nang walang pansariling layunin...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito