44 Nagtitipon Tayo sa Bahay ng Diyos

1 Naglalakbay tayo mula sa maraming lugar, malapit at malayo, upang magtipon sa bahay ng Diyos, kumakain at umiinom ng mga salita ng Diyos at isinasabuhay ang buhay sa simbahan araw-araw. Isinasagawa at dinaranas natin ang mga salita ng Diyos; tunay na kagalakan ang maunawaan ang katotohanan. Kahungkagan, sakit, pagkakagulo—ang lahat ng ito ay nakalipas na. Iniuugnay tayo ng mga salita ng Diyos sa isa’t isa; kay tamis tamasahin ang mga salitang ito sa ating mga puso. Mapalad tayong mapatnubayan ni Cristo; sa pag-unawa sa katotohanan at pagpuri sa Diyos, napalaya ang ating mga puso!

2 Nagtitipon tayo sa bahay ng Diyos, magkakasamang nagbabahagian ng mga salita ng Diyos. Sa pag-unawa sa katotohanan, mayroong liwanag sa ating mga puso, at isang landas upang magsanay sa lahat ng bagay. Tinutulungan at sinusuportahan natin ang bawat isa, at nagpapasakop sa mga salita ng Diyos at sa katotohanan. Tinatanggal ang kamalian at pandaraya, sinasanay natin ang ating mga sarili na maging matapat. Iniuugnay tayo ng mga salita ng Diyos sa isa’t isa; nag-uugnay ang ating mga puso, at minamahal natin ang bawat isa, nang malapit na malapit. Nagtatrabaho nang magkakasundo, matapat nating ginagawa nang maayos ang ating tungkulin; ang ating mga puso ay nagmamahal sa Diyos at pinupuri ang Diyos. Napakapalad natin!

3 Sa pagbabalik-tanaw sa mga panahon na magkakasama tayo, matamis na mapait ang pakiramdam natin Naging hindi malilimutang mga alaala ang mga iyon. Sumailalim tayo sa paghatol ng mga salita ng Diyos at naranasan ang Kanyang labis na pag-ibig. Matapos dumanas ng mga pagsubok at pagpipino, nagkaroon ng pagbabago sa disposisyon natin sa buhay. Sa pagsasagawa ng misyon na magpatotoo sa Diyos, pumupunta tayo sa iba’t ibang direksyon. Inaakay tayong sumulong magpakailanman ng mga salita ng Diyos; ipinapalaganap natin sa mundo ang Kanyang mabuting balita. Iniuugnay tayo ng mga salita ng Diyos sa isa’t isa; ang pag-ibig sa Diyos ay nangangahulugang pagsasaalang-alang ng Kanyang kalooban. Gaano man kabigat ang pagdurusa, hindi tayo susuko; tayo ay magmamahal sa Diyos at magpatotoo sa Kanya magpakailanman. Magiging matapat tayo sa Kanya hanggang sa wakas! Iniuugnay tayo ng mga salita ng Diyos sa isa’t isa; tayo ay nagpapalaganap ng ebanghelyo ng kaharian at sumusunod sa kalooban ng Diyos. Inaasam natin ang araw ng kaluwalhatian ng Diyos, kung kailan ay maaari tayong magtipon muli, kasama ang Diyos, at hindi na maghihiwalay kailanman!

Sinundan: 43 Purihin ang Pagbabalik ng Diyos sa Sion

Sumunod: 45 Tayo’y Nagtitipon-tipon sa Iglesia

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

966 Ang Diyos ay Matuwid Sa Lahat

IKung ang tanongay paano hanapin o tratuhin ang Diyos.Ang saloobin mo ang pinakamahalaga.Ang Diyos ay ‘di mapapabayaano maiiwan sa likod ng...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito