305 Hindi Kayo Karapat-Dapat Makipag-ugnayan sa Diyos Nang May Ganyang Katinuan

Ang pinakamabuti niyong gawin

ay mas maglaan

ng pagsisikap sa katotohanan

ng pagkilala sa sarili.

Ba’t ‘di mataas ang tingin sa inyo ng Diyos?

Ba’t disposisyo’t pananalita niyo’y

nakakasuklam sa Kanya?


I

Pinupuri niyo’ng sarili

para sa katiting na katapatan,

nais ng mga gantimpala

para sa maliit na ambag.

Hinahamak niyo’ng iba

‘pag kayo’y medyo masunurin,

walang respeto sa Diyos

‘pag gumagawa ng simpleng gawain.


Sa pagtanggap sa Diyos

gusto niyo ng pera, regalo, papuri.

Masakit sa inyo’ng magbigay

ng isa o dal’wang barya.

At ‘pag nagbigay ng sampu,

humihiling kayo ng biyaya,

at mamukod-tangi sa masa.


Pagkatao niyo’y napakasama.

Ano ba’ng kapuri-puri sa mga salita’t kilos niyo?


Sa ganyang katinuan,

pa’no kayo makikisama sa Diyos?

‘Di ba kayo takot para sa sarili niyo sa puntong ito?

Disposisyon niyo’y nasa punto

kung sa’n ‘di kayo magkaayon ng Diyos.

Kaya ‘di ba nakakatawa’ng pananalig niyo?

Pananalig niyo ba’y ‘di kahibangan?

Ngayon pa’no mo haharapin ang kinabukasan?

Ngayon pa’no mo pipiliin ang landas na tatahakin?


II

Alam na alam niyo na naniniwala kayo sa Diyos,

ngunit ‘di kayo nakaaayon sa Kanya;

kahit alam na alam niyong

‘di kayo karapat-dapat,

patuloy pa rin kayong nagyayabang.


‘Di niyo ba nadaramang

lumala na’ng katinuan niyo

at wala na kayong kontrol sa sarili?


Sa ganyang katinuan,

pa’no kayo makikisama sa Diyos?

‘Di ba kayo takot para sa sarili niyo sa puntong ito?

Disposisyon niyo’y nasa punto

kung sa’n ‘di kayo magkaayon ng Diyos.

Kaya ‘di ba nakakatawa’ng pananalig niyo?

Pananalig niyo ba’y ‘di kahibangan?

Ngayon pa’no mo haharapin ang kinabukasan?

Ngayon pa’no mo pipiliin ang landas na tatahakin?


Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Yaong mga Hindi Kaayon ni Cristo ay Tiyak na mga Kalaban ng Diyos

Sinundan: 304 Ang Pagparito ng Anak ng Tao ay Inilalantad ang Lahat ng Tao

Sumunod: 306 Hindi Nararapat ang Tiwaling Sangkatauhan na Makita si Cristo

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

147 Awit ng Taos-pusong Pagkapit

ⅠNarito ang Isa, S’ya ay D’yos sa katawang-tao.Wika’t gawa N’ya, lahat katotohanan.Dunong N’ya at pagkamat’wid ay aking mahal.Nakita’t...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito