796 Ang Epekto ng Pag-unawa sa Disposisyon ng Diyos

I

Ang malaman ang diwa ng Diyos

ay ‘di birong bagay.

Dapat maunawaan mo ang Kanyang disposisyon.

Tapos unti-unting

malalaman mo ang Kanyang diwa.

Kaalamang ito’y dadalhin ka

sa mas mataas na kalagayan.

Makadarama ka ng hiya

sa napakapangit mong kaluluwa,

na walang pagtataguan sa iyong kahihiyan.


Tapos, mababawasan ang iyong mga ginagawang

lumalabag sa disposisyon ng Diyos.

Puso mo’y mas mapapalapit sa puso ng Diyos,

at unti-unting lalago ang iyong pag-ibig sa Kanya.

Ito’y tanda ng pagpasok ng sangkatauhan

sa isang magandang kalagayan.


Ngunit ‘di pa ninyo ito natatamo.

Nagmamadali kayong lahat

para sa tadhana n’yo,

na walang interes sa diwa ng Diyos.

Kung ito’y ipagpapatuloy n’yo,

kayo’y lalabag sa mga atas administratibo,

dahil lubhang kaunti ang pag-unawa

n’yo sa disposisyon ng Diyos.


II

‘Di ba’t kayo ngayo’y naglalatag ng pundasyon

para kayo’y lumabag sa disposisyon ng Diyos?

Ang paghingi sa inyo ng Diyos na unawain niyo

ang Kanyang disposisyon ay

‘di salungat sa gawain Niya,

‘pagkat kung madalas kayong

lumalabag sa mga atas administratibo,

sino’ng makatatakas sa Kanyang kaparusahan?


‘Di ba mawawalang kabuluhan

ang gawain ng Diyos?

Kaya ito ang rason kung ba’t Niya hinihingi

na kayo’y mag-ingat sa asal n’yo,

mag-ingat sa mga hakbang na tinatahak.

Ito’ng mas malaking hinihingi ng Diyos sa inyo,

na dapat maalab na isaalang-alang.


Kung darating man ang araw

na ang mga bagay na ginagawa niyo’y

pupukawin ang galit ng Diyos,

ang kahihinatnan ay sa inyo lang,

walang ibang parurusahan na hahalili

sa inyong lugar.


Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Napakahalagang Maintindihan ang Disposisyon ng Diyos

Sinundan: 795 Ang Kalayaan ay Natatamo sa Pamamagitan ng Pag-alam sa Pamumuno ng Diyos

Sumunod: 797 Di-Maarok ang Gawain ng Diyos

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito