Kabanata 26

Aking mga anak, dinggin ang Aking mga salita, makinig nang tahimik sa Aking tinig at bibigyan kita ng mga paghahayag. Manahimik sa loob Ko, sapagkat Ako ang inyong Diyos, ang inyong tanging Manunubos. Dapat ninyong payapain ang inyong mga puso sa lahat ng sandali at mabuhay sa loob Ko; Ako ang inyong bato, ang inyong tagapagtaguyod. Huwag magkaroon ng ibang isip, ngunit buong-pusong sumandal sa Akin at Ako ay tiyak na magpapakita sa inyo—Ako ang inyong Diyos! A, ang mga mapag-alinlangang iyon! Sila ay tiyak na hindi makatatayo nang matatag at sila ay walang anumang makakamtan. Dapat ninyong malaman kung anong oras na ngayon, kung gaano kakritikal ang oras na ito! Napakahalaga nito! Huwag abalahin ang inyong mga sarili sa mga bagay na walang kabuluhan; magmadaling lumapit sa Akin, makipagbahaginan sa Akin, at Aking ibubunyag ang lahat ng hiwaga sa inyo.

Dapat kang makinig sa lahat ng salita ng paggabay mula sa Banal na Espiritu, at isapuso ang bawat isa nito. Napakaraming ulit mo nang narinig ang Aking mga salita at pagkatapos ay nakalimutan ang mga iyon. O, mga walang pag-iisip! Ikaw ay nawalan na ng napakaraming pagpapala! Ikaw ngayon ay dapat na makinig nang mabuti at bigyang-pansin ang Aking mga salita, mas higit na makisalamuha sa Akin at maging mas malapit pa sa Akin. Gagabayan kita sa anumang bagay na hindi mo nauunawaan, at Akin kitang pangungunahan sa pagsulong. Huwag isipin na makisalamuha pa sa ibang tao. Marami na ngayon ang nangangaral ng mga salita at doktrina, at lubhang kakaunti ang tunay na nagtataglay ng Aking realidad. Ang kanilang pagbabahagi ay nakakalito at nakakamanhid sa isang tao, hindi nalalaman kung paano uunlad. Kapag narinig ninyo sila, kayo ay makakaunawa lamang nang kaunti tungkol sa mga salita at mga doktrina. Dapat ninyong bantayan ang inyong hakbang at panatilihin ang inyong puso na palaging buhay sa harapan Ko sa lahat ng oras; dapat kayong makipag-usap sa Akin at lumapit sa Akin at hahayaan Kong makita mo ang hindi mo nauunawaan. Ingatan ang iyong pananalita, bantayan ang iyong puso sa lahat ng sandali, at lumakad sa daang Aking nilalakaran.

Ito ay hindi na magtatagal ngayon; mayroon pang kaunting panahon na nalalabi. Magmadaling iwanan ang lahat ng bagay maliban sa Akin at halikayo’t sumunod sa Akin! Hindi Ko kayo tatratuhin nang masama. Napakaraming ulit na hindi ninyo naunawaan ang Aking mga pagkilos, ngunit alam ba ninyo kung gaano Ko kayo kamahal? A, hindi ninyo lamang nauunawaan ang Aking puso. Kahit na gaano pa kayo nag-alinlangan o kahit gaano pa ang utang ninyo sa Akin, hindi Ko na ito aalalahanin, at gayunpaman ay pinili Ko kayo na humayo at kumilos ayon sa Aking kalooban.

Hindi ngayon ang panahon para manatili. Mula ngayon, kung mayroon kayong natatagong hangarin, kung gayon ang Aking paghatol ay sasapit sa inyo. Kung iiwan ninyo Ako kahit nang isang sandali lamang, kung gayon kayo ay magiging gaya ng asawa ni Lot. Ang gawain ng Banal na Espiritu ngayon ay bumibilis, at ang mga hindi makasasabay sa bagong liwanag ay nasa panganib. Ang mga hindi nagbabantay ay tatalikuran; dapat ninyong pangalagaan ang inyong mga sarili. Alam mong ang lahat ng bagay sa iyong kapaligiran ay naroon dahil sa Aking pahintulot, Ako ang nagsasaayos nitong lahat. Tingnan ito nang malinaw at bigyang-kasiyahan ang Aking puso sa kapaligirang ibinigay Ko na sa iyo. Huwag matakot, ang Makapangyarihang Diyos ng maraming hukbo ay tiyak na sasaiyo; Siya ay nasa inyong likuran at Siya ang inyong sanggalang. Sa kasalukuyan, ang mga tao ay may napakaraming kuru-kuro, na pumupuwersa sa Akin na ipahayag ang Aking kalooban sa pamamagitan ng mga taong hinahamak ng iba, na ikakapahiya ng mga palalo at mapagmagaling, mapagmataas, ambisyoso, at may mataas na katayuan. Hangga’t kayo ay nagpapakita ng taos-pusong pagsasaalang-alang sa Aking pasanin, ihahanda Ko ang lahat ng bagay para sa inyo. Basta sumunod lamang kayo sa Akin!

Sinundan: Kabanata 25

Sumunod: Kabanata 27

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito