Kabanata 29

Alam mo ba na ang panahon ay minamadali? Kaya sa maikling taning, ikaw ay dapat na umasa sa Akin at iwaksi ang lahat ng bagay mula sa iyo na hindi kaayon ng Aking disposisyon: kamangmangan, kabagalan sa pagtugon, malabong mga kaisipan, kalambutan ng puso, isang lupaypay na kalooban, pagiging katawa-tawa, lubhang pagod na mga damdamin, kalituhan, at kakulangan ng pagkakilala. Ang mga ito ay kailangang maiwaksi sa lalong madaling panahon. Ako ang Makapangyarihang Diyos! Hangga’t ninanais mong makipagtulungan sa Akin, Aking gagamutin ang lahat ng masakit sa iyo. Ako ang Diyos na tumitingin nang malalim sa mga puso ng mga tao; nalalaman Ko ang lahat ng iyong mga karamdaman at kung saan naroroon ang iyong mga depekto. Ang mga ito ang mga bagay na humahadlang sa iyo mula sa pagkakaroon ng pag-unlad sa iyong buhay, at ang mga ito ay kailangang maiwaksi sa lalong madaling panahon. Kung hindi, ang Aking kalooban ay hindi maisasakatuparan sa iyo. Manalig sa Akin upang maiwaksi ang lahat ng bagay na pag-aari mo na Aking tinatanglawan, laging mabuhay na kasama Ko, maging malapit sa Akin, at gawin ang iyong mga kilos at pag-uugali na katulad ng sa Akin. Makipagbahagian pa sa Akin nang mas madalas tungkol sa mga hindi mo nauunawan, at gagabayan kita nang ikaw ay makasulong. Kung hindi ka tiyak, huwag kumilos nang nagmamadali, kundi maghintay sa Aking panahon. Patuloy na magtimpi at huwag hayaan ang iyong mga nag-aalab na damdamin na uminit at lumamig; kailangan mong magkaroon ng isang puso na laging humahawak sa Akin nang may paggalang. Anuman ang gawin mo sa Aking harapan o sa Aking likuran ay kailangang laging naaayon sa Aking kalooban. Huwag kang maging maluwag sa kahit na sino alang-alang sa Akin, maging siya man ay iyong asawa o kapamilya; ito ay hindi katanggap-tanggap, gaano man sila kabuti. Kailangang gumawa ka ng hakbang batay sa katotohanan. Kung mahal mo Ako, pagkakalooban kita ng mga dakilang pagpapala. Walang sinumang lumalaban ang kukunsintihin Ko. Ibigin mo ang Aking iniibig, at kamuhian ang Aking kinamumuhian. Huwag mong pansinin ang sinumang tao, anumang pangyayari, o anumang bagay. Tumingin ka gamit ang iyong espiritu at tingnan nang maigi ang mga tao na Aking ginagamit; makipag-ugnayan ka nang mas malimit sa espirituwal na mga tao. Huwag maging mangmang—kailangan mong makita ang pagkakaiba. Ang trigo ay laging magiging trigo, at ang mapanirang damo ay hindi kailanman lalago para maging trigo—kailangan mong makilala ang iba’t ibang uri ng mga tao. Kailangan mong maging lalong maingat sa iyong pananalita at panatilihin ang iyong mga paa sa landas ng Aking hangarin. Maingat na isaalang-alang ang lahat ng mga salitang ito. Kailangan mong iwaksi kaagad ang iyong pagkamapanghimagsik at maging marapat sa Aking paggamit, upang iyong mabigyang-kasiyahan ang Aking puso.

Sinundan: Kabanata 28

Sumunod: Kabanata 30

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito