Kabanata 24
Papalapit na ang oras. Gumising! Lahat ng banal! Magsasalita Ako sa inyo, at ang lahat ng nakikinig ay gigising. Ako ang Diyos na pinanampalatayaan ninyo sa loob ng maraming taon. Ngayon ay nagkatawang-tao Ako at naparito sa inyong harapan, dahil dito ay ibinubunyag kung sino ang tunay na nagnanais sa Akin, kung sino ang nahahandang magbayad ng anumang halaga para sa Akin, kung sino ang tunay na nakikinig sa Aking salita, at sino ang nakahandang isagawa ang katotohanan. Dahil Ako ang makapangyarihang Diyos—nakikita Ko ang lahat ng lihim ng tao na nakatago sa kadiliman, kilala Ko kung sino ang tunay na nagnanais sa Akin, at kilala Ko kung sino ang tumututol sa Akin. Nagmamasid Ako sa lahat ng bagay.
Ngayon ay nais Kong gumawa ng isang grupo ng mga tao na kaayon ng Aking puso sa lalong madaling panahon, isang grupo ng tao na kayang isaalang-alang ang Aking mga pasanin. Gayunman, hindi Ko mapigilang linisin at dalisayin ang Aking iglesia; ang iglesia ang puso Ko. Kinasusuklaman Ko ang lahat ng masasamang tao na pinipigilan kayo sa pagkain at pag-inom ng Aking salita. Ito’y dahil may ilang tao na hindi Ako tunay na ninanais. Ang mga taong ito ay puno ng panlilinlang, hindi sila lumalapit sa Akin sa kanilang totoong puso; masasama sila, at sila ang mga taong hinahadlangan ang pagsasagawa ng Aking kalooban; sila ang mga taong hindi nagsasagawa ng katotohanan. Ang mga taong ito ay puno ng pagmamagaling at pagmamataas, lubha silang ambisyoso, gusto nilang nanlalait, at bagamat ang mga salitang sinasabi nila ay maganda sa pandinig, pero lihim nilang hindi isinasagawa ang katotohanan. Ang lahat ng masasamang taong ito ay lilipulin at lubusang mapapaalis; manlulupaypay sila sa mga sakuna. Ang mga salitang ito ay upang paalalahanan kayo at upang balaan kayo para mapanatili ninyo ang inyong mga paa sa landas na kaayon ng puso Ko. Palaging bumalik sa inyong espiritu, dahil minamahal Ko ang mga nagmamahal sa Akin ng kanilang buong puso. Dahil lumalapit kayo sa Akin, pangangalagaan Ko kayo at ilalayo kayo mula sa masasama, matatag Ko kayong itatayo sa Aking tahanan at babantayan Ko kayo hanggang wakas.