Kabanata 21

Ang gawain ng Banal na Espiritu ay nagdala na ngayon sa inyo tungo sa isang bagong langit at isang bagong lupa. Lahat ay pinaninibago, lahat ay nasa Aking mga kamay, lahat ay nagsisimulang muli! Sa kanilang mga kuru-kuro, hindi ito maunawaan ng mga tao, at wala itong katuturan sa kanila, ngunit Ako itong Siyang gumagawa, at ang Aking karunungan ay nakapaloob dito. Samakatuwid ay dapat lamang kayong mag-abala sa paglalapag ng lahat ng inyong mga kuru-kuro at mga palagay, at sa pagkain at pag-inom ng salita ng Diyos bilang pagpapasakop; huwag magkaroon ng anumang pag-aalinlangan. Dahil gumagawa Ako sa ganitong paraan, papasanin Ko ang isang banal na pananagutan. Sa katunayan, hindi kailangan ng mga tao na kumilos sa isang partikular na paraan. Sa halip, ang Diyos ang gumagawa ng mahimalang mga bagay, na nagpapakita ng Kanyang kakayahang gawin ang lahat. Hindi maaaring magyabang ang mga tao maliban kung nagyayabang sila tungkol sa Diyos. Kung hindi, daranas ka ng kawalan. Itinataas ng Diyos ang mga nangangailangan mula sa alabok; kailangang itaas ang mga mapagkumbaba. Gagamitin Ko ang Aking karunungan sa lahat ng anyo nito upang pamahalaan ang pandaigdigang iglesia, upang pamahalaan ang lahat ng bansa at lahat ng bayan, upang lahat sila ay nasa Aking kalooban, at upang lahat kayong nasa iglesia ay maaaring magpasakop sa Akin. Yaong mga hindi sumunod noon ay kailangang maging masunurin ngayon sa Aking harapan, kailangang magpasakop sa isa’t isa, tiisin ang isa’t isa; kailangang magkaugnay-ugnay ang inyong buhay, at kailangan ninyong magmahalan, na lahat ay humuhugot sa magagandang katangian ng bawat isa upang makabawi sa sarili nilang mga kahinaan, at naglilingkod nang may koordinasyon. Sa ganitong paraan itatayo ang iglesia, at mawawalan ng pagkakataon si Satanas na magsamantala. Saka lamang hindi mabibigo ang Aking plano ng pamamahala. Bibigyan Ko kayo ng isa pang paalala rito. Huwag mong tulutang magkaroon ng mga maling pagkaunawa sa iyo dahil si-ganito-at-si-ganyan ay ganito, o kumilos nang ganito-at-ganyan, na ang resulta ay nagiging masama ang iyong espirituwal na kundisyon. Sa tingin Ko, hindi ito angkop, at ito ay isang walang-kabuluhang bagay. Hindi ba ang Diyos yaong Isa na pinaniniwalaan mo? Hindi iyon kung sinong tao. Hindi magkapareho ang mga tungkulin. May isang katawan. Bawat isa’y ginagawa ang kanyang tungkulin, bawat isa’y nasa kanyang lugar at ginagawa ang kanyang buong makakaya—para sa bawat siklab may isang kislap ng liwanag—at naghahangad na lumago sa buhay. Sa gayon Ako ay masisiyahan.

Kailangan ninyong abalahin ang inyong sarili sa pagiging payapa lamang sa Aking harapan. Manatiling malapit na nakikipagniig sa Akin, magsaliksik pa kung saan hindi kayo nakakaunawa, mag-alay ng mga panalangin, at maghintay sa Aking panahon. Tingnan nang malinaw ang lahat mula sa espiritu. Huwag kumilos nang padalus-dalos, para hindi ka maligaw ng landas. Sa ganitong paraan lamang tunay na magkakaroon ng bunga ang iyong pagkain at pag-inom ng Aking mga salita. Kumain at uminom ng Aking mga salita nang malimit, pagnilayan ang Aking sinabi, bigyang-pansin ang pagsasagawa ng Aking mga salita, at isabuhay ang realidad ng Aking mga salita; ito ang mahalagang isyu. Ang proseso ng pagtatayo ng iglesia ay proseso rin ng paglago sa buhay. Kung ang iyong buhay ay huminto sa paglago, hindi ka maitatayo. Umaasa sa pagiging natural, sa laman, sa kasigasigan, sa mga ambag, sa mga kwalipikasyon; gaano ka man kagaling, kung umaasa ka sa mga bagay na ito hindi ka itatayo. Kailangan mong mabuhay ayon sa mga salita ng buhay, mabuhay ayon sa kaliwanagan at tanglaw mula sa Banal na Espiritu, alamin ang iyong tunay na sitwasyon, at maging isang taong nabago. Kailangan mong magkaroon ng kaparehong kabatiran sa espiritu, magkaroon ng bagong kaliwanagan, at makasabay sa bagong liwanag. Kailangan mong makayang walang-humpay na lumapit sa Akin at makipag-usap sa Akin, makayang ibatay ang iyong mga kilos sa pang-araw-araw na buhay sa Aking mga salita, makayang makisama nang wasto sa lahat ng uri ng mga tao, pangyayari, at bagay batay sa Aking mga salita, at gawing pamantayan mo ang Aking mga salita at isabuhay ang Aking disposisyon sa lahat ng aktibidad sa buhay mo.

Kung nais mong arukin at ingatan ang Aking kalooban, kailangan mong bigyang-pansin ang Aking mga salita. Huwag mong gawin ang mga bagay-bagay nang padalus-dalos. Lahat ng hindi Ko sinasang-ayunan ay masama ang kauuwian. Ang pagpapala ay dumarating lamang doon sa Aking napuri. Kung ano ang sinabi Ko, iyon ang mangyayari. Kung may iniutos Ako, tatayo iyon nang matatag. Para maiwasan ninyong galitin Ako, kailangan talagang hindi ninyo gawin ang hindi Ko pinahintulutan. Kung gagawin ninyo ito, hindi kayo magsisisi kailanman.

Sinundan: Kabanata 20

Sumunod: Kabanata 22

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito