Kabanata 20
Ang gawain ng Banal na Espiritu ay mabilis na sumusulong, dinadala kayo tungo sa isang ganap na bagong dako, na ang ibig sabihin ay nagpakita sa inyong harapan ang realidad ng buhay ng kaharian. Ang mga salita na winika ng Banal na Espiritu ay tuwirang nagbunyag ng kalaliman sa loob ng iyong puso at isang larawan pagkatapos ng isa pa ay nagpapakita sa harap ninyo. Lahat ng may pagkagutom at pagkauhaw sa pagiging matuwid, at may hangaring magpasakop, ay tiyak na mananatili sa Sion at mananahan sa Bagong Jerusalem; sila ay tiyak na magkakamit ng kaluwalhatian at karangalan at magbabahagi ng magagandang pagpapala kasama Ko. Sa kasalukuyan ay mayroong mga hiwaga sa espirituwal na daigdig na hindi pa ninyo nakikita, dahil ang inyong espirituwal na mga mata ay hindi bukas. Ang lahat ng bagay ay lubos na kamangha-mangha; mga himala at kagila-gilalas na mga bagay, at mga bagay na kahit kailan ay hindi man lamang naisip ng mga tao, ay unti-unting magkakatotoo. Ipakikita ng Diyos na makapangyarihang sa lahat ang Kanyang pinakadakilang mga himala upang makita ng mga dulo ng sansinukob at mga dulo ng mundo at ng lahat ng bansa at ng lahat ng mga tao sa kanilang sariling mga mata, at makita kung saan nakasalalay ang Aking pagiging maharlika, pagiging matuwid at pagiging makapangyarihan sa lahat. Ang araw ay papalapit na nang papalapit! Ito ay isang sukdulang kritikal na sandali: Kayo ba ay uurong o kayo ba ay magtitiyaga hanggang sa wakas at hindi kailanman tatalikod? Huwag tumingin sa kahit sinong tao, anumang pangyayari, o bagay; huwag tumingin sa sanlibutan, o sa inyong mga asawang lalaki, sa inyong mga anak, o sa inyong mga alalahanin sa buhay. Tumingin lamang sa Aking pag-ibig at habag, at tingnan ang halagang Aking binayaran upang makamtan kayo, at kung ano Ako. Ang mga bagay na ito ay sapat na para mahikayat kayo.
Ang panahon ay napakalapit na, at ang Aking kalooban ay dapat na matupad nang buong pagmamadali. Hindi Ko tatalikuran ang nasa Aking pangalan; dadalhin Ko kayong lahat tungo sa kaluwalhatian. Gayunman, habang tinitingnan ito ngayon, ito ay isang napakahalagang sandali; lahat ng hindi makakagawa ng susunod na hakbang ay mananaghoy sa nalalabing panahon ng kanilang buhay at makadarama ng panghihinayang, bagama’t napakahuli na para sa gayong mga damdamin. Sa kasalukuyan, ang inyong mga tayog ay inilalagay sa isang praktikal na pagsubok upang makita kung ang iglesia ay maitatayo at kung kayo ay makasusunod sa isa’t isa o hindi. Kung titingnan mula sa pananaw na ito, ang iyong pagsunod ay tunay ngang isang pagsunod kung saan ikaw ay pumipili; kahit na makaya mong sundin ang isang tao, nahihirapan ka pa ring sundin ang iba pa. Tunay ngang walang paraan na makakaya mong maging masunurin kapag umaasa ka sa mga kuru-kuro ng mga tao. Gayunpaman, ang mga iniisip ng Diyos ay laging nakahihigit sa mga iniisip ng tao! Si Cristo ay nagpasakop hanggang kamatayan, at namatay sa krus. Hindi Siya nagsalita tungkol sa anumang mga kundisyon o mga dahilan; hangga’t ito ay kalooban ng Kanyang Ama, Siya ay sumunod nang maluwag sa kalooban. Ang kasalukuyang pagsunod mo ay napakalimitado. Sinasabi Ko sa inyong lahat, ang pagsunod ay hindi ang pagsunod sa mga tao, sa halip, ito ay pagsunod sa gawain ng Banal na Espiritu, at pagsunod sa Diyos Mismo. Ang Aking mga salita ay nagpapanibago at bumabago sa inyo mula sa loob; kung hindi, sino kung gayon ang susunod kanino? Kayong lahat ay masuwayin sa ibang mga tao. Dapat kayong magbigay ng panahon upang unawain ito—ano ang pagkamasunurin at paano ninyo maisasabuhay ang buhay ng pagkamasunurin. Dapat kayong lumapit pa sa harap Ko, at makipagbahaginan tungkol sa bagay na ito, at dahan-dahan ninyong mauunawaan ito, kung kaya’t isusuko ninyo ang mga kuru-kuro at mga pamimilian sa kalooban ninyo. Ang paraang ito ng Aking paggawa ng mga bagay-bagay ay mahirap para sa mga tao na unawain nang lubusan. Ito ay hindi kung saan mabuti o magaling ang mga tao; Aking ginagamit maging ang pinakamangmang at ang pinakawalang-halaga upang ibunyag ang pagiging makapangyarihan sa lahat ng Diyos, habang kasabay nito ay binabaligtad ang ilang kuru-kuro, opinyon, at mga pamimilian ng mga tao. Ang mga gawa ng Diyos ay masyadong kamangha-mangha; at ang mga iyon ay hindi kayang abutin ng isipan ng mga tao!
Kung ikaw ay tunay na nagnanais na maging isang sumasaksi para sa Akin, kung gayon ay dapat mong tanggapin ang katotohanan nang dalisay at hindi nang may kamalian. Dapat kang higit na magtuon sa pagsasagawa ng Aking mga salita, maghangad na ang iyong buhay ay lumago nang mabilis. Huwag hanapin ang mga bagay na walang halaga; ang mga iyon ay walang pakinabang para sa pagpapaunlad ng inyong buhay. Kayo ay maitatayo lamang kung ang inyong mga buhay ay lumago na; at doon lamang kayo madadala sa kaharian—ito ay hindi mapag-aalinlanganan. Nais Ko sanang magsalita ng iba pa sa iyo; Ako ay napakarami nang naibigay sa iyo ngunit gaano karami ang iyong tunay na nauunawaan? Gaano karami sa mga sinasabi Ko ang naging realidad na ng iyong buhay? Gaano karami sa mga sinasabi Ko ang iyong isinasabuhay? Huwag sumalok ng tubig gamit ang basket na kawayan; ikaw ay walang makukuha sa huli, kahungkagan lamang. Ang iba ay nagkamit na ng tunay na mga pakinabang nang napakadali; paano naman ikaw? Kaya mo bang talunin si Satanas kung ikaw ay hindi naarmasan at walang dalang mga sandata? Dapat kang mas manalig sa Aking mga salita sa iyong buhay, dahil ang mga iyon ang pinakamagaling na sandata para sa pagtatanggol sa sarili. Dapat mong tandaan: Huwag ituring ang Aking mga salita bilang iyong mga pag-aari; kung hindi mo nauunawaan ang mga iyon, kung hindi mo hahangarin ang mga iyon, kung hindi mo susubukang unawain ang mga iyon o sasabihin sa Akin ang tungkol sa mga iyon, ngunit sa halip, kayo ay nasisiyahan sa sarili at kuntento sa sarili, kung gayon ikaw ay magdurusa ng kawalan. Dapat kang matuto sa araling ito ngayon, at dapat mong isantabi ang iyong sarili at kumuha sa lakas mula sa iba upang punuan ang iyong sariling mga pagkukulang; huwag basta gawin kung anuman ang iyong nais. Ang panahon ay hindi naghihintay sa sinuman. Ang mga buhay ng iyong mga kapatid na lalaki at babae ay lumalago bawat araw; silang lahat ay nakararanas ng pagbabago at napapanibago bawat araw. Ang lakas ng mga kapatid na lalaki at babae ay tumataas at ito ay isang magandang bagay! Tumakbo nang mabilis patungo sa dulo ng takbuhan; walang sinumang makakatulong sa kahit na sino. Basta gumawa ng sarili mong mga pagsisikap upang makipagtulungan sa Akin. Ang mga may pangitain, ang mga may paraan upang sumulong, na hindi nasisiraan ng loob, at laging nakatingin sa unahan ay tiyak na magiging matagumpay nang walang pag-aalinlangan. Ito ay isang napakahalagang sandali. Tiyaking hindi ka masisiraan ng loob o panghihinaan ng kalooban; dapat kang tumingin sa unahan sa lahat ng bagay, at huwag tatalikod. Dapat mong isakripisyo ang lahat ng bagay, iwanan ang lahat ng gusot, at magsumikap gamit ang lahat ng iyong kakayahan! Hangga’t may isang hiningang nananatili sa iyo, dapat kang magtiyaga hanggang sa kahuli-hulihan; ito lamang ang paraan na magiging karapat-dapat ka sa papuri.