Kabanata 19

Habang patuloy na sumusulong ang gawain ng Banal na Espiritu, nadadala tayong muli ng Diyos tungo sa isang bagong paraan ng gawain ng Banal na Espiritu. Bunga nito, hindi maiiwasan na nagkaroon na ang ilan ng maling pagkaunawa sa Akin at nagreklamo sa Akin. Ang ilan ay kinalaban at kinontra Ako, at siniyasat na Akong mabuti. Gayunman, buong-awa pa rin Akong naghihintay na magsisi at magbago kayo. Ang pagbabago sa paraan ng gawain ng Banal na Espiritu ay na hayagan nang nagpakita ang Diyos Mismo. Mananatiling hindi nagbabago ang Aking salita! Yamang ikaw ang inililigtas Ko, talagang hindi ko nais na pabayaan ka sa kalagitnaan ng daan. Kaya lang ay nagkikimkim kayo ng mga pagdududa at nais ninyong bumalik nang walang dala. Tumigil na ang ilan sa inyo sa pagsulong, habang nakamasid at naghihintay lang ang iba. Sunud-sunuran naman ang iba sa sitwasyon, samantalang gumagaya lamang ang ilan. Talagang pinatigas na ninyo ang inyong puso! Kinuha mo na ang sinabi Ko sa inyo at ginawa itong isang bagay na ipinagmamalaki mo, o isang bagay na ipinagyayabang mo. Pagbulay-bulayan pa ito: Ito ay walang iba kundi mga salita ng awa at paghatol na dumarating sa iyo. Ang Banal na Espiritu, na nakikitang talagang suwail kayo, ay tuwirang nagsasalita at nanunuri. Dapat kayong matakot. Huwag kumilos nang walang-ingat o gumawa ng anuman nang padalus-dalos, at huwag maging palalo, mayabang, o matigas magsalita! Dapat kayong higit na magtuon sa pagsasagawa ng Aking mga salita, at isabuhay ang mga ito saanman kayo magpunta upang talagang mabago ka ng mga ito mula sa iyong kalooban at mapasaiyo ang Aking disposisyon. Ganitong mga resulta lamang ang totoo.

Upang maitayo ang iglesia, kailangan ay mayroon kang partikular na tayog at buong-puso at walang-tigil kang maghanap. Bukod pa riyan, kailangan mong tanggapin ang pagsusunog at paglilinis ng Banal na Espiritu upang maging isang tao na nabago. Sa ilalim lamang ng ganitong mga kalagayan maaaring itayo ang iglesia. Naakay na kayo ngayon ng gawain ng Banal na Espiritu na simulan ang pagtatayo ng iglesia. Kung patuloy kayong kikilos sa magulo at makupad na paraan tulad ng dati, wala na kayong pag-asa. Kailangan ninyong sangkapan ang inyong sarili ng lahat ng katotohanan, kailangan ninyong magkaroon ng espirituwal na paghiwatig, at kailangan ninyong lumakad sa perpektong daan alinsunod sa Aking karunungan. Para maitayo ang iglesia, kailangan ay nasa loob kayo ng espiritu ng buhay, at hindi lang basta gumaya nang paimbabaw. Ang proseso ng paglago sa inyong buhay ay kapareho ng proseso kung paano kayo itinatayo. Gayunman, pansinin na yaong mga umaasa sa mga kaloob o yaong mga walang espirituwal na pang-unawa o walang realidad ay hindi magagawang matatag, at hindi rin maitatayo yaong mga hindi kayang maging malapit at makipag-usap sa Akin palagi. Ang mga taong abala ang isipan sa mga kuru-kuro o namumuhay ayon sa mga doktrina ay hindi maitatayo, at hindi rin maitatayo yaong mga pinangungunahan ng kanilang mga damdamin. Paano ka man tinatrato ng Diyos, kailangan mong lubusang magpasakop sa Kanya; kung hindi, hindi ka maitatayo. Yaong mga abala sa pagpapahalaga nila sa sarili, pagmamagaling, kayabangan, at kapanatagan, at mahilig mangmata at magpasikat, ay hindi maitatayo. Yaong mga hindi makapaglingkod nang katuwang ang iba iba ay hindi rin maitatayo, at gayon din ang mangyayari sa mga taong walang espirituwal na paghiwatig at pikit-matang sumusunod sa sinumang nangunguna sa kanila. Gayundin, yaong mga hindi makaunawa sa Aking mga layon at namumuhay sa lipas nang kalagayan ay hindi maitatayo, at hindi rin maitatayo ang mga taong napakabagal sumunod sa bagong liwanag at walang anumang pananaw bilang kanilang pundasyon.

Dapat itayo ang iglesia sa lalong madaling panahon; malaking alalahanin ito para sa Akin. Dapat kang magsimula sa pamamagitan ng pagtuon sa positibo, at sumali sa daloy ng pagtatayo sa pamamagitan ng paghahandog ng iyong sarili nang buong lakas mo. Kung hindi, tatanggihan ka. Dapat mong talikdan nang lubusan yaong dapat talikdan, at kainin at inumin nang tama yaong dapat kainin at inumin. Dapat mong isabuhay ang realidad ng Aking salita, at dapat kang tumigil sa pagtutuon sa mga mababaw at walang-halagang bagay. Itanong ito sa sarili mo: Gaano karami na ang nakuha mo sa Aking salita? Gaano mo ito isinasabuhay? Dapat mong panatilihing malinaw ang iyong isipan, at umiwas sa paggawa ng anumang bagay nang padalus-dalos; kung hindi, hindi makakatulong ang gayong pag-uugali sa iyong paglago sa buhay, kundi sa totoo ay makapipinsala lamang ito sa iyong paglago. Dapat mong maunawaan ang katotohanan, malaman kung paano ito isasagawa, at hayaang tunay na maging buhay mo ang Aking salita. Ito ang pinakabuod ng bagay na ito!

Dahil umabot na sa isang kritikal na sandali ang pagtatayo ng iglesia, bumabalangkas ng mga plano si Satanas, at ginagawa ang lahat para gibain ito. Hindi kayo dapat magpabaya, kundi maingat na magpatuloy at magsagawa ng espirituwal na paghiwatig. Kung wala ang gayong paghiwatig, daranas ka ng matitinding kawalan. Hindi ito maliit na bagay; dapat mo itong ituring na isang napakahalagang isyu. May kakayahan din si Satanas na magkunwari at mag-alok ng mga huwad, ngunit iba ang tunay na kalidad ng mga bagay na ito. Napakahangal at walang-ingat ng mga tao, at hindi nakikita ang kaibhan. Ipinapakita rin nito na wala silang kakayahan na panatilihing malinaw ang kanilang isipan at huminahon sa lahat ng oras. Ang inyong puso ay hindi masumpungan. Ang paglilingkod, sa isang banda, ay isang karangalan, samantalang sa kabilang banda, maaaring isa itong kawalan. Maaari itong humantong sa mga pagpapala o kaya nama’y sa kasawian. Manatiling tahimik sa Aking presensiya at mamuhay ayon sa Aking salita, at sa espirituwal, talagang mananatili kang mapagbantay at makakahiwatig ka. Pagdating ni Satanas, agad mo itong maiiwasan at madarama ang pagdating nito; madarama mo ang totoong pagkaasiwa sa iyong espiritu. Nakikibagay ang kasalukuyang gawain ni Satanas sa mga pagbabago sa mga kalakaran. Kapag kumikilos ang mga tao sa magulong paraan at hindi maingat, mananatili sila sa pagkabihag. Dapat kang manatiling maingat sa lahat ng oras, at maging mapagmasid. Huwag makipagtalo tungkol sa sarili mong mga pakinabang at kawalan o magkalkula para sa sarili mong pakinabang; sa halip, hangaring magawa ang Aking kalooban.

Maaaring magmukhang magkakapareho ang mga bagay-bagay, ngunit maaaring magkaiba ang kalidad ng mga ito. Dahil dito, dapat mong kilalanin ang mga tao gayundin ang mga espiritu. Dapat kang magsagawa ng paghiwatig at manatiling espirituwal na malinaw ang iyong isipan. Kapag lumitaw ang kamandag ni Satanas, dapat mo itong makilala kaagad; hindi nito matatakasan ang liwanag ng paghatol ng Diyos. Dapat kang mas magtuon sa pakikinig na mabuti sa tinig ng Banal na Espiritu sa iyong espiritu; huwag mong pikit-matang sundin ang iba o pagkamalang totoo ang isang huwad na bagay. Huwag kang basta sumunod sa sinumang nangunguna, kung hindi ay daranas ka ng matitinding kawalan. Anong lasa ang iniiwan nito sa bibig mo? Naramdaman mo na ba ang mga kinahinatnan? Hindi ka dapat makialam nang basta-basta sa paglilingkod o magsingit ng sarili mong mga opinyon dito, kung hindi ay pababagsakin Kita. Ang mas masahol pa, kung tumatanggi kang magpasakop, at patuloy mong sinasabi at ginagawa ang gusto mo, itatakwil Kita! Hindi kailangan ng iglesia na maghakot pa ng mas maraming tao; nais lamang nito yaong mga taimtim na nagmamahal sa Diyos at totoong namumuhay alinsunod sa Aking salita. Dapat mong mabatid ang sarili mong tunay na sitwasyon. Hindi ba panlilinlang sa sarili kapag itinuring ng mahihirap ang kanilang sarili na mayaman? Para maitayo ang iglesia, kailangan mong sundin ang Espiritu; huwag magpatuloy nang nagbubulag-bulagan. Sa halip, manatili sa iyong lugar, at gampanan ang iyong sariling mga tungkulin; hindi ka dapat lumagpas sa iyong mga tungkulin; dapat mong gawin ang lahat upang magampanan ang anumang tungkuling kaya mong gampanan, at sa gayon ay masisiyahan ang Aking puso. Hindi naman sa maglilingkod kayong lahat sa iisang tungkulin. Sa halip, bawat isa sa inyo ay dapat gampanan ang sarili ninyong tungkulin, at italaga ang inyong paglilingkod nang nakikipag-ugnayan sa iba pa sa iglesia. Hindi dapat lumihis ang inyong paglilingkod sa alinmang direksyon.

Sinundan: Kabanata 18

Sumunod: Kabanata 20

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito