384 Tunay na Kahulugan ng Pananampalataya sa Diyos
Ⅰ
Maraming tao’ng naniniwala,
ngunit kaunti lang ang nakakaunawa
sa pananampalataya sa Diyos,
paano ba sasabayan ang pintig ng Kanyang puso.
Maraming may alam sa mga salitang
“Diyos” at “gawain ng Diyos,”
ngunit ‘di Siya kilala at ang mga gawain Niya.
Kaya pananalig nila’y bulag.
Sila’y ‘di seryoso dito dahil ito’y kakaiba.
Kaya kapos sila sa mga hinihingi ng Diyos.
Kung ‘di mo kilala ang Diyos at gawain N’ya,
angkop ka bang gamitin N’ya?
Matutupad mo ba ang hangad ng Diyos?
‘Di sapat ang paniniwalang umiiral ang Diyos.
Napakasimple at relihiyoso n’yan.
Iba sa tunay na pananalig sa Kanya.
Tunay na pananalig sa Diyos
ay pagdanas sa mga gawa’t salita Niya
batay sa pananalig na nangingibabaw Siya sa lahat.
Para makakalaya sila sa tiwaling disposisyon at
matupad mga hangarin ng Diyos at Siya’y makilala.
Yan ang daan tungo sa tunay na pananalig sa Diyos.
Ⅱ
Maraming nag-aakalang
paniniwala’y simple’t mababaw.
Ganyang paniniwala’y walang saysay.
Pa’nong malulugod ang Diyos?
Sila’y nasa maling landas.
Silang naniniwala sa mga sulat,
hungkag na aral ay ‘di pa rin alam
pananalig nila’y ‘di tunay, ‘di kalulugdan ng Diyos.
Samo pa rin nila’y biyaya’t kapayapaan.
Pananalig ba’y paghingi lang
ng biyaya’t kapayapaan?
Matutupad ba’ng nais Niya,
kung Siya’y nilalabanan mo pa rin, at ‘di kinikilala?
‘Di sapat ang paniniwalang umiiral ang Diyos.
Napakasimple at relihiyoso n’yan.
Iba sa tunay na pananalig sa Kanya.
Tunay na pananalig sa Diyos
ay pagdanas sa mga gawa’t salita Niya
batay sa pananalig na nangingibabaw Siya sa lahat.
Para makakalaya sila sa tiwaling disposisyon
at matupad mga hangarin ng Diyos at Siya’y makilala.
Yan ang daan tungo sa tunay na pananalig sa Diyos.
Yan ang landas sa tunay na pananalig sa Kanya.
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Paunang Salita