64 Tunay na Pag-ibig ng Diyos

1 Ngayon bumalik ako sa harap ng Diyos, nakikita Kanyang maamong mukha. Ngayon bumalik ako sa harap ng Diyos, malaya ako mula sa mga gapos at kontrol ng mga seremonyang panrelihiyon. Ngayon bumalik ako sa harap ng Diyos, ang pagkawili sa Kanyang salita’y pinupuno ako ng ligaya. Ngayon bumalik ako sa harap ng Diyos, puso ko’y napakaraming nais sabihin. Magiliw na mga salita ng Diyos ang dumidilig at nagpapakain sa akin upang lumago. Mahigpit na mga salita ng Diyos humihikayat sa aking bumangon pagkatapos malugmok. O Diyos! Pinupuri Ka namin sapagkat itinaas Mo kami. Kaya naming umawit sa Iyo ngayon dahil sa Iyong pagpapala’t awa. Mahal Ka namin, makapangyarihang Diyos na tunay! Papuri sa Makapangyarihang Diyos! Hallelujah!

2 O Diyos, mahal Mo kaming tunay, hinahayaan kaming lasapin Iyong salita araw-araw! O Diyos, mahal Mo kaming tunay, liwanagan kami araw-araw! O Diyos, mahal Mo kaming tunay! Hinahatulan Mo kami gamit ang Iyong mga salita at kami’y nalinis. O Diyos, mahal Mo kaming tunay, dinadala palayo sa impluwensya ni Satanas. Mga kapatid, magmadali at bumangon! Purihin nating sama-sama ang Diyos. Itangi natin paano Niya tayo tinipon dito ngayon. Lumaya sa lahat ng pasanin ng laman! Papuring taimtim sa Makapangyarihang Diyos! Buong puso’t lakas tungkulin ay tuparin, pag-ibig sa Diyos ipakita sa pagkilos. Iibigin Ka namin magpakailanman, makapangyarihang Diyos na tunay!

Sinundan: 63 Dapat Tayong Maging Palaging Tahimik sa Harap ng Diyos

Sumunod: 65 Pag-ibig ng Diyos Pumapaligid sa Puso Ko

Madalas nang mangyari ngayon ang mga sakuna. Paano natin masasalubong ang Panginoon at paano tayo maililigtas ng Diyos bago ang malalaking sakuna? Magkasama tayong magsiyasat upang mahanap ang landas.

Kaugnay na Nilalaman

85 Kasama Ka Hanggang Wakas

ⅠNagpapaanod ako’t nilalakbay ang mundo,pakiramdam ay wala sa sarili at sa loob ay walang-kakayanan.Ginising ng Iyong mga malalambing na...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito

Kontakin Kami Gamit ang Messnger