303 Mayroon Ka bang Tunay na Pananampalataya kay Cristo?

1 Sa mga salita at pag-uugali ninyo ay nahahayag ang mga bahagi ng kawalan ninyo ng paniniwala kay Cristo. Lumalaganap ang kawalan ng paniniwala sa mga dahilan at mga layon ng lahat ng ginagawa ninyo. Maging ang pakiramdam ng titig ninyo ay naglalaman ng kawalan ng paniniwala kay Cristo. Minu-minuto, nagkikimkim ang bawat isa sa inyo ng mga elemento ng kawalan ng paniniwala. Ibig sabihin, sa bawat sandali, kayo ay nanganganib na ipagkanulo si Cristo, sapagkat ang dugong nananalaytay sa katawan ninyo ay nanunuot sa kawalan ng paniniwala sa Diyos na nagkatawang-tao. Samakatuwid, habang tinatahak ninyo ang landas ng pananampalataya sa Diyos, hindi ninyo itinatayo nang matatag ang mga paa ninyo sa lupa—kayo ay basta kumikilos lamang.

2 Kailanman ay hindi ninyo lubos na pinaniwalaan ang salita ni Cristo at walang kakayahang kaagad itong maisagawa. Ito ang dahilan kung bakit wala kayong pananampalataya kay Cristo. Ang palaging pagkakaroon ng mga kuru-kuro tungkol sa Kanya ay isa pang dahilan kaya wala kayong pananampalataya sa Kanya. Magpakailanmang nagdududa tungkol sa gawain ni Cristo, hinahayaan ang salita ni Cristo na mahulog sa mga taingang bingi, pagkakaroon ng opinyon sa kung ano mang gawain ang ginagawa ni Cristo at hindi maunawaan nang tama ang gawaing ito, nahihirapang isaisantabi ang mga kuru-kuro ninyo kahit ano pang paliwanag ang matanggap ninyo, at iba pa—ang lahat ng ito ay mga elemento ng kawalan ng paniniwalang nakahalo sa mga puso ninyo.

3 Kahit nasusundan ninyo ang gawain ni Cristo at hindi kailanman napag-iiwanan, masyadong maraming paghihimagsik ang nakahalo sa mga puso ninyo. Ang paghihimagsik na ito ay isang karumihan sa paniniwala ninyo sa Diyos. Marahil hindi ganoon ang iniisip ninyo, ngunit kung hindi ninyo kayang mabatid ang mga balak ninyo mula rito, siguradong magiging isa kayo sa mga mapapahamak, sapagkat ginagawang perpekto lamang ng Diyos ang mga totoong naniniwala sa Kanya, hindi yaong mga nagdududa sa Kanya, at pinakahuli sa lahat yaong mga atubiling sumusunod sa Kanya sa kabila ng hindi sila naniwala kailanman na Siya ang Diyos.

Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Isa Ka bang Tunay na Mananampalataya sa Diyos?

Sinundan: 302 Itinuturing ng mga Tao si Cristo Bilang Isang Karaniwang Tao

Sumunod: 304 Ang Pagparito ng Anak ng Tao ay Inilalantad ang Lahat ng Tao

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito