343 Yaong Mga Hindi Kilala ang Diyos ay Sumasalungat sa Diyos
I
Sinumang ‘di nauunawaan
layunin ng gawain ay sumasalungat sa Diyos.
May unawa ngunit ‘di nagpapalugod sa Diyos—
siya’y kalaban ng Diyos.
Yaong nasa simbahan
nagbabasa ng Bibliya buong araw,
ngunit walang may unawa sa gawain Niya.
Walang kayang makilala Siya,
lalong walang nakaaayon sa kalooban Niya.
Sila’y walang halaga, masasama,
nagpapakataas upang pangaralan Siya,
salungat habang wagayway bandila Niya.
Inaangkin ang pananalig, nilalamon pa rin ang tao.
Masasamang lumalamon ng kaluluwa’y
hadlang sa tao sa tamang landas.
Sila’y balakid na sagabal sa naghahanap sa Diyos.
Tila sila’y may “konstitusyong mahusay,”
ngunit tagasunod paano nalamang
sila’y antikristo’ng salungat sa Diyos
at diyablong nilalamon ay kaluluwa?
Yaong ‘di kilala ang Diyos,
kumikilala ngunit ‘di Siya kilala,
sumusunod ngunit ‘di tumatalima,
nagsasaya sa Kanyang biyaya
ngunit ‘di makapagpatotoo,
lahat ay sumasalungat sa Diyos.
II
Yaong mataas ang tingin sa sarili nila
sa harap ng Diyos
ang pinakahamak sa tao,
habang yaong nagpapakumbaba
ang pinakamarangal.
Yaong akala’y alam gawain Niya’t
kayang ipahayag nang may pagpapasikat,
sila ay mangmang, mayabang, mapagmataas;
sila’y walang patotoo sa Diyos.
Yaong ‘di kilala ang Diyos,
kumikilala ngunit ‘di Siya kilala,
sumusunod ngunit ‘di tumatalima,
nagsasaya sa Kanyang biyaya
ngunit ‘di makapagpatotoo,
lahat ay sumasalungat sa Diyos.
III
Yaong ‘di nauunawaan kalooban Niya,
katotohana’y ‘di ‘sinasagawa
salita’y kinakain ngunit sumusuway,
sila’y kalaban Niya.
Yaong may kuru-kuro sa naging taong Diyos,
at isipang magrebelde sa Kanya,
‘di makapagpatotoo,
Siya’y hinahatulan at ‘di kilala,
ay kalaban ng Diyos.
Yaong ‘di kilala ang Diyos,
kumikilala ngunit ‘di Siya kilala,
sumusunod ngunit ‘di tumatalima,
nagsasaya sa Kanyang biyaya
ngunit ‘di makapagpatotoo,
lahat ay sumasalungat sa Diyos.
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Lahat ng Taong Hindi Nakakakilala sa Diyos ay mga Taong Sumasalungat sa Diyos