Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw (Mga Seleksyon)

Mga Nilalaman

Ang Masama ay Nararapat Parusahan

Ang pagsisiyasat kung iyong isinasagawa ang pagkamatuwid sa lahat ng iyong ginagawa, at kung ang lahat ng iyong pagkilos ay nasusubaybayan ng Diyos, ay mga prinsipyo sa pag-uugali ng mga naniniwala sa Diyos. Matatawag kayong matuwid dahil napalulugod ninyo ang Diyos, at dahil tinatanggap ninyo ang Kanyang pag-aalaga at proteksyon. Sa paningin ng Diyos, lahat ng tumatanggap ng Kanyang pag-aalaga, proteksyon, at kasakdalan, ay mga matuwid at kinalulugdan ng Diyos. Habang mas tinatanggap ninyo ang mga Salita ng Diyos ngayon mismo, mas nagagawa ninyo matanggap at maunawaan ang Kanyang kalooban, at kaya mas maisasabuhay ninyo ang mga Salita ng Diyos at masusunod ninyo ang Kanyang mga pamantayan. Ito ang komisyon ng Diyos sa inyo, at kung ano ang dapat ninyong makamtan. Kung gumagamit kayo ng mga pananaw upang sukatin at ilarawan ang Diyos, na parang ang Diyos ay tulad ng isang di-nagbabagong imahen na gawa sa luwad, at kung nililimitahan ninyo ang Diyos sa Biblia, at pinipigilan ninyo Siya sa limitadong saklaw ng paggawa, ito ay nagpapatunay na hinatulan ninyo ang Diyos. Dahil, sa kanilang mga puso, ang mga Hudyo sa panahon ng Lumang Tipan ay ginawang isang hinulmang idolo ang Diyos, na parang ang Diyos ay tatawagin lamang Mesiyas, at tanging Siya lang na tinatawag na Mesiyas ay Diyos, at dahil pinaglingkuran at sinamba nila Siya na parang isang (walang buhay na) imaheng gawa sa luwad, pinako nila si Jesus sa krus sa panahong iyon, na hinatulan nila Siya ng kamatayan—at walang pag-aalinglangang pinarusahan ang inosenteng si Jesus ng kamatayan. Walang ginawang krimen ang Diyos, ngunit hindi pinalampas ng tao ang Diyos at di nagdalawang isip na bigyan Siya ng parusang katamayan. Sa gayon, pinako si Jesus sa krus. Ang tao ay laging naniniwala na hindi nagbabago ang Diyos, at inilalarawan Siya ayon sa Biblia, na parang nakita na ng tao ang pamamahala ng Diyos, na parang ang lahat ng mga ginawa ng Diyos ay nasa kamay ng tao. Ang mga tao ay talaga namang katawa-tawa, taglay nila ang labis na kayabangan, taglay nilang lahat ang talino sa pagsasalita nang maganda. Gaano man kalalim ang kaalaman mo tungkol sa Diyos, sinasabi ko pa rin na hindi mo kilala ang Diyos, at wala ng iba pang mas tumututol sa Diyos, at hinatulan mo ang Diyos, sapagkat lubos kang walang kakayahang sundin ang gawain ng Diyos at ang lumakad sa landas na gawin kang perpekto ng Diyos. Bakit hindi kailanman nasisiyahan ang Diyos sa mga ginagawa ng tao? Dahil hindi kilala ng tao ang Diyos, masyado siyang maraming mga pananaw, sa halip na sundin ang katotohanan, lahat ng kanyang kaalaman tungkol sa Diyos ay nanggaling mula sa parehong hibla, matibay at hindi nababali. Kaya, sa Kanyang pagdating sa mundo ngayon, ang Diyos ay minsan pang ipinako sa krus ng tao. Malupit, marahas na sangkatauhan! Ang pakikipagsabwatan at intriga, ang pagsasakitan sa isa’t-isa, ang pag-aagawan ng reputasyon at kayamanan, ang palitang pagpatay—kailan ito matatapos? Ang Diyos ay nagsalita ng daang-libong mga salita, ngunit walang isa mang tao ang natauhan. Sila ay kumikilos para sa kapakanan ng kanilang mga pamilya, at mga anak na lalaki at babae, para sa kanilang mga propesyon, pag-asa, katayuan, karangyaan, at kayamanan, para sa kanilang mga damit, para sa pagkain at sa laman—kaninong mga pagkilos ang talagang para sa kapakanan ng Diyos? Kahit sa gitna ng mga kumikilos para sa Diyos, kaunti lang ang nakakakilala sa Diyos. Ilan ang hindi kumikilos upang mapanatili ang kanilang sariling kapakanan? Ilan ang hindi nang-aapi ng iba para sa pagpapanatili ng kanilang sariling katayuan? Kaya, ang Diyos ay sapilitang hinatulan ng kamatayan nang di mabilang na beses, di-mabilang na salbaheng hukom ang humatol sa Kanya at minsan pang ipinako Siya sa krus. Gaano karami ang maaaring tawagin na matuwid dahil talagang kumikilos sila para sa kapakanan ng Diyos?

Sa harap ng Diyos, ganoon lang ba kadaling gawing perpekto, maging isang banal, o maging taong matuwid? Totoong “walang matuwid na tao sa lupa, ang mga matuwid ay wala dito sa lupa.” Kung haharap kayo sa Diyos, isaalang-alang ninyo ang inyong kasuotan, ang inyong bawat pananalita at pagkilos, ang lahat ng inyong mga iniisip at mga ideya, maging ang mga pangarap na pinapangarap ninyo araw-araw —lahat ng ito ay para sa inyong sariling kapakanan. Hindi ba ito ang totoong kalagayan? Ang “pagkamatuwid” ay hindi nangangahulugan ng pagbibigay ng limos, ito ay hindi nangangahulugan ng pag-ibig mo sa iyong kapwa gaya ng sa iyong sarili, at hindi nangangahulugan na hindi nag-aaway, nagbabangayan, nagnanakawan, o nag-uumitan. Ang pagkamatuwid ay nangangahulugan na tinatanggap mo ang komisyon ng Diyos bilang iyong tungkulin at sinusunod ang Kanyang pagsasaayos bilang isang hulog ng langit na tungkulin, hindi alintana ang oras o lugar, tulad ng lahat ng ginawa ng Panginoong Jesus. Ito ang talagang pagkamatuwid na sinabi ng Diyos. Na si Lot ay maaaring tawagin na matuwid na tao dahil iniligtas niya ang dalawang anghel na isinugo ng Diyos nang hindi iniisip ang matatanggap o mawawala niya; ang ginawa niya sa panahong iyon ay matatawag na matuwid, ngunit hindi siya matatawag na taong matuwid. Ito ay dahil lamang sa nakita ni Lot ang Diyos kung kaya ibinigay niya ang kanyang dalawang anak na babae kapalit ng mga anghel. Ngunit hindi lahat ng kanyang pag-uugali noong nakaraan ay kumakatawan sa pagkamatuwid, kaya sinasabi ko na “walang matuwid sa ibabaw ng lupa.” Kahit ang mga nasa progreso ng pagbuti ay hindi matatawag na matuwid. Gaano man kahusay ang iyong mga gawa, kahit gaano mo ipinakikitang niluluwalhati mo ang pangalan ng Diyos, hindi sinasaktan ni sinusumpa ang iba, at hindi mo sila ninanakawan o inuumitan, hindi ka pa rin matatawag na matuwid, dahil ang mga ito ay maaaring taglayin ng sinumang normal na tao. Ngayon, hindi mo alam ang Diyos. Maaari lang masabi na ngayon ay mayroon kang maliit at normal na pagkatao, subalit ikaw ay salat sa pagkamatuwid na sinalita ng Diyos, kung kaya wala sa mga ginagawa mo ang patunay ng iyong pagkakilala sa Diyos.

Dati, nang ang Diyos ay nasa langit, sinubukan ng tao na linlangin ang Diyos sa pamamagitan ng kanilang pagkilos; ngayon, pumarito ang Diyos sa mga tao—kung gaano katagal ay walang nakaaalam— ngunit nagpapanggap pa rin ang tao sa Diyos, sinusubukan pa ring linlangin ang Diyos. Hindi ba lubos na paurong ang pag-iisip ng tao? Pareho ito ng kay Hudas: Bago dumating si Jesus, nagsasabi ng mga kasinungalingan si Hudas sa kanyang mga kapatid na lalaki at babae, at matapos dumating si Jesus ay hindi pa rin siya nagbago; hindi siya nagkaroon ng kahit katiting na kaalaman kay Jesus, at sa katapusan ay pinagtaksilan niya si Jesus. Hindi ba ito dahil hindi niya kilala ang Diyos? Kung, sa ngayon, hindi pa rin ninyo kilala ang Diyos, kung gayon ay magiging katulad kayo ni Hudas, at ang trahedya ng pagkapako ni Jesus sa krus sa Kapanahunan ng Biyaya, na libu-libong taon na ang nakaraan, ay muling isasadula. Hindi ba kayo naniniwala rito? Ito ay totoo! Sa ngayon, maraming tao ang nasa mga ganitong kalagayan—maaaring sinasabi ko ito nang mas maaga—at ang gayong mga tao ay gumaganap sa papel ni Hudas. Hindi ako nagsasalita nang pabiro, kundi ayon sa katotohanan—at dapat kang maniwala. Kahit maraming tao ang nagkukunwaring mapagpakumbaba, sa loob ng kanilang mga puso ay ang marumi, at mabahong tubig. Sa ngayon, marami sa mga nasa iglesia ang katulad nito. Sa tingin ninyo ay wala akong alam; ngayon, ang Aking Espiritu ay gumagabay sa Akin, at nagpapatotoo sa Akin. Sa tingin mo ba ay wala akong alam? Sa tingin ba ninyo ay wala akong naiintindihan sa mapanlinlang na saloobin sa inyong mga puso at ang mga bagay na nakatago sa inyong mga puso? Ang Diyos ba ay madaling madaya? Sa tingin mo ba ay mapakikitunguhan mo Siya sa anumang paraan mo naisin? Sa nakaraan, nag-aalala ako na kayo ay nakakadena, kung kaya’t patuloy akong nagbigay sa inyo ng kalayaan sa pagkilos, ngunit walang nakatanto na ako ay nagiging mabuti sa kanila. Sinamantala nila ang kabutihan ko. Tanungin ninyo ang isa’t-isa: Hindi ako nakitungo sa halos kahit kanino, at hindi kaagad-agad pinagagalitan ang sinuman— gayong alam ko ang lahat ng motibo at mga pananaw ng tao. Iniisip mo ba na ang Diyos Mismo kung kanino nagpapatotoo ang Diyos ay isang hangal? Kung gayon nga, masasabi kong ikaw ay lubhang bulag. Hindi kita pupunahin, at tingnan natin kung gaano ka lalong maging masama. Tingnan natin kung kaya kang iligtas ng mga panlilinlang mo, o kung maililigtas ka ng iyong mahusay na pagtatangka na mahalin ang Diyos. Sa ngayon, hindi Kita hahatulan; hintayin nating dumating ang panahon ng Diyos upang makita ang Kanyang paghihiganti sa iyo. Wala akong oras para sa walang kabuluhang pakikipag-usap sa iyo sa ngayon, at ayaw kong pagtagalin ang Aking lalong dakilang gawain para sa iyong kapakanan, ang isang uod na tulad mo ay hindi karapat-dapat paglaanan ng Diyos ng panahon Niya sa pakikitungo sa iyo—kaya tingnan natin kung paano ka magpalayaw sa iyong sarili. Ang gayong mga tao ay hindi nagsisikap na magkaroon ng kahit kaunting kaalaman sa Diyos, at wala silang anumang pag-ibig sa Diyos, ngunit nagnanais pa rin silang tawaging matuwid ng Diyos— hindi ba ito isang biro? Sapagkat kaunti na lang ang bilang ng mga tao na tapat, ang iniintindi Ko ay walang iba kundi ang pagbibigay buhay sa tao. Tatapusin Ko lamang ang nararapat matapos ngayon, at pagkatapos, ang kaparusahan ay ipapataw sa bawat isa alinsunod sa kanyang pag-uugali. Nasabi Ko na ang nararapat Kong sabihin, sapagkat ito ang gawain na Aking isinasagawa. Ginawa Ko ang nararapat kong gawin, at hindi Ko ginagawa ang hindi ko dapat gawin, ngunit umaasa pa rin akong maglalaan kayo nang higit pang oras sa pagbubulay-bulay: Gaano karami sa mga kaalaman mo sa Diyos ang talagang totoo? Isa ka ba sa mga muling nagpapako sa Diyos sa krus? Sa wakas, sinasabi ko ito: Sa aba nilang mga nagpako sa Diyos sa krus.