Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Mga Nilalaman

Ang Ikadalawampu’t-anim na Pagbigkas

Sino ang nanirahan sa Aking bahay? Sino ang nanindigan para sa Aking kapakanan? Sino ang nagdusa sa Aking ngalan? Sino ang nangako ng kanyang salita sa Aking harapan? Sino ang sumunod sa Akin hanggang sa kasalukuyan at gayon ay hindi nawalan ng malasakit? Bakit lahat ng mga tao ay malamig at walang pakiramdam? Bakit Ako ay iniwan ng sangkatauhan? Bakit napagod sa Akin ang sangkatauhan? Bakit walang kasiyahan sa mundo ng tao? Habang nasa Zion, nalasap ko ang kasiyahang nasa langit, at habang nasa Zion Ako ay nagtamasa ng pagpapalang nasa langit. Muli, Ako’y namuhay sa gitna ng sangkatauhan, nalasap Ko ang kapaitan sa mundo ng tao, nakita Ko sa Aking sariling mga mata ang lahat ng mga iba’t ibang mga kalagayan na umiiral sa gitna ng mga tao. Walang kamalay-malay, ang tao ay nagbago kasabay ng Aking pagbabago, at sa ganitong paraan lamang siya ay dumating sa kasalukuyang panahon. Ako ay hindi humihiling na gawin ng tao ang anumang bagay para sa Akin, at hindi Ko rin kinakailangan ang kanyang pagpaparami sa Aking pangalan. Nais ko lamang sa kanya ay maayon sa Aking plano, na hindi sumusuway sa Akin o nagdudulot ng marka ng kahihiyan sa Akin, at upang madala ng umaalingawngaw na pagpapatotoo sa Akin. Sa mga tao, mayroong mga taong nagdala sa Akin ng mahusay na patotoo at niluwalhati Ang Aking pangalan, ngunit paano ang mga gawain ng tao, ang pag-uugali ng tao ay posibleng makapag pasaya sa Aking puso? Paano niya posibleng matugunan ang Aking pagnanais o matupad ang Aking kalooban? Sa mga bundok at tubig sa ibabaw ng lupa, at ang mga bulaklak, damo, at mga puno sa lupa, walang sinuman ang nagpapakita ng mga gawa ng Aking mga kamay, wala ni isang umiiral para sa Aking pangalan. Ngunit bakit hindi maabot ng tao ang mga pamantayan ng Aking hinihiling? Maaari bang dahil ito sa kanyang kasuklam-suklam na kababaan? Maaari bang dahil ito sa Aking pagpapa-angat sa kanya? Maaari bang masyado Akong malupit sa kanya? Bakit ang tao ay laging sobrang natatakot sa Aking mga hinihiling? Ngayon, bukod sa napakaraming tao sa kaharian, bakit ba kayo ay nakikinig lamang sa Aking tinig ngunit hindi nais na makita ang Aking mukha? Bakit tumitingin lamang kayo sa Aking mga salita na hindi sinusubukang itugma ang mga ito sa Aking Espiritu? Bakit patuloy niyo Akong pinaglalayo sa ibabaw ng langit at sa ibaba ng lupa? Maaari bang Ako, kapag Ako ay nasa lupa, ay hindi ang parehong Ako kapag ako ay nasa langit? Maaari bang Ako, kapag Ako ay nasa langit, ay hindi makababa sa lupa? Maaari bang Ako, kapag Ako ay nasa lupa, ay hindi karapat-dapat na dalhin sa langit? Tila bang Ako, kapag Ako ay nasa lupa, ay isang mababang-loob na nilalang, na parang Ako, kapag ako ay nasa langit, ay dinakilang nilalang, at para bang mayroong namamalagi sa pagitan ng langit at lupa na isang hindi matawirang bangin. Ngunit sa mundo ng mga tao tila sila ay walang nalalaman sa mga pinagmulan ng mga bagay na ito, ngunit ang lahat ay nagsama-sama upang sumalungat sa Akin, na tila ang Aking mga salita ay may tunog lamang at walang kahulugan. Ang lahat ng tao ay gumugol ng pagsisikap sa Aking mga salita, nagsasagawa ng pagsisiyasat sa kanilang sarili sa Aking panlabas na anyo, ngunit lahat sila ay humantong sa pagkabigo, nang walang anumang mga resulta na maipakita, ngunit sa halip ay pinabagsak ng Aking mga salita at hindi na maglakas-loob na muling tumayo.

Kapag sinubok Ko ang pananampalataya ng sangkatauhan, walang kahit isang tao ang may kakayahang maging totoong saksi, walang kahit sinuman ang may kakayahang mag-alay ng lahat ng sa kanya; sa halip, ang tao ay laging nagtatago at tumatangging buksan ang kanyang sarili, na tila bang aagawin Ko ang kanyang puso. Kahit si Job ay hindi tunay na nanindigan sa ilalim ng pagsubok, o kaya siya ay naglabas ng matatamis sa gitna ng paghihirap. Ang lahat ng kayang gawin ng sangkatauahn ay ang maglabas ng malabong pahiwatig ng kaluntian sa init ng tagsibol; siya ay hindi kailanman nanatili sa ilalim ng malamig na pasabog ng taglamig. Buto’t payat sa estado, ang tao ay hindi makakatupad sa Aking layunin. Sa lahat ng sangkatauhan, walang sinuman ang magagawang maglingkod bilang modelo para sa iba, dahil ang mga tao ay magkakapareho at hindi naiiba sa bawat isa, na may kaunting pagkilala sa isa’t isa. Dahil sa kadahilanang ito, kahit na ngayon ang mga tao ay hindi pa rin ganap na kilala ang Aking mga gawa. Tanging kapag ang Aking kaparusahan ay bumaba sa buong sangkatauhan ang mga tao ay, hindi alintana sa kanilang mga sarili, magkaroon ng kamalayan sa Aking mga gawa, at kung wala ang Aking paggawa ng anumang bagay o nag-uudyok sa sinuman, ang mga tao ay lalapit upang kilalanin Ako, at sa gayong paraan makikita ang Aking mga gawa. Ito ang Aking plano, ito ay ang aspeto ng Aking mga gawa na nakikita, at ito ang dapat malaman ng mga tao. Sa kaharian, ang hindi mabilang na mga bagay-bagay ng paglikha ay nagsimula upang pasiglahin at mabawi ang kanilang buhay. Dahil sa mga pagbabago sa lagay ng lupa, ang mga hangganan sa pagitan ng isang lupa at ng isa pa ay nagsimulang lumipat. Noong una, Aking hinulaan: Kapag ang lupa ay nahati mula sa lupa, at ang lupa ay maging-isa sa lupa, ito ang panahong wawasakin Ko ang mga nasyon nang pira-piraso. Sa oras na ito, babaguhin Ko ang lahat ng paglikha at paghihiwalayin ang buong sansinukob, sa gayong paraan ilalagay sa kaayusan ang sansinukob, babaguhin ang kanyang lumang estado patungo sa bago. Ito ang Aking plano. Ito ang Aking mga gawa. Kapag ang mga bansa at ang mga tao ng daigdig ay bumalik lahat sa harap ng Aking trono, agad Kong kukunin ang lahat ng kasaganaan ng langit at ibigay ito sa mundo ng tao, kaya’t, salamat sa Akin, ito ay mapupuno nang walang kapantay na kasaganaan. Ngunit habang ang lumang mundo ay patuloy na umiiral, itataboy Ko ito pabalik sa Aking galit sa mga bansa nito, lantarang ipapahayag ang Aking utos ng pamamahala sa buong sansinukob, at bibisitahin ng kaparusahan ang sinumang lumabag sa mga ito:

Sa oras na Ako ay tumingin sa sansinukob upang magsalita, ang buong sangkatauhan ay maririnig ang Aking tinig, at sa gayon ay makikita ang lahat na mga gawa na Aking isinaboy sa buong sansinukob. Silang mga sumasalungat sa Aking kalooban, iyon ay upang sabihin, sa mga tututol sa Akin sa mga gawa ng tao, ay babagsak sa ilalim ng Aking kaparusahan. Kukunin Ko ang napakaraming bituin sa mga kalangitan at gagawin silang bago, at salamat sa Akin ang araw at ang buwan ay magiging bago—ang kalangitan ay hindi na gaya ng dati; ang hindi mabilang na mga bagay sa mundo ay magiging bago. Lahat ay magiging ganap sa pamamagitan ng Aking mga salita. Ang madaming mga bansa sa loob ng sansinukob ay muling hahatiin at papalitan ng Aking bansa, upang ang mga bansa sa ibabaw ng lupa ay mawawala magpakailanman at maging isang bansa na sumasamba sa Akin; lahat ng bansa sa lupa ay mawawasak, at titigil sa pag-iral. Sa mga tao sa loob ng sansinukob, ang lahat ng mga kasama sa diyablo ay pupuksain; lahat ng sumasamba kay Satanas ay ilalapag sa Aking lumiliyab na apoy—iyon ay, maliban sa mga nasa loob ng agos, ang lahat ay magiging abo. Kapag kinastigo Ko ang maraming tao, ang mga nasa relihiyosong mundo ay, sa magkakaibang antas, babalik sa Aking kaharian, nilupig ng Aking mga gawa, dahil makikita nila ang pagdating ng “ang Isang Banal na nakasakay sa puting ulap.” Ang lahat ng sangkatauhan ay susunod sa kanilang sariling uri, at makatatanggap ng parusa na naiiba sa kung ano ang kanilang ginawa. Yaong mga nanindigan laban sa Akin ay malilipol; para naman sa yaong hindi Ako isinama sa kanilang gawain sa lupa, sila’y, dahil sa kung paano nila pinalaya ang kanilang mga sarili, patuloy na iiral sa lupa sa ilalim ng pamamahala ng Aking mga anak at ng Aking bayan. Ipapahayag Ko ang Aking sarili sa hindi mabilang na mga tao at sa hindi mabilang na mga bansa, tumutunog mula sa Aking sariling tinig sa ibabaw ng lupa upang ipahayag ang pagkumpleto ng Aking dakilang gawain para sa buong sangkatauhan upang makita ng kanilang sariling mga mata.

At sa paglalim ng Aking tinig, pinagmamasdan Ko rin ang estado ng sansinukob. Sa pamamagitan ng Aking mga salita, ang mga hindi mabilang na mga bagay ng paglikha ay ginawang bago lahat. Ang langit ay nagbabago, at ang mundo ay nagbabago rin. Ang sangkatauhan ay nailantad sa kanilang tunay na anyo at, dahan-dahan, ang bawa’t isa’y ayon sa kanilang mga uri, ang mga tao ay hinahanap ang kanilang mga landas na hindi sinasadya pagbalik sa sinapupunan ng kanilang mga pamilya. Sa ganito, Ako ay lubos na malulugod. Ako ay malaya sa pagkagambala, at ang Aking dakilang gawain ay magiging ganap, ang lahat ay walang alam, ang hindi mabilang na mga bagay ng paglikha ay babaguhin, ang lahat ay walang kamalayan. Nang ginawa Ko ang mundo, Aking pinaganda ang lahat ng bagay ayon sa kanilang uri, ginawa ang lahat nang may nakikitang anyo na nagtitipon ayon sa uri nito. Dahil sa malapit nang dumating ang pagtatapos ng Aking plano sa pamamahala, Aking ibabalik sa dating estado ng paglikha, Aking ibabalik ang lahat ng bagay sa orihinal, malalim na babaguhin ang lahat ng bagay, nang sa gayon ang lahat ng bagay ay bumalik sa pinagmulan ng Aking plano. Ang oras ay dumating na! Ang huling yugto ng Aking plano ay malapit nang matupad. Ah, maruming lumang mundo! Ikaw ay dapat nang bumagsak sa ilalim ng Aking mga salita! Ikaw ay dapat hindi na umiral ayon sa Aking plano! Ah, ang napakaraming mga bagay ng paglikha! Kayong lahat ay makakakuha ng bagong buhay sa loob ng Aking mga salita, kayo ngayon ay may Pinakamakapangyarihang Panginoon! Ah, dalisay at walang dungis na bagong mundo! Ikaw ay siguradong muling mabubuhay sa loob ng Aking kaluwalhatian! Ah, Bundok Zion! Huwag na muling manahimik. Ako’y nagbalik nang matagumpay! Mula sa gitna ng paglikha, sinisayat Kong mabuti ang buong mundo. Sa lupa, ang sangkatauhan ay nagsimula ng isang bagong buhay, nagkamit ng bagong pag-asa. Ah, ang Aking bayan! Paanong hindi kayo babalik sa buhay sa loob ng Aking liwanag? Paanong hindi kayo tatalon sa kagalakan sa ilalim ng Aking patnubay? Ang lupain ay humihiyaw sa kagalakan, ang tubig ay tahimik na may masayahing pagtawa! Ah, ang muling nabuhay na Israel! Paanong hindi ka makakaramdam ng karangalan sa halaga ng Aking paunang patutunguhan? Sino ang umiyak? Sino ang humagulgol? Ang Israel noong panahon ay huminto na, at ang Israel sa araw na ito ay bumangon, tumayo at tumitindig nang matayog, sa mundo, ay bumangon sa mga puso ng lahat ng sangkatauhan. Ngayon ang Israel ay tiyak na makukuha ang pinagmulan ng pag-iral sa pamamagitan ng Aking mga tao! Ah, nakamumuhing Ehipto! Tiyak hindi mo pa rin kayang manindigan laban sa Akin? Paano mo nagawang samantalahin ang Aking awa at sumubok na makatakas sa Aking kaparusahan? Paanong hindi ka iiral sa loob Aking kaparusahan? Ang lahat ng Aking iniibig ay tiyak na mabubuhay nang walang hanggan, at ang lahat ng mga taong lumaban sa Akin ay tiyak na paparusahan Ko nang walang hanggan. Sapagka’t ako’y ang naninibughong Diyos, hindi Ko basta patatawarin ang mga tao sa lahat ng kanilang ginawa. Babantayan ko ang buong lupa, at, magpapakita sa Silangan ng mundo nang may kabanalan, kamahalan, poot at kaparusahan, ihahayag ko ang Aking sarili sa napakaraming hukbo ng sangkatauhan!

Marso 29, 1992