Kabanata 29

Sa araw na muling nabuhay ang lahat ng mga bagay, dumating Ako sa gitna ng tao, at gumugol Ako ng kamangha-manghang mga araw at gabi kasama siya. Sa puntong ito lamang nadarama nang kaunti ng tao na madali Akong lapitan, at habang dumadalas ang pakikipag-ugnayan niya sa Akin, nakikita niya ang kaunti ng kung ano ang mayroon Ako at kung ano Ako—dahil dito, nagtatamo siya ng kaunting kaalaman tungkol sa Akin. Sa lahat ng tao, nagtataas Ako ng Aking ulo at nagmamasid, at nakikita nila Akong lahat. Subalit kapag sumasapit ang sakuna sa mundo, agad silang nagiging balisa, at naglalaho sa mga puso nila ang Aking larawan; takot na takot sa pagdating ng sakuna, hindi nila pinapansin ang Aking mga paghihimok. Maraming taon Kong nakapiling ang tao, subalit nanatili siya palaging walang kamalayan, at hindi niya Ako nakilala kailanman. Ngayon sinasabi Ko ito sa kanya gamit ang sarili Kong bibig, at pinahaharap Ko ang lahat ng tao sa Akin para tumanggap ng isang bagay mula sa Akin, ngunit pinananatili pa rin nila ang agwat nila mula sa Akin, kaya nga hindi nila Ako nakikilala. Kapag tumutuntong ang Aking mga yapak sa buong sansinukob at sa mga dulo ng daigdig, magsisimulang magmuni-muni ang tao sa kanyang sarili, at lalapit sa Akin ang lahat ng tao at yuyuko sa Aking harapan at sasambahin Ako. Ito ang magiging araw na nagtatamo Ako ng kaluwalhatian, ang araw ng Aking pagbabalik, at ang araw din ng Aking pag-alis. Ngayon, sinimulan Ko na ang gawain Ko sa gitna ng buong sangkatauhan, pormal na nagsimula sa buong sansinukob sa pangwakas ng plano ng pamamahala Ko. Magmula sa sandaling ito, ang sinumang hindi maingat ay nanganganib na malublob sa gitna ng walang-awang pagkastigo, at maaari itong mangyari sa anumang sandali. Hindi ito sapagkat wala Akong puso; sa halip, isa itong hakbang ng plano ng pamamahala Ko; dapat magpatuloy ang lahat ayon sa mga hakbang ng plano Ko, at walang sinuman ang maaaring magbago nito. Kapag pormal Ko nang sinimulan ang gawain Ko, gagalaw ang lahat ng mga tao gaya ng Aking paggalaw, upang maging abala ang mga tao sa buong sansinukob sa mga sarili nila kasabay Ko, mayroong “lubos na pagsasaya” sa buong sansinukob, at nauudyukan Ko pasulong ang tao. Bilang bunga, nilatigo Ko ang malaking pulang dragon mismo sa isang kalagayan ng silakbo ng galit at pagkalito, at pinagsisilbihan nito ang gawain Ko, at, sa kabila ng pagiging atubili, hindi nito magawang sundin ang sarili nitong mga pagnanasa, datapuwa’t naiwang walang pagpipilian kundi magpasakop sa pamamahala Ko. Sa lahat ng mga plano Ko, ang malaking pulang dragon ay siyang Aking hambingan, kaaway Ko, at tagapagsilbi Ko rin; samakatuwid, hindi Ko kailanman niluwagan ang “mga pangangailangan” Ko rito. Samakatuwid, gagawing ganap ang huling yugto ng gawain ng pagkakatawang-tao Ko sa sambahayan nito. Sa ganitong paraan, mas nagagawang maglingkod nang maayos para sa Akin ng malaking pulang dragon, na sa pamamagitan nito’y lulupigin Ko ito at gagawing ganap ang plano Ko. Habang gumagawa Ako, magsisimula ang lahat ng mga anghel sa isang hindi mapag-aalinlanganang tagumpay sa labanan kasama Ko at maninindigang tuparin ang mga nais Ko sa huling yugto, upang sumuko sa harapan Ko ang mga tao sa lupa kagaya ng mga anghel, at mawalan ng pagnanasang salungatin Ako, at hindi gumawa ng anumang naghihimagsik laban sa Akin. Ito ang mga dinamika ng gawain Ko sa buong sansinukob.

Ang layunin at kabuluhan ng pagdating Ko sa gitna ng tao ay upang iligtas ang buong sangkatauhan, upang dalhin ang buong sangkatauhan pabalik sa sambahayan Ko, upang pagsamahing muli ang langit at ang lupa, at upang maghatid ang tao ng “mga hudyat” sa pagitan ng langit at ng lupa, dahil ito ang likas na tungkulin ng tao. Sa panahong nilikha Ko ang sangkatauhan, naihanda Ko na ang lahat ng mga bagay para sa sangkatauhan, at kinalaunan, pinahintulutan Ko ang sangkatauhang tumanggap, ayon sa mga kinakailangan Ko, ng mga yaman na binigay Ko sa kanya. Kaya naman, sinasabi Ko na ang narating ng buong sangkatauhan ngayon ay dahil sa patnubay Ko. At ang lahat ng ito ay plano Ko. Sa gitna ng buong sangkatauhan, hindi mabilang na dami ng mga tao ang umiiral sa ilalim ng pangangalaga ng pagmamahal Ko, at hindi mabilang na dami ang namumuhay sa ilalim ng pagkastigo ng poot Ko. Bagaman nananalangin sa Akin ang lahat ng mga tao, hindi pa rin nila kayang baguhin ang kasalukuyang mga kalagayan nila; sa sandaling mawalan sila ng pag-asa, maaari lamang nilang hayaan ang magiging takbo ng pangyayari at tumigil sa pagsuway sa Akin, dahil ito lamang ang magagawa ng tao. Pagdating sa kalagayan ng buhay ng tao, hindi pa natatagpuan ng tao ang tunay na buhay, hindi pa niya natatalos ang kawalan ng katarungan, lagim, at mga nakahahapis na kalagayan ng mundo—at kaya naman, kung hindi dahil sa pagsapit ng sakuna, yayakapin pa rin ng karamihan ng mga tao ang Inang Kalikasan, at magiging abala pa rin ang mga sarili nila sa mga sangkap ng “buhay.” Hindi ba ito ang realidad ng mundo? Hindi ba ito ang tinig ng kaligtasan na sinasabi Ko sa tao? Bakit, sa gitna ng sangkatauhan, wala pang tunay na nagmahal sa Akin? Bakit minamahal lamang Ako ng tao kapag nasa kalagitnaan ng pagkastigo at mga pagsubok, subalit walang sinumang nagmamahal sa Akin habang nasa ilalim ng pangangalaga Ko? Iginawad Ko na ang pagkastigo Ko sa sangkatauhan nang maraming beses. Tinitingnan nila ito, ngunit pagkatapos hindi nila ito papansinin, at hindi nila ito pag-aaralan at pagmumuni-munihan sa oras na ito, at sa gayon lahat ng dumarating sa tao ay walang-awang paghatol. Isa lamang ito sa mga kaparaanan Ko ng paggawa, ngunit ito ay para pa rin baguhin ang tao at gawin siyang mahalin Ako.

Naghahari Ako sa kaharian, at, bukod dito, naghahari Ako sa buong sansinukob; Ako’y kapwa Hari ng kaharian at Pinuno ng sansinukob. Mula sa oras na ito, titipunin Ko ang lahat ng mga hindi hinirang at magsisimula ng gawain Ko sa gitna ng mga Gentil, at ibabalita Ko ang mga atas administratibo Ko sa buong sansinukob, upang matagumpay Kong masimulan ang susunod na hakbang ng gawain Ko. Gagamit Ako ng pagkastigo upang ipalaganap ang Aking gawain sa mga Gentil, ibig sabihin, gagamit Ako ng puwersa laban sa lahat ng Gentil. Natural, ang gawaing ito ay isasakatuparan kasabay ng Aking gawain sa mga hinirang. Kapag naghahari at nagka-kapangyarihan sa lupa ang mga hinirang Ko, iyon din ang magiging araw na nalupig na ang lahat ng mga tao sa lupa, at bukod dito, ito ang magiging oras kung kailan mamamahinga Ako—at doon lamang Ako magpapakita sa lahat ng mga nalupig na. Nagpapakita Ako sa banal na kaharian, at itinatago ang sarili Ko mula sa lupain ng karumihan. Ang lahat ng nalupig na at nagiging masunurin sa harapan Ko ay nagagawang makita ang mukha Ko gamit ang kanilang sariling mga mata, at nagagawang marinig ang tinig Ko gamit ang kanilang sariling mga tainga. Ito ang pagpapala ng mga ipinanganak habang nasa mga huling araw, ito ang pagpapalang itinalaga Ko, at hindi ito mababago ng sinumang tao. Ngayon, gumagawa Ako sa ganitong paraan para sa kapakanan ng gawain ng kinabukasan. Magkakaugnay ang lahat ng gawain Ko, sa lahat ng ito, may isang panawagan at pagtugon: Hindi kailanman na biglang tumigil ang anumang hakbang, at hindi kailanman na naisakatuparan ang anumang hakbang nang malaya sa anumang iba pa. Hindi ba ito ganoon? Hindi ba ang gawain ng nakalipas ang saligan ng gawain ng kasalukuyan? Hindi ba ang mga salita ng nakalipas ang pauna sa mga salita ngayon? Hindi ba ang mga hakbang ng nakalipas ang pinagmulan ng mga hakbang ng kasalukuyan? Kapag pormal Ko nang binuksan ang balumbon, iyon ang panahon kung kailan kakastiguhin ang mga tao sa buong sansinukob, kapag isinasailalim ang mga tao sa buong mundo sa mga pagsubok, at ito ang rurok ng gawain Ko; namumuhay ang lahat ng mga tao sa isang lupaing walang liwanag, at namumuhay ang lahat ng mga tao sa gitna ng mga banta ng kapaligiran nila. Sa madaling salita, ito ang buhay na hindi pa kailanman naranasan ng tao mula sa panahon ng paglikha hanggang sa kasalukuyan, at walang sinuman sa buong mga kapanahunan ang kailanma’y “nagtamasa” sa ganitong uri ng buhay, kaya naman sinasabi Kong nagawa Ko na ang gawaing hindi pa kailanman nagawa. Ito ang tunay na kalagayan ng mga pangyayari, at ito ang panloob na kahulugan. Sapagkat papalapit na ang araw Ko sa buong sangkatauhan, sapagkat hindi ito mukhang malayo ngunit nasa mismong harapan ng mga mata ng tao, sino ang hindi matatakot bilang bunga? At sino ang hindi matutuwa dito? Sa wakas, ang maruming lungsod ng Babilonia ay dumating na sa katapusan nito; ang tao ay nakipagtagpo nang muli sa isang bagong mundo, at ang langit at lupa ay binago na at pinanariwa.

Kapag nagpapakita Ako sa lahat ng mga bansa at sa lahat ng mga tao, umiikot ang mga puting ulap sa himpapawid at binabalot Ako. Ganoon din na umaawit at sumasayaw sa galak para sa Akin ang mga ibon sa lupa, na binibigyang diin ang kalagayan ng kapaligiran sa lupa, at sa gayon ay nagiging sanhi na sumigla ang lahat ng mga bagay sa lupa, upang hindi na “dahan-dahang maanod pababa,” kundi sa halip ay mamuhay sa gitna ng kapaligirang puno ng kasiglahan. Kapag nasa gitna Ako ng mga ulap, malamlam na nawawari ng tao ang mukha Ko at ang mga mata Ko, at nakararamdam siya ng bahagyang pagiging matatakutin sa oras na ito. Noong nakalipas, nakarinig na siya ng mga tala ng kasaysayan tungkol sa Akin sa mga alamat, at dahil dito siya’y bahagyang naniniwala lamang at bahagyang nagdududa sa Akin. Hindi niya alam kung nasaan Ako, o kung gaano kalaki ang mukha Ko—kasinglapad ba ito ng dagat, o kasingwalang hangganan ng mga luntiang pastulan? Walang sinuman ang nakaaalam ng mga bagay na ito. Kapag nakikita lamang ngayon ng tao ang mukha Ko sa mga ulap na nakararamdam ang tao na tunay ang Ako ng alamat, at kaya naman nagiging bahagya siyang higit na umaayon sa Akin, at dahil lamang ito sa mga gawa Ko kaya nagiging higit ng bahagya ang paghanga niya sa Akin. Ngunit hindi pa rin Ako kilala ng tao, at nakikita lamang niya sa mga ulap ang isang bahagi Ko. Pagkatapos noon, iuunat Ko ang mga bisig Ko at ipakikita ang mga iyon sa tao. Namamangha ang tao, at itinatakip ang mga kamay niya sa bibig niya, takot na takot na mahampas ng kamay Ko, at kaya naman nagdadagdag siya ng kaunting paggalang sa paghanga niya. Ipinipirmi ng tao ang mga mata niya sa bawat kilos Ko, labis na natatakot na hahampasin Ko siya kapag hindi siya nakatingin—subalit hindi Ako nalilimitahan dahil sa pinapanood Ako ng tao, at patuloy Kong ginagampanan ang gawaing nasa mga kamay Ko. Sa lahat lamang ng mga gawang ginagampanan Ko na nagkakaroon ng kaunting kabaitan ang tao tungo sa Akin, at sa gayon unti-unting dumarating sa harap Ko para makisama sa Akin. Kapag nabubunyag Ako sa tao sa kabuuan Ko, makikita ng tao ang mukha Ko, at mula doon ay hindi Ko na itatago o palalabuin pa ang Sarili Ko mula sa tao. Sa buong sansinukob, magpapakita Ako nang hayag sa lahat ng mga tao, at lahat ng mga nasa laman at dugo ay mapagmamasdan ang lahat ng mga gawa Ko. Lahat ng mga nasa espiritu ay tiyak na mananahan nang payapa sa sambahayan Ko, at siguradong magtatamasa ng kamangha-manghang mga pagpapala kasama Ko. Lahat ng mga kinakalinga Ko ay tiyak na makatatakas sa pagkastigo at tiyak na makaiiwas sa hapdi sa espiritu at sa paghihirap ng laman. Magpapakita Ako nang hayag sa lahat ng mga tao at maghahari at gagamit ng kapangyarihan, upang hindi na lumaganap pa sa sansinukob ang amoy ng mga bangkay; sa halip, lalaganap ang sariwa Kong samyo sa buong mundo, sapagkat papalapit na ang araw Ko, gumigising ang tao, maayos ang lahat-lahat sa lupa, at wala na ang mga araw ng pakikipagbuno para sa kaligtasan sa lupa, dahil nakarating na Ako!

Abril 6, 1992

Sinundan: Kabanata 28

Sumunod: Kabanata 30

Madalas nang mangyari ngayon ang mga sakuna. Paano natin masasalubong ang Panginoon at paano tayo maililigtas ng Diyos bago ang malalaking sakuna? Magkasama tayong magsiyasat upang mahanap ang landas.

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito