Kabanata 21

Nahuhulog ang tao sa gitna ng Aking liwanag, at mabilis na nakakabangon dahil sa Aking pagliligtas. Kapag dinadala Ko ang kaligtasan sa buong sansinukob, sinusubukan ng tao na humanap ng mga paraan upang makapasok sa daloy ng Aking pagpapanumbalik, subalit maraming natatangay nang walang bakas sa malakas na agos na ito ng panunumbalik; maraming nalulunod at nilalamon ng malalakas na agos ng mga tubig; at marami ring nananatili sa gitna ng malakas na agos, na hindi kailanman naligaw ng direksyon, at sa gayon ay sumusunod sa malakas na agos hanggang ngayon. Humahakbang Ako kasabay ng tao, subalit hindi pa rin Ako nakilala ng tao kailanman; alam lamang niya ang suot Kong panlabas na pananamit, ngunit wala siyang kaalam-alam tungkol sa yaman na nakatago sa loob Ko. Bagama’t tinutustusan Ko ang tao at binibigyan Siya bawat araw, wala siyang kakayahang tunay na tumanggap, hindi niya matanggap ang lahat ng yamang bigay Ko. Walang katiwalian ng tao ang nakakatakas sa Aking pansin; para sa Akin, ang mundo sa kanyang kalooban ay kasingliwanag ng buwan sa tubig. Hindi Ko tinatrato ang tao nang basta-basta, ni hindi Ako gumagawa sa kanya nang hindi nag-iisip; talagang wala lamang kakayahan ang tao na panagutan ang kanyang sarili, at sa gayon ay palaging ubod ng sama ang buong sangkatauhan, at kahit ngayon ay nananatili siyang walang kakayahang lumaya mula sa gayong kasamaan. Kaawa-awa at kalunus-lunos na sangkatauhan! Bakit nga ba mahal Ako ng tao, ngunit hindi niya kayang sundin ang mga layunin ng Aking Espiritu? Talaga bang hindi Ko naihayag ang Aking Sarili sa sangkatauhan? Talaga bang hindi pa nakita ng sangkatauhan ang Aking mukha kailanman? Maaari kayang napakaliit ng awang naipakita Ko sa sangkatauhan? O ang mga rebelde ng buong sangkatauhan! Kailangan silang madurog sa ilalim ng Aking mga paa; kailangan silang maglaho sa gitna ng Aking pagkastigo, at, sa araw na makumpleto ang Aking dakilang gawain, kailangan silang itaboy mula sa sangkatauhan, upang makilala ng buong sangkatauhan ang pangit nilang mukha. Ang katotohanan na bihirang makita ng tao ang Aking mukha o marinig ang Aking tinig ay dahil napakagulo ng buong mundo, at napakaingay nito, at sa gayon ay tamad na tamad ang tao na hanapin ang Aking mukha at subukang unawain ang Aking puso. Hindi ba ito ang dahilan ng katiwalian ng tao? Hindi ba ito ang dahilan kaya nangangailangan ang tao? Noon pa man ay tinutustusan Ko na ang buong sangkatauhan; kung hindi, kung hindi Ako naging maawain, sino ang mananatiling buhay hanggang ngayon? Ang yamang nasa Akin ay walang kapantay, subalit lahat ng kalamidad ay hawak rin ng Aking mga kamay—at sino ang nakakatakas mula sa kalamidad kung kailan nila gusto? Ang mga panalangin ba ng tao, o ang pagtangis sa kanyang puso ang nagtutulot sa kanya na gawin iyon? Hindi kailanman tunay na nanalangin sa Akin ang tao, kaya nga sa buong sangkatauhan, walang sinuman sa kanilang buong buhay ang nabuhay sa gitna ng totoong liwanag; nabubuhay lamang ang mga tao sa liwanag na angkop na umaandap-andap maya’t maya. Ito yaong humantong sa kakulangan ng sangkatauhan ngayon.

Lahat ay inip na naghihintay, handang ibuhos ang lahat para sa Akin upang may mapala sila mula sa Akin, kaya nga, sa pag-ayon sa sikolohiya ng tao, binibigyan Ko siya ng mga pangako upang mahikayat siya na tunay Akong mahalin. Totoo bang ang tunay na pagmamahal ng tao ang nagbibigay sa kanya ng lakas? Ang katapatan ba sa Akin ng tao ang nakaantig sa Aking Espiritu sa langit? Hindi kailanman naapektuhan ng mga kilos ng tao ang langit kahit kaunti, at kung ibinatay ang Aking pagtrato sa tao sa bawat kilos niya, mabubuhay ang buong sangkatauhan sa gitna ng Aking pagkastigo. Nakita Ko na ang maraming tao na dumadaloy ang mga luha sa kanilang mga pisngi, at nakita Ko na ang maraming tao na nag-aalay ng kanilang puso kapalit ng Aking yaman. Sa kabila ng gayong “pagiging maka-Diyos,” hindi Ko kailanman malayang naibigay ang lahat-lahat Ko sa tao nang dahil sa kanyang mga biglang simbuyo, sapagkat hindi kailanman naging handa ang tao na masayang ilaan ang kanyang sarili sa Aking harapan. Tinanggal Ko ang mga maskara ng lahat ng tao at itinapon Ko ang mga maskarang ito sa lawa ng apoy, at dahil dito, hindi kailanman nanatiling matibay ang pakunwaring katapatan at mga pagsamo ng tao sa Aking harapan. Ang tao ay parang ulap sa kalangitan: Kapag umugong ang hangin, kinatatakutan niya ang lakas ng puwersa nito kaya mabilis itong lumulutang sa pagsunod dito, sa malaking takot na baka pabagsakin siya dahil sa kanyang pagsuway. Hindi ba ito ang pangit na mukha ng tao? Hindi ba ito ang tinatawag na pagkamasunurin ng tao? Hindi ba ito ang “tunay na pakiramdam” at huwad na mabuting kalooban ng tao? Maraming taong ayaw makumbinsi sa lahat ng pagbigkas na nagmumula sa Aking bibig, at maraming ayaw tumanggap sa Aking pagsusuri, at dahil dito ay inihahayag ng kanilang mga salita at kilos ang mapaghimagsik nilang mga layon. Salungat ba sa dating likas na pagkatao ng tao ang tinutukoy Ko? Hindi Ko pa ba nabigyan ang tao ng akmang paglalarawan ayon sa “mga batas ng kalikasan”? Hindi totoong sumusunod sa Akin ang tao; kung totoong hinanap niya Ako, hindi Ko na sana kinailangang magsalita ng napakarami. Ang tao ay walang-halagang basura, at kailangan Kong gamitin ang Aking pagkastigo upang pilitin siyang umusad; kung hindi Ko ginawa iyon, paano maaantig—kahit sapat ang mga pangakong ibinibigay Ko sa kanya para sa kanyang kasiyahan—ang kanyang puso? Noon pa man ay nabubuhay na ang tao sa gitna ng masakit na pagpupunyagi sa loob ng maraming taon; masasabi na noon pa man ay nabubuhay na siya sa kawalan ng pag-asa. Dahil dito, naiwan siyang nanghihina ang loob, at pagod ang katawan at isipan, kaya nga hindi niya masayang tinatanggap ang yaman na ibinibigay Ko sa kanya. Kahit ngayon, walang sinumang nagagawang tanggapin ang buong tamis ng espiritung nagmumula sa Akin. Mananatili na lamang mahirap ang mga tao, at maghihintay ng huling araw.

Maraming taong nais Akong mahalin nang tapat, ngunit dahil hindi nila pag-aari ang kanilang puso, wala silang kontrol sa kanilang sarili; maraming taong totoong nagmamahal sa Akin habang nararanasan nila ang mga pagsubok na bigay Ko, subalit wala silang kakayahang unawain na talagang umiiral Ako, at minamahal lamang Ako sa kahungkagan, at hindi dahil sa Aking aktwal na pag-iral; maraming taong nag-aalay ng kanilang puso sa Aking harapan at pagkatapos ay hindi nila pinapansin ang kanilang puso, at sa gayon ay inaagaw ni Satanas ang kanilang puso tuwing may pagkakataon ito, at pagkatapos ay tinatalikuran nila Ako; maraming tao ang tunay na nagmamahal sa Akin kapag ibinibigay Ko ang Aking mga salita, subalit hindi itinatangi ang Aking mga salita sa kanilang espiritu, sa halip ay kaswal nilang ginagamit ang mga ito na parang pag-aari ng publiko at inihahagis ang mga ito pabalik sa pinanggalingan ng mga ito kung kailan nila gusto. Hinahanap Ako ng tao sa gitna ng pasakit, at bumabaling siya sa Akin sa mga oras ng pagsubok. Sa mga panahon ng kapayapaan ay nasisiyahan siya sa Akin, kapag nasa panganib ay ikinakaila niya Ako, kapag abala ay kinalilimutan niya Ako, at kapag hindi siya abala ay gumagawa siya nang hindi nag-iisip para sa Akin—subalit walang sinuman kailanman na nagmahal sa Akin habambuhay nila. Nais Ko sanang maging taimtim ang tao sa Aking harapan: Hindi Ko hinihiling na bigyan niya Ako ng anuman, kundi na seryosohin lamang Ako ng lahat ng tao, na, sa halip na bolahin Ako, tinutulutan nila Akong ibalik ang katapatan ng tao. Laganap sa lahat ng tao ang Aking kaliwanagan, pagpapalinaw, at halaga ng Aking mga pagsisikap, subalit laganap din sa lahat ng tao ang tunay na katotohanan ng bawat kilos ng tao, tulad ng kanilang panlilinlang sa Akin. Para bang ang mga sangkap ng panlilinlang ng tao ay nasa kanya na mula pa sa sinapupunan, na parang taglay na niya ang mga natatanging kasanayan sa pandaraya mula nang isilang. Bukod pa riyan, hindi niya kailanman ibinunyag ang plano; walang sinumang nakaaninag sa ugat ng mga kasanayang ito sa pandaraya. Dahil dito, nabubuhay ang tao sa gitna ng panlilinlang nang hindi ito namamalayan, at parang pinatatawad niya ang kanyang sarili, parang ito ang mga plano ng Diyos sa halip na kanyang sadyang panlilinlang sa Akin. Hindi ba ito mismo ang pinagmulan ng panlilinlang ng tao sa Akin? Hindi ba ito ang kanyang tusong pakana? Hindi Ako nalito kailanman ng mga pambobola at panlilinlang ng tao, sapagkat matagal Ko nang napagtanto ang kanyang diwa. Sino ang nakakaalam kung gaano karumi ang nasa kanyang dugo, at kung gaano karami ang kamandag ni Satanas na nasa utak ng kanyang buto? Lalo iyong nakakasanayan ng tao sa bawat araw na lumilipas, kaya hindi na niya nadarama ang pinsalang dulot ni Satanas, at sa gayon ay wala siyang interes na alamin ang “sining ng malusog na pamumuhay.”

Kapag malayo ang tao sa Akin, at kapag sinusubok niya Ako, itinatago Ko ang Aking sarili mula sa kanya sa mga ulap. Dahil dito, wala siyang makitang anumang bakas Ko, at nabubuhay lamang sa kamay ng masasama, na ginagawa ang lahat ng kanilang hinihiling. Kapag malapit ang tao sa Akin, nagpapakita Ako sa kanya at hindi Ko itinatago ang Aking mukha sa kanya, at sa panahong ito, nakikita ng tao ang Aking mabait na mukha. Bigla siyang natatauhan, at kahit hindi niya namamalayan, nagkakaroon siya ng pagmamahal sa Akin. Sa kanyang puso, bigla niyang nadarama ang walang-kapantay na tamis, at nahihiwagaan siya kung paanong hindi niya nalaman ang Aking pag-iral sa sansinukob. Sa gayon ay nagkaroon ng mas malalim na pakiramdam ang tao sa Aking pagiging kaibig-ibig, at, bukod pa riyan, sa Aking kahalagahan. Dahil dito, ayaw na niya Akong muling iiwan, itinuturing niya Akong liwanag ng kanyang kaligtasan sa buhay, at, sa malaking takot na iiwan Ko siya, niyayakap niya Ako nang mahigpit. Hindi Ako naaantig sa kasigasigan ng tao, ngunit maawain Ako sa kanya dahil sa kanyang pagmamahal. Sa panahong ito, agad na nabubuhay ang tao sa gitna ng Aking mga pagsubok. Naglalaho ang Aking mukha mula sa kanyang puso, at agad niyang nadarama na hungkag ang kanyang buhay, at bumabaling ang kanyang mga saloobin sa pagtakas. Sa sandaling ito, nalalantad ang puso ng tao. Hindi niya Ako niyayakap dahil sa Aking disposisyon, kundi hinihiling niya na protektahan Ko siya dahil sa Aking pagmamahal. Subalit kapag ginantihan Ko ng pagmamahal ang tao, nagbabago kaagad ang kanyang isip; sinisira niya ang kanyang tipan sa Akin at humihiwalay sa Aking paghatol, ayaw na niyang tingnang muli ang maawain Kong mukha kailanman, kaya nga binabago niya ang kanyang pananaw tungkol sa Akin, at sinasabi na hindi Ko nailigtas ang tao kailanman. Awa lamang ba talaga ang kabilang sa tunay na pagmamahal? Minamahal lamang ba Ako ng tao kung nabubuhay siya sa ilalim ng Aking nagniningning na liwanag? Lumilingon siya sa nakaraan ngunit nabubuhay siya sa kasalukuyan—hindi ba ganito ang kalagayan ng tao? Talaga bang ganito pa rin kayo kinabukasan? Nais Kong magkaroon ng puso ang tao na nasasabik sa Akin sa kaibuturan nito mismo, hindi isang puso na nagpapalugod sa Akin nang paimbabaw.

Marso 21, 1992

Sinundan: Kabanata 20

Sumunod: Kabanata 22

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito