Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Mga Nilalaman

Ang Katotohanan Ukol sa Gawain sa Kapanahunan ng Pagtubos

Ang kabuuan ng Aking plano sa pamamahala, na sumasaklaw ng anim na libong taon, ay binubuo ng tatlong yugto, o tatlong kapanahunan: una, ang Kapanahunan ng Kautusan; ikalawa, ang Kapanahunan ng Biyaya (na tinatawag ding Kapanahunan ng Pagtubos); at panghuli, ang Kapanahunan ng Kaharian. Ang aking gawain sa tatlong panahong ito ay nagkakaiba ayon sa kalikasan ng bawat panahon, ngunit ang bawat yugto ay tumutugma sa pangangailangan ng tao—o sa halip, ito ay nag-iiba batay sa mga panlilinlang na isinasagawa ni Satanas sa Aking pakikipagdigma laban dito. Ang layunin ng Aking gawain ay upang talunin si Satanas, upang ipakita ang Aking karunungan at walang-hanggang kapangyarihan, upang ilantad ang lahat ng mga panlilinlang ni Satanas at sa gayon ay iligtas ang kabuuan ng sangkatauhan, na nasa ilalim ng kanyang sakop. Ito ay upang ipakita ang Aking karunungan at walang-hanggang kapangyarihan habang pagbunyag ang pagkakilabot ni Satanas. Bukod diyan, ito ay upang turuan ang Aking mga nilalang na makita ang kaibahan ng mabuti at masama, upang makilala na Ako ang Tagapamahala ng lahat ng bagay, upang makita na si Satanas ang kaaway ng sangkatauhan, ang pinakamababa sa mga mababa, ang masama, at upang gumawa ng pagkakaiba ng mabuti at masama, katotohanan at kasinungalingan, kabanalan at karumihan, kadakilaan at kababaan ng moral, na kasing liwanag ng araw. Sa ganitong paraan, ang mangmang na sangkatauhan ay maaaring maging saksi sa Akin na hindi Ako ang tumitiwali ng sangkatauhan, at tanging Ako lang—ang Maylalang—ang makapagliligtas sa sangkatauhan, ang makapagbibigay sa kanila ng mga bagay na ikasisiya nila; at kanilang malalaman na Ako ang Tagapamahala ng lahat ng bagay, at si Satanas ay isa lamang sa Aking mga nilikha, na nang lumaon ay kumalaban sa Akin. Ang Aking anim-na-libong-taong plano sa pamamahala ay nahahati sa tatlong yugto upang makamit ang mga sumusunod na resulta: upang mapahintulutan ang Aking mga nilalang na Aking maging saksi, upang malaman ang Aking kalooban, upang makita na Ako ang katotohanan. Kaya, sa panahon ng paunang gawain ng Aking anim-na-libong-taong plano sa pamamahala, ginawa Ko ang gawain ng kautusan, na siyang gawain ni Jehovah sa pangunguna sa mga tao. Ang ikalawang yugto ay upang pasimulan ang gawain ng Kapanahunan ng Biyaya sa mga nayon ng Judea. Si Jesus ang kumakatawan sa lahat ng mga gawain sa Kapanahunan ng Biyaya; Siya ay nagkatawang tao at ipinako sa krus, at inumpisahan ang Kapanahunan ng Biyaya. Siya ay ipinako sa krus upang tapusin ang gawaing mapantubos, upang wakasan ang Kapanahunan ng Kautusan at pasimulan ang Kapanahunan ng Biyaya, at kung kaya Siya ay tinawag na “Kataas-taasang Mamumuno”, ang “Alay para sa Kasalanan”, ang “Manunubos”. Kaya ang gawain ni Jesus ay naiiba sa nilalaman sa gawain ni Jehovah, kahit magkapareho sila ng prinsipyo. Inumpisahan ni Jehovah ang Kapanahunan ng Kautusan, itinatag ang himpilan, ang lupang tinubuan, ng Kanyang gawain sa lupa, at nagbigay ng mga kautusan; ang dalawang ito ay ang Kanyang mga tagumpay, na kumakatawan sa Kapanahunan ng Kautusan. Ang gawain ni Jesus ay hindi upang magbigay ng utos, kundi upang isakatuparan ang mga utos, sa gayon ay ibalita ang Kapanahunan ng Biyaya at tapusin ang Kapanahunan ng Kautusan na tumagal ng dalawang libong taon. Siya ang tagatuklas, ang nagpasimula ng Kapanahunan ng Biyaya, ngunit ang pagtubos ang nanatiling buod ng Kanyang gawain. Kung kaya ang Kanyang mga tagumpay ay may dalawang bahagi: ang pagbubukas ng bagong panahon, at pagkumpleto sa gawaing mapantubos sa pamamagitan ng pagpapapako Niya sa krus. At Siya ay umalis. Sa puntong iyon, dumating sa katapusan ang Kapanahunan ng Kautusan at pumasok ang sangkatauhan sa Kapanahunan ng Biyaya.

Ang gawain ni Jesus ay natapos alinsunod sa mga pangangailangan ng tao sa panahong iyon. Ang Kanyang tungkulin ay tubusin ang sangkatauhan, patawarin ang kanilang mga pagkakasala, at ang Kanyang mga disposisyon ay kapakumbabaan, pagtitiis, pag-ibig, kabanalan, mahabang-pagtitiis, habag, at kagandahang-loob. Pinagpala Niya ang sangkatauhan at binigyan sila ng masaganang mga biyaya, at mga bagay para sa kanilang kasiyahan: kapayapaan at kaligayahan, ang pagpapaubaya at pag-ibig ni Jesus, Kanyang kaawaan at kagandahang-loob. Nang mga panahong iyon, lahat ng nakatagpo ng tao ay kasaganaan ng bagay na nagpapasaya: Ang kanyang puso ay napayapa at nabigyan ng katiyakan, ang kanyang espiritu ay inaliw, at siya ay inalalayan ni Jesus na Tagapagligtas. Na maaari niyang makuha ang mga bagay na ito na kinahinatnan ng panahon kung saan siya nabuhay. Sa Kapanahunan ng Biyaya ang tao ay itiniwali ni Satanas, kung kaya ang gawaing pagtubos sa sangkatauhan ay nangangailangan ng masaganang biyaya, walang hanggang pagtitiis at pagtitiyaga, at higit pa rito, isang handog na sapat para magbayad-sala sa mga kasalanan ng sangkatauhan. Ang nakita lamang ng mga tao sa Kapanahunan ng Biyaya ay ang Aking handog ukol sa kasalanan para sa sangkatauhan-si Jesus. Ang alam lang nila ay maaaring maging maawain at matiisin ang Diyos, at nakita lang nila ay ang habag at kagandahang-loob ni Jesus. Ito ay dahil nabuhay sila sa Kapanahunan ng Biyaya. Kaya bago sila matubos, sila ay kailangan nilang matamasa ang lubos na biyaya na ipinagkaloob ni Jesus sa kanila; ito lamang ang kapaki-pakinabang sa kanila. Sa ganitong paraan, maaari silang mapatawad sa kanilang mga kasalanan sa pamamagitan ng pagtatamasa nila sa biyaya, at maaari silang magkaroon ng pagkakataon na matubos sa pamamagitan ng pagtatamasa nila sa pagtitiis at pagtitiyaga ni Jesus. Tanging sa pamamagitan lamang ng pagtitiis at pagtitiyaga ni Jesus sila makatatanggap ng kapatawaran at masisiyahan sa masaganang biyaya na ipinagkaloob sa pamamagitan ni Jesus—gaya na lang ng sinabi ni Jesus, “Ako ay pumarito hindi upang tubusin ang matuwid kundi ang mga makasalanan, na pinahihintulutan ang kanilang mga pagkakamali upang mapatawad.” Kung si Jesus ay nagkatawang-tao sa disposisyon ng paghatol, sumpa, at hindi pagpaparaya ng mga kasalanan ng tao, kung gayon ang tao ay hindi kailanman magkakaroon ng pagkakataon na matubos, at mananatili silang makasalanan magpakailanman; kung kaya ang anim-na-libong-taong plano sa pamamahala ay hindi na tatagal pa kaysa Kapanahunan ng Kautusan. Kung nawala ang Kapanahunan ng Kautusan ng anim na libong taon, ang mga kasalanan ng tao ay mas lalo pang dadami at mas lalong lulubha, at ang paglikha sa sangkatauhan ay mauuwi sa wala. Ang mga tao ay maaari lamang maglingkod kay Jehovah sa ilalim ng kautusan, ngunit ang kanilang mga kasalanan ay mas marami kaysa sa mga unang nilikhang tao. Habang mas minamahal ni Jesus ang sangkatauhan, pinatatawad ang kanilang mga kasalanan at pinagkakalooban sila ng sapat na awa at kagandahang-loob, ang sangkatauhan ay mas nagkakaroon ng pagkakataon na maligtas, tinatawag na mga nawawalang tupa na binili ni Jesus sa napakalaking halaga. Si Satanas ay hindi maaaring makialam sa gawaing ito, dahil pinakitunguhan ni Jesus ang Kanyang mga tagasunod na gaya ng pakikitungo ng isang mapagkalingang ina sa kanyang sanggol na nasa kanyang mga bisig. Hindi Siya nagtanim ng galit sa kanila ni hinamak man sila, ngunit Siya ay puno ng kaaliwan; hindi kailanman sumiklab ang Kanyang galit sa kanila, ngunit nagtiis sa kanilang mga pagkakamali at nagbulag-bulagan sa kanilang mga kahangalan at kamangmangan, anupat sinabi Niya, “Patawarin ninyo ang iba nang pitumpu’t pitong beses.” Kaya binago ng puso Niya ang puso ng iba, at sa ganitong paraan nakatanggap ng kapatawaran ang mga tao sa pamamagitan ng Kanyang pagtitiis.

Kahit na si Jesus, bilang Diyos na nagkatawang-tao, ay lubos na walang damdamin, lagi Niyang inaaliw ang Kanyang mga tagasunod, binibigyan sila, tinutulungan sila, at sinusustentuhan sila. Gaano man karaming gawain ang Kanyang gawin o gaano man karami ang paghihirap na Kanyang tiniis, hindi Siya kailanman humingi nang labis sa mga tao, ngunit laging matiyaga at matiisin sa kanilang mga pagkakasala, kaya sa Kapanahunan ng Biyaya Siya ay magiliw na kinilala bilang “Kaibig-ibig na Jesus na Tagapagligtas.” Sa mga tao nang panahong iyon—sa lahat ng mga tao—si Jesus ay mayroong kaawaan at kagandahang-loob. Hindi Niya kailanman tinandaan ang mga pagsalangsang ng mga tao ni hinayaan ang kanilang mga pagsalangsang na makaapekto sa kung paano Niya pakikitunguhan sila. Dahil iyon ay ibang kapanahunan, madalas Siyang magkaloob ng masaganang pagkain at inumin sa mga tao upang sila ay mangabusog. Pinakitunguhan Niya ang lahat ng Kanyang mga tagasunod nang may kabaitan, pinagagaling ang maysakit, pinalalayas ang mga demonyo, at binubuhay ang mga patay. Upang ang mga tao ay maniwala sa Kanya at makita na lahat ng Kanyang ginawa ay ginawa ng buong sigasig at katapatan, naglakbay Siya ng malayo upang buhayin ang isang naaagnas na bangkay, anupat ipinakita Niya na sa pamamagitan ng Kanyang mga kamay, kahit na ang patay ay muling mabubuhay. Sa gayon, tahimik Siyang nagtiis at ginawa ang Kanyang gawaing mapantubos. Bago pa man Siya ipinako sa krus, pinasan na ni Jesus ang mga kasalanan ng sangkatauhan at naging handog para sa kasalanan ng sangkatauhan. Binuksan na Niya ang daan patungo sa krus upang matubos ang sangkatauhan bago pa man siya ipinako. At sa huli ipinako Siya sa krus, isinakripisyo Niya ang Kanyang sarili para sa krus, at ipinagkaloob Niya ang lahat ng Kanyang awa, kagandahang-loob, at kabanalan alang-alang sa sangkatauhan. Patuloy Siyang nagpaparaya sa mga tao, hindi kailanman naghangad ng paghihiganti, ngunit pinatatawad sila sa kanilang mga kasalanan, pinapayuhan sila na magsisi, tinuturuan sila na magkaroon ng tiyaga, pagtitiis, at pagmamahal, upang sumunod sa Kanyang mga yapak at isakripisyo ang kanilang mga sarili alang-alang sa krus. Ang Kanyang pag-ibig para sa mga kapatid na lalaki at mga kapatid na babae ay mas higit pa kaysa sa pag-ibig Niya kay Maria. Ang prinsipyo ng Kanyang gawain ay upang pagalingin ang mga tao at magpalayas ng mga demonyo, lahat para sa kapakanan ng Kanyang pagtubos. Kahit saan Siya pumunta, pinakitutunguhan Niya ng may kabaitan ang mga sumunod sa Kanya. Ginawa Niyang mayaman ang mga mahihirap, pinalakad Niya ang mga pilay, nakakita ang mga bulag, at nakarinig ang mga bingi; Inanyayahan Niya ang pinakamababa at ang pinakasalat, ang makasalanan, na saluhan Siyang kumain, anupat hindi Niya sila nilalayuan, sa halip ay pagiging-matiisin, anupat sinabi Niya, “Kung ang isang pastol ay nawalan ng isa sa isang daan niyang mga tupa, iiwan niya ang siyamnaput-siyam upang hanapin ang nawawalang tupa, at kapag nakita niya ito ay lubos siyang magagalak.” Mahal Niya ang Kanyang mga tagasunod gaya ng pagmamahal ng isang inang tupa sa mga anak nito. Kahit na sila ay mangmang at ignorante, at mga makasalanan sa Kanyang paningin, at higit pa rito ay mga latak ng lipunan, nakita Niya ang mga makasalanang ito—na hinamak ng iba— na itinuring Niyang natatangi sa Kanyang mga mata. Dahil pinaboran Niya sila, ibinigay Niya ang Kanyang buhay para sa kanila, gaya ng isang kordero na inihandog sa altar. Sumama Siya sa kanila gaya ng isang lingkod, hinayaan Niya silang gamitin Siya at patayin Siya, at sumunod sa kanila nang walang pasubali. Para sa Kanyang mga tagasunod, Siya ay ang mapagmahal na Tagapagligtas na si Jesus, ngunit sa mga Pariseo na nagsermon sa mga tao mula sa matayog na tuntungan hindi Siya nagpakita ng kaawaan at kagandahang-loob, sa halip ay kinasuklaman at napoot Siya sa kanila. Hindi Siya gumawa ng ganoon karaming gawain sa mga Pariseo, paminsan-minsan lamang silang sermunan at sawayin; hindi Niya sila tinubos, ni nagpakita ng mga tanda at ng mga himala sa gitna nila. Inilaan Niya ang kanyang awa at kagandahang-loob sa Kanyang mga tagasunod, nagtitiis para lamang sa mga makasalanan hanggang sa katapusan ng Kanyang buhay nang ipinako Siya sa krus, tinitiis ang bawat kahihiyan hanggang sa lubos na Niyang matubos ang buong sangkatauhan. Ito ang kabuuan ng Kanyang gawain.

Kung wala ang pagtubos ni Jesus, ang sangkatauhan ay habambuhay na mabubuhay sa kasalanan, at magiging mga anak ng kasalanan, ang mga inapo ng mga demonyo. Kung iyon ay nagpatuloy, maninirahan sa mundo si Satanas at ang buong mundo ang kanyang magiging tahanan. Ngunit ang gawaing mapantubos ay nangangailangan ng awa at kagandahang-loob para sa sangkatauhan; sa pamamagitan lamang nito makatatanggap ng kapatawaran ang sangkatauhan at sa huli maging karapat-dapat na gawaing ganap at makamit. Kung wala ang yugtong ito ng gawain, ang anim-na-libong-taong plano sa pamamahala ay hindi man lang susulong. Kung si Jesus ay hindi ipinako sa krus, kung nagpagaling lamang Siya ng mga tao at nagpalayas ng mga demonyo, hiindi lubusang mapapatawad ang mga tao sa kanilang kasalanan. Ang tatlo at kalahating taon na ginawa ni Jesus ang Kanyang gawain sa lupa ay tinupad lang ang kalahati ng Kanyang gawaing mapantubos; at sa pamamagitan ng pagpapapako Niya sa krus at pagiging wangis ng makasalanang laman, sa pagbibigay sa Kanya sa masama, naisakatuparan Niya ang gawaing pagpapapako sa krus at sinupil ang tadhana ng sangkatauhan. Pagkatapos lamang nang ibigay Siya sa kamay ni Satanas natubos ang sangkatauhan. Sa loob ng tatlumput-tatlo at kalahating taon na nagdusa Siya sa lupa, Siya ay tinuya, siniraang-puri, at pinabayaan, anupat hindi binigyan ng mahihigan ang Kanyang ulo; walang lugar na mapagpapahingaan; at pagkatapos ay pinako Siya sa krus, ang Kanyang buong pagkatao—ang malinis at walang-salang katawan Niya—na ipinako sa krus, at nagdanas ng lahat ng uri ng pagdurusa. Tinuya Siya ng mga nasa kapangyarihan at Siya ay nilatigo, anupat dinuraan Siya ng mga sundalo sa Kanyang mukha; ngunit Siya ay nanatiling tahimik at nagtiis hanggang sa katapusan, sumunod Siya ng walang pasubali hanggang kamatayan, kung saan tinubos Niya ang sangkatauhan at sa gayon Siya ay hinayaang makapagpahinga. Kumakatawan lamang sa Kapanahunan ng Biyaya ang gawain ni Jesus; hindi ito kumakatawan sa Kapanahunan ng Kautusan at hindi kapalit para sa mga gawain sa mga huling araw. Ito ang diwa ng gawain ni Jesus sa Kapanahunan ng Biyaya, ang ikalawang panahon ng sangkatauhan—ang Kapanahunan ng Pagtubos.