Kabanata 2

Kasunod ng pagpasok sa bagong pamamaraan, magkakaroon ng mga bagong hakbang sa Aking gawain. Tulad sa kaharian, gagawin Ko nang tuwiran ang mga bagay-bagay sa pamamagitan ng pagka-Diyos, na nangunguna sa bawat hakbang ng daan, nang eksakto hanggang sa pinakamaliit na detalye, at ganap na walang anumang halong mga layon ng tao. Ang sumusunod ay isang balangkas ng mga paraan ng aktwal na pagsasagawa: Dahil nakamit nila ang titulong “mga tao” sa pamamagitan ng paghihirap at pagpipino, at dahil sila ang mga tao ng Aking kaharian, dapat Ko silang ipasailalim sa mahihigpit na kundisyon na ang mga pamantayan ay mas mataas kaysa sa mga pamamaraan ng Aking gawain sa naunang mga henerasyon. Hindi lamang ang realidad ng mga salita; ang mas mahalaga, ang realidad ng pagsasagawa. Dapat munang makamtan ang mga ito. Sa lahat ng salita at gawa, dapat nilang tugunan ang mga pamantayang kinakailangan sa mga tao ng kaharian, at sinumang magkasala ay dapat alisin kaagad, kung hindi ay maghahatid ng kahihiyan ang mga ito sa Aking pangalan. Gayunman, hindi kasama rito yaong mga mangmang na hindi makakita nang malinaw o makaunawa. Sa pagtatayo ng Aking kaharian, magtuon sa pagkain at pag-inom ng Aking mga salita, pagkilala sa Aking karunungan, at paghahanap ng patunay sa pamamagitan ng Aking gawain. Kung magbibigay-pansin ang isang tao sa mga aklat kaysa roon sa mga naglalaman ng Aking mga salita, siguradong ayaw Ko sa kanila; ang gayong mga tao ay mga kalapating mababa ang lipad na lumalaban sa Akin. Bilang isang apostol, hindi dapat tumigil sa tahanan ang isang tao nang napakatagal. Kung ginagawa niya ito, hindi Ko siya pipilitin, kundi iwawaksi at hindi Ko na gagamitin ang taong iyon. Yamang ang mga apostol ay hindi tumitigil sa tahanan nang matagal, gumugugol sila ng napakaraming oras sa iglesia para mapatibay. Kailangang makilahok ang mga apostol kahit sa isa lamang sa dalawang pagpupulong ng mga iglesia. Sa gayon, ang mga pagpupulong ng mga kamanggagawa (kabilang na ang lahat ng pagpupulong ng mga apostol, lahat ng pagpupulong ng mga lider ng iglesia, at lahat ng pagpupulong para sa mga banal na may malinaw na kabatiran) ay dapat maging madalas. Kahit ilan man lamang sa inyo ay dapat dumalo sa bawat pagpupulong, at dapat magtuon lamang ang mga apostol sa pagbabantay sa mga iglesia. Mas malalim na ngayon ang mga kinakailangan na dati-rating hiningi sa mga banal. Para sa mga nakagawa ng mga pagkakasala bago Ako sumaksi sa Aking pangalan, dahil sa kanilang debosyon sa Akin, gagamitin Ko pa rin sila pagkatapos Ko silang subukan. Gayunman, para sa mga nakagawa ng iba pang mga pagkakasala pagkatapos ng Aking patotoo subalit determinadong magpasakit para magsisi at magsimulang muli, kailangang manatili lamang ang gayong mga tao sa loob ng iglesia. Hindi pa rin sila maaaring maging pabaya at walang habas, kundi sa halip ay dapat maging mas mapagpigil sila kaysa sa iba. Tungkol naman sa mga hindi nagbabago ng ugali matapos Akong magsalita, agad silang lilisanin ng Aking Espiritu, at magkakaroon ng karapatan ang iglesia na isakatuparan ang Aking paghatol at itiwalag sila. Sigurado ito, at hindi na maaaring pag-isipan pa. Kung bumagsak ang isang tao sa oras ng paglilitis—ibig sabihin, kung umalis siya—walang sinumang dapat pumansin sa taong iyon, para maiwasang subukan Ako at tulutan si Satanas na pumasok nang galit na galit sa iglesia. Ito ang Aking paghatol sa gayong tao. Kung kumilos ang sinuman nang di-matuwid at dahil sa emosyon sa isang taong umalis, kung gayon hindi lamang ang taong umalis ang mawawalan ng kanilang pwesto, kundi pati rin ang isa pa, ay paaalisin mula sa pagiging kasama sa Aking mga tao. Ang isa pang tungkulin ng mga apostol ay ang magtuon sa pagpapalaganap ng ebanghelyo. Siyempre pa, magagawa rin ng mga banal ang gawaing ito, ngunit dapat silang maging matalino sa paggawa nito, at dapat umiwas na magpasimula ng gulo. Ang nabanggit ay ang kasalukuyang mga paraan ng pagsasagawa. Gayundin, bilang paalala, dapat kayong magtuon ng pansin na gawing mas malalim ang inyong mga sermon, upang lahat ay makapasok sa realidad ng Aking mga salita. Dapat ninyong sunding mabuti ang Aking mga salita, upang lahat ng tao ay maunawaan ang mga iyon nang malinaw at hindi malabo. Napakahalaga nito. Yaong mga kasama sa Aking mga tao na nagkikimkim ng mga ideyang magtaksil ay dapat itiwalag, at hindi dapat tulutang manatili nang matagal sa Aking sambahayan, kung hindi ay maghahatid sila ng kahihiyan sa Aking pangalan.

Pebrero 21, 1992

Sinundan: Kabanata 1

Sumunod: Kabanata 3

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito